Share

Chapter 74

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-26 20:50:30

Tahlia POV

Nagising ako na wala si Zain sa tabi ko. Napahinga ako ng malalim at napansin kong mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina. Hindi tulad kaninang madaling-araw na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit ng ulo ko. Siguro, nagsabay ang hang-over at ang pagkakatama ng ulo ko sa manibela ng sasakyan.

Pero, ngayon, okay na. Malaking tuloy pa rin ang ginawa ni Zain na pag-aalaga sa akin buong maghapon. Kung wala siya, baka hanggang ngayon ay liyo at nanlalata pa rin ako.

Pagbangon ko, napansin ko ang isang basong tubig sa lamesa malapit sa kama. Kinuha ko ito at agad na ininom. Malamig pa ang tubig kaya sigurado akong hindi pa ito matagal na nakalagay rito. Mukhang si Zain ang naghanda nito bago siya umalis. Napangiti ako sa simpleng bagay na iyon. Palagi na lang niyang naaalala ang maliliit na bagay para sa akin.

Pagkatapos kong uminom, lumabas na ako ng kuwarto namin ni Zain. Tahimik ang buong villa, maliban sa mahihinang ingay na nagmumula sa sala. Narinig ko ang bose
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
ano pa tahlia naiisahan kna ng dalawa hahah
goodnovel comment avatar
Sheilamae Litanon Cabañero
thanks sa udate next po🫶
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 75

    Zain POVHabang papalayo ako mula sa villa, ramdam ko ang lamig ng hangin na nagmumula sa dagat. Tahimik pa ang paligid, ngunit alam kong pagsapit ng gabi, mag-iiba ang itsura ng El Nido, iyon ang dinig ko kanina sa security guard sa villa ni Lola Flordelisa nung kausapin ko kanina.Lumabas ako ng villa kasi inutusan ako ni Lola Flordelisa na makahanap ng cake para sa yumao niyang asawa.Walang masyadong kasambahay sa villa, kaya ako na mismo ang nagprisinta. Hindi naman ako nagmamadali, kaya sinulit ko na rin ang pagkakataon para libutin ang lugar. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong magandang lugar kaya bawat oras, mas masarap na sulitin ko, lalo na kapag mag-isa lang akong gumagala ng ganito. Bukod pa roon, gusto ko ring makita kung anong klase ng nightlife meron ang El Nido,Palawan.Pagdating ko sa sentro ng El nido, bumungad agad sa akin ang makulay na mga ilaw mula sa iba’t ibang establisyemento. May mga bar na may malalakas na tugtog, mga restaurant na puno ng dayuhan at mga

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 76

    Zain POVPag-uwi ko sa villa, agad kong nilapag ang cake na pinabili ni Lola Flordelisa sa lamesa. Hinanap ko agad si Tahlia para sabihin ang plano ko. Dali-dali akong pumunta sa kuwarto naming dalawa at saka ko sinara ang pinto at ni-lock.Nakita ko siya na nakahiga sa kama, abala sa pagtingin sa cellphone niya. Nang makita niya ako, agad siyang bumangon at ngumiti. “Thank you for the lugaw earlier, Zain. You really take good care of me,” aniya nang mahina ang boses pero ramdam ko ang sincerity. Mukhang good mood na siya ngayon. “I feel a lot better now.”Napangiti ako. “Good. But we need to talk about something important.”Napakunot ang noo niya. “What is it?”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa gusto kong sabihin sa kaniya. “I saw Giyo talking to an event organizer. Nalaman ko na, he and Xamara are planning a surprise dinner tonight for your grandfather’s death anniversary. Kadarating palang natin dito sa El nido, nagpapasikat na agad silang dalawa sa lola mo.”Napataas ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 77

    Tahlia POVSaktong alas-siyete ng gabi nang dumating ang lahat ng order namin ni Zain. Nandito na ang unli seafood at samu’t saring fish dishes na sinadya naming ipaluto nang marami for lola. Dahil kay Zain, nalaman ko rin na talagang paborito ni lola ang puro fish na ulam.Naisip ko tuloy, siguro ay kaya ginawa ni lola ang magbigay ng mana sa amin ay para mapalapit kami sa kaniya, ngayon, unti-unti ko tuloy siyang nakikilala.Pagpasok ng mga staff na may bitbit na trays at kaldero ng pagkain, agad akong napatingin kay Xamara at Giyo. Halatang gulat na gulat sila. Napanganga si Xamara, habang si Giyo naman ay mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Pareho silang napatingin sa amin ni Zain habang nanlalaki ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.Lumapit si Xamara sa akin habang ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa akin na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.“What are you doing, Tahlia?” tanong niya na

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 78

    Tahlia POVPagkatapos ng mabigat na kainan ng hapunan, hindi tuloy ako makatulog. Pakiramdam ko, ang bigat ng tiyan ko, pero sa halip na antukin, para akong mas lalo pang nagising. Siguro ay dahil na rin maghapon akong tulog.Tahimik na ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang mahihinang tunog ng aircon.Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Tahlia. Hindi ko na kinailangang lumingon. Alam kong si Tahlia ‘yun. “Hey, let’s go out. Nightlife in El Nido?” bulong niya habang nakangiti ng may bahid ng kalokohan. “Reward mo na rin ito kasi ang galing mo sa naging plano natin,” dagdag pa niya.Napangiti ako. “Now? Seriously?”She grinned. “Come on, you’re not sleepy either, right? Let’s make this night fun.”Kaya heto kami, pasimpleng lumabas ng villa habang siniguradong walang magigising. Ramdam ko ang excitement sa kaniya, pati na rin ang anticipation ko sa kung ano ang mangyayari ngayong gabi.Unang stop namin ay isang bar na may overlooking view ng dagat. Kahit gabi na, may

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 79

    Tahlia POVNapakunot ang noo ko nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Pagkakita ko, binti pala ni Zain na mahimbing na natutulog. Papaluin ko sana siya pero napahinto ako kasi ayokong maging bastos. Naalala ko, sobra-sobrang effort ang nagawa niya kahapon kaya hindi niya deserve ang bastusin sa masarap na pagtulog niya.Kaya naman dahan-dahan kong tinanggal ang binti niya sa tiyan ko at saka ako bumangon. Tumuloy ako sa banyo at saka nagbawas ng tubig.Paglabas ko ng kuwarto nakita ko sa sala sina Lola Flordelisa, Xamara at Giyo, nag-uusap. Nang makita ako ni Xamara, para bang nagniningning ang mga mata niya. Mukhang aandar na naman ang pagkabuwisit niya sa araw ko ngayon. Alam kong may binabalak na naman siya.“Tahlia, come here!” tawag niya, overly cheerful na parang sobrang close namin. Kung wala lang dito si lola, baka nairapan ko na naman siya.Dahil nandiyan si Lola, wala akong choice kundi lumapit at sumundo sa kabuwisitan niya. Bago pa ako makapag

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 80

    Tahlia POVPagdating namin sa private yatch na inarkila ni Giyo, kanya-kanya kaming pasok sa mga kuwarto. Malaki ang yate, sapat para sa aming lahat.Ang isang kuwarto ay para kay Lola Flordelisa, na siyempre, dapat solo niya para komportable siya. Ang isang kuwarto naman ay kay Giyo at Xamara, na obvious namang gustong magkapiling buong biyahe. Samantalang ang isang kuwarto, ay para sa akin at kay Zain.Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Zain, agad kong inasikaso ang mga outfit na dinala ko. Kailangang ready ako sa kahit anong mangyari sa trip na ‘to, lalo na’t kasama ko ang pinakamalupit na plastik queen, si Xamara. Alam kong may mga plano na naman ‘to para i-angat ang sarili niya, pero hindi ako papayag na siya ang maging bida sa trip na ‘to.Habang abala ako sa pag-aayos ng mga swimsuit at cover-ups ko, si Zain naman ay tahimik na nasa terrace ng kuwarto namin, nakatingin sa malawak na dagat ng El Nido.Ang cute niyang tignan sa pagiging ita sa pagtingin sa buong paligid, kitang-ki

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 81

    Zain POVMalamig pa ang hangin nang magsimula kaming maglakbay papunta sa aming unang isla sa El Nido. Ang sikat ng araw ay hindi pa masyadong masakit sa balat at ang tubig sa paligid ay parang kristal na sumasalamin sa bughaw na kalangitan kaya panay ang titig ko tuloy sa tubig.Inutusan na ako ni Tahlia na pahiran siya ng sunblock sa katawan niya, at habang ginagawa ko iyon ay nanggaya na rin si Xamara, narinig namin ni Tahlia na inutusan na rin niya si Giyo na lagyan siya ng sunblock.Pagkatapos, ako naman ang nilagyan ni Tahlia kahit ayaw ko naman. Mapilit siya, siguro ay para maka-tanching sa abs ko. Habang nilalagyan niya ako, nakikita ko na parang inaasar niya ng tingin si Xamara. Ang mag-pinsang ito ay mukhang wala ng pag-asang maging sweet at okay. Parang aso at pusa.“This is going to be a fun day, right?” tanong ni Tahlia habang nakangiti sa akin.“Of course. And I’ll make sure you enjoy every bit of it,” sagot ko sabay hawak sa kamay niya. Start na naman ng mga pa-sweet ac

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-28
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 82

    Zain POVSa wakas, matapos ang tatlong magkasunod na isla na pinuntahan namin, nagdesisyon kaming lahat na magpahinga at mananghalian sa Umbrella Island, isa sa pinakamagandang isla din dito sa El Nido, Palawan.Habang bumababa ako mula sa yate, naamoy ko na agad ang halimuyak ng pagkaing ipinahanda ni Lola Flordelisa. Kumakalam na rin ang sikmura ko, kaya naman hindi ko na maitago ang pananabik na makakain ng lunch.Sa isang malaking lamesa, nakalatag na ang iba’t ibang putahe…inihaw na isda, adobong pusit, sinigang na hipon at isang malaking bilao ng sariwang prutas.“Lola, let me get you some food!” masayang alok ni Tahlia habang inaayos ang plato ng matanda.“Oh no, Lola, let me do it! I know what you like,” singit naman ni Xamara, na may halong pang-aasar kay Tahlia. Tinignan pa niya nang nakangiti si Tahlia. Nakakatawa kasi parang hindi nagugutom ang mga ito, nasa mood pa rin silang magpaligsahan.Nagtagisan pa rin ang dalawa sa pag-alok ng pagkain kay Lola Flordelisa. Panay ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-28

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 119

    Zain POVHabang tumatagal, nagiging normal lang ang trabaho ko rito sa mall ni Tahlia. Meetings, reports at usual na routine sa opisina. Tumatawag pa ako kay mama kapag free time para itanong kung kumain na siya kung anong ginagawa niya at kung ayos lang ba siya sa manisyon. Ganito na ka-chill ang buhay ko ngayon.Pero maya maya lang, nawala ako sa focus dahil sa anonymously message na natanggap ko.“Alam ko ang ginagawa mo. Alam kong may tinatago kang tao. Alam ko ang secret place ninyo.”Hindi ko alam kung sino ito kasi galing iyon sa isang anonymous account, walang profile picture, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Nag-init tuloy ang ulo ko. Hindi ito maganda. Posible bang may nakakita sa amin ni Boyong? Imposible. Sobrang ingat pa naman namin palagi.Ilang beses na naming sinigurado na walang nakasunod sa amin tuwing pumupunta kami sa bahay na ‘yon. Pero ngayon, tila may isang pares ng matang palihim na nakamasid sa amin.“Sir Zain? Are you okay lang po ba?”

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 118

    Tahlia POVNapuno ng tawanan at masasayang kwentuhan ang loob ng Korean restaurant habang nagkakasama kami ng mga matatalik kong kaibigan na sina Lisa, Jenn, Rosalia at Jisso. Sa gitna ng mainit na usapan, hindi maiwasang mapunta ang topic namin sa nalalapit kong kasal kay Zain.“Girl, I swear, you and Zain are literally a match made in heaven!” sigaw ni Lisa habang naglalagay ng samgyupsal sa kanyang grill.“He’s super hot and yummy! Like, Tahlia, girl, paano mo nakuha ‘yon?” dagdag ni Jisso na may nakakalokong ngiti. Ang alam ko nga, naging crush niya si Zain. Mahilig kasi siya sa malaki ang katawan.Napatawa ako sa kanila. Wala na talagang inatupag ang mga ito kundi kiligin para sa akin. Totoo naman, hindi lang si Zain kaakit-akit sa panlabas, kundi pati na rin sa kung paano niya ako pahalagahan. At palagi ko iyong kinukuwento sa kanila sa group chat namin.“You guys are exaggerating,” natatawa kong sabi. “But yeah, I’m lucky. He’s not just good-looking, he’s also kind. Mahal na ma

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 117

    Tahlia POVHabang nasa loob ako ng opisina ko rito sa mall, abala ako sa pagbubusisi ng ilang papeles nang biglang bumukas ang pinto. Napataas ang isang kilay ko ng makita ko ang bruhang magulang ng ex-boyfriend kong si Axtopn. Ang dating matalim na tingin ni Mama Toni ay hindi ko kailanman malilimutan, lalo na ng saktan niya ako. Ngayon, heto siya, nasa harapan ko, pero hindi na ako ang dating Tahlia na nagpapakatanga sa kanila. Hindi na ako ang Tahlia na dating magalang pa para makisama sa kanila.“Tahlia,” mahinahong bungad niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Ano na naman kayang problema nito? “Have you seen Axton? He’s been missing for days.”Napataas ang kilay ko ulit, hindi na ako nag-abala na magkunwaring nag-aalala. Simula nang tratuhin ako ni Mama Toni na parang wala akong halaga, nawalan na rin ako ng respeto sa kaniya. Napa-cross ako ng arm ko at pinagmasdan siyang mabuti.“Karma niya yan,” malamig kong sagot. “A cheating bastard and a liar like him deserves wha

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 116

    Zain POVPagkalabas ko ng mansiyon, diretso na ako sa secret place kung saan namin ikinulong si Axton. Ang secret place na sikretong binili ni Axton kaya kahit ang pamilya at asawa niya ay hindi alam ang tungkol doon.Mabilis akong nagmaneho ng motor na kakabili ko lang kahapon, ramdam ko ang malamig na simoy ng umaga habang binabagtas ko ang kalsada. Nang makarating ako sa secret place, bumungad sa akin si Boyong na nakasandal sa pader, nagyo-yosi ito. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkainip.“Napakain ko na ‘yung hayop na ‘yon,” aniya habang inilalabas ang usok mula sa bibig niya. “Pero nag-iinarte pa rin, panay ang reklamo. Ayaw daw niya ng pagkaing niluluto ko, parang pagkain daw ng baboy,” dagdag pa ni Boyong kaya natawa ako.Hindi ako sumagot. Dumiretso akong pumasok sa loob at binuksan ang pintong bakal ng kuwarto kung saan nakakulong si Axton. Nang bumungad siya sa akin, napansin kong medyo humupa na ang maga sa mukha niya, pero kita pa rin ang mga bakas ng sugat. Hindi na siy

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 115 (SPG)

    Zain POVNakahiga na kami ni Tahlia sa malambot naming kama sa loob ng aming kuwarto. Nakapikit na si Tahlia, ngunit hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.Alam kong hindi biro ang pagpayag niyang isama ang mama ko rito sa Lux City. Hindi ko man ito nasabi sa kaniya nang harapan kanina, pero sobrang laking bagay nito para sa akin. Kaya ngayong magkatabi na kami sa kama, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya mula sa likod.“Tahlia…” mahina kong bulong habang hinahaplos ang braso niya. Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya at tumingin siya sa akin.“Hmm?”“Thank you... for letting my mom stay here. It means a lot to me.”Napangiti siya at inilapit ang mukha niya sa akin. “Of course, Zain. You don’t have to thank me for that. Mas mabuti nga na nandito siya kaysa kung saan-saan siya nagpupunta at napapagod.”Mas lalo akong napangiti. “Still, you didn’t have to, but you did. That’s why I

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 114

    Tahlia POVPagkagising ko ng ala una ng hapon, naisipan kong maghanda ng merienda para sa mama ni Zain. Alam kong pagod ito mula sa biyahe at sa hospital check-up, kaya gusto kong iparamdam na welcome siya sa bahay na ito. Isa pa, masaya ako na makakasama namin siya, lalo na’t gusto kong mapalapit sa kaniya. Hindi lang dahil sa magiging biyenan ko siya kundi dahil alam kong mahalaga siya kay Zain.Pinaalalahanan ko ang mga kasambahay na siguraduhin na malinis at maaliwalas ang room na para sa kanya. Gusto kong maging komportable siya sa bagong paligid dito sa mansiyon.Kasabay noon, inutusan ko rin ang mga kusinera na maghanda ng masasarap na pagkain para sa merienda. Alam kong simple lang ang nakasanayan ng mama ni Zain, kaya gusto kong ipakita sa kaniya na welcome siya dito nang hindi siya maiilang.Habang abala ang lahat sa paghahanda, naisipan kong umupo sandali sa terrace at mag-isip. Hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Calia. Mas lalo kong nararamdaman na hindi ito titigil h

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 113

    Zain POVPagkatapos naming umalis mula sa mansiyon ni Lola Flordelisa, agad akong nagpaalam kay Tahlia na uuwi muna ako sa amin. Kailangan kong samahan si Mama sa ospital para sa kanyang check-up. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong hinahapo siya ng hininga at hindi ako mapalagay. Wala rin si Boyong ngayon, nag-day off siya mula sa pagbabantay kay Mama. Magbi-birthday kasi ang mama niya at gusto niya itong ilabas para makapag-relax muna sila. Isa pa, ilang araw ng pagod si Boyong sa pagbabantay nito sa bihag nilang si Axton.At dahil good mood si Tahlia dahil sa pagkapanalo namin sa mana ni Lola Flordelisa, agad naman siyang pumayag.“Of course, Zain. You need to do that. Family comes first,” sagot ni Tahlia nang sabihin ko ang plano kong gawin ngayong tanghali. “Mahalaga ang buhay ng mama mo, kaya, sige, ipa-check up mo na siya para makita kung anong problema,” dagdag pa niya.Kaya nung pumasok na siya sa mansiyon namin, naiwan ako sa kotse para naman tumuloy na sa bayan namin

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 112

    Zain POVPagdating namin sa mansiyon ni Lola Flordelisa, dama ko na agad ang bigat ng hangin sa loob ng bahay na para bang may mainit na anunsyo na naman ito para sa lahat.Pagpasok palang namin sa loob, tahimik ang lahat na parang may hindi magandang mangyayari. Pero alam kong sa amin ni Tahlia ay wala kasi alam kong mas boto si Lola Flordelisa sa amin. Tinignan ko si Tahlia, ramdam ko na parang kabado siya. Kanina, nung nasa kotse kami, naisip niya na baka nabuko na kami ni Lola, na baka alam na niyang mahirap lang daw ako at hindi talaga nakatira sa ibang bansa. Pero hindi ako natakot o kinabahan dahil alam kong matagal ng alam ni Lola ang lahat ng tungkol sa akin o sa amin ni Tahlia.“Sit down, all of you,” seryosong utos ni Lola Flordelisa sa amin.Umupo kami sa mahabang dining area. Si Xamira, halatang hindi mapakali, habang si Giyo naman ay pinipilit panatilihin ang ngiti sa labi niya. Ako, nanatili lang sa tabi ni Tahlia, hinihintay ang kung ano mang i-a-announce ni Lola.“I g

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 111

    Zain POVNnagising ako nang maramdaman kong wala na si Tahlia sa tabi ko. Natulog kaming gutom, hindi nagkikibuan at halos magkalayo sa kama.Agad akong lumingon sa tabi ko, pero wala na talaga siya. Hindi rin ako nakakarinig ng tunog ng shower mula sa banyo. Alam kong hindi ito maganda, na hanggang ngayon, hindi kami nagkikibuan. Hindi pa kami tuluyang mag-asawa pero may ganitong eksena na agad.Bumangon ako, naghilamos at bumaba sa dining area. Nasa lamesa pa ang breakfast na inihanda ni Manang, pero isa lang ang set ng plato. Wala si Tahlia. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na siya naabutan bago siya umalis papuntang trabaho. Hindi rin niya ako hinintay na mag-breakfast. Talagang seryosong galit siya.Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko sinasabi na wala na sina Calia sa bahay namin. At kung gusto kong bumalik sa dati ang lahat, kailangan kong gumawa ng paraan. At ngayong araw, aayusin ko na agad ito.Habang nag-aalmusal ako, agad kong tinawagan si Boyong. “Tol, kailanga

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status