Zain POVPauwi na kami ni Tahlia galing sa mansiyon ni Lola Flordelisa at ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan niya ngayon. Tahimik si Tahlia, pero alam kong hindi ito ang tipong katahimikan na nagpapahiwatig na dapat akong mapanatag. Sigurado akong may kinalaman ang katahimikan niya sa nangyaring pagkatalo ko kanina kay Giyo. Alam kong gigil na gigil siya sa akin, pero wala siyang sinasabi pa. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman at mahalata ang kinikilos niya ngayon.Maya maya pa, hindi na siya nakapagtimpi. “You were so slow, Zain. Like, seriously? How could you let Giyo win? Ang usapan ay gagalingan mo palagi, pero anong nangyari?!” mataray niyang sabi, sabay irap. Napakatalim bigla nang mga tinginan niya sa akin.Napangiti ako sa loob-loob ko, pero hindi ko ipinakita. Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpakatalo. “Don’t worry, I’ll make it up next time,” sagot ko na lang.“Next time? Next time?” ulit ni Tahlia, sabay turo sa sarili. “Do I look like
Tahlia POVMadaling-araw pa lang ay umalis na ako sa mansiyon, hindi na ako nagpaalam kay Zain kasi alam kong natutulog pa iyon ng ganitong oras. Saka, alam ko namang uuwi rin siya ngayong araw dahil day off niya sa pagiging pekeng boyfriend ko. Deserve niya naman umuwi sa kanila paminsan-minsan dahil alam ko namang mapagmahal siya sa mama niya.Isa pa, hindi naman kailangang galingan palagi sa acting-an namin. Kailangan kong makapagpahinga, makapag-isip at higit sa lahat, maglibang. Lalo na ngayong single na ako. Oras na para tuparin ko ang kagustuhan kong magpaka-wild na. Wala e, hilaw pa masyado si Zain, ayoko nang nabibitin ako.Nagpasya akong sumama sa bonding ng mga kaibigan ko. Sina Lisa, Jenn, Rosalia, Jisso—lahat sila, ready daw akong pasayahin. Kanina pa kami bumibiyahe pero base sa daan na nakikita ko ay mukhang alam ko na kung nasaan na kami.“Tahlia, we are going to Baguio. You need fresh air, a change of scenery, and a little bit of retail therapy,” sabi ni Lisa, ang may
Zain POVSa wakas, nakauwi na ulit sa Lopez Jaena Town. Makakapag-day off na rin si Boyong ulit.“Diyan na lang po sa may tapat ng bahay,” sabi ko sa tricycle driver pagtapat namin sa harap ng bahay namin. Inabot ko na ang bayad ko sa kaniya bago ako bumaba.Namasahero lang ako ngayon kasi walang driver sa manisyon, hindi manlang nagpaalam ang bruhang si Tahlia na maaga palang umalis sa manisyon kaninang madaling-araw.Pagkapasok ko sa bahay namin dito sa Garay Street, dumiretso na agad ako sa kuwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto, baka kasi may biglang sumulpot na tao o mas malala, baka may makakita sa akin.Wala sina Mama at Boyong. Bago mag-day off si Boyong, sinamahan muna niya si mama na magpa-check up sa ospital kasi araw ng check up niya ngayon.Nang makapasok ako sa kuwarto ko, agad kong ni-lock ang pinto.Day off? Ha! Kung alam lang ni Tahlia. Wala akong time mag-relax ngayon. May mas mahalagang misyon ako ngayon, ang hindi na ulit mapahiya sa kama.Huminga ako
Tahlia POVPagmulat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Pumikit ako saglit at bumuntong-hininga. Nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko, may kung anong mahigpit na nakatusok doon. Naramdaman ko ang malamig na bakal at ang pagkakadikit ng tape sa balat ko. Naka-dextrose pala ako.Napakunot ang noo ko. Nasaan ba ako?Napatingin ako sa paligid. Puting kisame. Puting kurtina. Amoy gamot. Tiningnan ko ang sarili ko, nakasuot ako ng manipis na hospital gown.A hospital? What the hell happened?Nang igalaw ko ang ulo ko, doon ko napansin ang lalaking nakasandal sa dingding malapit sa kama ko. Nakapikit siya, mukhang natutulog, pero halata ang pagod sa mukha niya.Ang hayo na si Axton, nandito at siya ang nadala sa akin sa ospital.Biglang bumalik sa akin ang lahat—ang bar, ang galit ko nang makita ko siya, ang pagmamadali kong umalis at ang aksidenteng bumangga ako sa isang sasakyan.So, he took me here nga?Ang bilis na pumatong ng galit sa dibdib ko. He had no righ
Tahlia POVMaliwanag na sa labas, at mula sa bintana ng silid ko rito sa guest room ng villa nila Lisa ay natanaw ko ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang banayad na pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Sa tabi ng kama, nakahanda na ang aking mga gamit, maayos na nakasalansan sa loob ng maleta. Tapos na akong mag-empake, pero ‘yung antok at sakit ng ulo ko, damang-dama ko pa rin.Bago ako umalis, bumaba muna ako sa dining area upang makisalo sa almusal. Nandoon sina Lisa at ang iba pa naming kaibigan, tahimik na kumakain, pero ramdam ko ang lungkot sa kanilang mga mukha. Malamang ay naikuwento na ni Lisa sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Hindi ko na rin itinanggi nang mag-usisa sila, pero hindi ko na rin idinetalye pa. Alam ko namang kahit hindi ko sabihin, nararamdaman nila ang bigat na dinadala ko ngayon.“So, you’re really leaving?” tanong ni Jenn, ang isa sa mga kaibigan namin, habang kinakalikot ang pagkain sa plato niya.“I don’t
Zain POVAng biyahe namin ni Tahlia papunta sa mansiyon ni Lola Flordelisa ay tahimik. Kapwa kami walang imik ni Tahlia, ngunit sa loob-loob ko, hindi maalis sa isip ko ang tawag ni Axton sa akin nung isang araw. Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin sinasagot ang tawag at message niya. Hindi ko pa rin binabasa ang mahahabang mensahe niya. At wala rin akong balak na gawin iyon kaya pinagbubura ko agad nang hindi binabasa.Para saan pa?Pareho niya kaming niloko ni Tahlia. Pareho kaming ginawang tanga. At kung nagawa niyang pagsinungalingan si Tahlia tungkol sa kung ano mang kuwento ng buhay niya, anong kasiguraduhan ko na hindi niya rin ako niloloko?Naisip ko, baka nga pati ang nangyaring aksidente sa kanya ay peke at gawa-gawa lang niya.Hindi ko kailangan ng paliwanag niya.Tumingin ako kay Tahlia na nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa mukha niya at kahit halatang hindi siya okay dahil sa naging aksidente niya, pilit niyang i
Tahlia POVMalamlam pa ang paningin ko nang maramdaman ko ang bahagyang tapik ni Zain sa aking balikat.“Tahlia, wake up. We’ve landed in El Nido,” malambing na sabi sa akin ni Zain para siguro hindi ako mabigla, takot din siguro siya na mapagalitan ko. Minsan, nakakakunsensya tuloy na palagi siyang nasusungitan.Dahan-dahan akong bumangon habang pilit na nilalabanan ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Napansin ko agad kung paanong inilahad ni Zain ang kaniyang kamay upang alalayan ako. Hindi ko na rin tinanggihan pa at alam ko naman na nag-e-effort siya para alagaan ako.“Slowly, baka mahilo ka,” dagdag pa niya, kasabay ng maingat niyang paghawak sa aking braso. Nang makatayo ako nang maayos, iniabot niya sa akin ang isang bottled water.“Drink first. You need to hydrate.”Hindi ako nakatanggi. Pakiramdam ko nga parang disyerto na ang lalamunan ko. Isang mahabang lagok ang ginawa ko kasi gusto ko rin talagang uminom ng tubig at doon, ramdam ko ang paggaan ng aking dibdib. Nakangi
Zain POVHabang mahimbing ang tulog ni Tahlia sa loob ng bedroom namin, nagpasya akong lumabas ng villa. Wala rin naman kasing ibang tao sa loob, lahat ay tulog, kung may gising ay tanging mga kasambahay at mga security guard.Tinawag ko ang isang kasambahay. Tinanong ko kung saan makikita ang dagat. Tinuro naman niya kung saan kaya alam ko na kung saan ako pupunta.Hindi pa naman ako inaantok, at sayang ang oras kung mananatili lang ako sa loob. Ayoko rin namang maistorbo si Tahlia.Nang makarating ako sa likod ng villa, saglit akong natigilan at napangiti dahil sa nakita ko.OH SHIT!Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang dagat. Oo, sa Lux City, may dagat din, pero hindi ito tulad ng nasa El Nido. Ang tubig dito ay mala-kristal sa linaw, at ang mga isla sa background ay nagbigay ng surreal na tanawin. Para itong isang pekeng painting sa paningin ko pero alam kong totoo.Kinuha ko ang cellphone ko at agad na kumuha ng ilang larawan. Sinigurado kong makunan ko
Xamira POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos akong mananghalian. Halos kakaunti lang ang nakain ko dahil sa hang-over. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang bakanteng upuan sa tapat ko. Wala na naman si Kalix. Pero sa isip-isip ko, baka doon na naman siya tumambay sa ilalim ng malaking puno ng santol, sa paborito niyang tambayan tuwing hapon. Ganoon siya kapag walang trabaho, nagre-relax, lalo na ngayon, kapag tanghali at tirik ang araw, mainit talaga sa loob ng bahay kubo.Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagpalit ako ng damit—‘yung manipis lang na damit pambahay pero disente pa rin tignan, ‘yung parang hindi sinasadya pero mukhang pinaghandaan, ganun! Nilagyan ko pa ng konting pulbo ang leeg at pisngi bago lumabas ng bahay-kubo dahil pawisan na rin talaga ako.Paglabas ko ng bahay at pagdating ko sa tambayan niya, tama nga ako. Nandoon siya sa ilalim ng santol, nakaupo sa isang kahoy na bangkong gawa sa troso, may hawak na basong plastik na may buko juice. Halatang
Xamira POVTanghaling tapat na pala.Pagdilat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang kirot na parang humahati sa sentido ko. Ang bigat ng ulo ko ngayon na para bang may mga bakal na nakapatong sa sentido at batok ko. Masarap ‘yung tuba na ininom namin pero grabe naman pala kalala ang hangover kinabukasan.Sumandal ako sandali sa dingding ng kubo. Pakiramdam ko tuloy ay parang umiikot pa ang paningin ko. Masyado ata akong nalasing kagabi.Dahan-dahan akong tumayo, grabe talaga, pakiramdam ko ay dagat ako ng isla lalia na umaalon. Paglabas ko ng kuwarto ko, tiningnan ko ang paligid ng maliit kong bahay-kubo, gulo-gulo ang mga kagamitan, dahil siguro sa kalasingan at pagewang-gewang kong paglalakad kagabi.Umiling-iling ako habang sapo-sapo pa rin ang ulo kong masakit.“Kailangan ko ng tubig,” bulong ko sa sarili ko kasi ramdam kong nanunuyot na ang lalamunan ko.Dali-dali akong pumunta sa may lalagyan ng tubig. Kinuha ko ang lumang pitsel, nilagok ang tubig na para bang iyon ang magli
Kalix POVTangina. Konti na lang. Konting-konti na lang talaga.Ramdam ko pa sa palad ko ang init ng balat ni Xamira. Nakahiga na siya sa banig sa loob ng bahay kubo niya, nakaangat ng bahagya ang kumot at aninag ko sa ilalim ng buwan ang kurba ng katawan niya. Sobrang lapit na. Magtatanggal na dapat ako ng saplot. Dinig na dinig ko kung paano niya ako hinamon, kung paano siya nagyabang kung ilang round ang gusto niya kaya nademonyo na rin ako.Pero tangina talaga. Ayos na e, may dumating lang ng epal.“Kalix!”Parang may sumabog sa pagitan naming dalawa. Literal na napabalikwas ako nang biglang lumitaw si Buknoy sa labas ng bahay kubo ni Xamira, hawak-hawak ang ulo niya at hingal na hingal. “Pre, nakalimutan ko pala ‘yung ulam na iuuwi kay Nanay!”Nanlamig ang pakiramdam ko nun, patayo pa naman na sana ang pagkalalakë ko at malapit na akong maghubad, pero tangina talaga, dumating pa itong si Buknoy na ang dahilan lang ay ang naiwan niyang ulam.Napatingin ako kay Xamira. Napapangisi
Kalix POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito kainit ang gabi. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa samahan. Habang hinahanda ko ang harapan ng bahay kubo namin para sa magiging inuman ngayong gabi, ramdam ko na ang saya sa paligid. Napatingin ako sa isang lamesa, nag-uumpisa nang uminom sina Tatay Felix at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at nagkakasiyahan na sila. Dapat nga ay kanina pa kami nag-uumpisang uminom, na-late lang kasi tinulungan ko pa si nanay na maglipit ng mga kalat, tapos nag-ugas pa kami ng mga pinggan.Nilabas ko na rin ang tubang alak ng tatay ko. Gawa ‘yon mula sa pinakamasarap na niyog dito sa Isla Lalia at kahit simpleng inumin lang ito sa paningin ng iba, para sa amin, ito ang tanda ng tunay na selebrasyon. Hindi puwedeng walang alak kapag may kasiyahan.Naupo na kami sa harapan—ako, sina Buchukoy, Buknoy, Tisay at siyempre, ang dalawang mortal na hindi puwedeng pagtabihin ng matagal—sina Catalina at Xamira. Pero dahil okasyon ito
Xamira POVExcited akong bumangon ngayong umaga dahil alam kong may okasyon ngayon. Paglabas ko ng kubo, tila nahuli na ata ako sa paggising kasi nag-uumpisa na pala silang gumalaw at maghanda.Doon, nakita ko sina Mang Felix, Kalix at Buchukoy na abala sa pagkatay ng mga manok sa gilid. Nakataas ang sando ni Kalix, pawis ang noo at seryoso ang tingin sa hawak niyang manok na pinupulasan na ng dugo. Nakakainis kasi ang hot tignan ni Kalix kahit na pawisan. Ang laki ng katawan niya. Naniniwala rin talaga ako na isa si Kalix sa pinaka-hot sa islang ito. Kaya nga baliw na baliw sa kaniya ang gagang si Catalina.Si Mang Felix naman, kahit may edad na, mabilis pa rin ang kilos. Tawa siya nang tawa habang nakikipagbiruan kay Buchukoy. Kahit ako naman, kapag si Buchukoy at Buknoy ang kasama, hindi puwedeng ‘di ka hahagalpak ng tawa.“Happy birthday po, Mang Felix!” bati ko, sabay abot ko sa kaniya ng malaking pakwan at pinya na binili ko talaga kahapon sa palengke. Natanong ko kasi kay Tisay
Xamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri