Tahlia POVNung umalis sina lola kasama sina Zain at Giyo para isama sa gilid ng manisyon para mamitas ng mga prutas, naupo muna ako rito sa sala habang naghihintay sa kanila. Hindi na ako sumama at tirik ang sikat ng araw doon. Bukod doon, madamo pa doon at tiyak na mangangati lang ang mga hita ko.Ngayong may time akong tumunganga, naisip kong i-block na si Axton sa lahat ng social media account ko, pati na rin sa phone number ko. Pati ang mama at papa niya, dinamay ko na rin para wala na akong update sa kanila. Kasama ito sa pagmu-move on ko kasi habang nakikita ko ang mga post nila, lalo lang akong mapopoot sa kanila.Ang totoo, may plano ako. Ngayong pare-pareho nila akong niloko, humanda sila kapag napasakamay ko na ang sampung bilyong piso na mana ko. Lahat ng business nila, pababagsakin ko.Sakto namang tapos na akong mag-cellphone nang lapitan ako ni Xamara.“Tahlia, want some? I brought this just for you,” sabi niya, ngumiti pa na parang ang bait-bait. Kairita, hindi talaga
Zain POVPauwi na kami ni Tahlia galing sa mansiyon ni Lola Flordelisa at ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan niya ngayon. Tahimik si Tahlia, pero alam kong hindi ito ang tipong katahimikan na nagpapahiwatig na dapat akong mapanatag. Sigurado akong may kinalaman ang katahimikan niya sa nangyaring pagkatalo ko kanina kay Giyo. Alam kong gigil na gigil siya sa akin, pero wala siyang sinasabi pa. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman at mahalata ang kinikilos niya ngayon.Maya maya pa, hindi na siya nakapagtimpi. “You were so slow, Zain. Like, seriously? How could you let Giyo win? Ang usapan ay gagalingan mo palagi, pero anong nangyari?!” mataray niyang sabi, sabay irap. Napakatalim bigla nang mga tinginan niya sa akin.Napangiti ako sa loob-loob ko, pero hindi ko ipinakita. Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpakatalo. “Don’t worry, I’ll make it up next time,” sagot ko na lang.“Next time? Next time?” ulit ni Tahlia, sabay turo sa sarili. “Do I look like
Tahlia POVMadaling-araw pa lang ay umalis na ako sa mansiyon, hindi na ako nagpaalam kay Zain kasi alam kong natutulog pa iyon ng ganitong oras. Saka, alam ko namang uuwi rin siya ngayong araw dahil day off niya sa pagiging pekeng boyfriend ko. Deserve niya naman umuwi sa kanila paminsan-minsan dahil alam ko namang mapagmahal siya sa mama niya.Isa pa, hindi naman kailangang galingan palagi sa acting-an namin. Kailangan kong makapagpahinga, makapag-isip at higit sa lahat, maglibang. Lalo na ngayong single na ako. Oras na para tuparin ko ang kagustuhan kong magpaka-wild na. Wala e, hilaw pa masyado si Zain, ayoko nang nabibitin ako.Nagpasya akong sumama sa bonding ng mga kaibigan ko. Sina Lisa, Jenn, Rosalia, Jisso—lahat sila, ready daw akong pasayahin. Kanina pa kami bumibiyahe pero base sa daan na nakikita ko ay mukhang alam ko na kung nasaan na kami.“Tahlia, we are going to Baguio. You need fresh air, a change of scenery, and a little bit of retail therapy,” sabi ni Lisa, ang may
Zain POVSa wakas, nakauwi na ulit sa Lopez Jaena Town. Makakapag-day off na rin si Boyong ulit.“Diyan na lang po sa may tapat ng bahay,” sabi ko sa tricycle driver pagtapat namin sa harap ng bahay namin. Inabot ko na ang bayad ko sa kaniya bago ako bumaba.Namasahero lang ako ngayon kasi walang driver sa manisyon, hindi manlang nagpaalam ang bruhang si Tahlia na maaga palang umalis sa manisyon kaninang madaling-araw.Pagkapasok ko sa bahay namin dito sa Garay Street, dumiretso na agad ako sa kuwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto, baka kasi may biglang sumulpot na tao o mas malala, baka may makakita sa akin.Wala sina Mama at Boyong. Bago mag-day off si Boyong, sinamahan muna niya si mama na magpa-check up sa ospital kasi araw ng check up niya ngayon.Nang makapasok ako sa kuwarto ko, agad kong ni-lock ang pinto.Day off? Ha! Kung alam lang ni Tahlia. Wala akong time mag-relax ngayon. May mas mahalagang misyon ako ngayon, ang hindi na ulit mapahiya sa kama.Huminga ako
Tahlia POVPagmulat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Pumikit ako saglit at bumuntong-hininga. Nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko, may kung anong mahigpit na nakatusok doon. Naramdaman ko ang malamig na bakal at ang pagkakadikit ng tape sa balat ko. Naka-dextrose pala ako.Napakunot ang noo ko. Nasaan ba ako?Napatingin ako sa paligid. Puting kisame. Puting kurtina. Amoy gamot. Tiningnan ko ang sarili ko, nakasuot ako ng manipis na hospital gown.A hospital? What the hell happened?Nang igalaw ko ang ulo ko, doon ko napansin ang lalaking nakasandal sa dingding malapit sa kama ko. Nakapikit siya, mukhang natutulog, pero halata ang pagod sa mukha niya.Ang hayo na si Axton, nandito at siya ang nadala sa akin sa ospital.Biglang bumalik sa akin ang lahat—ang bar, ang galit ko nang makita ko siya, ang pagmamadali kong umalis at ang aksidenteng bumangga ako sa isang sasakyan.So, he took me here nga?Ang bilis na pumatong ng galit sa dibdib ko. He had no righ
Tahlia POVMaliwanag na sa labas, at mula sa bintana ng silid ko rito sa guest room ng villa nila Lisa ay natanaw ko ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang banayad na pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Sa tabi ng kama, nakahanda na ang aking mga gamit, maayos na nakasalansan sa loob ng maleta. Tapos na akong mag-empake, pero ‘yung antok at sakit ng ulo ko, damang-dama ko pa rin.Bago ako umalis, bumaba muna ako sa dining area upang makisalo sa almusal. Nandoon sina Lisa at ang iba pa naming kaibigan, tahimik na kumakain, pero ramdam ko ang lungkot sa kanilang mga mukha. Malamang ay naikuwento na ni Lisa sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Hindi ko na rin itinanggi nang mag-usisa sila, pero hindi ko na rin idinetalye pa. Alam ko namang kahit hindi ko sabihin, nararamdaman nila ang bigat na dinadala ko ngayon.“So, you’re really leaving?” tanong ni Jenn, ang isa sa mga kaibigan namin, habang kinakalikot ang pagkain sa plato niya.“I don’t
Zain POVAng biyahe namin ni Tahlia papunta sa mansiyon ni Lola Flordelisa ay tahimik. Kapwa kami walang imik ni Tahlia, ngunit sa loob-loob ko, hindi maalis sa isip ko ang tawag ni Axton sa akin nung isang araw. Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin sinasagot ang tawag at message niya. Hindi ko pa rin binabasa ang mahahabang mensahe niya. At wala rin akong balak na gawin iyon kaya pinagbubura ko agad nang hindi binabasa.Para saan pa?Pareho niya kaming niloko ni Tahlia. Pareho kaming ginawang tanga. At kung nagawa niyang pagsinungalingan si Tahlia tungkol sa kung ano mang kuwento ng buhay niya, anong kasiguraduhan ko na hindi niya rin ako niloloko?Naisip ko, baka nga pati ang nangyaring aksidente sa kanya ay peke at gawa-gawa lang niya.Hindi ko kailangan ng paliwanag niya.Tumingin ako kay Tahlia na nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa mukha niya at kahit halatang hindi siya okay dahil sa naging aksidente niya, pilit niyang i
Tahlia POVMalamlam pa ang paningin ko nang maramdaman ko ang bahagyang tapik ni Zain sa aking balikat.“Tahlia, wake up. We’ve landed in El Nido,” malambing na sabi sa akin ni Zain para siguro hindi ako mabigla, takot din siguro siya na mapagalitan ko. Minsan, nakakakunsensya tuloy na palagi siyang nasusungitan.Dahan-dahan akong bumangon habang pilit na nilalabanan ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Napansin ko agad kung paanong inilahad ni Zain ang kaniyang kamay upang alalayan ako. Hindi ko na rin tinanggihan pa at alam ko naman na nag-e-effort siya para alagaan ako.“Slowly, baka mahilo ka,” dagdag pa niya, kasabay ng maingat niyang paghawak sa aking braso. Nang makatayo ako nang maayos, iniabot niya sa akin ang isang bottled water.“Drink first. You need to hydrate.”Hindi ako nakatanggi. Pakiramdam ko nga parang disyerto na ang lalamunan ko. Isang mahabang lagok ang ginawa ko kasi gusto ko rin talagang uminom ng tubig at doon, ramdam ko ang paggaan ng aking dibdib. Nakangi
Zain POVNakauwi na kami sa Pilipinas matapos ang napakasayang honeymoon namin ni Tahlia sa New York. Dalawang linggo kaming naglibot sa mga sikat na lugar doon, nagpakasaya at sinulit ang oras bilang bagong kasal. Pero nang bumalik kami sa bahay, napansin kong parang may nagbago agad kay Tahlia.Sa unang mga araw, inisip kong siguro jetlag lang siya kaya medyo masungit at iritable. Pero habang tumatagal, parang lalo siyang nagiging mainit ang ulo. Hindi lang sa akin kundi pati sa ibang tao sa bahay, lalo na kay Mama. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Mama sa kusina o sa sala, hindi na katulad dati ang pakikitungo niya rito. Madalas siyang tahimik, parang hindi interesado makipag-usap, at kung minsan, parang naiinis pa siya kahit wala namang dahilan.Nagsimula akong mag-alala. Mahal ko si Tahlia at mahalaga rin sa akin si Mama. Alam kong hindi naman sila nag-aaway, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may tension sa pagitan nila.Hanggang isang gabi, napagdesisyunan kong k
Zain POVAng pangarap ay hindi lang basta panaginip, kundi isang realidad na kailangang pagtrabahuan. Ito ang nasa isip ko habang nakatanaw ako sa malawak na beach front property sa Zambales na kamakailan lang ay naging amin ni Tahlia. Sa wakas, ang pangarap kong beach resort ay magsisimula na.Habang abala kami sa aming honeymoon dito sa New York, isang team na ang nagsisimulang magtrabaho para sa pagtatayo ng resort ko.“Can you believe this, love? This is really happening!” sabi ko kay Tahlia habang nakahiga kami sa malambot na kama ng aming hotel dito sa New York.“Of course, deserve mo ‘yan, Zain. Gusto ko, ma-enjoy na natin ang buhay natin simula ngayon,” sagot niya nang nakangiti habang hinihigpitan ang yakap sa akin.Ang unang dalawang araw ng honeymoon namin ay walang kasing saya, sobra. Pinili naming sulitin ang bawat sandali sa city na halos tila hindi natutulog ang mga tao kasi palaging abala ang lahat dito at 24 hours nag-o-operate ang mga negosyo at serbisyo rito.Sa una
Tahlia POVSa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung kailan magiging isang Garcia na ako at ang surname kong Alfonsi ay magiging middle name ko na lang.Gumising ako sa isang malaking kuwarto ng isang five-star hotel kung saan ako nag-stay kasama ang aking bridal entourage. Ang glam team mula Italy na kinuha namin ni Zain ay abala na sa pag-aayos sa akin. Ramdam ko ang kilig sa bawat dampi ng makeup brush sa aking mukha, ang kiliti ng malambot na puff sa aking pisngi, halatang hindi pipitchuging brush ang gamit nila sa akin.Ang buhok ko, inayos nila sa isang eleganteng updo na may mga maliliit na perlas na idinagdag para sa extra pasabog ng design ng buhok ko. Saka, FYI, totoong perlas pa ang ginamit nila sa buhok ko kaya sobrang bongga talaga ng naging look ng buhok ko.“You look absolutely stunning, Signorina Tahlia,” puri ng Italian makeup artist ko.“Thank you,” sagot ko naman sabay tingin sa salamin. Hindi ko maitatanggi, parang ginawa nila akong prinses
Tahlia POVSa wakas, dumating na rin ang araw kung kailan sisimulan na namin ni Zain ang wedding preparations. Maaliwalas ang umaga, masaya kaming nag-aalmusal nila Zain at ng mama niya, pati na rin ng parents ko na sa wakas ay sinipag nang gumala rito sa bahay. Nakipag-bonding na rin sina mama at papa sa mama ni Zain.Nung alas nuebe ng umaga, nagpasya ang parents ko na isamang gumala ang mama ni Zain. Pumayag naman kami ni Zain para naman makagala ang mama niya.Kaya ngayon, may time na kami lalo ni Zain sa mga dapat naming asikasuhin.Sa harapan namin ay nagkalat na ang iba’t ibang design ng wedding invitations. May minimalist na style, may floral at may eleganteng gold embossing. May mga papel din kaming may iba’t ibang texture at kulay. Gusto kong gawin itong maganda at perfect dahil ito ang unang invitation na ipapamigay namin sa mga mahal namin sa buhay at sa mga friend na rin.“This one looks elegant, tignan mo, Tahlia,” tanong ni Zain habang hawak ang isang invitation na may
Zain POVSa araw ding iyon, kasama namin ni Tahlia si Lola Flordelisa nang pumunta kami sa secret place kung saan namin itinago si Axton. Tahimik lang ako habang naglalakad papasok sa malaking bahay, pero hindi ko maalis ang ngisi sa labi ko. Wala na siyang maipapanakot sa akin ngayon.Nagtaka pa sina Boyong at Calia nang makita nilang kasama ko si Lola Flordelisa nang pumunta kami doon.Nang makita ni Axton si Lola Flordelisa, agad itong napaatras. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Alam niyang wala na siyang kawala. At alam din niyang lalo na siyang malalagot ngayon.“Lola, patawarin ninyo ako,” nanginginig ang boses ni Axton habang nakatingin kay Lola Flordelisa. Tuluyan nang nawala ang mga kalokohan sa buhay ni Axton.Grabe, sobrang okay pa naman naming tatlo nung una, tapos magiging ganito pala siya sa dulo. Sayang, gusto ko pa naman siyang maging kaibigan nung una, tapos ganito pala ang totoong pagkataon niya. Sinira lang niya ang image niya sa amin. At lalong sukang-suk
Tahlia POVSabi ni Zain kaninang umaga, halos hindi siya nakatulog, kung nakatulog man, baka isa o dalawang oras lang dahil sa kaba at takot. Ngayong araw na darating si lola Flordelisa sa mansiyon. At halos hindi rin siya nakakain ng almusal kanina kaya awang-awa ako. Pero alam kong matatapos na ang stress na nararamdaman niya ngayong araw dahil sure na sure akong maiintindihan siya ni Lola Flordelisa, gaya nang pag-intindi ko sa kaniya.Ngayon, kaharap na namin si Lola Flordelisa sa sala ng mansiyon, seryoso ang tingin niya habang nakatayo sa harapan namin. Tahimik lang ako, pero ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko habang nakapatong sa hita ko. Pati ako, biglang kinabahan para kay Zain.Napatingin ako kay Zain, na nasa tabi ko. Halos hindi niya magawang tumingin kay Lola. Para siyang batang nahuli sa kalokohan. Nawala ang pagiging joker niya ngayon.“Ano ang dapat kong malaman?” diretsong tanong ni Lola Flordelisa. “At anong dahilan kung bakit ninyo itinatago si Axton?”
Tahlia POVNakahilata ako sa malambot na sopa, day off namin ngayon ni Zain kaya pareho kaming nasa bahay. Busy ako sa pagtingin ng mga design ng wedding invitation nang mapukaw ang tingin ko sa balita na lumabas sa tv.“Axton Villafuerte has been missing for days now. His wife, Vera Venedicto, has announced a ten-million-peso reward for anyone who can provide information about his whereabouts,” sabi ng reporter sa TV.Napalingon ako kay Zain. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, hawak ang remote at may bahagyang nakunot-noo habang pinapanood ang balita. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip din niya ang iniisip ko.“Ten million?” Napailing ako. “Mayaman talaga ang napangasawa ng baliw na si Axton. Alam kaya niyang bakla si Axton?”Napangiti lang si Zain. “Malamang na baka hindi, kasi kung malalaman niyang bakla si Axton, hindi niya ito pakakasalan.”“Pero sa tingin mo ba ay hindi masisilaw ng sampung milyong piso sina Boyong at Calia? Naisip ko lang na baka bigla nila tayong il
Tahlia POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig kay Calia. Hindi ko alam kung mas matimbang ba ang galit na nararamdaman ko o ang awa sa kaniya. Sa ginawa niyang pamba-blackmail sa amin, wala siyang ibang karapatang makuha kundi ang makulong. Pero hindi ko rin kayang sikmurain na iwan siyang tuluyang lugmok, lalo na’t ang mama niya lang ang mayroon siya sa mundong ito. Kung ipapakulong ko siya, sino na lang ang matitira para sa matanda?Napabuntong-hininga ako. “I should hand you over to the police for what you did, Calia. But I won’t.”Halata ang gulat sa kaniyang mukha. Napatingin siya sa akin na mistulang hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Hindi kita ipapakulong,” ulit ko habang kalmado na ang boses. “Pero may kapalit.”Nung oras na iyon, silang dalawa na lang ang magkasama, ang mga armadong lalaki ay pinalabas na muna niya.“Ano man ‘yon, gagawin ko. Just... please, Tahlia. I know I was wrong. Masyado akong nadala sa galit na namuo sa puso ko. I’m really sorry.”Ipinikit k
Zain POVNakatutok ako sa screen ng laptop ko habang ang mga daliri ko ay mahigpit na nakapulupot sa armrest ng upuan. Sa suot ni Tahlia ngayon ay may isang maliit na kamera ang nakakabit. Hanga ako sa katalinuhan ni Tahlia kasi mag-isa siyang nagplano rito.Sa screen, kitang-kita ko kung paano siya huminto sa gitna ng abandonadong bahay. Ibang lugar ang pinuntahan naman ni Tahlia, iba ito sa abandon house na pinuntahan ko nung magbigay ako ng one hundred thousand pesos sa namba-blackmail na ito.Sa pinapanuod kong camera, binaba na niya ang bag na puno ng play money sa bahay na iyon. Nakakatawa kasi mautak si Tahlia sa part na pekeng pera ang ginamit niya, isang bagay na hindi alam ng taong namba-blackmail sa amin.Nang hamunin na ni Tahlia na magpakita ang namba-blackmail sa amin, doon na unti-unting lumitaw ang isang tao.Sa ilang segundo na dumaan, may gumalaw na sa kadiliman sa loob ng bahay na iyon. At doon na ako napanganga. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Sa vide