Zain POVSa araw na ito, nagpasya kaming pumunta sa mansiyon ni Lola Flordelisa. Kasama ko si Tahlia at gaya ng nakasanayan, may dala siyang fresh flowers para sa lola niya. Nabalitaan niyang palagi raw dumadalaw sina Xamara at Giyo rito na para kay Tahlia ay pilit daw na nagpapakita ng sipag at malasakit ang dalawang iyon. Sa totoo lang, halata naman ang motibo nila.Ngunit sa loob-loob ko, kahit anong gawin nila, alam ko na kung sino talaga ang nais ni Lola Flordelisa na makatanggap ng mana na sampung bilyong piso. At ang mahalaga, ako lang ang nakakaalam nito at pati na rin si Lola Flordelisa.Pagdating namin sa mansiyon, agad kaming nagpalabas ng aming sweet and classy act. Walang mintis, puro English na naman ang usapan namin ni Tahlia, na para bang nasa isang high-class social gathering kami.Nang makita kami ng mga kasambahay, agad silang bumati sa amin at tinanong kung ano ang gusto naming magmeryenda. Ngunit may ibang plano si Tahlia.“Zain, darling,” malambing na sabi niya n
Tahlia POVNung umalis sina lola kasama sina Zain at Giyo para isama sa gilid ng manisyon para mamitas ng mga prutas, naupo muna ako rito sa sala habang naghihintay sa kanila. Hindi na ako sumama at tirik ang sikat ng araw doon. Bukod doon, madamo pa doon at tiyak na mangangati lang ang mga hita ko.Ngayong may time akong tumunganga, naisip kong i-block na si Axton sa lahat ng social media account ko, pati na rin sa phone number ko. Pati ang mama at papa niya, dinamay ko na rin para wala na akong update sa kanila. Kasama ito sa pagmu-move on ko kasi habang nakikita ko ang mga post nila, lalo lang akong mapopoot sa kanila.Ang totoo, may plano ako. Ngayong pare-pareho nila akong niloko, humanda sila kapag napasakamay ko na ang sampung bilyong piso na mana ko. Lahat ng business nila, pababagsakin ko.Sakto namang tapos na akong mag-cellphone nang lapitan ako ni Xamara.“Tahlia, want some? I brought this just for you,” sabi niya, ngumiti pa na parang ang bait-bait. Kairita, hindi talaga
Zain POVPauwi na kami ni Tahlia galing sa mansiyon ni Lola Flordelisa at ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan niya ngayon. Tahimik si Tahlia, pero alam kong hindi ito ang tipong katahimikan na nagpapahiwatig na dapat akong mapanatag. Sigurado akong may kinalaman ang katahimikan niya sa nangyaring pagkatalo ko kanina kay Giyo. Alam kong gigil na gigil siya sa akin, pero wala siyang sinasabi pa. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman at mahalata ang kinikilos niya ngayon.Maya maya pa, hindi na siya nakapagtimpi. “You were so slow, Zain. Like, seriously? How could you let Giyo win? Ang usapan ay gagalingan mo palagi, pero anong nangyari?!” mataray niyang sabi, sabay irap. Napakatalim bigla nang mga tinginan niya sa akin.Napangiti ako sa loob-loob ko, pero hindi ko ipinakita. Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpakatalo. “Don’t worry, I’ll make it up next time,” sagot ko na lang.“Next time? Next time?” ulit ni Tahlia, sabay turo sa sarili. “Do I look like
Tahlia POVMadaling-araw pa lang ay umalis na ako sa mansiyon, hindi na ako nagpaalam kay Zain kasi alam kong natutulog pa iyon ng ganitong oras. Saka, alam ko namang uuwi rin siya ngayong araw dahil day off niya sa pagiging pekeng boyfriend ko. Deserve niya naman umuwi sa kanila paminsan-minsan dahil alam ko namang mapagmahal siya sa mama niya.Isa pa, hindi naman kailangang galingan palagi sa acting-an namin. Kailangan kong makapagpahinga, makapag-isip at higit sa lahat, maglibang. Lalo na ngayong single na ako. Oras na para tuparin ko ang kagustuhan kong magpaka-wild na. Wala e, hilaw pa masyado si Zain, ayoko nang nabibitin ako.Nagpasya akong sumama sa bonding ng mga kaibigan ko. Sina Lisa, Jenn, Rosalia, Jisso—lahat sila, ready daw akong pasayahin. Kanina pa kami bumibiyahe pero base sa daan na nakikita ko ay mukhang alam ko na kung nasaan na kami.“Tahlia, we are going to Baguio. You need fresh air, a change of scenery, and a little bit of retail therapy,” sabi ni Lisa, ang may
Zain POVSa wakas, nakauwi na ulit sa Lopez Jaena Town. Makakapag-day off na rin si Boyong ulit.“Diyan na lang po sa may tapat ng bahay,” sabi ko sa tricycle driver pagtapat namin sa harap ng bahay namin. Inabot ko na ang bayad ko sa kaniya bago ako bumaba.Namasahero lang ako ngayon kasi walang driver sa manisyon, hindi manlang nagpaalam ang bruhang si Tahlia na maaga palang umalis sa manisyon kaninang madaling-araw.Pagkapasok ko sa bahay namin dito sa Garay Street, dumiretso na agad ako sa kuwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto, baka kasi may biglang sumulpot na tao o mas malala, baka may makakita sa akin.Wala sina Mama at Boyong. Bago mag-day off si Boyong, sinamahan muna niya si mama na magpa-check up sa ospital kasi araw ng check up niya ngayon.Nang makapasok ako sa kuwarto ko, agad kong ni-lock ang pinto.Day off? Ha! Kung alam lang ni Tahlia. Wala akong time mag-relax ngayon. May mas mahalagang misyon ako ngayon, ang hindi na ulit mapahiya sa kama.Huminga ako
Tahlia POVPagmulat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Pumikit ako saglit at bumuntong-hininga. Nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko, may kung anong mahigpit na nakatusok doon. Naramdaman ko ang malamig na bakal at ang pagkakadikit ng tape sa balat ko. Naka-dextrose pala ako.Napakunot ang noo ko. Nasaan ba ako?Napatingin ako sa paligid. Puting kisame. Puting kurtina. Amoy gamot. Tiningnan ko ang sarili ko, nakasuot ako ng manipis na hospital gown.A hospital? What the hell happened?Nang igalaw ko ang ulo ko, doon ko napansin ang lalaking nakasandal sa dingding malapit sa kama ko. Nakapikit siya, mukhang natutulog, pero halata ang pagod sa mukha niya.Ang hayo na si Axton, nandito at siya ang nadala sa akin sa ospital.Biglang bumalik sa akin ang lahat—ang bar, ang galit ko nang makita ko siya, ang pagmamadali kong umalis at ang aksidenteng bumangga ako sa isang sasakyan.So, he took me here nga?Ang bilis na pumatong ng galit sa dibdib ko. He had no righ
Tahlia POVMaliwanag na sa labas, at mula sa bintana ng silid ko rito sa guest room ng villa nila Lisa ay natanaw ko ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang banayad na pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Sa tabi ng kama, nakahanda na ang aking mga gamit, maayos na nakasalansan sa loob ng maleta. Tapos na akong mag-empake, pero ‘yung antok at sakit ng ulo ko, damang-dama ko pa rin.Bago ako umalis, bumaba muna ako sa dining area upang makisalo sa almusal. Nandoon sina Lisa at ang iba pa naming kaibigan, tahimik na kumakain, pero ramdam ko ang lungkot sa kanilang mga mukha. Malamang ay naikuwento na ni Lisa sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Hindi ko na rin itinanggi nang mag-usisa sila, pero hindi ko na rin idinetalye pa. Alam ko namang kahit hindi ko sabihin, nararamdaman nila ang bigat na dinadala ko ngayon.“So, you’re really leaving?” tanong ni Jenn, ang isa sa mga kaibigan namin, habang kinakalikot ang pagkain sa plato niya.“I don’t
Zain POVAng biyahe namin ni Tahlia papunta sa mansiyon ni Lola Flordelisa ay tahimik. Kapwa kami walang imik ni Tahlia, ngunit sa loob-loob ko, hindi maalis sa isip ko ang tawag ni Axton sa akin nung isang araw. Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin sinasagot ang tawag at message niya. Hindi ko pa rin binabasa ang mahahabang mensahe niya. At wala rin akong balak na gawin iyon kaya pinagbubura ko agad nang hindi binabasa.Para saan pa?Pareho niya kaming niloko ni Tahlia. Pareho kaming ginawang tanga. At kung nagawa niyang pagsinungalingan si Tahlia tungkol sa kung ano mang kuwento ng buhay niya, anong kasiguraduhan ko na hindi niya rin ako niloloko?Naisip ko, baka nga pati ang nangyaring aksidente sa kanya ay peke at gawa-gawa lang niya.Hindi ko kailangan ng paliwanag niya.Tumingin ako kay Tahlia na nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa mukha niya at kahit halatang hindi siya okay dahil sa naging aksidente niya, pilit niyang i
Tahlia POVSa loob ng ilang buwan na nagdaan, sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat—ang gender reveal ng aming munting anghel ni Zain. Sa mansiyon ni Lola Flordelisa namin ito gaganapin para maging masaya si lola. Ay siyempre, isang engrandeng baby gender reveal ang hinanda namin. Hindi lang ito isang simpleng announcement kundi isang special na araw para sa aming pamilya, lalo na kay Lola Flordelisa na sabik na sabik nang malaman kung ang apo ba niya ay magiging lalaki ba o babae.Puno ng engrandeng dekorasyon ang hardin ng mansiyon. May mga pink at blue na ilaw na nagpapalit-palit ng kulay. May malalaking lobong nakasabit sa bawat sulok, habang ang centerpiece ng buong event ay isang napakalaking kahon na naglalaman ng secret na resulta kung lalaki ba o babae ang aming anak.“Are you ready?” tanong ni Zain habang yakap-yakap ako. Mula kaninang umaga, hindi na siya mapakali. Excited na excited na siya sa event ngayon. First time daw niyang mararanasan it
Tahlia POVNakangiti akong nakatingin sa monitor habang ginagalaw ng doktor ang probe sa aking tiyan. Makikita sa screen ang isang maliit na nilalang, buhay na buhay at malikot sa loob ng aking sinapupunan. “Everything looks great,” sabi ng doktor habang ini-scan ang monitor. “Your baby is growing well, and the heartbeat is strong.”Hindi ko naiwasang mapaluha sa tuwa. Hinawakan ni Zain ang kamay ko at mahigpit iyong pinisil. Nakangiti siyang nakatingin sa screen na halatang masayang-masaya.“I still can’t believe it,” bulong niya. “excited na akong makita siya.”Tumango ako habang tuwang-tuwa rin. Gaya ni Zain, mas excited din akong makita ang baby namin. “Oo, magiging parents na talaga tayo, soon. Malapit na natin siyang maka-bonding.”Pagkatapos ng check-up, masaya kaming lumabas ng clinic. Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, biglang tumigil si Zain at harap ako.“Let’s celebrate kaya? Samantalahin natin na sina Calia at Boyong ang bantay kay Lola Flordelisa,” aniya. “Let’
Tahlia POVPagkarinig namin ng balita, halos hindi na kami nagpatumpik-tumpik ni Zain sa pagmamadaling makarating sa presinto. Nahanap na rin sa wakas ang hayop na si Giyo—ang traydor na walang takot na ninakawan at tinakot ang lola ko.Pagpasok namin sa presinto, nakita namin siya na nakaposas ma, nakayuko habang hindi makatingin nang maayos sa amin ni Zain.“You have no idea how much I want to beat you up right now,” matigas na sabi ni Zain habang ang kamao niya ay mahigpit na nakasara at nanginginig sa pagpipigil.Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang mura-murahin, nahihiya lang akong mag-eskandalo.“Giyo, hindi na nga tinuloy ni lola ang pagpapakulong sa ‘yo,” kalmado kong sabi kahit galit na galit ang loob ko. “And you repaid her kindness with this? Takot na takot siya, mas lalo pang na-trigger ang sakit niya dahil sa ginawa mo.”Umangat ang tingin niya sa akin, nakita ko na napapangiti pa siya kaya mas nag-apoy ako sa galit.“Pera lang naman ‘yon,” mahinang sagot niya, pero sapat
Tahlia POVNanatili kami sa mansiyon ni Lola Flordelisa mula nang mangyari ang pagnanakaw. Hindi lang dahil gusto naming bantayan ang bahay, kundi dahil sa natuklasan naming lumalala ang kaniyang kondisyon. Hindi namin akalaing may Alzheimer’s disease na pala siya. Masyado siyang magaling magtago ng sakit, masyadong matapang para sarilihin na may pagbabago na sa kaniyang isipan.Si Zain, kahit hindi tunay na apo, ay walang kapagurang nag-aalaga sa kaniya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niyang tinulungan si Lola Flordelisa bumalik sa kama tuwing gabi, dahil sa madalas nitong paggising at pagkalimot kung nasaan siya. Ako naman, kahit ilang ulit nang nasaktan sa mga pagkakataong hindi niya ako nakikilala ay patuloy pa ring nagpapasensya. Siyempre, lola ko ‘yan, mahal ko at naiintindihan ko ang kalagayan niya."Where am I? I need to go home," bulalas niya isang gabi habang pilit niyang binubuksan ang pinto ng kaniyang silid.Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang inalalaya
Tahlia POVMabilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan si Lola Flordelisa, na ngayon ay nakahiga sa kanyang kama, walang kibo at tila malayo ang tingin. Ilang beses ko siyang tinawag, pero hindi siya sumasagot. Nang hawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko ang bahagyang panginginig nito. Malaking trauma ang nangyari sa kaniya kaya pati kami ni Zain ay nanginginig din sa galit.“Lola, nandito na kami,” mahina kong sabi habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.Si Zain naman ay nakaupo sa gilid ng kama, halatang pigil na pigil ang emosyon habang pinagmamasdan si Lola Flordelisa. Love na love pa naman ni Zain ito kaysa sa akin na tunay na apo.“Lola, can you hear me?” tanong niya pero wala pa ring sagot.Doon na tuluyang pumatak ang luha ko. Hindi ko maatim makita si Lola Flordelisa sa ganitong kalagayan. Dati-rati, masigla ito, laging nakangiti at walang takot na humaharap sa kahit anong problema. Pero ngayon, tulala siya na parang nawala ang kaniyang sigla. Ang dating matapang a
Zain POVSa wakas, matapos ang halos tatlong buwang paghihintay, natapos na rin ang beach resort ko sa Zambales. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tinitingnan ang napakalawak na lupain na ngayon ay isa nang paraiso sa tabi ng dagat. Dati, plano ko itong ipa-rent at gawing negosyo, pero nagbago ang isip ko. Ngayon, gusto ko na lang itong gawing pribadong bakasyunan namin. Isang lugar kung saan makakatakas kami ni Tahlia sa ingay ng city at makakasama ang pamilya at malalapit na kaibigan namin.Narito kami ngayon sa resort at kasama namin sina Boyong at Calia, pati na rin ang mama ni Calia, na ngayon ay ka-bonding ng mama ko. Ang saya-saya ni Tahlia, lalo na’t maraming tao sa paligid, isang linggo kasi na puro kaming dalawa lang ang nandito kaya boring na boring siya.Mahangin ang panahon kaya maraming dahon ng talisay ang nagkalat sa swimming pool. Habang abala ako sa paglilinis nito, si Tahlia naman ay enjoy na enjoy sa pagkuha ng pictures ng bawat ganap.Sa tabi
Zain POVNakauwi na kami sa Pilipinas matapos ang napakasayang honeymoon namin ni Tahlia sa New York. Dalawang linggo kaming naglibot sa mga sikat na lugar doon, nagpakasaya at sinulit ang oras bilang bagong kasal. Pero nang bumalik kami sa bahay, napansin kong parang may nagbago agad kay Tahlia.Sa unang mga araw, inisip kong siguro jetlag lang siya kaya medyo masungit at iritable. Pero habang tumatagal, parang lalo siyang nagiging mainit ang ulo. Hindi lang sa akin kundi pati sa ibang tao sa bahay, lalo na kay Mama. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Mama sa kusina o sa sala, hindi na katulad dati ang pakikitungo niya rito. Madalas siyang tahimik, parang hindi interesado makipag-usap, at kung minsan, parang naiinis pa siya kahit wala namang dahilan.Nagsimula akong mag-alala. Mahal ko si Tahlia at mahalaga rin sa akin si Mama. Alam kong hindi naman sila nag-aaway, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may tension sa pagitan nila.Hanggang isang gabi, napagdesisyunan kong k
Zain POVAng pangarap ay hindi lang basta panaginip, kundi isang realidad na kailangang pagtrabahuan. Ito ang nasa isip ko habang nakatanaw ako sa malawak na beach front property sa Zambales na kamakailan lang ay naging amin ni Tahlia. Sa wakas, ang pangarap kong beach resort ay magsisimula na.Habang abala kami sa aming honeymoon dito sa New York, isang team na ang nagsisimulang magtrabaho para sa pagtatayo ng resort ko.“Can you believe this, love? This is really happening!” sabi ko kay Tahlia habang nakahiga kami sa malambot na kama ng aming hotel dito sa New York.“Of course, deserve mo ‘yan, Zain. Gusto ko, ma-enjoy na natin ang buhay natin simula ngayon,” sagot niya nang nakangiti habang hinihigpitan ang yakap sa akin.Ang unang dalawang araw ng honeymoon namin ay walang kasing saya, sobra. Pinili naming sulitin ang bawat sandali sa city na halos tila hindi natutulog ang mga tao kasi palaging abala ang lahat dito at 24 hours nag-o-operate ang mga negosyo at serbisyo rito.Sa una
Tahlia POVSa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung kailan magiging isang Garcia na ako at ang surname kong Alfonsi ay magiging middle name ko na lang.Gumising ako sa isang malaking kuwarto ng isang five-star hotel kung saan ako nag-stay kasama ang aking bridal entourage. Ang glam team mula Italy na kinuha namin ni Zain ay abala na sa pag-aayos sa akin. Ramdam ko ang kilig sa bawat dampi ng makeup brush sa aking mukha, ang kiliti ng malambot na puff sa aking pisngi, halatang hindi pipitchuging brush ang gamit nila sa akin.Ang buhok ko, inayos nila sa isang eleganteng updo na may mga maliliit na perlas na idinagdag para sa extra pasabog ng design ng buhok ko. Saka, FYI, totoong perlas pa ang ginamit nila sa buhok ko kaya sobrang bongga talaga ng naging look ng buhok ko.“You look absolutely stunning, Signorina Tahlia,” puri ng Italian makeup artist ko.“Thank you,” sagot ko naman sabay tingin sa salamin. Hindi ko maitatanggi, parang ginawa nila akong prinses