Zain POVMasakit ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko mula sa ininom namin kagabi ni Tahlia.Nakahiga ako sa sofa, nakatapat ang mukha ko sa kisame, habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi.Doon na ako nakatulog. Hindi ko na nagawang bumangon para pumunta sa sariling kuwarto. Ang alam ko, si Tahlia ang natulog doon. Ayaw niya raw akong makatabi sa pagtulog kaya hinayaan kong mag-isa siya matulog doon.Napansin kong malinis na ang paligid. Wala na ang mga bote at kalat namin sa lamesa dito sa sala. Alam kong hindi ako ang naglinis. Siguro si Mama.Kumalabog ang pintuan sa likuran ko at narinig kong lumapit si Mama. “Gising ka na pala, anak. May hangover ka pa ba?”“Medyo.” Sinapo ko ang noo ko habang pilit na iniisip kung ano ang uunahin kong gawin.“Maaga umalis si Tahlia. Madaling araw pa lang, wala na siya.”Napatayo ako nang marinig ko iyon. “Ha? Saan daw pupunta?”“Hindi ko na naitanong. Basta sinabi niyang aalis na raw siya.”Tumango na lang ako. Wa
Tahlia POVIsang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, napahawak tuloy ako sa mukha ko dahil sa sakit pero hindi ako natinag. Mas mahapdi pa ang puso ko dahil sa nabalitaan kong tungkol kay Axton, tapos nasa malayo pa siya kaya wala akong magawa para ma-comport siya.“You’re throwing away ten billion pesos just like that?!” galit na sigaw ng papa ko. Kita ko ang pamumula ng mukha niya hang nanginginig ang mga kamao niya. Galit na galit siya. Pero wala na akong pake.Hindi ako sumagot. Tumayo lang ako doon, hinayaan ko siyang ibuhos ang lahat ng galit niya sa akin. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang mama ko na umiiyak, nanginginig din habang pilit niyang inaawat si papa.“Dahil sa isang lalaki?! You’re ruining yourself, Tahlia!” Halos pasigaw niyang sabi sa akin.Napahinga ako nang malalim, saka ko siya tiningnan nang diretso sa mata. “Xamara can have it. Lahat. I don’t care.”Parang mas lalo siyang nag-apoy sa galit. Halos gusto na niya akong kaladkarin para ipaintindi sa aki
Zain POVSa harap ng bahay namin, nasa ilalim ako ng malaking payong na siyang nagsisilbing bubong ng maliit kong fishball-an. Ang simpleng negosyo kong ito ang bagong simula ko matapos mawalan ng trabaho. Isang simpleng mesa, isang kalan na may kumukulong mantika at ilang lalagyan ng tusok-tusok ang bumubuo sa negosyo kong ito. Hindi man ito marangya tulad ng dati kong trabaho kay Tahlia, ito naman ang paraan ko upang kumita nang marangal.Kung tatanga kasi ako ay wala, walang mangyayari, mauubos lang nang mauubos ang pera ko.Kasama ko ang mama kong masiglang inaasikaso ang mga bumibili. Hindi man ganoon karami ang dumadagsa, steady naman ang kita. Hindi ko inasahan na magiging patok ang negosyo ko rito dulo ng Garay Street. Ang totoo niyan, wala naman kasing gaanong nagtitinda sa lugar na ito, kaya naman malakas ang benta ko.Habang patuloy ako sa pagtuos ng panukli, narinig ko ang pagpreno ng isang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Napatingin ako. Isang mamahaling sasakyan ang h
Zain POVDahil sa kaba, hindi maalis ang panlalamig sa mga kamay ko habang pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang basang apron ko na gamit ko sa pagtitinda kanina sa labas.Narito sa mismong sala ng bahay namin si Lola Flordelisa. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapasok sa loob ng bahay namin, pero sigurado akong hindi ito para lang makipagkwentuhan. Alam kong may dahilan kung bakit siya narito.Hindi kaya naghihintay lang sila na may dumating na pulis kaya nandito sila sa loob ng bahay ko para bantayan ako.Grabe, takot na takot na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na silang takbuhan kaya lang paano si mama. Baka si mama ang damputin nila at ako, ako nga ang makakatakas pero baka ang mama ko naman ang kawawain nila.“Zain, maupo ka,” malamig na utos ni Lola Flordelisa habang inaayos niya ang kanyang scarf. “May ipagagawa ako sa’yo.”Hindi ko alam kung lalong sumikip ang dibdib ko sa kaba o sa init ng panahon. Ngunit kahit anong mangyari, kailangan kong magp
Tahlia POVParang wala pang isang oras ang tulog ko. Magdamag akong tulala at gising habang nakahiga sa kama ko. Kahit gutom at nanlalata, hindi pa rin ako bumabangon. Wala akong gana sa lahat. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam at nakaranas ng ganito. Totoo palang parang gusto mo nang mawala sa mundo kapag nasaktan ng todo. Pagmulat pa lang ng aking mga mata, agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bedside table ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang madilim na screen ng cellphone ko, ngunit ilang saglit lang, mabilis kong binuksan ang social media at inilipat ang atensyon sa profile ni Axton. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa, pero tila ba naging parte na ng umaga ko ang pag-stalk sa kanya.Muli akong natigilan nang makita ang bagong post niya. Napatayo ako at napabangon bigla.Tangina, bakit may dalawang singsing, magkatabi sa isang marbling background at sa caption ay may nakalagay na "Forever starts now.” Napakunot ang noo ko. Ano 'to? Engaged na siya?Nag-init ang ul
Zain POVNgayong araw, sinarado ko muna ang fishball-an ko. Hindi dahil sa tinatamad ako o nahihiya dahil sa nangyari nung nakaraang araw dahil pumunta rito si Lola flordelisa. Nag-iisip na kasi ako ng paraan kung paano ko lalapitan o pupuntahan si Tahlia.Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko mapapalapit ulit sa kanya. Paano ko ba siya makakausap nang hindi niya ako tatarayan o lalayasan? Ang alok sa akin ni Lola Flordelisa ay hindi biro. Hindi lang ito simpleng trabaho na gaya ng pagtitinda ng fishball kung saan siguradong may bibili basta gutom ang tao. Ang misyon ko ngayon ay ang paibigin ang isang matinik, masungit at supladang babae na si Tahlia.Kahit ilang araw pa lang kaming magkasama ni Tahlia, alam ko nang imposibleng makuha ko ang loob niya. Hindi siya basta-bastang babae. Parang pader na sobrang taas at walang hagdang aakyatin. Kahit anong i-offer mo, hindi mo siya mabibili. Kaya eto ako ngayon, maghapon nang nag-iisip ng paraan.Kanina pa ako pabalik-balik sa sala,
Zain POVTatlong beses akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Tahlia. Huminga ako nang malalim bago magsalita.“Tahlia, it's me, Zain. Can I come in? I just want to talk.”Walang sumagot. Ilang segundo akong nakatayo sa harap ng pinto, hinihintay kung pagbubuksan niya ako o hindi. Pagod na siyang magalit, sigurado ako roon. Pero kung papasukin niya ako, ibig sabihin, gusto niyang may makinig sa kanya.Maya maya pa, narinig kong may naglakad papalapit sa pinto. Narinig ko ang mahinang tunog ng pag-unlock nito bago ko narinig ang mahina niyang boses.“Come in.”Natuwa ako kasi pinapasok niya ako. Ibig sabihin ay gusto niya rin akong makausap.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Tahimik ang kuwarto, pero ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. Nakaupo siya sa kama, bagong tayo lang yata. Nakatingin siya sa kawalan, halatang hindi pa rin nakaka-recover sa lahat ng nangyari.Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Napansin ko agad ang pamamaga ng kaniyang mga mata.“You cried all ni
Tahlia POVIlang araw akong walang ligo dahil sa pag-iiyak at pagmumukmok ko sa kuwarto ko, kaya ngayong gusto ni Zain na siya ang pagbuntungan ko ng pagmu-move on, sinama ko siyang maligo sa banyo ko.Nagtanggal ako ng mga saplot ko, ganoon din ang ginawa niya. Lahat ng hiya sa katawan ko ay nawala. Ganito ako masaktan, nababaliw at halos nawawalan ng pakelam sa sasabihin ng ibang tao. Isa pa, gusto rin naman ni Zain na mangyari ito kaya bakit pa ako mahihiya. Saka, wala na si Axton, kasal na siya sa iba kaya wala ng nagmamay-ari ng katawan kong ito.Tumapat ako sa shower, hinayaang lumagaslas ang tubig sa katawan ko. Si Zain, nakita ko na nakatingin lang sa akin, pero binaba ko ang tingin ko nang makita kong hinihimas na niya ang titë niya. Kitang-kita ko kung paano unti-unting lumaki, tamaba at magalit ang mga ugat ng pagkalalakë niya.Hot, ganoon ang tingin ko sa kaniya nung una palang na makita kong hubüt hubäd siya. Umiiwas lang ako sa pagtuloy na naaakit na rin talaga ako sa ka
Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks
Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming
Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han
Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo
Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s
Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun