Share

Chapter 4

#FD04 || Bethylia Monteamor

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ng makatapak sa papasukang eskwelahan. Akala ko ay mapipilitan akong tumigil sa pag-aaral ngayong taon dahil kinakapos kami nila Mama sa pera. Dagdag pa na nagkasakit ang nakababata kong kapatid bago magsimula ang pasukan.

Pangalawang taon ko na ngayon sa kolehiyo. Nagtatrabaho sa hapon hanggang sa gabi at nag-aaral sa umaga. Sanay na ako sa ganoong gawain dahil magmula bata ay iyon na ang ginagawa ko. Wala na si Papa kaya bilang panganay na anak, naging responsibilidad ko na ring akuin ang dapat na responsibilad ng namayapang ama. Ayos lang naman sa akin iyon, wala akong problema doon. Masaya pa nga ako na nakakatulong ng kahit kaunti kay Mama at sa kapatid ko. Hindi ko lang minsan maiwasan mapagod.

Pilit kong isinisingit ang pagbabasa ng ilang aralin namin habang may libreng oras sa trabaho dahil wala naman akong magiging oras pa para doon. Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko na iyon maiintindi dahil sa hapo na at kailangan ng matulog, isa pa kailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid at kung kailangan pati na rin ang bahay namin na hindi naman madalas dahil marunong ng magligpit ang mga kapatid ko.

"Bethyl!" Isang sigaw ang halos nagpatalon sa akin mula sa kinatatayuan.

I glared at Blanche who's enthusiastically walking towards me. "Nakakagulat ka, Blanche!" I hissed.

"Bakit kasi parang tanga kang nakatayo lang diyan? Pinagtitinginan ka na ng mga estudyante oh?" She said while looking around.

I shyly roamed my eyes and smiled awkwardly at those whose looking at me. Natutuwa lang naman kasi akong makakapag-aral ako ngayong taon.

"Dalawang taon na lang, makakatapos na tayo!" I happily exclaimed. "I can't wait to worked my ass off to get us out from this misery."

"Grabe ka naman sa misery mo, Bethyl." She chuckled and nudge my arm.

I rolled my eyes and stuck my tounge out "Totoo naman, mahirap kapag mahirap."

She sighed and nodded in agreement. "Tama ka. Agree ako sa'yo."

Humalakhak ako at kumapit sa isang braso niya. "Nasaan si Samm?" I asked.

"Baka nakikipagtitigan pa sa mga bulaklak ni Nanay Lina." Natatawang hinampas ko ang braso niya. 

"Ang sama mo kay Samm." 

Agad kaming dumiretso sa kwartong kinabibilangan namin at naghanap ng tatlong bakanteng upuan na magkakasama. 

I didn't plan on taking accountancy before I entered college but after knowing that my friends will take that, I tried it too and I enjoyed it. Hindi madali lalo na't isang mali mo lang ay kailangan ka na namang umulit sa umpisa pero nakakatuwang gawin 'yon lalo na kung natatapos mo ng tama.

Also, I searched about it and learned taking this course would give you more opportunities, maraming pupwedeng trabahong pasukan at tiyak na may maayos na sweldo rin. 

Naramdaman ko ang pananakit ng puson kaya nagpaalam ako sandali kay Blanche na magbabanyo na muna. 

Marami siguro akong nainom na tubig bago umalis ng bahay, hindi kasi ako nakapagalmusal kaya binusog ko na lang ang sarili sa tubig. 

After checking myself at the mirror, I smiled widely and walk out of the comfort room confidently. Hindi ako 'yong tipo ng babae na mahiyain. Kung may ikakahiya man ay hindi dapat iyon iniisip. Lahat naman ng tao may kahihiyang nararanasan. Normal na' yon kaya kailangang maging normal na rin 'yon sa akin dahil sa tagal ko ng namumuhay dito sa mundo, hindi ko na mabibilang kung ilang beses ko iyon naranasan. Katulad na lang ng kamuntikan kong pagkadulas pagkalabas ng banyo. 

Mabuti at ako lang ang may alam. Natatawang sinapo ko ang noo habang umiiling. Ang mga katangahang ganoon ay normal ding nangyayari sa buhay natin. Kung nasobrahan ka nga lang ay hindi na katangahan ang tawag doon, martir na. Katulad sa mga napapanood kong palabas sa telebisyon ng kapit-bahay namin. 

A man towered over me that made me stopped from walking. Isang malaking lalaki na hindi kaputian ang nakatayo sa harapan ko ngayon at pinagpapawisan pa. Don't get me wrong, I don't judge people by their looks, ang sa akin lang dapat kahit kaayusan na lang sa sarili ang gawin para hindi naman masyadong hindi kaaya-ayang tingnan kung may makakakita mang ibang tao. 

"Bethylia," His baritone voice called. I know him, he's the son of our current Mayor. And his personality is not that good. Kaya hangga't nakakaya ay pilit akong umiiwas.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkakaroon niya ng gusto sa akin. Kalat iyon dito sa buong probinsya dahil hindi naman niya itinatago at ayos lang iyon sa akin. Ang ayaw ko lang ay ang mga ganitong tagpo at pamimilit niya sa gusto. 

"May klase pa ako, Pedro." I uttered calmly. 

Kahit naman marami akong ayaw sa kanya ay pinatutunguhan ko pa rin siya ng maayos. Iyon ang turo ni Mama sa akin. Hangga't walang ginagawang masama sa'yo ay pakitunguhan ng ayos ang tao. 

I am afraid of him to be honest. I heard how he trested people who doesn't obeyed him. Kaya hangga't maari ay pilit kong sinusunod ang gusto niya. 

"Alam ko, gusto lang kitang makita bago ako pumasok sa klase." He smiled at me and tried to hold my hand but I stepped backwards. 

Hindi kami ganoong kalapit sa isa't-isa kaya hindi niya ako pwedeng hawakan kung gugustuhin niya. I don't like him, that's the truth but I am considering his feelings because I am not a heartless woman. Hindi naman biro ang pagkakagusto, alam ko iyon dahil naranasan ko na rin iyon noon. 

"Ayos na ba? Kailangan ko na kasing bumalik sa klase?" I asked hesitantly. 

I saw how his jaw clenched as his face hardened. I hid my trembling hand at my back and smiled at him. 

"Baka mahuli ka na rin sa iyo. Una na ako." I said before walking past by him. 

I know he's still saying something but I close my ears to it. I don't want hearing him saying harsh words towards me because that's what he always do if he doesn't get what he wants. 

Maayos naman kasi siya, sana. Kung maayos ang ugali niya. Hindi ako mapili sa lalaki, katulad ng palaging sinasabi ni Mama. Aanhin ko ang may magandang mukha kung wala namang respeto? And that's what he's lacking. He's handsome, really, in his own way. Siguro ay napabayaan lang sa kusina o kaya wala ng mapaggastusan ng mga pera kaya ikinakain na lang. Wala akong problema sa laki niya, hindi naman nakakabawas sa pagkatao iyon. To be honest, he has a clear skin, smooth and soft-skinned. Minsan nga ay naiinggit ako dahil kahit hindi siya kaputian ay maganda ang balat niya. And also he has a cute smile, bibihira nga lang iyon makita lalo na't madalas siyang nakasinghal sa lahat. 

"Ang tagal mo naman sa banyo?" Takang tanong ni Blanche na katabi na si Samm ngayon na alam kong kahit hindi nakatingin ay nakikinig naman. 

Nasanay na kami sa kanya dahil mula ng maging kaibigan namin ay ilap na siya sa mga mata ng tao. Hindi namin maintindihan iyon pero hindi na kami nagtanong dahil alam naman naming hindi niya iyon masasagot katulad ng sinabi ni Nanay Lina at Tatay Fred sa amin. 

Si Blanche ang pinakamatagal ko ng kaibigan, since elementary we're together. Magkalapit ang mga bahay namin at sa iisang lugar nagtatrabaho. Madalas rin siyang nasa bahay dahil wala na ang pamilya at nag-iisa na sa buhay. Kaya siguro siya ang parang tumatayong nanay sa aming magkakaibigan, she experience a lot, things that she shouldn't experience at those age. 

"Nakasalubong ko si Pedro." I uttered while taking a sit between them. 

A gasped escape from Blanche's mouth as she started surveying my body. "Sinaktan ka na naman ba ng Pedro Penduko'ng iyon?" 

Even Samm started surveying me. I chuckled and shook my head. "Don't worry. He didn't hurt me." 

Blanche and Samm sighed as they frowned. I look in front and started fidgeting with my finger. Hindi niya naituloy dahil agad akong nakaatras kanina. 

He always does that, dragging me and holding me forcefully that it'll leave some bruises. Iyon din ang dahilan kung bakit ako natatakot sa kanya. Kung tutuusin, sa aming magkakaibigan, ako ang pinakamatapang, lalo na kapag sila ang nasa gulo. Pero kapag sa akin na nangyayari ay para akong pusang tumatakbo paatras para makapagtago. 

"Hindi ka pa rin tinitigilan kasi maayos ang pakikitungo mo." Samm uttered softly. I pouted after hearing her soft and sweet voice. Minsan kahit galit siya ay hindi iyon nahahalata dahil sa lambing ng boses niya. 

"Kahit hindi ko ayusin ang tungo sa kanya ay hindi niya ako titigilan, baka mas lalo pa iyong manakit." I shrugged. 

"Ang sabihin mo, gusto mo rin." Blanche snorted. 

I groaned and glared at her. "What makes you say that?" 

"You." She muttered with her arched brow. 

"I don't like him." I uttered firmly. 

"Panindigan mo iyan, ah." She chuckled. "Mahirap na, baka mapunta ka pa sa pamilya ng mga kurakot na politiko." She added. 

I sighed and shook my head. "Hindi iyon mangyayari, Blanche. Baka ikaw ang may gusto." I fired back. 

She grimaced and act like she's about to puke. "Kadiri ka naman, Bethylia. Koreano ang hanap ko, hindi sunog na demonyo." 

I frowned and glowered. "Ang sama ng ugali mo!" I hissed at her. 

"Oh, tingnan mo, Samm. Pinagtatanggol niya pa ang Pedro Pendukong iyon." Blanche started shaking Samm while frowning.

I glared at her amd slap her hand in front of me. "Naiipit ako! At saka hindi ko siya pinagtatanggol. I was just telling you to shut your mouth if you'll just say something unpleasant." 

It's not good to say things like that. Hindi ako nagmamalinis dahil hindi naman talaga maiiwasang makapagsalita ng ganoon, ang akin lang, sana matuto tayong kontrolin iyon dahil kahit salita ay nakakamatay. 

"You're still defending him." 

"So what? I am defending him as a person, Blanche." I uttered calmly. "What would you feel if you hear someone talking about you like that?" 

She pursed her lips and averted her eyes. That's what I am pointing out. Kung magsasalita tayo ng ganoon ay dapat handa rin tayong makarinig ng ganoon tungkol sa atin galing sa ibang tao. Kung hindi naman ay manahimik na lang. 

God gave us brain to think before doing anything, just like what would come out from our mouth. 

I also did that, I badmouth Pedro. But its always in my mind, I don't intend and will never intend to utter it because I know it'll hurt his feelings. Kaya nga maayos ang pakikitungo ko sa kanya kahit na hindi naman siya karapat-dapat patunguhan ng ganoon dahil sa ginagawa niya sa aking hindi maganda. 

After the class ended, I close my eyes tightly and sighed after seeing Pedro outside our room, leaning on the wall while hands are inside his pocket. Kung noon ay maririnig ko na ang mga singhal at kung ano-anong panlalait mula sa bibig ni Blanche, ngayon ay wala akong ibang narinig mula sa kanya kung hindi buntong-hininga. 

I held on to their arms and put a smile on my face before facing Pedro who's now looking at me. 

"Let's go." He uttered without acknowledging my friends presence. 

I chuckled awkwardly and look at my friends. "May lakad kasi kami ngayon, Pedro." 

My friend made it more realistic when they nodded. I sighed heavily and force myself to remain smiling. 

His face hardened looking at us. I look around to avoid his eyes. I don't like seeing him mad because it's making me tremble. Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin. 

"Sasama ako kung gano'n." He insisted. 

I freneticly shook my head with my parted mouth. 

"Hindi na, Pedro. Alam ko may party kayong dadaluhan ngayon ah?" Blanche interrupted. Napakapit ako lalo sa mga braso nila nang mas lalong nag-igting ang panga niya. 

"I can cancel that." 

Sabay kaming tatlo na umiling sa kanya. "Hindi na, Pedro." I uttered firmly. I gritted my teeth to stopped my lips from trembling. 

He sighed massively and turned his back on us. I watched him leave my sight and sighed in relief. I thought someone will get hurt. 

"Nanginginig ang tuhod ko, Bethylia. Ako ata ang kailangang kumapit." Blanche uttered. 

Natatawang lumipat si Samm sa tabi niya at inalalayan siya sa braso. 

"He's scary." I uttered under my breathe. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status