Beranda / Romance / Finding Daddy / Chapter 1: Betrayal

Share

Chapter 1: Betrayal

Penulis: SleepyGrey
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-12 14:52:27

WALONG TAON ang nakakaraan,

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Maeve habang hinihintay ang elevator na makarating sa 32nd floor kung saan naroon ang condo ng kanyang boyfriend na si Luca para supresahin ito sa kanilang ika-limang anibersaryo.

“Can’t wait to see his reaction,” wika ni Maeve habang nilalanghap ang bulaklak na kanyang hawak habang tinitignan ang cake na dala niya na may nakasulat na “Happy 5th Anniversary, Baby” dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang mabasa niya iyon.

Naalis ang atensyon ni Maeve sa cake nang biglang huminto at bumukas ang pinto ng elevator.

“There we are,” masayang saad ni Maeve sabay labas sa elevator at masayang naglakad patungo sa condo ni Luca.

Habang papalapit siya nang papalapit ay bigla siyang nakaramdam ng kaba na halos hindi niya maipaliwanag kung saan ba iyon nagmumula, dahilan para mapatigil siya pansamantala sa kanyang paglalakad at napahawak sa kanyang dibdib.

“Anong nangyayari sa akin?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. “Ngayon lang ‘to nangyari sa akin.” Dagdag niya.

Hindi lubos maunawaan ni Maeve kung saan nagmumula ang kabang nararamdaman niya nang sandaling iyon. Sa mga nagdaan taon at buwan sa tuwing susurpresahin niya si Luca ay hindi naman nangyaring ganoon na bigla na lang siyang kabahan nang sobra. Sa hindi niya maintindihang rason ay kusang napaangat ang kanyang ulo at napatingin sa pinto ng condo ng kanyang boyfriend. Nagsimula muli siyang ihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa condo ni Luca at habang papalapit siya nang papalapit ay mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang puso.

Nang matapat na si Maeve sa pinto ng condo ni Luca ay napalunok siya nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tahimik ang buong paligid. Gusto niyang tawagin ang pangalan ng kanyang boyfriend ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may pumipigil kay Maeve. Tila ba may isang maliit na tinig siyang naririnig sa kanyang isipan at nagsasabi ng hindi maganda ngunit mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin ang gumugulo sa kanyang isipan.

“Sana mali ang naiisip ko,” wika niya sa kanyang isipan.

Tumuloy si Maeve sa condo ni Luca at maingat na isinara ang pinto. Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy sa pagpasok. Muli niyang hinakbang ang kanyang mga paa hanggang sa makarating sa kasalahan ngunit may maliit na tinig siyang naririnig—tinig na tila ba nahihirapang huminga. Nang marinig niya iyon ay mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso at biglang bumigat ang kanyang paghinga.

Sa kabila ng kaba at hinalang kanyang nararamdaman ay nagpatuloy si Maeve sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng nakaawang na pinto ni Luca, dahilan para mas lumakas at naging malinaw sa kanyang pandinig ang tinig ng isang babaeng nahihirapan sa paghinga.

“This can’t be…” hindi niya naisatinig na saad.

Ayaw ni Maeve magpalamon sa nararamadamang hinala ngunit paano niya iyon gagawin kung nasa kanyang harapan na ang ebidensiya.

“Ahh…fuck! Ahh…”

Nang sandaling marinig ni Maeve ang halinghing at ungol ng isang babae ay binalot siya nang takot, kaba at gigil. Mas lalong lumakas ang kutob niya nang marinig niya ang pamilyar na tinig ngunit sa kabila noon ay naglakas loob pa rin siyang ilapit ang kanyang mukha sa nakaawang na pinto at sinilip kung ano bang nangyayari sa loob. Ngunit nang sandaling makita niya ang nangyayari sa loob ay nanlaki ang kanyang mga mata at biglang nanginig ang kanyang mga tuhod.

“Hindi maaari…” mahina niyang usal habang nakatutok ang kanyang mga mata sa babaeng nakaibabaw sa kanyang kasintahan na sarap na sarap at gigil na gigil na sinasalubong ang pagbaba ng babae dahilan para mas bumaon ang ari ni Luca sa sinapupunan nito.

“Fuck, baby! Ang sarap mo,” wika ni Luca na nanggigigil sa pagbaon ng kanyang ari sa namamasang pagkababae ng babaeng kanyang katalik.

“Paano mo nagawa sa akin ito, Luca?”

Hindi makapaniwala si Maeve sa kahayupang ginagawa ng kanyang kasintahan ngunit ang mas gumimbal sa kanyang mundo ay nang makita niya kung sino ang babaeng katalik nito.

“Ellie?” bulalas niya na labis hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan,

Parehong napatingin sa pinto sina Luca at Ellie nang marinig ang boses ni Maeve.

“Baby/Bes.” Magkasabay na sambit nina Luca at Ellie sa pangalan ni Maeve nang makita nila itong naroon.

Hindi nakaimik si Maeve. Ang surpresang dapat para sa kanyang kasintahan ay siya ang nasurpresa.

“Baby, let me ex—”

Hindi nagawang matapos ni Luca ang kanyang sasabihin nang ihampas ni Maeve ang hawak nitong bouquet sa pagmumukha ng binata.

“Ang kapal ng pagmumukha mong humingi ng pagkakataong magpaliwanag! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Nakita na mismo ng dalawa kong mga mata ang kababuyang ginawa ninyo!” mariing saad ni Maeve na punong-puno nang galit at panggigigil.

“Bes, pakinggan—”

Ibinaling ni Maeve ang kanyang tingin kay Ellie kung saan binigyan niya ito nang matalim na tingin. “Pakinggan? Para saan, Elle? Para bilugin niyo ang utak ko?”

“Bes—”

“Huwag mo akong matawag-tawag na bes! Kung itinuring mo akong kaibigan hindi mo ako magagawang traydurin!”

“Pero, Bes—”

“Huwag mo ako sabing tawaging bes! Wala akong bes na ahas at traydor!” mariing pagbibigay diin ni Maeve na sobrang nanggigigil kay Ellie.

“Baby, ‘wag mo naman ganyanin si Elle. Hindi niya—”

“Isa ka pa! Hindi ka na nahiya! Sa lahat ng babaeng kakalantarihin mo ‘e, ‘yong itinuring ko pang kaibigan!” pagpuputol na sabat ni Maeve.

Hindi nakaimik sina Luca at Ellie nang sandaling iyon dahilan para mabalot sila nang matinding pagkailang at tensyon. Patuloy na pinagmasdan ni Maeve ang dalawang tao naging sobrang mahalaga sa kanyang buhay—sa nakakailang na sitwasyon, kung saan kapwa ito hubo’t hubad at tanging ang kumot na pinagsasaluhan nila ang tumatakip sa kanilang mga katawan.

“Hindi niyo man lang pinahalagahan ang pagsasamang pinagsamahan natin nang matagal. Hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko at nagawa niyo pang ilihim ang lahat sa akin,” nanginginig na saad ni Maeve. “Mga traydor…” Dagdag niya na tuluyang nabasag ang kanyang tinig at bumuhos ang kanyang mga luha.

“Sorry, Maeve/Sorry…” sabay na saad ng dalawa.

Nagpatuloy ang pagbuhos ng mga luha ni Maeve. “Sa tingin niyo ba, mabubura ng sorry niyo ang katotohanan na niloko niyo ako? Mawawala ba ng sorry niyo ang panlolokong ginawa niyo sa akin? Mawawala ba ng sorry niyo ang sakit na nararamdaman ko?” Sunod-sunod na tanong nito habang patuloy sa pag-iyak.

Hindi nakaimik sina Luca at Ellie sa mga sinabi ni Maeve sa kanilang dalawa na nabalot ng kanilang mga konsensya.

Masakit man ang katotohanan ay kinailangan ni Maeve na magdesisyon, kailangan niyang iligtas at protektahan ang kanyang sarili. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata at binigyan nang seryosong tingin sina Luca at Ellie. “Magkalimutan na tayo. Ito ang huling beses na magkikita tayo,” mariing saad niya.

“Bes, hindi naman natin kailangang umabot sa ganitong bagay. Maaayos pa naman natin ang lahat ng ito,” saad ni Ellie.

Napapalatak nang mapait at napailing ng kanyang ulo si Maeve bago ibinalik ang kanyang tingin kina Luca at Ellie.

“Maaayos? Sa tingin mo ba, Elle, maaayos pa natin ito?” tanong ni Maeve. “Niloko niyo ako! Niloko! Naiintindihan mo ba ang ginawa niyo sa akin ni Luca?”

“Alam naming nasaktan ka namin, Bes, pero—”

“Elle, tumigil ka na katatawag sa akin ng bes,” pagbibigay diin ni Maeve. “Sa tuwing tinatawag mo ako ng ganyan kinikilabutan ako. Paano mo nagagawang tawagin akong bes matapos ang ginawa mong pantatraydor sa akin?”

“Pero—”

“Tama na, Elle,” pagpuputol na awat ni Maeve. “Hindi mo na magagawang maiayos ang bagay na nasira. Sinira niyo ang tiwala ko at wala ng ibang paraan para mabuo iyon.” Saka humugot nang malalim na paghinga ang dalaga para pigilan ang kanyang sarili sa muling pag-iyak. “Ito ang pakakatandaan niyo, kayo ang sumira ng relasyong meron tayo, hindi ako.”

“Maeve…” sambit ni Luca sa kanyang pangalan.

“Sana maging masaya kayo sa pananakit at panlolokong ginawa niyo sa akin.”

Matapos binitawan ni Maeve ang mga katagang iyon ay tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon. Hindi niya na kakayaning tumagal pa sa lugar na iyon at ipakita ang pagiging mahina niya sa harap ng mga taong nanakit sa kanya. Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ni Maeve para mabilis na siyang makaalis sa lugar na iyon.

Nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay sumigaw si Maeve hanggang sa abot ng kanyang makakaya para ilabas ang lahat ng galit at gigil na pilit niyang pinipigilan kanina. Nang mapagod ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa manibela at tuluyang kumawala ang kanyang mga luha.

“Bakit nila nagawa ang lahat ng ito sa akin?” umiiyak na tanong ni Maeve sa kanyang sarili.

Inisip ni Maeve kung saan ba siya may nagawang pagkakamali o kasalanan para gawin siyang lokohin at traydurin ng kanyang boyfriend at ng matalik niyang kaibigan. Ngunit, kahit na anong anggulo at halughog niya sa kanyang alaala ay wala siyang ginawa na masama ni kahit isa sa kanilang dalawa para gaguhin siya ng ganoon.

Napasapo si Maeve ng kanyang noo. “Ano ba ang ginawa kong mali para karmahin ako ng ganito?” Muli niyang tanong sa kanyang sarili.

Ilang sandaling nanahimik si Maeve sa loob ng kanyang kotse habang patuloy na nilalamon ng mga katanungan na hindi niya mahanapan ng sagot. At habang mas lalong kinakain siya ng katahimikan at katanungan ay para siyang tatakasan ng bait.

“Enough!” sigaw niya sa kanyang sarili at tumingin sa salamin ng kanyang kotse. “Hindi p’wedeng ganito. Habang sila nagpapakasaya ako nahihirapan at nasasaktan? Hindi ito p’wede!”

Dahil sa desidido si Maeve na hindi magmukhang kawawa at talunan ay binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan.

“If they can have fun with each other, so can I. I’m going to have fun until I go crazy!”

Matapos sabihin ni Maeve iyon ay wala ng sinayang na oras at pinaharurot niya ang kanyang kotse patungo sa Temptation Island.

Bab terkait

  • Finding Daddy   Chapter 2: Drink 'til I Drop

    TULAD ng sinabi ni Maeve sa kanyang sarili kalahating oras ang nakakaraan ay uminom at nagpakasaya ito sa Temptation Island.“Woah!” sigaw nito matapos tunggahin ng buo ang tequila. “Give me another shot,” saad niya sa bartender na agad naman siyang pinagsalinan.Matapos na iabot ng bartender ang order ni Maeve ay mabilis niyang tinungga iyon.“Woah!” sigaw muli ng dalaga.Now Playing: Turn Me On – Kevin LyttleMas lalong nagwala si Maeve sa saya nang marinig ang kantang pinatugtog ng DJ. Dali-dali itong pumunta sa gitna at nagsimulang sumayaw na hindi paaawat dahilan para makuha niya ang atensyon nang nakararami. Sa labis na bigay todong sayaw dalaga ay nakisabay na rin ang ilang kababaihan at kalalakihan sa kanya sa pagsayaw dahilan para mas lalong naging masigla at nabuhay ang bar.Inom. Sayaw. Sigaw. Iyon ang ginawa ni Maeve sa nakalipas na ilang oras sa Temptation Island. Nagpakasaya siya hanggang sa mawala sa kanyang isipan ang imahe nina Luca at Ellie. Matapos ang mahabang oras

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-12
  • Finding Daddy   Chapter 3: After 'That' Night

    DALI-DALING nagbihis si Maeve at umalis sa Temptation Island. Hindi niya na gustong magising pa ang binata at makita siya nito matapos ang nakakahiya at malaking pagkakamali niya na ginawa kagabi.“Damn it! Maeve, anong ginagawa mo sa buhay mo! Kaka-break mo lang kay Luca tapos ngayon nakipag-sex ka sa lalaking hindi mo kilala! Ano bang pumasok diyan sa utak mo?” Sunod-sunod niyang saad sa kanyang sarili. “Alam kong nasaktan ang puso mo pero ayos pa naman ang utak mo, bakit hindi mo ginamit?” Dagdag niyang pangaral sa kanyang sarili habang nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse.Napaubob si Maeve sa manibela at bahagyang inuuntog ang kanyang ulo roon.“Fuck! Anong ginawa ko kagabi? Bakit umabot sa ganoon ang nangyari?” Muling tanong ni Maeve sa kanyang sarili habang pilit na inaalala kung anong nangyari kagabi. Ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin siyang maalala ng gabing iyon.“Anong kagagahan ba itong ginagawa mo sa sarili mo, Maeve?” nasisiphayo niyang saad sa kanyan

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-21
  • Finding Daddy   Chapter 4: Face Off

    NASA LABAS pa lamang ng kompanya si Maeve ng kanyang ex ay halos ng mga mata ay nasa kanya at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga kinikilos ng mga ito ay mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa kanila ni Luca, ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Maeve at dire-diretso na pumunta sa kanyang opisina para iimpake ang kanyang mga gamit.“Totoo ba na nahuli ni Ma’am Maeve si Sir Luca na may ibang babae?”“Oo! Iyon ang narinig ko mula sa kabilang department.”“Talaga? Sino ba ‘yong babae? Wala naman akong nakikitang palaging nakaaligid kay Sir maliban kay Ma’am Ellie.”“Ano ba kayo? ‘Yong malanding best friend ni Ma’am Maeve ang kabit ni Sir Luca!”“Ano si Ma’am Ellie?”“Huwag mo ngang ma-ma’am ma’am ang malanding babae iyon! Hindi niya deserve!”“Pero, totoo?”“Oo nga! Siya ang kabit ni Sir Luca!”“Ano ba kayo? Huwag nga kayong magpapaniwala riyan kay Marites at mali-mali naman ang sinasabi!”“Anong mali sa sinasabi ko, Mila! Iyon kaya

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-22
  • Finding Daddy   Chapter 5: Decision

    DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.“Damn it! Bakit—”Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam na para siyang susuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Napasuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nasusuka.Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang ka

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-23
  • Finding Daddy   Chapter 6: A Life Away

    “Wala ka man lang bang pakialam sa akin, Daddy?”Iyon ang tanong sa kanyang isipan nang sandaling iyon. Pakiramdam niya nang dahil sa isa niyang pagkakamali ay hindi na siyang nagawang ituring ng kanyang ama bilang isang anak, para bang isa siyang malaking kakahiyan dito na kailangan mawala at itago.“Ma’am, may I see your boarding pass?” wika ng staff dahilan para maagaw ang atensyon ni Maeve.Yumuko si Maeve at ipinakita ang boarding pass sa staff. Napansin naman ng staff na tila hindi maayos ang kanyang kalagayan kaya tinanong siya nito.“Are you okay, Ma’am? Do you—”“I’m fine,” pagpuputol na saad ni Maeve.“Are you—”“Yeah. Can I get through now?”Hindi na nagawang magtanong muli ng staff at hinayaan na lamang na padaanin ang dalaga.“You can go inside, Ma’am,” saad ng staff.Agad naman pumasok si Maeve at naglakad papunta sa sasakyan niyang eroplano. Nang makarating na ang dalaga sa kanyang upuan ay napatingin ito sa labas ng bintana.“Am I really leaving this country?” tanong ni

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-24
  • Finding Daddy   Chapter 7: Alone & Memories

    Hindi naging madali kay Maeve ang lahat lalo na at matinding adjustment ang ginagawa ng dalaga. Napatingin si Maeve sa labas ng bintana na tila ba nakatingin sa kawalan dahilan para maalala niya ang mga nangyari bago siya napadpad sa lugar na iyon.“I’ve already booked you a flight to Chicago. You’ll be there until the rumors die down and your baby is delivered,” wika ng kanyang Daddy Hudson.“Daddy, can we just let Ate stay here with us?” tanong ni Olivia na may nakaguhit na labis na pag-aalala sa mukha nito para sa kanyang kapatid na malalayo sa kanila lalo na mag-isa at buntis pa ito. “It will be bad if she stays there alone without us by her side.” Dagdag nito.Ibinaling ni Hudson ang tingin kay Olivia.“No, she can’t stay here. It will continue to defame our family name if she stays with us now that she is pregnant with someone we don’t know,” pagbibigay diin nito dahilan para mapayuko si Maeve at mas lalong makaramdam ng pagsisisi sa pagkakamali na kanyang ginawa.“But, Daddy, as

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-25
  • Finding Daddy   Chapter 8: Changes

    BAGO pa man umabot sa puntong maubos ang perang dala ni Maeve ay naghanap siya ng maari niyang pagtrabahuhan ngunit hirap siya makahanap.“While you’re there, stay out of trouble that will bring our family name into public attention once more.”“I anticipate that you will behave appropriately.”Napahugot nang malalim na paghinga si Maeve nang maalala ang mga paalala ng kanyang ama habang nakaupo sa circle.“In short, I cannot work in places that will draw attention to our family and cause problems,” mahina niyang wika. “Where can I get a good job in this town?” Dagdag nito na muling napahugot nang malalim na paghinga.Habang iniisip ni Maeve kung paano siya mabubuhay sa lugar na ‘yon ng hindi makakaagaw ng atensyon ay naibaling niya ang kanyang tingin sa isang babae na may pinapaskil sa labas ng isang bakery shop. Lumapit ang dalaga sa shop para tignan poster.We’re HIRING!Part-time Front Counter StaffPart-time Bakery Assistant“A job that will not gather much attention…Front counter

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-26
  • Finding Daddy   Chapter 9: Moving On

    “YOU’RE HIRED.”Umuwi si Maeve na may ngiti sa kanyang labi matapos na siya’y matanggap sa bakery shop na nagkataon lang na nakita niya sa kalagitnaan ng paghahanap niya ng trabaho.Napatingin siya sa kanyang tiyan na may ngiti saka hinimas iyon. “It appears that God is being gracious to us, baby,” wika ng dalaga na may ngiti sa kanyang labi.Nang sandaling iyon ay bigla siyang napahinto nang marinig niya ang kanyang sarili na sambitin ang salitang ‘baby’. Hindi niya inaasahan na matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay ay magagawa niyang mabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong una ay hindi niya magawang tanggapin na magiging ina siya pero ngayon na nag-iisa na lang siya at tanging ang bata sa kanyang sinapupunan ang kanyang kasama ay napagtanto niya na walang ibang dadamay sa kanila kung ‘di ang isa’t isa.Gumuhit ang banayad na ngiti sa labi ni Maeve. “Baby…” mahina niyang sambit habang hinihimas ang maliit niyang tiyan. “I will cherish you above all else.

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-27

Bab terbaru

  • Finding Daddy   Chapter 44: Surprise!

    SAMU’T SARING mga tingin ang sumalubong kay Maeve nang sandaling maitapak niya ang kanyang paa sa labas ng building ni Nicholas.“What in the world—”Hindi nagawang matapos ang sasabihin ni Maeve nang sumulpot na ang isang lalaki sa kanyang tabi dahilan para maalala niya na naman ang nangyari kanina.Earlier ago…“Baby, do you remember what I always tell you?”“Mommy, we’ve been going over this again and again since we woke up. I’ll be fine, so you don’t have to worry about me. I won’t let any strangers in. I’ll only open the door if it’s Tita Mommy, Lola Mommy, or Lolo Daddy. I’ve got it memorized and understood,” wika ni Nami punong-puno nang paninigurado sa kanyang ina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maeve. “I’m just worried about leaving you here alone without anyone to look after you,” wika nito na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.Ikinulong ni Nami sa maliit niyang mga kamay ang mukha ng kanyang ina at idinikit ang kanyang noo sa

  • Finding Daddy   Chapter 43: Plans

    “TELL me, is that Sandoval the real father of Nami?”May pag-aalinlangan man dahil sa nararamdamang hiya ni Maeve ay sinagot niya pa rin ang tanong ang kanyang ama. “It happened so.”“What is Sandoval’s plan now? And what about the scandal that happened back then? Have you discussed this matter?” Sunod-sunod na tanong ni Hudson.“He wanted us to get married to clear up the scandal and confirm Nami’s identity.”“He suggested marriage?”Tumango si Maeve bilang pagkumpirma.“Did he suggest that out of love, or is he just acting out of a sense of responsibility?”“I don’t think it’s just about taking responsibility for us,” mahinang tugon ni Maeve.“Then what?”“I think he’s doing it both.”“Both?” pag-uulit ni Hudson habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak. “Does he love you?”“I don’t know.”“Then how can you say that he suggested marriage out of love and not just out of responsibility?”“Because he said so.”“Do you believe him? Is he someone you feel you can trust?”“I don’t

  • Finding Daddy   Chapter 42: Father

    WALA pa mang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nina Maeve at ng kanyang ama ay ramdam na ng dalaga ang matinding tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maipaliwanag kung anong awra ang lumalabas sa kanyang ama nang sandaling iyon dahilan para makaramdam siya ng labis na pagkailang at takot.“Lolo Daddy!” masayang tawag ni Nami kay Hudson na binigyan lang ng isang tahimik na tingin ang apo.“Nami, don’t disturb your lolo. Just sit here and behave,” awat ni Maeve sa kanyang anak.“But—”Binigyan nang makahulugang tingin ni Maeve si Nami dahilan para matahimik ito at napaupo na lamang sa tabi ng ina. Nang masiguro na ni Maeve na hindi na makakagulo si Nami ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin din sa kanya nguniit may blangkong ekspresyon dahilan para mahirapan siyang basahin kung ano bang iniisip o plinaplano ng kanyang ama nang sandaling iyon.“Nami, can you go to your lola. Your mom and I need to discuss some matters,” wika ni Hudson nang ib

  • Finding Daddy   Chapter 41: Her Decision

    MATAPOS na marinig ni Olivia ang k’wento ni Maeve ay napaawang ito ng kanyang bibig ngunit kaagad ding ikinumpas ang kanyang sarili.“So, anong gagawin mo na ngayon, ate? Are you going to marry him?” tanong nito na punong-puno ng kuryusidad.“Hindi ko alam,” mahinang sagot ni Maeve na bakas ang pag-aalangan sa kanyang sagot.Pinagmasdan ni Olivia ang kanyang kapatid nang ilang saglit bago muling magsalita. “Why are being hesitant? Is there something wrong with Nicholas?”Umiling si Maeve bilang tugon.“Then why are you being hesitant to accept his proposal?”Inangat ni Maeve ang kanyang ulo para magtagpo ang kanilang paningin ni Olivia. “There’s nothing wrong with Nicholas. If I were wise, he would be a better man to marry. It’s just that I can’t bear to see his reputation tarnished just because of marrying me.”Napakunot ng noo si Olivia sa naging tugon ng kanyang kapatid. “What are you talking about, ate? Anong sinasabi mo na masisira reputation ni Nicholas nang dahil sa’yo? Anong m

  • Finding Daddy   Chapter 40: Final Decision

    SINALUBONG ng lumilipad na baso ng alak si Nicholas nang sandaling makapasok siya ng kanilang pamamahay na agad niya namang nailagan dahilan para tumama iyon sa dingding at nabasag at magkalat ang piraso ng bubog sa sahig.“Anong kataranduhan itong ginagawa mo, Nicholas?” bungad na bulyaw ni Colton.Sa kabila ng pagiging mainit ng ulo ni Colton ay kalmado itong hinarap ni Nicholas. “I’m not doing anything foolish,” tugon nito na siyangmas lalong ikinagalit ng ama.“Wala kang ginagawa? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” gigil na tanong nito. “Anong tawag mo dito ha?” Sabay hagis ng cellphone kay Nicholas na tumama sa dibdib nito.At nakita ni Nicholas sa video ang ginawa niyang pag-announce sa kanyang pagkakasal ngunit, hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon nang sandaling iyon. Malinaw sa kanya kung ano ang ikinapuputok ng butsi ng kanyang ama.“Ngayon sabihin mo sa akin na wala kang ginagawang katarantaduhan!” sigaw ni Colton pagkatapos na k’welyuhan ang kanyang anak na nagpapakita pa

  • Finding Daddy   Chapter 39: Family

    “How did they manage to betray me? What did I do to deserve this from them? Was I that bad that they had to hurt me, or was I the only one who gave value to what we had between the three of us?” umiiyak na tanong ng dalaga.Nang makita iyon ni Nicholas, sa unang pagkakataon nagkaroon siya ng simpatya sa ibang tao. Hindi niya maunawaan kung anong dahilan kung bakit naapektuhan siya sa sakit na nararamdaman ng dalagang nasa kanyang harapan. Hindi naman siya tipo ng tao na maapektuhan sa dala-dalang bigat ng ibang tao dahil para sa kanya may problema rin siyang dinadala at kailangan niyang unahin ang sarili bago ang iba. Gusto niya din kalimutan ang problema na kagagawan ng kanyang ama kaya siya pumunta sa bar pero dahil sa alak hinayaan niya ang kanyang sarili na magpatangay sa halik ng babaeng nasa kanyang harapan na hinila siya patungo sa isang k’warto at ngayon ay umiiyak na sa kanyang harapan dahil sa kalasingan.Pinunasan niya ang luha sa mga mata nito. “Do you want to forget every

  • Finding Daddy   Chapter 38: Revelation

    “I can’t believe this,” mahinang usal ni Maeve habang nakaupo at nakatingin sa kawalan.“I know things get a little mixed up, but we can’t deny the fact that we’re all in here and we have to get things straight.”Napatingin si Maeve kay Nicholas na may hindi maipaliwanag na itsura. “Wait, aren’t you acting a bit too normal for the situation we’re in right now? I know we need to muster ourselves to handle this, but why does it seem like everything is fine for you?” tanong nito na hindi mapigilan ang kanyang sarili na mamangha sa lalaking nasa kanyang harapan kung paano ito hindi naapektuhan sa mga nangyayari.Ibinaling ni Nicholas ang kanyang tingin kay Maeve at tinignan ito sa mga mata. “Because it’s really fine with me.”Napaawang ng kanyang bibig si Maeve sa naging tugon ni Nicholas. “Ha?”“Why? Should I feel uncomfortable about it?”Ilang segundong napako ang mga tingin ni Maeve kay Nicholas. “How can he say such things? This man never fails to amuse me,” wika nito sa sarili na may

  • Finding Daddy   Chapter 37: Plan and Confrontation

    TINUNGGA ni Ellie ang isang basong wine matapos niyang marinig ang announcement na sinabi ni Nicholas sa party sa pinapanood niyang footage sa kanyang hawak na iPad.“This can’t be happening!” mariin niyang saad sa kanyang sarili sabay bagsak sa basong hawak sa mesa at napakuyom ng kanyang kamay nang napahigpit habang kinakain nang panggagalaiti nang sandaling iyon.This is ridiculous! How could he accept her after what happened between them in the past? How could he even propose marriage to her without hesitating? Is he an idiot? Damn it! I didn’t provoke him just for him to end up with her! I didn’t do all that just to make Maeve’s life happy. I did it to make her life miserable! She doesn’t have the right to be happy! She only deserves to live in hell!Gigil na gigil si Ellie habang nakikita kung paano kumilos si Nicholas nang sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na mas magkakaroon ito ng pake kay Maeve at maiisipan pang pakasalan after that staged one-night stand.“I hate this!” m

  • Finding Daddy   Chapter 36: Big Announcement

    IGINALA ni Nami ang kanyang mga mata nang sandaling makababa ng taxi, sinisiguro na wala roon ang kanyang Mommy Maeve. Hindi siya p’wedeng mahuli ng kanyang mommy dahil kung mahuhuli siya ay masasayang ang pagkakataong makita niyang muli ang kanyang daddy at hindi niya iyon gugustuhin.“I need to find daddy immediately before mommy sees me,” mariing saad ni Nami sa kanyang sarili na punong-puno ng determinasyon nang sandaling iyon.Ihahakbang na sana ni Nami ang kanyang paa ng may dalawang malalaking lalaki ang biglang sumulpot sa kanyang harapan dahilan para mapatingala siya para matitigan ang mga ito.“Who are you two? What do you want from me?” Sunod-sunod at walang kagatol-gatol na tanong ni Nami sa dalawang lalaking nasa kanyang harapan na tinitignan ang litratong hawak nito at ang kanyang mukha.“Are you Nami Talessdo?” pagtatanong ng lalaking may hawak ng litrato.Nagsalubong ang mga kilay ni Nami. “Why? What do you need from me? Are you planning to kidnap me?” tanong nito haba

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status