DALI-DALING nagbihis si Maeve at umalis sa Temptation Island. Hindi niya na gustong magising pa ang binata at makita siya nito matapos ang nakakahiya at malaking pagkakamali niya na ginawa kagabi.
“Damn it! Maeve, anong ginagawa mo sa buhay mo! Kaka-break mo lang kay Luca tapos ngayon nakipag-sex ka sa lalaking hindi mo kilala! Ano bang pumasok diyan sa utak mo?” Sunod-sunod niyang saad sa kanyang sarili. “Alam kong nasaktan ang puso mo pero ayos pa naman ang utak mo, bakit hindi mo ginamit?” Dagdag niyang pangaral sa kanyang sarili habang nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse.
Napaubob si Maeve sa manibela at bahagyang inuuntog ang kanyang ulo roon.
“Fuck! Anong ginawa ko kagabi? Bakit umabot sa ganoon ang nangyari?” Muling tanong ni Maeve sa kanyang sarili habang pilit na inaalala kung anong nangyari kagabi. Ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin siyang maalala ng gabing iyon.
“Anong kagagahan ba itong ginagawa mo sa sarili mo, Maeve?” nasisiphayo niyang saad sa kanyang sarili.
Akmang iuuntog niyang muli ang kanyang ulo sa manibela nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone dahilan para maagaw ang kanyang atensyon.
“Sino kaya ‘tong tumatawag?”
Nang tignan ni Maeve ang kanyang cellphone ay nakita niya pangalan ng kanyang mommy dahilan para matauhan siya sa kanyang sarili.
Natatakot man ay sinagot niya ang tawag ng kanyang mommy. “Mom—”
Hindi pa man natatapos ni Maeve ang kanyang sasabihin ay agad iyong naputol nang magsalita ang kanyang mommy.
“Nasaan ka bang bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala sa ‘yo! Sobrang nag-aalala ang daddy mo sa ‘yo!” bungad ng kanyang Mommy Lucinda.
Napapikit ng kanyang mga mata si Maeve at napasapo ng kanyang ulo. “Sorry, Mommy. Something came up and—”
“Huwag ka na magpaliwanag. Basta umuwi ka na ngayon at sobra kaming nag-aalala sa ‘yo!”
Tahimik na napabuntong-hininga si Maeve. “Okay, Mommy. I’ll be home in few minutes.”
“Okay. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo.”
Matapos sabihin iyon ng kanyang mommy ay naputol na ang tawag. Muli, napahugot nang malalim na paghinga si Maeve at napatingin sa bar.
“Wala naman sigurong makakaalam ng nangyari kagabi,” mahina niyang saad sa kanyang sarili habang nakatingin pa rin sa bar.
Umiling si Maeve para ikumpas ang kanyang sarili. “Everything will be fine,” pangungumbinsi niyang saad sa kanyang sarili.
Inalis niya ang kanyang tingin sa bar at nagsimulang buhayin ang makina ng kotse saka agad na pinaandar para makaalis na sa lugar na iyon. At para na rin iwan at kalimutan ang nangyari ng gabing iyon.
***
BENTE minuto ang lumipas nang makarating si Maeve sa kanilang bahay at nang sandaling marinig ng kanyang mommy at daddy ang paghinto ng makina ng kanyang sasakyan ay dali-dali ang mga ito lumabas ng bahay.
“Mabi,” sambit ng kanyang Mommy Lucinda nang may naaawang tinig at akmang sasalubungin ng yakap ngunit napahinto ito nang sandaling maamoy nito ang alak na bumalot sa katawan ng dalaga. “Uminom ka ba, Mabi?”
Napakagat ng kanyang mga labi si Maeve at hindi alam kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi.
“Ah, mommy…ah, uminom po ako ng konti,” pagsisinungaling nito.
Naningkit ang mga mata ng mommy ni Maeve. “Konti? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?” tanong nito na halatang nagdududa sa sinasabi ng anak.
“Ah, ano, mommy…kasi—”
“Don’t try to fool your mommy, Maeve.”
Nang marinig ni Maeve ang boses ng kanyang Daddy Hudson ay bigla siyang napatayo nang maayos at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig nito,
“Daddy…” mahinang sambit ni Maeve nang magkasalubong ang kanilang mga titig ng kanyang ama.
“Maeve, is that how you deal with your problems? Become inebriated? Do you hope that will greatly help you in handling your problem?” Sunod-sunod na tanong ng daddy ni Maeve.
Napakuyom ng kanyang mga kamay si Maeve para pigilan ang luhang nagtatangkang lumabas sa kanyang mga mata. Alam niyang masakit magsalita ang kanyang daddy ngunit hindi niya pa rin magawang masanay lalo na sa tuwing magsasalita ito ay tatagos talaga sa kanyang buong pagkatao.
“I’m sorry, daddy.” Iyon na lamang ang naging tugon ni Maeve. Alam niyang kahit magpaliwanag siya ay hindi iyon tatanggapin ng kanyang ama.
“I never utterly fail to remind you that he is not the man for you, but you keep disregarding my advice. Look at what he did to you,” mariing saad ni Hudson.
Nanatiling walang imik si Maeve at tahimik na lang napahugot nang paghinga habang humihigpit ang pagkakakuyom sa kanyang mga kamay.
“Honey, ‘wag ka naman ganyan sa anak natin,” awat ni Lucinda sa kanyang asawa. “Alam naman na ng anak natin na nagkamali siya, hindi mo naman kailangan pagsalitaan siya nang masakit at sisihin.” Dagdag nito.
“No, Lucinda. If she would only listen to me, she would not be so pitifully low. She will not undermine her ambitious boyfriend or her two-faced best friend,” mariing pagpupunto ni Hudson na walang pakialam kung nasasaktan niya na ba si Maeve sa kanyang mga binibitawang salita as long as alam niyang tama ang kanyang sinasabi.
“Pero—”
Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang putulin ni Hudson ang kanyang sasabihin.
“Stop treating our daughters like babies, Lucinda. If you continue to treat them in this manner, how will they be able to stand on their own?”
Akmang magrarason pa sana si Lucinda nang hawakan ito ni Maeve sa kamay dahilan para mapatingin ito sa anak.
Binigyan ni Maeve nang maliit na ngiti ang ina. “It’s fine, mommy. Daddy is right.”
“Pero—”
Umiling si Maeve at binigyan nang makahulugang tingin ang ina. Naintindihan ito ni Lucinda dahilan para lalo siyang maawa sa kanyang anak.
“Everything between you and that jerk has now come to an end. Leave your bastard ex boyfriend’s company as soon as possible. You have no place in a place like that.” Matapos sabihin iyon ni Hudson ay tumalikod na ito at bumalik sa loob ng kanilang bahay.
Nagpakawala naman nang mabigat na paghinga si Maeve nang sandaling mawala ang presensya ng kanyang ama sa kanilang harapan ng kanyang ina. Nang makita ni Lucinda ang bigat na nararamdaman ng kanyang ay hinimas nito ang likod para pakalmahin.
“Sorry, anak. Hindi man lang kita nadepensahan sa daddy mo,” wika ni Lucinda na labis na naaawa sa kanyang anak.
Inangat ni Maeve ang kanyang ulo at tinignan ang kanyang ina saka binigyan nang maliit na ngiti. “Okay lang, mommy. Sanay na ako kay daddy.”
“Pero—”
Hinawakan ni Maeve ang kamay ng kanyang ina. “Okay lang, mommy. Hindi niyo po kailangan pagaanin ang loob ko. Kilala ko na po si daddy at naiintindihan ko po kung bakit siya ganoon sa akin,” wika nito.
Hindi nakaimik si Lucinda at tinignan na lamang sa mga mata ang kanyang anak at hinawi ang buhok nito na nagkalat sa mukha nito.
“Mabi…”
Muli, ngumiti si Maeve. “Sige po, mommy. Pasok na po ako sa loob nang makaligo na po ako at maasikaso ko na po ang dapat kong asikasuhin sa araw na ito.”
Hindi man lubos na panatag ang loob ni Lucinda ay wala siyang nagawa kung ‘di unawain na lamang ang kanyang anak.
“Okay.”
Matapos noon ay naglakad na si Maeve papasok ng kanilang bahay at dumiretso sa kanyang k’warto para makaligo.
NASA LABAS pa lamang ng kompanya si Maeve ng kanyang ex ay halos ng mga mata ay nasa kanya at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga kinikilos ng mga ito ay mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa kanila ni Luca, ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Maeve at dire-diretso na pumunta sa kanyang opisina para iimpake ang kanyang mga gamit.“Totoo ba na nahuli ni Ma’am Maeve si Sir Luca na may ibang babae?”“Oo! Iyon ang narinig ko mula sa kabilang department.”“Talaga? Sino ba ‘yong babae? Wala naman akong nakikitang palaging nakaaligid kay Sir maliban kay Ma’am Ellie.”“Ano ba kayo? ‘Yong malanding best friend ni Ma’am Maeve ang kabit ni Sir Luca!”“Ano si Ma’am Ellie?”“Huwag mo ngang ma-ma’am ma’am ang malanding babae iyon! Hindi niya deserve!”“Pero, totoo?”“Oo nga! Siya ang kabit ni Sir Luca!”“Ano ba kayo? Huwag nga kayong magpapaniwala riyan kay Marites at mali-mali naman ang sinasabi!”“Anong mali sa sinasabi ko, Mila! Iyon kaya
DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.“Damn it! Bakit—”Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam na para siyang susuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Napasuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nasusuka.Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang ka
“Wala ka man lang bang pakialam sa akin, Daddy?”Iyon ang tanong sa kanyang isipan nang sandaling iyon. Pakiramdam niya nang dahil sa isa niyang pagkakamali ay hindi na siyang nagawang ituring ng kanyang ama bilang isang anak, para bang isa siyang malaking kakahiyan dito na kailangan mawala at itago.“Ma’am, may I see your boarding pass?” wika ng staff dahilan para maagaw ang atensyon ni Maeve.Yumuko si Maeve at ipinakita ang boarding pass sa staff. Napansin naman ng staff na tila hindi maayos ang kanyang kalagayan kaya tinanong siya nito.“Are you okay, Ma’am? Do you—”“I’m fine,” pagpuputol na saad ni Maeve.“Are you—”“Yeah. Can I get through now?”Hindi na nagawang magtanong muli ng staff at hinayaan na lamang na padaanin ang dalaga.“You can go inside, Ma’am,” saad ng staff.Agad naman pumasok si Maeve at naglakad papunta sa sasakyan niyang eroplano. Nang makarating na ang dalaga sa kanyang upuan ay napatingin ito sa labas ng bintana.“Am I really leaving this country?” tanong ni
Hindi naging madali kay Maeve ang lahat lalo na at matinding adjustment ang ginagawa ng dalaga. Napatingin si Maeve sa labas ng bintana na tila ba nakatingin sa kawalan dahilan para maalala niya ang mga nangyari bago siya napadpad sa lugar na iyon.“I’ve already booked you a flight to Chicago. You’ll be there until the rumors die down and your baby is delivered,” wika ng kanyang Daddy Hudson.“Daddy, can we just let Ate stay here with us?” tanong ni Olivia na may nakaguhit na labis na pag-aalala sa mukha nito para sa kanyang kapatid na malalayo sa kanila lalo na mag-isa at buntis pa ito. “It will be bad if she stays there alone without us by her side.” Dagdag nito.Ibinaling ni Hudson ang tingin kay Olivia.“No, she can’t stay here. It will continue to defame our family name if she stays with us now that she is pregnant with someone we don’t know,” pagbibigay diin nito dahilan para mapayuko si Maeve at mas lalong makaramdam ng pagsisisi sa pagkakamali na kanyang ginawa.“But, Daddy, as
BAGO pa man umabot sa puntong maubos ang perang dala ni Maeve ay naghanap siya ng maari niyang pagtrabahuhan ngunit hirap siya makahanap.“While you’re there, stay out of trouble that will bring our family name into public attention once more.”“I anticipate that you will behave appropriately.”Napahugot nang malalim na paghinga si Maeve nang maalala ang mga paalala ng kanyang ama habang nakaupo sa circle.“In short, I cannot work in places that will draw attention to our family and cause problems,” mahina niyang wika. “Where can I get a good job in this town?” Dagdag nito na muling napahugot nang malalim na paghinga.Habang iniisip ni Maeve kung paano siya mabubuhay sa lugar na ‘yon ng hindi makakaagaw ng atensyon ay naibaling niya ang kanyang tingin sa isang babae na may pinapaskil sa labas ng isang bakery shop. Lumapit ang dalaga sa shop para tignan poster.We’re HIRING!Part-time Front Counter StaffPart-time Bakery Assistant“A job that will not gather much attention…Front counter
“YOU’RE HIRED.”Umuwi si Maeve na may ngiti sa kanyang labi matapos na siya’y matanggap sa bakery shop na nagkataon lang na nakita niya sa kalagitnaan ng paghahanap niya ng trabaho.Napatingin siya sa kanyang tiyan na may ngiti saka hinimas iyon. “It appears that God is being gracious to us, baby,” wika ng dalaga na may ngiti sa kanyang labi.Nang sandaling iyon ay bigla siyang napahinto nang marinig niya ang kanyang sarili na sambitin ang salitang ‘baby’. Hindi niya inaasahan na matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay ay magagawa niyang mabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong una ay hindi niya magawang tanggapin na magiging ina siya pero ngayon na nag-iisa na lang siya at tanging ang bata sa kanyang sinapupunan ang kanyang kasama ay napagtanto niya na walang ibang dadamay sa kanila kung ‘di ang isa’t isa.Gumuhit ang banayad na ngiti sa labi ni Maeve. “Baby…” mahina niyang sambit habang hinihimas ang maliit niyang tiyan. “I will cherish you above all else.
“GOOD MORNING, Mary!” masiglang bati ni Maeve kay Mary, isang regular na customer ng shop na ‘yon. “You’re early today.”“Maeve, I have to. The deadline is close to hitting, and I’m only halfway through,” wika ni Mary na bakas ang pagod sa mukha nito.“Being a writer is not really that easy, isn’t it?”“Definitely not,” tugon ni Mary habang napapailing. “And these sweet treats are my only lifeline. The only thing that gives me energy to keep working on my stories is this.” Dagdag nito.Natawa nang mahina si Maeve at inabot ang laging binibili ni Mary sa shop na ‘yon—éclair at lemon whipped cream pie na paborito nito.“Here they are. Hope that they will make you feel more motivated and energized,” nakangiting saad ni Maeve.“Thank you, Maeve.”“And here’s your s’mores latte, too.” Dagdag ni Maeve.“Thank you, thank you. You’re really my savior, Maeve,” saad ni Mary na labis na nagpapasalamat.“No biggie, Mary. I’m glad I could help,” tugon ni Maeve na may ngiti.“Thank you again, Mave!
“THERE is no doubt that I injured Ms. De Llana and Mr. Ricafort, but I am not considering it to be assault, but rather self-defense.”“Self-defense?” pag-uulit ni Mr. Marco na napataas ng kanyang kilay sa ginawang pagdadahilan ni Olivia.“Yes, Atty. Marco. It was just a matter of defending my sister because she could not defend herself, so I had to do it for her,” paliwanag ni Olivia.Napapalatak si Atty. Collins, isa sa mga panel board. “Would you say that you hurt Ms. De Llana just in order to defend your sister? Why would you do that? Is there a reason why your sister does not able to defend herself in the very first place?” b’welta nito.“It’s because—”Hindi nagawang maituloy ni Olivia ang kanyang sasabihin nang sumabal si Atty. Collins.“The reason why Ms. Talessdo won’t hurt them is because she doesn’t wish to hurt them, whereas you are the only one who holds a grudge against them.”Nag-init ang tainga ni Olivia sa kanyang narinig. “In no way am I holding grudges against them, A
SAMU’T SARING mga tingin ang sumalubong kay Maeve nang sandaling maitapak niya ang kanyang paa sa labas ng building ni Nicholas.“What in the world—”Hindi nagawang matapos ang sasabihin ni Maeve nang sumulpot na ang isang lalaki sa kanyang tabi dahilan para maalala niya na naman ang nangyari kanina.Earlier ago…“Baby, do you remember what I always tell you?”“Mommy, we’ve been going over this again and again since we woke up. I’ll be fine, so you don’t have to worry about me. I won’t let any strangers in. I’ll only open the door if it’s Tita Mommy, Lola Mommy, or Lolo Daddy. I’ve got it memorized and understood,” wika ni Nami punong-puno nang paninigurado sa kanyang ina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maeve. “I’m just worried about leaving you here alone without anyone to look after you,” wika nito na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.Ikinulong ni Nami sa maliit niyang mga kamay ang mukha ng kanyang ina at idinikit ang kanyang noo sa
“TELL me, is that Sandoval the real father of Nami?”May pag-aalinlangan man dahil sa nararamdamang hiya ni Maeve ay sinagot niya pa rin ang tanong ang kanyang ama. “It happened so.”“What is Sandoval’s plan now? And what about the scandal that happened back then? Have you discussed this matter?” Sunod-sunod na tanong ni Hudson.“He wanted us to get married to clear up the scandal and confirm Nami’s identity.”“He suggested marriage?”Tumango si Maeve bilang pagkumpirma.“Did he suggest that out of love, or is he just acting out of a sense of responsibility?”“I don’t think it’s just about taking responsibility for us,” mahinang tugon ni Maeve.“Then what?”“I think he’s doing it both.”“Both?” pag-uulit ni Hudson habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak. “Does he love you?”“I don’t know.”“Then how can you say that he suggested marriage out of love and not just out of responsibility?”“Because he said so.”“Do you believe him? Is he someone you feel you can trust?”“I don’t
WALA pa mang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nina Maeve at ng kanyang ama ay ramdam na ng dalaga ang matinding tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maipaliwanag kung anong awra ang lumalabas sa kanyang ama nang sandaling iyon dahilan para makaramdam siya ng labis na pagkailang at takot.“Lolo Daddy!” masayang tawag ni Nami kay Hudson na binigyan lang ng isang tahimik na tingin ang apo.“Nami, don’t disturb your lolo. Just sit here and behave,” awat ni Maeve sa kanyang anak.“But—”Binigyan nang makahulugang tingin ni Maeve si Nami dahilan para matahimik ito at napaupo na lamang sa tabi ng ina. Nang masiguro na ni Maeve na hindi na makakagulo si Nami ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin din sa kanya nguniit may blangkong ekspresyon dahilan para mahirapan siyang basahin kung ano bang iniisip o plinaplano ng kanyang ama nang sandaling iyon.“Nami, can you go to your lola. Your mom and I need to discuss some matters,” wika ni Hudson nang ib
MATAPOS na marinig ni Olivia ang k’wento ni Maeve ay napaawang ito ng kanyang bibig ngunit kaagad ding ikinumpas ang kanyang sarili.“So, anong gagawin mo na ngayon, ate? Are you going to marry him?” tanong nito na punong-puno ng kuryusidad.“Hindi ko alam,” mahinang sagot ni Maeve na bakas ang pag-aalangan sa kanyang sagot.Pinagmasdan ni Olivia ang kanyang kapatid nang ilang saglit bago muling magsalita. “Why are being hesitant? Is there something wrong with Nicholas?”Umiling si Maeve bilang tugon.“Then why are you being hesitant to accept his proposal?”Inangat ni Maeve ang kanyang ulo para magtagpo ang kanilang paningin ni Olivia. “There’s nothing wrong with Nicholas. If I were wise, he would be a better man to marry. It’s just that I can’t bear to see his reputation tarnished just because of marrying me.”Napakunot ng noo si Olivia sa naging tugon ng kanyang kapatid. “What are you talking about, ate? Anong sinasabi mo na masisira reputation ni Nicholas nang dahil sa’yo? Anong m
SINALUBONG ng lumilipad na baso ng alak si Nicholas nang sandaling makapasok siya ng kanilang pamamahay na agad niya namang nailagan dahilan para tumama iyon sa dingding at nabasag at magkalat ang piraso ng bubog sa sahig.“Anong kataranduhan itong ginagawa mo, Nicholas?” bungad na bulyaw ni Colton.Sa kabila ng pagiging mainit ng ulo ni Colton ay kalmado itong hinarap ni Nicholas. “I’m not doing anything foolish,” tugon nito na siyangmas lalong ikinagalit ng ama.“Wala kang ginagawa? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” gigil na tanong nito. “Anong tawag mo dito ha?” Sabay hagis ng cellphone kay Nicholas na tumama sa dibdib nito.At nakita ni Nicholas sa video ang ginawa niyang pag-announce sa kanyang pagkakasal ngunit, hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon nang sandaling iyon. Malinaw sa kanya kung ano ang ikinapuputok ng butsi ng kanyang ama.“Ngayon sabihin mo sa akin na wala kang ginagawang katarantaduhan!” sigaw ni Colton pagkatapos na k’welyuhan ang kanyang anak na nagpapakita pa
“How did they manage to betray me? What did I do to deserve this from them? Was I that bad that they had to hurt me, or was I the only one who gave value to what we had between the three of us?” umiiyak na tanong ng dalaga.Nang makita iyon ni Nicholas, sa unang pagkakataon nagkaroon siya ng simpatya sa ibang tao. Hindi niya maunawaan kung anong dahilan kung bakit naapektuhan siya sa sakit na nararamdaman ng dalagang nasa kanyang harapan. Hindi naman siya tipo ng tao na maapektuhan sa dala-dalang bigat ng ibang tao dahil para sa kanya may problema rin siyang dinadala at kailangan niyang unahin ang sarili bago ang iba. Gusto niya din kalimutan ang problema na kagagawan ng kanyang ama kaya siya pumunta sa bar pero dahil sa alak hinayaan niya ang kanyang sarili na magpatangay sa halik ng babaeng nasa kanyang harapan na hinila siya patungo sa isang k’warto at ngayon ay umiiyak na sa kanyang harapan dahil sa kalasingan.Pinunasan niya ang luha sa mga mata nito. “Do you want to forget every
“I can’t believe this,” mahinang usal ni Maeve habang nakaupo at nakatingin sa kawalan.“I know things get a little mixed up, but we can’t deny the fact that we’re all in here and we have to get things straight.”Napatingin si Maeve kay Nicholas na may hindi maipaliwanag na itsura. “Wait, aren’t you acting a bit too normal for the situation we’re in right now? I know we need to muster ourselves to handle this, but why does it seem like everything is fine for you?” tanong nito na hindi mapigilan ang kanyang sarili na mamangha sa lalaking nasa kanyang harapan kung paano ito hindi naapektuhan sa mga nangyayari.Ibinaling ni Nicholas ang kanyang tingin kay Maeve at tinignan ito sa mga mata. “Because it’s really fine with me.”Napaawang ng kanyang bibig si Maeve sa naging tugon ni Nicholas. “Ha?”“Why? Should I feel uncomfortable about it?”Ilang segundong napako ang mga tingin ni Maeve kay Nicholas. “How can he say such things? This man never fails to amuse me,” wika nito sa sarili na may
TINUNGGA ni Ellie ang isang basong wine matapos niyang marinig ang announcement na sinabi ni Nicholas sa party sa pinapanood niyang footage sa kanyang hawak na iPad.“This can’t be happening!” mariin niyang saad sa kanyang sarili sabay bagsak sa basong hawak sa mesa at napakuyom ng kanyang kamay nang napahigpit habang kinakain nang panggagalaiti nang sandaling iyon.This is ridiculous! How could he accept her after what happened between them in the past? How could he even propose marriage to her without hesitating? Is he an idiot? Damn it! I didn’t provoke him just for him to end up with her! I didn’t do all that just to make Maeve’s life happy. I did it to make her life miserable! She doesn’t have the right to be happy! She only deserves to live in hell!Gigil na gigil si Ellie habang nakikita kung paano kumilos si Nicholas nang sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na mas magkakaroon ito ng pake kay Maeve at maiisipan pang pakasalan after that staged one-night stand.“I hate this!” m
IGINALA ni Nami ang kanyang mga mata nang sandaling makababa ng taxi, sinisiguro na wala roon ang kanyang Mommy Maeve. Hindi siya p’wedeng mahuli ng kanyang mommy dahil kung mahuhuli siya ay masasayang ang pagkakataong makita niyang muli ang kanyang daddy at hindi niya iyon gugustuhin.“I need to find daddy immediately before mommy sees me,” mariing saad ni Nami sa kanyang sarili na punong-puno ng determinasyon nang sandaling iyon.Ihahakbang na sana ni Nami ang kanyang paa ng may dalawang malalaking lalaki ang biglang sumulpot sa kanyang harapan dahilan para mapatingala siya para matitigan ang mga ito.“Who are you two? What do you want from me?” Sunod-sunod at walang kagatol-gatol na tanong ni Nami sa dalawang lalaking nasa kanyang harapan na tinitignan ang litratong hawak nito at ang kanyang mukha.“Are you Nami Talessdo?” pagtatanong ng lalaking may hawak ng litrato.Nagsalubong ang mga kilay ni Nami. “Why? What do you need from me? Are you planning to kidnap me?” tanong nito haba