Home / Romance / Fighter of Love (Tagalog) / Chapter 1: Code Orange

Share

Chapter 1: Code Orange

Author: SleepyGrey
last update Huling Na-update: 2022-07-14 11:57:46

TULAD nang palaging nangyayari, isang linggo masasayang sandaling kasama siya ay aalis na naman si Jaycee para pumunta sa panibago niyang misyon. Mabigat man sa aking loob ay kailangan ko na naman tiisin ang kan’yang pagkawala. Narito ako ngayon sa camp base nila at pinagmamasdan ang mga kapwa niya sundalo na sumasakay sa turboprop aircraft na handang umalis anumang oras ngayon. Nakikita ko kung gaano niya pamahalaan ang kan’yang mga tao. Nakakaakit siyang tignan habang matipunong inaayos ang kan’yang kompanya sa pag-alis. Walang dudang minahal ko ang lalaking ito sa kung ano siya at hindi dahil kay Capt. Yoo.

Matapos niyang asikasuhin ang kan’yang mga tao ay lumapit siya sa akin. Ang mga mata niyang maawtoridad kanina ay napalitan ng pag-aalala sa sandaling nakalapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.

“Hindi mo naman kailangang pumunta rito,” nag-aalala niyang sabi.

“Gusto kitang makita bago muli mo akong iwan,” malungkot kong sabi.

“Kaya ayoko sabihin sa ‘yo na aalis ako at nagkakagan’yan ka,” sabi niya rason para mabatukan ko tuloy.

“Subukan mong hindi sabihin sa akin at hindi lang ‘yan ang aabutin mo!” inis kong sabi.

Tumawa siya nang bahagya at niyakap ako nang napakahigpit.

“Nagbibiro lang naman ako, love. Hindi ko magagawang hindi magpaalam sa babaeng umangkin sa puso at pinaglaanan ko nito,” romantiko niyang saad.

“Nambola ka pa!” Sabay tapik sa kan’yang dibdib.

“Hindi ako marunong mambola at hindi ako basketbolista. Sundalo ako na handang ibigay ang buhay sa bayan at aking minamanahal,” diretsa niyang sabi na may buong pagmamalaki.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinisil ko siya nang napakalakas. Ito lang ang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang assurance na kahit sundalo siya kahit na malayo siya ay hindi siya magagawang maghanap ng iba. Ito ‘yong bruskong lumalambot pagdating sa babaeng mahal niya kaya kahit na ganito ang sitwasyon namin, gumagawa pa rin siya ng paraan para makabawi sa akin lalo na sa tuwing uuwi siya kaya lalo akong nahuhulog sa kanya.

Itinigil ko na ang pagpisil sa kan’ya dahil sobrang namumula na ito.

“Akala ko hindi mo na bibitawan ang pisngi ko,” wika niya habang hinihimas ang kan’yang pisngi.

Sobrang naaaliw talaga ako sa kan’ya kapag ganito, lalo siyang gumag’wapo sa paningin ko. Ikinulong ko ang kan’yang pisngi sa aking mga palad saka siya tinitigang mabuti.

“Bakit?” tanong niya.

Hindi ako umimik at tinitigan kong maigi ang bawat detalye ng kan’yang mukha. Ito lang talaga ang mamahalin kong lalaki.

“Masakit ba?” tanong ko.

“Oo, sobrang lakas kaya no’ng pagkapisil mo parang matatanggal na ‘yong pisngi ko sa mukha ko. Tignan mo ‘o, namumula masyado,” sabi niya na animo nagsusumbong na bata.

Natawa na lang ako kaya hinalikan ko ang magkabila niyang pisngi para maging okay ang pakiramdam niya matapos ng aking ginawa.

“Mag-iingat ka. Lagot ka sa akin kapag may nangyari sa ‘yong masama!” pagbabanta kong saad sa kanya.

“Opo, hindi ko pababayaan ang sarili ko. Papakasalan pa nga kita,” nakangiti niyang sabi.

“Naku! Jaycee! Magpapalipat talaga ako ng mabantayan kita palagi,” determinado kong sabi. Iniisip ko pa lang na malalayo siya sa akin hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip na magpalipat para makasama ko lang siya pero alam kong hindi niya iyon magugustuhan.

At tulad ng iniisip ko ay nakita ko ang biglang pagtigas ng kan’yang ekspresyon at tinitigan ako nang diretso sa aking mga mata.

“Hindi ka lilipat. Ayaw ko madamay at malagay ka sa gitna ng g’yera na kinakaharap ko,” mariin niyang saad.

“Jaycee, araw-araw na nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking mga pasyente kaya alam ko kung gaano kahalaga ang buhay ko,” sagot ko.

“Iba ‘yon, Carly. Hindi ka sanay sa lugar na pinagtatrabahuhan ko. Kaya ‘wag mo ng ipilit dahil ako pa rin ang unang tututol sa paglipat mo,” matigas niyang saad na kitang-kita sa kanyang ekspresyon at mga mata ang labis na pagtutol sa ideya na naiisip ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong kahit na ipilit ko na maging isa sa medical corps ng sangay nila para makasama siya parati ay ayaw niya talaga. Alam ko naman na ayaw niya ako malagay sa kapahamakan pero ayaw ko rin naman, ayoko siyang mapahamak.

Narinig ko ng magsimulang umikot ang rotor blades ng aircraft na sasakyan nila hudyat na nalalapit na pag-alis nila. Nakita ko na nagsisipasukan na rin ang mga sundalong kasama niya sa pag-alis.

“Captain! Aalis na tayo!” sigaw ng isang sundalo.

Inalis niya ang kamay ko sa kan’yang mukha at hinawakan ako nang napakahigpit. Nang sandaling iyon, unti-unti ng namumuo ang mga luha ko ngunit pilit ko itong pinipigilan sa akmang paglabas nito. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Ayaw kong maging mahina lalo na at aalis siya. Lumunok ako para huminahon ang nagwawala kong emosyon.

“H’wag ka ng umiyak. Pangako babalik ako ng buo sa ‘yo.” Sabay halik sa aking mga kamay.

“Babalik ka pangako mo ‘yan,” basag na boses kong usal.

“Pangako, babalikan kita,” paniniguro niyang sabi at sa huling pagkakataon ay muli niya akong hinalikan nang mariin bago tuluyang binitawan ang aking mga kamay at sumakay sa eroplano.

Bago tuluyang isara ang pinto ng eroplano ay nilingon niya ako saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti hanggang sa hindi ko na ito makita at lumipad na papalayo ang eroplanong sinasaktan nila. Habang patuloy na pinagmamasdan ang eroplano na unti-unting nawawala sa aking paningin ay tuluyan ng nadurog ang aking puso. Kumawala na ang mga luha sa aking mga mata na pilit kong pinipigilan. Sobrang sakit na nakikita kong nawawala siya sa aking paningin kaya tumalikod na ako at nagsimula na maglakad paalis ng kampo. Ngunit isang malakas na pagsabog ang aking narinig rason para mapalingon ako sa aking likuran. Halos mabingi ako sa lakas ng pagsabog na hindi ko na narinig ang mga nangyayari. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga sundalong nagsisitakbuhan at nagkakagulo. Dahan-dahan kumilos ang aking mga paa papunta sa direksyon ng pinagbinagsakan ng eroplano hanggang sa bawat hakbang ko ay lumaki at unti-unting bumilis ang aking paglakad hanggang sa tulad ng ibang sundalong naroon ay tumakbo na rin ako. Jaycee. Hindi maaari…

“Hindi p’wedeng mangyari ito…” mahina kong sambit sa pagitan ng aking mga hikbi habang tumatakbo ako.

Nakita ko ang mga medic na sumasakay sa isang helicopter kaya dali-dali rin akong tumakbo paroon at nakisakay.

“Ma’am, bawal po kayo rito,” wika ng babaeng medic.

“Sasama ako, girlfriend ako ni Captain Lazaro!” sigaw ko.

“Pero ma’am—”

“Doktor ako! Paliparin mo na ito at kailangan natin iligtas ang mga tao na naroon!” matigas kong utos.

Aangal pa sana ang babae nang biglang magsalita ang piloto. “Kilala ko siya, Sergeant.”

Hindi na umimik ang sundalo nang kumpirmahin ng piloto ang identity ko.

"Salamat.”

 At agad na pinalipad ng piloto ang helicopter. Puno ng kaba at pangamba ang aking puso. Natatakot ako na baka wala na akong maabutan, na huli na ang lahat para sa aming lahat. Ang mga pangako niya, mapapako na lang ba?

“Hindi. Hindi siya patay. Hindi siya mamamatay,” mahina at nanginginig ko sabi sa aking sarili.

Inalis ko sa aking isipan ang masamang posibilidad na p’wedeng mangyari sa kan’ya at pilit na ikinalma ang aking sarili. Makalipas ang ilang saglit ay nakarating kami sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano na sinasakyan nina Jaycee. Wasak-wasak iyon at nagliliyab ang ibang parte.

“Jaycee…”

Halos manlumo ako sa aking mga nakikita na halos bumigay ang aking mga tuhod ngunit mariin kong iniling ang aking ulo para ikumpas ang aking sarili.

“Pull yourself together, Carly! It’s not the time to be weak. Remember that you are a doctor!” mariin kong saad sa aking sarili at saka huminga nang malalim para humugot nang lakas ng loob.

Matapos na maikumpas ko ang aking sarili ay itinuon ko ang aking atensyon sa pagsagip ng mga sundalong malubhang nasugatan at nangangailangan ng lunas. Kinuha ko ang isang EMT bag at iba pang kakailanganin ko para sa pagtingin at paggamot ng mga sugatan. Nang makuha ko na ang kailangan ko ay muli kong ibinalik ang aking tingin sa paligid at sumambulat sa akin ang mga sugatang sundalo na isa-isang inilalabas ng kapwa sundalo sa nagbabagang eroplano. Karamihan sa mga ito ay naliligo na sa sarili nilang dugo at sumisigaw na sa sakit.

Jaycee…

Muli akong napailing. “Focus, Carly!”

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na nilapitan ang mga sundalo na kailangan bigyan ng lunas. Mga sunog ang mga balat, putol na mga binti o braso at pagdurugo dulot ng matinding pagkakahampas o pagtarak ng mga metal sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat ng pagkakasira ng eroplano. Isa-isa kong nilagyan ng iba’t ibang tags ang mga sundalo depende sa pinsala na natamo nila—red tag para sa mga taong may malubhang kalagayan at kailangan ng agarang lunas at atensyon ng doctor; yellow tag para sa mga taong kailangan obserbahan at second priority sa pagbibigyan ng lunas; green tags para sa maaaring makapaghintay at wala sa bingit ng kapahamakan at black tags para sa mga malabo ng maisalba at mababa ang tyansa na mabuhay.

Inuna ko muna ang mga may mga malulubhang pinsala at binigyan muna ito ng mga paunang lunas. Tumawag ako ng dalawang sundalo para ihanda ang pagsasagawaan ng operasyon.

“Ihanda niyo rin ang kakailanganin kong mga gamit para sa mga ooperahan,” utos ko. Ngunit mukhang nagdadalawang-isip ang mga ito.

“Ano pa ang hinihintay niyo? Gusto niyo bang iligtas ang mga kasamahan niyo o hindi?” seryosong tanong ko sa kanila na may mataas na boses.

“Pero ma’am…”

“Ano ang uunahin niyo? Ang kwestyunin niyo ang pagkadoktor ko o ililigtas niyo ang mga kasamahan niyo?”

Labis ang pagkalito ng dalawa sa kanilang gagawin. They were bound by rules.

“Sige kung ‘yan ang gusto niyo. Isusugal ko ang pagkadoktor ko sa taong mailalagay ko sa kapahamakan dahil sa kakulangan ko sa panga,gamot!”

“Hindi mo kailangan gawin niya Dr. Yumbao, alam ko ang kakayahan mo,” saad ng isang lalaki na naka-unipormeng pangsundalo. “Kaya ibigay niyo ang kailangan niya kung gusto niyo isalba ang buhay ng mga kasamahan niyo,” utos ni Lt. Hilab.

“Sir, hindi po—”

Hindi natuloy ang sasabihin ng MC nang magsalitang muli si Charles.

“Unahin niyo ang kasamahan niyo bago ang mga ptotocol na ‘yan! Kumilos na kayo!” sigaw niya rito at agad na nagsitakbuhan ang mga ito para kunin ang mga gamit.

“Charles…”

Tinapik niya ako sa aking braso sabay ngiti. “May tiwala ako sa ‘yo, Carly, ikaw na bahala sa kanila,” saad niya.

Tumango ako bilang tugon. Paalis na sana siya para tumulong sa iba ng tawagin ko siyang muli.

“Akong bahala, Carly. Hahanapin ko si Captain at dadalhin ko siya sa ‘yo,” wika niya bago tuluyang tumakbo patungo sa eroplanong bumagsak.

Itinuon ko naman ang pansin ko sa mga kailangan kong operahang mga sundalo, wala akong oras na dapat aksayahin. Ang sinumpaang kong tungkulin ang kailangan kong gawin ngayon. Sa bawat matatapos kong gagamutin ay may panibagong sugatan ang kailangan gamutin. Walang patid pero kailangan magpatuloy.  Halos patapos na ako ng pagtatahi ng bukas na sugat ng isang pasyente nang marinig ko ang pagsigaw ng isang sundalo sa pangalang kanina ko pa gusto marinig.

“Captain Jaycee!”

Nang sandaling narinig ko ang pangalan ng aking mahal ay agad akong napalingon para makita kung ano ang kan’yang kalagayan. Akay-akay siya ni Charles nang sandali iyon. Halos tumalon sa tuwa ang aking puso nang makita ko siya ng buhay. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos at buhay siya. Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pasyente at tinapos ang pagtahi rito.

“Wrap,” utos ko sa sundalong katulong ko para siya na ang magbalot sa pinagtahian ko.

Matapos noon ay ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking pinag-alala ako ilang oras lang ang nakalilipas. May ngiti sa kan’yang mukha na akala mo’y nagtagumpay. Habang naglalakad papalapit sa kan’ya hindi ko naiwasan ang pagbagsak ng aking mga luha. Walang humpay ito sa pagbuhos hanggang sa tumakbo na ako papalapit sa kanila para salubungin sila. Isang mahigpit na yakap ang ginawa ko nang sandaling nagkalapit kami.

“Ilang oras lang nang naghiwalay tayo muli andito na naman ako. Mukhang ayaw tayong paghiwalayin ng tadhana,” natatawa niyang biro sa kabila ng kanyang kalagayan dahilan para mahampas ko ito sa kan’yang dibdib.

“Bakit ba kailangan na parati mo akong pinag-aalala?” hagulgol kong tanong na hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-breakdown sa labis nap ag-aalala sa kanya.

“Shh… tahan na, buhay naman ako. Ito nga nasa harapan mo at yakap-yakap mo,” pagpapakalmang saad niya at hinimas ang aking likod para aluhin ako.

Hindi ako kumalas sa pagkakayakap sa kan’ya. Natatakot ako na baka anumang sandali tuluyan na siyang mawala sa akin. Ayaw kong mawala siya sa akin. Hindi ko makakaya.

“Love, alam ko namang mahal na mahal mo ako pero hindi naman kita tatakasan para hindi mo ako pakawalan sa pagkakayakap mo,” biro niya.

“Nagawa mo pang magbiro ng gan’yan! Halos mamatay na ako sa pag-aalala sa ‘yo! Akala ko hindi na kita kailanman makikita! Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin.” At nagsimula na namang bumuhos ang aking mga luha, ngunit agad niya itong pinunasan.

“Tigilan mo na nga ang pag-aalalang iyan. Tignan mo buhay ako kaya ‘wag ka ng umiyak.”

Sinuri ko ang buong katawan niya wala siyang sugat sa kahit na anong bahagi ng katawan niya maliban sa binti niyang napilay. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siya na walang malalang pinsala.

“Ikaw talaga masyado kang paranoid,” natatawa niyang sabi.

“Hindi mo ako mapipigilan na hindi mag-alala lalo na sa nangyari ngayon. Hindi simpleng aksidente ang nangyari ngayon  sa ‘yo. At kahit na simple pa ay mag-aalala pa rin ako lalo na ‘pag dating sa ‘yo,” wika ko.

“Tignan mo, hindi naman ako napahamak, ‘di ba? Maayos naman ako tulad ng sabi mo,” sabi nito na itinaas pa ang dalawang kamay at umikot na pinapakita sa akin na wala siyang malubhang tama bukod sa iika-ika siya dahil sa pilay niya sa binti.

“Pasalamat ka at walang nangyari sa ‘yo,” mahinahon kong saad at tinignan siya nang diretso sa kanyang mga mata. “Pero kailangan pa rin natin makasiguro kailangan mo pa rin masuri. Kaya maupo ka lang diyan at babalikan kita ‘pag natapos kong  gamutin ang iba pang pasyente.” Sabay talikod at naglakad pabalik sa mga pasyente.

“Wala ngang—”

“Kailangan pa rin nating—”

Naputol ang aking pagsasalita nang makita ko siyang bumagsak sa lupa. Biglang kumabog ang aking dibdib. Narinig kong muli ang kan’yang pangalan na tinatawag ng isa niyang kasamahan.

“Captain!”

Natigalgal ako sa aking pagkakatayo at parang bumagal ang oras nang sandaling nakita ko siyang nakahandusay sa lupa.

“Jaycee!” sigaw ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kan’ya pero parang ang layo niya sa akin.

Hindi maaari…

Binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makalapit sa kan’ya.

“Tabi! Tabi!” sigaw ko.

Nagsitabi ang mga nagkukumpulang sundalo sa kan’ya nang makalapit ako.

“Jaycee! Jaycee! Gumising ka!” garalgal kong pakiusap at tuluyan ng bumuhos ang luha sa aking mga mata.

Hindi ka p’wedeng mamatay!

“Jaycee! Gumising ka! Jaycee!” hagulgol kong sigaw habang tinatapik ko ang kanyang mukha ngunit hindi niya idinidilat ang kanyang mga mata.

No! This is not happening…

“Stretcher!” sigaw ko. “Jaycee, ‘wag kang magbiro ng ganito. Hindi nakakatuwa.”

Mabilis na tumakbo ang dalawang sundalo at inilagay si Jaycee sa stretcher at isinakay sa army truck para ihatid kami sa pinakamalapit na ospital dahil sa naubusan na ng mga supply na panggamot. Paulit-ulit kong tinapik ang kan’yang pisngi pero hindi niya idinidilat ang kanyang mga mata. Pinulsuhan ko siya at mahina na ang pintig nito. Ayokong mawala siya. Hindi ngayon. Hindi p’wede. Sinuri ko ang kan’yang katawan muli at baka may hindi ako napansin. Tinignan ko ang kan’yang ulo ngunit wala akong mahanap.

Internal hemorrhage?

Kinapa ko ang kan’yang mga ribs at baka nagkaroon ng fracture sa loob pero walang fracture. Tinagilid ko siya para tignan ang kan’yang likod pero wala rin itong injury.

“Saan? Saan ba?”

Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa puno na ng luha ang aking mga mata.

“Hindi ako p’wedeng tumigil hangga’t hindi ko nakikita. Hindi ka p’wedeng mamatay, Jaycee, hindi!”

Pinunasan ko ang mga mata ko at muling ibinalik ang tingin ko kay Jaycee. Tinignan kong muli ang pulso niya pero wala na hindi ko na maramdaman. Inilapit ko ang tainga ko sa dibdib niya at hindi ko na rin marinig ang tibok ng kanyang puso.

Hindi p’wede, hindi!

“AED!” sigaw ko.

Tinanggal ko ang kan’yang suot niyang necklace at iba pang metal na suot niya bago ko kinuha ang AED na iniabot ng isang sundalo sa akin. Agad ko itong nilagyan ng gel at nilagay sa 100 joules.

“Shock!” sigaw ko.

Ngunit hindi pa rin bumabalik ang pulso ni Jaycee. Inulit ko itong muli ngunit nakatatlong beses na ngunit wala talaga. Ayokong tanggapin, hindi ito nangyayari. Panaginip lang ang lahat ng ito. Sinimulan kong bombahin ang kan’yang dibdib at bugahan ang kan’yang bibig.

“Hindi ka p’wedeng mamatay, Jaycee. Hindi,” pakiusap ko sa pagitan ng aking paghinga.

Paulit-ulit kong ginawa ang pagbuga-bomba, hindi ako tumigil kahit na ramdam ko na ang pagod at pagtagaktak ng aking pawis.

“Carly, ako na. Magpahinga ka muna,” wika ni Charles.

“Hindi, kaya ko na ‘to,” putol-putol kong usal na kapos na rin sa hangin.

“Pero, Carly pagod ka na, hayaan mo munang tulungan kita.”

“Hindi ako p’wedeng tumigil, Charles. Kaya ko na ‘to,” matigas kong sabi.

Alam kong malabo pero ayoko sumuko. Hindi lang ito ang kaya kong gawin. May magagawa pa ako para mabuhay siya. Pinagpatuloy ko ang CPR hanggang sa makarating kami ng ospital.

“Hanggang dito na lang, Dr. Yumbao, kami ng bahala sa kan’ya,” wika ni Dr. Recaido, isa sa mga emergency doktor ng aming ospital

“Pero gusto ko ako ang mag-oopera sa kan’ya!”

“Sapat na ang ginawa mo, kami na bahala rito. Ang magagawa mo ngayon ay magpahinga.”

Matapos no’n ay pumasok na si Dr. Recaido sa emergency room. Wala na akong nagawa, napaupo na lang ako sa sahig at litong-lito. Wala na akong nagawa kun’di ang umiyak. Kinakain na ako ng takot sa posibleng mangyari kay Jaycee.

“Wala akong kwenta,” garalgal kong saad sa aking sarili.

“Shh… hindi mo kasalanan ang nangyari, Carly, kaya ‘wag mong sisihin ang sarili mo,” pag-aalong saad ni Charles.

“Kasalanan ko, Charles. Wala man lang akong magawa para maging mabuti ang kalagayan niya,” hagulgol kong sabi na labis nasisiphayo sa lahat nang nangyayari.

“Ginawa mo na ang p’wede mong magawa, Carly. Magtiwala ka sa kanila, maililigtas din nila si Captain,” sabi ni Charles na pinapalakas ang aking loob.

Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Charles pero alam kong napakaliit ng tyansa niya kung cranial hemorrhage ang nangyari sa kan’ya. Hindi ko maaaring gawin sa kan’ya ang lumbar puncture dahil napakadelikado at wala akong sapat na kagamitan.

“Gustong-gusto ko siya iligtas pero wala akong magawa kun’di ang maghintay. Anong klaseng doktor ba ako?”

“Carly, hindi makakatulong ang paninisi mo sa sarili mo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Ipanalangin na lang natin na maging matagumpay ang operasyon.”

Napaupo na lang ako nang tahimik. Wala na akong lakas para magsalita. Naubos na rin ang mga luha ko sa kakaiyak. Labing limang minuto na ang nakakalipas at naktulala lang akong nakatingin sa pinto ng E.R. naghihintay na kung ano ang maaaring mangyari. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng E.R at nagmamadaling lumabas si Dr. Recaido tulak-tulak ang pinaghihigaan ni Jaycee.

“3 units of packed RBC in O.R!” utos ni Dr. Recaido.

Nagmamadali nilang dinala si Jaycee papuntang operating room. Gusto kong magtanong, pero alam ko kung ano nangyayari. Hindi mawala ang kaba at takot sa aking dibdib. Gusto kong sumugod sa O.R para ako na ang magsagawa ng operasyon pero alam kong hindi ako papayagan. Pakiramdam ko mababaliw na ako kahihintay ng mga susunod na mangyayari. Ayokong maupo at maghintay pero hindi talaga p’wede. Napahilamos na lang ako ng mukha sa mga nangyayari.

“Charles…” Napahagulgol na naman ako. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari.  “Ayokong mawala siya sa akin pero paano kung…”

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin. Natatakot ako nab aka magkatotoo ang sasabihin ko. Ayaw ko. Hindi p’wede.

“H’wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, Carly. Makakasama ‘yan sa ‘yo,” pag-aalong sabi ni Charles na may labis na pag-aalala sa akin.

“Hindi ko maiwasang hindi mag-isip, Charles, ayaw ko mawalan ang—”

“Shh… hindi mangyayari iyon, Carly magtiwala ka lang,” pag-alo niya sa akin.

Bakit ba nangyayari ito? Ang dating pulang ilaw na nagpapaalab ng puso ko para makadugtong ng buhay ng ibang tao, ito naman ang kumukuha ng lakas ko para mabuhay. Tinignan kong muli ang pulang ilaw na tila unti-unting lumalaki sa aking paningin hanggang sa ang kulay pulang ilaw ay naging itim. Naramdaman ko na lang bumagsak ang katawan ko sa sahig at nawalan ng malay sa mga nangyayari sa aking paligid.

Kaugnay na kabanata

  • Fighter of Love (Tagalog)   Prologue

    “Doc, may dumating na bulaklak para sa ‘yo,” saad ng intern doctor na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng surgery room.Napakunot-noo ako nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.“Kanino galing?” tanong ko na walang ideya kung kanino iyon galing.Tinignan ni Lexi ang bulaklak at hinanap kung may nakalagay na card. “Doc, walang nakalagay na card hindi rin naman po sinabi ng nagbigay ang pangalan niya,” paliwanag ng babaeng intern.Naningkit ang mga mata kong tinignan ang mga bulaklak saka ibinaling ang aking tingin kay Lexi. “Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin sa mga ‘yan, hindi ako mahilig sa mga bulaklak,” malamig na saad ko. Akmang ihahakbang ko ang aking paa nang magpahabol pa ako ng salita. “Pakisabi sa kung sino pa ang magbibigay o magpapadala ng mga bulaklak sa akin, pakisabi na may boyfriend na ako kaya ‘wag na sila mag-aksaya ng oras at pera.”“Bakit ba panay sila bigay ng bulaklak? Hindi ba nila alam na ayaw ko ng bulaklak? Buhay pa ako pero pinapatay na nila

    Huling Na-update : 2022-07-14

Pinakabagong kabanata

  • Fighter of Love (Tagalog)   Chapter 1: Code Orange

    TULAD nang palaging nangyayari, isang linggo masasayang sandaling kasama siya ay aalis na naman si Jaycee para pumunta sa panibago niyang misyon. Mabigat man sa aking loob ay kailangan ko na naman tiisin ang kan’yang pagkawala. Narito ako ngayon sa camp base nila at pinagmamasdan ang mga kapwa niya sundalo na sumasakay sa turboprop aircraft na handang umalis anumang oras ngayon. Nakikita ko kung gaano niya pamahalaan ang kan’yang mga tao. Nakakaakit siyang tignan habang matipunong inaayos ang kan’yang kompanya sa pag-alis. Walang dudang minahal ko ang lalaking ito sa kung ano siya at hindi dahil kay Capt. Yoo.Matapos niyang asikasuhin ang kan’yang mga tao ay lumapit siya sa akin. Ang mga mata niyang maawtoridad kanina ay napalitan ng pag-aalala sa sandaling nakalapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.“Hindi mo naman kailangang pumunta rito,” nag-aalala niyang sabi.“Gusto kitang makita bago muli mo akong iwan,” malungkot kong sabi.“Kaya ayoko sabihin sa ‘yo na aalis ako at

  • Fighter of Love (Tagalog)   Prologue

    “Doc, may dumating na bulaklak para sa ‘yo,” saad ng intern doctor na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng surgery room.Napakunot-noo ako nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.“Kanino galing?” tanong ko na walang ideya kung kanino iyon galing.Tinignan ni Lexi ang bulaklak at hinanap kung may nakalagay na card. “Doc, walang nakalagay na card hindi rin naman po sinabi ng nagbigay ang pangalan niya,” paliwanag ng babaeng intern.Naningkit ang mga mata kong tinignan ang mga bulaklak saka ibinaling ang aking tingin kay Lexi. “Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin sa mga ‘yan, hindi ako mahilig sa mga bulaklak,” malamig na saad ko. Akmang ihahakbang ko ang aking paa nang magpahabol pa ako ng salita. “Pakisabi sa kung sino pa ang magbibigay o magpapadala ng mga bulaklak sa akin, pakisabi na may boyfriend na ako kaya ‘wag na sila mag-aksaya ng oras at pera.”“Bakit ba panay sila bigay ng bulaklak? Hindi ba nila alam na ayaw ko ng bulaklak? Buhay pa ako pero pinapatay na nila

DMCA.com Protection Status