Share

Fighter of Love (Tagalog)
Fighter of Love (Tagalog)
Author: SleepyGrey

Prologue

Author: SleepyGrey
last update Huling Na-update: 2022-07-14 11:56:53

“Doc, may dumating na bulaklak para sa ‘yo,” saad ng intern doctor na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng surgery room.

Napakunot-noo ako nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.

“Kanino galing?” tanong ko na walang ideya kung kanino iyon galing.

Tinignan ni Lexi ang bulaklak at hinanap kung may nakalagay na card. “Doc, walang nakalagay na card hindi rin naman po sinabi ng nagbigay ang pangalan niya,” paliwanag ng babaeng intern.

Naningkit ang mga mata kong tinignan ang mga bulaklak saka ibinaling ang aking tingin kay Lexi. “Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin sa mga ‘yan, hindi ako mahilig sa mga bulaklak,” malamig na saad ko. Akmang ihahakbang ko ang aking paa nang magpahabol pa ako ng salita. “Pakisabi sa kung sino pa ang magbibigay o magpapadala ng mga bulaklak sa akin, pakisabi na may boyfriend na ako kaya ‘wag na sila mag-aksaya ng oras at pera.”

“Bakit ba panay sila bigay ng bulaklak? Hindi ba nila alam na ayaw ko ng bulaklak? Buhay pa ako pero pinapatay na nila ako.” Napairap at napailing na lang ako nang sandaling iyon.

Matapos noon ay umalis na ako at nagtungo sa opisina ko. Hinubad ko ang scrubs na suot ko nang biglang namatay ang ilaw. Agad kong hinanap ang penlight ko para magkaroon ng liwanag ngunit nabigla ako nang nakaramdam akong may yumakap sa akin galing sa likuran ko dahilan para hatakin ko ang braso niya at pilipitin ito papunta sa kan’yang likuran.

“Sino ka!” malakas kong tanong sabay binuksan ang ilaw.

Nang makita ko ang kan’yang mukha ay agad ko siyang binitawan.

“Sorry, love. Hindi ko naman alam na ikaw ‘yan. Bakit kasi pinatay mo ang ilaw?” sabi ko na humihingi ng despensa.

“Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa ‘yo na ‘wag ka magbihis dito sa opisina mo? May cr naman bakit hindi ka roon magbihis? Paano kung may pumasok at nakita kang gan’yan?” sunod-sunod na pangaral niya sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi? Agad na lang akong nagbihis at baka lalo pa magngangawa ang lalaking ito.

Matapos kong magbihis ay lumapit ako sa kanya. “H’wag ka ng magalit sa akin, hindi naman basta-basta pumapasok ang mga tao rito sa opisina ko,” paglalambing kong paliwanag sa kan’ya sabay yakap sa kan’ya. “Saka ikaw lang naman nakakapasok ng walang paalam, ‘e,” dagdag ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Basta ‘wag mo ng gagawin ang gano’n. Malay mo may tulad ko na basta na lang pumapasok sa opisina mo, hindi mo ka nakakasiguro.” At hinawakan niya ako sa magkabila kong mga balikat. “Ayaw ko lang na may mangyari sa ‘yong masama kaya ko sinasabi ang lahat ng ito,” nag-aalala niyang sabi.

Napangiti na lang ako sa kan’yang sinabi. Napakas’werte ko at may boyfriend akong super protective sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kan’ya. Sobrang na-miss ko ang lalaking ‘to.

“H’wag ka ng magalit, love. Hindi mo ba ako na-miss at pinapaglitan mo na ako agad?” paglalambing kong tanong sa kan’ya.

“Sa susunod ‘wag mo ng gagawin ito, okay?”

Tumango at ngumiti ako bilang tugon sa kan’ya. Ikinulong niya sa dalawang palad niya ang aking mukha saka ito hinagod ng kan’yang hinlalaki.

“Sobrang na-miss kita, Carly,” sinsero niyang sambit. At isang mahigpit na yakap ang kan’yang ibinigay at halik sa aking noo.

Matapos ang aming pag-loving-loving sa loob ng opisina ay inaya niya akong kumain sa paborito kong restaurant. Masaya kaming nag-usap ng mga naganap sa amin makalipas ang anim na buwan. Alam kong mahirap ang sitwasyon naming dalawa pero wala kaming magagawa ni Jaycee dahil sa magkaiba ang propesyon naming dalawa. Doktor ako samantalang sundalo naman siya. Mahirap at puno ng pag-aalala ang relasyon naming dalawa dahil sa paiba-iba niyang destino. Natatakot ako na kung ano na lang ang mangyari sa kanya at umuwi na lang siya sa akin ng bangkay na ayaw kong mangyari.

“Talaga?”

“Oo, hindi rin ako makapaniwala,” natatawa niyang sabi.

Maayos naman no’ng simula hanggang sa unti-unting nagbago ang hangin sa aming dalawa. Unti-unti ng nagkakaroon ng tensyon. Pigilan ko man ang aking sarili ay hindi ko magawa.

“Aalis ka na naman ba?” mahina kong tanong.

Hinawakan niya ang aking kamay. “Carly, naiintindihan mo naman ang lahat ‘di ba?”

“Kung alam ko lang na ganito kahirap ang sitwasyon natin. Hindi na sana ako nag-boyfriend ng sundalo, hindi dapat ako na-inlove kay Capt. Yoo. Hindi na sana ako nag-fantasize ng sundalong boyfriend,” natatawa kong sabi na may pait hanggang sa ang pinipigilan kong mga luha ay tuluyan nang kumawala sa aking mga mata. Wala na akong pakialam sa kung ano ang isipin ng iba, kahit na nagmumukha na akong baliw dahil sa pagtawa ko habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na bumagsak.

“Hindi mo naman kailangan sisihin na nagustuhan mo ako, love. Parang sinabi mo naman na wala akong sapat na kakayahan na paibigin kita,” saad ni Jaycee.

“Kasalanan talaga ito ni Capt. Yoo, ‘e! Kung hindi lang siya sobrang gwapo at magaling na sundalo, hindi ko talaga siya pagpapantasyahan,” natatawa kong sabi at ‘di pa rin nagpapaawat ang luha ko sa pagbagsak.

“Carly, please ‘wag ka naman umiyak. Koreano lang ‘yon ako totoo. Totoong nagmamahal sa ‘yo. Hindi tulad no’ng koreanong iyon na hanggang telebisyon mo lang nakikita,” nakabusangot niyang sabi habang pinupunasan ang aking mga luha.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis sa kan’ya. Para kaming ewan na matanda na may isip bata.

“Sira ulo ka talaga! Alam ko namang ‘di ako mamahalin no’n, pero, hello! Ang gwapo niya kaya!” pang-aasar ko sa kan’ya na lalong ikinabusangot ng mukha nito.

Siguro itatawa ko na lang ang ganito. Sa tuwing aalis siya na hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kan’ya habang nasa malayo siya kaya susulitin ko na lang ang mga araw na kasama ko siya.

“Hindi ka mamahalin ng Capt. Yoo na sinasabi mo at mas lalong ‘di ka niya ililigtas kapag nasa bingit ka na ng panganib gaya ko. Ako totoong sundalo, nagmamahal at poprotekta sa ‘yo kahit na baliw ka sa mga koreanong ‘yan,” buong pagmamalaking sabi ni Jaycee. “Acting lang alam noon. Fake.”

Gusto ko ng humagalpak nang malakas dahil sa reaksyon ng kan’yang mukha. Kahit na sobrang pinagpantasyahan ko si Capt. Yoo, wala pa ring papantay kay Jaycee. Sa sobrang pagpipigil ay kumawala sa aking kaliwang mata ang luha kaya kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking pagtawa pero hindi iyon nakaligtas sa mga mata niya at tumabi siya sa akin.

“Carly, please ‘wag ka naman umiyak. Nahihirapan akong makita kang gan’yan,” nag-aalala niyang sabi.

Kitang-kita ko kung gaano siya kasinsero sa kan’yang mga binibitawang salita. Hindi ko na tuloy magawang matawa sa kan’ya kaya nagseryoso ako nang bahagya saka humugot nang isang malalim na paghinga.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Natatakot lang ako sa mga p’wedeng mangyari sa ‘yo habang malayo ka,” pag-amin ko habang hinihimas ng hinlalaki ko ang kanyang kamao. “Ayaw ko lang na mawala ka sa akin,” dagdag ko.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at tumabi sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.

“Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo, Carly, pangako ‘yan. Nasa tabi mo lang ako palagi,” mahinahon niyang sambit at iniwanan niya ako ng isang matamis na halik sa aking mga labi.

“Ikaw lang ang mamahalin ko Carly,” nakatitig niyang wika.

“Ako rin, Jaycee.” Sabay halik sa kan’yang labi.

***

Nang gabing iyon, ginawa naming memorable ang bawat sandali. Hindi ko alam kung kailan uli siya babalik sa piling ko kaya isusugal ko na ang lahat para sa sandaling ito.

Maingat na inalis ni Jaycee ang aking damit habang patuloy sa pag-angkin ng aking mga labi na akin ding tinutugunan. Patuloy ang pagpapalitan namin ng mga halik hanggang sa wala ng natirang damit ang aming mga katawan.

“Carly…” sambit niya ng aking pangalan sa magaspang niyang boses na siyang nakakapang-akit.

“Jayce…” tugon ko na unti-unting nilalamon ng init na aking nararamdaman nang sandaling iyon.

Dahan-dahan bumaba ang mga halik ni Jaycee papunta sa aking leeg pababa sa gitna ng aking dibdib habang maingat niya akong inihiga sa kama. Bumigat ang aking paghinga dahil sa kanyang ginagawa ngunit bigla siyang tumigil at tinignan ako sa aking mga mata.

“Ayos ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Halos lamunin ako ng hiya nang sandaling iyon. Bakit kailangan niya pang itanong sa akin ‘yan? Hindi ba p’wedeng ituloy niya na lang ang gagawin niya?

Tinakpan ko ang aking mukha ng aking braso bago sumagot. “I’m fine so stop staring at me and just continue,” nahihiya kong saad.

Ngunit, inalis ni Jaycee ang braso ko sa aking mga mata.

“Jay—”

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita siya.

“I love you, Carly,” sinsero niyang saad.

Matapos niyang sabihin iyon ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. “Mahal na mahal kita, Carly. Ikaw lang babae para sa akin. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at magiging ina ng aking mga anak.”

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay labis na natuwa ang aking puso. Halos walang mapaglagyan ang saya na aking nararamdaman. Ang lalaking minahal ko sa nakalipas na tatlong taon ay siya pa ring mahal ako at patuloy akong minamahal.

“I love you too, Jaycee. Ikaw lang ang lalaking mamahalin nang buong puso.”

Matapos ang pagpapalitan naming ng mga matatamis na salita ay muli naming inangkin ang labi ng isa’t isa nang buong ingat. Nang gabing iyon ay nalunod kami sa init ng aming pagmamahalan—ang malalaswang tunog na gawa ng pag-iisa ng aming mga katawan at ang mga ungol ang siyang bumalot sa maliit na k’wartong iyon at nagpatuloy kami sa aming mainit na pag-iisa hanggang sa maubusan kami ng lakas.

Kaugnay na kabanata

  • Fighter of Love (Tagalog)   Chapter 1: Code Orange

    TULAD nang palaging nangyayari, isang linggo masasayang sandaling kasama siya ay aalis na naman si Jaycee para pumunta sa panibago niyang misyon. Mabigat man sa aking loob ay kailangan ko na naman tiisin ang kan’yang pagkawala. Narito ako ngayon sa camp base nila at pinagmamasdan ang mga kapwa niya sundalo na sumasakay sa turboprop aircraft na handang umalis anumang oras ngayon. Nakikita ko kung gaano niya pamahalaan ang kan’yang mga tao. Nakakaakit siyang tignan habang matipunong inaayos ang kan’yang kompanya sa pag-alis. Walang dudang minahal ko ang lalaking ito sa kung ano siya at hindi dahil kay Capt. Yoo.Matapos niyang asikasuhin ang kan’yang mga tao ay lumapit siya sa akin. Ang mga mata niyang maawtoridad kanina ay napalitan ng pag-aalala sa sandaling nakalapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.“Hindi mo naman kailangang pumunta rito,” nag-aalala niyang sabi.“Gusto kitang makita bago muli mo akong iwan,” malungkot kong sabi.“Kaya ayoko sabihin sa ‘yo na aalis ako at

    Huling Na-update : 2022-07-14

Pinakabagong kabanata

  • Fighter of Love (Tagalog)   Chapter 1: Code Orange

    TULAD nang palaging nangyayari, isang linggo masasayang sandaling kasama siya ay aalis na naman si Jaycee para pumunta sa panibago niyang misyon. Mabigat man sa aking loob ay kailangan ko na naman tiisin ang kan’yang pagkawala. Narito ako ngayon sa camp base nila at pinagmamasdan ang mga kapwa niya sundalo na sumasakay sa turboprop aircraft na handang umalis anumang oras ngayon. Nakikita ko kung gaano niya pamahalaan ang kan’yang mga tao. Nakakaakit siyang tignan habang matipunong inaayos ang kan’yang kompanya sa pag-alis. Walang dudang minahal ko ang lalaking ito sa kung ano siya at hindi dahil kay Capt. Yoo.Matapos niyang asikasuhin ang kan’yang mga tao ay lumapit siya sa akin. Ang mga mata niyang maawtoridad kanina ay napalitan ng pag-aalala sa sandaling nakalapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.“Hindi mo naman kailangang pumunta rito,” nag-aalala niyang sabi.“Gusto kitang makita bago muli mo akong iwan,” malungkot kong sabi.“Kaya ayoko sabihin sa ‘yo na aalis ako at

  • Fighter of Love (Tagalog)   Prologue

    “Doc, may dumating na bulaklak para sa ‘yo,” saad ng intern doctor na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng surgery room.Napakunot-noo ako nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.“Kanino galing?” tanong ko na walang ideya kung kanino iyon galing.Tinignan ni Lexi ang bulaklak at hinanap kung may nakalagay na card. “Doc, walang nakalagay na card hindi rin naman po sinabi ng nagbigay ang pangalan niya,” paliwanag ng babaeng intern.Naningkit ang mga mata kong tinignan ang mga bulaklak saka ibinaling ang aking tingin kay Lexi. “Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin sa mga ‘yan, hindi ako mahilig sa mga bulaklak,” malamig na saad ko. Akmang ihahakbang ko ang aking paa nang magpahabol pa ako ng salita. “Pakisabi sa kung sino pa ang magbibigay o magpapadala ng mga bulaklak sa akin, pakisabi na may boyfriend na ako kaya ‘wag na sila mag-aksaya ng oras at pera.”“Bakit ba panay sila bigay ng bulaklak? Hindi ba nila alam na ayaw ko ng bulaklak? Buhay pa ako pero pinapatay na nila

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status