Share

Chapter 1

Author: Caramella
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Halos lumipad na ako sa pagtakbo nang sobrang bilis papuntang room. Paano ba naman kasi, hindi ako ginising ng kapatid ko nagkataon pa na may ibe-bake kami ngayon. 

"Mabubungangaan na naman ako nito," bulong ko sa aking sarili at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Humaharang na sa mukha ko ang walang suklay na mahaba kong buhok pero wala muna akong pakialam. 

Kahit habol ang hininga ay nakangiti akong napahinto malapit sa room. 

"Mukhang hindi pa ako late, nandito pa sila," sabi ko habang tinatanaw ang iilang tao na nasa loob. 

"Hoy bakla! Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Para kang baliw, late ka na nga, e," 

Napawi ang ngiti ko at nagtatanong ang mga matang tinignan ang nagsabi n'on. 

"Anong late? Nasa room pa nga ang classmates natin," ani ko saka tinuro ang classroom. 

"Tanga! Ibang section 'yan, kanina pa kami nasa lab. O siya mauna na ako may inuutos pa si sir. Ciao!" 

"Teka lang, Jestoni!" Habol ko. 

"It's Jessi, not Jestoni," maarteng pagkakabigkas nito. "Oh I forgot, ikaw na pala 'yung kumuha ng mga malaking container sa canteen."

Pagkatapos sabihin iyon ni Jessi ay tumalikod na siya at iniwan akong mag-isa rito.

'Di na talaga siya makaka-kopya sa 'kin.

"Napakamalas talaga, arggh!" I stomped my feet in so much frustration.

Nakabusangot akong naglakad papuntang canteen. Kasalanan talaga 'to ng kapatid ko, paulit-ulit ko pang sinabi sa kanya na gisingin ako nang maaga pero wala. Hays.

'Pero okay na rin 'to, bawas sermon, hehe' isip ko.

Ano kaya pwedeng gawin para hindi ako matakam sa ibe-bake namin ngayon? Hindi ko naman naisip na pwede pa lang mangyari 'to, gusto ko lang naman mag-bake at magpatayo ng sariling pastry sa future pero hindi ko naman akalain na ganito kahirap magpigil. 

Marupok pa naman ako sa pagkain. Buti nga kahit papaano ay napipigilan ko ang sarili kong pumapak. I'm so proud.

"Ano ba 'yan ang sikip!" malakas na sabi nung babae sa 'di kalayuan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.

Masikip? Ang laki pa nga ng space palibot sa kanya.

"Sinabi mo pa. Bakit kasi may dambuhala rito?" sabi naman no'ng isa.

Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya at pasulyap-sulyap sa lalaking nasa harapan nila.

Parang nakita ko na siya somewhere.

Nakatayo ito at at may hawak na malaking burger at large coke sa magkabilang kamay. Nakasuot ito ng makapal na salamin, hindi naman siya sobrang mataba. Matangkad lang siguro siya malaman, dagdag pa na malaking polo shirt at pantalon ang suot niya. Mas lalo siya nagmumukhang malaki.

Dire-diretso lang siyang naglakad na para bang walang naririnig at nakikita sa paligid niya.

"Miss! Lumayo ka nang kaunti baka maipit ka!" sigaw sa 'kin ng babae.

Inis ko silang binalingan at akmang pagsasabihan na mali ang ginagawa nila nang mawala sa paningin ko ang lalaki kasabay nang pagbalik ko sa katinuan.

May kukunin pa pala ako. Lagot!

"Ngayong mayroon na tayong food na ise-serve for the foundation day, anong drinks and dessert naman ang gusto ninyo?" tanong ni Sir. Lachica habang palakad-lakad sa harap at nakikipag-eye-to-eye sa mga kaklase kong naka-upo. Habang ako ay ilang oras nang nakatayo sa dulo ng lab. This serves as my punishment for being late. 

"Sir! Dirty ice cream for dessert," sabi ni Kate habang nakataas ang kamay. 

"Ano? Bibili tayo?" tanong ni Jared.

"HRM students tayo, bakit bibili?" nakataas ang kilay na tanong ni Kate. 

"Any suggestion?" 

Natuon ang atensyon namin kay sir na katatapos lang isulat ang suggestion ni Kate. 

Tumahimik na ang dalawa at sinamaan ng tingin ang isa't isa bago ibaling ang tingin kay sir. 

"Pustahan may future 'tong dalawang 'to," bulong ng katabi kong si Melissa, late rin.

Siya ang weird kong classmate. Tahimik siya pero bigla-bigla na lang magsasalita. Kadalasan sa ganitong situation. Siya rin ang unang nakakaalam ng chismis dito. 

Tahimik pero matinik.

Nginitian ko na lang siya ng tipid.

"Okay na sa 'kin 'yon, sir," ani ng isa kong kaklase.

Hanggang sa sunod-sunod nang nagsipag-ayunan ang iba pati na rin ako. Sa huli napagdesisyunan na dirty ice cream ang sa dessert, coffee jelly at buko naman sa drinks. 

"That's for today,pag-usapan ninyo na kung sino-sino ang gagawa ng ihahanda ninyo for foundation day. Class dismissed." Kinuha ni sir lahat ng gamit niya at naglakad na paalis.

"Ms. Domingo," gulat akong napatingin sa pintuan kung saan nandoon si sir. Akala ko umalis na siya.

"I hope that was the last time that you'll be late. Kakausapin ko na ang parents mo kapag naulit pa 'to. Understand?" 

Dali-dali akong tumango habang nilalabanan ang mga titig ni sir. Pagkakita niya sa naging tugon ko ay umalis na siya. Hoo! Parang binabasa niya ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtitig niya.

"Hoy, Jam! Tara na, para kang naestatwa riyan,"

Nagbalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Kate. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong kasama na niya sina Jared, Dwayne, Mika, pati si Melissa. Hindi na ako nagulat na kasama siya, kahit sa iba naming classmate ay ganiyan siya, kabute.

"Bakit?" I mouthed.

"Anong bakit? Tanga, kakain na tayo!" malakas na sabi ni Kate. Nakatanggap siya ng kurot kay Mika dahil sa sinabi niya.

Napatawa na lang ako at hinayaan siya, ganiyan talaga siya magsalita kaya laging may war kapag magkasama sila ni Jared. 

Tumakbo agad ako palapit sa kanila at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen. Sa aming anim ay sina Kate at Jared lang ang maingay, nag-aasaran, sina Dwayne at Mika naman ay naghaharutan, at kaming dalawa ni Melissa ay tahimik lang.

"Wala si Claris?" tanong ni Jared.

"May nakikita ka ba?" tanong ni Kate kay Jared na agad nitong inilingan.

"Edi wala! Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako," ani Kate ngunit pabulong lang ang huli. 

Pinamulahan siya ng mukha dahilan nang pagyuko niya. Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano. Mukhang ako lang ang nakarinig ng huli niyang sinabi dahil hindi nag-react si Jared.

Pagkarating namin sa canteen ay kaming apat lang nina kate, Jared, at Melissa ang naupo. Ang mag-jowa ang nag-order ng pagkain nila. 

As always, nagbabangayan na naman sila, minsan ay nakikisali si Mel pero parang may sariling mundo talaga ang dalawa, ayaw magpasali.

"Wow, salamat!" masayang sabi ni Kate habang pumapalakpak nang makarating sina Dwayne at Mika. 

They just smiled as an answer.

"Thank you pero wala pa ring forever," ani Melissa pagkatapos kuhain ang pagkain niya.

Nagtawanan kami at kaniya-kaniyang kantyaw sa kaniya ng bitter. Siguro brokenhearted 'to dati, natikman ang pait ng pag-ibig.

"'Wag ninyo 'kong tawanan totoo 'yon," asik niya.

"You're cute," sambit ni Dwayne. Naupo silang dalawa ni Mika at kitang-kita namin kung paano niya ito asikasuhin. 

They really loved each other, huh.

"Oo nga, payakap nga sa leeg nang mahigpit," natatawang tugon ni Mika.

Pabiro niyang inirapan si Mika ba umani ng tawanan sa table namin. Kahit sa paghahanda ng pagkain ay maingay kami. Nilabas ko na ang baon ko at nagsimula na rin kumain.

"Oo nga, guys!" panghihikayat ni Kate.

She's talking about her story, an unexplainable story na halatang gawa-gawa lang. Anong trip nito?

"Kate, ang importante magkakasama tayo ha." Tinapik ni Jared ang likod ni Kate habang tumatango-tango. 

"Ew! Ayaw kitang kasama." Inalis niya ang pagkakahawak ni Jared.

"E ano 'yung sinabi mo kanina, 'yung naghahanap pa 'ko ng iba nariyan ka naman," asar ni Jared.

Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko, gano'n din si Kate. Samantalang si Dwayne ay ngumisi lang at nagpatuloy sa pag-aasikaso kay Mika na walang idea sa sinabi ni Jared, gano'n din si Mel.

"Wala akong sinabi! Mali ka ng rinig!"

"Kunwari na lang naniniwala ako," natatawang ani Jared.

Napailing na lang kami at nagpatuloy sa pagkain, hinayaan na lang din namin silang magharutan since hindi sila mapigil, hobby na ata nila 'yan everytime na magkasama sila.

"Basta tayo ang group for foundation day ah. Sa sabado tayo gagawa, 8:30 am ang kitaan, sa cafe sa harap ng school. Maliwanag ba?" 

They all nodded their heads.

"8:30 kitaan ah baka 8:30 wala pa kayo, nako lagot kayo sa Claris," ani ko.

"Oo nga, gusto mo sa inyo pa 'ko matulog," Jared said.

"No pets allowed sa bahay,"

Napahawak siya sa dibdib niya at umartend masakit ito. "Ouch! My heart—" Humarap siya kay Kate at nag finger heart. "is beating for you, yes you," kanta niya sabay kindat.

Sinamaan niya ng tingin si Jared pero alam kong deep inside kinikilig yan. 

"Sana all for you," walang reaksiyong sabi ni Mel. Napatawa kami.

"Binata ka na, Jared!" sabi ni Dwayne at tinaas ang kamay para makipag-apir kay Jared.

"Congrats po," ngiti ni Mika.

"You!" Nanggigigil na sigaw ni Kate habang nakaturo kay Jared. 

Nakangiti lang si Jared na parang wala lang sa kaniya ang itsura ni Kate ngayon. Namumula, hindi ko alam kung dahil sa kilig o inis. Masama rin ang tingin niya.

Tinapos na lang namin ang pagkain at pinabayaan silang mag-ingay. Like what I said, sanay na kami.

Dahil absent ang best friend kong talkshit na si Claris, ako lang tuloy ang mag-isang naglalakad ngayon, vacant pa naman. Tss. 

Bukas idadahilan na naman n'on na na-late siya ng gising as if namang natutulog siya. Nanood lang 'yon ng kdrama for sure. 

Sa field ko naisipang tumambay ngayong vacant dahil maraming tao sa cafeteria. May silungan naman doon kaya hindi masyadong mainit. Nang makahanap ng pwesto ay umupo ako agad, kinuha ang earphone ko na naka-connect na sa cellphone ko at sinaksak sa tainga ko. 

I'm planning to imagine myself and my crush, but this time magkarelasyon na kaming dalawa. Para kung sakaling magkatotoo ay may idea na ako kung paano maging girlfriend sa kanya. Napangisi ako sa naisip.

Can't wait.

Napatigil ako sa pagtawa nang maramdamang may nakatingin sa akin. Sinundan ko ng tingin iyon at nakita ko ang pinagtatawanang lalaki kanina. Bumaba ang paningin ko sa nakapaligid sa kaniya. Puro pagkain, ang dami! Paano niya uubusin ang lahat ng iyon? 

Sa sobrang pagkagulat ay 'di ko namalayang nakanganga na pala ako. Itinikom ko ang bibig ko at tumikhim. Gosh, Jam, Nakakahiya!

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya at saktong nakatingin siya sa 'kin. Nakasalamin man pero sigurado akong maganda ang mga mata niya. Walang bakas ng emosyon pero tila maraming sinasabi. 

Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo at saka ko siya nginitian. 

Bigla niyang kinuha lahat ng pagkain niya saka tumakbo paalis. Napawi ang ngiti ko at napakunot ang aking noo. 

Napakasungit naman pala. Binabawi ko na, ang pangit ng mata niya.

Kaugnay na kabanata

  • Fight for me again   Chapter 2

    Everytime na may nababasa o napapanood ako about sa kuya na sweet, maalaga, maalalahanin, napapaisip na lang ako kung babae ba talaga ang kuya ko at tinatago niya lang. Pero malabong mangyari 'yon. Kung ang bida nga sa action movies ay may enemy, siyempre ako rin, ang kuya ko. Halos lahat ata ng bagay ay pinagaawayan namin. Kahit hotdog hindi nakalagpas. Naalala ko pa noong bata ako, laging sinasabi sa amin ni lola na magbigayan kaming magkapatid dahil kami lang ang magkakaramay. Pero hanggang ngayon sa ilang bagay lang kami nagbibigayan. Naturingang kuya pero isip bata. "Ba't ganiyan ka makatingin? 'wag mo 'kong tingnan," sabi ng kuya kong nasa tabi ko, nakaupo kami sa sofa habang hinihintay sila mama sa taas. "Pakialam mo? Mata mo ba 'to?" Naiinis pa rin ako sa kaniya, kung ginising niya ako nang maaga kahapon edi sana hindi ako na-warning-an. Sasagot na s

  • Fight for me again   Chapter 3

    Hindi pa ako nakakapasok sa school ay marami na akong nakikitang mga estudyanteng nakasibilyan. Foundation day ngayon at required ang hindi mag-uniform, siyempre kaniya-kaniyang pakulo yan kada booth. May iilang makukulay ang suot at magkakaparehas, marahil ay nasa iisang booth lang sila. Napangiti ako nang nakita ko sa Claris sa di kalayuan, nakangiting kumakaway sa akin. Parang kahapon lang ay badtrip na badtrip siya dahil naghintay kami ng matagal sa groupmates namin tapos ngayon para siyang may dilig, charot.Simpleng peach shirt, jeans, and rubber shoes ang suot niya. Samantalang ako ay peach polo shirt at high waist jeans. Sabay kaming pumasok at halos malula kami sa dami ng estudyante."Ayos na ba lahat?" tanong ko.Pagkatapos naming magluto kahapon ay kinakailangan pa nilang pumunta rito kahapon dahil nagkaroon ng maliit na problema. Hindi rin ako nakasama dahil hindi niya ako pinasama, family b

  • Fight for me again   Chapter 4 (Part One)

    Imbis na sumagot ay yumuko siya at tinakpan ang mukha niya kaya napairap ako. Wow, parang siya pa yung galit. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang sa upuan na nasa kabilang dulo.Hindi ko siya makita dahil madilim. Tss, bakit ba kasi walang kailaw-ilaw rito?"'Wag mong sabihing ikaw yung ka-match ko?" pagputol ko sa katahimikan.Nag-angat siya ng tingin at tinginan din ako sa mata. Parang kung may anong mahika ang humihila sa akin ang mga mata niya. I want to see his eyes without glasses.Umiling ako nang ma-realize kung ano ang iniisip ko. There's no way I would like to see his eyes. Ang pangit ng ugali niya, antipatiko."Then I won't," sagot niya.Hindi ko na lamang iyon pinansin, kahit sa boses niya ay naiinis ako."Bakit kasi siya pa?" inis na bulong ko."As if I like you to be

  • Fight for me again   Chapter 4 (Part Two)

    "Hindi mo man lang ako tinulungan kanina,""For what?" aniya habang nasa daan pa rin ang tingin."Pasalamat ka dahil sa akin nakalabas tayo," pagyayabang ko.Tumingin siya sa akin. "Why would I?" sambit niya dahilan para mawala ang ngiti ko."Kung hindi ko tinanggihang sagutin yung huli edi sana nasa loob pa tayo!" asik ko.Antipatikong 'to, di man lang magpasalamat."Tss, sama ng ugali," bulong ko"Tss, pikon,"Bigla akong napatingin sa kaniya nang gayahin niya ako."Arogante!" malakas na ang pagkakasabi ko.Huminto siya at tumingin sa akin kaya huminto rin ako, nilaban ko ang titig niya."Uto-uto," mabagal ang pagkakasabi niya, dinidiinan ang bawat pantig.Unti-unting sumama ang tingin ko sa kaniya at pa

  • Fight for me again   Chapter 5 (Part One)

    Nakabusangot na nakayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko."Anong ginaagwa mo rito? diba sabi ko 'wag ka muna pumasok dahil baka lalong lumala iyang paa mo?" inis na asik ni Claris, sa tono ng boses niya ay para tuloy siyang nai-stress sa anak.Nanatili akong nakayuko at hindi na sumagot. Gusto ko lang naman bumawi dahil sa nangyari kahapon kahit hindi niya sabihin alam ko namang nahihirapan siya. Baka nga wala siyang maayos na tulog at kain kakaintindi nitong booth."Elmer," tawag niya kay Elmer na nag-aayos ng mga upuan."Yes, madam!" ngiting aniya nang makalapit sa amin na ikinatawa ko, ang energetic niya.Pabirong inirapan ni Claris si Elmer at hinawakan ito sa balikat. "Puwede bang pakihatid si Jam sa bahay nila? Baka kasi mapano," pakiusap niya.Tututol na sana ako nang may naisip akong plano kaya sa halip na magreklamo ay

  • Fight for me again   Chapter 5 (Part Two)

    Hindi ko na inulit dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko na rin siya sinagot at tinuon na lang ang pansin sa paa ko, naaaninag ko pa siya sa peripheral vision ko na pilit inaaninag ang paa ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nailalapag ang paa kong may pilay nang matumba ako. Napapikit ako sa kirot. Kung alam ko lang na may impact yung pagbagsak ko edi sana hindi ko na sinubukan. "Let me help you," rinig kong sabi niya, ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. Kinakabahan man at gulat sa naging akto niya ay maingat ko siyang nilingon, siyempre hindi ko hahayaang makita niya ang emosyong meron ako. First time ata naming magkaroon ng maayos na usapan at siya pa ang nag-initiate. Oo maayos na 'to sa 'kin dahil compare sa nagdaang usapan namin, ito lang ata ang walang inisan. Hindi pa ako nakakasagot nang yumukod siya at marahang hinawakan ang kamay

  • Fight for me again   Chapter 6

    It's been 2 days since nangyari ang tagpo namin ni Ali no'n. Dalawang araw na rin akong absent kaya ngayon ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman na masakit yung paa ko pero iniiwasan ko pa rin ang maglakad nang mabilis. Abot-abot ang sermon ko kina mama at papa no'ng nagkapilay ako, dagdag mo pa si kuya na kung makapag-react e parang naputulan ako ng paa. Saka gusto ko pa rin na makatulong sa booth at ma-experience yung ibang booth, except doon sa matching booth. Psh. "'Yung paa mo ingatan mo. Sinasabi ko talaga sa 'yo." Duro ni kuya sa paa ko. Seryoso niya iyong sinabi pero hindi ko maiwasang matawa. "Yes, father." biro ko at saka siya kinawayan. Inirapan pa niya ako bago pumasok sa kotseng hinuhulugan pa nita at umalis. Sungit, palibhasa walang lovelife. Nang papasok na ako sa gate ay may pamilyar na bulto akong nakita, bumibili ng taho. Naii

  • Fight for me again   Chapter 7

    Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel d

Pinakabagong kabanata

  • Fight for me again   Chapter 23

    Kung may pa-contest man na pinaka-kabado sa buong mundo ay baka siguro ako na ang manalo. Kahit sa panaginip ko ay ang darating na anniversary ng grandparents ni Ali ang dumadalaw sa akin. Hindi ako tinantanan. Animo'y napakabilis pa ng araw dahil ito na ang oras para makilala ko ang pamilya ni Ali Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay sinisikmura na ako sa kaba. Hindi ko alam kung gutom pa ba ’to o dysmenorrhea na. Hindi kasi ako nakakain dahil sa sobrang pagkabahala. Nag-drive thru kami ni Ali pero hindi ko rin naman ginagalaw. "Come on, don't be nervous. They will like you. Promise." Ali said as he hold my hand while his other hand is on the maneuver. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang maliit na ngiti ngunit sapat na para kumalma ako, pero may kaba pa rin siyempre."Mukha ka ng basang sisiw hindi na prinsesa," sinundan niya iyon ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin at sa huli naman ay kumuha pa rin ng tissue para magpunas. Feeling ko nga pa

  • Fight for me again   Chapter 22

    I almost jump out of shocked when Ali put his hand around my waist. Kanina lang ay sinabi niyang babawi siya and I guess sa ganitong paraan siya babawi. Todo asikaso rin siya sa akin kanina habang kumakain kami, though sanay na ako dahil lagi naman niya 'yon ginagawa pero parang l-um-evel up kasi. Nakatabi lang siya sa akin the whole time. He's being extra clingy, but I like it. "Hindi ka na nahihiya? Natatakot?" tanong ko nang mapansing komportable na siya sa ginagawa. Kahit kanina habang kumakain kami ay lantaran ang panlalambing niya."Babawi ako, remember? I'm trying and I didn't know I'll enjoy this," aniya nang pagkabaling sa akin, bakas ang tuwa sa mga mata niya. He then kissed my forehead. "Enjoy?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.A smirk formed on his lips, "Yeah, I enjoy this, walking beside you comfortably, touching you. And besides, I should be proud, no," paliwanag niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang

  • Fight for me again   Chapter 21

    "Stop talking about food, Ali. Pustahan tayo katatapos mo lang kumain 'no?" pagpapahinto at akusa ko sa kaniya. I-kuwento ba naman sa akin 'yong kinain niya ngayong araw. Nagba-blog ba siya at ako lang ang viewer?"What? Pustahan din tayo nagugutom ka na ngayon pero wala kang pagkain. Kawawa ka naman," sinundan niya iyon nang malakas na tawa.Lalong sumama ang mukha ko. Bwisit, akala ko matutuwa ako ngayong kausap ko siya, paano ko nakalimutang bully pala ang isang 'to? "Ah so iniinggit mo lang pala ako? Alam mo bang lalo akong nagutom dahil sa mga pinagsasabi mo? How dare you?! Next time hindi na ako makikipag-call—""Let's meet later, hmm? I missed you," malambing at masuyong sambit niya, wala na ang mapang-asar na tono kanina. Napahinto ako ng ilang segundo at napakapa sa dibdib ko at gano'n na naman kalakas ang tibok nito. Dumapa ako sa kama habang hinahampas-hampas ang mga unan ko."Arghh! Nakakainis ka talaga!" tili ko habang patuloy pa rin sa paghampas. Rinig ko ang halakhak

  • Fight for me again   Chapter 20

    Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko. "Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie! Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject? Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,""Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle."Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ko

  • Fight for me again   Chapter 19

    I shook my head for the ninth time and tried to focus my attention on my laptop, but I still can't. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatulala then the cycle repeats. I won't be able to focus my attention in this activity I'm doing as long as Jam's image keeps appearing in my head. I still can't forget how she looked at me genuinely.Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakatanggap ng gano'ng klase ng tingin. Everything about her is genuine. She never made fun of my appearance like everybody does. Pinagtanggol pa nga niya ako noong ipinahiya ako ni Kenneth sa kanila. Ganito lang ako, not handsome, malabong ipagmalaki dahil mataba ako, at klase ng tao na hindi kayang kontrolin ang emosyon kaya tuloy sunod-sunod ang hindi namin pagkaintindihan ni Jam. Yet, wala na akong maisip pang ibang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. I can still remember the first time we met, the way she smiled at me seemed like she was a kid—innocent. Pero noong kinausap na niya ako, para

  • Fight for me again   Chapter 18

    Simula ata noong makilala ko si Ali ay bilang lang ang araw na presentable akong pumapasok. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos, kulang lang talaga ako sa tulog dahil inuuna ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kaysa mag-ayos.Gaya na lamang ngayon, bago ang sagutan namin ni Ali no'ng nakaraan ay wala akong ayos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ilang araw na ang nakalilipas. I was busy thinking things. Pumapasok nga ako ng eskwelahan pero ang utak ko ay lumilipad, wala akong maintindihan sa tinuturo dahil hindi naman ako nakikinig. Sinubukan ko nang isang beses but I ended up staring at my Prof, naasar pa ako ng mga kaibigan kong pinagnanasahan siya. "Ms. Domingo,"Naramdaman ko ang pagsiko nang katabi ko sa braso ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinuloy ang pag-iisip at pagtingin sa labas ng bintana. "Ms. Domingo,"Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa ako, e, wala rin naman akong naiintindihan, siguro dahil ay

  • Fight for me again   Chapter 17

    Hindi maalis ang aking kamay sa ulo ko, paulit-ulit ko itong sinasabunutan para kahit papaano ay magising ako. Hindi ko kasi makalimutan ang realization ko, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako. Dalawang oras lang ang tulog ko at sa mga oras na gising ako ay tanging si Ali lang nasa isip ko. Kung paano ba ako nahulog sa kaniya, kung ano ang nakita ko pero wala akong maisip na maayos na sagot. Kapag naman naaalala ko ang pagkanta niya sa akin ay impit akong napapatili. Baliw na nga talaga ako. And here I am, ngumingiti na namn. Noong sinubukan ko ring alalahanin ang buong pagkanta niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I guess may pampatulog na ako. Dahil nakayuko akong naglalakad, naramdaman ko na lang ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa akin. That made me woke my senses up. Gulat akong napatingin sa harap ko at bumungad sa akin ang nakaupong babae sa lapag. Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulungang makatayo at gano'n na

  • Fight for me again   Chapter 16

    Nakahiga at subo ang isang lollipop sa bibig ko habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko maalis sa isipan ko ang confrontation ni Ali, I badly want to know the truth. Halos nakailang isip na nga ako ng scenario kung paano iyon napagdaanan ni Ali pero iba pa rin kapag siya mismo ang magkukwento. Ayoko naman siyang tanungin dahil hindi pa kami nagkakausap uli pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang araw na akong absent, hindi rin ako pinilit ni mama na pumasok kahit na hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw ko. Noong pumasok kasi ako the next day na nag-usap kami ni Ali ay lutang lang ang isip ko buong araw. Halos lahat ng Professor ko ay napagsabihan ako. Kaya naisip ko na kung hindi rin lang ako makakapa-focus, mabuti pang um-absent muna ako, pero siyempre hindi puwedeng magtagal ito. Sa totoo lang bukas ay plano ko nang pumasok at kung magkaroon ng lakas ng loob ay kakausapin ko na rin si Ali. Ang alam din ng mga kaibigan ko kung bakit ak

  • Fight for me again   Chapter 15

    "Nagulat din talaga ako no'ng sinabi ni pres 'yon like bhie SSC president siya. I think hindi magandang impluwensya iyon sa mga kapwa niya student," ani Kate na umani nang pag sang-ayon sa amin. We're currently having a snack before we go home. Libre naman ni Dwayne kaya hindi na kami nagreklamo. Like hello? Libre na 'to, sino bang aangal sa libre?"Sa harap pa talaga natin and ng family ni Jam. Maraming puwedeng mangyari hindi lang kay Ali," segunda ni Mika.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa room, tungkol kay Kenneth na agad ang tinanong nila ni hindi man lang ako o si Ali kinamusta. Mga chismakers talaga. Take note, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari after nilang umalis. Sigurado rin naman akong hindi sasabihin iyon ni Ali dahil napakatahimik nito. Gaya ngayon, he's here beside me and wala siyang ibang ginawa kundi lagyan ng pagkain ang plato ko. Sa kaniya ako tataba nito, e. "Pero ang hot mo no'ng pina

DMCA.com Protection Status