Share

Chapter 2

Author: Caramella
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Everytime na may nababasa o napapanood ako about sa kuya na sweet, maalaga, maalalahanin, napapaisip na lang ako kung babae ba talaga ang kuya ko at tinatago niya lang. Pero malabong mangyari 'yon. Kung ang bida nga sa action movies ay may enemy, siyempre ako rin, ang kuya ko.

Halos lahat ata ng bagay ay pinagaawayan namin. Kahit hotdog hindi nakalagpas. Naalala ko pa noong bata ako, laging sinasabi sa amin ni lola na magbigayan kaming magkapatid dahil kami lang ang magkakaramay. Pero hanggang ngayon sa ilang bagay lang kami nagbibigayan. Naturingang kuya pero isip bata.

"Ba't ganiyan ka makatingin? 'wag mo 'kong tingnan," sabi ng kuya kong nasa tabi ko, nakaupo kami sa sofa habang hinihintay sila mama sa taas.

"Pakialam mo? Mata mo ba 'to?" 

Naiinis pa rin ako sa kaniya, kung ginising niya ako nang maaga kahapon edi sana hindi ako na-warning-an. 

Sasagot na sana siya nang makarinig kami ng yabag pababa ng hagdan. Umayos kami ng upo.

"Oh Jem, ito 'yung ibibigay mo sa Ninang Vina mo tapos ito naman sa Ninang Beth mo," Iniabot niya kay kuya ang dalawang folder. 

Hinalikan niya kaming dalawa ni kuya sa noo. "Mag-iingat kayong dalawa ah. Jam, uwi agad. Ikaw rin Jem." 

Masama pa rin ang timpla ko hangggang sa makarating kami sa kotse, second hand lang ito at hinuhulugan pa namin. Ramdam ko pa mula sa kinauupuan ko ang mga tingin ni kuya sa akin. 

"Sorry na. . . Hindi rin ako nagising nang maaga, e, 'wag ka na magalit, sige ka papangit ka niyan." Tumingin ako sa kaniya at bumungad sa 'kin ang nakangiti niyang mukha. Mukha siyang clown. 

Hindi ko pa rin siya pinansin. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at tumingin sa harap. 

"Ibibili kita ng macaroons!" 

Mabilis pa sa tigre ko siyang nilingon, kumikinang ang mga mata. Ang kaninang lukot na mukha ay napalitan ng saya. Pagdating talaga sa pagkain bumibigay ako.

Tumango-tango siya. "Oo nga, dadaan tayo mamaya, maaga pa naman." Tumingin siya sa relo niya at saka sinimulang paandarin ang kotse.

Nakangiti at medyo mabilis akong naglalakad papuntang canteen habang hawak ang binili namin ni kuya. Dahil may macaroons na ako, 'yung favorite drink ko na lang ang kulang. What a perfect combination. 

Hindi ito ang unang beses na binilhan ako ni kuya ng macaroons, mas nakakatuwa lang ngayon dahil akala ko masama na ang magiging araw ko. 

"Good morning, Ate Tessa! Ganda natin ngayon ah," bati ko kay Ate Tessa.

Namula ang mukha niya at inilagay ang buhok sa gilid ng tainga. 

"Napaka-honest mo talagang bata ka!" pabiro niyang hinampas ang braso ko.

"Ako pa!" Nag-apir kami at nagtawanan.

"Strawberry milk ba uli?" 

Nakangiting tumango lang ako bilang sagot. Pagkaalis niya ay inilapag ko sa counter ang macaroons ko. Ang cute-cute naman ng pagkakagawa nito, kulay pink pa. Parang ayaw ko tuloy kainin at mas gusto ko na lang gawing collection

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ko nang mailapag ni Ate Tess ang strawberry milk. 

"Iyan na, ganda,"nakangiting aniya. 

Yumuko ako para kunin ang wallet ko at kumuha ng pera. Medyo bobo ako sa part na 'yon, imbis na maghanda ako ng pambayad habang wala siya ay mas tinuon ko ang atensyon ko sa cute na macaroons na 'to. 

"Ito na po 'yong bayad." Iniabot ko kay Ate Tessa ang pera. Natataranta na ito at parang hindi alam ang sasabihin.

"Lagay ko na lang po rito ah,"

Pagkalagay ko sa counter ng bayad ay agad kong hinanap ang strawberry milk ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala ito. 

"Sorry, ganda, may bumili na kasi. Nilapag niya 'yong bayad at saka kinuha nang walang pasabi. Hindi ko naman mahabol kasi ang bilis maglakad," paliwanag niya. 

Hinawakan ko ang kamay niya nang mapansing nanginginig na ito. "Okay lang, ate, marami pa naman kayong strawberry milk,"

Umiwas siya ng tingin at hindi ako sinagot.

"Ate?"

"Pasensya na pero last na kasi 'yon bukaa pa darating 'yong bago." aniya nang hindi pa rin tumitingin sa akin. 

Pumikit ako nang mariin. Kalma, Jam.

"Sige po, kakausapin ko na lang siya. Ano bang itsura?" 

"Nakasalamin, mataba tapos maluwag ang damit,"

"Salamat po."

"Pasensya na uli." Tumango ako bilang sagot.

Pagkatapos kong magpaalam sa kaniya ay umalis agad ako para hanapin ang lalaking 'yon. Bibingo na talaga sa 'kin 'yon. Inilibot ko ang paningin ko aa buong cafeteria, nagbabakasakaling makita siya ngunit wala. Sunod kong pinuntahan ang garden pero wala rin siya roon. Isa na lang ang puwede niyang puntahan, ang field. 

Napapalakpak ako nang makita siya. Hindi na ako nagulat nang makitang nakapalibot sa kaniya ang mga pagkain. Unti-unti na akong nasasanay I guess. Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya ngunit agad ring nawala iyon. 

"Hello!" bati ko. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. 

Pumikit ako at huminga nang malalim. Relax, self. Para sa strawberry milk mo. 

"Ahm, ako kasi 'yong naunang bumili ng strawberry milk." Tinuro ko ang inuming nasa tabi niya. 

Napasimangot ako nang hawakan niya iyon at mas inilapit sa kaniya. 

"What about it?" malamig na sambit niya. 

Napalunok ako bago sumagot, need ko ata ng jacket. "Ako kasi nauna riyan, kumukuha lang ako ng pambayad tapos pagtingin ko wala na,"

"Nabayaran mo na ba?"

Damn, ang sexy niya magtagalog. Tumikhim ako at umiling para alisin ang naisip. 

"Hindi pa—"

"Then it's not yours," putol niya sa sinasabi ko. 

Napaamang ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. "What? Bayad man o hindi, ako pa rinang nauna! You shouldn't pay first lalo na't alam mong magbabayad ako!" Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya tumaas ang boses ko. Mangangatwiran na nga lang bulok pa. 

Ngumiti siya, ngiting nang-aasar kaya mas lalo akong nainis. 

"Then?"

"Bibilhin ko na lang 'yan sa 'yo," suhestiyon ko. 

"No,"

"Dodoblehin ko,"

"No," tanggi niya uli.

Nagbaba ako ng tingin sa macaroons na nasa hita ko. "Bibigyan kita ng macaroons!" Itinaas ko ang macaroons.

Natigilan siya at kita ko ang pagdadalawang isip sa mata niya. Napangisi ako nang dilaan niya ang pang-ibabang labi niya. Aha! Marupok sa pagkain spotted.

Umayos siya nang upo. "Still a no." 

Naibaba ko ang hawak ko. "But, that was mine first!"

"WAS. It's mine now," aniya at ngumisi. Tiningnan ko uli ang strawberry milk kong hawak niya at bagsak ang balikat na tumayo. 

Kinagat ko ang labi ko at biglang hinablot ang inuming nasa kamay niya. Nabitawan niya ito ngunit agad na nahawakan uli at hinila mula sa 'kin dahilan pata mabitawan ko iyon. 

Kapwa kaming nakatayo at nakatingin sa isa't isa. Mabuti na lang at kami lang ang nasa field. 

"What do you think you're doing?"

"Ayaw mong bilhin ko kaya idadaan ko na lang sa dahas!"

"Stop being immature, miss. It's just a strawberry milk." Itinaas pa niya ang hawak niyang strawberry milk.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. How dare he say that! Hindi LANG ang strawberry milk na 'yan. That's my favorite drink since I was a kid.

"Lang? Lang pala edi ibigay mo sa 'kin," hamon ko. 

Umiling siya. "No, nagsasayang ka lang ng oras mo. I'll never give this to you, so you better leave," saad niya at muling umupo. 

Humigpit ang hawak ko sa plastic ng macaroons at tiningnan siya. Sarap na sarap siyang kumakain ngayon. Parang walang tao sa harapan niya. Sana all. 

Dahil nakatayo ako, kita ko ang ibabaw ng ulo niya. Ang sarap kaltukan. Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Total mukhang hindi ko makukuha sa kaniya ang strawberry milk ko, napagdesisyunan ko na lang na hayaan siya dahil baka tuluyang masira ang araw ko.

Tumalikod ako at naglakad palayo sa kaniya nang masama ang loob.

Hanggang sa lunch ay hindi na bumalik ang mood ko gaya ng kaninang umaga. Ang macaroons na umagahan ko sana ay naisip kong ngayong lunch na lang kainin. 

Medyo hindi maganda ang mood ko ngayon tapos dumagdag pa 'tong best friend kong makulit.

"Sobrang nakakakilig din kasi parang gusto niya si Sol A everytime na tumitingin siya sa kaniya," humahagikgik na aniya habang hinahampas-hampas nang mahina ang braso ko. 

"Aray!" Sinamaan ko siya ng tingin at dumistansiya sa kaniya. 

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang canteen.

"Sorry na, besplen. Ba't ba kasi ang sungit mo? May dalaw ka ba?" tanong niya at ikinawit ang kamay niya sa braso ko. 

Sinamaan ko uli siya ng tingin. Nag-peace sign siya. "Hehe,"

"Pag kilig, kilig lang, walang hampasan," sabi ko at ibinalik ang tingin sa harap. 

"Palibhasa walang nagpapakilig sa 'yo," bulong niya pero rinig ko pa rin. 

"FYI, baka hindi mo kayanin 'pag sinabi ko sa 'yo kung sino ang nga nagpapakilig sa 'kin," amok ko. 

Natahimik siya saglit. Binuksan niya ang palad ko at inilapag ang isang piraso ng krimstix. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakangisi na siya at nang-aasar din na nakatingin sa akin. 

"Imagination mo ang limit." Binelatan niya 'ko at saka tumakbo palayo. 

That woman! Pinatunog ko ang magkabilang daliri ko at saka tumakbo para habulin siya.

Hanggang sa makahanap kami ng puwesto sa canteen ay patuloy pa rin kaming nag-aasaran. Hingal kaming napaupo, nagkatitigan at nagtawanan. 

I miss this. Isang araw lang siyang nawala but it feels like a year.

"Hindi ka pa rin nagbabago, mabagal ka pa rin tumakbo" asar niya. 

"Di mo sure," ani ko at inilabas ang baon ko. Gano'n din siya. 

Nakasanayan na namin 'to, simula no'ng senior high school kami ay nagbabaon na kami ng kanin at ulam para tipid. Siksikan pati minsan at nagkakaubusan. 

"Ano ulam mo?" Dumukwang siya para silipin ang baunan ko. 

Pagkakita niya ay binasa niya ang kaniyang labi. 

"Wow! Giniling. Sana all!" she exclaimed.

"Ano ba sa 'yo?"

"Kare-kare lang," kibit-balikat na tugon niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Seriously? Nila-LANG lang niya 'yon. Ang mahal kaya ng ingredients n'on at matagal lutuin. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Umiling na lang ako at nagsimula nang kumain. 

Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang table namin. Kinuwento niya sa 'kin ang nangyari sa kaniya kahapon, nanood lang pala siya ng law school. Kilig na kilig siya at manghang-mangha habang nagkukuwento.

Parang ang bagal ng oras no'n dahil sa dami ng kuwento niya ay may natira pa kaming time. At dahil madaldal siya, ultimo ang ginawa niya habang naliligo ay kinuwento pa niya. 

Inilabas ko ang macaroons for dessert. Tuwang-tuwa ang loka. 

"So, sino 'yong kausap mo kaninang umaga?" biglang tanong niya. 

Kausap? Napatigil ako at napaisip. Nakita niya ba kami no'ng nerd na 'yon? 

Pilit akong ngumiti. "'Yon ba? Wala 'yon," tugon ko at saka nagbaba ng tingin. 

Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, baka malaman niyang nagsisinungaling ako. Magaling pa naman 'tong kumilatis. 

"Pamilyar siya," sabi niya na nakapagpapukaw ng interes ko. 

"Talaga?" agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. 

Pumangalumbaba siya at ngumisi. "Oo, kausap siya nina Adrian no'ng nakaraan. May inabot na papel."

Napaisip ako. Base sa ugali ni Adrian at nerd na 'yon, hindi sila 'yong tipong magkaugali ay magkakasundo. 

"Then after a few days nakita ko na naman sila. This time, 'yong nerd na 'yong nag-abot ng papel,"

Sinubukan kong isipin kung ano ba talaga ang ginawa nila pero wala. Maloko si Adrian pati na ang tropa niya at pagdating sa acads, sakto lang. 

"Could it be. . ." napaawang ang labi ko matapos sabihin sa kaniya. 

She nodded. "Yes, that's why pangalawa si Adrian sa pinakamataas na nakuhang grade sa paggawa ng business plan. Nagpagawa siya." She bit the macaroons. 

Hindi naman ako makapaniwalang magagawa iyon ni Adrian lalo na no'ng nerd na 'yon. Ang sungit-sungit, hindi halatang ginagawa niya ang bagay na 'yon. 

Kapag nalaman iyon ni sir ay puwede silang masuspinde. Hindi naman sa bawal mag pagawa pero nasa rules ni sir ang sariling gawa dapat. To enhance your skills. Nagbibigay siya ng second chance sa amin para ma-improve pa, sinusulat niya ang errors na dapat pang baguhin. 

Like what he said, "It's okay to have a low grade as long as you work hard for it." 

Natapos na ang lunch at kailangan na naming maghiwalay ni Claris. Siya ang inatasan ni Sir Lachica na ayusin ang booth for next week while I need to go to cr dahil puputok na ang pantog ko. 

Itinali ko ang buhok ko bago maghilamos. Grabe, I feel relieved. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon, parang wala ng yokai na nakadagan sa likod ko. 

Nang matapos maghilamos ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa salamin. Napatigil ako at nanginginig ang tuhod na napaatras. Unti-unting umawang ang labi ko at hindi maipikit ang aking mata. 

Tinuro ko ang salamin gamit ang kaliwang kamay. "B-Bakit. . . Bakit ang cute mo!" sigaw ko at napatakip ng bibig. 

"Yuck!" 

Napatayo ako nang tuwid at sinundan ang pinanggalingan n'on. Isang babae na sa tingin ko ay mas bata pa sa 'kin. Kumuha siya ng lipstick sa pouch niya. Sana all. 

Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalagay siya. Pulang-pula ang lipstick niya at buong labi ang nilalagyan niya. Hindi ko alam kung paano 'yan kaya pinapanood ko siya. Bukod sa wala akong pambili, mas gugustuhin ko pang ibang bagay na lang ang bilhin.

Humarap siya sa 'kin no'ng tapos na siya. I saw pity in her eyes. 

"Kung kailangan mo ng nakakausap nasa Educ building lang ako, room 205. Lidia ang pangalan ko." Lumapit siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko. "Alam kong mahirap pero kakatapos mo."

Napahawak ako sa pisngi ko at tiningnan ang sarili sa salamin no'ng makaalis na siya. Nakakahiya. Akala ko'y ako lang ang tao rito, napagkamalan pa akong may dinadamdam dahil sa sinabi ko. 

Tss. Bakit hindi na lang sila um-agree. Totoo naman, halatang-halata sa face ko oh. 

Naghilamos uli ako para mawala ang init ng mukha ko at para magising na rin sa katotohanan na hindi kami para sa isa't isa ni Baekhyun. 

Pagpakasok ko sa classroom ay bigla silang natahimik, tarantang inayos ang kanilang upuan na nakapaikot at ang iba ay bumalik sa tamang upuan. 

"Jamara naman! Akala namin si maam," gulat na sambit ni Sergio. 

Para silang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makilala ako. Kaniya-kaniya rin silang reklamo na ikinatawa ko. 

"Pasensya na, mga master, ha."

Nilibot ko ng tingin ang buong room para hanapin si Claris. Napailing na lang ako nang makita siyang nasa dulo, mau suot na earphone at nakatutok ang mata sa cellphone habang nakangiti. 

Hanggang sa napunta ang tingin ko kay Adrian na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon, hindi man siya nag-e-excel sa ibang subject namin pero may ibubuga siya. Alam kong kaya niyang gawin ang business plan without the help of others.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya tumingin siya sa direksyon ko. Nginitian ko siya para itago ang gulat ko. 

"Guwapong-guwapo ka na naman sa 'kin," ngisi niya. 

Pabiro ko siyang inirapan. "Kadiri." Sabi ko at saka umalis.

Pagkaupo ko sa tabi ni Claris ay agad kong kinuha ang libro ko. Total hindi papaistorbo 'tong katabi ko at wala pa si ma'am. 

Halos lahat kami ay latang-latang lumabas ng room. Katatapos lang ng last subject namin at 2 hours 'yon. Pinakamatagal na 2 hours ng buhay ko. 

Nag-groupings kami, recitation, at d-in-iscuss ang project namin sa kaniya. Scrapbook na ang laman ay food inventions. Iisipin ko pa lang ang ilalagay ko ay parang nauubusan na 'ko ng lakas. 

"Susunduin ka ba ng kuya mo?" Tanong ni Claris.

"Hindi," sagot ko. 

"Maglalakad ka uli?" Tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

Sobrang drained ako at hindi ko magawang sumagot, pero kaya ko pang maglakad. Beautiful scenery makes me calm and takes my tiredness away. Kaya kahit malayo, gora lang.

Gusto pa akong samahan ni Claris mag-ikot-ikot kaso ay may gagawin pa raw siya, nakasimangot tuloy siya ngayon.

"Claris ninyo, kawawa," asar ko.

Hinampas niya ang braso ko na ikinatawa ko. 

"Madapa ka sana!" she exclaimed. 

Binelatan ko siya bilang sagot. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, sabay kaming nag-iba ng direksyon. 

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa mga nadadaanan kong bulaklak. Parang nawala na ang pagod ko.

Ang babango nila at ang gaganda. 'Yong tipong kahit basa ng ulan, maganda pa rin. Ako kasi mukhang basang sisiw.

Naputol ang pagmumuni-muni ko at napakunot ang noo sa narinig. Parang may nagtatalo. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinagsawalang bahala 'yon, baka away magkaibigan lang. 

"I won't! Let me go!" 

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Mukhang hindi na 'yon away magkaibigan lang. Hindi highway ang nilalakaran ko at hindi tin eskinita, sakto lang ang dalawang sasakyan. Pero ngayon ay ako lang mag-isa. 

Pumikit ako nang mariin at kinuyom ang mga kamao ko. Kapag may masamang nangyari sa taong 'yon, makokonsensya ako. Dahan-dahan akong naglalakad habang pinapakinggang mabuti kung aaan nanggagaling ang mga boses. Hangggang sa makarating ako sa hindi sobrang sikip na eskinita. 

Habang palapit nang palapit ay palakas din nang palakas ang mga tunog. Hanggang sa natanaw ko na sila. 

Limang lalaki na may pinapalibutan na sa tingin ko ay biktima nila, lalaki ito base sa suot niyang pants at sapatos. Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ng lalaki. Hindi ko siya makita nang buo dahil natatakpan siya. 

Lumapit sa kaniya ang lalaking nasa harapan niya at puwersahang kinuha ang bag niya. Dahil doon ay nakita ko ang mukha niya. 

Si nerd!

Hinalughog ng lalaki ang laman ng bag niya. Puro papel at notebook, siyempre hindi mawawala ang pagkain. 

"Akin na ang wallet mo." Nilahad ng lalaki ang palad niya sa harap ni nerd.

Hindi siya sumagot na ikinainis no'ng lalaki na sa tingin ko ay leader nila.

"Hubaran 'yan!" utos niya at agad na nagsikilos ang mga kasama niya.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakayanan ang sinabi niya kaya sumigaw ako.

"Hoy!"

Napatingin silang lahat sa 'kin. Bumakas ang gulat sa mukha ni nerd pero agad ring napalitan ng hindi ko alam na emosyon.

"A-Anong ginagawa ninyo? Hindi ba kayo tinuruan ng nanay ninyo na masama 'yan?!" 

Kahit nanginginig ay nilakasan ko ang loob ko. Nilagay ko sa likod ang kamay ko at palihim na kinuha ang phone ko.

"Pakealam namin. Gusto mo rin manakawan? Hala sige, kapkapan din yan!"

Nanginginig ang tuhod kong napaatras at napapikit nang lumapit ang iba sa akin. Handa na akong spray-an sila nang may bigla kaming narinig na tunog nang sasakyan ng pulis.

"Takbo!" sigaw no'ng leader nila.

Tumingin muna siya sa aming dalawa ni nerd at tinuro kami. "Hindi pa kami tapos sa inyo." aniya at saka kumaripas ng takbo palabas.

Napaluhod ako sa kaba nang makaalis sila. Whoo! Akala ko katapusan ko na. 

"What are you doing here?" 

Napatingin ako kay nerd. Imbis na sagutin ang tanong niya ay lumapit ako sa kaniya at pinulot ang bag niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Bigla niyang kinuha ang bag niya na ikinagulat ko. Sumama ang tingin niya sa akin.

"Why did you do that?"

"Do what?" kunot-noo kong tanong.

"'Yong kanina, bakit ka nagpakita?"

Lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit parang ayaw niya? Bakit parang siya pa 'yong galit?

"Siyempre huhubaran ka na nila! Tinulungan lang kita! At saka dumating naman na 'yong mga pulis," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Itinaas niya ang kamay niya at pinakita sa akin ang cellphone niya. Tunog iyon ng alarm ng pulis. 

Isa-isa niyang kinuha ang gamit niyang nasa lapag. "Next time don't meddle with someone business," malamig na aniya at nilampasan ako.

I gritted my teeth as I turned my back on him. "Bakit ikaw pa 'yong galit? Ikaw na nga tinulungan!" Hindi ko na napigilan ang inis ko at nasigawan ko siya. Masyadong ma-attitude. 

Huminto siya pero hindi ako tiningnan.

"Mas gugustuhin ko pang mahubaran kaysa tulungan mo. I don't need your help, kid." sambit niya at naglakad palayo. Iniwan akong mag-isa rito. 

Kaugnay na kabanata

  • Fight for me again   Chapter 3

    Hindi pa ako nakakapasok sa school ay marami na akong nakikitang mga estudyanteng nakasibilyan. Foundation day ngayon at required ang hindi mag-uniform, siyempre kaniya-kaniyang pakulo yan kada booth. May iilang makukulay ang suot at magkakaparehas, marahil ay nasa iisang booth lang sila. Napangiti ako nang nakita ko sa Claris sa di kalayuan, nakangiting kumakaway sa akin. Parang kahapon lang ay badtrip na badtrip siya dahil naghintay kami ng matagal sa groupmates namin tapos ngayon para siyang may dilig, charot.Simpleng peach shirt, jeans, and rubber shoes ang suot niya. Samantalang ako ay peach polo shirt at high waist jeans. Sabay kaming pumasok at halos malula kami sa dami ng estudyante."Ayos na ba lahat?" tanong ko.Pagkatapos naming magluto kahapon ay kinakailangan pa nilang pumunta rito kahapon dahil nagkaroon ng maliit na problema. Hindi rin ako nakasama dahil hindi niya ako pinasama, family b

  • Fight for me again   Chapter 4 (Part One)

    Imbis na sumagot ay yumuko siya at tinakpan ang mukha niya kaya napairap ako. Wow, parang siya pa yung galit. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang sa upuan na nasa kabilang dulo.Hindi ko siya makita dahil madilim. Tss, bakit ba kasi walang kailaw-ilaw rito?"'Wag mong sabihing ikaw yung ka-match ko?" pagputol ko sa katahimikan.Nag-angat siya ng tingin at tinginan din ako sa mata. Parang kung may anong mahika ang humihila sa akin ang mga mata niya. I want to see his eyes without glasses.Umiling ako nang ma-realize kung ano ang iniisip ko. There's no way I would like to see his eyes. Ang pangit ng ugali niya, antipatiko."Then I won't," sagot niya.Hindi ko na lamang iyon pinansin, kahit sa boses niya ay naiinis ako."Bakit kasi siya pa?" inis na bulong ko."As if I like you to be

  • Fight for me again   Chapter 4 (Part Two)

    "Hindi mo man lang ako tinulungan kanina,""For what?" aniya habang nasa daan pa rin ang tingin."Pasalamat ka dahil sa akin nakalabas tayo," pagyayabang ko.Tumingin siya sa akin. "Why would I?" sambit niya dahilan para mawala ang ngiti ko."Kung hindi ko tinanggihang sagutin yung huli edi sana nasa loob pa tayo!" asik ko.Antipatikong 'to, di man lang magpasalamat."Tss, sama ng ugali," bulong ko"Tss, pikon,"Bigla akong napatingin sa kaniya nang gayahin niya ako."Arogante!" malakas na ang pagkakasabi ko.Huminto siya at tumingin sa akin kaya huminto rin ako, nilaban ko ang titig niya."Uto-uto," mabagal ang pagkakasabi niya, dinidiinan ang bawat pantig.Unti-unting sumama ang tingin ko sa kaniya at pa

  • Fight for me again   Chapter 5 (Part One)

    Nakabusangot na nakayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko."Anong ginaagwa mo rito? diba sabi ko 'wag ka muna pumasok dahil baka lalong lumala iyang paa mo?" inis na asik ni Claris, sa tono ng boses niya ay para tuloy siyang nai-stress sa anak.Nanatili akong nakayuko at hindi na sumagot. Gusto ko lang naman bumawi dahil sa nangyari kahapon kahit hindi niya sabihin alam ko namang nahihirapan siya. Baka nga wala siyang maayos na tulog at kain kakaintindi nitong booth."Elmer," tawag niya kay Elmer na nag-aayos ng mga upuan."Yes, madam!" ngiting aniya nang makalapit sa amin na ikinatawa ko, ang energetic niya.Pabirong inirapan ni Claris si Elmer at hinawakan ito sa balikat. "Puwede bang pakihatid si Jam sa bahay nila? Baka kasi mapano," pakiusap niya.Tututol na sana ako nang may naisip akong plano kaya sa halip na magreklamo ay

  • Fight for me again   Chapter 5 (Part Two)

    Hindi ko na inulit dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko na rin siya sinagot at tinuon na lang ang pansin sa paa ko, naaaninag ko pa siya sa peripheral vision ko na pilit inaaninag ang paa ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nailalapag ang paa kong may pilay nang matumba ako. Napapikit ako sa kirot. Kung alam ko lang na may impact yung pagbagsak ko edi sana hindi ko na sinubukan. "Let me help you," rinig kong sabi niya, ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. Kinakabahan man at gulat sa naging akto niya ay maingat ko siyang nilingon, siyempre hindi ko hahayaang makita niya ang emosyong meron ako. First time ata naming magkaroon ng maayos na usapan at siya pa ang nag-initiate. Oo maayos na 'to sa 'kin dahil compare sa nagdaang usapan namin, ito lang ata ang walang inisan. Hindi pa ako nakakasagot nang yumukod siya at marahang hinawakan ang kamay

  • Fight for me again   Chapter 6

    It's been 2 days since nangyari ang tagpo namin ni Ali no'n. Dalawang araw na rin akong absent kaya ngayon ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman na masakit yung paa ko pero iniiwasan ko pa rin ang maglakad nang mabilis. Abot-abot ang sermon ko kina mama at papa no'ng nagkapilay ako, dagdag mo pa si kuya na kung makapag-react e parang naputulan ako ng paa. Saka gusto ko pa rin na makatulong sa booth at ma-experience yung ibang booth, except doon sa matching booth. Psh. "'Yung paa mo ingatan mo. Sinasabi ko talaga sa 'yo." Duro ni kuya sa paa ko. Seryoso niya iyong sinabi pero hindi ko maiwasang matawa. "Yes, father." biro ko at saka siya kinawayan. Inirapan pa niya ako bago pumasok sa kotseng hinuhulugan pa nita at umalis. Sungit, palibhasa walang lovelife. Nang papasok na ako sa gate ay may pamilyar na bulto akong nakita, bumibili ng taho. Naii

  • Fight for me again   Chapter 7

    Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel d

  • Fight for me again   Chapter 8

    "Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone."Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy."Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko."What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon."Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan an

Pinakabagong kabanata

  • Fight for me again   Chapter 23

    Kung may pa-contest man na pinaka-kabado sa buong mundo ay baka siguro ako na ang manalo. Kahit sa panaginip ko ay ang darating na anniversary ng grandparents ni Ali ang dumadalaw sa akin. Hindi ako tinantanan. Animo'y napakabilis pa ng araw dahil ito na ang oras para makilala ko ang pamilya ni Ali Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay sinisikmura na ako sa kaba. Hindi ko alam kung gutom pa ba ’to o dysmenorrhea na. Hindi kasi ako nakakain dahil sa sobrang pagkabahala. Nag-drive thru kami ni Ali pero hindi ko rin naman ginagalaw. "Come on, don't be nervous. They will like you. Promise." Ali said as he hold my hand while his other hand is on the maneuver. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang maliit na ngiti ngunit sapat na para kumalma ako, pero may kaba pa rin siyempre."Mukha ka ng basang sisiw hindi na prinsesa," sinundan niya iyon ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin at sa huli naman ay kumuha pa rin ng tissue para magpunas. Feeling ko nga pa

  • Fight for me again   Chapter 22

    I almost jump out of shocked when Ali put his hand around my waist. Kanina lang ay sinabi niyang babawi siya and I guess sa ganitong paraan siya babawi. Todo asikaso rin siya sa akin kanina habang kumakain kami, though sanay na ako dahil lagi naman niya 'yon ginagawa pero parang l-um-evel up kasi. Nakatabi lang siya sa akin the whole time. He's being extra clingy, but I like it. "Hindi ka na nahihiya? Natatakot?" tanong ko nang mapansing komportable na siya sa ginagawa. Kahit kanina habang kumakain kami ay lantaran ang panlalambing niya."Babawi ako, remember? I'm trying and I didn't know I'll enjoy this," aniya nang pagkabaling sa akin, bakas ang tuwa sa mga mata niya. He then kissed my forehead. "Enjoy?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.A smirk formed on his lips, "Yeah, I enjoy this, walking beside you comfortably, touching you. And besides, I should be proud, no," paliwanag niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang

  • Fight for me again   Chapter 21

    "Stop talking about food, Ali. Pustahan tayo katatapos mo lang kumain 'no?" pagpapahinto at akusa ko sa kaniya. I-kuwento ba naman sa akin 'yong kinain niya ngayong araw. Nagba-blog ba siya at ako lang ang viewer?"What? Pustahan din tayo nagugutom ka na ngayon pero wala kang pagkain. Kawawa ka naman," sinundan niya iyon nang malakas na tawa.Lalong sumama ang mukha ko. Bwisit, akala ko matutuwa ako ngayong kausap ko siya, paano ko nakalimutang bully pala ang isang 'to? "Ah so iniinggit mo lang pala ako? Alam mo bang lalo akong nagutom dahil sa mga pinagsasabi mo? How dare you?! Next time hindi na ako makikipag-call—""Let's meet later, hmm? I missed you," malambing at masuyong sambit niya, wala na ang mapang-asar na tono kanina. Napahinto ako ng ilang segundo at napakapa sa dibdib ko at gano'n na naman kalakas ang tibok nito. Dumapa ako sa kama habang hinahampas-hampas ang mga unan ko."Arghh! Nakakainis ka talaga!" tili ko habang patuloy pa rin sa paghampas. Rinig ko ang halakhak

  • Fight for me again   Chapter 20

    Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko. "Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie! Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject? Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,""Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle."Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ko

  • Fight for me again   Chapter 19

    I shook my head for the ninth time and tried to focus my attention on my laptop, but I still can't. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatulala then the cycle repeats. I won't be able to focus my attention in this activity I'm doing as long as Jam's image keeps appearing in my head. I still can't forget how she looked at me genuinely.Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakatanggap ng gano'ng klase ng tingin. Everything about her is genuine. She never made fun of my appearance like everybody does. Pinagtanggol pa nga niya ako noong ipinahiya ako ni Kenneth sa kanila. Ganito lang ako, not handsome, malabong ipagmalaki dahil mataba ako, at klase ng tao na hindi kayang kontrolin ang emosyon kaya tuloy sunod-sunod ang hindi namin pagkaintindihan ni Jam. Yet, wala na akong maisip pang ibang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. I can still remember the first time we met, the way she smiled at me seemed like she was a kid—innocent. Pero noong kinausap na niya ako, para

  • Fight for me again   Chapter 18

    Simula ata noong makilala ko si Ali ay bilang lang ang araw na presentable akong pumapasok. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos, kulang lang talaga ako sa tulog dahil inuuna ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kaysa mag-ayos.Gaya na lamang ngayon, bago ang sagutan namin ni Ali no'ng nakaraan ay wala akong ayos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ilang araw na ang nakalilipas. I was busy thinking things. Pumapasok nga ako ng eskwelahan pero ang utak ko ay lumilipad, wala akong maintindihan sa tinuturo dahil hindi naman ako nakikinig. Sinubukan ko nang isang beses but I ended up staring at my Prof, naasar pa ako ng mga kaibigan kong pinagnanasahan siya. "Ms. Domingo,"Naramdaman ko ang pagsiko nang katabi ko sa braso ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinuloy ang pag-iisip at pagtingin sa labas ng bintana. "Ms. Domingo,"Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa ako, e, wala rin naman akong naiintindihan, siguro dahil ay

  • Fight for me again   Chapter 17

    Hindi maalis ang aking kamay sa ulo ko, paulit-ulit ko itong sinasabunutan para kahit papaano ay magising ako. Hindi ko kasi makalimutan ang realization ko, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako. Dalawang oras lang ang tulog ko at sa mga oras na gising ako ay tanging si Ali lang nasa isip ko. Kung paano ba ako nahulog sa kaniya, kung ano ang nakita ko pero wala akong maisip na maayos na sagot. Kapag naman naaalala ko ang pagkanta niya sa akin ay impit akong napapatili. Baliw na nga talaga ako. And here I am, ngumingiti na namn. Noong sinubukan ko ring alalahanin ang buong pagkanta niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I guess may pampatulog na ako. Dahil nakayuko akong naglalakad, naramdaman ko na lang ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa akin. That made me woke my senses up. Gulat akong napatingin sa harap ko at bumungad sa akin ang nakaupong babae sa lapag. Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulungang makatayo at gano'n na

  • Fight for me again   Chapter 16

    Nakahiga at subo ang isang lollipop sa bibig ko habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko maalis sa isipan ko ang confrontation ni Ali, I badly want to know the truth. Halos nakailang isip na nga ako ng scenario kung paano iyon napagdaanan ni Ali pero iba pa rin kapag siya mismo ang magkukwento. Ayoko naman siyang tanungin dahil hindi pa kami nagkakausap uli pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang araw na akong absent, hindi rin ako pinilit ni mama na pumasok kahit na hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw ko. Noong pumasok kasi ako the next day na nag-usap kami ni Ali ay lutang lang ang isip ko buong araw. Halos lahat ng Professor ko ay napagsabihan ako. Kaya naisip ko na kung hindi rin lang ako makakapa-focus, mabuti pang um-absent muna ako, pero siyempre hindi puwedeng magtagal ito. Sa totoo lang bukas ay plano ko nang pumasok at kung magkaroon ng lakas ng loob ay kakausapin ko na rin si Ali. Ang alam din ng mga kaibigan ko kung bakit ak

  • Fight for me again   Chapter 15

    "Nagulat din talaga ako no'ng sinabi ni pres 'yon like bhie SSC president siya. I think hindi magandang impluwensya iyon sa mga kapwa niya student," ani Kate na umani nang pag sang-ayon sa amin. We're currently having a snack before we go home. Libre naman ni Dwayne kaya hindi na kami nagreklamo. Like hello? Libre na 'to, sino bang aangal sa libre?"Sa harap pa talaga natin and ng family ni Jam. Maraming puwedeng mangyari hindi lang kay Ali," segunda ni Mika.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa room, tungkol kay Kenneth na agad ang tinanong nila ni hindi man lang ako o si Ali kinamusta. Mga chismakers talaga. Take note, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari after nilang umalis. Sigurado rin naman akong hindi sasabihin iyon ni Ali dahil napakatahimik nito. Gaya ngayon, he's here beside me and wala siyang ibang ginawa kundi lagyan ng pagkain ang plato ko. Sa kaniya ako tataba nito, e. "Pero ang hot mo no'ng pina

DMCA.com Protection Status