Home / YA / TEEN / Fight for me again / Chapter 5 (Part Two)

Share

Chapter 5 (Part Two)

Author: Caramella
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi ko na inulit dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa 'kin. Hindi ko na rin siya sinagot at tinuon na lang ang pansin sa paa ko, naaaninag ko pa siya sa peripheral vision ko na pilit inaaninag ang paa ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nailalapag ang paa kong may pilay nang matumba ako. Napapikit ako sa kirot. Kung alam ko lang na may impact yung pagbagsak ko edi sana hindi ko na sinubukan.

"Let me help you," rinig kong sabi niya, ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko. 

Kinakabahan man at gulat sa naging akto niya ay maingat ko siyang nilingon, siyempre hindi ko hahayaang makita niya ang emosyong meron ako. 

First time ata naming magkaroon ng maayos na usapan at siya pa ang nag-initiate. Oo maayos na 'to sa 'kin dahil compare sa nagdaang usapan namin, ito lang ata ang walang inisan. 

Hindi pa ako nakakasagot nang yumukod siya at marahang hinawakan ang kamay ko para ilagay sa balikat niya. This time hindi ko na napigilan ang pagkagulat ko, bigla na ring bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y may nagkakarerahan sa loob. Hindi ako makapagsalita at ultimo pag-alis ng titig sa mukha niyang mas makinis pa sa mukha ko ay hindi ko magawa. 

And his eyes... napakaganda. Parang may mundo sa loob no'n.

Libo-libong boltahe naman ang naramdaman ko nang hawakan niya ang bewang ko, para akong nakuryente. I don't know why I can't move, nakatitig lang ako sa kaniya habang hinayaan siyang gawiin sa 'kin 'to. 

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniyya nang maibaba niya ako. Masyadoata akong nag-enjoy sa mga bisig niya at hindi ko man lang naramdaman na nakababa na pala ako. Sana lang ay hindi niya nahalata.

"Thank you." Halos walang tunog na sabi ko.

Tumikhin ako, nakakatuyo palla ng lalamunan 'to. 

"Let's sit, let me check your feet." he said.

"Why are you doing this? Bakit ang bait mo sa 'kin ngayon?" Muli kong tinitigan ang mukha niya. 

Gaya ng lagi niyang ginagawa, umiwas siya nang tingin at pinagpg ang pantalon niya. Sus, kunwari pang nagpapagpag, e, ang linis-linis pa.

"I'm not, let's go,"

Nagkibit balikat na lang akong tumalikod sa kaniya, naunang maglakad. Maingat akong umupo para hindi magalaw ang paa ko at sumakit. Hindi naman siguro ako lagot kay Claris nito no? Para kasing lumala hehe. 

Pagkalipas ng ilang segundo ay hindi ko pa rin nararamdaman ang presensiya niya sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Sa muling pagkakataon ay nagkasalubong na naman ang aming tingin. Lagi na lang ganito pero okay lang, nakaka-relax naman ang mga mata niya. 

"I'll be back, i will just buy something."

Sa wakas ay nagsalita na siya pero hindi ko inaasahang ganito ang sasabihin niya. Ano? iiwan niya ako mag-isa rito?

Gusto kong tanungin kung saan siya bibili at anong bibilhin niya ngunit bago ko pa maibuka ang labi ko ay nakatakbo na siya palayo.

Sana lang ay balikan niya ako rito, dahil kung hindi ay lagot talaga siya sa 'kin. Baka hindi niya alam e master ako sa panonood ng taekwondo.

Makalipas ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Pinaglalaruan ba niya ako? Baka mamaya tunatawa na 'yon habang tinatanaw ako sa malayo o baka pgbalik niya lalaki ulo niya kasi naghintay ako. 

Sa huli ay naisipan kong maghintay ng dalawang minuto, kapag hindi siya dumating sa oras na 'yan ay aalis na ako.

May parte sa 'kin na hinihiling bumalik siya pero may part sa 'kin na hindi dahil sa mga nararamdaman ko sa kaniya lately. Alam ko namang normal lang 'to pero hindi kasi ako komportable.

Natapos na ang dalawang minuto ngunit wala pa ring Ali na dumating. Sa pagsukbit ko ng bag ko sa balikat ko ay hindi ko namalayang nakasimangot na pala ako. Ba't parang ang bigat? Tss. Shinake-shake ko ang ulo ko para mawala ang anumang naiisip ko. 

Saktong pagkatayo ko ay napansin kong may paparating dito.

Bumalik siya...

Mabilis at malalaki ang hakbang niya, may bitbit rin siya sa magkabilaang kamay niya pero hindi ko na maaninag. Nang makalapit siya sa 'kin ay sapat na para makita ko ang mga iyon. Ice cream and bandage...

"Where are you going?" he asked.

"Uuwi na sana," mahinang sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kaya ang mga tingin niya. Parang siya pa itong galit, kasalanan ko bang may trust issues ako sa kaniya.

"I told you to wait for me, didn't I?"

Psh, napakasungit. Nanatiling nasa baba ang tingin ko and this time, pinaglalaruan ko na ang mga bato.

"Here." Inilagay niya sa harap ko ang isang ice cream. 

Sa halip na kunin ay tinitigan ko lang ito. Take note, strawberry flavor siya. Inangat ko siya ng tingin, nagtatanong.

"You don't want?" tanong niya at sinulyapan ang hawak.

Dahil sa sinabi niya ay dali-dali ko itong kinuha. " Sinong nagsabi?" mabilis din na ani ko. 

Tumaas ang sulok ng labi niya kaya napapikit ako sa hiya. Nako, Jam! Pagdating talaga sa pagkain.

Pagdilat ko ay nakaupo na siya sa harap ko at umastang hahawakan ang paa ko. 

He tilted his head. "Can I?" he asked for permission.

"H-ha? oo!"

Sa sobrang pagkataranta ko ay pumayag ako kahit hindi ko alam ang gagawin niya. I mean, okay naman yung pakikitungo niya sa 'kin simula kanina so wala naman dapat akong ikabahala... no?

Maingat niyang inalis ang sapatos ko pagkatapos ay nilabas ang bandage sa plastic. Siyempre sa akto niya ngayn ay alam ko na ang gagawin niya hindi ko lang maiwasang mapapitlag nang hawakan niya ang paa ko. Wala naman siguro siyang balak putulin 'to no?

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya nang simulan niyang hilutin ang paa ko. And for the nth time, muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Puno iyon ng pag-iingat, animo'y babasagin ang paa ko at kung hawakan niya ito ay mababasag anumang oras.

Hanggang sa matapos siya ay nakatulala lang ako sa kaniya. Parang ibang Ali ang kaharap ko. Una, hindi niya ako sinungitan no'ng tulungan ko siya. Pangalawa, binigyan niya ako ng ice cream. Lastly, siya naman ang tumulong sa 'kin ngayon without me asking for it.

"Salamat," tipid ko siyang nginitian. "Pati sa ice cream, magkano pala?" habol ko.

He wavved his hands while shaking his head. "No, its' free." he said, smiling. Reason for his dimple in his right cheek to show. 

Cute.

"May binabalak ka ba?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Bumakas ang pagkalito sa mukha niy na mas lalo pang lumala sa sinabi ko.

"Ang bait mo kasi sa 'kin ngayon, sabihin mo lang kung may binabalak ka para naman makapag-ready ako."   

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa itsura niya. He looks like a lost puppy.

"Why would I do that?" aniya at inayos ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat niya.

Daig pa niya ang may amnesia, hindi ko alam kung nagmamaang-maangan lang siya sa meron saming dalawa o wala siyang pakialam at ako lang ang nagbibigay ng meaning doon.

Hindi na ako sumagot, sa halip ay tumayo ako at pilit na nginitian siya. "Una na ako, baka hinahnanap na ako sa 'min. Salamat uli."

Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya sa 'kin. "Where do you live? I'll come with you." aniya pagkaharap na pagkaharap ko.

Natutop ko ang bibig ko at unti-unti siyang pinanliitan ng mata.

"May balak ka talaga no? Siguro pagtitripan mo ako bukas!" asik ko.

Medyo tanggap ko pa yung ginawa niya kanina dahil parang pasasalamat na rin pero yung may pahatid-hatid, nakapagtataka na.  

Bumuntong hininga siya na parang ang bigat-bigat nang nararamdaman niya. 

"Wala nga, I'm just concern to your feet, baka lalong lumala and also to thank you for helping me earlier."

Ilang beses na siyang nagtatagalog but hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa boses niya.

"Let's go." sambit niya at nauna pa sa aking maglakad.

Siya pa 'tong nauna e hindi pa nga ako sumasagot.

Wala kaming imik sa isa't isa habang patuloy na naglalakad. Diretso lang ang tingin niya samantalang ako ay pasulyap-sulyap sa kaniya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pagtingin ko pero hindi pa naman niya ako nahuhuli kaya okay lang. Sobrang seryoso rin niya ngayon gaya no'ng unang pagkakakita ko sa kaniya, parang pasan-pasan niya ang mundo. 

Biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha niya kanina, I want to see that smile again. Yung genuine, parang may nag-uudyok na gawin iyon sa kaniya. 

Huminto ako nang matanaw ang kanto ng subdivision namin.

"Dito na lang ako," sinalubong ko ng ngiti ang tingin niya. 

"You sure you'll be okay?" he asked, there's a hint of worry in his voice. 

"Yes, thank you uli nang marami." I gave my best smile. 

Sagliy siyang natulala kalaunan ay napayuko.

"Jamira." tawag niya. "Thank you and I'm sorry." sinserong aniya na may kasamang ngiti, labas ang ngipin at lumilitaw ang biloy sa kanang pisngi.

Parang huminto ang mundo ko at hindi maiproseso ang nangyari, paulit-ulit na nagrereply ang ngiti niya sa utak ko. 

At hindi pa ako nakaka-recover nang tumalikod siya at nagsimulang maglakad. 

I shook my head habang tinatanaw ang bulto niyang papalayo. Pagkatapos ay naglakad na rin pauwi nang may ngiti sa labi.

Related chapters

  • Fight for me again   Chapter 6

    It's been 2 days since nangyari ang tagpo namin ni Ali no'n. Dalawang araw na rin akong absent kaya ngayon ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman na masakit yung paa ko pero iniiwasan ko pa rin ang maglakad nang mabilis. Abot-abot ang sermon ko kina mama at papa no'ng nagkapilay ako, dagdag mo pa si kuya na kung makapag-react e parang naputulan ako ng paa. Saka gusto ko pa rin na makatulong sa booth at ma-experience yung ibang booth, except doon sa matching booth. Psh. "'Yung paa mo ingatan mo. Sinasabi ko talaga sa 'yo." Duro ni kuya sa paa ko. Seryoso niya iyong sinabi pero hindi ko maiwasang matawa. "Yes, father." biro ko at saka siya kinawayan. Inirapan pa niya ako bago pumasok sa kotseng hinuhulugan pa nita at umalis. Sungit, palibhasa walang lovelife. Nang papasok na ako sa gate ay may pamilyar na bulto akong nakita, bumibili ng taho. Naii

  • Fight for me again   Chapter 7

    Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel d

  • Fight for me again   Chapter 8

    "Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone."Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy."Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko."What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon."Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan an

  • Fight for me again   Chapter 9

    Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya."Kuya!" bulong ko.Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away."Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e."Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw a

  • Fight for me again   Chapter 10

    Kapag naaalala ko talaga ang pagpapasalamat sa akin ni Ali ay natutuwa na nalulungkot ako. I'm happy because he's thankful and grateful. Nalulungkot dahil mukhang ngayon lang niya naranasan ang gano'n. Nobody deserve to be treated like that. Naniniwala ako na regardless of your physical appearance, you deserve to be loved and appreciated. Katatapos lang ng klase namin at mag-isa na naman ako, ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. I want to invite Ali, but I'm shy. Charot.Tumayo ako at naglakad. Sa park na lang ako pupunta tutal ay marami namang pagkain doon, marami ring mga tao pwede ko silang panoorin.Napahinto ako sa paglalakad nang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Medyo natakot na rin ako dahil baka mamaya ay holdapper na 'to pero imposible dahil wala namang nakatutok sa bewang ko na kutsilyo."Sino ka?!" sigaw ko."Hulaan mo," Pamilyar ah?Medyo nawala ang takot ko dahil mukang wala

  • Fight for me again   Chapter 11

    Last night was so nakakatakot yung mukha pa lang ni kuya na parang mangangain ay nakakatakot na talaga ano pa kaya yung pag interrogate niya sa amin ni Kenneth. Kaya pala gano'n ang itsura ni kuya dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na may manliligaw ako at balak ko pa raw ilihim sa kanya ang bagay na 'yon.Pero wala na kong magagawa dahil kilala na siya nila mama at papa. So, no more secret na.Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita na si Sr."Okay, pakilabas yung dala niyo," anunsyo ni Sir.His face turned pale in instant. My brows furrowed, para siyang nakakita ng multo sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Claris at syempre matik na 'yon na titingin kami sa likod.Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin at namutla rin. Sinong hindi mamumutla kapag nakita mo yung classmate mo na may dalang ahas?"AAHHHH!""Potek!""Oh my God!""Mama!"Nagtilian kaming mga babae pati ang ibang lalaki ay nakiki

  • Fight for me again   Chapter 12

    Pagkarating sa park ay agad ko siyang hinanap. Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan pwede siya tumambay at maghintay pero lahat ng iyon ay walang bakas ni anino niya.Baka naman ay kanina pa siya umuwi nang mabasa ang text ko? pero posible din na nandito pa siya, wala naman mawawala kung susubukan ko at saka malakas ang resistensya ko hindi ako magkakasakit dahil lang sa ulan.Napaupo na lang ako at niyakap ang aking tuhod. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko.Dahil ba umasa ako na hihintayin niya ko? o dahil naglaan ako ng oras para mapuntahan siya sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako at lugo-lugong naglakad papaalis sa park nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa katawan ko at may naramdaman akong pamilyar ba presensya."ALI!" I exclaimed nang tumalikod ako.Tumakbo ako sa kaniya at agad siyang niyakap nang mahigpit. Thanks, God.Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kaniya. Akala ko wala

  • Fight for me again   Chapter 13

    Totoo nga ang sabi ng karamihan na kapag may hindi magandang nangyari sa 'yo, mamaya o kinabukasan ay maganda naman. Parang 'yung sa amin ni Kenneth, I was pissed at him that time but when I saw Ali ang gaan na uli ng pakiramdam ko. And now, hindi na naman because guess what? Kasi may mga kaibigan akong parang kinulang sa buwan sa sobrang hyper at puro pang-aasar. Tuwang-tuwa at animo'y sinabuyan ng asin sa sobrang pagkakilig. Hindi ko maisingit 'yung dahilan kung bakit ako nainis kay Kenneth dahil busy sila sa pagkukwentuhan about sa aming dalawa. Kesyo huwag ko na raw patagalin dahil mukhang mabait naman daw at saka para may boyfriend na raw ako, makasabi parang hindi sila naging okay kay Kenneth no'ng nakaraan ah."Tumahimik nga muna kayo hindi pa ako tapos," saway ko. Natahimik silang lahat at nag-focus sa akin."Ano more kilig moments pa?" excited na tanong ni Melissa.Napairap ako, more kilig? Parang hindi naman nakakakilig 'yung

Latest chapter

  • Fight for me again   Chapter 23

    Kung may pa-contest man na pinaka-kabado sa buong mundo ay baka siguro ako na ang manalo. Kahit sa panaginip ko ay ang darating na anniversary ng grandparents ni Ali ang dumadalaw sa akin. Hindi ako tinantanan. Animo'y napakabilis pa ng araw dahil ito na ang oras para makilala ko ang pamilya ni Ali Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay sinisikmura na ako sa kaba. Hindi ko alam kung gutom pa ba ’to o dysmenorrhea na. Hindi kasi ako nakakain dahil sa sobrang pagkabahala. Nag-drive thru kami ni Ali pero hindi ko rin naman ginagalaw. "Come on, don't be nervous. They will like you. Promise." Ali said as he hold my hand while his other hand is on the maneuver. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang maliit na ngiti ngunit sapat na para kumalma ako, pero may kaba pa rin siyempre."Mukha ka ng basang sisiw hindi na prinsesa," sinundan niya iyon ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin at sa huli naman ay kumuha pa rin ng tissue para magpunas. Feeling ko nga pa

  • Fight for me again   Chapter 22

    I almost jump out of shocked when Ali put his hand around my waist. Kanina lang ay sinabi niyang babawi siya and I guess sa ganitong paraan siya babawi. Todo asikaso rin siya sa akin kanina habang kumakain kami, though sanay na ako dahil lagi naman niya 'yon ginagawa pero parang l-um-evel up kasi. Nakatabi lang siya sa akin the whole time. He's being extra clingy, but I like it. "Hindi ka na nahihiya? Natatakot?" tanong ko nang mapansing komportable na siya sa ginagawa. Kahit kanina habang kumakain kami ay lantaran ang panlalambing niya."Babawi ako, remember? I'm trying and I didn't know I'll enjoy this," aniya nang pagkabaling sa akin, bakas ang tuwa sa mga mata niya. He then kissed my forehead. "Enjoy?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.A smirk formed on his lips, "Yeah, I enjoy this, walking beside you comfortably, touching you. And besides, I should be proud, no," paliwanag niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang

  • Fight for me again   Chapter 21

    "Stop talking about food, Ali. Pustahan tayo katatapos mo lang kumain 'no?" pagpapahinto at akusa ko sa kaniya. I-kuwento ba naman sa akin 'yong kinain niya ngayong araw. Nagba-blog ba siya at ako lang ang viewer?"What? Pustahan din tayo nagugutom ka na ngayon pero wala kang pagkain. Kawawa ka naman," sinundan niya iyon nang malakas na tawa.Lalong sumama ang mukha ko. Bwisit, akala ko matutuwa ako ngayong kausap ko siya, paano ko nakalimutang bully pala ang isang 'to? "Ah so iniinggit mo lang pala ako? Alam mo bang lalo akong nagutom dahil sa mga pinagsasabi mo? How dare you?! Next time hindi na ako makikipag-call—""Let's meet later, hmm? I missed you," malambing at masuyong sambit niya, wala na ang mapang-asar na tono kanina. Napahinto ako ng ilang segundo at napakapa sa dibdib ko at gano'n na naman kalakas ang tibok nito. Dumapa ako sa kama habang hinahampas-hampas ang mga unan ko."Arghh! Nakakainis ka talaga!" tili ko habang patuloy pa rin sa paghampas. Rinig ko ang halakhak

  • Fight for me again   Chapter 20

    Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko. "Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie! Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject? Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,""Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle."Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ko

  • Fight for me again   Chapter 19

    I shook my head for the ninth time and tried to focus my attention on my laptop, but I still can't. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatulala then the cycle repeats. I won't be able to focus my attention in this activity I'm doing as long as Jam's image keeps appearing in my head. I still can't forget how she looked at me genuinely.Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakatanggap ng gano'ng klase ng tingin. Everything about her is genuine. She never made fun of my appearance like everybody does. Pinagtanggol pa nga niya ako noong ipinahiya ako ni Kenneth sa kanila. Ganito lang ako, not handsome, malabong ipagmalaki dahil mataba ako, at klase ng tao na hindi kayang kontrolin ang emosyon kaya tuloy sunod-sunod ang hindi namin pagkaintindihan ni Jam. Yet, wala na akong maisip pang ibang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. I can still remember the first time we met, the way she smiled at me seemed like she was a kid—innocent. Pero noong kinausap na niya ako, para

  • Fight for me again   Chapter 18

    Simula ata noong makilala ko si Ali ay bilang lang ang araw na presentable akong pumapasok. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos, kulang lang talaga ako sa tulog dahil inuuna ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kaysa mag-ayos.Gaya na lamang ngayon, bago ang sagutan namin ni Ali no'ng nakaraan ay wala akong ayos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ilang araw na ang nakalilipas. I was busy thinking things. Pumapasok nga ako ng eskwelahan pero ang utak ko ay lumilipad, wala akong maintindihan sa tinuturo dahil hindi naman ako nakikinig. Sinubukan ko nang isang beses but I ended up staring at my Prof, naasar pa ako ng mga kaibigan kong pinagnanasahan siya. "Ms. Domingo,"Naramdaman ko ang pagsiko nang katabi ko sa braso ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinuloy ang pag-iisip at pagtingin sa labas ng bintana. "Ms. Domingo,"Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa ako, e, wala rin naman akong naiintindihan, siguro dahil ay

  • Fight for me again   Chapter 17

    Hindi maalis ang aking kamay sa ulo ko, paulit-ulit ko itong sinasabunutan para kahit papaano ay magising ako. Hindi ko kasi makalimutan ang realization ko, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako. Dalawang oras lang ang tulog ko at sa mga oras na gising ako ay tanging si Ali lang nasa isip ko. Kung paano ba ako nahulog sa kaniya, kung ano ang nakita ko pero wala akong maisip na maayos na sagot. Kapag naman naaalala ko ang pagkanta niya sa akin ay impit akong napapatili. Baliw na nga talaga ako. And here I am, ngumingiti na namn. Noong sinubukan ko ring alalahanin ang buong pagkanta niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I guess may pampatulog na ako. Dahil nakayuko akong naglalakad, naramdaman ko na lang ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa akin. That made me woke my senses up. Gulat akong napatingin sa harap ko at bumungad sa akin ang nakaupong babae sa lapag. Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulungang makatayo at gano'n na

  • Fight for me again   Chapter 16

    Nakahiga at subo ang isang lollipop sa bibig ko habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko maalis sa isipan ko ang confrontation ni Ali, I badly want to know the truth. Halos nakailang isip na nga ako ng scenario kung paano iyon napagdaanan ni Ali pero iba pa rin kapag siya mismo ang magkukwento. Ayoko naman siyang tanungin dahil hindi pa kami nagkakausap uli pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang araw na akong absent, hindi rin ako pinilit ni mama na pumasok kahit na hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw ko. Noong pumasok kasi ako the next day na nag-usap kami ni Ali ay lutang lang ang isip ko buong araw. Halos lahat ng Professor ko ay napagsabihan ako. Kaya naisip ko na kung hindi rin lang ako makakapa-focus, mabuti pang um-absent muna ako, pero siyempre hindi puwedeng magtagal ito. Sa totoo lang bukas ay plano ko nang pumasok at kung magkaroon ng lakas ng loob ay kakausapin ko na rin si Ali. Ang alam din ng mga kaibigan ko kung bakit ak

  • Fight for me again   Chapter 15

    "Nagulat din talaga ako no'ng sinabi ni pres 'yon like bhie SSC president siya. I think hindi magandang impluwensya iyon sa mga kapwa niya student," ani Kate na umani nang pag sang-ayon sa amin. We're currently having a snack before we go home. Libre naman ni Dwayne kaya hindi na kami nagreklamo. Like hello? Libre na 'to, sino bang aangal sa libre?"Sa harap pa talaga natin and ng family ni Jam. Maraming puwedeng mangyari hindi lang kay Ali," segunda ni Mika.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa room, tungkol kay Kenneth na agad ang tinanong nila ni hindi man lang ako o si Ali kinamusta. Mga chismakers talaga. Take note, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari after nilang umalis. Sigurado rin naman akong hindi sasabihin iyon ni Ali dahil napakatahimik nito. Gaya ngayon, he's here beside me and wala siyang ibang ginawa kundi lagyan ng pagkain ang plato ko. Sa kaniya ako tataba nito, e. "Pero ang hot mo no'ng pina

DMCA.com Protection Status