Damian's POV After what happened to Alejandro and Kathnisse, I realized na kailangan mong maging totoo sa nararamdaman mo. You need to do everything para sa huli ay wala kang pagsisihan. Isang beses lang tayo pwedeng mabuhay sa mundo, kapag kinuha na ang buhay na pinahiram sa 'yo ay hindi mo na magagawa ang mga bagay na sana ay ginawa mo. You will question yourself, bakit hindi ko ginawa 'yon? Edi sana ay nasa maayos akong kalagayan ngayon, o hindi kaya ay sana masaya kami ngayon. I've been thinking this for a month now. You'll never know what will happen kaya kailangan mong pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka o 'yong mga taong importante sa 'yo. "Hijo, bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan si Bella?" Tanong ng Tito ni Bella. I smiled nervously, hindi ko inaasahan na kakabahan ako sa araw na 'to. "Ako lang po ang mag-isa, Tito. Hindi niya po alam na nandito ako ngayon sa bahay niyo." Ani ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag iparamdam o ipakita na kinakabahan ako nga
Damian's POV Pagkadating namin sa lugar kung saan nangyari ang aksidenti ay halos hindi ako makahinga ng maayos. I don't want to think that Bella's dead body is in there. I just can't. Hindi ko kaya. "Damian?" Nag-aalalang tanong ni Audrey sa akin. "W-what if--" Napailing ko. "Damian, you need to be strong, okay? Let's-- let's check it first." Hinawakan ng mahigpit ni Audrey ang kamay ko. I exhaled deeply. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas doon. Dumating na rin ang kotse ng parents ko pati na sila Tito Nathan. May mga pulis na sa paligid at iilang mga news reporters. Mabibigat ang mga paa ko habang naglalakad. Nakita kong papalapit sa amin si Detective Diaz. "Audrey," bati nito kay Audrey at napatingin sa akin, "Attorney," he sighs. "C-can I check it?" Tumango ito sa akin, "follow me." Aniya. Sumunod ako sa kanya. Napatingin ako sa bangin, may area roon na halatang kakasunog lang. Matarik ang daanan pababa kaya hindi ko alam kung paano nila nagawang makuha
Damian's POV "Damian?" Napatingin ako sa nagsalita, I smiled immediately while tears rolling down on my face. "H-hi, Muffin." Nagtataka itong napatingin sa akin at pinunasan ang luha sa pisnge ko. "Bakit ka umiiyak? Nandito na ako. 'Di ba ito palagi ang hinihiling mo? I'm here now. Hindi ka ba masaya?" Aniya at ngumiti sa akin. Mas lalo pa akong napaiyak sa sinabi niya. Tama siya. Palagi kong hinihiling at pinapanalangin na sana ay makita ko siya kahit sa panaginip lang dahil alam kong doon lang kami pwedeng magkita at mag-usap ng ganito. "I-I'm happy, Muffin." Naiiling na sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "You should be happy, always. Kahit na wala na ako sa tabi mo. Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba?" Matamis itong ngumiti sa akin. "I-I know, Muffin. I know." I bit my lower lip. Ayaw kong makita niya akong umiiyak sa harap niya. I want her to feel na masaya ako. She's slowly fading. "No! Muffin, come back!" Sigaw ko at pilit siyang hin
Damian's POV Nakaupo lang ako ngayon sa harap ng kabaong ni Bella. Ilang oras nalang ay ililibing na namin siya. I want to look at her face for the last time pero hindi ko iyon magagawa dahil hindi mo rin naman makikilala ang itsura niya dahil sa sunog ang buong katawan niya kaya nakasarado ang kabaong niya. Until her dying moment ay nasaktan pa rin ito. I can't imagine how painful it is to be burned alive. Ayon sa autopsy ay buhay pa si Bella ng masunog ito, si Jason naman ay namatay na bago pa masunog. As per the driver of the truck, he died because of heart attack kaya nawala ito sa lane niya at napunta sa lane nila Bella. Maybe kung hindi napunta sa lane nila Bella ang truck ay baka buhay pa sila ngayon. I know there's a foul sa aksidenti. Pina check ang kotse ko sa NFS para malaman kung ano ang naging problema bakit nawalan sila ng brake at hindi gumagana ang manibela. Loose of brake fluids, clogged and jammed hoses and incorrect fluid type. 'Yon ang mga problemang nakita s
Damian's POV "Boss." Napatingin ako sa nagsalita. It was Azrael, one of my trusted men. Napatingin din sa kanya ang mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa interrogation room ng headquarters. "Shall we get started? I'm kinda bored na." Ani Audrey habang nakatingin sa kuko nito. "Let him in." Matigas na utos ko. Tumango naman si Azrael at lumabas. Kinuyom ko ang kamao ko. Nangangati na ang kamay kong pumatay ngayon. Maya-maya pa ay pumasok na si Azrael kasama si Brian at Raegan. "Boss!" Ani Raegan na halatang nagulat dahil kompleto kami ngayong magkakaibigan. I can see how nervous he is right now. Hindi ito makatingin ng maayos sa akin. "Ikaw ba si Raegan?" Tanong ni Sythrygr. "Oo, ako nga po." Sagot naman nito. "Can you tell us on why did you sabotaged Damian's car?" Tanong ni Ellias. "P-po? H-hindi ko ginawa 'yon, Boss!" Natatakot at tarantang turan nito. "I hate waiting, Motherfxcker. Sabihin mo nalang ang totoo." Seryosong sabi ni Audrey. Prente lang akong n
Damian's POV Pagkatapos kong ma i-park ang kotse ko ay pumasok na ako sa loob ng bar. Naghihintay na sa loob ang mga kaibigan ko. "You're late, Attorney." Ani Sythrygr sa akin. "Mas maaga lang kayong dumating." Sagot ko sa kanya at umupo sa tabi ni Alejandro. Alas syete pa lang ng gabi pero nandito na kami sa bar. Alas nuebe pa nagbubukas ang bar na ito pero dahil sa kilala ni Killian ang may-ari ng bar ay pinagbigyan kaming pumasok rito. May mga inumin na sa mesa pero wala pa itong bawas. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. They all looked problematic. Alejandro is heartbroken and trying to heal, del Valle is devastated because of what's happening in his life, ang iba naman ay may sarili ring problema. On my part, I'm still mourning. It's been two months since Bella died pero parang kahapon lang ito nangyari. "Damn, Boys! Mukhang pasan-pasan niyo ang buong mundo sa mga itsura niyo!" ani Audrey na kararating lang, "I should be resting by now pero baka kung anong gawin niyong
Damian's POV Pagkatapos kung magbihis ay umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang picture frame na nakapatong sa maliit na mesa. I smiled and caressed her face. "I need to go, Muffin. I'll be back after I'm done with my work, okay?" Ani ko at pinatong na ulit sa mesa ang picture frame niya. Kinuha ko ang medium size na luggage ko at hinila na ito palabas ng kuwarto ko. Pinatay ko muna ang lahat ng mga de kuryente kong gamit na nakasaksak bago ni-off ang main switch. Lumabas na ako sa condo ko at ni-lock ito. It's been 2 years since Bella passed away. I am breathing but barely alive. Dalawang taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin siya makalimutan. I really never tried to move on nor forget her, inaasa ko nalang sa panahon o sa puso ko na kusa iyong mangyari. I guess I love her so much that my heart and my mind don't want to do it on their own. Simula ng namatay si Bella sa aksidenting 'yon ay hindi ako umaalis ng bansa o kahit mag-out of town. I don't want to leave our
Damian's POV Napapikit ako. God! Hindi ako pwedeng magkamali. This is Ysabella Corryn, my Muffin. They have the same built, magkaparehas sila ng boses and every feature of her face is hers. Hindi ako namamalikmata lang. Hindi rin ito epekto ng pagkamiss ko lang sa kanya. This woman is my girlfriend. Pumatak ang luha ako. "I miss you, Muffin." Bulong ko sa kanya habang mahigpit itong niyayakap. Hindi naman ito nakagalaw sa kinatatayuan niya. "B-bitawan mo po a-ako! H-hindi kita k-kilala!" Aniya at tinulak ako. Halong gulat at takot ang nahihimigan ko sa boses niya. Napakalas naman ako ng pagkakayakap sa kanya at mataman siyang tinitigan. Kamukhang-kamukha niya si Bella. Para silang pinagbiyak na bunga kaya nakakasigurado akong siya si Bella. Si Bella lang ang nagpapatibok ng puso ko ng ganito. "W-why--- M-muffin..." Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin, nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang babaeng inakala kong patay na. K
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak