Travis POVNasa office kami ngayon ni Leo, nag-uusap tungkol sa problema niya. Hindi ako nagpa despedida para lang makipag kwentuhan sa kanya, gusto kong mag saya kahit pa masakit sa loob ko na mawawalan ako ng isang masipag at mabuting empleyado. "I don't know what to do anymore! Na de-deads na talaga ang brain cells and beauty cells ko!" himutok niya. Natawa nalang ako sa naging asta niya- hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kaibigan ko ang isang to at lalong hindi ko ma proseso na bakla talaga siya. Kahit saang angulo mo siya tignan hindi mo aakalain na binabae pala siya. "Why are you smiling like an idiot?" mataray na saad niya "Dude, I just can't believe that we're here discussing problems instead of having some fun outside" mas lalo siyang nagtaray sa sinabi ko "Are you kidding me!? Can't you see that I'm in real trouble?" alam ko naman yun pero ano bang magagawa ko? "Bakit ka pa namomoblema? Nagawan mo na nga ng paraan diba? Di pa ba sapat yang pagpapanggap niyo ni Ellie?
Leo's POV Nagising ako na masakit ang katawan, sino ba namang hindi e nakipag buno ako kahapon. Grabe talaga! Hindi ko akalain na mangayayari sakin to! Ang pangit na ng fes ko! Ayoko pa naman magka peklat! Pagkabangon ko ay nagtungo agad ako sa kusina para magluto ng makakain, muntik pa akong mapasigaw nang makita ko si ate Lian sa loob ng bahay ko. Kaloka to! pano kung di ko napigil sigaw ko? Edi deads na naman ang undercover ko nito. "What are you doing here?" Lumapit siya sakin at sinuri ang mukha ko "What happened to your face?" Kita mo to si ate, ako nagtatanong eh pero sinagot rin ako ng isang tanong. "Wala to, may nakaaway lang" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko "Oh my gosh! Kelan ka pa natutong pumatol ha!?" Hysterical niyang sabi "I need to defend myself, that's why" imbis na maawa ay pinagalitan niya pa ako "Are you out of your mind? What if may makakita sayo na mga reporter or journalist? Masasangkot ka na naman sa mga issue!" I rolled my eyes in disbelief, kahit naman a
Leo's POVNagising ako nang maalala na wala pala ako sa bahay ngayon, pagtingin ko sa paligid ay wala na si Niel- umalis ba siya? Nagmadali akong bumangon at pagkalabas ko sa kwarto ay nakita kong naghahanda siya ng breakfast. "Good morning" he greeted me with a wide smile "Good, morning babe" he gave me a pick on the lips, nagulat ako sa ginawa niya pero isinawalang bahala ko nalang. We ate breakfast together at pagkatapos ay nauna na akong umalis sa kanya. I need to go home para makapag shower, kailangan ko na kasing pumasok sa office, sana nga lang inayos nila ang trabaho nila para sa fashion week. 10:30 am na ako nakarating sa bahay, it was already late, 9 am na kasi ako nagising dahil sa chikahan namin ni Ellie, when I entered the house I saw two big boxes and two small boxes, there was a note stick outside the box. It says [Your outfit- from Ate] ang bilis niya talaga pagdating sa mga ganito. Hindi na ako nag-abalang tignan ang nasa loob, mamaya na lang siguro pagkauwi ko. I jus
Ellie's POVNaloka talaga ako! Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag na naman ako ni Leo ng LOVE! minsan hindi ko maintindihan ang lalaking yun, oo nga at nagpapanggap kami pero diba dapat sa harap ng ibang tao namin ipakita yun? Hindi kung kelan kami lang dalawa, hindi niya ko pwedeng sisihin kung magka false hope ako, kasalanan niya rin dahil sa mga ginagawa niya. Sobrang busy na namin ngayon, habol namin ang oras dahil dalawang araw na lang ay fashion week na, hindi na magkandaugaga ang mga kasamahan ko, left and right kung kumilos si Charley, si Ashly naman kung sino-sino ang mga kinakausap na models para ma finalize na ang rarampa at ako? Jusko nasa isang tabi lang ako, kikilos lang kapag inutasan kasi wala talaga akong alam sa mga ganito! "El, pwede bang pakitawagan si Carla? Sabihin mo na nadeliver na ang mga Silk na gagamitin natin sa gowns" saad ni Ashly, agad kong hinanap ang bag para sana tumawag ang kaso naalala ko na naiwan ko pala yun sa office kakamadali. Kaasar naman!
Ellie's POVNakasimangot akong nagtungo sa kahon na gustong pabukasan ni Leo, tumingin muna ako sa kanya bago ko kinuha yung box na nakapangalan sa akin. Bakit may ganito? "Para san ba kasi to?" Tanong ko "Kaya nga bubuksan mo para malaman mo kung para saan yan" inirapan ko siya, pwede naman sabihin agad eh, maypa suspense pang nalalaman. Pagka kuha ko ay agad ko rin itong binuksan, nagulat ako nang makita ko ang isang Black gown, napaka sexy ng gown- isang body fitted gown na may mga diamond details na nagmimistulang bitwin na kumikinang, may slit sa gilid ang gown at ribbon style ang lock nito sa likuran. Namangha talaga ako sa pagkaka design nito, kung sino man siya napa galing niya! "Isukat mo nga yan" napatingin ako kay Leo "Seryoso ka ba?" tumango siya, tanda na hindi siya nagbibiro "Pumasok ka na sa kwarto at isukat mo na yan" dahil sa sinabi niya ay napilitan akong sumunod. Pagkapasok ko ay agad akong naghubad para masukat na itong gown na dala ko, hindi ko mailock ang likuran
Leo's POVHinihintay ko lang si Ellie sa labas ng bahay nila. Di ko mapigilang mainis dahil damit lang naman ang kukunin niya pero bakit ang tagal? Nakakaloka naman ang babaeng yun! Dahil hindi ko na talaga matiis, nagdesisyon na lang ako na puntahan siya, kung sakali mang magtatanong ang mama niya ay bahala na si batman. Nakabukas ang gate kaya pumasok na ako, wala din namang tao kaya di ko na kailangan magpaalam. Pagkapasok ko ay agad na bumungad ang kanilang sala, nagulat ako nang makita ko si Kion pero agad ring napalitan ng inis "Di pa ba tayo aalis?" Saad ko. Mababakas sa mga mata ni Ellie ang gulat "Bakit nandito ka? Diba sabi ko maghintay ka!?" Hindi ko siya pinansin, nakatuon lang ang aking tingin kay Kion. "Halika na nga" hinila niya ako palabas ng bahay ngunit natigil kami sa may pinto nang pumasok ang mama niya galing grocery store. Automatik na inalalayan ko ang mama niya dahil marami at mabibigat ang dala nito "Thank you anak, ang bait mo namang bata" naka ngiti nitong s
Ellie's POVPara akong nawalan ng kaluluwa nang makarating ako sa bahay, ano bang naisip niya at ginawa niya yun? "Ayos ka lang ba?" Tumango ako "Oo, napagod kasi talaga ako" sabay kaming pumasok ni Kion, inaya kasi siya ni mama na don na sa bahay namin kumain "Alam ba ni tita?" Agad akong napailing sa sinabi niya "Wag mong sasabihin, naghihintay pa kasi kami ng tamang panahon" tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Pagkatapos naming maghaponan ay nag paalam na si Kion na uuwi, may pasok pa kasi siya bukas. Ako naman, nagpaalam narin ako na aakyat na sa kwarto dahil sumama na naman ang pakiramdam ko. Pagkapasok ko ay agad akong dumeretso sa kama, tinitignan ko ang phone ko- nagbabakasakali na may text or tawag na mang gagaling kay Leo pero wala. Muling nag balik sa aking alaala ang mga nangyari "First kiss ko yun" saad ko, isinubsob ko nalang ang aking mukha sa aking mga palad, hindi ko magawang makatulog kakaisip. Gusto kong tumawag siya at sabihin sa akin na wala lang yun para hind
Leo's POVNaihagis ko sa may bar counter ang ilang mga litratong kuha kahapon, ito yung mga panahong hinalikan ko si Ellie. After kasi naming makapag insayo ay napagdesisyonan kong umalis at magtungo sa isang private bar na pag-aari ni Travis, isa ako sa mga suplier niya ng mga alak. "Kalma, ba't ba inis na inis ka?" Tanong niya, muli na namang kumulo ang dugo ko. Pinulot ko ang mga litrato sabay punit ng mga ito, gusto kong mag wala at sumigaw! "Dahil sa letcheng to nag away na naman kami ni Niel!" Saad ko "Saan ba kasi galing yan?" Napatingin ako sa kanya "Saan pa ba!? Edi sa magaling kong ama!" Gusto kong manabunot ng empakta! "Bakit mo rin kasi ginawa?" Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ko magawang makasagot kasi wala rin naman akong magandang paliwanag na maibibigay. Iniwan ako ni Travis dahil aasikasuhin pa raw niya ang ibang mga guest- kahit kailan talaga negosyo parin ang nasa isip niya. Panay tungga ako sa bote ng alak, gusto kong malasing para mailabas ko lahat ng sama ng