Naalala bigla ni Greig si Athalia. Papa na ang tawag nito sa kaniya dahil sa impluwensya ni Patrick. Sa tuwing umuuwi siya, sinisigurado niyang may dala siyang bagong laruan o mga pagkain para kay Athalia. Iyon ang mga panahon na madalas siyang umalis dahil hinahanap nila si Niccolò, samantalang naiiwan lagi si Patrick, Athalia at Ysabela sa bahay. Noong una, Tito Greig lamang ang tawag sa kaniya ni Athalia. Hanggang sa maging papa, iyon ay dahil napapansin ni Athalia ang pagkakahawig nila ni Niccolò at mas lalong nangungulila sa kakambal. Kapag nakikita siya ni Athy, mas lalo itong nangungulila kay Niccolò. Kaya nang minsan na magtanong ito kung bakit magkamukha sila ni Niccolò, sinubukan niyang ipaliwanag ang bagay na iyon sa abot ng kaniyang makakaya na hindi inaamin na anak niya ang dalawa. Mahirap. Hanggang sa bigla itong magtanong kung okay lang ba na tawagin siya nitong papa. “Tito Patrick told me that I can call you Papa Greig. You’re so nice to me. And also to Mommy. M-ma
Dalawang araw ang lumipas, nakabalik din sa wakas sa Sicily ng ligtas si Niccolò at Greig. Sinalubong sila ni Patrick sa airport samantalang naiwan si Ysabela at Athalia sa bahay kasama ang ilang tauhan.“How’s your flight?” Tanong ni Patrick.Natutulog pa rin si Niccolò sa bisig ni Greig at mukhang antok na antok pa rin.“How’s Niccolò?” Tanong niya nang mapansin na hindi man lang nagising si Niccolò kahit na nasa airport na sila.“He’s fine. Hindi nakatulog ng maayos sa flight dahil sa sobrang excited na makauwi, ngayon tuloy pagod at hindi na malabanan ang antok.” May kaonting ngiti sa labi ni Greig nang sabihin iyon.Iginiya niya sa dalang sasakyan si Greig. Sa likod naupo ang lalaki at inayos nito ng mabuti si Niccolò para makahiga pa rin sa upuan nang hindi na kailangan na gisingin pa.Pumasok siya sa sasakyan at naupo sa driver's seat. Tiningnan niya si Greig sa rearview mirror habang inaayos nito ang higaan ni Niccolò.Parang kinukurot ang kaniyang dibdib ng maliliit na kamay
Samantala, sa Pilipinas ay pumutok agad ang balita nang pagkakahuli kay Alhaj Jimenez. Ito ang naging headline ng mga pahayagan at naging malaking balita ng media.Maging si Natasha na nasa ospital ay nasagap ang impormasyon ng pagkakahuli kay Alhaj, dahilan para maging hysterical ang babae.“Kasalanan ni Ysabela! Kasalanan ng babaeng iyon! Inagaw niya sa akin si Greig! Inagaw niya ang lahat ng dapat ay sa akin!” Sigaw nito sa loob ng ward habang itinatapon niya ang mga gamit.Inalis niya rin ang IV fluids, dumudugo na ang kaniyang mga sugat kaya kailangan siyang e-restrain ng mga nurse, ngunit nanlalaban lamang siya.Para siyang baliw na hindi malapitan ninuman at nagsisisigaw. Kung may lumapit na nurse ay agad niyang binabato o sinasaktan. Pumasok na ang doktor sa ward, dala na nito ang tranquilizer ngunit hindi pa rin makahanap ng tyempo para turukan ang babae.“Nat, please. Calm down.” Pagmamakaawa ni Ada sa babae nang makitang duguan na ang hospital gown na suot nito dahil sa pwe
“Ano bang sinasabi mo, Ada, ha? Walang kasalanan ang anak ko!” Galit na sigaw ni Rumulo.Umalingawngaw ang kaniyang boses sa hallway, dahilan para mapatingin sa kanila ang ilang mga nurse na dumadaan.Umiling si Ada, hindi na kayang itanggi ang katotohanan na may kasalanan sila at ngayon ay bumabalik na sa kanila ang karma.“Totoo ang sinabi no’ng babae, inutusan sila ni Natasha para bantayan si Ysabela at Greig sa isla—”“No.”“Pinakidnap ni Natasha si Ysabela. Ibinilin niya rin na patayin si Ysabela at sunugin ang katawan nito hanggang sa wala nang ebedinsya—”Pak!Natigilan si Ada nang dumapo sa kaniyang pisngi ang mabigat na kamay ni Rumulo Entrata.Hinawakan siya ng lalaki sa braso at kinaladkad siya hanggang sa isang sulok. Itinulak siya ni Rumulo habang nanlilisik ang mga mata nito.“Hindi kita pinakain, binihisan, at binuhay para lang sirain ang anak ko sa akin.” Mariin na turan ni Rumulo kay Ada, halos manggigil na saktan ang babae.Umurong naman si Ada dahil sa takot.“Alam
Hindi maalis ni Ysabela ang tingin sa kaniyang mga anak. Mahimbing na natutulog si Athalia at Niccolò.Mukhang napagod pareho dahil sa pangungulit ni Athalia sa kapatid ngayong maghapon. Alas onse y media na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ysabela, gusto niya pa rin pagmasdan ng mabuti ang kaniyang mga anak.Hanggang ngayon sumisikip pa rin ang kaniyang dibdib sa tuwing naaalala ang mga pasang nakita niya kanina sa katawan ni Niccolò.Bilang isang ina, malaki ang kaniyang pagsisisi dahil sa kaniyang kapabayaan kay Niccolò. Para sa kaniya, kasalanan niya rin kung bakit nangyari ito sa kaniyang anak.Ang paghingi ng tawad ay kulang pa para mapawi ang lahat ng sakit na naramdaman ni Niccolò.“Ysa?”Nilingon niya kung saan galing ang boses at nakita si Greig sa may pinto.“Akala ko nagpapahinga ka na.” Sabi nito at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.Nakapatay na ang ilaw sa kuwarto ng mga bata, tanging ang naghihikahos na liwanag na lamang mula sa lampara ang nagbibigay ng
“You survived the last five years without us.” Paalala niya. “I barely survived, Ysabela.” Marahang tugon ni Greig. Umawang ang labi ni Ysabela nang makita kung gaano kahina ang dipensa ngayon ni Greig. Para itong baso na isang tapik na lamang ay mababasag na. Naalala niya bigla ang mga sinabi sa kaniya ni Patrick nang minsang makapag-usap sila ng masinsinan. Nagdusa rin si Greig sa mga nagdaang taon. Halos mapariwara ang buhay nito dahil sa biglaan niyang pagkawala at ni Señor Gregory. Hindi niya alam ang buong nangyari kay Greig, pero naniniwala siyang hindi na niya kailangan na malaman pa ang buong pangyayari para lang malaman ang sakit na naramdaman nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang mga kamay at marahan na hinaplos ang pisngi ni Greig. Agad na napapikit ang lalaki at dinama ang kaniyang haplos. Malungkot siyang ngumiti. Kung maaari lamang itanggi ang kaniyang nararamdaman ay ginawa na niya, pero hindi… dahil kahit anong galit at poot niya para kay Greig, hindi magbabago
“It’s okay, Kiddo. I can manage everything in the kitchen, don’t worry about me. You can go back to your room and rest for another hour.” Ngumiti siya kay Niccolò. Akala niya ay makikinig ito sa kaniya, pero nagtuloy-tuloy pa rin si Niccolò sa kusina. Nagdadabog naman si Athalia dahil hindi siya binalikan ng kapatid. Ikiniling bahagya ni Greig ang kaniyang ulo. So, this is what Ysabela's talking about? Napangiti siya muli, natatawa na halos. Okay, fine, this is just a normal day as a father of my twin. Bulong niya sa sarili. Umakyat siya sa hagdan at binuhat si Athalia na ngayon ay mangiyak-ngiyak na. “I still want to sleep, Papa!” Malakas nitong sabi. Tumango siya. “How about I bring you to your room?” “But I want Niccolò to sleep with me!” Hinanap ng kaniyang mga mata si Niccolò ngunit nasa loob na ito ng kusina. Itinikom niya ang bibig at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin para parehong mapagbigyan si Athalia at Niccolò. “How about we make a healthy and delicious panc
Nakangiti si Ysabela habang tinatanaw mula sa ikalawang palapag ang kaniyang mag-aama na naglalaro sa sala.Naka-blindfold si Greig at pilit hinuhuli ang kambal na nagtatatakbo naman para hindi mahuli ng lalaki. Malakas ang tawa ni Athalia na tila ba kinikiliti, habang si Niccolò naman ay panay ang hila sa kapatid para hindi madakip ni Greig.Maybe this is already the definition of contentment. Bulong ng kaniyang isip.Bawat araw na lumilipas, nahahanap na ni Ysabela ang bawat parte ng nabasag niyang pagkatao. May kapayapaan na sa kaniyang puso. Nahanap na rin niya sa wakas ang pagpapatawad para sa kaniyang sarili at para na rin kay Greig.Greig is very patient. Hindi niya kailanman nakita ang ganitong side ng lalaki, kahit noong magkasama pa sila sa Pilipinas.Ngayon, palaging kalmado ang postura ng lalaki. Palagi itong masuyo kung magsalita, maingat ang bawat kilos, at palaging masaya ang ekspresyon ng mga mata.Isang bagay na nagugustuhan niya ngayon kay Greig.Narinig niya ang pag
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F