“Ate, minsan talaga may pagkakataon na hindi natin inaasahan. Tulad ng mahalin mo siya ng hindi mo naman sinasadya mangyari di ba? Minsan nakakaramdam tayo ng kakaiba sa tao na hindi rin natin expected na mangyayari. Minsan pa nga sa maling tao pa nga tayo nagmamahal. Yung tao na hindi tayo kayang pahalagahan. Lalo na ang hindi tayo kayang mahalin gaya ng pagmamahal natin sa kanila." seryoso naman ito. May laman din ang bawat pahayag nito na kinatitig ko sa mukha niya. “Bakit mo ako tinitigan sa mukha?" tanong niya.“Seryoso ka kasing masyado. May pinaghuhugutan ka ba?" tanong ko.“Kung sasabihin ko na meron? Sasabihin mo rin ba na mahal mo talaga siya?" ngumiti ako. “Nakikipag pustahan ka ba? O, hinahamon mo lang ako?" biro ko. Tingin ko malayo sa sinabi nito. Lumunok ako. Napahikab.Siguro nga talaga mas lumalalim pa ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Carlos. Lalo na ngayon na kasal na kami. Kahit wala pa man isang buwan at hindi rin maganda ang panimula ng amin pagsasama
Dahil sa nangyari balik Manila na sila Lalaine kinabukasan.Umaga na, mataas na rin ang sikat ng araw. Masakit na rin sa balat. Inis si Carlos na nakatingin sa mga nag-uusap-usap bago pa ang paglabas ng pinto. “Tatay Ramon salamat po sa inyong mag-asawa. If ever po na magka-oras ako dadalaw po ulit ako rito. Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa amin ni Carlos.” Pahayag na sabi ni Lalaine nang magawa siyang hawakan sa kamay ng asawa na babae ni Tatay Ramon.“Lalaine, mag-ingat kayo. Salamat!” “Wala po iyon, ako po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil sa puro gulo nalang ang hinatid ni Carlos dito. Ako na po ang siyang humihingi ng despensa sa mga nangyari.” Ngumiti siya ng manipis. Yumakap ang asawa ni Tatay Ramon sa kanya, matapos ay nagpupunas ng mata ang anak na babae ng mag-asawa na kabababa lang mula sa taas ng bahay nila. Kagigising lang nito na hindi pa nga nakapag hilamos napamulagat sa laki ang mata nang makita ang maleta sa tabi ni Lalaine. “Anong nangyayari? Saan punta mo A
“Nagustuhan nyo ba ang regalo namin sa inyo?" tanong ni Imy. “Maganda di ba? Napili namin ni Daddy niyo na dito nalang kayo ikuha ng bahay. Kaya nga lang medyo malayo ito sa bahay natin. Pero ayos lang madali lang naman ang bumiyahe at pumunta dito pag gusto namin kayo makita ng daddy niyo. kinompleto na rin namin ang lahat ng gamit dito ng hindi na kayo mahirapan pang mag-asawa. Wala na kayo iisipin o intindihin pa na bilhin dahil kompleto na. If meron man nasa na inyo if gusto niyo baguhin ang mga decorations na pinaglalagay namin. Natuwa lang ako. Kaya iyan ang napili ko." proud na pagkakabigkas pa na sabi ni Imy. Para siya pa ang titira at excited tumira sa bagong bahay na nakuha nila para sa bagong mag-asawa.“Carlos" nakangiti na tawag sa anak. Inaantok.“What do you think? Maganda di ba?" tahimik. Hindi sumagot si Carlos. “Bastos talaga 'tong bata na 'to." bulong ni Imy pumaling ang tingin ni Carlos. Inilibot din niya ang mata sa paligid ng bahay. “Kailan niyo pa nabili ang ba
Sa kusina napapasayaw pa si Lalaine habang natatawa. Sinasabayan niya ang awitin ni Gary V. sa kanyang taenga. Humahataw. Napapahataw na siya mag-isa habang inaawit ang kantang HATAW NA. Nagluluto si Lalaine ng egg sa frying pan. Nagutom siya bigla nang maisipan niya na bumaba muna para kumain. Natapos na siya maiayos ang ilan niyang gamit sa kwarto. Napansin niya ng mag-ikot siya ng kwarto. Binuksan niya ang mga cabinet at nakita niyang andoon na pala lahat maging mga gamit niya na naiwan sa bahay nila. Sa bahay ng mga magulang ni Carlos. Maging kahit gamit ni Carlos. Lahat nasa cabinet na rin. Pinagsama ang mga gamit nila sa iisang cabinet na malaki. Pag makita ni Carlos ‘to magwawala na naman ‘yon at magrereklamo. Buntong hininga na naalala niya ang pagpunta n’ya sa magiging room nila ni Carlos sa taas. Naisip niya na don muna siya hanggang hindi niya naayos ang kabilang kwarto. Nakita niya ang isang bakanteng kwarto sa may dulo. Malaki din iyon. Kaya lang nakaayos as baby room
Tumagal ng ilang minuto ang ginagawang panggagamot ni Lalaine kay Carlos. Ang likot kasi nito. Panay pa ang reklamo. Kaya ang ginawa niya hinagis niya ang binti ni Carlos na nakapatong sa binti niya habang nilalagyan niya ng cream ang nangingitim at nagsugat na part ng paa nito. Nainis siya sa kakareklamo na masakit. Kaya sa ginawa niya mas lalo ito nasaktan at napamura sa sakit. Lihim na natawa si Lalaine. Nakita ni Carlos. “Anong tinatawa mo?” ingos nito bumubulong. “Akin na ‘nga yang paa mo.” Sabi niya kay Carlos at hindi pinansin ang pag-iinarte nito. Asar na siya pero iniisip nalang ni Lalaine na isang makulit na pasyente sa hospital na panay reklamo, si Carlos. “Wag ka sabi malikot” Hindi siya matapos sa ginagawa niyang panggagamot. Hinatak niya yung binti ni Carlos na kinangiwi nito ng mukha at nagmura. Huminga si Lalaine. Marami na siyang naging patient na tulad ni Carlos. Matalak habang ginagamot. Mareklamo habang inaasikaso. “Napakabagal mo naman kasi!” pahayag ni Car
Nananadya ba siya? Bakit ganun siya ngayon? Nakakainis! Para pa rin siyang bata. Bulong ni Lalaine habang hawak ang dibdib niya na may mabibilis na dumadambol. Binuksan na niya ang pinto ng kwarto nila ni Carlos. Maghahanda na sana siya para matulog pero kung bakit ang puso niya ayaw tumigil sa kakatibok. Hindi siya makatulog. Pabaling-baling siya sa kanyang kinahihigaan. Malikot siyang nakahiga. Hindi mapakali dahil sa Carlos ang laman ng isipan niya. Tapos na kaya yon kumain? naitanong niya pa sa isip niya. Pero ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata. Antok na rin siya. Sa wakas ay hinahatak na rin siya ng kanyang antok.Ilang sandali pa nakatulog na rin si Lalaine. Ganun din si Carlos mahimbing na rin ang pagkakatulog sa baba ng bahay nila. Hindi na ito umakyat at nagugulo ang isip niya dahil sa hindi makontrol din na tibok ng puso niya. Naubos naman nito ang sandwich na ibinigay ni Lalaine. After maubos nahiga na rin ito. At ngayon mahimbing ang tulog.Kina-umagahan. Nagisi
Hindi pa rin naalis ng lalaki ang mga tingin nito kay Lalaine. Nagtataka talaga ang mga mata ni Lalaine sa ginagawa nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ito makatingin. Mula ng makita siya ng dumating ito at pumasok sa HR.“Sure na papasok ka na bukas? First day mo di ba?" “Opo" sagot ni Lalaine. Bumuntong hininga.Iniisip pa rin ni Lalaine kung bakit kaya ganun ito makatingin sa kanya. Nagtataka talaga siya pero iniisip niya baka pinag-aaralan lang nito ang kanyang itsura. O, baka nagagandahan lang sa kanya. Ngumiti siya pero sa utak niya lang. Natawa siya ng magsalita si Doctor Ethan. “Hr, bukas na talaga ang start niya di ba? Saan siya?" makulit nitong tanong. Medyo may kakulitan din si Dok Ethan. Habang natatawa sa kanya ang HR sa sobrang excited nito makatrabaho si Lalaine.Kahit sinabi na ni Lalaine. Sure na bukas papasok na siya. Pero parang ayaw pa nito maniwala at tinanong pang muli ang HR para masure na sure talaga ang sagot niya.Ano bang nangyayari sa do
“Paano, Miss Lalaine bukas nalang. Sana maging maayos ang trabaho mo dito sa hospital. Bahala na si Dok Ethan sayo na magtour sa buong facility ng hospital. Buti nalang pala may kakilala ka dito. Hindi ka rin maiinip. Pero mabait yung so Dok Ethan. Isa siya sa mga pilyo at babaero na doctor dito. Pero joke lang! Wag kang matakot. Kasi wala pang jowa sa totoo lang si Dok Ethan. Masyado pihikan sa mga babae. At natutuwa ako na may isang gaya mo ang agad na nakasundo siya..."“Bakit po?" putol na dinugtong niya sa pahayag ng Hr habang nagkukwento.“Ahh! Medyo strikto at pasaway kasi iyang si Dok Ethan. Oo, medyo pilyo nga siya. Makulit. Tulad ng nakita mo naman sa kanya ngayon. Pero pag seryoso siya sa trabaho o malalim ang iniisip niya wag mo nalang pansinin. Iyon kasi mga oras na baliw siya at bigla nalang naninigaw. Pero madalang naman. Saka mapili sa mga nurse niya yon. Ayaw niya sa mga tamad at babagal-bagal pagdating sa trabaho. Ayaw niya rin ng panay ang tanong o kaya sobrang dald
“Misis, wag mong ipitin... Push lang. Hinga ng malalim," utos ng doctor. Nakahawak si Carlos sa kamay ni Lalaine habang inaantay niyang lumabas ang kanilang pangalawang anak. Si Marcus.Dahil lalaki ang pangalawa nilang supling. Marcus ang napili at napagkasunduan nilang ipangalan sa kanilang anak. Isang blessings matatawag ni Lalaine at Carlos ang pagdating ni Marcus sa buhay nila. Nang makalipas kasi ang isang taon ng pagsasama nila muli. Lalaine was diagnosed with a myoma in her uterus. It needs to be operated immediately because of its rapid growth. Kinabahan agad ang mag-asawa. Nakapag-usap pa naman sila sa pagpaplano sa pagbuo ng panibago nilang member ng kanilang pamilya. Kaya nga lang dahil sa problema ni Lalaine sa kanyang uterus. Nais ng doctor na alisin muna ang myoma upang mawala si Lalaine sa panganib kung sakali na susubok siya na magbuntis muli. Kaya nga lang may isang balakid sa kanyang pagnanais na mag anak muli. Hindi pa sure or sinabi ng doctor na maaari siyang ma
“Misis, wag mong ipitin... Push lang. Hinga ng malalim," utos ng doctor. Nakahawak si Carlos sa kamay ni Lalaine habang inaantay niyang lumabas ang kanilang pangalawang anak. Si Marcus.Dahil lalaki ang pangalawa nilang supling. Marcus ang napili at napagkasunduan nilang ipangalan sa kanilang anak. Isang blessings matatawag ni Lalaine at Carlos ang pagdating ni Marcus sa buhay nila. Nang makalipas kasi ang isang taon ng pagsasama nila muli. Lalaine was diagnosed with a myoma in her uterus. It needs to be operated immediately because of its rapid growth. Kinabahan agad ang mag-asawa. Nakapag-usap pa naman sila sa pagpaplano sa pagbuo ng panibago nilang member ng kanilang pamilya. Kaya nga lang dahil sa problema ni Lalaine sa kanyang uterus. Nais ng doctor na alisin muna ang myoma upang mawala si Lalaine sa panganib kung sakali na susubok siya na magbuntis muli. Kaya nga lang may isang balakid sa kanyang pagnanais na mag anak muli. Hindi pa sure or sinabi ng doctor na maaari siyang ma
In a beautiful Garden Resort, all the preparations they have made are ready for a surprise party that Carlos and his four friends have prepared. From the flowers like the first set up made by Lalaine's friends who first helped Carlos when he returned. At the food, guests and even the priest of the church have been invited and told. Syempre dapat handa sila ngayon. Hindi maaari pumalpak na tulad noong una ng biglang manganak nalang si Lalaine. Lahat kanilang sinagawa at pinagplanuhan mabuti. Nakakatuwa lang lahat ng kaibigan ni Carlos kanyang nakasama sa nasabing pagbibigay pasalamat niya sa kanyang magulang at pagtanaw ng utang na loob bilang anak. Nauunawaan na niya ngayon lahat kung saan siya nagkamali at nagkulang bilang anak ng mga magulang niya. Sa simpleng celebration nais niya ngayon maging bahagi ng pagdiriwang ng anniversary ng kanyang Mama at Papa. Kasama na din ang sa kanya doon. DOUBLE CELEBRATIONS.Marami sa mga kaibigan ni Lalaine at mga dating katrabaho ang inanyayaha
“Carlos, so tuloy na ba ang plano? Balita ko ano daw..." nang matiklop ang bibig nito at hindi nakapag salita dahil sa nakita nito ang bumukas na pinto. Similip si Lalaine dala ang isang tray may laman na makakain ng mga bisita ni Carlos.Wala pa din sila ngayon makasama sa bahay. Umalis kasi ang kasama ni Lalaine sa bahay ng umuwi muna ito pansamantala sa kanilang probinsya. “Kumain muna kayo," inalok ni Lalaine ang dala niyang hinanda para sa limang kaibigan ni Carlos. “Pagpasensyahan niyo na muna ito. Umorder naman na ako online. Maya-maya parating na din iyon." nagpaliwanag pa si Lalaine bago ito tumalikod. Mabilis si Carlos ng ipasok ang kamay sa may pagitan ng bewang ni Lalaine. Hinapit ni Carlos ang asawa saka inilapit sa kanya. Nagkatawanan at tuksuhan ang mga kasama nilang maiingay sa kwarto. Nasa maliit na office si Carlos kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakaramdam ng hiya si Lalaine sa ginawa ni Carlos. Ilan sa mga kaibigan ni Carlos na wala pang asawa naiinis at naiinggit
Walang hanggang ang ngiti ni Lalaine habang tinitingnan ang mukha ni Beverly. Nakapanganak na siya matapos ang halos buong araw na paglalabor. Hindi naman siya agad nanganak ng madala siya sa ospital. Ilang oras. Halos isang buong araw siyang naglabor at kinabukasan nga ay nanganak na din siya sakto sa ikalima ng hapon. Bago mag alasais ng gabi.Hinihimas ni Lalaine ng marahan at dahan-dahan ang braso at kamay ng kanyang anak. Nasa labas si Carlos ng kwarto nila may kausap lang ng dumating ang ilan sa mga barkada nito na excited din makita siya. Maging ang anak nila matapos marinig ang balita tungkol sa panganganak ng kanyang asawa.Masayang-maya lahat. Umuwi lang muna ang mga kaibigan ni Lalaine dahil sa may kanya-kanyang din itong mga trabaho. Si Ethan naman nasa isang operation after noon ay dadaan daw ito kay Lalaine para kamustahin. Ang mga magulang ni Carlos naman saglit na umuwi muna din para makapag pahinga sa tagal ng paghihintay nila at walang tulog. Nais muna daw nila umid
Sh was standing sa isang napakalaking lugar at napakaganda. Kala niya sa panaginip niya lang but na realize niyang totoo pala. Gulat na gulat siya sa pagmulat ng mga mata niya ito ang makikita niya. It almost the same sa panaginip niya bago siya magising ng kaharap ang mga kaibigan. Parehas na parehas talaga but ang pinagkaiba lang nasa tabi niya ang mga kaibigan niyang hanggang ngayon nababagabag pa rin siya sa mga binabalak ng mga ito sa kanya. Until now sa tuwing mapapansin niyang nakatingin ang mga ito at titingin aiya sa mga ito. Parang punong-puno ng supresa ang mga mata ng mga ito. Nababalutan ng madaming ibig sabihin pero malabong mahulaan niya dahil sa madalas na pag-iwas ng mga ito sa mga mata niyang nakataas ang kilay at kunot ang mukha.Teka nga, ano kayang plans nila at dinala ako sa lugar na 'to?Nahuli niya ang mga ito na makulit na nagbubulungan.“Halika na, we are here na talaga dapat simulan na natin ang party. Naghihintay na si Prince Ethan sa loob. And handa na di
“Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Lalaine sa mga kaibigan niya. Kinukulit kasi siya ng mga ito na ayusan siya ng pilit at hindi matapos ang mga ito sa ginagawa sa kanya. Nawiwirduhan na siya sa mga kinikilos ng mga kaibigan.“Sa exciting part," natatawa na wika ni Trisha. Sinuklay ang buhok ni Lalaine saka ito kinulot. Gandang-ganda sila sa kanilang kaibigan. “Panigurado ma-inlove sayo siya lalo once makita ka." Sabi ng kaibigan niya. Inaayos ang laylayan ng suot niyang dress. Pakiwari ni Lalaine para siyang ikakasal sa suot niyang iyon. Kaya nga lang ang sagwa kasi ay laki ng tiyan niya at bakat na bakat na may tila napakalaking bola o lobo.Inutusan din siya na umikot. Nahilo siya sa ilang beses niyang pag-ikot.“Tama na," wika niya, huminto siya sa pag-ikot niya. “Nahihilo ako sa mga pinagagawa niyo." tumatawa ang mga kaibigan niya. “May hindi ba kayo sinasabi sa akin huh?" masungit niyang tanong sa mga ito, umiling ang mga ulo ng apat niyang kaibigan. Si Trisha tumiklop ang bibi
“Okay na ba lahat?" “Oo maayos na, okay na din para mamaya sa party. Wag kang mawawala ahh, it's welcoming party ito para sa baby ni Lalaine. Siguro naman ay ready na din lahat diba sa part mo?"“Oo, ready na ang lahat." tugon ng kausap.“Sige, naayos na din namin ang sa amin. Ang need nalang ay madala siya sa tunay na event mamaya after natin magtungo sa bahay niya. Sa bahay muna niya tayo magstart and then, later saka tayo pupunta sa main party. Basta ikaw na bahala na mag-asikaso sa sinabi ko sayo ahh. Wag mong kalimutan ang pinagagawa ko sayo. Baka mabulilyaso tayo masira ang lahat."“Oo naman, wag kang mag-alala. Ayos na lahat sa part ko. Dadalhin ko mamaya sa bahay niya, mali. Ipapadeliver ko nalang pala para hindi masyado mahalata ang plans natin. Basta if kami ang mauna sa pagpunta sa bahay niya, bili ka nalang ng cake ahh. Para sure na hindi mapulyado ang plano. Kailangan natin palabasin na for baby Beverly talaga ito at hindi siya kasama. And then, pagconvice na natin siya,
“Ready ka na? Ilang days nalang ang hihintayin mo." Tumango ang lalaki.“Alam ko, kaya nga pinagsikapan ko mailakad ng maayos itong mga binti ko." sagot nito.“Masaya ako para sayo, alam kong mas masaya siya sa oras makita ka na niya." sagot ng kausap nito. “Alam ko," nagbaba ito ng tingin. Kabado pa rin siya hanggang ngayon. “Wag kang kabahan. Parang ibang-iba na ngayon yung ikaw na noon. Hindi ka naman ganyan dati ahh, bakit ngayon para kang tinakbuhan ng mga buntot mo?" huminga ng malalim ang lalaki. “Hindi ko alam, pero parang pakiramdam ko... Ewan!" napabuga ang lalaki. Nag-angat siya muli ng tingin sa kausap niya.“Tingin mo matutuwa siyang makita ako?" balot ng pag-aalala tanong ng lalaki.“Bakit hindi?" manipis na ngiti ang bigay ng kausap niya, hinawakan nito ang balikat ng lalaki. Tinapik-tapik nito. “Wag kang mag-alala. Panigurado akong mas masaya siya sa oras na makita ka niya." sabi pang muli nito sa lalaki.*****Napabuga si Lalaine habang tinitingnan ang litrato sa k