Hunawakan ko ang doorknob habang nanginginig ang kamay ko sa kaba habang binuksan ito. Tatlo na ang nagsabi sa akin pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong aalagaan ng mabuti ni Lyra ang anak namin. "Lola," tawag ko kay lola ng maabutan kong nakatitig siya kay Lyra habang tulog ito. Agad siyang lumingon sa akin at lumapit agad sa akin."Apo, kumusta ang naramdaman mo?" nag-alala nitong tanong. "Maayos lang ako lola," mahinahong sabi ko at bumaling kay Lyra habang natutulog ito. Ngumiti si lola sa akin at tinapik ang balik ko."Mabuti naman," sabi ni lola at bumaling kay Lyra."Hindi pa siya nagising simula nong hinatid siya rito sa hospital," balita ni lola sa akin habang malungkot na tumingin kay Lyra. May nangyari?gusto kong tanungin yan kay lola pero niluko ko lang ang sarili ko. Kanina pa ako nila sinabihan pero hindi ako naniwala, hindi ako naniwalang wala na ang anak ko. Gusto ko pang makita siya, mahawakan at mahalikan. Pinagmasdan ko ang buong katawan ni Lyra. Marami
Pagkatapos kong kausapin si Lyra agad akong lumabas, para gagawin ang naisip kanina."Saan ka pupunta?" tanong ni lola ng makitang aalis ako. Malamig ko silang tiningnan."Sino man ang gumawa nito malalagot," malamig kong sabi kay lola."Mike, hayaan mo na ang mga pulis," mahinahong sabi ni lola."Na huli na?" tanong ko. Umiling sila kaya nagmadali akong umalis. Kung hindi nila siya mahuli, ako ang huhuli sa kanya. Magsisi takaga siya kung bakit sa akin siya nagpapahuli hindi sa mga pulis.Dalawang beses niyang pinahamak ang asawa ko. Unang beses yung gabing niluko niya ito at pangalawa na ito ngayon. Second chance lang ang kaya kong ibigay, ang pangatlo wag na lang niya tanungin.Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa condo ng ex ni Lyra. Subukan niyang wag magsalita, madadamay siya. Galit ako, galit na galit pero wala akong magawa, wala ako doon, hindi ki sila mabantayan.. kasalanan ko lahat pero bago ko sisihin ang sarili ko kailangan kong pagbayarin ang taong gumawa nito sa kanua.
Umuwi ako pagkatapos kong mahatid si Vina. Gusto ko man siyang saktan gaya ng ginawa niya, hindi ko magawa. Nanghihina akong pumasok sa loob ng kwarto at binagsak ang katawan sa kama. Bumalik sa akin ang sinabi ni Vina kanina. 'G-ginawa ko yun dahil pupuntahan niya si Z-Zey'. Pumikit ako ng mariin. Ano pa ba ang ibang dahilan para itago niya sa akin? Kung ganun, dinamay niya ang anak namin sa kalandian niya. Galit akong napatitig sa kawalan. Kung mahal niya pa ang ex niya, sana hindi niya dinamay ang anak ko! dahil sa pag-iisip nakatulog ako.KINABUKASANMaaga akong pumunta sa hospital, nandun sila sa loob ng kwarto ni Lyra.. tinanong ako kung bakit ngayon lang ako bumalik."Hindi ko nga alam bakit bumalik pa ako dito," malamig kong sabi. Kumunot ang noo nila sa akin."What!?" hindi makapaniwalang tanong ni Lee sa akin."Anong nangyari sayo?" kunot noong tanong ni Everett sa akin."Bakit ba? ano ba dapat maging reaction ko? nawala yung anak namin dahil sa kanya!" sigaw ko sa kanila,
Sobrang nalasing ako kagabi, hindi ko na maalala kung paano ako makakauwi. Paniguradong hinatid ako nila Lee, dahil naalala ko pa na tinawagan ko sila kagabi. Masakit ang ulo ko nang tumayo ako. Hinawakan ko ito at pumikit ng mariin. Tangina.. 'Kailangan mong mag trabaho mo Mike' Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Lya habang sinabi iyun. Sino siya para susundin ko? inis akong tumayo at lumabas, nakita ko ang dalawa nasa sofa nag-uusap.Seryoso lang nila akong tiningnan habang pababasa hagdanan."Kumain ka na, pupunta tayo ng hospital," seryosong sabi ni Lee. "May trabaho ako," malamig kong sabi."Mas importante ba yan kaysa sa asawa mo," galit na tanong ni Lee sa akin habang tumayo galing sa sofa. Malamig ko siyang tiningnan."Kung sabihin kong 'oo' anong gagawin mo?" malamig kong sabi habang tiningnan siyang walang emosyon sa mukha. Nakita kong tumayo si Everett habang malamig niya akong tiningnan."I told you, walang silbi ang pagpunta natin dito," malamig niyang sab
"May ibabalita lang kami tungkol sa asawa mo pero paramg wala kang pakialam," sabi ni Lee habang lumapit sa table ko at umupo sa harap. Tiningnan ko si Everett nasa sofa lang parang walang pakialam sa akin. Galit talaga siya sa akin dahil kay Lyra. Pag nalaman niya kaya ang rason magagalit kaya siya sa akin?"Buti alam mo," walang pakialam kong sabi ni Lee at nagbabasa na ng mga papel sa harap."Wala talaga kang pakialam kong sasabihin naming umalis na si Lyra sa bahay ni lola," seryosong sabi ni Lee. Sumama sa ex!? tangina niya pala. Hindi ko pinakita kay Lee ang galit na naramdaman, malamig ko lang siya tiningnan."Tapos?" walang pakialam kong tanong habang pinakli ang papel na hawak ko. Wala akong maintindihan sa binasa ko dahil nasa kay Lyra na naman ang utak ko habang inisip na sumama ito sa ex niya.Hindi ba siya nakuntento sa akin!?"Bakit ka nga ba nagkaganyan?" kuryosong tanong ni Lee. "Pagkalabas mo sa kwarto ni Lyra, halatang umiyak ka pero pagbalik mo wala ka ng pakialam?
Kinagabihan nun hindi ako makatulog dahil sa nalaman. Kinabukasan din, agad akong pumunta kung na saan ang mama ni Lyra. Alam kong saan siya ni lola, ngayon ko lang ukit siya nabisita. Gusto king malaman kung totoo ba ang sinabi nila sa akin.Masaya ang mukha ni tita nang makita ako. Napayakap pa siya sa akin sa tuwa parang hinintay niya talaga ako."Hinintay talaga kita rito hijo," mahinahong sabi nito pagkatapos niya akong paupuin sa sofa."Bakit po?" takang tanong ko. "Dahil sa nangyari sa anak ko. Manghingi lang ako ng sorry dahil tinawagan ko siya at sinabihang wag niyang sabihin sayo pag pupunta siya kung na saan ako," naiyak niyang sabi. Nanlaki ang mata ko, hindi makapagsalita. Tangina mo Mike!Ngumiti siya ng mapait sa akin."Alam ko iyun ang dahilan ng galit mo, ako ang may kasalanan hindi ang anak ko.. pwede mo ba siyang pauwiin ulit?" naiyak niyang tanong."Pero—" hindi ako siguradong sa sasabihin ko pero agad niya akong pinutol."Naintindihan kong galit ka pero sa akin k
"Wag mo na siyang guluhin, baka mas lalayo pa iyun sayo at hindi mo na talaga makikita ang anak mo," malamig niyang bago tumalikod at lumabas sa mansyon ni lola. Napatingin ako kay Lee, malungkot siyang ngumiti at sumunod kay Everett.Tumingin ako kay lola na seryoso lang niya akong tiningnan."Hayaan mo muna siya ngayon, sinisisi niya ang kanyang sarili ngayon.. grabe yung trauma na binigay sa kanya dahil sa aksidente at dinagdagan mo pa," seryosong sabi niya."Lola, kahit iyung anak ko lang," bulong ko."Kukunin mo sa kanya? maawa ka naman kay Lyra."Napayuko ako at hinawakan ako ulo dahil nalilito kung anong gagawin. Pagkatapos nun pilit kong inalam ang address ni Lyra pero dahil si lola ang nagtago hindi ko agad nalaman lahat.One year later...Sa isang taon kong paghahanap sa address ni Lyra si lola mismo ang nagbigay sa akin ngayon. Nandito siya sa opisina ko ngayon."Ayaw kong walang ama na makilala ang apo ko," sabi niya habang binigay sa akin picture ng anak ko. Maluha luha k
Nanghihina akong himiga doon at pumikit ng mariin. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko pero hindi ko ito pinansin, hinayaan ko lang lahat hanggang sa nakatulog ako.Maaga akong nagising, tumayo ako at naligo para maghanda ng breakfast. Dali dali akong bumaba at tumingin sa ref kung anong pwedeng lutuin. Naghanda lang ako ng mga gagamitin ko bago ako nagsimula. Habang nagluluto ako narinig ko ang boses ni Ville pa baba kaya napatingin ako doon."Yaya, who's cooking?" tanong niya sa isang katulong na maagang naglilinis."Daddy mo Ville.""Really?" natutuwang tanong niya at narinig ko na ang yapak niya parang tumakbo."Ville, mag ingat ka!" nag-alalang sigaw ng katulong."Okay yaya!" sigaw niya pabalik pero tunakbo pa rin pababa hanggang sa nakita ko na siya kusina, malaki ang ngiti."You're cooking daddy!" masayang sabi niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya."Yes," nakangiting sagot ko."For us?" masayang tanong niya, tumango naman ako. "For mommy?" nakangiting tanong niya. Tu