Kinagabihan nun hindi ako makatulog dahil sa nalaman. Kinabukasan din, agad akong pumunta kung na saan ang mama ni Lyra. Alam kong saan siya ni lola, ngayon ko lang ukit siya nabisita. Gusto king malaman kung totoo ba ang sinabi nila sa akin.Masaya ang mukha ni tita nang makita ako. Napayakap pa siya sa akin sa tuwa parang hinintay niya talaga ako."Hinintay talaga kita rito hijo," mahinahong sabi nito pagkatapos niya akong paupuin sa sofa."Bakit po?" takang tanong ko. "Dahil sa nangyari sa anak ko. Manghingi lang ako ng sorry dahil tinawagan ko siya at sinabihang wag niyang sabihin sayo pag pupunta siya kung na saan ako," naiyak niyang sabi. Nanlaki ang mata ko, hindi makapagsalita. Tangina mo Mike!Ngumiti siya ng mapait sa akin."Alam ko iyun ang dahilan ng galit mo, ako ang may kasalanan hindi ang anak ko.. pwede mo ba siyang pauwiin ulit?" naiyak niyang tanong."Pero—" hindi ako siguradong sa sasabihin ko pero agad niya akong pinutol."Naintindihan kong galit ka pero sa akin k
"Wag mo na siyang guluhin, baka mas lalayo pa iyun sayo at hindi mo na talaga makikita ang anak mo," malamig niyang bago tumalikod at lumabas sa mansyon ni lola. Napatingin ako kay Lee, malungkot siyang ngumiti at sumunod kay Everett.Tumingin ako kay lola na seryoso lang niya akong tiningnan."Hayaan mo muna siya ngayon, sinisisi niya ang kanyang sarili ngayon.. grabe yung trauma na binigay sa kanya dahil sa aksidente at dinagdagan mo pa," seryosong sabi niya."Lola, kahit iyung anak ko lang," bulong ko."Kukunin mo sa kanya? maawa ka naman kay Lyra."Napayuko ako at hinawakan ako ulo dahil nalilito kung anong gagawin. Pagkatapos nun pilit kong inalam ang address ni Lyra pero dahil si lola ang nagtago hindi ko agad nalaman lahat.One year later...Sa isang taon kong paghahanap sa address ni Lyra si lola mismo ang nagbigay sa akin ngayon. Nandito siya sa opisina ko ngayon."Ayaw kong walang ama na makilala ang apo ko," sabi niya habang binigay sa akin picture ng anak ko. Maluha luha k
Nanghihina akong himiga doon at pumikit ng mariin. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko pero hindi ko ito pinansin, hinayaan ko lang lahat hanggang sa nakatulog ako.Maaga akong nagising, tumayo ako at naligo para maghanda ng breakfast. Dali dali akong bumaba at tumingin sa ref kung anong pwedeng lutuin. Naghanda lang ako ng mga gagamitin ko bago ako nagsimula. Habang nagluluto ako narinig ko ang boses ni Ville pa baba kaya napatingin ako doon."Yaya, who's cooking?" tanong niya sa isang katulong na maagang naglilinis."Daddy mo Ville.""Really?" natutuwang tanong niya at narinig ko na ang yapak niya parang tumakbo."Ville, mag ingat ka!" nag-alalang sigaw ng katulong."Okay yaya!" sigaw niya pabalik pero tunakbo pa rin pababa hanggang sa nakita ko na siya kusina, malaki ang ngiti."You're cooking daddy!" masayang sabi niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya."Yes," nakangiting sagot ko."For us?" masayang tanong niya, tumango naman ako. "For mommy?" nakangiting tanong niya. Tu
"Ville," awat ni Lyra."Of course," sagot ko bago pa magbago ang isip ni Ville dahil sa kanyang mommy."Mommy, punta tayo please?" hindi sumagot si Lura kaya bumaling si Ville sa akin."Silent means yes daddy, pupunta kami!" masayang sabi niya at nagsimula ng kumain.Lyra's POVJusko itong anak ko, umagang umaga pinakaba niya ako. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na ako sumagot, kung gusto niyang pumunta, hahayaan ko siya daddy niya naman iyan. Pagkatapos namin kumain umakyat ako sa itaas at sinama ko si Ville doon sa kwarto oara bihisan na."Mommy, sumama ka na," pilit niya sa akin habang nakanguso. Sinabi ko na kasi sa kanya na hindi ako sasama ngayon pinipilit niya ako."Baby, pagod si mommy," mahinahong sabi ko. Mas lalo siyang ngumuso sa akin. Pareho kaming napatingin nang biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin si Mike na naka ngiti agad sa anak namin."Daddy!" masayang tawag ni Ville at tumakbo palapit sa daddy niya. Bumaling sa akin si Mike para magp
"Narinig ko sila ni tita Cath," patuloy na sabi ni Ville. Jusko! maling mali na sumama ako rito! sana pala pinag simenar ko muna si Ville bago kami sumabak dito. Sht."Ngayon alam na ng mommy mo," nakangising sabi ni Mike na para bang hindi ko narinig, habang dumeritso na siya sa harap. Hindi ko na mapigilan ulit magsalita."Bakit dito tayo? diba dapat iwasan natin ang mga reporters?" tanong ko sa kanya."It's okay mommy, para makilala nila tayo!" excited na sabi ni Ville. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Mike."Okay lang sa akin, pero paano kong masasaktan si Ville?" seryosong tanong ko. Napaisip naman si Mike sa sinabi ko."Mommy it's okay!" pilit ni Ville sa akin."Tama ang mommy mo Ville, maybe next time.. wag dito," mahinahong paliwanag na sabi ni Mike sa anak namin. Dumeritso na kung saan ang VIP parking lot. Nakita kong hinarangan sila para hindi makasunod sa amin."Baka may marinig akong masakit na salita sa anak ko.. ayaw kong mangyayari iyun," seryosong sabi ko."Ayaw ko r
Lumakas ang tibok ng puso ko habang papasok sa opisina dahil sa sinabi ng secretary. Baka haka haka niya lang iyung sinabi niya pero lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi pa kami makapagusap ni Mike kaya ayaw ko munang mag assume.Nakita kong nakipagkulitan si Mike kay Ville, hindi niya magawa ang trabaho. Sumimangot ako habang tiningnan sila. Sabing wag na kaming dahil alam kong ganito talaga ang mangyayari. Tsk."Ville," tawag ko rito. Tumigil sila at parehong bumaling sa akin. Sht. Pareho pa ang reaction.. parang may tumingin sa akin na kambal."Wag mong kulitin ang daddy mo, may trabaho siya," seryosong sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya agad kay Mike."Daddy, gawin mo na ang trabaho mo baka magalit si mommy," bulong ni Ville kay Mike para bang natatakot siya pero naririnig ko ang binulong parang sinadya niya ring iparinig sa akin. "Sure baby, nakakatakot magalit si mommy," bulong rin ni Mike para bang totoong natatakot sa akin. Itong mag-ama na to sarap pitikin sa noo.Nag tr
Ngayon magkasama sila, nakita ko talaga ang pagkareho sa kanila. Mas malala pa ito si Ville kaysa kay Mike gaya ng sinabi ni Cath. Ngumisi ako sa na isip.. hindi ko na kailangan pang mangamba, alam hinding hindi magagawa ng anak ko ang maging malamig sa akin gaya ng ginawa niya sa ibang mga tao. Nakita ko naman kung paano siya natakot na masaktan 'ulit' ako. Hays baby, I love you so much.Walang ginawa si Villa sa office ni Mike kundi umupo at pagmasdan ang secretary na lalabas at papasok ulit habang nagbabasa. Hindi rin hinayaan ni Mike na may pumasok dito na bisita.. mas mabuti na iyun para hindi nila makita muna si Ville. Kung ayaw ni Ville na masaktan ako, ganun rin ako.. ayaw ko siyang masaktan. Napatingin ako kay Mike na seryoso lang nagbabasa sa mga papel. Ayaw ko rin siyang mahirapan, at ganun din si lola.. ayaw ko na silang pahirapan pa. Alam kong hindi lang ako ang nasaktan noong panahon na iyun, nasasaktan rin si Mike, nawalan ng anak.. pareho kaming nawalan ng anak. Hind
"Yes mommy pero gusto kong marinig, we are family here and this auntie introduced herself as daddy's girlfriend," pilit niya."Ville," seryoso ko ng tawag sa kanya kaya nilingon niya ako."Mommy, gusto kong marinig mo rin ang pagusapan nila para hindi kana mag overthink sa nangyari ngayon," paliwanag niya. Nagulat ako at hindi makapagsalita agad."What are you doing here?" tanong ni Mike sa babae, nakitankong nalilito pa rin ang babae at tumingin sa akin."So ikaw ang asawa ni Mike?" kunot noong tanong ng babae."Yes, so auntie back off.. my dad is married," maiing sabi ni Ville. Hindi talaga siya mapigilan. Pagsabihan ko ito mamaya pag-uwi namin."Paanong may anak eh diba namatay ang mga anak mo?" simpleng sabi niya parang wala lang sa kanya ang nangyari kaya hindi ko mapigilang lumapit sa kanya at malakas siyang sinampal sa pisngi."Wag na wag mong banggitin ulit iyan," mariin kong sabi sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin at tinuro niya ako."What!? pagkatapos mong umalis, babali
Nag bulongan ang lahat ng pumasok ang mama ni Lyra. Nanlaki ang mata ko at agad ko itong sinalubong. Binaba ko muna si Ville bago ko ito pinuntahan."Tita, okay lang ba kayo?" nag-alaang tanong ko. Natawa siya at tinapik ako sa balikat."Okay lang ako hijo. Nakatawang pakinggan mas malakas pa ang lola mo kaysa sa akin," biro niya. Ngumiti ako sa kanya."Malakas ka pa rin naman tita," nakangiting sabi ko. Tumango siya at sumulyap kay Ville ma lumapit sa amin."Hi lola," masayang bati nito sa kaharap ko. Binati naman ito ni tita at tumingin sa akin."Kailangan kong maging malakas para makasama ko pa ng matagal ang apo ko," nakangiting sabi niya habang hinaplos ang mukha ni Ville bago humarap sa maraming tao."Tita hindi ka ba natakot na baka makita ka ng asawa mo?" nag alinlangan kong tanong. Ngumiti siyang bumaling sa akin."Sa mga sinabi niyo kanina alam kong hindi na siya mang gugulo pa sa akin," mahinahong sabi niya. Taka naman akong tumingin sa kanya."Anong ibig mong sabihin tita?
Pagkatapos ni Ville magsalita nagulat ako ng pumasok rin si lola. Bakit sila nandito? nakatingin ako sa likod na lola para tingnan kong nadun ba si Lyra pero walang sumunod sa kanya. Ngayon si lola na ulit ang nagsalita sa harap ng maraming tao. "Siguro alam niyo na na ako ang dahilan kung bakit naging married ang status ng apo ko eight years ago," nakangiting sabi ni lola. Parang wala siyang pinagsisihan. Kahit ako wala akong pinagsisihan, except noong nasaktan ko si Lyra."Noong nalaman kong buntis ang babae na nakasama ng apo ko noong gabing yun agad ako gumawa ng paraan para makasal sila kahit pa na ayaw nilang dalawa." Huminto si lola at tumingin sa mga tao."Ayaw kong magaya ang anak ni Mike sa mga nangyari sa kanya at alam kong ayaw rin ni Mike yun pero hindi pa niya inisip yun dahil hindi pa niya kilala si Lyra. Inisip kong makilala niya niya rin si Lyra at mamahalin niya rin. Tama nga ang hinala ko.""Masaya ako dahil nakita kong masaya ang apo ko. Sa kabila ng binigay ko sa
"Dahil sa galit at sakit sa nalaman ko gumawa ako ng paraan para makita niya na hindi lang siya ang pwedeng magluko sa amin dalawa. Nakita niya na may babae akong dinala sa bahay namin kaya nakapag desisyon siyang umalis.""Noong isang taon na siya sa ibang bansa doon ko nalaman na may anak kami kaya mas lalo akong nagalit at gusto kong puntahan siya pero pinigilan nila ako dahil baka lalayo lalo si Lyra sa akin. Natakot rin ako na baka hindi ko na sila makita ulit. Nahihiya rin ako dahil pinaramdam ko kay Lyra na mahal ko siya dahil lang sa anak namin.""Noong isang araw bumalik siya at nabalitaan agad ito ng lahat. Maraming nagtaka dahil marami akong naging girlfriend pero iyung mga girlfriend ko palabas lang yun at alam nila iyun. Palabas lang dahil inisip ko baka mag selos pa si Lyra pag ginawa ko iyun at maisipang uuwi para makipagbalikan sa akin.""Yan ang buong kwento at ayaw ko ng makarinig ulit ng ibang salita tungkol sa mag-ina ko. Magkahiwalay kami ng walong taon at hindi k
Pagkatapos naming mag-usap ni lola umakyat ako para magbihis at bumaba rin agad para maghanda na ng hapunan. Marami akong tinagawan para sa gagawin kong announcement at sa pag compirma sa mga kumalat ngayon sa social media. Maraming bumalik sa video na kumalat dati kaya ngayon lilinawin ko na sa kanila lahat. KINABUKASANNaghanda na ako para sa press conference ko mamaya. Sasabihin ko na ang totoo. Kung dati hindi ko sinabi ang totoo, ngayon sasabihin ko na. Alam kong wala na silang magagawa lalo na't naging matatag na kami ni Lyra ngayon dahil sa nangyari.Gustong sumama sa akin si Ville pero hindi ko muna siya hinayaan baka kung anong mangyari sa kanila doon. Next time siguro, ipaliwanag ko muna sa kanila ang lahat. Nagulat lahat lalo na ang balita ay may anak ako sa asawa ko. Maraming nagtaka dahil maraming balita na may girlfriend ako. Hindi nila alam ang dahilan, ngayon ang oras para maghingi ako ng sorry sa lahat dahil sa pagsisinungaling ko.Pumasok ako kung saan maramibg came
"Yehey! you did it dad!" masayang sigaw niya. Natawa ako sa kanya. Tsaka naman lumapit sa amin si Lyra."Anong you did it?" taas kilay na tanong ni Lyra sa anak. Kunwari hindi alam ang sinabi ni Ville."You're engaged!" masayang sabi ni Ville."We've been married for many years Ville," nakangising sabi naman ni Lyra sa anak. Tumango naman ako sa anak namin. Kahit nagkalayo kami hindi mawala sa amin na kasal pa kami. Iyun ang pinaghawakan ko na hindi siya makahanap ng iba hanggat kasal pa kaming dalawa kahit nasa malayo kami.Aware ako na nakikinig ang empleyado ko sa pinag-usapan naming tatlo, alam kong may nagtaka, nagulat o mga nalito pero sasagutin ko ang mga taong nilang yan.. ibalita ko sa buong mundo na papakasalan ko ulit si Lyra.Ngayon umuwi na kaming tatlo sa mansyon ni lola, gusto ko sanang sa bahay na kami pero hindi pa kami nakapagpaalam ng maayos sa lola ko. Ayaw rin siyang iwan ni Ville."Lola, ikakasal ulit sila mommy at daddy!" masayang balita ni Ville. Nagulat naman
Nagulat ako ng may nilabas nga siyang singsing sa akin at nilagay niya iyun sa daliri ko."Set up ba to?" natatawang tanong ko. "Bakit?" nakangiting tanong niya."Handang handa ka eh," sabi ko at tiningnan ang pintuan. "Parang pinagusapan niyo na ito ng anak mo," natatawang dagdag ko."Gusto na niyang mag-kaayos tayo," mahinahong sabi niya."Pati ba yung babae planado rin?" taas kilay kong tanong. Umiling naman siya. So totoo talaga yung nangyari."Galit siya," seryosong sabi ko. Galit rin si Vina sa akin nun. "Natatakot ako na baka siya naman ang maging dahilan ng lahat," bulong ko na narinig niya naman."Hindi na ulit mangyayari yun sa atin.. alam ko dahil natuto na tayo sa unang pagkakamali natin," mahinahong sabi niya. "Hindi na rin ako papayag na may masamang mangyari sa inyo ng anak natin, hanggat kaya ko protektahan ko kayo," dagdag niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.Nasaktan na kami, nagkahiwalay kaya ngayong bumalik siya sa buhay ko alam kong hindi na ako gagawa ng bagay
Habang nakikinig ako sa kanya may isang tanong na nabuo sa isipan ko. Tatanungin ko siya pero hindi na niya kailangan sagutin talaga, gusto ko lang ilabas itong tanong na naisip ko para hindi na ako mag-isip pa ng kung ano."Bakit ka naniwala agad sa kanila?" seryosong tanong ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin at tumango tango. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin."Yun nga ang tanong ko sa sarili ko, bakit nga ba?" nasasaktan niyang tanong. Pati siya hindi alam kung anong nangyari sa kanya pero alam ko kong bakit. Naramdaman ko sa kanya."Dahil nasasaktan ka," ako na mismo ang sumagot sa tanong ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na naintindihan ko siya. "Nasasaktan ka hindi dahil sa narinig mo kundi dahil sa nalaman mo tungkol sa anak mo.. hindi mo na alam ang gagawin mo kaya noong narinig mo ang sinabi nila agad kang naniwala dahil pakiramdam mo pati ako iiwan ka."Yumuko siya sa sinabi ko."Alam mo ba kung ano ang kulang sa ating dalawa? pag-uusap. Ngayon lang nati
"I'm sorry Lyra kung nasaktan kita. I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako kong hindi na kita sasaktan ulit, I'm really sorry please forgive me," umiyak niyang sabi habang nakaluhod pa rin."Hindi kita patawarin kung hindi ka tatayo diyan," seryosong sabi ko. Bigla siyang napatingin sa akin galing sa pagkayuko at tumayo habang pinahid ang luha sa pisngi. Pati ako na iyak sa sitwasyon namin ngayon. Bakit nga ba kami nagkasakitan? saan nagsimula? bakit kami nagkalayo? anong dahilan? pwede naman namin ayusin kung nag-uusap kami."Lyra," umiyak niyang tawag sa akin at niyakap ako ng mahigpit."I'm sorry Mike," mahinahong sabi ko. Naramdaman kong natigilan siya habang nakayakap sa akin."Wala kang kasalanan," bulong niya. Hindi ako nakinig ang nagpatuloy sa sinabi."Nagsimula lahat nong tumakas ako sa mga bodyguard," nasasaktang sabi ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi kami maaayos kung hindi namin mapagusapan ang nakaraan."I'm sorry, dahil sa pagtakas ko nawala ang
Bumugtong hininga ako ng wala ng tao sa loob. Tumingin ako kay Ville na ngayon seryosong nakatingin na kay Mike ng seryoso."Sino yun daddy?" seryosong tanong ni Ville. "Do you have a girlfriend?" deritsong tanong niya. "Ville," awat ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat, seryoso pa rin ang tingin kay Mike."Wala," seryosong sagot rin ni Mime habang nakatingin sa anak. Para bang matanda na itong si Ville kung makapagusap sila ng seryoso."Then, sino yun?"Hindi nakasagot si Mike agad. Hindi niya rin ata alam ang isasagot niya sa anak, medyo nagulat pa siya sa paraan ng pagtanong ni Ville, nagulat nga ako akala ko okay na sa kanya noong lumabas na ang babae."Ville," mahinahong tawag ko sa kanyang pangalan at umupo para pumantay ng tingin sa kanya. "Hindi ganyan ang makipagusap sa daddy," mahinahong sabi ko."Sinigawan niya ako mommy," naiiyak niyang sabi kaya mabilis ko siyang niyakap. Kahit seryoso ang tingin niya kanina hindi pa rin mawawala ang pagiging bata niya, natatakot pa rin