Share

KABANATA 136

Umuwi ako pagkatapos kong mahatid si Vina. Gusto ko man siyang saktan gaya ng ginawa niya, hindi ko magawa.

Nanghihina akong pumasok sa loob ng kwarto at binagsak ang katawan sa kama. Bumalik sa akin ang sinabi ni Vina kanina. 'G-ginawa ko yun dahil pupuntahan niya si Z-Zey'. Pumikit ako ng mariin. Ano pa ba ang ibang dahilan para itago niya sa akin?

Kung ganun, dinamay niya ang anak namin sa kalandian niya. Galit akong napatitig sa kawalan. Kung mahal niya pa ang ex niya, sana hindi niya dinamay ang anak ko! dahil sa pag-iisip nakatulog ako.

KINABUKASAN

Maaga akong pumunta sa hospital, nandun sila sa loob ng kwarto ni Lyra.. tinanong ako kung bakit ngayon lang ako bumalik.

"Hindi ko nga alam bakit bumalik pa ako dito," malamig kong sabi. Kumunot ang noo nila sa akin.

"What!?" hindi makapaniwalang tanong ni Lee sa akin.

"Anong nangyari sayo?" kunot noong tanong ni Everett sa akin.

"Bakit ba? ano ba dapat maging reaction ko? nawala yung anak namin dahil sa kanya!" sigaw ko sa kanila,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status