Nang napag-alaman ni Avigail na mukhang may humadlang sa kanila para walang makuhang supplier ay madaming proyekto ang nakabinbin sa institute. Naiinis siya dahil dito.Hindi niya inakala na pagkatapos ng anim na taon ay magiging napaka-hostile pa rin sa kanya ni Lera, at gagamitin pa ang ganitong ka-desperadong pamamaraan. Ngunit hindi pa ito ang oras para maglabas ng sama ng loob.Pinisil ni Avigail ang kanyang mga palad upang pakalmahin ang sarili, tumingala siya kay Jake. "Walang problema. Kung hindi pwede sa pinas, makikipag-ugnayan tayo sa mga negosyante ng halamang gamot sa ibang mga lungsod. Siguradong makakahanap tayo ng handang makipag-cooperate sa atin."Ngunit ang gastos at oras ay mas mataas rin. Bagaman hindi ito sinabi ni Avigail, alam niya ito sa kanyang sarili. Gusto rin niyang makahanap ng lokal na supplier, ngunit talagang wala nang ibang paraan."Hindi… hindi na natin kailangan pang pumunta sa ibang lungsod." Biglang may naisip si Jake at bumigat ang kanyang tono.
Ang kalagayan ng matanda sa pamilya Lee ay medyo kumplikado, kaya't ang mga kilalang doktor ay hindi makahanap ng lunas. Kahit gaano o sobrang galing ng doctor ay wala pa din ang makapagbigay ng tamang gamit para sa kaniya.Ipinakita ni Jake ang kondisyon at kalagayan ng matandang Lee kay Avigail at ang kontrata na ibinibigay nito bilang gantimpala kung mapapagaling dito.Pagdating ng alas-sais ng gabi, matapos magtrabaho, pumunta si Avigail sa mansyon ng pamilya Lee nang mag-isa ayon sa address na ibinigay ni Jake sa kaniya. Inaasahan naman daw siya doon kaya hindi na siya nagpasama.Ang nagbukas ng pinto ay isang lalaki na nasa katamtamang edad, mukhang tagapangasiwa o butler ng bahay.Nang makita nito si Avigail, magalang siyang nagtanong dito, "Magandang gabi, sino po sila?"Ngumiti siya sa butler at sumagot, "Magandang gabi, ako po ang doktor na tumawag kanina para tignan si Ginoong Lee."Sinusuri siya ng butler mula ulo hanggang paa, at dahil sa kanyang murang edad, hindi maiwas
Nang makababa mula sa hagdan ay agad na lumapit ang mga ito kay Avigail.Sobrang saya ni Skylei habang nasa bisig ng kaniyang ama at tumitingin nang sabik sa magandang tita na ngayon ay nasa harapan niya. Sobra ang pagtataka ni Dominic dahil bihira ang ganitong ekspresyon sa mukha ng bata. Hindi malaman ni Avigain kung ngingiti siya o hindi sa mag-amang nasa kaniyang harapan. Hindi niya alam paano magreact.Buti na lang at ang lalaki sa harap niya ang unang nagsalita para putulin ang katahimikan, "Ikaw ba ang doktor na nirekomenda ni Dr. Gray para gamutin ang aking ama?"Inayos ni avigail ang kaniyang sarili at ang kanyang ekspresyon saka ngumiti, "Ako nga, kumusta, Ako nga pala si Avigail Suarez.""Dr. Suarez." Inabot ni Avigail ang kaniyang kamay nang ilahad din ng lalaki ang kamay niya. "Ako si Martin, at ito ang aking kapatid na si May."Pagkasabi noon, tumingin siya kay Dominic sa kanilang likuran, "Siya… siya ang kapatid namin, ang apelyido niya ay Villafuerte."Kalma namang tum
Lahat ng naroon ay napahinto sa gulat.Nang makita ni Avigail na kinuha ang kanyang resume ng malaking kamay na iyon, lalo siyang kinabahan.Mula nang makita niya si Dominic, sinubukan niyang iwasan ito at hindi man lang siya sumulyap sa mag-ama kahit sa gilid ng kanyang mata.Ngunit ngayon, bigla niyang kinuha ang kanyang resume, pinipilit siyang tumuon sa kanya.Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong gawin...Hawak ni Dominic ang resume nang mahigpit sa kanyang malaking kamay at tiningnan nang may kahulugan ang mukha ni Avigail. “Maraming tao ngayon ang pinepeke ang kanilang resume. Ang kondisyon ni Lolo ay hindi na maganda; kung may mga manloloko, huwag kayong basta-basta magpapaniwala.” Sabi nito.Habang sinasabi niya iyon, binuksan niya ang resume sa kanyang kamay nang pabaya, binabasa ito nang dahan-dahan, para bang talagang tinitingnan kung totoo ito o hindi.Ang paaralang pinag-aralan ni Avi at ang mga lugar kung saan siya nagtrabaho ay isa-isang napansin ng lalaki.Sa mga
Nakita ni Martin ang kanyang taimtim na pangako at medyo nahabag, ngunit tumingin muna siya kay Dominic para alamin ang opinyon nito.Tiningnan lamang ni Dominic ang seryosong babae sa kabilang dulo nang malamig, hindi nagsalita. Halatang inis ito sa kaniya.Dahil dito, tumango si Martin Lee kay Avigail, “Kung ganon, sumunod ka sa akin, Dr. Suarez.”Nagbitaw ng malalim na hininga si Avi, pilit iniiwasan ang tingin ng lalaki, tumayo siya ng ayos at sumunod kay Martin. Sa pagdaan nila sa pwesto ni Dominic, hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Nang makita ni May na talagang dinala ng kanyang kapatid ang batang babaeng ito, nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis na sumunod siya.Nawala ang tatlong pigura sa likod ng hagdan.Nang makita ng batang si Skylei na umaalis ang kanyang magandang tita ay mahigpit siyang kumapit sa kwelyo ng kanyang daddy, na umaasang susunod ito.Inalis ni Dominic ang tingin mula sa hagdan, tumingin sa batang babae sa kanyang bisig, at humakbang pata
Nang marininig ng mga apo ni Mr. Lee ang sinabi ni Avigail ay nagalit ang mukha ng mga ito."Ano ba 'yang sinasabi mo!" galit na sabi ni May kay Avigail "Kung hindi mo kayang gamutin, sabihin mo na lang. Huwag mo nang sumpain ang lolo ko dito!"Tiningnan siya ni Avigail nang malamig. "Nagiging magalang lang ako. Dahil sa matagal na pagkaantala, hindi na naagapan ang kalagayan ng lolo mo. Ngayon, nagsisimula nang bumigay ang mga function ng katawan niya at mabilis na bumababa ang kanyang resistensya. Sa totoo lang, sa ganitong sitwasyon, dapat inaalagaan ang katawan ng pasyente agad-agad, pero ang medical team na tinawag ninyo ay hindi isinasaalang-alang ang kondisyon ng pasyente at basta na lang binigyan siya ng gamot. Hindi ito paggagamot, kundi pagsunog sa kanyang buhay!"Nabahala ang punong doktor ng medical team at agad na lumapit sa kanila. "Miss, hindi mo alam ang buong sitwasyon, kaya’t huwag kang basta-basta magbigay ng opinyon. Malubha ang kondisyon ni Mr. Lee dati, at kung h
Nang marinig ito ng mga tao ay nagulat.Nakakita na sila ng maraming sikat na doktor na sinubukang gamutin ang matanda, pero ito ang unang pagkakataon na may humiling sa kanya na maghubad ng damit.Si Martin ang unang nakapag-react at maingat na nagtanong, "Kailangan ba talaga itong gawin?"Tumingin si Avigail sa kanya nang may pagdududa, "Gusto kong gamutin ang matanda, at nakaharang ang aking mga damit. May sinuman ba sa inyo ang makakatulong sa akin? Bilisan na natin."Sandali, nagkatinginan ang lahat sa silid, kasama ang naunang medikal na team.Anong klaseng therapy ito? Kailangan pa palang maghubad ng pasyente?Nag-atubili si Martin ng matagal, pagkatapos ay pinilit ang sarili at mabilis na lumapit.Nang makita ang pagpayag ng kanyang kapatid, nainis si May, "Anong klaseng paggamot ito? Bakit..."Nang marinig niya ang kanyang kapatid, nakita ni May na binuksan ni Avigail ang kanyang kahon ng gamot at kinuha ang isang simpleng kahon na gawa sa kahoy. May nakabalot na parchment sa
Bago makapag-react si Avigail, may tumulong sa kanya sa baywang, halos napigil ang kanyang sarili.Nang itaas niya ang kanyang mga mata, sinalubong niya ang matalim at madilim na mga mata nito.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bahagyang nanigas ang katawan ni Avigail, at mabilis siyang umiwas at umupo sa kama.Hindi sinasadyang sinuportahan ni Dominic ang tao, pero nang makita niyang iniiwasan siya nito na parang isang mabangis na hayop, biglang bumagsak ang kanyang mga mata, at binawi ang malaking kamay na humahawak sa kanyang baywang."Nasasabi mong nag-aral ka ng maraming mahirap at kumplikadong mga sakit. Ito ba ang resulta ng iyong pananaliksik? Nakikita kong ang mga sertipiko mo ay binili lamang!" Hindi napansin ni May ang pagkakaiba ng dalawa at patuloy na nagalit. Tumingin siya kay Martin na puno ng poot, "Kuya, sa tingin ko siya ay isang sinungaling! Alisin mo siya dito agad!"Matapos marinig ito, inalis ni Avigail ang kanyang sarili mula sa kakaibang sitwasyon at sumarka