Ang pasasalamat ni Avigail ay hindi na niya naituloy.Napasinghap si Martin at agad na sumimangot, sabay tingin ng malamig sa kanyang kapatid, "May, ano bang pinagsasasabi mo?" Walang pakialam na sinagot siya ni May, "Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo ang sinabi ko. May mga tao talagang nakipaghiwalay kay Kuya Dominic noon, tapos biglang umalis nang walang paalam. Ngayon, may gana pang makipagsiksikan pabalik. Hindi ba nila alam na si Ate Lera na ang kasama ni Kuya Dom? Ano bang pinagkaiba ng ganitong asal sa pagiging kabit?" Pagkatapos ay tumingin siya kay Avigail nang may pang-aalipusta. Hindi talaga niya magustuhan ang babaeng ito. Kahit pa gamutin nito ang kanilang lolo, hindi pa rin niya ito maitanggiang maliit ang tingin niya rito! Bagama’t hindi binanggit ni May ang pangalan, malinaw na si Avigail ang tinutukoy. Dahan-dahang dumilim ang ekspresyon ni Avigail. Walang emosyon siyang tumingin kay May."Miss May, kung may oras kang magparinig dito, mas mabuti sigurong m
Habang pinapanood ni Martin ang paglayo ng kotse ni Avigail ay tumalikod siya at pumasok sa mansyon.Si May ay prenting nakaupo sa sofa, umiinom ng tsaa, na may mapang-asar na ekspresyon. Nang makita niyang pumasok ang kanyang kapatid, bahagya lamang niyang itinaas ang kanyang kilay at pagkatapos ay muling ibinalik ito sa iniinom.Naiinis si Martin sa inasal ng kaniyang kapatid tungkol kay Lera. Kaya naman hindi na siya nakapagtimpi at kinompronta ito. "Ano bang problema mo, May? Ano bang kasalanan ni Dr. Suarez sa’yo? Bakit kailangan mong maging sarkastiko tuwing makikita mo siya? Siya ang nagpagaling kay Lolo baka nakakalimutan mo! Kung tutuusin siya ang tagapagligtas" mataas na boses at talaga namang may diin na tanong niya.Narinig ito ni May, ngunit walang pakialam ang reaksyon niya."Tagapagligtas? Hindi naman libre ang ginagawa niya binabayaran natin lahat ng trabaho at ginagawa niya kay lolo. Kumbaga, nagtulungan lang tayo dahil kailangan natin ang isa’t isa. Kailangan ni Ms
Tumingin si Avigail sa screen ng kaniyang cellphone, gusto pa niya sanang tawagan si Dominic, nag-atubili ng ilang sandali, at itinago ang telepono bago ipagpatuloy ang kanyang pagsasaliksik. Sakto rin naman na kailangan pa ng oras ang kanyang proyekto, kaya't mainam na si Dominic na ang pumunta para sunduin ang mga bata. ... Sa maliit na palaruan ng kindergarten, magkatabi sa isang bangko ang tatlong bata, may mga nakasukbit na bag sa kanilang likod. Sanay na sina Dane at Dale na nakakalimutan sila ng kanilang mommy tuwing abala ito sa trabaho. Tahimik silang nakaupo at paminsan-minsang nakikipag-usap sa kanilang teacher. Si Sky naman, na nasa pagitan nilang dalawa, ay medyo balisa noong una. Ngunit nang makita ang dalawa niyang kuya na masaya sa pag-uusap, unti-unting nawala ang kanyang kaba. Nakatuon ang kanyang maliit na mukha habang nakikinig nang mabuti sa kwentuhan ng mga kuya. Nang dumating si Dominic, wala sa kanila ang nakapansin. Pinagmasdan ni Dominic ang tatlong ba
Si Dane ay gutom na gutom, at nang mabanggit ang pagkain, agad siyang napalingon mula sa disenyo ng restaurant at nagsimulang magbilang gamit ang kanyang mga daliri."Gusto kong kumain ng sweet and sour spare ribs, steamed fish, chicken legs...yan ang paborito namin ng kuya ko!" masigla niyang turo sa mga menu na naka-display sa mga LED sa harap ng cashier.Nang marinig ito, tumingin si Dominic kay Dale na tahimik lang sa isang tabi. Tumingin si Dominic bilang tanong kung anong gusto ng bata.Ayaw sanang sumagot ni Dale, pero dahil sinabi na ni Dane, napilitan siyang tumango nang walang imik.Umorder si Dominic ng mga putahe batay sa mga paboritong pagkain ng tatlong bata. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanila, kaya't nagkaroon ng katahimikan sa lamesa.Pagdating ng pagkain, sinabihan ni Dominic ang waiter na ilagay ang dalawang putahe sa harap ng mga bata.Distanteng nagpasalamat si Dale sa waiter at sa kaniyang ama."Salamat, tito.""Walang anuman," sagot ni Dominic nang
Nanatiling tahimik si Dane, gusto niya sanang magsalita ngunit nanahimik na lang siya ng magsalita na ang kaniyang Kuya Dale. Halos nakalimutan na niya na masama ang kanilang daddy at hindi dapat pinapansin! Ngunit ito ang lalaking nasa harapan nila ngayon.Napansin ni Dominic na tila hindi masaya ang dalawang pag-usapan ang kanilang ama. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Alam niyang mali ang kanyang naitanong, kaya humingi siya ng paumanhin. "Pasensya na, hindi sinasadya ni tito na pag-usapan ang bagay na makakapagpalungkot sa inyo. Hindi ko akalain na ganoon niyo pala kaayaw ang inyong daddy.” Hinging paumanhin ni Dominic.Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin para maaliw sila. Binuksan niya ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na salita.Nakatungo si Dale at kunwaring seryosong kumakain. "Ayos lang, sanay na rin naman kami," sabi niya ng malamig.Saglit na naging mabigat ang atmospera sa mesa.Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan habang
Nagulat si Dominic sa naging reaction ni Avigail. Hindi naman niya sinasadyang tanungin ang mga bata tungkol sa kanilang ama at hindi naman niya akalain na may galit pala ang mga bata sa kanilang ama."Hindi ko talaga alam, pasensya ka na, pero ngayon ay alam ko na. Huwag kang mag-alala, hindi ko na muling babanggitin ang bagay na iyon sa susunod sa harap nila." Hinging paumanhin ni Dominic kay Avigail at sumang-ayon na hindi na ito mauulit muli.Tiningnan ni Avigail ang tatlong bata na abala at tahimik na naglalaro ng lego. Naalala niya bigla kung ano ang naging usapan nila at paano nabanggit ni Dominic ang tungkol sa kanilang ama sa harap ng bata. Naiinis siyang sa mga bata ito nagtanong nang hindi niya alam. Total wala na siyang sasabihin pa sa lalaking nasa harapan niya kaya binaling niya ang usapan."Mr. Villafuerte, sa tingin ko ay sobrang late na. Maraming salamat sa paghatid sa mga bata ngayong araw. Pasensya na, sisimulan ko ng paliguin at patulugin ang mga bata. Kung maaari
Nahihiya si Dominic sa kambal dahil nagawa niyang palungkutin ang mga ito. Nakukonsensya siya kaya naman hindi niya nagawang magpakita sa mga ito sa sumunod na araw.Araw-araw naman siyang nagpapadala ng mensahe kay Manang Susan o kay Avigail para kay Skylei. Alam niyang kahit ganoon ang batang iyon ay mahal na mahal siya nito. Palagi niyang inaalam ang progreso ng kalagayan nito.Si Avigail naman ay naging mas maingat sa kanya matapos ang nangyari. Nang mapansin niyang hindi ito nagpapakita, lihim siyang nakahinga nang maluwag.Kapag natatanggap niya ang mga mensahe ni Dominic at nakikitang walang kinalaman kay Dale at Dane, isa-isa niya itong sinasagot.Iyon nga lang, napapadalas ang pag-sent ni Dominic ng message kay Avigail. Pinapakita lang nito kung gaano siya kabahala para kay Skylei.Dahil ganoon siya ka-worried sa kanyang anak, hindi niya ito nakita nitong mga nakaraang araw, at basta na lang iniwan ang bata sa bahay nila. Hindi maintindihan ni Avigail kung ano ang iniisip ni
Nang ibaba ni Dominic ang tawag ay nakatitig ng ilang sandali si Avigail sa kaniyang cellphone. Sinulyapan niya ang tatlong bata na abala sa paglalaro. Nakaramdam siya ng kaunting kaba, isiping anumang oras mula ngayon ay darating si Dominic at makakasama nila.Dahil sa naging tanong ni Dominic sa mga bata noong nakaraan. Natatakot siyang pag-usapang muli o magtanong ito tungkol kay Dane at Dale at sa ama nila. Ayaw niyang pag-usapan ito dahil wala siyang makuhang tamang salitang isasagot dito.Isa pa, ayaw din niyang makita ni Dominic na maayos na ang kalagayan ni Skylei. Natatakot siyang baka kunin na ito sa kaniyang puder dahil maayos na ang lagay nito. Nalulungkot na si Avigail isipin pa lamang ito.Makalipas ang ilang sandali, muling tumawag si Dominic. "Nandito na ako. Nasaan kayo ngayon?" tanong nito ng sagutin niya. Gusto ng tatlong bata na manood ng palabas ng puting balyena. "Maghihintay kami sa White Whale Pavilion." Sagot ni Avigail kay Dominic.Ibinaba ni Avigail an
Nang masikaso na ni Angel si Avigail at magkausap na sila ng mga anak, agad ding umalis si Angel sa bahay ng mga ito. Alam niyang kailangan ni Avigail at ng kambal na mag-usap ng maayos, at hindi siya ang tamang tao na maging saksi sa lahat ng ito.Tahimik na lumabas si Angel, at nang makaalis na siya, lalo pang bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay. Ang mga mata ng kambal ay puno ng takot at pangamba. Hindi nila kailanman nakita ang kanilang ina na ganoon — parang hindi nila kilala. Si Avigail na laging matatag at maligaya, ngayon ay tila nawala ang sigla sa mata, at ang pagkabagabag sa bawat galaw nito ay hindi nila maikaila.Habang ang kambal ay tahimik na naghihintay, takot na takot, naglakad si Avigail patungo sa kusina. Lumipas ang ilang saglit bago siya bumuntong hininga, tila umaasa na sana’y magbabalik ang lahat sa normal. Tumayo siya sa harap ng kalan at nagsimula magluto ng tanghalian. Ang tanging ingay na naririnig ay ang tunog ng kawali at mga palayok sa kanyang paligid,
“Dominic, pasensya ka na, ha. Nabigla yata sila…” Mahinang sabi ni Avigail, halos pabulong habang tinatanaw sina Angel na inaakay palayo ang kambal.“Kakausapin ko muna sila.” Nilunok niya ang kaba sa lalamunan, dama ang kirot ng eksenang iyon bilang isang ina at isang babae.Tahimik lang si Dominic. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot, at nang magsalita siya, ramdam ang lungkot sa tinig niya.“Naiintindihan ko…” mahinahon niyang simula. “Pasensya na rin. Pero… gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob nila.” Bumuntong-hininga siya bago tumingin kay Avigail, sinserong sinisid ang mga mata nito.“Alam ba nila ang nangyari sa atin?” tanong niya, may halong kaba. “Mukha kasing alam nila… na hindi kita trinato ng tama.”Napalingon si Avigail sa direksyon ng kambal, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.“Matalino ang kambal,” wika niya sa wakas. “Madami silang tanong, Dominic. At mas pinili kong sagutin ‘yon kaysa magsinungaling. Hindi ko kayang itago sa kanila kung bakit w
“Mommy!!” sigaw ni Dale habang mabilis na lumapit kay Avigail. “Nakausap na namin si Skylie. Sabi ng doktor kay Ninang, limited time lang daw po kami puwedeng manatili sa loob. Kaya po lumabas na kami.”Nagulat si Avigail nang makita silang lumabas ng ICU. Hindi niya namalayang siya pala’y umiiyak na sa bisig ni Dominic. Agad siyang napahawak sa mukha, tinatago ang luha.“Iuuwi ko na sila. Sasamahan ko na lang—”“Ninang!” putol ni Dane habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ninang. “We want to stay here. Puwede po ba kaming maupo lang dito? Gusto lang po naming panoorin si Skylie.”Lumingon si Angel kay Dominic, saka kay Avigail, ngunit bago pa man siya makasagot, napatingin si Dominic sa kambal—at tila napako ang kaniyang tingin doon.Hindi siya makapaniwala.Ngayon lang niya lubos na pinagmasdan sina Dale at Dane, at parang unti-unting nabura ang mundo sa paligid niya. Para siyang nanonood ng lumang alaala—ng sarili niyang kabataan—nang bigla niyang mapansin: magkakamukha sila. Ang
Tahimik ang hallway ng ospital. Tanging ang mahihinang tunog mula sa ICU monitor sa loob ng silid ang maririnig, kasabay ng malamig na hum ng aircon. Nakaupo sa bench sina Dominic at Avigail—magkatabing tila magkalayo pa rin. Walang salitang binibitawan, tanging mga mata at buntong-hininga ang nagpapahiwatig ng bigat sa kanilang dibdib.Sa loob ng ICU, si Skylei ay nakaoxygen at bantay-sarado ng doktor. Kasama niya roon sina Dale at Dane, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kapatid. Nasa loob din si Angel, ang ninang nila, taimtim na nagdarasal sa isang sulok.Sa labas, sa isang sandaling may kapayapaan, biglang umalingawngaw ang matalim na sigaw mula sa may elevator.“Dominic Villafuerte! Anong ginagawa ng babae niyan dito?!”Napalingon agad ang mga nurse at bantay sa paligid. Mabilis na tumayo si Dominic habang si Avigail ay napaatras at bahagyang nataranta. Sa harap nila ay ang ina ni Dominic—si Mrs. Luisa Villafuerte, ang reyna ng pamilyang Villafuerte, an
“Sinasabi mo bang nanganak ka mag-isa sa tatlong bata?” tanong ni Dominic, puno ng gulat at lungkot ang boses.Tahimik lamang na tumango si Avigail.“Pero bakit nahiwalay si Skylei sa mga kapatid niya? Kung hindi ikaw ang may kagagawan, sino? Sino ang naghiwalay sa iyo kay Skylei?” Halata sa tono ni Dominic ang pagkalito, ang galit, at ang pagkabigo. “May sakit si Sky noon. Malala. Kung hindi namin naagapan… baka noon pa, wala na siya.”Napaluhod si Avigail sa harap ni Dominic. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol.“Patawarin mo ako...” nanginginig ang tinig niya. “Sinabi sa akin ng doktor na isa sa triplets ang mahina. Kaya nang sinabi nilang hindi na niya kinayang mabuhay pa kahit isang araw, tinanggap ko na lang. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong magpatuloy… kasi may dalawa pa akong anak na umaasa sa akin.”Umiiyak siyang napayuko, nanginginig ang balikat.“Pero kahit kailan… kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang bunso kong babae. Hindi ko siya inalis sa puso’t isip
"Kamusta si Skylei? May improvement na ba ang lagay niya?" tanong ni Avigail.Hindi siya nakatulog kagabi habang iniisip kung paano siya naging pabayang ina—kung paanong naniwala agad siyang patay na ang kanyang bunsong anak. Sa tulong ni Miguel Tan, ni Angel, at ni Dr. Daven Cruz, inalaman nilang lahat ang nangyari sa araw ng panganganak ni Avigail sa ibang bansa. Gustong-gusto ni Avigail na siya mismo ang gumawa ng hakbang, ngunit hindi katulad ng mga taong ito, wala siyang koneksyon—maliban na lang sa pagiging kilala niyang doktor sa traditional medicine."Akala ko hindi ka na babalik. Mabuti naman at nandito ka na," malungkot na sabi ni Dominic habang nakaupo sa bench sa labas ng ICU, at nakatingin sa bintana nito kung saan makikita si Skylei na nakahiga at maraming tubong nakakabit."Mommy! Tito!""Mom! Dad—I mean, Tito, hello po sa inyo.""Pasensya na. Iniwan mo sa akin ang mga bata para dalhin sa kindergarten. Nalaman ng teacher nila ang nangyari kay Sky, kaya binigyan sila ng p
"Avigail!! Heto na, nakakuha ako ng mabilis na proseso ng DNA testing sa hospital namin. Ang galing nga kasi pinadeliver pa nila!" sigaw ni Angel habang mabilis na pumasok sa bahay ni Avigail, hawak ang isang brown envelope na may seal ng ospital.Nagulat ang kambal na sina Dane at Dale sa biglang pagsulpot ng kanilang Ninang. Dahan-dahan pa itong lumapit, nahihiyang ngumiti sa kanila."Ninang! Kumain ka na po ba?" tanong ni Dane na laging concern sa mga bisita nila."Mom, Ninang… para saan po ba ang DNA test na iyan? May problema po ba?" tanong naman ni Dale habang hawak ang laruang robot.Tumingin si Avigail sa dalawang bata. Naisip niyang wala na siyang maitatago pa sa kanila. Limang taon pa lang ang kambal, pero sobrang talino na nila—mga batang marunong magbasa ng damdamin at sitwasyon."Oo… Sorry kung ginawa ito ni Mommy nang hindi kayo sinabihan. Naguguluhan na kasi ako. I can't give birth twice in a row. Alam niyo ‘yung ibig sabihin, di ba?""Opo, Mommy," sagot ni Dale. "Pero d
"Ano? Sinabi mo talaga 'yon kay Dominic? Gosh, Avigail!" Galit na ang tono ni Angel habang nakaupo sa tapat ng kaibigan. Halos malaglag ang hawak niyang baso sa narinig."Nagpakumbaba na siya. Inamin niya ang pagkukulang niya, halatang sobra na siyang nagsisisi—pero bakit hindi mo man lang binigyan ng kaunting puwang ang salita niya? Kahit hindi mo siya patawarin, sana hindi mo na lang nasabi ‘yon."Napatingin si Avigail, halatang pinipigilan ang luha."Galit ako nun, Angel. Sa tingin mo ba madali ‘yon? Iniisip niyang kaya kong itapon ang sarili kong anak? Anak ko!""Oo, gets ko ‘yon. Tama ang dahilan mo—may point ka, pero hindi pa rin tama ang naging sagot mo. Avigail, kung marinig ‘yon ni Sky, ano’ng mararamdaman niya? Na tinanggihan siya ng sariling ina?"Tumayo si Avigail at naglakad palayo sa sofa. "Pero hindi pa rin sigurado na anak ko siya, Angel! Pinipilit lang nilang paniwalaan ko ‘yon!""Pero paano kung totoo?" balik ni Angel, seryoso na rin ang tono. "Sinabi ng doktor na bu
"Hindi! Pero ang galit mo, maaaring sapat na dahilan para gawin ang bagay na iyon—para iwan si Sky." Diretsong sabi ni Dominic habang nakatitig sa mga mata ni Avigail.Napailing na lang si Avigail. Basa niya sa mga mata ni Dominic na totoo ang sinasabi nito—na kahit gaano kabigat ang sinasabi niya, iyon ang laman ng puso’t isipan nito. Bumuntong-hininga siya, pilit tinatago ang sakit na unti-unting bumabalot sa kaniya. Tumingin siya sa labas ng bintana, sa kalsada sa harap nila."Ihatid mo na lang ako sa labas ng gate. Sasakay na lang ako ng taxi pauwi." Mahina pero matatag ang boses ni Avigail."Ako na ang maghahatid. Pabalik din naman ako ng ospital ngayon," alok ni Dominic, tila umaasang maaayos pa ang pagitan nila kahit papaano."Hindi na. May kailangan pa akong puntahan," malamig niyang tugon, hindi na tumingin kay Dominic.Wala nang nagawa si Dominic kundi paandarin ang sasakyan. Tahimik silang bumaba ng mansyon ng mga Ferrer—parehong puno ng bigat, parehong may mga tanong na w