Home / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Dad will pick the triplets

Share

Dad will pick the triplets

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2024-11-21 11:04:24

Habang pinapanood ni Martin ang paglayo ng kotse ni Avigail ay tumalikod siya at pumasok sa mansyon.

Si May ay prenting nakaupo sa sofa, umiinom ng tsaa, na may mapang-asar na ekspresyon. Nang makita niyang pumasok ang kanyang kapatid, bahagya lamang niyang itinaas ang kanyang kilay at pagkatapos ay muling ibinalik ito sa iniinom.

Naiinis si Martin sa inasal ng kaniyang kapatid tungkol kay Lera. Kaya naman hindi na siya nakapagtimpi at kinompronta ito.

"Ano bang problema mo, May? Ano bang kasalanan ni Dr. Suarez sa’yo? Bakit kailangan mong maging sarkastiko tuwing makikita mo siya? Siya ang nagpagaling kay Lolo baka nakakalimutan mo! Kung tutuusin siya ang tagapagligtas" mataas na boses at talaga namang may diin na tanong niya.

Narinig ito ni May, ngunit walang pakialam ang reaksyon niya.

"Tagapagligtas? Hindi naman libre ang ginagawa niya binabayaran natin lahat ng trabaho at ginagawa niya kay lolo. Kumbaga, nagtulungan lang tayo dahil kailangan natin ang isa’t isa. Kailangan ni Ms
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Date with their Dad

    Tumingin si Avigail sa screen ng kaniyang cellphone, gusto pa niya sanang tawagan si Dominic, nag-atubili ng ilang sandali, at itinago ang telepono bago ipagpatuloy ang kanyang pagsasaliksik. Sakto rin naman na kailangan pa ng oras ang kanyang proyekto, kaya't mainam na si Dominic na ang pumunta para sunduin ang mga bata. ... Sa maliit na palaruan ng kindergarten, magkatabi sa isang bangko ang tatlong bata, may mga nakasukbit na bag sa kanilang likod. Sanay na sina Dane at Dale na nakakalimutan sila ng kanilang mommy tuwing abala ito sa trabaho. Tahimik silang nakaupo at paminsan-minsang nakikipag-usap sa kanilang teacher. Si Sky naman, na nasa pagitan nilang dalawa, ay medyo balisa noong una. Ngunit nang makita ang dalawa niyang kuya na masaya sa pag-uusap, unti-unting nawala ang kanyang kaba. Nakatuon ang kanyang maliit na mukha habang nakikinig nang mabuti sa kwentuhan ng mga kuya. Nang dumating si Dominic, wala sa kanila ang nakapansin. Pinagmasdan ni Dominic ang tatlong ba

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Hindi kami gusto ng Daddy namin

    Si Dane ay gutom na gutom, at nang mabanggit ang pagkain, agad siyang napalingon mula sa disenyo ng restaurant at nagsimulang magbilang gamit ang kanyang mga daliri."Gusto kong kumain ng sweet and sour spare ribs, steamed fish, chicken legs...yan ang paborito namin ng kuya ko!" masigla niyang turo sa mga menu na naka-display sa mga LED sa harap ng cashier.Nang marinig ito, tumingin si Dominic kay Dale na tahimik lang sa isang tabi. Tumingin si Dominic bilang tanong kung anong gusto ng bata.Ayaw sanang sumagot ni Dale, pero dahil sinabi na ni Dane, napilitan siyang tumango nang walang imik.Umorder si Dominic ng mga putahe batay sa mga paboritong pagkain ng tatlong bata. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanila, kaya't nagkaroon ng katahimikan sa lamesa.Pagdating ng pagkain, sinabihan ni Dominic ang waiter na ilagay ang dalawang putahe sa harap ng mga bata.Distanteng nagpasalamat si Dale sa waiter at sa kaniyang ama."Salamat, tito.""Walang anuman," sagot ni Dominic nang

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Ex-wife Return: Love Me Again   The twin don't like their dad

    Nanatiling tahimik si Dane, gusto niya sanang magsalita ngunit nanahimik na lang siya ng magsalita na ang kaniyang Kuya Dale. Halos nakalimutan na niya na masama ang kanilang daddy at hindi dapat pinapansin! Ngunit ito ang lalaking nasa harapan nila ngayon.Napansin ni Dominic na tila hindi masaya ang dalawang pag-usapan ang kanilang ama. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Alam niyang mali ang kanyang naitanong, kaya humingi siya ng paumanhin. "Pasensya na, hindi sinasadya ni tito na pag-usapan ang bagay na makakapagpalungkot sa inyo. Hindi ko akalain na ganoon niyo pala kaayaw ang inyong daddy.” Hinging paumanhin ni Dominic.Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin para maaliw sila. Binuksan niya ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na salita.Nakatungo si Dale at kunwaring seryosong kumakain. "Ayos lang, sanay na rin naman kami," sabi niya ng malamig.Saglit na naging mabigat ang atmospera sa mesa.Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan habang

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Ex-wife Return: Love Me Again   We Don't need Him

    Nagulat si Dominic sa naging reaction ni Avigail. Hindi naman niya sinasadyang tanungin ang mga bata tungkol sa kanilang ama at hindi naman niya akalain na may galit pala ang mga bata sa kanilang ama."Hindi ko talaga alam, pasensya ka na, pero ngayon ay alam ko na. Huwag kang mag-alala, hindi ko na muling babanggitin ang bagay na iyon sa susunod sa harap nila." Hinging paumanhin ni Dominic kay Avigail at sumang-ayon na hindi na ito mauulit muli.Tiningnan ni Avigail ang tatlong bata na abala at tahimik na naglalaro ng lego. Naalala niya bigla kung ano ang naging usapan nila at paano nabanggit ni Dominic ang tungkol sa kanilang ama sa harap ng bata. Naiinis siyang sa mga bata ito nagtanong nang hindi niya alam. Total wala na siyang sasabihin pa sa lalaking nasa harapan niya kaya binaling niya ang usapan."Mr. Villafuerte, sa tingin ko ay sobrang late na. Maraming salamat sa paghatid sa mga bata ngayong araw. Pasensya na, sisimulan ko ng paliguin at patulugin ang mga bata. Kung maaari

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Family Date?

    Nahihiya si Dominic sa kambal dahil nagawa niyang palungkutin ang mga ito. Nakukonsensya siya kaya naman hindi niya nagawang magpakita sa mga ito sa sumunod na araw.Araw-araw naman siyang nagpapadala ng mensahe kay Manang Susan o kay Avigail para kay Skylei. Alam niyang kahit ganoon ang batang iyon ay mahal na mahal siya nito. Palagi niyang inaalam ang progreso ng kalagayan nito.Si Avigail naman ay naging mas maingat sa kanya matapos ang nangyari. Nang mapansin niyang hindi ito nagpapakita, lihim siyang nakahinga nang maluwag.Kapag natatanggap niya ang mga mensahe ni Dominic at nakikitang walang kinalaman kay Dale at Dane, isa-isa niya itong sinasagot.Iyon nga lang, napapadalas ang pag-sent ni Dominic ng message kay Avigail. Pinapakita lang nito kung gaano siya kabahala para kay Skylei.Dahil ganoon siya ka-worried sa kanyang anak, hindi niya ito nakita nitong mga nakaraang araw, at basta na lang iniwan ang bata sa bahay nila. Hindi maintindihan ni Avigail kung ano ang iniisip ni

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Skylei Speak again

    Nang ibaba ni Dominic ang tawag ay nakatitig ng ilang sandali si Avigail sa kaniyang cellphone. Sinulyapan niya ang tatlong bata na abala sa paglalaro. Nakaramdam siya ng kaunting kaba, isiping anumang oras mula ngayon ay darating si Dominic at makakasama nila.Dahil sa naging tanong ni Dominic sa mga bata noong nakaraan. Natatakot siyang pag-usapang muli o magtanong ito tungkol kay Dane at Dale at sa ama nila. Ayaw niyang pag-usapan ito dahil wala siyang makuhang tamang salitang isasagot dito.Isa pa, ayaw din niyang makita ni Dominic na maayos na ang kalagayan ni Skylei. Natatakot siyang baka kunin na ito sa kaniyang puder dahil maayos na ang lagay nito. Nalulungkot na si Avigail isipin pa lamang ito.Makalipas ang ilang sandali, muling tumawag si Dominic. "Nandito na ako. Nasaan kayo ngayon?" tanong nito ng sagutin niya. Gusto ng tatlong bata na manood ng palabas ng puting balyena. "Maghihintay kami sa White Whale Pavilion." Sagot ni Avigail kay Dominic.Ibinaba ni Avigail an

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   A beautiful Voice of a Sky

    Sa gitna ng tunog ng pagwisik ng tubig, napansin ng lahat ang inosenteng tinig ni Little Sky. Nabigla si Avigail nang marinig iyon at halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Tinitigan niya ang batang babae na nakaupo sa tabi ng pool, na may kumikislap na mga mata habang nakatingin sa kanya. Pati si Dane ay natigil sa kanyang ginagawa, nagulat at hindi na inalintana ang tubig na tumalsik sa kanya. Samantala, si Little Sky ay tumalikod na upang magpatuloy sa paglalaro kasama ang maliit na white whale, hindi napansin ang mga nagulat na reaksyon ng tatlo. Nang magsimula na ang susunod na bahagi ng palabas, pinabalik ng mga staff ang mga tao sa kani-kanilang upuan. Hindi pa rin makabalik sa kanilang ulirat sina Avigail at ang dalawang bata, pero si Little Sky ay umupo na sa tabi ni Avigail na parang walang nangyari. “Ano’ng nangyari?” tanong ni Dominic habang nakakunot ang noo, napansin ang kanilang parang wala sa sariling hitsura. Nabigla si Avigail at bahagyang sumulyap kay L

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   A gift from Daddy

    Naisip din ni Avigail ang iniisip ng lalaki at hindi niya napigilang makaramdam ng kaunting pananabik.Ngunit nang makita niyang kumuha ang bata ng papel at panulat mula sa bag, nawala ang kaunting pag-asa niya. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ito at kalmado niyang sinabi."Huwag mag-alala, kakabuti lang ng kalagayan ni Sky at hindi pa ito ganap na matatag. Mukhang nagsasalita lang siya kapag sobrang excited siya. Unti-unti lang tayo."Tumango si Dominic, na hindi na nagsalita pa.Tama ang sinabi ni Avigail. Ang pagsisimula ng pagsasalita ni Sky ay isang malaking hakbang na, at hindi siya dapat magmadali. Hinayaan na lamang niya ito sa tamang daloy.Nag-isip muna nang mabuti si Sky habang sumusulat, at kalaunan ay sinagot ang mga tanong nila nang isa-isa.Nagbigay ng maikling tugon sina Dominic at Dane bilang suporta.Natapos ang palabas ng puting balyena, ngunit mukhang hindi pa rin kuntento ang tatlong bata.Tiningnan ni Avigail ang oras at nakita niyang maaga pa, kaya naisipan niy

    Huling Na-update : 2024-11-22

Pinakabagong kabanata

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Sky's fear

    Nang makita niya si Tita Lera na nagpapakita siya ng nakakatakot na ekspresyon nanlamig si Sky at gusto niyang bumalik sa kwarto ng kanyang daddy ngunit hinawakan siya ni Lera sa pulso at hindi siya nakawala.Tiningnan ni Lera ang bata nang malamig, "Kung ayaw mong magdusa, makinig ka sa akin at huwag akong galitin, naiintindihan mo ba?"Sa banyo, habang naghihilamos si Dominic, tinawagan niya si Avigail.Ang maliit na babae ay laging workaholic. Natatakot siyang baka pag punta nila Henry doon wala si Avigail at kung hindi makita ng bata si Avigail , baka malungkot na naman ito.Buti na lang at mabilis sinagot ng kabilang linya. "Dominic, may kailangan ba?" tanong ni Avigail na medyo magulo pa ang boses, mukhang bagong gising lang siya, o baka naman nagising siya ng tawag niya.Nang maisip ito, isang ngiti ang dumapo sa mga labi ni Dominic at humingi siya ng paumanhin ng mahinahong tinig, "Pasensya na at nagising kita."Si Avigail ay napahikab at umupo mula sa kama.“ok lang dapat

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Be Polite to Me

    Kinabukasan ng umaga, pagkagising ni Dominic, narinig niyang may kumatok nang maingat sa pintuan ng kanyang kwarto.Ang tanging tao na kumakatok sa kanyang pinto ay ang kanyang anak. Pumunta si Dominic upang buksan ang pinto, at tulad ng inaasahan, nakita niya ang bata na nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto na may masigasig na mga mata.Nang makita siya, binati siya ng bata ng malambing na tinig, "Good morning, Daddy!"Bahagyang tumango si Dominic at hinaplos ang ulo ng bata, "Bakit ka gumising ng maaga ngayon, may kailangan kaba?" Sumulyap ang bata sa kwarto ni Lera sa kanto, itinaas ang mata at tiningnan ang kanyang daddy. "Gusto ni Sky pumunta kay Tita Avigail, Daddy, isasama ni Daddy si Sky doon!" Talaga namang hindi nais ng bata na manatili kay Lera, kahit na magkasama lang sila para sa almusal, ayaw pa niyang manatili.Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Dominic. Alam niya ang iniisip ng bata, at nauunawaan niya ito.Ngunit mayroong siyang isang mahalagang pulong na dadaluhan

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Seducing

    Sa study room nakakunot ang noo ni Dominic habang tinitingnan ang hindi natapos na trabaho ngayong araw, nang bigla siyang makarinig ng mga yapak sa pinto.Maya-maya, kumatok ng malakas sa pinto. Inilipat ni Dominic ang kanyang mga mata mula sa screen ng computer at tiningnan ang pinto na may kunot na noo.Dati, sa oras na ito, ang mga katulong ng Villafuerte family mansion ay nagpapahinga na, at wala ni isa sa kanila ang maglalakas-loob na mag-abala sa kanyang trabaho sa study room.Bukod pa rito, ang malakas na katok ay nagmumungkahing ang tao sa pinto ay si Lera. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon.Nagpatuloy ang malakas na katok sa pinto. Matapos patagilid na patulugin si Sky, hindi nais ni Dominic na magising ang bata dahil sa katok, kaya't tumayo siya at binuksan ang pinto.Pagbukas ng pinto, nakita niya ang isang lasing na babae sa labas. Hindi niya alam kung gaano karami ang nainom nito, ngunit ang amoy ng alak ay masakit sa ilong at kumalat sa buong study r

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Red wine

    Sa ibaba, nakaupo na si Lera sa dining table.Nang makita ang dalawa na bumaba, tumingin si Lera kay Sky at ang mukha nito ay puno ng paghingi ng paumanhin, "Sky, pasensya na, mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda kanina."Hinawakan ni Sky ang kamay ni Dominic, itinaas ang mata at tinanong ang kanyang ama kung maaari ba niyang talikuran ang taong iyon.Hinaplos ni Dominic ang ulo ng maliit na bata at dinala siya sa kanyang tabi. Hindi pinansin ng mag-ama kay Lera.Sa isang saglit, ang atmospera sa mesa ay tila sobrang tensed. Pinapanood ni Lera ang mag-ama na nagsasalu-salo ng pagkain, ngunit ni hindi siya tinitingnan, para bang hindi siya nag-eexist. Puno ng galit ang puso niya, ngunit wala siyang magawa kundi magpasikat at magbigay galak sa maliit na bata."Sky, halika, bata ka pa, kumain ka nang marami para tumangkad ka pa." Ngumiti si Lera at kumuha ng piraso ng karne para sa maliit na bata.Nang makita ni Sky ang dagdag na karne sa kanyang mangkok, natigil siya.Nagkuno

  • Ex-wife Return: Love Me Again   I Don't marry her

    Tinitingnan ni Lera ang likod ni Dominic habang siya ay umaalis, at dumilim ang mukha nito. Bagamat pumayag si Dominic na manatili siya sa mansyon, malinaw mula sa hitsura nito na hindi siya papansinin.Hindi siya papayag dito!Habang ito ay nangyayari, lumabas si Dominic mula sa kwarto, naglakad papunta sa pinto ng kwarto ni Sky, at kumatok, "Sky, buksan mo ang pinto."Sa loob ng kwarto, narinig ni Sky ang boses ng kanyang ama, at naisip ang mga sinabi ni Lera kanina. Agad siyang umiwas at nakatalikod sa pinto ng kwarto. Naghintay si Dominic ng matagal, ngunit walang sumagot. Alam niyang nagseselos na naman ang maliit na bata, at hindi niya maiwasang magka-headache.Gabi na at ang nanay at anak na babae ay nagpasakit sa kanya ng sabay... Matapos maghintay ng ilang sandali at walang narinig na galaw, nagdesisyon si Dominic na kunin ang susi at binuksan ang pinto upang pumasok. Pagpasok niya, nakita niya ang maliit na bata na nakaupo sa kama, nakatalikod sa pinto, at niyayakap ang kany

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Just take care of yourself

    Si Sky ay nakatago sa likod ni Manang Susan, ngunit nang marinig niyang sinabi ni Lera na magiging mommy siya balang araw, agad nagbago ang ekspresyon ng bata, tiningnan siya nito ng galit at tumakbo papuntang taas gamit ang mga maiiksing mga paa.Nang makita ni Lera ang likod ng bata, agad niyang pinahid ang kanyang kilay at nagmukhang hindi kuntento.Si Manang Susan naman ay nakahinga ng maluwag nang makita niyang tumakbo ang bata, at nagsabi kay Lera, "Ang emosyon po ng little lady ay laging hindi stable, ma'am Lera, sana po ay maintindihan ninyo."Pagkarinig nito, nagbigay ng pilit na ngiti si Lera at nagsabing salamat.Habang nagagalit si Lera, narinig ang ingay mula sa pinto ng villa, at pumasok si Dominic mula sa labas."Dominic, umalis na ba si Tita Luisa?" mabilis na in-adjust ni Lera ang kanyang ekspresyon at tiningnan ang pinto nang may pagpapakitang awa.Itinaas ni Dominic ang kanyang mata at tiningnan siya, tumango ng walang kasamang komento, at pagkatapos ay tiningnan si

  • Ex-wife Return: Love Me Again   I am going to be your mom

    Alam ni Dominic kung ano ang nais sabihin ni Luisa, kaya't nagkunwari siyang hindi nakikinig, at hindi nagsalita, naghihintay na magsalita siya una."Paulit-ulit ko nang sinasabi, hindi madaling maghintay si Lera para sa'yo ng anim na taon, hindi mo siya dapat pabayaan!" seryosong sinabi ni Luisa.Maraming beses na nilang napag-usapan ito, kaya't nang marinig ito ni Dominic sumakit ang ulo niya at hindi na nagkaroon ng lakas ng loob na makipagtalo sa kanyang ina.Patuloy si Luisa sa pagsasalita, at tahimik lang si Dominic.Sa loob, tinitingnan ni Sky ang babae na nakaupo sa sofa, mahigpit na humahawak sa laylayan ng damit ni manang Susan, may pag-aalinlangan sa kanyang mukha.Napansin ni Lera ang pagtutol ng bata, at nakaramdam ng hindi magandang pakiramdam, ngunit nagkunwari pa rin siyang mabait, "Sky, tignan mo, may dalang regalo si Tita Lera para sa'yo."Sabay kuha ni Lera ng isang manika mula sa kanyang bag, "Tignan mo, gusto mo ba ito?" Walang pag-aalinlangan na umilibg si Sky. H

  • Ex-wife Return: Love Me Again   She will stay at the mansyon

    Gabing iyon, dinala ni Dominic si Sky sa bahay. Pagpasok nila ng pinto, nakita nila ang kanyang ina at si Lera na nakaupo sa sofa.Nang makita sila na bumalik, mukha pa ring galit si Luisa, ngunit nahihiya si Lera. Tumayo siya at binati sila, "Dominic, Sky, nakabalik na kayo."Tumango si Dominic sa kanya ng walang emosyon, tapos ibinaba ang mga mata at tumingin sa kanyang ina.Nang makita ni Sky si Luisa agad siyang umatras at nagtago sa likod ng kanyang ama at hindi man lang nagbigay-galang kay Luisa."Mom, bakit ka nandito?" hawak ni Dominic ang kamay ni Sky ng isang kamay, tahimik na inaalalayan ang maliit na bata, at nagtanong ng malalim na boses.Pagkarinig ng tanong mula sa kanyang anak, lalo pang dumilim ang mukha ni Luisa. "Bakit kami nandito? Ipinagkatiwala ko si Lera sa'yo. Okay lang na hindi mo siya dinala sa bahay, pero hindi mo man lang siya pinuntahan nang mag-recurr ang lumang sugat niya!"Hindi nakayanan ni Dominic at parang nag kasakit ng ulo siya. "Nagpadala na ako ng

  • Ex-wife Return: Love Me Again   She got what she wanted

    Nang marinig ito, tumugon si Dominic ng malamig, "Kung ganun ipapadala ko na lang ang isa kung tao para dalhin ka sa ospital. Kung wala nang iba, maghahang up na ako, may meeting pa ako mamaya."Kinagat ni Lera ang kanyang mga labi at sinabi, "Sige, mauna ka na." Pagkabanggit niya nito, agad na pinatay ni Dominic ang tawag.Tinutok ni Lera ang kanyang tingin sa itim na screen ng telepono at kitang-kita sa kanyang mukha ang galit.Habang ito ay nangyayari, nagtatagilid na nagsalita ang waiter, "Miss, mas mabuti pang samahan kita sa ospital..."Bago pa matapos magsalita ang waiter, ininterrupt siya ni Lera ng malamig na boses, "Lumayas ka!"Nagulat ang waiter at nang itinaas niya ang kanyang mata, nakita niyang ang babaeng nagrereklamo tungkol sa sakit ng kanyang braso ay ginamit ang parehong braso para itapon ang pagkain sa mesa at pabagsakin ito sa sahig.Pagkalipas ng ilang sandali, ang sahig ay magulo. Lihim na nainis ang waiter, alam niyang nagkamali siya, ngunit wala siyang lakas n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status