”Nagbibiro ka, tama?” Tanong ko sa kanya, umaasa na siya ay nagibibiro lang.Malungkot siyang umiling bago iabot ang kanyang phone.AVA SHARP’S HOUSE BURNS DOWN HOURS AFTER SHE REVEALS HER IDENTITY AS HOPE FOUNDATION’S FOUNDER. Binasa ko at binasa muli ang title ng balita, umaasa na ito ay isang malaking biro. Napatunayan kong mali ako ng nagscroll ako pababa at nakita ang video ng nasusunog na bahay.Kahit na ayaw kong paniwalaan ito, imposible na itanggi na iyon nga ay ang bahay ko na nasusunog.Kinakabahan ako, nilapag ko ang phone ni Mary at mabilis na tumayo. Ang kilos ko ay nanginginig habang nagmadali ako lumabas ng kwarto.“Ava, saglit.” Tinawag niya ako pero ang mga sinabi niya ay hindi ko pinansin.Lumabo ang mga mukha ng kumilos ako sa bilis na magpapahiya sa mga bampira. Walang pumapasok sa isip ko habang papalabas ako.Sumakay sa sasakyan ko, lumabas ako sa paradahan ng si Mary ay makalabas sa pintuan. Kumaway siya. Sinusubukan akong pahintuin. Hindi ko siya pinan
”Paano ang sasakyan mo?” Tanong ko ng pinaandar ko ang akin.Alam ko na nagmaneho siya dito o pinagmaneho ang kanyang driver. Si Rowan ay hindi klase ng tao na sumasakay sa taxi.“Pwedeng imaneho ni Dennis ang sasakyan ko pauwi… Tatawagan ko siya kapag kailangan ko siya.” Sabi niya habang inaatras ko ang akin at tapos nagmaneho paalis.“Bahay… wala na ako niyan.” Malungkot kong bulong.“Magiging ayos lang ito.”“Talaga ba?” Malungkot kong tanong.Sa kung ano mang rason pakiramdam ko na hindi ito magiging okay. Na mas malala pa ang darating.Nilabas ko ang aking phone tinawagan ko ang aking real-estate agent. Sumagot siya sa unang ring.“Sobrang pasensya na, Ava. Nakita ko ang nangyari sa iyong bahay.” Sabi niya sa mataas na pitch na boses.“Ayos lang ito.” Huminto ako. “Pakiusap sabihin mo na meron ka para sa akin, kahit ano talaga, dahil sa ngayon wala akong bahay.”Ayoko ang ideya ng pananatili sa hotel sa kung ano mang haba ng panahon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sas
”At ito ay nagpatuloy ng higit sa limang taon?” Tahimik niyang tanong.“Oo… ng nagawa ko ang una kong milyon, sobrang sabik ako na sabihin sayo, gusto ko na maging proud ka sa akin. Para makita na hindi ako isang talunan.” Bumalik ang isip ko sa araw na iyon. “Naalala ko na hinintay kita na umuwi, pero hindi ka umuwi kaya tinago ko ang balita hanggang umaga, sabik pa din na sabihin sayo. Ng makita kita sa kusina kinabukasan umupo ako sa tabi mo at sinabi na meron akong sasabihin sayo.”Humito ako para lumunok at huminga ng malalim. Ang alaala ay nakaukit sa isipan ko.“Sa halip na makinig humarap ka at nanlalamig na tumingin sa akin at sinabi na wala kang pakialam sa ano ang sasabihin ko. Na wala kang pakialam tungkol sa buhay ko o ano ang ginagawa ko. Mabangis mong sinabi sa akin na pwede akong mamatay doon mismo at kahit mangyari iyon wala kang pakialam, kaya sa halip na sayangin ang oras mo at sirain ang kanyang umaga bakit hindi na lang ako umalis at guluhin ang ibang tao.”Ang
Ako ay namimili ng furniture, pero ang isip ko ay wala dito. Bumili ako ng bagong bahay ito ay perpekto para sa akin at naaayon ito sa aking style. Simple pero maaliwalas. Nasa maganda itong neighborhood at mas malapit sa school ni Noah. Gusto ko ito sa sandaling nakita ko ito. Meron din itong malaking backyard kung saan makakapaglaro si Noah hindi tulad ng aming dating bahay.“Nakikinig ka pa ba?” Naiiritang tanong ni Letty.Tinutulungan niya ako na pumili ng furniture sa aking bagong bahay. Tatlong araw na simula ng binili ko ito at gayunpaman ito ay tuluyang walang laman. Wala man lang akong kama walang hiya. Natutulog ako sa pansamantalang kama sa sahig.“Pasensya na, Letty… sobrang dami lang ng nasa isip ko.” Humingi ako ng tawad.Kapag merong taong sinusubukan kang patayin, karamihan ng bagay ay madalas umaatras. Ang mga ito ay mukhang hindi mahalaga kaysa sa pananatiling buhay sapat para makitang lumaki ang anak mo.Kinikilabutan pa din ako alam na ako ay malapit na mamatay
Ngumiti ako sa kanya.Makakahanap tayo ng mabilis at hindi nagtagal, nakapili na kami. Dumating ang pagkain namin sampung minuto makalipas. Inorder namin ang parehong bagay. Fries, burger, chicken wings at milkshake.Ang aming kwentuhan ay mabilis dumaloy. Hindi kami naguusap ng kahit anong mahalaga. Nagbibiro kami, kumakai at nagsasaya kasama ang isa’t isa. Ng sandali, nakalimutan ko ang tungkol sa mga problema ko at masaya ito sa pakiramdam.“Sobrang busog ko hindi ako halos makaisip ng diretso.” Sabi ni Letty, pinatawa ako.Meron siyang masayang tingin sa kanyang mata at ito ay sobrang nakakatuwa.“Mukha kang nagkaroon ng orgasm.” Biro ko.Ngumisi siya. “Ganun nga, nagkaroon ako ng food orgasm.”Tumatawa ako sinabi ko na walang ganoong bagay. Ang pagkain at orgasm ay hindi dapat ginagamit sa parehong pangungusap.“Meron… nagbibigay saya ang pagkain at kahit na hindi ito parehong saya na nakukuha ko kapag ang ari ni Travis.,.”Nabilaukan ako. “Huwag kang maglakas loob na tap
”Umaasa ka na paniwalaan ko ang kalokohan na iyan? Lagi kang nahuhumaling sa kanya.” Nakangisi niyang sinabi at suminghal ako bilang tugon.“Ang ngayon mukhang ikaw ang siyang nahuhumaling sa kanya… ngayon kung maaari, kailangan kong umalis. Sapat mo ng sinayang ang oras ko.”“Hindi pa ako tapos kausapin ka, p*ta ka!”Hindi ko siya pinansin pero ang kanynag mga sinabi ay nagpahinto sa akin.“Sinusumpa ko, Ava. kung maglakad ka palayo, hahanapin ko ang bastardong anak mo at pagbabayarin siya para sa lahat. Kung sabagay, siya ay isa sa ibang rason bakit nawala ang lahat sa ”Nakarinig ako ng matalas na buntong hininga, pero hindi ito pumasok sa isipan ko.Hindi ako nagiisp kapag kumikilos ako.Tumalikod ako at tinulak siya. Hinampas siya sa van. Ginamit ko ang aking forearm sa kanyang leeg, tinulak siya sa van at nasasakal sa kahinaan.Ang self-defence class na kinuha ko ay nagbubunga at simula noong isang lingo, may lisensya akong magdala ng baril. Inabisuhan ako ni Ethan na mag
Ako ay medyo naiirita ng dumating ako sa bago kong bahay. Aabutin ng ilang oras para masanay na tawagin ko itong sariling bahay ko.Pinarada ko ang truck at lumabas lang para magulat. Si Rowan sa lahat ng tao ay nakaupo sa labas ng aking bahay. Nilapitan ko siya ng nakatitig sa kanyang mukha.“Kung nandito ka para pagalitan ako tungkol kay Emma, pwede mo na lang hatakin ang iyon sarili pabalik sa iyong sasakyan at umalis.” Sinabi ko sa kanya habang nakaturo sa kanyang magarang itim na Ashton Martian.Sinusumpa ko, kung nandito siya para gumawa ng gulo, gugulpihin ko siya papunta sa space at pabalik.“Anong tinutukoy mo?” Tanong niya tumatayo. May tingin ng kalituhan sa kanyang mukha.“Sigurado ako na ang maliit na p*tang iyon ay tinawagan ka at nagsabi ng ilang kasinungalingan hindi ba?” Umangal ako, inaalala ang sinabi ni Emma.Tinapik ko ang paa ko at nakaabang para sa kanya na kumpirmahin ito. Ibig kong sabihin bakit siya dumating dito sa loob ng ilang minuto matapos ang tapat
Binuksan ko ang kandado, bago ako humarap sa kanila. Mas maganda ang anim na kamay kaysa sa apat. Bukod pa dito, may ilang piraso na mukhang mabigat. Mas madali na buhatin nila ito kaysa sa amin lang ni Ethan.“Pwede bang tumigil kayo sa pagtitig at tumulong kayo sa akin?” Ang tanong ko noong walang kumilos sa kanila.Nainis si Rowan at lumapit siya sa akin. Pagkatapos ay sumunod si Ethan.“So ano ang unang bubuhatin niyo?” Ang sabi ko noong walang kahit sino sa kanila ang kumilos.Naiinis na ako sa kanila. Sigurado ako na walang aalis kapag sinabi ko sa kanila, pero hindi sila tumutulong. Kung alam ko lang na mangyayari ito, nag-hire na lang sana ako ng tao.Sa huli, si Ethan ang unang kumilos at hinawakan niya ang isang dulo ng sofa. Pagkatapos kagabitn ang ngipin niya, si Rowan ang humawak sa kabilang dulo.Tahimik silang kumilos at dinala nila ang sofa sa sala. Pinulot ko ang kung anong madaling buhatin, dinala ko ang mga ito sa loob.Nagtrabaho kami ng tahimik. Sinubukan ko
Pilit kong inaalis ang kamay ko, pero walang silbi. Matatag ang pagkakalagay niya, ayaw bitawan. Hindi masakit ang pagkakahawak niya, pero sapat na ang higpit kaya hindi ko maalis ang kamay ko sa kanya."Harper" Babala niya nang subukan kong hilahin muli ang kamay ko.Bakit niya ito pinaghirapan? Hindi kaya hinayaan na lang niya ang isyu?"Walang dapat pag usapan" Umangal ako, nakatitig sa kanyang gwapong mukha.Nakakahiya na ang katotohanang muntik na akong sumuko sa haplos niya. Ngayon ay gusto niya akong ipahiya pa ngunit hinahagis ito sa aming pagpunta sa trabaho."Dyan ka nagkakamali." Hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. "Marami tayong pag uusapan."Anong kalokohan ang ginagawa niya? Nawala na ba ang kanyang katinuan? Siguradong may mali kay Gabriel, dahil napaka out of character niya.Sinubukan niya bang paglaruan ako? Iyan ba ang nangyari noon? Isang laro para sa kanya."Bitawan mo ako Gabriel," Sumisitsit ako, habang ang mga nakakaligalig na kai
Sa oras na aalis kami, kontrolado ko na ang aking emosyon.Ayokong aminin, pero nandoon pa rin ang pagkahumaling ko kay Gabriel. Ito ay mga taon. Halos isang dekada na gayunpaman, kaunti lang mula sa kanya para ma excite ako.Kinasusuklaman ko iyon. Kinasusuklaman ito dahil habang kasal ako kay Liam, kinailangan ng kaunting pagsuyo para mapukaw ako ng sapat para sa pagkilos. Huwag magkakamali, hindi masamang kasosyo si Liam. Hindi siya kumapit sa sex, ngunit ang aking pagpukaw ay hindi madaling dumating kapag gusto niya kaming maging intimate.Hindi ito gaanong kinuha kay Gabriel. Isang matinding tingin at ang mga magaspang na kamay na iyon sa aking balat at basang basa ako dahil sa kanya. Handa siyang ihatid ako. Ano ang sinasabi nito tungkol sa akin? Na ang aking dating asawa ay hindi nakuha ang bahaging ito sa akin, samantalang ang lalaking dumurog sa akin, di ba?Pagkatapos ng mabilis na malamig na shower, para maalis ang aking pagkapukaw at kahihiyan, nagbihis ako at nagtungo
Harper.Bumangon ako sa kama na parang nasagasaan ako ng track. Hindi ako nakatulog kahapon. Malalaman mo kung gaano ako katamad at bagal ngayong umaga.Pagtingin ko sa phone ko, nakita kong pasado alas singko na ng umaga. Alam kong hindi na ako makakatulog ulit kaya bumangon na lang ako. Sinabi sa akin ni Gabriel na may gym siya, kaya nagsuot ako ng leggings at isang sport bra at pagkatapos ay lumabas ng aking silid.Isang mahabang araw ang nauna sa akin. Ngayon ay Lunes, at ito ang unang araw ni Lilly sa paaralan. Nais kong ako ang kumuha sa kanya. Tila medyo kinakabahan siya nang matulog, ngunit sinubukan niyang bawasan ito.Ang tanging nakakapagpaginhawa sa kanya ay ang pagkaalam na makakasama niya si Noah. Sinabi niya sa akin na nangako si Noah na ipapakilala siya sa lahat ng kanyang mga kaibigan. Napakasweet at mabait sa kanya. Malinaw na pinalaki siya nang tama at kung gaano kabait si Ava sa akin, wala na akong inaasahan pa.Naglalakad ako sa madilim na pasilyo na sinusubuk
Calvin."Anong ginagawa mo sa bahay ko, Emma?" Sabi ko habang nagngangalit ang mga ngipin.Abala kami ni Gunner sa pagpipintura ng kwarto niya, bago tumunog ang doorbell. Ang huling bagay na gusto ko ay marinig niya akong sumisigaw at bumaba para lang makita ang asong ito.Sinamaan ko siya ng tingin habang nararamdaman ko ang galit ko sa loob ko. Nakakuyom ang aking mga kamao at ang aking panga ay mahigpit na nakaipit sa pagsisikap na pigilan ako sa pagsabog."Ako-ako" Hindi niya natapos ang pangungusap at mas lalo lang akong naasar.T*ngina nito! Lumabas ako ng bahay at isinara ang pinto sa likod ko. Kinailangan ko siyang paalisin."May tanong ako sayo, Emma!" Nagalit ako, nakakapit sa hawakan ng pintuan na parang vise grip, para lang pakalmahin ang sarili ko.Matapos ang lahat ng kalokohan na pinagdaanan namin ni Gunner sa kanya, may lakas ng loob siya ngayon na magpakita sa harap ng pintuan ko?Ang sakit at sakit sa loob ng mahigit halos isang dekada. Akala niya ba madali ko
Emma.“Sigurado ka ba dito?” Tanong ni Molly, ang nag aalala niyang mga mata ay nakatingin sa mukha ko. "Sigurado ka bang gusto mong gawin ito?"Sigurado ba ako? Ano ba. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya, pero may kailangan akong gawin, di ba?"Oo" Tumango ako, itinuwid ang aking likod sa determinasyon.Alam kong nagkamali ako ng malaki. Alam kong kasalanan ko ang nangyayari sa akin. Karma na ang humahabol sa akin, ngunit hindi ko ito hahayaang pigilan ako. Hindi ako maaaring umupo sa paligid ng paglilinis na nagnanais na iba ang mga bagay.Isinuot ko ang magandang sundress na napili ko. Kulay puti ito at may mga asul na bulaklak. Gusto kong magmukhang presentable, down to earth at mainit. Gusto kong magmukhang kaakit akit. Isang tao na magaan ang pakiramdam mo sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila. Ang mga sundresses ay palaging nagbibigay ng ilusyon na iyon."Napagtanto mo na maaari niyang isara ang pinto sa iyong mu
Tumango ako, saka humiga sa sofa habang binuhusan niya ako ng baso. Isa na kailangan ko.“Kailangan kong sumang ayon sa sinabi ni mom, si Lilly ay katulad mo. Nagulat ako sa sobrang talino niya. Kung paanong marami siyang alam pagdating sa pera.” Sabi niya pagkatapos lumagok sa baso niya.Napangiti ako ng may pagmamalaki. “Ganyan din si Noah na mini me mo. Napaka spot on niya pagdating sa pag alam kung aling mga kumpanya ang may potensyal."At ito ay totoo. Matalas si Noah pagdating sa mga potensyal ng kumpanya, tulad ni Rowan. Mababasa ni Rowan ang bagong potensyal ng kumpanya, kahit na ang mga nakatatag ng kumpanya.Ito ay dahil sa kanya na hindi kami gumawa ng isang masamang pamumuhunan kapag nakakuha ng isang bagong kumpanya.“Pakiramdam ko, dadalhin ng dalawa ang business world. Dadalhin nila ang korporasyon ng Woods sa mas mataas na taas. Katulad natin, magiging perfect duo sila." Binibigkas niya ang parehong bagay na iniisip ko.Kinuha ko ang aking baso, nilagok ko ang buo
Gabriel."Magiging okay ba kayong dalawa ngayong gabi?" Tanong ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan kina Harper at Lilly."Oo" Sagot niya at iniwas ang tingin sa akin. "Huwag kang magalala, baka makatulog na kaming dalawa pagpasok namin sa loob.""Okay", Umabante ako at hinalikan si Lilly sa pisngi. Mukhang handa na siyang bumaba. “Magandang gabi sweetheart.”"Goodnight daddy" Bulong niya.Bwisit. Sa tingin ko hindi ako masasanay na tinatawag niya ako ng ganoon. Gaya nga ng sinabi ko kanina, nung nalaman ko si Lilly, balak ko na gamitin siya bilang huling alas para makuha ang gusto ko mula kay Harper. Ngayon bagaman, ito ay isang ganap na naiibang kwento.Sa tuwing tinatawag niya akong ganyan, ngayon, kumikibo ang puso ko. Nakaramdam ako ng kung anong init na bumabalot sa loob ko. Kakaiba talaga. Wala akong naranasan dati.Sa isang maliit na alon at isang magandang gabi mula kay Harper, tumalikod sila at umalis. Matapos masigurado na ligtas na sila sa loob ng gusali, tumal
"Hi" Para sa kakaibang dahilan, nasabi ko ang salitang iyon.Ang pagharap kay Ava ay parang pagharap sa lihim mong crush. Bigla akong pinagpawisan at kinabahan.Sa halip na sumagot ay hinila niya ako ng mahigpit. Isang mainit na yakap iyon. Parang nakayakap sa malambot at malambot na teddy bear.“Natutuwa akong opisyal na makilala ka, Harper. Welcome sa pamilya.” Bulong niya kaagad bago siya humakbang palayo.Dinala ako ni Gabriel sa out-door setup na maraming pagkain sa mesa. Ginalaw niya ako kaya umupo ako sa tabi niya.Nakuha ba niya na kinaiinisan ko ang kalapitan niya ng may dahilan?Sa loob ng ilang segundo, lahat ay naghuhukay."Kung gayon, Harper, anong trabaho mo?" Tanong ng mom ni Gabriel.Napalunok ako, ng lumingon ang lahat. Naiinis ako kapag nakatuon ang atensyon sa akin."Ako’y isang interior designer," Sagot ko, habang sinusubukang panatilihin ang eye contact.Kung mayroong isang bagay na itinuro sa akin ng aking mom, ito ay ang pakikipag ugnay sa mata ay mahal
"Kasal siya kay Ava?" Tanong ko na lubos at lubos na nabigla."Oo" Sagot niya tapos nanliit ang mata niya. "Bakit parang gulat na gulat ka sa balitang iyan?"Nagkibit balikat na sagot ko. "Marahil dahil gulat pa din ako."At ako nga. Hindi ko kailanman nakita ang pagdating nito. Wala kahit kaunti. Tulad ng sinabi ko, kinasusuklaman ni Rowan si Ava, kaya paano siya napunta sa kanya? Paano ang mga bagay nagbago ng sobra na siya ngayon ay masaya at kung ano pa man?Ang Rowan na naalala ko ay moody, galit, bitter at may chip na kasing laki ng isang buong galaxy sa balikat. Panay ang pagsimangot niya sa mukha at bihira siyang ngumiti. Nangyari ang lahat ng pagbabagong iyon pagkatapos niyang matulog kay Ava at makipaghiwalay kay Emma.Itong bagong version niya ang nagpaalala sa akin noong kasama pa niya si Emma. Dati ay nagliliwanag ang mukha nito sa tuwing nakikita siya o malapit sa kanya. Panay ang ngiti niya na para bang ang presensya lang ni Emma sa buhay niya ang nagpapasaya sa kan