Share

Chapter 3

Author: Yam03
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“I’M Vladimir, anyway.” Vladimir finally introduce himself. Sa ilang oras na pagkakasama nila ng dalaga ay naging magaan na agad ang loob niya rito. And somehow, he was dreaming that someday she’s working with him…in the near future.

“Jennica, doc!” And that name already mark on his heart.

Pagdaka'y sabay na silang bumalik sa venue. Mabuti na lamang at iilan na lang ang mga tao sa paligid. Walang masyadong nakapansin sa kanila. Sinalubong naman agad sila ng ilan nilang mga kaibigan. Napangiwi naman ang mga ito nang makita ang kanilang ayos. Doktor pero nagmukhang mangingisda na. Basa ang ilalim ng pantalon nitong itinaas din hanggang sa ilalim ng tuhod. Bahagyang nagulo ang buhok at may bitbit na pusa. Sa kabilang banda, isang binibining nakalugay ang buhok. Bitbit sa kaliwang kamay ang hinubad na high heeled stiletto. Basa din ang laylayan ng gown at sa kanang kamay may hawak na garapon na naglalaman ng isang palaka.

“What’s happening?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Raphael.

“Saan ba kayo galing at bakit gan’yan ang mga itsura n'yo?” tanong naman ni Kristine.

“Bakit may bitbit kayong…” Nanlaki ang mata nito. “What the fuck! Ano 'yan? Palaka at pusa?” komento naman ni Alex na natatawa.

They were just looking at each other and then smiled. Iyong tipong parang sila lang ang nagkakaintindihan. Bahala nang mag-isip ang kanilang mga kaibigan at least masaya ang araw na iyon para sa kanilang dalawa.

That was the moment, Vladimir couldn’t ever forget. It’s somewhat funny but she really made his day. That was the craziest thing he ever done because of that blithe-spirited woman.

---

HALOS liparin ni Jennica ang main entrance ng ground floor papuntang elevator makasakay lang do'n. Fifteen minutes na lang kasi at magsisimula na ang emergency meeting nila.

Lakad-takbo na rin ang ginawa niya, makarating lang sa conference hall. Hindi siya maaaring mahuli at siguradong siya na naman ang center of attraction ng grupo.

“Good morning, Ma'am Klea–,”

But she was astounded that the room were occupied by the director, board members and all head doctors in every department. Natigil tuloy sa pagsasalita ang ama ni Vladimir nang makita siya. Nakatayo ito sa harap at parang may pinapaliwanag. Lahat din ng mga mata ng mga taong naroroon ay napako ang tingin sa kaniya, even the gaze of Vladimir with a are-you-lost-baby-girl look.

Namula ang pisngi niya sa kahihiyan at napayuko na lamang. “S-Sorry, director!”

Nahihiya siyang tumalikod at sapo ang noo nang lumabas sa silid na iyon. Ang tanga naman niya. Late na nga siya, mali pa 'yong kuwartong napasukan niya. Wake up, Jennica!

Nagulat na lamang siya nang magdagsaan palabas sa kabilang silid ang mga kasamahan niyang nurses. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang head nurse nilang nakabusangot na naman. Paktay! Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang matatanggap niya mula rito.

“Maripur, nasaan na naman ang kaibigan mo? Late na naman?” Dinig niyang tanong ni Klea sa kaibigan niya.

Napapakamot naman sa ulo nito si Maripur. “Ah…nandito na po siya kanina, Ma'am. Nagka-LBM lang.” Napapikit naman siya sa naging dahilan ng kaibigan. Sa dinami-dami ba naman na pwedeng maging alibi nito bakit 'yong natatae pa.

“Make sure that you’re telling me the truth. Kung hindi malalagot kayong dalawa sa akin ni Jennica.” Minsan pa itong lumingon sa gawi niya na para bagang may nahagip sa peripheral vision nito. Mabilis naman siyang tumalikod habang ginamit na panangga sa mukha niya ang dalang portfolio.

Kailangan niyang magtago para hindi siya nito makita. Pikit-mata niyang pinihit ulit ang seradura ng conference hall at parang ninja na nagtago sa ilalim ng lamesa kung saan nakaupo si Vladimir. No choice siya at baka makita na naman siya ng ama ng binata. Bawal kasi sa kanila ang makisali sa discussion ng bureaucracy ng ospital.

Nanlaki naman ang mata ni Vladimir nang makita ang ginawa niya. “J-Jennica? What are you doing down there?” halos bulong na iyon para hindi marinig ng katabi nitong doktor.

Jennica put her index finger to her mouth. “Ssshh…'wag po kayong maingay, doc. Pasensya na, mamaya na lang ako magpapaliwanag.”

Wala mang maintindihan pero hindi na nagtanong pa ang binata. He's trying his best to get back to his normal composure but he can’t. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya at nahirapan siyang lunukin pati sarili niyang laway.

Nanginginig ang mga tuhod niya at parang may kung anong bagay ang gumagalaw sa loob ng kaniyang sikmura. “Are you okay, doc?” tanong ng katabi nitong doktor nang mapansin ang pamumutla niya.

Pinilit niyang ngumiti. “I’m fine.” Napabuntong-hininga siya. Kumuha ng lakas para bumalik ang kaniyang konsentrasyon. Pero paano niya magagawa iyon kung may babaeng nagtatago sa ilalim ng kaniyang lamesa?

Samantalang nagpakurap-kurap naman ang mata ni Jennica at napatakip ng bibig nang magkamali siya sa paglingon. Napatutok ang mata niya sa gitnang bahagi ni Vladimir. Nakailang beses din siyang napalunok at parang hihimatayin na. Bukod sa pawisan na siya, para na rin siyang mawawalan ng hininga sa malaking bagay na nakikita niyang nakaumbok sa pagitan ng mga hita ng binata.

“Juskolord! Alam ko pong makasalanan ako. Pero 'wag n'yo naman po akong itulad kay Eva na nakakita lang ng ahas natukso na agad.” Piping panalangin niya habang nanginginig ang mga kamay.

“That’s all for today. Dismiss!” Director Dela Peña's speak with finality.

Pakiramdam ni Vlad. He needs to review what his father told them dahil ni isang salita, walang pumasok sa utak niya nang dumating si Jennica.

Mabilis namang nagsitayuan ang mga tao sa loob maliban kay Vladimir. Napansin naman agad siya ni Mateo na hindi manlang gumagalaw sa kaniyang kinauupuan.

“Vlad? Hindi ka pa ba lalabas?” tanong nitong may pagtataka.

“Susunod ako. Kukunin ko lang 'yong laptop na ginamit ng director.” He thinks fast. That alibi is not a lie dahil totoo namang laptop niya ang ginamit sa buong panahon ng meeting. Tinapik lamang siya sa balikat ni Mateo bago ito lumabas.

Nang masigurong wala ng ibang tao ang nasa loob ng silid. Tumayo na si Vladimir para bigyang daan si Jennica. Gumapang naman palabas ang dalaga sa ilalim ng lamesa nito. Pawisan ito at para bagang kinailangan mabigyan ng CPR.

Vladimir cross his arms and furrowed his eyebrows. “You have fifteen minutes to explain why you entered the room and hiding under my table.”

Napangiwi naman si Jennica habang hawak ang balakang. Sumakit yata ang buong katawan niya kakayuko sa ilalim ng lamesa. Mas lalo lang siyang nailang nang makita ang reaksyon ng binata.

“Ah…ano kasi, doc. Nagtatago ako kay Ma'am Klea.” Ngumiti siya na parang aso. “Na-late ho kasi ako sa meeting namin. Baka pagalitan na naman ako.”

“Late again?” Nahihiyang tumango naman si Jennica. Nagising naman siya ng maaga. Hindi niya lang maintindihan kung bakit napaaga 'yong meeting nila at kung bakit hindi man lang siya na-inform ni Maripur. Mamaya na niya kukutusan ang babaeng 'yon.

“Okay. Bring my laptop and follow me to my office.”

Kaagad namang tumalima si Jennica. Paglabas ni Vladimir do'n lamang siya nakahinga ng maluwag. “Akala ko pa naman magtatanong pa siya kung anong nakita ko sa ilalim.”

Pagdaka'y pumunta na ito sa harap para kunin sa lamesa ang laptop ng binata.

“Dr. Vlad.” Kaagad namang napalingon si Vladimir nang tawagin siya ni Klea. Malapad ang ngiti nito nang tumapat sa kaniya. “Here’s the list of nurses na makakasama natin sa medical mission sa Isla Valenciana.”

Kaagad namang kinuha ni Vlad sa kamay ni Klea ang listahan. He swiftly scan it. “Where’s the name of Miss Jennica Arevalo?”

Napangiwi naman si Klea nang marinig ang pangalan ng dalaga. “She’s absent, doc!”

“No! She’s doing another assignment. Napataas naman ang isang kilay ni Klea. Assignment? Ang pagkakaalam niya inatake raw ito ng LBM. “Now, add Miss Arevalo to the list.”

“Pero doc! Six nurses are enough to the medical team. Maliit na community lang naman ang Isla Valenciana.”

“Do what I say, Miss Samonte. Isa sa maaasahan si Miss Arevalo pagdating sa ambulatory care.”

“Pero doc! Ang sabi n'yo po, ilagay ko lang ang mga pangalan na present sa meeting.” Pagpupumilit ni Klea.

“I know. No buts Miss Samonte, just put her name as part of the team.” He commanded. “Miss Arevalo's not around because I told her to take some few notes while we also have our meeting at the conference hall.”

Nanlaki naman ang mata ni Klea nang makitang lumabas nga sa silid na iyon si Jennica, bitbit ang laptop nito. “Goodmorning Ma'am Klea.” Jennica greeted her but she was irritated. Pakiramdam niya sinasapawan ni Jennica ang pagiging head nurse niya. At mas lalo pa siyang naiinis ngayong madalas na itong dumikit sa tabi ng binata.

Agad niyang kinuha sa kamay ni Vladimir ang listahan. “Sige po, doc! Ilalagay ko na ang pangalan ni Miss Arevalo.”

“You may leave.” Vladimir ordered her. Tumango naman si Klea pero pinanliitan niya ng mata si Jennica. Isa na namang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo niya rito.

Binalingan naman ni Vladimir ang dalaga. “Give me my laptop and proceed to the nurse station.”

“A-Akala ko po doc sa office n'yo?”

“Never mind! Tatawagan ko na lang si Vina.”

Ngumiti lang si Jennica at inabot ang laptop nito. “Thank you, doc.” Narinig ng dalaga kung paano na naman siya pinagtakpan ni Vladimir. Hindi na nga yata niya mabilang sa daliri ng kaniyang mga kamay kung ilang beses na siya nitong pinagtanggol. Tumango lang ito sa kaniya saka siya tinalikuran.

Samantala nang makita niya si Maripur ay kaagad niya itong binatukan. “Aray naman! Ba't mo naman ako binatukan? Ang sakit kaya!” reklamo nitong napahawak sa tuktok ng ulo nito.

“Maria Purificacion Santa Lucia Encarnacion. Ang dami mo na talagang kasalanan sa 'kin.”

“Kailangan mo talagang ipangalandakan 'yong pangalan kong mas makaluma pa sa pangalan ng lola ko?” reklamo ulit nito.

“At bakit? ‘Yan naman talaga ang totoong pangalan mo 'a.”

“Jusmiyo! Hinaan mo lang. And'yan 'yong crush ko 'e. Baka maturn-off.” Sinundan naman ng dalaga ang tinuro ng kaibigan. Nakita niya naman na nakatayo sa bending machine ang isang may katangkaran na lalaking nurse. Pero nang makilala niya ang pagmumukha nito bigla siyang natawa.

“My gosh! Si Jake 'yong crush mo? Magka-crush ka lang naman do'n pa sa bakla.”

Mabilis namang tinakpan ni Maripur ang kaniyang bibig. “Manahimik ka nga! Baka mamaya marinig ka niya. Nakakahiya.”

“Anong nakakahiya? E, totoo naman 'yong sinasabi ko.”

“Tsk! Ang ewan mo talagang babaeta ka. Porke may Dr. Vladimir ka na 'e nagyayabang na!” asik ng kaibigan.

“Sshh…'yang bibig mo. Umayos ka kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo. Sinabi ngang walang kami 'e. Ang hilig mo talagang gumawa ng issue.”

“Oo na!” Inirapan siya nito. “O, ano palang sinasabi mong kasalanan ko sa 'yo? Mayroon ba?”

“Hmp! Hindi mo man lang ako in-inform na nagbago na pala ang oras ng meeting natin. Muntik na akong ma-sermunan kung hindi dahil kay–,”

“Kay Dr. Vlad? Nangingiting dugtong ni Maripur. “As always, your superman saves your day. Pasensya ka na, friend! Biglaan din kasi. Mainit ang ulo ni Ma'am Klea kanina nang pinatawag kami. Kaya hindi na kita natawagan.”

Napasimangot naman siya. “Palagi namang galit si Ma'am Klea. Iyong tipong araw-araw may dalaw.”

“Paano? Stress palagi. Alam mo na! Palaging siya ang kinagagalitan ng mga doktor kapag may nangyaring hindi maganda.”

Napabuntong-hininga siya. Parang hindi naman talaga iyon 'yong dahilan. “Nga pala, sabihin mo sa akin ano 'yong napag-usapan n'yo sa auditorium.”

“We have a medical mission to Isla Valenciana.”

“Ha? Hindi ba’t ang layo no'n?”

“Oo! Pero kailangan kasi ng mga tao roon ang check-up at mga gamot.”

“Kailan ba 'yon?” tanong muli ni Jennica.

“Next week. Excited na ako, friend. Kasama kasi si Jake no'n.” Tumawa pa ito. Halatang kinikilig. Siya naman napapailing. Itong negra niyang kaibigan nagkakagusto sa isang bakla. Sayang! Gwapo sana.

“Ilan ba tayo?”

Sandaling nag-isip si Maripur at gamit ang mga daliri sa kamay na nagbilang. “Twelve yata tayo.”

“Ilang days tayo do'n?”

“About four days and three nights. Hindi kasama 'yong araw ng pagpunta natin do'n.”

She took a deep sigh. Minsan pang sumagi sa isipan niya ang kalagayan ng bunsong kapatid. “O, anong problema? Hindi ka ba natutuwa?”

“Ang ibig sabihin kasi malalayo ako sa pamilya ko. Sinong mag-aalaga kay Jester kung sakaling may mangyaring masama sa kaniya?”

“Ano ka ba? Huwag kang nega. Hindi nakakatulong 'yan. Pwede ka namang magback-out at magpapapalit na lang kung ayaw mo 'e.”

Umiling siya. “No. This is our mission. Mas maraming tao ang nangangailangan ng ating tulong.” Ngumiti naman si Maripur.

“That’s the spirit.” Ngumisi pa ito. “Tara na. Baka makita pa tayo ni Ma'am Klea. Parang demonyita pa naman 'yon kung magalit.” Nagtawanan sila sa tinuran ni Maripur.

---

“MAG-INGAT ka do'n, anak. Kapag may nangyaring hindi maganda tumawag ka agad.” Hindi magkandaugaga sa pagbilin ang ina ni Jennica habang naghahanda na siya sa kaniyang pag-alis.

“Nay, okay lang ako do'n. Huwag na kayong mag-alala. Kayo ang inaalala ko. Si Jester. Kayo ang dapat mag-ingat. Basta, 'wag n'yong kalimutan ang maintenance niya. Tawagan n'yo rin ako agad kapag may nangyari, ha?” Hawak ang kamay ng ina habang sinasabi niya ito. Hinaplos naman siya ni Aleng Isabel sa kaniyang pisngi at pinakatitigan ng maigi sa mga mata.

“Salamat anak…” Mangiyak-ngiyak na naman ito. “Ang dami na naming utang na loob sa 'yo. Minsan nahihiya na ako bilang nanay mo.”

“Ayan na naman kayo, nay. Huwag ka ng umiyak d'yan. Para tayong namatayan 'e.”

“Oo nga, nay. Huwag ka ng mag-drama. Hindi naman mag-aabroad si ate 'e!” biglang sabat ni Julie nang datnan ang dalawa sa sala.

“O, s'ya sige nay. Alis na ako. Baka mahuli ako sa byahe 'e.” Pinaghahalikan ni Jennica ang nanay at mga kapatid.

“Ingat ka ate. Pasalubong namin ha?” Natawa na lang siya sa sinabi ni Jester.

“Oo. Basta pakabait kayo rito, ha? Julie, ikaw na muna ang umalalay kay nanay.”

“Don’t worry ate. Ako ng bahala. Bye ate.”

“Ingat nak.” Kumaway na ang mga ito habang lulan siya ng tricycle papunta sa bus station kung saan usapan nilang lahat ng mga kasama niya na magkita-kita.

“Roll call muna tayo.” Pumagitna si Klea sa labas ng bus station. Iyon na ang araw ng pagpunta nila sa Isla Valenciana. Mula sa Del Fuego sasakay muna sila sa bus papunta sa daungan ng bangka sa San Andres patawid sa nasabing lugar. Aabutin sila ng mahigit apat na oras sa biyahe papunta sa Isla.

“Wala pa rin ba si Miss Arevalo?” tanong ni Klea sa mga kasamahan. Lumingon-lingon naman ang iba pero sabay-sabay na napailing. Tumirik naman ang mata nito sa inis. “Mauna na tayo. Maripur, tawagan mo na lang si Jennica na sumunod na lang. Let’s go, guys!” At nauna na itong umakyat sa bus. Sumunod naman ang iba pang mga nurses maliban kay Maripur na panay kontak kay Jennica.

“Awarded ka na talaga sa pagiging late comer. Basta humabol ka. Aalis na kami 'e. Sa daungan na lang tayo ng San Andres magkita-kita. K, bye.” In-end call na ni Maripur ang tawag at sumunod na rin sumakay sa nakaparadang bus.

PANAY sulyap sa relo niya si Jennica at naiinip na habang hinihintay na umilaw ang red sign para makatawid siya sa kabilang kalsada. Pero habang hindi siya mapakali sa kinatatayuan bigla na lamang nagsigawan ang mga tao sa paligid niya. Lahat nahintakutan, nagulat at natatarantang nagsitakbuhan.

May aksidenteng nangyari hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Dahil hindi niya nakita ang pinangyarihan may kinalabit siyang isang babae.

“Ate, ano po bang nangyari?”

“Naku, neng. May isang batang nalaglagan ng kinakabit na board sign ng isang department store. Nabasag ang salamin at tumama yata sa bahagi ng kaniyang katawan.” Kuwento ng natataranta ring babae.

“Gano'n po ba? Sige po, salamat.” Mabilis niyang iniwan ang ale at hila ang kaniyang bagahe nang nagtatakbo na rin siya sa kinaroroonan ng pinangyarihan ng aksidente.

Nadatnan niyang umiiyak ang nanay ng batang walang malay habang yakap-yakap ito. Namantsahan na rin ng dugo ang babae dahil dumidikit sa suot nito ang likido sa natamong sugat ng bata na pakiwari niya'y patuloy pa rin ang pagdaloy mula sa ulo at katawan nito.

“Tulungan n'yo ang anak ko. Maawa kayo, please…” hinaing ng ina. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Naawa naman si Jennica sa sinapit ng bata. Sa tingin niya'y kasing-edad lamang nito ang kapatid niyang lalaki.

“Tumawag kayo ng ambulansya. Kawawa naman 'yong bata, 'o.” Dinig niyang suhestiyon ng isang lalaking nakiusyoso na rin. Ang may-ari ng department store ay komontak na sa emergency hot line ng ospital. Samantalang ang ibang mga taong naroroon ay nakikinuod na lang at wala man lang kumikilos para tulungan ang mag-ina.

“Buhatin n'yo na ang bata. Kawawa naman,” anang isang babaeng nakikiusyoso rin.

Hindi na nakapagpigil ang dalaga lalapitan na sana niya ang bata para bigyan ng first aid nang makita niyang may tumatakbo sa kinaroroonan ng mag-ina. Gano’n na lamang ang panlalaki ng mata niya nang mapagsino ang dumating.

“Dr. Vladimir?”

“PLEASE step aside, Ma'am. I’m a doctor.” Nagulat ang babae nang tumabi sa kaniya si Vladimir at kinuha ang anak nito para buhatin at ihiga sa may bandang malinis na sahig. Kahit ang mga tao ay namangha nang gawin niya iyon. He checked the boy's neck and he found out that the boy got wounded.

“Ha? Sino siya?” Dinig nilang tanong ng ilang mga nakikiusyoso.

“Doktor yata siya,” sagot naman ng isa.

“How’s my son, doc? Is he okay?” tanong ng ina ng bata kay Vladimir, bakas sa mukha ang pag-aalala para sa anak.

“His jugular veins cut. We need to put pressure to the wound.” He told to the mother of the boy.

Lumapit naman si Jennica para tulungang i-assist si Vladimir. “Doc, you need help?”

“J-Jenny…” Ngumiti siya rito. “May extra cloth ka ba d'yan?”

Agad namang naghalungkat ng gamit nito si Jennica sa kaniyang bag at kinuha niya ang isa niyang extrang damit.

“Okay na ba 'to, doc?” Ipinakita niya iyon kay Vladimir sabay abot. Kaagad naman iyong kinuha sa kamay niya ng binata.

“That’s fine. Thank you.” Vladimir place the cloth to the wound. “We need to stop the bleeding so the boy could breath.”

Lahat ng mga taong nasa paligid ay mataman lamang na nanunuod sa ginagawa ni Vladimir. Then, after puting pressure the boy deeply inhale. Nagpalakpakan pa ang mga ito nang makitang humihinga na ang bata. Napangiwi naman si Jennica dahil sa mga naging reaksyon ng mga ito. Akala mo'y parang nanuod ng theater act show.

“Wow! Ang galing naman n'ya.”

Napalingon naman ang lahat nang dumating ang ambulansya at tumatakbo sa kinaroroonan nina Vladimir ang ilang member ng paramedics at EMT. Abala sa paghuhugas ng alcohol sa kamay nito ang binata nang lapitan ng isa nitong kaibigan ding doktor na si Mateo.

“Dr. Vladimir…”

“Kayo na ang bahala, Dr. Mat. The boy's fine but he needs to undergo some tests and ambulatory observation.”

Tinapik naman ni Mateo sa balikat nito si Vladimir. “Glad you’re here. Thanks, doc.”

Tumango naman si Vladimir bago binalingan ang ina ng bata. “Ma’am, dadalhin po sa Dr. Honorato Dela Peña Memorial Hospital ang anak n'yo. Siya po si Dr. Mateo San Sebastian. For now, siya po muna ang mag-aasikaso sa anak n'yo.”

Hinawakan naman ng babae ang mga kamay ni Vladimir. Mangiyak-ngiyak ito sa tuwa pero hindi pa rin nawawala ang pangamba para sa kalagayan ng anak. “Maraming salamat po, doc! You saves my son's life.”

Ngumiti naman ang binata. “Walang anuman, ho.”

Inasikaso na nga nina Mateo at ang mga kasama nito ang batang lalaki habang sumunod naman sa kanila ang ina nitong sumakay sa ambulansya.

Nagsialisan na rin ang kaninang mga taong nakikiusyoso sa nangyaring aksidente at nililinis na ng mga trabahador ng nasabing department store ang mga basag na bubog at nasirang board sign.

Binalingan naman agad ni Vladimir ang dalaga. “Salamat sa tulong mo.”

“You’re welcome, doc. Pero namantsahan yata 'yong damit n'yo.” Turo ni Jennica sa kasuotan ni Vladimir. May mga dugo na rin kasing kumapit sa polo nito.

“Don’t worry. I have spare clothes. May damit ako sa sasakyan. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sasabay ka kina Nurse Klea?” tanong nito sa kaniya. Napangiwi naman siya. Nakakahiya. Baka isipin nitong late na naman siya. Ang traffic kasi.

“Ah, a-ano kasi doc–,”

“Never mind. Alam ko na ang sagot. Gusto mo bang sumabay sa 'kin?”

“Ah, 'eh…pwede po ba?” Nangingiti siyang parang aso at napapakamot pa sa ulo. Wala na talaga siyang choice tutal parehong destinasyon naman ang pupuntahan nila.

“Yeah, sure!” Nagpatiuna na itong maglakad habang nagmamadali namang sumunod si Jennica sa binata.

Namangha naman siya nang makita ang sasakyan nito. Dala nito ay Jeep Wrangler na kulay itim.

“Akin na 'yong gamit mo.” Inabot naman ni Jennica sa binata ang kaniyang mga bagahe at inilagay naman nito iyon sa likurang bahagi.

Pu-pwesto na rin sana siya doon nang pigilan siya ni Vladimir. “What are you doing?”

“Ah, dito na rin po ako uupo, doc.” Umiling ito.

“No! Magmumukha akong driver mo.” Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa may harapan. “Dito ka umupo sa passenger seat.”

Nahihiya naman si Jennica na pumasok do'n. “Ah, t-thank you, doc.”

Tumango naman ang binata at umikot sa kabila para makapwesto naman sa driver seat. Hindi naman mapakali sa kinauupuan nito ang dalaga. First time iyon na magkasama sila sa iisang sasakyan ni Vladimir at sila lang dalawa—magkatabi pa.

Napansin niyang bigla itong naghubad kaya hindi niya tuloy maiwasan titigan ang katawan nito. What the hell. Bumalandra sa mata niya ang six pack abs nito. Her mouth filled with saliva when she saw his hot-tempted body. Bigla siyang umiba ng direksyon nang lumingon sa kaniya si Vladimir.

“Gosh! Napansin niya kaya?” bulong ng dalaga sa sarili. “In fairness, ang ganda ng katawan ni Dr. Vlad. Laman din siguro siya ng g-gym–” Nahinto siya sa kakabulong nang lumapit at tumunghay sa kaniya ang binata. Hindi niya iyon inaasahan. “D-Doc V-Vladimir, ano pong ginagawa n'yo?” nagkandautal-utal tuloy siya sa pagsasalita dahil sa kaba sa kaniyang dibdib.

Biglang umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo at parang mawawalan na siya ng hininga nang mapagtantong ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. She was uncomfortable because he was looking at her with an intense gaze. Without a warning, Vladimir put her seat belt and open the window on her side. Napapikit tuloy siya ng mata. “I guess, you need some fresh air. You looked a little pale.”

Napangiwi naman si Jennica. Ang buong akala pa naman niya ay hahalikan siya nito. Napabuntong-hininga siya at ngumiti rito. “T-thank you, doc.”

May kinuha namang bagong damit si Vlad sa likuran niya at ipinampalit iyon sa polo niyang namantsahan ng dugo. “Sorry, did I make you uncomfortable?”

“Ha? O-okay lang ako, doc.” Pero ang totoo, talagang namumula na siya sa kaba at pamumutla niya.

“Are you ready?” Tumango naman ang dalaga at ini-start na nga ni Vladimir ang engine ng sasakyan nito. Kamuntik pang masubsob sa dashboard si Jennica nang pinaharurot bigla ng binata ang sasakyan. “Ooops, sorry. Nasanay kasi akong mabilis magpatakbo.”

“Jusko! Hindi n'yo naman po sinabi sa 'kin na racer ho pala kayo, doc. Gusto ko tuloy isipin na kayo 'yong driver ng ambulance natin 'e.” Natawa naman si Vladimir sa sinabi niya. Namangha naman si Jennica sa pagtawa nito. Parang may hatid na kiliti iyon sa kaniyang pandinig. Bukod sa husky ang boses ng pagtawa nito mas lalo pa itong naging magandang lalaki sa paningin niya. Ngayon niya lang napagtanto na ang binata at maging mga kaibigan nito'y mga gising no'ng nagpa-ulan ang kalangitan ng ka-gwapuhan at kakisigan. Tama ngang sabihin na ang mga ito ay pinagpalang nilalang.

“Babagalan ko na lang para sa 'yo. Ayoko naman na maaksidente tayo dahil sa mabilis ako magpatakbo.”

Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan na hindi tingnan ni Jennica si Vladimir. He's wearing an eyeshades. Naka-casual attire lang din ito. Iyong tipong parang nag-aadventure. Tahimik lang din ito at diretso ang tingin sa harapan. Naging maingat na rin ito sa pagpapatakbo.

Napanguso si Jennica at inilipat na lamang ang tingin sa labas ng bintana. Malayo-layo pa talaga ang biyahe nila. Nagulat na lamang siya nang buksan ni Vladimir ang stereo at nagpatugtog. Country song pa 'yong nakasalang. Natawa siya. Ang hilig pala nito sa mga old songs.

“I know that song.” Pagbubukas ni Jennica ng usapan.

Napalingon naman ang binata sa kaniya. “So, mahilig ka rin sa country song?”

“Not really, pero gusto ko lang 'yong naka-play.” Tumawa siya. “That’s Heaven by Kane Brown.” Napangisi naman si Vladimir.

“I also love this song. Di masakit sa tainga. Kala ko nga sasawayin mo ko dahil nagpatugtog ako ng music. Naisip ko rin kasi na baka ma-bored ka sa buong biyahe.”

“No worries, doc. Okay nga sa akin 'yon e. Hmmm…baka nagugutom ka na? May pinabaon sa akin 'yong nanay ko. Gusto mo tikman? Gawa niya iyon 'e. Banana chips.”

“Yeah, sure. Siguradong masarap 'yan.”

“Siyempre, nanay ko 'yong gumawa 'e. Binebenta niya rin kasi ito sa maliit na tindahan namin.”

“I hope I can visit there and met your family.” Vladimir silently said. It was almost a whisper.

Napaawang naman ang labi ni Jennica sa sinabi nito. Pakiramdam niya parang may pinapahiwatig ang binata pero hindi niya malaman kung ano. Pero binalewala na lamang niya iyon baka kasi guni-guni niya lang iyon. Ipinagpatuloy na lamang nila ang kanilang usapan.

Natuwa naman si Vladimir at hindi na ackward 'yong atmosphere sa pagitan nilang dalawa ni Jennica. Mabuti na rin iyong nagku-kwentuhan sila para naman maging masaya ang ginagawa nilang paglalakbay papunta sa daungan ng San Andres.

Hanggang sa nakatulog na lamang si Jennica nang nasa kalagitnaan na sila ng biyahe. Pasimple lamang na sinusulpayan ni Vladimir ang magandang binibining nakanganga pa at naghihilik sa kaniyang tabi. Natatawa tuloy siya na napapailing. Pero hinayaan na lamang niya. Mabuti na rin iyong makapagpahinga ito.

Dumating sila sa San Andres pero tulog pa rin ang dalaga. “Kuya, where’s Jennica?” salubong na tanong agad ni Vina nang lapitan nito ang kapatid na kakababa lamang ng Wrangler.

“Ssshh..she’s still sleeping.”

Nangingiti naman si Vina nang makita nito si Jennica sa passenger seat na mahimbing ang tulog. “Aysus! Anong pakiramdam na magkasama kayong dalawa?” Kinikilig pa si Vina habang nakakapit sa braso ng binata.

“Vinaline…I warn you. Stop teasing me. Baka mamya magising si Jenny.”

“Don’t tell me. Hihintayin pa natin magising 'yang sleeping beauty mo 'e kanina pa nga kami naghihintay sa inyo. Ano 'yon? Another extension? Gisingin mo na kasi ang prinsesa mo. Give her a kiss.” Kumindat-kindat pa si Vina.

“Tsk! Oo na pero walang kiss. Baka mamya makatikim ako ng sampal niya.” Tumawa naman si Vina sa tinuran niya. “Sige na, bumalik ka na sa daungan. Sabihin mo umakyat na silang lahat sa bangka. Susunod kami ni Jennica.”

“Sige, kuya.” Nagtatakbo na nga itong nilapitan ang iba pa nilang mga kasama na nababagot na kakahintay sa port.

Samantalang maingat namang tinapik-tapik ni Vladimir ang pisngi ni Jennica para ito'y magising na. “Wake up, Jenny. Nandito na tayo.”

Parang bata namang naalimpungatan ang dalaga. Ini-unat pa nito ang dalawang braso at napahikab. Nagpakurap-kurap pa siya ng maraming beses nang nakatunghay na naman sa kaniya ang gwapong mukha ni Vladimir. “Welcome to San Andres port, sleepy head.”

Dahil sa kahihiyan ay dali-dali siyang tumalikod rito. Napapikit at pasimpleng kinukutusan ang sarili. “Nakakahiya ka talaga, Jennica. May laway ka pa sa labi. Baka may muta ka pa. Jusko!”

Napangisi na lamang si Vladimir sa naging reaksyon nito. Kahit ano namang gawin nito, still he found her cute in her own little ways. “Huwag ka ng mahiya. Maganda ka pa rin naman. Isa pa, mas may tono pa pala ang hilik mo kaysa sa pinapakinggan kong kanta kanina.”

Napangiwi siya sa sinabi nito. “S-Sorry po, doc. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako.”

“It’s okay. Now fixed yourself. Hinihintay na tayo sa bangka.”

“Iiwan mo 'yong sasakyan mo dito?” may pag-aalalang tanong niya.

“Yap. Don’t worry. Isa sa may-ari ng port ay kaibigan ko. Hindi naman ito mawawala dahil na sa akin pa rin naman ang susi.” Ipinakita nga nito ang susi na hawak.

Maya-maya lamang ay nagsimula na silang umakyat sa bangka. Nauna nang umakyat ang mga lalaking kasama nila para alalayan ang mga kababaihan. Klea was the first to step in. Next dalawa pa nilang kasamang babaeng doktor na may katandaan na.

“Ikaw na Nurse Jenny,” ani Vladimir sabay hawak sa kamay ng dalaga para alalayan itong umakyat sa bangka. “O, one step at a time lang. Dahan-dahan para hindi mahulog.”

Nagkatinginan naman sina Maripur at Vina nang makita kung paano alalayan ni Vladimir ang dalaga. “Sana all, hawak-kamay.” Sabay pang bulalas ng mga ito.

Napansin naman agad iyon ni Klea at napasimangot siya sa nakita. “Kaya naman na siguro 'yan doc ni Nurse Jennica. Ang dami pang nakapila o,” aniya.

“Ah, oo nga doc. Salamat,” sabat ni Jennica at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya ni Vladimir. Ayaw na niyang isipin na may special treatment na nangyayari at maghuhurumintado na naman si Klea mamya at siya na naman ang pag-initan nito.

“Inggit na naman ang isa,” bulong na saad ni Vina. “Kuya, ako naman.” Pero hindi na siya pinansin ni Vladimir. Nagtuloy-tuloy na ito sa pagbuhat ng mga bagahe nila.

“Kaya mo na 'yan. Ang tagal tagal na nga nating sumasakay ng bangka. Mas nauuna ka pa nga sa aking umakyat,” anang binata. Inirapan niya ang kapatid.

“Kuya naman…”

“Akin na ang kamay mo, Vina.” Napaangat naman ng tingin si Vina nang ilahad ni Jake ang palad nito sa kaniya.

Napangiti naman si Jennica dahil mukhang nagkamali siya ng judgement kay Jake. “Thank you.”

“Ako din, Jake…” ani Maripur na inilahad ang kamay kay Jake matapos nitong tulungang umakyat si Vinaline pero napasimangot siya nang hindi man lang siya nito pinansin. “Tss...”

Nagdadabog na lamang siyang pumanhik mag-isa sa bangka. Tatabi na sana siya sa pag-upo kay Jennica nang unahan siya ni Vladimir. Napaatras siya’t umupo sa tabi ni Vinaline. “Check mo mamaya sugar ko. Magkakasakit na yata ako ng diabetes.”

Related chapters

  • Every Heartbeat Counts   Chapter 1

    Family. Profession. Love. PAMILYA ang dahilan kung bakit mas pinili ni Jennica ang unahin ang trabaho kaysa buhay pag-ibig. Wala siyang ibang hinangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid kung kaya sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Nursing at makapasa sa board exam para makapasok sa prestihiyosong ospital sa kanilang bayan. Mahirap ang kinagisnan niyang pamilya. Pero kahit gano’n pa man ay sinikap ng kaniyang ina na maitaguyod siya sa kaniyang pag-aaral. Ang ina niya ay isa lamang tindera ng Sari-sari store na nakatayo lamang sa harap ng kanilang maliit ding bahay. Maaga kasi silang naulila sa ama dahil namatay ito nang maaksidenteng mahulog sa building na pinapasukan nito. Isang construction worker naman noon ang kanilang ama. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang panganay nila ay maagang nabuntis at nakapag-asawa. Ang sumunod sa kaniya ay nasa high school pa lamang at sa batang edad ay natuto na r

  • Every Heartbeat Counts   Chapter 2

    DUMATING na nga ang nakatakdang araw ng operasyon ng pasyente na nasa ICU. Kabado ang buong pamilya ng pasyente habang naghihintay sa waiting area ng operating room. Ang nanay nito ay hindi na mapakali sa inuupuan habang patuloy na sinasambit ang mahinang panalangin. Sino ba naman ang hindi inaasam ang kaligtasan ng pamilya? Siyempre, wala. And Jennica still believes that everyone deserves a second chances…to live. Well, a human life is made up of choices. To live or die. To fight or give in. To become a hero or a coward. These are the significant choices. Sometimes, it is on our own not in the hands of a surgeon. And maybe it’s a miracle from God. Meanwhile… An hour before the surgery, Jennica took some several tests to the patient. She gets the blood test, chest X-ray, electrocardiogram and angiogram. At nang masigurong handa na ang katawan nito sa operasyon. The anesthesiologist took his part to inject anesthesia to the patient through an I

Latest chapter

  • Every Heartbeat Counts   Chapter 3

    “I’M Vladimir, anyway.” Vladimir finally introduce himself. Sa ilang oras na pagkakasama nila ng dalaga ay naging magaan na agad ang loob niya rito. And somehow, he was dreaming that someday she’s working with him…in the near future. “Jennica, doc!” And that name already mark on his heart. Pagdaka'y sabay na silang bumalik sa venue. Mabuti na lamang at iilan na lang ang mga tao sa paligid. Walang masyadong nakapansin sa kanila. Sinalubong naman agad sila ng ilan nilang mga kaibigan. Napangiwi naman ang mga ito nang makita ang kanilang ayos. Doktor pero nagmukhang mangingisda na. Basa ang ilalim ng pantalon nitong itinaas din hanggang sa ilalim ng tuhod. Bahagyang nagulo ang buhok at may bitbit na pusa. Sa kabilang banda, isang binibining nakalugay ang buhok. Bitbit sa kaliwang kamay ang hinubad na high heeled stiletto. Basa din ang laylayan ng gown at sa kanang kamay may hawak na garapon na naglalaman ng isang palaka. “What’s hap

  • Every Heartbeat Counts   Chapter 2

    DUMATING na nga ang nakatakdang araw ng operasyon ng pasyente na nasa ICU. Kabado ang buong pamilya ng pasyente habang naghihintay sa waiting area ng operating room. Ang nanay nito ay hindi na mapakali sa inuupuan habang patuloy na sinasambit ang mahinang panalangin. Sino ba naman ang hindi inaasam ang kaligtasan ng pamilya? Siyempre, wala. And Jennica still believes that everyone deserves a second chances…to live. Well, a human life is made up of choices. To live or die. To fight or give in. To become a hero or a coward. These are the significant choices. Sometimes, it is on our own not in the hands of a surgeon. And maybe it’s a miracle from God. Meanwhile… An hour before the surgery, Jennica took some several tests to the patient. She gets the blood test, chest X-ray, electrocardiogram and angiogram. At nang masigurong handa na ang katawan nito sa operasyon. The anesthesiologist took his part to inject anesthesia to the patient through an I

  • Every Heartbeat Counts   Chapter 1

    Family. Profession. Love. PAMILYA ang dahilan kung bakit mas pinili ni Jennica ang unahin ang trabaho kaysa buhay pag-ibig. Wala siyang ibang hinangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid kung kaya sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Nursing at makapasa sa board exam para makapasok sa prestihiyosong ospital sa kanilang bayan. Mahirap ang kinagisnan niyang pamilya. Pero kahit gano’n pa man ay sinikap ng kaniyang ina na maitaguyod siya sa kaniyang pag-aaral. Ang ina niya ay isa lamang tindera ng Sari-sari store na nakatayo lamang sa harap ng kanilang maliit ding bahay. Maaga kasi silang naulila sa ama dahil namatay ito nang maaksidenteng mahulog sa building na pinapasukan nito. Isang construction worker naman noon ang kanilang ama. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang panganay nila ay maagang nabuntis at nakapag-asawa. Ang sumunod sa kaniya ay nasa high school pa lamang at sa batang edad ay natuto na r

DMCA.com Protection Status