Family.
Profession.
Love.
PAMILYA ang dahilan kung bakit mas pinili ni Jennica ang unahin ang trabaho kaysa buhay pag-ibig. Wala siyang ibang hinangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid kung kaya sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Nursing at makapasa sa board exam para makapasok sa prestihiyosong ospital sa kanilang bayan.
Mahirap ang kinagisnan niyang pamilya. Pero kahit gano’n pa man ay sinikap ng kaniyang ina na maitaguyod siya sa kaniyang pag-aaral. Ang ina niya ay isa lamang tindera ng Sari-sari store na nakatayo lamang sa harap ng kanilang maliit ding bahay. Maaga kasi silang naulila sa ama dahil namatay ito nang maaksidenteng mahulog sa building na pinapasukan nito. Isang construction worker naman noon ang kanilang ama. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang panganay nila ay maagang nabuntis at nakapag-asawa. Ang sumunod sa kaniya ay nasa high school pa lamang at sa batang edad ay natuto na ring mag-trabaho para may pandagdag allowance. Ang bunso naman nila ay may malubhang karamdaman. May sakit ito sa puso kaya naiiwan na lamang sa kanilang tahanan kasama ng ina nilang nagbabantay sa maliit nitong tindahan.
Sa edad na bente-singko, miyembro pa rin siya ng NBSB community. Nag-asawa na ang mga pinsan at mga kaibigan niya pero siya? Hanggang abay at taga-sana all na lang muna. Hindi naman siya naiinggit pero naghahangad din naman siya na makatagpo ng mala-prince charming na makakasama sa buhay. Kagaya na lamang ng pinsan niyang si Kristine na nakapag-asawa ng isang haciendero at ngayo'y isa na ring namamalakad sa hacienda ng mga Del Alvarez.
“Nak, hindi ka ba napapagod na alagaan kami ng mga kapatid mo?” Nagulat si Jenny nang minsang tanungin siya ng kaniyang ina matapos niyang maghanda ng makakain para sa kanilang almusal. Night shift pa naman siya at madalas niyang gawin ang ipaghanda ang pamilya ng paborito nilang ulam sa umaga. Tuyong danggit at dilis na sinasawsaw sa suka na may kamatis. Dagdagan pa ng sinangag na kanin.
“Nay, bakit naman po ako mapapagod? Hindi naman kayo pabigat sa 'kin.”
Saglit na tumigil ang ina sa paglalagay ng mga plato sa lamesa at hinarap ang dalaga.
“Hindi naman sa pinagtutulakan kita anak, pero ni minsan ba hindi mo naisip na magkaroon din ng taong mag-aalaga sa 'yo?” seryosong tanong ng kaniyang ina.
Napatda siya sa tanong ni Aleng Isabel. Mataman niya itong tinititigan sa mata. Napangiti siya. Batid niyang concern lamang ang ina nito sa kaniya.
“Nay, saka na lang ho muna. Hindi ko pa napapagamot si Jester.” Na ang tinutukoy niya ay ang bunso niyang kapatid. “Isa pa, bente-singko pa lang naman ho ako. Hindi pa ako nagmamadali pumasok sa isang seryosong relasyon.”
“Iyon nga anak, bente-singko ka na pero hindi mo pa naranasan ang umibig. Baka tumandang dalaga ka na lang n'yan.” Natawa siya sa sinabi ng ina.
“Nay, kung kaligayahan ko po ang iniisip n'yo? Masaya po ako. Hindi pa naman nawawala 'yong edad ko sa kalendaryo. Saka darating din naman ang taong 'yon kung oras ko na.”
Napangiti ang kaniyang ina. “Napakabait mo talaga, anak. Mabuti na lamang at hindi ka nagaya sa ate mo.”
“Nanay, masaya naman si ate Jessa kay kuya Fred.” Batid ni Jenny na hanggang ngayo'y nagtatampo pa rin ang ina nila sa nakakatandang kapatid dahil sa halip na ito ang tumulong sa kanila, nag-asawa agad ng maaga. Pero nakikita naman niyang masaya ang ate niya sa lalaking pinili nito dahil responsable naman si Fred. “Maupo na po kayo at tawagin ko na sina Julie at Jester para sabay-sabay na tayong kumain.” Iniwan niya ang ina at tinungo ang sala para tawagin na ang kaniyang mga kapatid na abala sa paglalaro ng Scrabble. Walang pasok si Julie dahil araw din iyon ng Sabado.
“Halina kayo sa kusina at nang makakain na tayo. Mamaya na lang ulit kayong maglarong dalawa,” aniya.
“Sige po, ate.” Korus na sagot ng dalawa pagkatapos ay sabay-sabay na silang nag-almusal.
---
“VLADIMIR, where are you?” Boses iyon ng ama ng binata nang tawagan siya nito sa kaniyang telepono. Kasalukuyan siyang nasa park, namamasyal para naman makalanghap ng sariwang hangin at ma-enjoy ang sarili habang wala pa sa ospital. Seryoso ang mukha nang sagutin niya ang tawag ni Director Dela Peña.
“Dad?” Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniyang mga mata.
“Come to my office now, we have an important matters to discuss.” Director Dela Peña's authoritatively commanded.
He took a deep sigh when his father ended the call. Walang lingon-likod niyang nilakad ang daan papunta sa kaniyang sasakyan.
Nang dumating siya sa ospital, sinalubong at binati siya ng iilang medical staff and hospital employees na mga nakakakilala sa kaniya. He only nodded for a response and then went hurriedly inside the elevator. When the lift's open, he straightly walked forwardly to the Director's office.
“Vlad! Good to see you, son.” His father greeted him with a smile. Nakaupo ito sa swivel chair habang may hawak na chart sa isang kamay. Nasa mid-50's na ang kaniyang ama pero sa tindig at aura nito, masasabi niyang maingat ito sa kalusugan kaya nagmumukhang bata pa sa paningin ng karamihan.
“Dad, what are we going to talk about?” He asked directly when he came in.
“Please have a seat.” Naupo naman ang binata paharap sa ama na ngayo'y tinatawagan ang secretary sa intercom. “Two cups of coffee, please. Yes, no sugar. Thank you.” Muli nitong hinarap ang binata. Vlad furrowed his thick eyebrows.
“Any problem?” He asked again. Ngumiti ang ama.
“There’s no problem, son! Gusto ko lang pag-usapan natin ang tungkol sa inyo ni Loressa.” Director Dela Peña's talking about Dr. Loressa Leviste–daughter of his old friend and the well known ob/gynecologist na naglilingkod din sa kanilang ospital.
“But Dad, we talked about it before, right? I don’t have any emotional attraction to Loressa.”
Parehas silang natahimik nang pumasok ang secretary nito at ipatong ang tray ng kape sa lamesa. Nagpaalam din ito pagkatapos.
His father stood up and step in front of him. Tap his right shoulder twice and press it firmly. “But do you have any physical attraction towards her, don’t you?”
He’s not hypocrite, though. If he would say he’s not attracted to Loressa, he’s definitely lying. She have this so-called beauty and brain. It’s a plus for him. But come on? He’s just true to himself. He’s not in love to Loressa. He only find her a companion. An old friend, a sister to be exact dahil mga bata pa lamang sila ay kilala na nila ang isa't isa.
Love.
For him, the definition of love is a deep feeling inside and not only seen by eyes but by heart. At hindi si Loressa 'yon. She can’t gave him a butterfly feelings inside of his stomach. She can’t spin his world like a marry go round. She can’t stop his heart beat like Jennica did to him. In short, she’s not her for Pete’s sake!
“Dad, Loressa's just a friend.”
“But she's good for you, Vlad. Hindi mo ba napapansin na parehas kayong dalawa? Just what the others say, she’s your female version.”
Napapikit siya at napahawak sa kaniyang sentido. Sa tuwing pumupunta siya sa opisina nito, palaging si Loressa na lamang ang nagiging topic nila. So, this is what his father called an important matters? Then what about hospital and medical matters? Mas mahalaga pa nga iyon kung siya lamang ang tatanungin.
“Director, maybe we can talk about it at home. I have some rounds to do. And if you asked Loressa about this, she have the same answer just like mine. Now, will you please excuse me?” aniya at hindi na hinintay na makapagkomento pa ang ama. Ayaw na niyang pahabain ang usapan pagkat maiksi lamang ang kaniyang pasensya sa mga ganitong usapin.
Napapailing na lamang ang kaniyang ama habang tinatanaw ang paglabas niya sa tanggapan nito.
Siya si Dr. Vladimir Drake Dela Peña, one of the best surgeon and a senior mentor in Cardiology Department. Kung pagdating sa puso ang usapin? Hindi siya maaaring diktahan pero kung pag-amin para sa babaeng lihim na tinatangi, iyon naman ang kaniyang kahinaan.
Tatlong taon? Tatlong taon din niyang iningatan ang pag-ibig niya kay Jennica pero wala siyang lakas ng loob na aminin iyon sa dalaga dahil batid niyang hindi pa handa si Jenny na pumasok sa kahit anomang relasyon.
Hindi niya alam kung bakit nagtiya-tiyaga siyang maghintay ng gano'n katagal para lamang sa isang babae. Dahil kung tutuusin marami namang nagkakandarapa sa kaniya at ang iba’y kulang na lang himatayin sa tuwing napapadaan siya. His presence is like a virus, easily disseminates. But an old aphorism told him that true love waits.
Lumapit siya sa nurse station kung saan naka-assign ang kaniyang kapatid na si Vina kasama nito sa estasyong iyon si Jennica pero wala pa roon ang dalaga. Alam niya kasing gabi pa ang duty nito.
“Hand me the chart of the patient in the ICU.” He ordered with a serious baritone. Ibinigay naman iyon sa kaniya ni Vina. He scanned it while his eyes under his censorious eyeglasses. The patient was diagnosed with a coronary artery disease at kailangan ma-operahan three days after the day of her admission.
“Dr. Dela Peña?”
“Hmmm?” aniyang hindi tinitingnan ang kapatid. Seryoso ang tinig niyon pero hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin ‘pagkat abala siya sa pagbabasa sa chart na hawak.
“Nurse Jennica's coming…”
Vladimir's begun to breathe heavily and his heart beat fast like he was calling for an emergency when he heard his love's name but it was turn out that his sister only teasing him and burst out into a playful laugh.
“VINALINE AMORE!” He almost shouted her sister's name because of an anger.
“Just kidding, doc!” Vina's still grinning and make a peace sign. He just looked at her sister with a death glare.
“Stop teasing me, you naughty kitten! Be ready when we’re at home,” banta niya at tinalikuran na ang kapatid na tawang-tawa pa rin. Alam na alam kasi nito na natataranta siya sa tuwing naririnig pa lamang nito ang pangalan ni Jennica. Well, Vina is the only one who knows his feelings towards her friend. Mabuti na lamang at hindi pa nito sinasabi sa kaibigan.
He trust her for keeping his secrets towards Jennica, kahit pa sabihin na minsan ay may pagkamadaldal ito.
---
“NAY, alis na po ako. Nakapaghanda na po ako ng hapunan n'yo. Iyong gamot ni Jester, 'wag n’yong kalilimutan na ipainom sa kaniya ha?” Sunud-sunod na bilin ni Jenny sa ina habang palabas na siya ng kanilang maliit na bahay.
Alas-sais ang pasok niya kaya kinailangan niyang magmadali para hindi mahuli sa kaniyang duty hours. Suot ang puting uniporme na mas pinapaniwalaan pa ng karamihan na mga dakilang bayani dahil sa hindi matawaran na pagligtas sa buhay ng mga taong nangangailangan ng tulong-medisina.
“Sige, 'nak. Mag-iingat ka, ha?” anang inang nagawa pang sambitin iyon kahit nakasakay na siya ng tricycle.
Dalawa lamang sila ang pasahero ng tricycle na kaniyang sinakyan. Isang ale na nagdadalang-tao at mukhang kabuwanan na dahil sa laki at bilog na bilog nitong tiyan. Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng biyahe nang marinig niya ang impit na hiyaw ng babaeng katabi. Nag-alala siyang bigla. Mukhang nahihirapan na ang babaeng huminga at para bagang manganganak na. Napahawak kasi ito sa tiyan at hindi alam kung bubukaka ba o ititiklop ang mga paa.
“Ate, o-okay lang po ba kayo?”
“M-Manganganak na yata ako, neng.”
“Naku! Manong, pakibilisan ho. Manganganak na yata si ate!” utos niya sa driver. Nataranta naman ang lalaki. Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng katabi. Ibig sabihin, asawa pala nito ang driver.
“Bwisit! Nawalan pa yata tayo ng gas. Elena, pigilan mo muna. Maghahanap muna ako ng gasolina,” anang lalaking hininto ang tricycle sa gilid at bumaba para maghanap ng mapaghihingian ng tulong. Pero napansin ni Jenny na napadaing na sa sakit ang babae at may kaunting dugo nang umaagos sa mga binti nito. Sa lugar nila, mahirap nang makahanap ng iba pang masasakyan at malayo pa ang gasoline station dahil natapat sila sa palayan.
“Berting, h-hindi ko na kaya…a-ang sakit naaa…” daing ng babae.
“Manong, wala na ho tayong oras. Kung hindi po tayo kikilos, maaaring mawalan ng malay ang asawa n'yo at mamamatay ang bata sa loob ng sinapupunan ng iyong asawa. Kailangang tayo na ang magpaanak sa Misis n'yo.” Kahit sa kaloob-looban ng dalaga'y binalutan din siya ng takot para sa mag-ina, pero pinilit niyang magpakatatag at huminahon para hindi mataranta ang mag-asawa.
“P-Pero neng…” Hindi na rin alam ng lalaki ang gagawin. Natataranta na rin ito at palakad paurong-abante na ang ginagawa sa gilid ng daan. “M-Midwife ka ba, neng?”
“Nurse po ako, Manong.”
“Marunong ka bang magpaanak?” Umiling siya. Sa totoo lang, wala pa siyang experience na magpaanak pero kung emergency na gaya nito gagawin niya, masagip lamang ang dalawang buhay na nasa panganib ng mga oras na 'yon.
“Manong, may malinis na tela o damit po ba kayo riyan?” Inabot naman sa kaniya ng lalaki ang tuwalyang hawak ng asawa nito kanina. “Tulungan n'yo po akong ihiga si ate.”
Tinulungan naman siya nito. Mabuti na lamang at palagi siyang may dalang alcohol at gloves. Kahit hindi niya expertise iyon, nilakasan niya pa rin ang loob na magpaanak sa ale. “Sige pa, ate…push mo pa. Kunting ere pa.”
Napapahiyaw naman ang ale sa sakit. Kahit nahihirapan ito sa pag-ere, nariyan naman ang asawa nitong panay palakas ng loob rito. Pinagpapawisan na rin si Jenny. Hindi alintana kung mahuhuli na siya sa kaniyang trabaho, ang mahalaga kailangan niyang masagip ang dalawang buhay na ngayo'y nasa kaniyang mga kamay. “Sige pa, ate. Malapit na. Lumalabas na ang ulo ng sanggol.”
Muling umere ang babae. Hawak ang kamay na muling nagsalita ang lalaking nasa ulunan lamang nito. “Sige pa, Elena. Nakikita ko na ang anak natin. Lakasan mo pa’ng loob mo. Makakaraos ka rin.”
Kasabay ng pagpulahaw ng iyak ng sanggol ang pagtunog ng cellphone ni Jennica. Pero hindi niya iyon nagawang sagutin dahil abala siya sa paglinis at pagbalot sa supling.
---
“WHERE is she?” The head nurse asked Vina dahil kanina pa nito hinahanap ang dalaga sa kanilang pwesto. Pasado alas-otso na pero hindi pa rin ito dumating sa ospital.
“She’s not answering, Ma'am Klea!” Kleandra cursed because of frustrations.
“Damn that woman! Where the hell is she?” Nagdadabog itong umalis. Napakagat-labi naman ang kasamahan ni Jennica at makailang ulit na muling tinawagan ang kaniyang numero.
---
SAMANTALA natuwa naman ang lalaki nang masilayan nito at mahawakan ang kanilang anak.
“Elena…ang gandang bata.” Pero hindi sumasagot ang babae. “Elena…” nag-aalalang tawag nito sa asawa pero hindi siya nito naririnig. “Nurse, anong nangyayari sa asawa ko?”
Hinagilap ni Jenny ang pulso ng babae. Humihinga pa ito pero maaaring malagay sa peligro ang buhay nito kung hindi kaagad nila madadala sa ospital. Maraming dugo ang nawala rito habang nanganganak kaya kinailangan na maagapan agad nila.
Mabuti na lamang at may dumaang van at nakiusap siyang dalhin na ang mag-ina sa ospital.
“Emergency! Emergency!”
The hospitals lobby was in silence after Jenny’s screaming in a hurry. Three of her co-nurses immediately on the side of the stretcher and pushed it faster and desperately.
“Doctor Dela Peña. Doctor Dela Peña. Please proceed to the ER. Doctor Dela Peña!” Vladimir was paged through CPS automatically and stood up from his seat and walked his way out into a fast pace.
A shocked reaction registered to his face when he saw Jennica's uniform stained by a blood while carrying the baby. Parang biglang tumigil ang mundo niya nang makitang may hawak itong sanggol. Bagay na bagay itong maging isang ina. What if Jennica’s carrying their own? He shook his head. What was he thinking? Pati ba naman sa paghawak nito ng sanggol, pinagpapantasyahan niya rin. Her picture clearly stated the situation that’s why he never asked question of what's happening.
“The baby's safe but the mother loss her conscious and her blood dropping low since we arrived here,” Jennica told him. He calmly nodded and proceed to the emergency room.
“Okay! I’ll take care of this. Please, proceed to NICU and called for help to other nurses. You should get another uniform and wash yourself.” He said before the ER's door close.
Sumunod naman si Jenny na inasikaso ang baby sa NICU for further observations and extra post delivery care, bago kumuha ng bagong uniporme at dumiretso sa wash room para malinis ang sariling katawan.
---
ONE…Two…Three… Six hours had passed by when Vladimir finally declared that his patient is safe. Her life has been at stake because she had flat line for second times but he did his best to recover his patient's life. What do you expect for one of the best doctors in Del Fuego? Lumabas siya sa emergency room pagkatapos masigurong stable na ang kaniyang pasyente.
Kaagad naman niyang hinanap si Jennica pero nahuli niya itong pinapagalitan ni Miss Klea–ang mismong head nurse ng dalaga.
“You’re almost late, Miss Arevalo. Kanina pa tinatawag ang pangalan mo sa CPS pero wala kang tugon. Anong ginagawa mo?” panenermon ni Miss Klea. Nakatungo naman ang dalaga sa kahihiyan dahil paniguradong tinitingnan na sila ng kapwa nila staff na napaparaan sa pasilyo. Siguradong siya na naman ang tampulan ng tsismis sa buong ospital pagkatapos nito.
“I’m sorry, Ma'am Klea. May emergency lang po kasing nangyari kaya–,” Hindi na naituloy ni Jenny na magpaliwanag dahil si Vladimir na mismo ang tumapos sa sasabihin niya.
“Miss Samonte, let me ask you something? If someone near you, badly needed help. Will you lift your hands on him or her? Saving someone's life outside is more humankind than protecting your job's description inside. An emergency is still emergency. Being late is considerable when the reason is valid. Walang pinipiling lugar ang pagligtas ng tao.” Natameme naman si Klea at hindi makapagsalita dahil sa natamong kahihiyan. Hindi siya makapaniwalang pinagtanggol ni Vladimir ang dalaga sa harap niya mismo.
Mas lalo tuloy nadaragdagan ang inis niya kay Jennica. Hindi lang kasi ito unang beses na ginawa iyon ni Vlad. Bakit pagdating kay Jenny napaka-protective nito samantalang kaunting mali lang nila, pinapagalitan na sila agad ng binata.
“S-Sorry po, doc!” Nakatungo ang ulong hinging paumanhin ni Klea sa binatang kaharap.
“I don’t need your apology, Miss Samonte. You did nothing to me but to Miss Arevalo. Say sorry to her.” He demanded.
Nagulat naman si Jennica sa kinatatayuan. Hindi niya kasi inaasahan na papagitna sa kanila si Vladimir at utusan pa nitong humingi ng paumanhin sa kaniya si Miss Klea. “Sorry, Nurse Jennica.”
“Miss Samonte, proceed to your designated area. Miss Arevalo, come and follow me to my office.” After that, Vlad walked like nothing happens.
“Ah, y-yes doc!” tugon ni Jenny pero bago niya sundan ang binata ay yumuko muna siya kay Klea para magpaalam pero inirapan lamang siya nito. Hindi na niya iyon pinansin pa. Masungit na talaga si Klea sa kaniya simula nang makapasok siya at magtrabaho sa Dr. Honorato Dela Peña's Memorial Hospital na sinunod sa pangalan ng namayapang lolo ni Vladimir.
Right! She was working at the hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Vladimir.
Hindi alam ni Jennica kung bakit pinapatawag siya ng binata. Ang pagkakaalam niya kasi bihira lamang itong magpapasok ng ibang tao sa opisina at karamihan lamang ay para sa mga pasyenteng nangangailangan ng ambulatory care like physical examination or a medical check-up regarding heart problems. She heaved a sigh and knock twice before entering Vlad's office.
She felt a little nervous but she controlled her anxiousness to face Vlad. He was seated in his swivel chair while analyzing one of his patient chart.
“Dr. Vlad, how’s the patient?” tanong niya nang maalala ang babaeng dinala nila rito matapos niyang tulungang manganak. Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ng table nito.
Vladimir put the chart down at his long table and looked at her as if he was scanning her whole body using his untroubled gaze but Jennica felt uneasy and weak.
“She’s stable now. After a blood transfusion, some of my team transfer her to the maternity ward. Binabantayan na rin siya ng kaniyang asawa.” Natuwa naman si Jenny. “What about her baby's condition?” balik tanong naman nito.
“The baby’s fine. Vina put her to a nursery room. Siguro kapag nagising si ate Elena dadalhin na namin ang sanggol sa kaniyang tabi for a skin to skin contact. She also needs to feed her own baby. But for now we used another breast milk to supply the needs of her child.”
“Well done, Miss Arevalo. You really have a heart to save someone’s life. I honor you for that.”
“Thank you, doc!”
“Anyway, can I have a request?” Seryoso iyon kaya biglang kinabahan naman ang dalaga. Dalawa lamang sila ang nasa loob ng opisina nito. The door is closed, the air-condition is open, the room is sound-proof but still she felt like she was suffocating. As if his presence can cause asphyxiation.
Vladimir's admired by the others because of his physical appearance. His eyes are brown and when you looked into them, you can see all your desires swaying with the intoxication of his dreamy eyes. His nose is not just straight but it suspends like an aristocratic bridge in-between his arched thick eyebrows. His natural crimson lips are soft and when it curves into a smile it has the power to deprive all of your senses and can fill your stomach with fluttering butterflies. He has chiseled sharp jawline that gives an impression like a masterpiece of a craftsman for many years to become perfect. His ebony hair is wavy. In short, he’s an ideal for become a masculine, tall, dark and devilishly handsome man. Sino ang hindi hihimatayin o mahihipnotismo sa taglay nitong kagwapuhan?
Jennica's back to her senses when Vladimir snap his fingers in front of her face. Nakakahiya! Ilang minuto kaya siyang natulala? One…two…three. Hindi niya na mabilang. Baka nga umabot pa ng sampung minuto. “Stop daydreaming, Miss Arevalo. I requested you to watch my patient in the ICU. Please check her vitals, blood pressure and body temperature every thirty minutes and report it to me immediately. You can go.”
Napabuga tuloy siya nang hangin. Iyon lang pala akala naman niya kung ano na. Agaran siyang tumayo. Kinuha sa kamay ni Vladimir ang chart at nagpaalam ng lumabas.
Napapailing na lamang ang binatang sinundan ng tanaw ang pag-alis ng dalaga but deep inside of him completely satisfied to see her face-to-face. Nakakadagdag inspirasyon at nakakawala ng pagod. He smiled. Iba siguro ang iniisip nito kanina sa sinasabi niyang request.
PAGKATAPOS ikutin ni Jennica ang kaniyang mga pasyente. Binisita niya ang Aleng iniligtas niya kanina. Nakita niya namang maayos na ang kalagayan nito at nakakausap na muli ng asawa na siyang nagbabantay rito mula pa kanina nang dalhin nila ito sa ospital. Pero kinailangan pa rin nitong manatili ng dalawang araw para sa test at screening pa na gagawin sa anak nito. Nasa tabi na rin nito ang sanggol at mahimbing ng natutulog.
Nakakatuwang pagmasdan at buo na ang kanilang pamilya. Siya kaya? Kailan makakabuo ng pinapangarap niyang sariling pamilya?
“Maraming salamat sa 'yo, Nurse Jenny. Hulog ka talaga ng langit para sa amin.” Hindi naman magkandaugaga sa pagpapasalamat si Mang Berting sa kaniya. Mangiyak-ngiyak pa ito habang hinahawakan ang kaniyang mga kamay. Dala siguro ng tuwa na safe ang mag-ina nito. Napangiti naman siya. Nakakataba pala talaga sa puso kapag mayroon kang natutulungan.
“Walang anuman ho iyon, Manong. Mabuti nga po at malakas at matapang itong misis n'yo. Nakatulong din po iyon para maipanganak niya ng maayos ang inyong anak. Ano po bang ipapangalan n'yo sa sanggol?” aniya.
Nagkangitian ang mag-asawa. “Dahil isa kang anghel para sa amin, Nurse Jenny. Angel ang ipapangalan namin bilang alaala na rin sa pagtulong mo sa pamilya namin.” Natuwa naman siya sa sinabing iyon ni Aleng Elena. At talagang siya pa ang ginawang inspirasyon.
“Angel? Napakagandang pangalan.” Na ang mata niya'y nakatutok sa mukha ng natutulog na sanggol.
“Katulad mo, Nurse Jenny. Maganda na sa panlabas, maganda din ang kalooban. Nararapat ka lang talaga sa iyong propesyon.” Kanina pa talaga umaapaw ang puso niya sa papuri ng mag-asawang kausap. Isa ba talaga siyang bayani? Kung tutuusin, mas bayani pa ngang maituturing ang ginagawa ng mga doktor na umaabot ng higit kalahating araw sa pagligtas lamang ng buhay sa loob ng ER o OR man.
Gaya na lamang ni Vladimir. Walang araw na wala itong naililigtas na pasyente. Kaya kung mayroon man siyang maituturing na real modern hero, si Vlad iyon. Wala mang kapa o kapangyarihang taglay na katulad ng mga napapanuod sa movie at least gamit naman ang husay ng mga kamay at talino nito sa medisina. Siguradong pinapalakpakan na ito ng mga tao.
“Bagay kayo ng doktor na siyang nag-asikaso sa akin kanina. Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang lalaking 'yon. Napakahusay.”
“Salamat po, ate Elena.”
“Ano nga bang pangalan ng doktor na 'yon? Nakalimutan ko na.” Napapakamot pa sa ulo nito si Mang Berting.
“Hay naku, Berting! Tumatanda ka na nga talaga. Si Dr. Dela Peña 'yon. Aba'y napakagwapong lalaki. Bagay kayo, Nurse Jenny.”
Namula naman ang kaniyang pisngi. Hindi niya inaasahan na aabot sa gano'n ang kanilang usapan. “Hindi naman ho. Balita ko po ay may dini-date na si doc!” Iyon ang kaniyang naririnig dahil napapabalitang madalas na nakikitang magkasama sina Vladimir at Dr. Loressa Leviste.
“Ay, gano'n ba? Sayang naman. Kung ako kay doc. Hindi na ako titingin sa malayo. Heto na nga at nasa harapan natin.” Natawa naman siya sa sinabing iyon ni Mang Berting.
“Naku! Palabiro ho pala kayo, Manong. Sa totoo lang po ay hindi ko pa ho iniisip ang bagay na 'yan. Ang mahalaga po sa akin ngayon ay ang magampanan ang aking tungkulin.”
“Aba’y napakaswerte naman ng lalaking makakahuli ng iyong puso. Pero kung bakante man ang doktor na 'yon nasisigurado kong magiging maganda ang inyong pagsasama.”
Napapailing na lamang siya sa sinasabi ng mag-asawa. Bakit ba pinipilit ng mga ito na maging sila ni Vladimir? Ayaw naman niyang lumabas na maging kabit o kontrabida sa pagitan nito at ni Dr. Loressa. Kahit siya man ay saksi sa ka-sweet-an ng dalawa.
“May pamilya pa ho akong binubuhay.”
“Ah, basta Nurse Jenny! Botong-boto ako sa inyong dalawa ni Dr. Dela Peña. Kaya kung ako sa 'yo gumawa ka na ng gamot na mapapaibig mo ang lalaking 'yon. Sayang ang lahi.”
Natatawa naman siya sa suhestiyon ni Aleng Elena. Ginawa pa talaga siya nitong albularyo.
“May nagmamay-ari na po sa kaniya.” Parehas na nanlumo ang mag-asawa sa sinabi niyang iyon. Napangiti siya. Talagang ayaw tanggapin ng mag-asawa na wala na silang pag-asa ni Vladimir. May aasahan pa nga ba siya?
“Masabihan nga si doc mamya.” Napapailing na lamang siya sa kakulitan ni Mang Berting. Gano’n na nga siguro talaga kapag tumatanda na. Binalewala na lamang niya iyon at tumayo na sa pagkakaupo.
“Malapit na po akong mag-out. Kung may kailangan o may problema ho kayo. Pumunta lang po kayo sa nurse station for assistance. Hindi lang po ako ang nurse rito na sinasabi n'yong may mabuting kalooban,” aniya.
“Alam namin 'yon, Nurse Jenny. Pero ikaw kasi ang tumulong sa akin manganak at magdala sa amin rito. Kaya maraming salamat,” ani Aleng Elena na ginagap muli ang kaniyang mga palad. Hinaplos niya rin ang mga kamay nito.
“Ginawa ko lang ho ang nararapat. Sige ho…ate Elena, Mang Berting. Maiwan ko ho muna kayo.”
“Sige Nurse Jenny. Mag-iingat ka.” Narinig niya pang habol na bilin ng mag-asawa pagkasara niya ng pinto.
BAGO mag-out si Jennica ay sinigurado niya muna na tama ang inilagay niyang impormasyon sa lagay ng pasyente sa ICU room. Naka-schedule na kasi itong operahan. Ibinilin n’ya iyon kay Vina kung sakaling hanapin ulit iyon ni Vladimir.
Pero kakapanaog niya pa lamang sa ground floor nang hilahin siyang bigla ni Vladimir sa kaniyang braso. What the heck? Nakakagulat! Kamuntik pa siyang atakehin sa puso dahil hindi niya kaagad ito napansin. May lahi ba itong kabute? Parang sa isang iglap lang ay sumulpot ito sa harapan niya. Gano’n lang talaga siguro ang epekto kapag pagod ka na nga, puyat ka pa. Hindi mo na nakikilala ang mga taong nakakasalubong mo.
Nakakahiya at pinagtitinginan na rin tuloy sila ng iba pang mga empleyado. Pero hanggang tingin lang ang mga ito at hindi magawang magkomento. Marahil ay natatakot sa taglay na presensya ng binata. Baka kasi mapatalsik lamang ang mga ito once na nakapagsalita ang mga ito ng hindi maganda.
“Goodmorning doc! May emergency po ba ulit?” takang tanong niya habang hatak-hatak siya nito sa pasilyo.
“Nothing! Let’s have some cup of coffee.”
“P-Pero doc! Sa bahay na ho ako.” Kailangan niyang tanggihan iyon dahil iniiwasan niyang magka-issue. Ayaw niyang madikit ang pangalan niya sa pagitan ng dalawang doktor dahil siguradong wala siyang laban. Siya? Third party sa pagitan nina Vlad at Loressa? Malaking eskandalo iyon kung magkataon.
Biglang tumigil sa paglalakad si Vladimir at pumihit paharap sa kaniya kaya sa pagkagulat ay tumama ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. Napahawak tuloy siya sa kaniyang bibig at napanguso. Ang sakit. Nakagat niya yata ang dila niya.
“A-Are you okay? Let me see!” Hindi kaagad siya nakahuma nang bahagyang umuklo ito at sinuri ang kaniyang labi. Halos na-freeze naman na parang yelo ang kaniyang katawan at awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata dahil sa kanilang posisyon. She can almost smell his fresh and manly scent. She can also felt his soft and gentle touch.
Pakiramdam ni Jenny parang mawawalan siya ng oxygen at tumataas ang kaniyang blood pressure. Ang hirap umaktong normal kapag ito na ang kaharap niya.
Mabilis siyang umiwas at yumuko. Hindi niya kayang makipagtitigan rito ng matagal. Baka mamaya hindi lang bibig niya ang suriin nito kundi pati na rin ang kaniyang pulso.
Vlad skip a smile on his lips. Ang cute pala nito kapag nahihiya. She has this beauty that everyone's will take their breath away. A beauty that captured someone's heart. A beauty that lies within the soul.
DUMATING na nga ang nakatakdang araw ng operasyon ng pasyente na nasa ICU. Kabado ang buong pamilya ng pasyente habang naghihintay sa waiting area ng operating room. Ang nanay nito ay hindi na mapakali sa inuupuan habang patuloy na sinasambit ang mahinang panalangin. Sino ba naman ang hindi inaasam ang kaligtasan ng pamilya? Siyempre, wala. And Jennica still believes that everyone deserves a second chances…to live. Well, a human life is made up of choices. To live or die. To fight or give in. To become a hero or a coward. These are the significant choices. Sometimes, it is on our own not in the hands of a surgeon. And maybe it’s a miracle from God. Meanwhile… An hour before the surgery, Jennica took some several tests to the patient. She gets the blood test, chest X-ray, electrocardiogram and angiogram. At nang masigurong handa na ang katawan nito sa operasyon. The anesthesiologist took his part to inject anesthesia to the patient through an I
“I’M Vladimir, anyway.” Vladimir finally introduce himself. Sa ilang oras na pagkakasama nila ng dalaga ay naging magaan na agad ang loob niya rito. And somehow, he was dreaming that someday she’s working with him…in the near future. “Jennica, doc!” And that name already mark on his heart. Pagdaka'y sabay na silang bumalik sa venue. Mabuti na lamang at iilan na lang ang mga tao sa paligid. Walang masyadong nakapansin sa kanila. Sinalubong naman agad sila ng ilan nilang mga kaibigan. Napangiwi naman ang mga ito nang makita ang kanilang ayos. Doktor pero nagmukhang mangingisda na. Basa ang ilalim ng pantalon nitong itinaas din hanggang sa ilalim ng tuhod. Bahagyang nagulo ang buhok at may bitbit na pusa. Sa kabilang banda, isang binibining nakalugay ang buhok. Bitbit sa kaliwang kamay ang hinubad na high heeled stiletto. Basa din ang laylayan ng gown at sa kanang kamay may hawak na garapon na naglalaman ng isang palaka. “What’s hap
“I’M Vladimir, anyway.” Vladimir finally introduce himself. Sa ilang oras na pagkakasama nila ng dalaga ay naging magaan na agad ang loob niya rito. And somehow, he was dreaming that someday she’s working with him…in the near future. “Jennica, doc!” And that name already mark on his heart. Pagdaka'y sabay na silang bumalik sa venue. Mabuti na lamang at iilan na lang ang mga tao sa paligid. Walang masyadong nakapansin sa kanila. Sinalubong naman agad sila ng ilan nilang mga kaibigan. Napangiwi naman ang mga ito nang makita ang kanilang ayos. Doktor pero nagmukhang mangingisda na. Basa ang ilalim ng pantalon nitong itinaas din hanggang sa ilalim ng tuhod. Bahagyang nagulo ang buhok at may bitbit na pusa. Sa kabilang banda, isang binibining nakalugay ang buhok. Bitbit sa kaliwang kamay ang hinubad na high heeled stiletto. Basa din ang laylayan ng gown at sa kanang kamay may hawak na garapon na naglalaman ng isang palaka. “What’s hap
DUMATING na nga ang nakatakdang araw ng operasyon ng pasyente na nasa ICU. Kabado ang buong pamilya ng pasyente habang naghihintay sa waiting area ng operating room. Ang nanay nito ay hindi na mapakali sa inuupuan habang patuloy na sinasambit ang mahinang panalangin. Sino ba naman ang hindi inaasam ang kaligtasan ng pamilya? Siyempre, wala. And Jennica still believes that everyone deserves a second chances…to live. Well, a human life is made up of choices. To live or die. To fight or give in. To become a hero or a coward. These are the significant choices. Sometimes, it is on our own not in the hands of a surgeon. And maybe it’s a miracle from God. Meanwhile… An hour before the surgery, Jennica took some several tests to the patient. She gets the blood test, chest X-ray, electrocardiogram and angiogram. At nang masigurong handa na ang katawan nito sa operasyon. The anesthesiologist took his part to inject anesthesia to the patient through an I
Family. Profession. Love. PAMILYA ang dahilan kung bakit mas pinili ni Jennica ang unahin ang trabaho kaysa buhay pag-ibig. Wala siyang ibang hinangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at mga kapatid kung kaya sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Nursing at makapasa sa board exam para makapasok sa prestihiyosong ospital sa kanilang bayan. Mahirap ang kinagisnan niyang pamilya. Pero kahit gano’n pa man ay sinikap ng kaniyang ina na maitaguyod siya sa kaniyang pag-aaral. Ang ina niya ay isa lamang tindera ng Sari-sari store na nakatayo lamang sa harap ng kanilang maliit ding bahay. Maaga kasi silang naulila sa ama dahil namatay ito nang maaksidenteng mahulog sa building na pinapasukan nito. Isang construction worker naman noon ang kanilang ama. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang panganay nila ay maagang nabuntis at nakapag-asawa. Ang sumunod sa kaniya ay nasa high school pa lamang at sa batang edad ay natuto na r