CASSIE POV "ANONG GINAGAWA MO RITO?" tanong ni Ate Catelyn nang basta ko na lamang buksan ang pinto ng kuwarto nito at walang paalam na pumasok. Padabog akong umupo sa kama nito pero hinampas niya ako ng unan sa ulo. "Bakit ba?" asik ko. "Tss. Anong ginagawa mo rito? May kuwarto kang sa 'yo, 'di ba?" "Nando'n si Tristan." "Oh, eh bakit nandito ka? Masama bang matulog sa kuwarto mo ang asawa mo?" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ate Catelyn, pero pinandilatan lang niya ako ng mga mata. "Puwede ba, Cassie, umayos ka nga. Matuto ka ngang ibaba 'yang pride mo, hindi naman nakakagandang babae 'yan." "Sino ba kasing may sabi sa inyo na papasukin siya sa kuwarto ko–,aray!" Napangiwi ako nang hilahin nito ang buhok ko. "Ano ba, Ate?" "At anong gusto mo? Dito namin siya papasukin sa kuwarto ko? Gaga ka, malamang sa kuwarto mo kasi ikaw ang asawa." Lalo akong napangiwi nang mas higpitan nito ang hawak sa buhok ko at batukan ako bago tuluyang binitawan ang buhok ko.Sinamaan ko siy
CASSIE POV"SALAMAT," wika ni Tristan habang magkaagapay kaming naglalakad pabalik sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Nagpaubaya ako nang hawakan nito ang kamay ko at pinagsiklop iyon. "Sobrang laking bagay sa akin na nandito ka ngayon, at maging ang mga magulang mo. Kaya thank you dahil nandito ka, kasama ko."Hindi ako nagkomento, kaya nagpatuloy ito habang hawak pa rin ang kamay ko at marahang pinisil."Alam kong galit ka pa rin sa akin." Mahahamigan ng lungkot ang tinig nito. Tumigil ito at pinihit ako paharap sa kaniya. "I'm sorry… I'm so sorry, Cassie. Sana mapatawad mo na ako." Nagsusumamo ang tinig nito. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa, Tristan. Sa ngayon, si Mia muna ang unahin natin."Malungkot itong tumango. "Yeah." "Tara na, baka gising na ang pamangkin mo," yaya ko at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman ito kaagad at muling hinuli ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Hindi nito binitawan ang kamay ko kahit nang makarating kami sa kinaroroonan
Chapter 44CASSIE POVPAGKAGALING namin sa chapel at matapos magkausap nang masinsinan ay bumalik na kami sa labas ng ICU. Eksakto namang kalalabas lang ng isang doktor mula sa loob ng kuwartong kinaroroonan ni Mia. Kaagad nitong hinarap ang asawa ko. "Good afternoon, I'm Dr. Rocillo," pagpapakilala nito. "Are you related to her?""Yes, Doc. She's my niece." Ramdam ko ang pagka-tense nito dahil humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "K-Kumusta po ang pamangkin ko, Doc?" "She's awake and looking for her husband Jason. She wishes to see him." Dumiin ang hawak ni Tristan sa kamay ko, nasasaktan ako pero tiniis ko 'yon. Alam kong hindi ito aware sa bagay na 'yon. Bahagya ko siyang tiningala at nakita ko nang maggalawan ang mga ugat nito sa panga. Tumaas ang libreng kamay ko at hinaplos ang braso nito. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa dahil nandito ako para sa kaniya.Napatingin ito sa akin. "Babe…" Nginitian ko ito. "Relax…" Tumango ito at bahagyang lumuwag ang hawak
CHAPTER 45CASSIE POV"PAALIS KA NA RIN?" tanong ni Ate Catelyn habang naglalagay ako ng pagkain sa topperware. Umuwi kasi ako rito sa bahay para maligo at ipagluto ng pagkain si Tristan. Ilang araw na kasing puro galing sa restaurant ang kinakain namin kapag nasa hospital at nakakasawa na rin 'yon. Kaya nagpaalam ako kay Tristan na uuwi muna. "Oo, Ate. Hindi pa nag-aalmusal si Tristan, eh," sagot ko habang abala pa rin sa ginagawa. "Ako na riyan. Maligo ka na para mabango ka at madali kang makabalik doon." Nang agawin nito sa kamay ko ang sandok ay napilitan na akong umalis sa puwesto ko. "Ligo lang ako, Ate." "Geh, lang." Nagmamadali naman akong pumunta sa kuwarto ko at naligo. Hindi na ako mas'yadong nagtagal dahil baka gutom na ang asawa ko. Kaya matapos kong makapagbihis at maggayak ng dalawang pares ng damit ko ay lumabas na rin ako. Nadatnan ko si Ate Catelyn na tapos na sa ginagawa nito. Nakalagay na sa isang paper bag ang apat na topperware na mayroong pagkain. Sinadya
Chapter 46 CASSIE POV ANG MAINIT at mapusok na halikan namin ni Tristan ay nauwi sa isang mainit na pag-iisa ng aming mga katawan. Nang magsimula kasing maglakbay sa aking katawan ang mga palad nito ay kaagad akong nagpaubaya sa kaniya. Nakakahiya mang aminin, pero nami-miss ko na siya. At matagal-tagal na rin nang huli naming gawin ang ganito. Nararamdaman ko ang lamig mula sa naka-on na aircon ngunit mas nangingibabaw ang init ng katawan ng asawa ko. Napakasuwabe ng bawat hagod ng palad nito sa katawan ko habang marubdob na gumagalaw sa ibabaw ko. Nakatingin ito sa magkahugpong naming mga katawan habang ako nama'y nakatingin sa kaniya. At mas lalong nadadagdagan ang pagkasabik na lumulukob sa buong pagkatao ko dahil nakikita ko sa mukha nito na gustong-gusto ang pag-iisa ng mga katawan namin."T-Tristan…" umalpas ang mahinang ungol sa lalamunan ko nang bumilis ang paggalaw nito. At ayun na naman ang hindi maipaliwanag na kiliting dulot ng paglabas-masok ng kahabaan nito sa loo
CHAPTER 47CASSIE HINDI naging madali ang sitwasyon naming apat ngunit kinaya ko sa paglipas ng mga araw. Ganoon pala kapag mahal mo, kahit gaano kahirap ang sitwasyon ay makakaya mo. Makita ko lang na nakakangiti na si Tristan ay masaya na ako. Lalo na ngayon na malapit nang makalabas ng hospital si Mia. Yes, awa ng Panginoon ay hindi na natuloy ang pagpapa-terminate ng baby niya as long kaya ng katawan ng pasyente ayon sa pangalawang doktor na tumingin dito. Risky pa rin para kay Mia ngunit nakikita naming lahat kung gaano siya kadeterminado na ituloy ang pagbubuntis niya. At sa kabila ng matabang na pakikitungo nito sa akin ay hinahangaan ko siya sa pagiging mabuting ina sa batang nasa sinapupunan nito. Natutuwa ako na kahit isip-bata ito pagdating sa pakikipagrelasyon ay may paninindigan din naman pala ito. Iyon nga lang, kailangan ko pa nang mas mahabang pasensya para sa kaniya, lalo na ngayon na ilalabas na ito ng hospital bukas. At nagdesisyon si Tristan na sa probinsya muna
CASSIE"CASSIE, 'YONG MGA BILIN KO SA 'YO, HA?" Muling paalala ni Mama sa akin nang puntahan ako sa aking silid. Ngayon kasi ang alis namin patungong farm. Nasa labas na ang mag-tiyuhin. Mukhang sinadya ni Mama na masolo niya ako. Umupo siya sa kama."'Yong mga bilin ko sa 'yo, anak, ha?" ulit niya. "Opo, Ma. Hindi ko po papatulan si Mia, hahabaan ko pa ang pasensya ko sa kaniya, mas uunawain ko siya." Pag-iisa-isa ko sa bilin niya sa akin. Natawa siya. "Promise?" Kunwari ay nag-isip ako. "Cassie!" "I will do my best, Ma. Hangga't kaya ko, uunawain ko siya." Nasisiyahang hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong napipikon ka na rin sa kaniya sa mga ipinapakita niya sa 'yo pero intindihin mo na lang siya, anak." "Hindi naman kasi ako santa, Ma. Siyempre minsan naiinis na rin ako dahil ang hirap niyang pakisamahan." "Kaya nga mas lawakan mo pa ang pang-unawa mo kahit para sa asawa mo na lang." "Sige po, Ma." Sang-ayon ko para hindi na humaba ang usapan namin ni Mama. "Salamat, an
CASSIENALIBANG at nag-enjoy ako kasama ang mga tauhan ni Tristan. Nakigulo ako sa kanila at hindi naman nila ako pinagbawalan. Pagsapit ng hapon ay sabay-sabay na kaming nagsibalik sa kubo para magpahinga ng kaunti bago magsiuwi. Mayamaya nama'y nagsidatingan na rin ang mga kalalakihan kasama ang aking asawa na pawis na pawis. "Hi, babe." Nakangiting aniya kahit halata ang pagod sa guwapong mukha. "Hi." Nilapitan ko siya at inabutan ng face towel para sa pawis niya ngunit hindi niya kinuha sa kamay ko 'yon at sa halip ay naglalambing na inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw talaga." Walang pagtutol na pinunasan ko ang pawisan niyang mukha, leeg at maging ang likod niya. "Okay na po." "Thank you." Nakangiting pasalamat niya. "Ganito pala kasarap sa pakiramdam ang may misis, ano nga ho?" sabay baling sa kaniyang mga tauhang lalaki. "Aba'y oho, Sir," sagot ni Mang Tomas sabay akbay sa asawa niya. "Sadyang napakasarap ho ng may misis, lalo na kung ganito kalusog sa misis ko. Aba'y may a
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul