CASSIENALIBANG at nag-enjoy ako kasama ang mga tauhan ni Tristan. Nakigulo ako sa kanila at hindi naman nila ako pinagbawalan. Pagsapit ng hapon ay sabay-sabay na kaming nagsibalik sa kubo para magpahinga ng kaunti bago magsiuwi. Mayamaya nama'y nagsidatingan na rin ang mga kalalakihan kasama ang aking asawa na pawis na pawis. "Hi, babe." Nakangiting aniya kahit halata ang pagod sa guwapong mukha. "Hi." Nilapitan ko siya at inabutan ng face towel para sa pawis niya ngunit hindi niya kinuha sa kamay ko 'yon at sa halip ay naglalambing na inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw talaga." Walang pagtutol na pinunasan ko ang pawisan niyang mukha, leeg at maging ang likod niya. "Okay na po." "Thank you." Nakangiting pasalamat niya. "Ganito pala kasarap sa pakiramdam ang may misis, ano nga ho?" sabay baling sa kaniyang mga tauhang lalaki. "Aba'y oho, Sir," sagot ni Mang Tomas sabay akbay sa asawa niya. "Sadyang napakasarap ho ng may misis, lalo na kung ganito kalusog sa misis ko. Aba'y may a
CASSIEKAHIT gaano kahirap pakisamahan si Mia ay ginawa ko ang lahat para mapalapit kami sa isa't isa. Ngunit sadyang napakailap ni Mia pagdating sa akin. Kahit anong gawin kong pagpapakumbaba sa kaniya ay madalas pa rin siyang galit at harap-harapan niyang ipinapamukha sa akin na kailanman ay hindi niya ako matatanggap bilang pamilya nila ni Tristan.Minsan, tinatablan na rin naman ako sa mga patutsada niya pero pinapalampas ko na lang. Palagi ko na lang inilalagay sa utak ko na pamilya siya ni Tristan at wala na akong magagawa sa bagay na 'yon. Kaya kahit palagi niya akong inaangilan, hindi ako sumuko na makuha ang loob niya. "Ipinaghahanda mo na naman tapos hindi naman kakainin," nakasimangot na wika ni Lalaine habang pinapanuod ako sa ginagawa ko. Pinagpi-prepare ko kasi ng almusal si Mia na alam kong good for the health nila ng baby niya. "Ayaw mo talagang sumuko, ha? Ilang linggo mo na bang ginagawa 'yan?" dagdag pa niya."Bawal sumuko ang tita." Nakangiting sabi ko. "O, eh '
CASSIEKADARATING LAMANG namin ni Lalaine galing sa bayan dahil namalengke kami nang madatnan naming nagkakagulo sa bahay. "Ano bang kinain mo?" Mataas ngunit may pag-aalalang tanong ni Tristan kay Marchelly na hawak ang tiyan. Nagkatinginan kami ni Lalaine. "Ano'ng nangyari?" Kaagad namang nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat. Maging si Marchelly na namimilipit yata sa sakit ng tiyan ay tumingin sa akin. Nagtaka ako kung bakit matalim ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Lalo na si Mia at Emmanuel na nandito na naman pala. "Siya, Tito!" Mariing sabi ni Mia sabay turo sa akin. "Mia." Tila hindi makapaniwalang sabi naman ni Tristan at binalingan ako. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ako? Teka. Bakit, ano'ng ginawa ko?" Clueless na tanong ko. "Ano ba'ng nangyari?" "Na-food poison yata si Marchelly." "Ha? Saan, Hon?" tanong ko sa asawa ko. "Best actress?" Patuyang angil ni Mia sabay sugod at itinulak ang magkabilang balikat ko. "Hindi ka talaga dap
CASSIEHINDI naman talaga ako iyakin. Lumaki ako na palaban sa buhay pero ngayon, hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Habang binabalikan sa isip ko ang nangyari kanina ay sumasama talaga ang loob ko. Hindi ko matanggap na pinagdudahan ako ni Tristan. Kahit hindi niya tahasang sinabi pero iyon ang ipinaramdam niya sa akin kanina. Marahas kong pinalis ang mga luha ko saka bumangon mula sa maliit na kamang kinahihigaan ko. Sa halip na magmukmok ay lumabas ako ng kubo at naglakad patungo sa malinis na batis. Naglangoy ako nang naglangoy para libangin ang sarili ko. Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang lahat ng iniisip ko. Ayokong lunurin sa sakit ang sarili ko. Mahabang sandali na ang lumipas pero tuloy lang ako sa paglangoy. Nagpabalik-balik ako sa magkabilang gilid at nang mapagod ay saka pa lang ako nagpahinga.Hindi pa man ako natatagalan sa puwesto ko nang maramdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. Mabagal ang ginawa kong paglingon at gano'n na lamang ang kabang bumundol
CASSIE INGAT NA INGAT kong inalis ang braso ni Tristan na nakadantay sa tiyan ko bago bumangon. Lihim akong nagpasalamat nang makabangom ako na hindi siya nagising. Patayo na sana ako nang matigilan ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko dahil sa muling pagyakap ni Tristan sa akin sabay hila pabalik sa kama. Padapa akong bumagsak sa katawan niya."Tristan!" Bulalas ko at itinuon ang kamay sa dibdib niya. "Ano ba?" Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Bitawan mo nga ako. Ano ka ba?" "Honey..." Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nang tumaas ang kamay niya at masuyong haplusin ang pisngi ko ay pinigilan ko ang sarili kong mapapikit dahil sa kakaibang sensasyon na hatid ng kamay niya. Biglang init ng aking pakiramdam dahil sa ginawa ni Tristan."Honey..." Malamyos na anas niya, saka dahan-dahang umangat ang ulo para abutin ang mga labi ko.Gahibla na lamang ang pagitan ng mukha namin nang maalala ko n
CASSIENAGISING ako na medyo mabigat ang pakiramdam. Nagtaka ka pa, malamang dahil sa dami ng nainom mo. Sikmat ng kabilang bahagi ng isip ko. Nakapikit pa ang isang mata na bumangon ako dahil bigla akong nagutom. Hinihilot ang ulo na lumabas ako ng kuwarto para maghanap ng makakain sa kusina ni Shiela. "Warfreak pa mor--""Good morning."Napahinto ako at natigilan sa ginagawang paghilot sa ulo ko nang marinig ang boses na 'yon. Ang akala ko'y nagkakamali lamang ako ng naririnig pero nakumpirma kong tama nang muli siyang magsalita. "Masakit ba ang ulo mo?" Mabagal ang ginawa kong paglingon sa pinanggigilan ng tinig na 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita si Tristan. Nakatayo malapit sa kitchen sink habang hawak ang isang sandok, nakasuot din siya ng navy blue na afron. "Masakit ba ang ulo mo?" Tanong niya at lumapit sa akin. Tangka niyang hahawakan ang ulo ko pero umiwas ako habang kunot na kunot ang noo. "Hon..." "Anong ginagawa mo rit--" Kusa akong natigilan nang igala ko ang a
CASSIETATLONG araw pa ang inilagi ko sa unit ni Shiela bago ko napagdesisyunang umuwi sa bahay ng mga magulang ko. At sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pabalik-balik si Tristan para suyuin ako pero hindi ko siya kinausap. At maging dito sa bahay nila Mama ay hindi siya pumapalya. Araw-araw siyang pumupunta kahit hindi ko siya hinaharap. At dahil doon ay nalaman ni Mama at Papa ang problema naming dalawa pero hindi naman sila nakialam. Hindi naman ako nagmamatigas, napagod na akong maging marupok na isang sorry lang niya ay napapa-oo na niya ako. Gusto ko sana siyang unawain pa pero 'yong hindi niya pag-contact sa akin sa loob ng dalawang araw ang sobrang nakakasama ng loob. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip kung ano ba ang tamang gawin sa amin ni Tristan. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari at napapagod na rin ako sa ganoong sitwasyon. 'Yong mapapatanong na lang ako sa sarili ko na may plano ba siya sa akin? Sa aming dalawa? Ilang araw na akong nag-iisip at nililimi ang sar
CASSIE"CASSIE?" Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag ni Mama. "Ma." Binitawan ko ang cellphone ko. Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit gising ka pa? Dis-oras na nang gabi, ah." Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Nauhaw lang ho ako, Ma," sagot ko sabay inom ng natitirang laman ng baso ko. Pang-apat na basong tubig ko na ito at busog na busog na ako. Kanina pa ako hindi mapalagay, hindi ako makatulog at makailang ulit kong sinubukang tawagan si Tristan para sana tanungin kung nasaan na. Pero sa huli ay hindi ko itinutuloy. Nagtatalo ang puso't isip ko. "May problema ba?" Pagkuwa'y tanong ni Mama at sinipat ako. "Wala naman ho, Ma. Pabalik na rin ho ako ng kuwarto ko." Tinalikuran ko na si Mama nang muli niya akong tawagin. "Ma." "Naiwan mo," aniya at inabot sa akin ang cellphone ko. "Thanks, Ma. Balik na po ako sa kuwarto ko. Good night, Ma." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at iniwan ko na siya. "Anak." Napahawak ako sa dibdib ko nang muling marinig an
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul