“Aalis na po kami, nay,” bungad ko pagkababang-pagkababa ko mula sa taas.
Naabutan ko siya sa sala na nagtutupi ng mga damit na nilabhan niya kahapon. Napabuntong hininga na lang ako bago lumingon kay Val na nakasunod sa likod ko. “Tawagin mo nga si Tricia, sahihan mong tulungan dito si nanay,” utos ko rito.
Agad ko siyang pinasingkitan ng mga mata nang kokontra pa sana siya. He just made a face at tatalikod na sana para bumalik sa taas ng biglang sumingit si nanay. “'Wag mo nang tawagin ang kapatid mo, may tinatapos pa 'yon na assignment,” pag tanggol nito sa kapatid namin.
Napamasahe ako sa sentido ko bago inis na lumapit sa kaniya. Nilapag ko ang bagpack ko sa upuan at sinimulang tulungan siyang magtupi. Magsasalita pa sana si nanay pero agad ko na siyang sinabihan na 'wag nang ituloy ang sasabihin. Alam ko naman na papahintuin niya ako sa pagtulong sa kaniya. Umupo rin si Val sa tabi ko at nagsimula na rin magtupi. Siniko pa 'ko nito na parang ako pa ang sinisisi kung bakit siya nagtutupi ngayon.
Umirap lang ako sa kaniya bago binaling ang tingin kay nanay. “'Wag mo kasing masiyadong inii-spoil sila Tricia, nay. Kaya tumitigas ang ulo eh.”
“Tumutulong naman sila lagi dito sa bahay, sadyang marami lang talaga siyang ginagawa ngayon,” pagkampi niya rito.
Napapailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Lima kaming magkakapatid. 'Yong dalawa ay bata pa pero si Tricia ay high school na, puwede na nga 'yon mabuntis eh. Pero lagi pa rin iniispoiled ni nanay.
“Ate, baka gabihin na tayo,” bulong sa'kin ni Val.
“Oo, alam ko, kaya bilisan mong magtupi,” giit ko sa kaniya.
Inismiran niya 'ko kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sumosobra na 'tong batang 'to, porque bumabait ako sa kaniya ay gaganituhin na niya 'ko. Ate niya pa rin ako kahit college student na siya 'no! Kahit dalawang taon lang ang pagitan namin ay kailangan ko pa rin makatanggap ng respeto galing sa kaniya.
Minadali na lang namin ang pagtutupi para makaalis kami agad. Monday na bukas kaya kailangan na namin umalis dito sa bahay ngayon. Pareho kami ng kapatid ko na nakikituloy sa kaibigan namin na mga nakatira malapit sa University para hindi sayang sa pamasahe. Weekends na lang kami kung umuwi rito sa bahay.
“Mag apply na rin kaya ako ng trabaho, ate. Para hindi kana nahihirapan na puro ikaw ang gumagastos.”
Huminto ako mula sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya at gano'n na lang kumurba ang ngiti sa labi ko dahil ang laki-laki na nitong totoy namin. Inangat ko ang kamay ko bago pinisil ang pisngi niya. “Mag-aral kana lang, 'yan lang ang gusto kong gawin mo.”
Inis niyang tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya bago ako sininghalan. Aba, lumalaban na talaga ang batang ito porque mas matangkad na siya sa'kin. Nakakamiss tuloy noong maliit pa ang isang 'to at laging nakasunod sa'kin kahit saan ako magpunta.
“Nahihirapan kana kasi, ate. Puwede naman ako mag part time job sa mga convenience store o maging crew sa mga fastfood chain----”
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sumingit ako. “Tigilan mo 'ko Valentine Wyne, mag-aral ka lang ng mabuti. Kaya ko na 'to atsaka tinutustusan naman tayo ni tito, hindi tulad ng tatay niyo na walang ambag,” paliwanag ko sa kaniya.
“Tatay natin, ate Xaltriana Yasminn Zamora. 'Yan binuo ko na, baka kasi nakalimutan mong Zamora ka pa rin.”
I just rolled my eyes at nagsimula na ulit maglakad. Kung puwede nga lang tanggalin ang surname niya sa pangalan ko ay baka matagal ko nang nagawa iyon. Wala siyang kwentang ama.
Hinatid ko hanggang sakayan si Val. Sinigurado kong nakasakay na siya bago ako sumakay sa jeep na dadaan sa tinutuluyan ko. Magkaiba kami ng pinapasukan, malas niya dahil hindi siya nakapasok sa University na pinapasukan ko. Pero ayos lang 'yon, as long as nasa loob pa rin ng University belt ang pinapasukan niya.
“Tri! Tri! Buti nandito ka na, halika rito at may ipapakita ako sa'yo,” bungad agad sa'kin ni Amber pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa tinutuluyan namin.
“Ano ba 'yon?” pagod na tanong ko.
Nagpahila lang ako sa kaniya hanggang sa kama niya. Studio type lang itong tinutuluyan namin. Meron ditong dalawang kama para sa amin, lamesa para sa kakainan and tig isang study table. May sarili naman kaming banyo at lababo kaya ayos na ang ganito para sa aming dalawa ng kaibigan ko.
“May nag email sa'yo, trabaho. Tutoring to be exact,” aniya sabay pakita ng laptop niya sa'kin.
Kunot noong kinuha ko ang reading glasses ko bago binasa ang email. At gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kalaki ang sahod. Parang isang buong linggong sahod ko na 'to sa pagiging waitress ko sa restobar na pinagtatrabahuhan ko ah.
“Baka naman scam 'to, Amber,” nagdududang ani ko.
Nakita ko siyang umiling ng ilang beses. “Imposible 'yan, Tri. Atsaka wala naman masama kung susubukan mo, hindi ba?”
“Kaya lang hindi naman ako matalino, Amber---aray!”
“'Wag kang pa-humble, sasakalin talaga kita.”
Inis na umirap lang ako sa kaniya. Pero may point naman talaga si Amber. Hindi naman masama kung susubukan ko. Sayang din 'to kung sakali kaya nang matapos ang klase ko kinabukasan ay agad-agad akong pumunta sa lugar kung saan ko kikitain ang tuturuan ko.
Tuturuan ko raw muna ang anak niya bago ako bayaran. Titingnan daw muna nito ang performance ko.
Nakakakaba tuloy. Hindi ko naman kasi ineexpect na may magbabantay sa'min habang nagtuturo ako. Nakakailang kaya 'yon. Pero wala naman akong magagawa kung ang magpapasahod sa'kin ang nagsabi.
Sa isang rental study room kami magkikita. Tinext na sa'kin kung anong room kaya pumasok na 'ko ng dire-diretso. Though siyempre ngumiti ako sa may counter para hindi naman ako magmukhang makapal ang mukha na tuloy-tuloy lang kung pumasok. Nakailang liko rin ako may hallway bago ko nakita ang room number na binigay sa'kin.
“Ikaw ba si ms. Zamora?”
Napahinto ako mula sa pagbukas ng pinto dahil sa biglang humarang sa'kin. Lalaki siya na sa tingin ko ay nasa mid 30's na ang edad. Nakasuot ito ng itim na suit. Ngumiti ako sa kaniya at do'n ko lang napansin na may kasama pala siyang babae. Naka formal attire rin siya gaya ng lalaki at sa tingin ko ay magkasing edad lang sila.
“Yes po, ako nga po 'yon pero Tri na lang ho ang itawag niyo sa'kin,” pagpapakilala ko.
Pero mukhang 'di nila pinakinggan ang sinabi ko. “Okay, ms. Zamora, ako si Samantha. Ako ang naka-assign na magbabantay sa inyo ng tuturuan mo.”
Tumango ako rito ng bahagya bago naiilang na ngumiti. So, bale dalawa silang magbabantay sa'min? Sa pagkakaalam ko ay college student na 'tong tuturuan ko ah. Not just a college student, but a graduating student kaya bakit kailangan niya ng maraming bantay.
Spoiled brat siguro ang batang 'yon.
Ngumiti lang pabalik si ms. Samantha sa'kin bago pinihit ang pinto at pumasok na ng tuluyan sa loob. Hindi na 'ko naghintay pang imbitahan ako sa loob dahil sumunod na agad ako sa pagpasok niya. Pero agad akong napahinto nang magtama ang mga mata namin. Both of us froze in an instant and blink our eyes several times dahil sa gulat. Even him na kanina pa naghihintay rito ay hindi makapaniwalang nakita ako.
“Ms. Zamora, meet sir Liam, he's the one na tuturuan mo.”
My jaw immediately drop. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kami sa isa't-isa pero hindi gaya ko ay naka recover agad siya mula sa pagkakagulat.
He leaned against the table bago ngumiti sa'kin. Ang ngiting nagbigay bangungot sa'kin noon at hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ngayon. “Long time no see, Ex.”
“Order for table 6!”Agad akong lumingon sa counter at walang ano-anong tumakbo sa gawi na 'yon. Kinuha ko ang isang buong tray at hinatid sa table na sinigaw ni kuya Marion, isa sa mga chef dito sa restobar na pinagtatrabahuhan ko.“One jumbo bowl of fried rice, buttered chicken and spicy chicken wings for table 6. Enjoy your meal,” nakangiting saad ko sa kanila.Dinistribute ko lang ang mga pagkain sa lamesa nila at aalis na sana nang may humawak bigla sa pulso ko. Lumingon ako rito ng nakangiti. “May kailangan pa po ba kayo, sir?”He smiled at me that makes my body shiver. Ang creepy niya pero dahil customer namin siya ay siyempre ngumiti pa rin ako sa kaniya.“Puwede mo ba kaming saluhan dito sa table namin, miss beautiful? Mag-e-enjoy lang tayo gaya ng sabi mo.”Patago akong huminga
“Gago ka ba?” He smirked sabay pitik sa noo ko. I immediately glared at him because of that. Tumayo na siya ng diretso sabay ngiti sa'kin. Aba, kung makaasta siya ay parang close kaming dalawa. “Ibang-iba ka na talaga, marunong ka nang magmura,” he laughed. “Madali lang naman ang magiging trabaho mo sa'kin eh, you'll just gonna pretend to be my tutor.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Teka, anong sabi mo? Pretend?” He nodded bago ulit nagpamulsa sa harap ko. “Yes, magpapanggap ka lang na tinututor ako para magawa ko ang gusto ko sa oras na 'yon,” natutuwang aniya. So, literally, pumunta siya rito sa lugar ko para lang tulungan ko siya sa kalokohan niya. Sobrang sama talaga ng lalaking 'to kahit ang mama niya ay lolokohin niya para sa kagustuhan niya. He really didn't deserve anything na nakukuha niya ngayon.
“Hindi ka iinom?” medyo inangat ko ang paningin ko nang magtanong siya.Umiling lang ako bago mas sumiksik sa kaniya nang maramdaman kong umusog palapit sa'kin ang kaibigan niya. I'm now sitting between him and his friend, though may iba pang katabi na babae ang kaibigan niya. But still, I'm conscious kapag nagdidikit ang balikat namin. Mas ayos pa na mapalapit ako dito sa lalaking kinaiinisan ko kaysa sa kaibigan niyang hindi ko naman kilala.I felt his stares at me nang mabunggo ko ng bahagya ang balikat niya. Umiwas na lang ako ng tingin habang pilit na pinapahaba ang damit ko para lang hindi masiyadong expose itong legs ko.“You should've just accept my offer instead na pumasok ka sa ganitong work,” he whispered while sipping on his drink.Huminga ako ng malalim. “No thanks, mas ayos na 'ko rito,” I lied.&ldqu
“Dapat nandito na siya ah,” naiinip na bulong ko sa sarili.Kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at ininom iyon. Nandito ako ngayon sa isang cafe. Dito nakikipagkita si Liam. Sabi niya agahan ko. Ako naman ’tong si gaga ay inagahan nga.It's already Saturday pero kahit gano’n ay kakaunti lang ang tao rito sa cafe. It's quite quiet na mahihiya kang gumawa ng ingay. The cafe has a beautiful and a quiet vibe, halos lahat ng nakikita kong customer dito ay busy sa kaniya-kaniyang gawain, like studying. May iba na sa tingin ko ay gumagawa ng thesis nila.“Kanina ka pa?” tumingala ako sa kaniya.I waited for him until he sit down. Agad nitong hinubad ang suot-suot na sumbrero at sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. Binaba rin niya sa katabing upuan ang dala niyang bagpack. He's just wearing a simple white Celine shirt. Pa‘no ko nasabing Celine
“Oh, bakit ka nandito?”Kumunot agad ang noo ko dahil sa bungad sa akin ni Amber. I'm here inside the staff's room, kabibihis ko lang ng puting polo shirt. Wala naman uniform dito sa restobar na pinapasukan namin. Basta't naka polo shirt at pants ang suot mo ay ayos na.I'm now wearing our restaurants apron. Tinali ko na rin ang buhok ko bago hinarap si Amber.“Magtatrabaho, ano pa ba?” natatawang bigkas ko.It's already Monday. Medyo maaga ang pag time-in ko dahil maagang natapos ang last class ko.“Hindi ba't i-tu-tutor mo si Liam?” naguguluhan na aniya.I rolled my eyes when I heard his name. “Hindi ba't eme-eme lang ang tutoring na iyon? He just used me para ipalabas na nagtututor kami.”“Hindi ka ba natatakot na baka mahuli kayo ng mama
“Kung gusto mong bumawi, e 'di sana ay hindi kana bumalik sa buhay ko ulit,” seryosong saad ko.Umiwas siya ng tingin at binaling ang tingin sa cashier, binayaran na niya ang pinamili niya. Gusto ko nang umalis pero alam kong hindi niya bibitawan ang pulso ko.Inabot niya sa akin ang paper bag. Tiningnan ko lang iyon bago inangat ang tingin sa kaniya.“Tanggapin mo na 'to, para naman ito sa mga kapatid mo,” seryosong aniya.I took a deep breath sabay kuha sa mga paper bag na hawak niya. “Ibawas mo 'to sa sahod ko.”I didn't wait for him to answer dahil agad-agad na akong kumalas sa kaniya.“Ihahatid na kita.”“Hindi na, kaya ko ang sarili ko,” pagmamatigas ko.Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o hindi basta umalis na 'ko sa
“Anong sinasabi mo?” 'di makapaniwalang saad ko.Mariin niyang pinikit ang mga mata. “Umalis kana diyan sa trabaho mo,” utos na aniya.I smiled in disbelief. What the hell is wrong with him. Pati ang maayos kong trabaho ay pinag-iinitan na rin niya. Ito ang bumubuhay sa pamilya ko, ito ang nakakatulong sa akin sa araw-araw tapos sasabihin niya ay mag resign ako?Gago ba siya?“Alam mo, kung may problema ka ay huwag mong idamay ang trabaho ko. Wala ka sa lugar para sabihan ako sa mga gagawin ko,” inis na bigkas ko.I tried to open the door of his car, but it's lock. Napasandal na lang ulit ako sa upuan at pinakalma ang sarili ko.“Puwede kong lakihan ang sahod mo sa akin kung pera ang problema mo.”Matalim akong tumingin sa kaniya. He's not looking at my direction thou
“Liam . . .” mahinang tawag ko sa kaniya.He smiled before closing his eyes again. I don't know why pero hindi ako makaalis sa puwesto ko. Lalo na nang makita ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata niya.I reached for his face and slowly wiped his tears out. Ang init ng luha niya.May problema ba siya ngayon? Pinagdaraanan? Bakit siya naglasing ng ganito.Bumaling ang tingin ko sa kamay ko na nasa dibdib niya. He's still holding my hand. Mas humigpit pa nga ata nang ipikat niya ang mga mata. But you know what makes my heart soft? When he's gently caressing the back of my palm.He's not letting it go na parang natatakot na umalis ako sa tabi niya.I bit my lower lips. I don't know why is he like this, but I didn't let go of his hand.Dahan-dahan akong umupo sa may lapag at hinayaan siyang
“Yes, take care of mr. and mrs. Gonzalez wedding anniversary.” Marami pang tinanong sa akin si ms. Rolyn and her team tungkol sa binigay kong project. I smiled at them nang magpaalam na silang aalis. By that ay agad akong sumandal sa swivel chair ko rito sa bago kong office. It's been a week since na promote ako sa position na 'to, and it's really really tiring already. Pinikit ko ang mga mata ko at magpapahinga sana nang may marinig akong kumatok sa pinto. Agad akong umupo ng diretso at pinapasok ang kumatok. “Hi, ms. Yasminn.” Smile immediately form into my
“I'm at the park, malapit sa condo mo,” I took a deep breath as I look at my engagement ring. “Can we talk?”Hindi siya agad nakasagot, but I know na narinig niya ang sinabi ko. I waited for a few seconds hanggang sa narinig ko na ang sagot niya sa kabilang linya.[Wait for me. I will be there as soon as I can]I nodded as if nandito siya sa harap niya. In-end ko na ang tawag namin ni Khael. Tumingin ako sa paligid. Wala pang ilang oras simula nang ibaba ako rito ni Liam.It's already afternoon. Ayoko muna sanang magpakita kay Khael, pero ayoko na sigurong patagalin 'to . . . Mas mahihirapan lang kami pareho.And every time na naala
“Tri? Wake up.”Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. And there I saw Liam sitting in driver's seat. Napaupo ako ng diretso ng wala sa oras. Tiningnan ko ang damit ko, I'm now wearing a hoodie and a pajama.That's when I remembered na sumama nga pala ako sa kaniya. He let me borrow his hoodie and extra pajama in his car para maging komportable ako sa byahe.And I think that's the reason kung bakit ako nakatulog.He smiled at me. “Nandito na tayo.”Hindi pa man ako nakapagsasalita ay lumabas na siya rito sa loob ng kotse.Doon lang ako nagkaroon ng chance na tumingin
“I-I'm sorry, hon . . . I didn't meant to . . .”Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang paningin namin. Agad akong umatras palayo nang hahawakan niya sana ang mukha ko.Hindi maproseso sa utak ko ang nangyari. But I know one thing . . . Hindi ko pa lubusan na kilala si Khael.“Hon, I'm really am sorry . . .” He was about to reach for my face again nang sinagi ko ang kamay niya.I'm scared, natatakot na 'ko ngayong alam kong kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.Natatakot na 'ko . . .Nanatili akong tahimik. He's just looking at me with guilt on his eyes.
Warning: Harrassment ahead.“Saan ka pupunta, Tri?”Tumingin ako sa kanilang apat, including Liam and Rhea. Nakuha ko ang attention nila nang tumayo ako bigla.I smiled awkwardly bago pinakita ang phone ko, stating na may tatawagan ako. Mukhang naintindihan naman nila 'yon kaya 'di na 'ko nag dalawang isip at umalis na roon sa harap nila.I don't know why did I just stood up back there ng wala sa oras.I just . . . I just feel the urge to get out of there. . . to lose them out of my sight.Damn.Bakit ka ba n
“Yeah, nagbibihis na kami.”Inipit ko ang phone sa pagitan ng tenga at balikat ko. I'm now doing my make up infront of my vanity table nang tumawag bigla si Amber.[Are you sure? Baka mamaya 'di ka pumunta ah!]I laughed as I shook my head. “Sayang naman 'tong outfit ko kung hindi ako pupunta,” natatawang saad ko sa kaniya.Marami pa kaming pinagkuwentuhan ni Amber bago siya tuluyan na nagpaalam. By that, ang kaninang ngiti na nasa labi ko ay unti-unting naglaho.I look at my reflection in the mirror.I'm all set for Amber and Timmy's wedding anniversary, yet I'm still n
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng gutom. But my eyes immediately grew bigger when I realized kung nasaan ako ngayon.I immediately sit up straight dahilan kung bakit nahulog sa tiyan ko ang jacket na nakapatong sa katawan ko.Agad kong sinilip ang labas ng kotse. It's already dark. Damn.Tumingin ako sa driver's seat kung saan inaasahan kong makikita siya pero wala. Wala siya rito sa loob.Tumingin ako muli sa labas. That's when I realized na nasa isang park kami. Abandonadong maliit na parke. The view is still perfect though kaya ewan ko kung bakit abandonado na 'to.Pinasingkitan ko ang mga mata ko nang may matanaw ako
“How's the planning of wedding?”Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. We both smile nang maka-recover ako sa pagkagulat ko and we greeted each other.“We're still in progress,” I lied.I don't want any of them to know the truth kahit si Amber. The truth na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin napag-uusapan ni Khael ang kasal.He's busy with his work, and I'm also busy with mine. Pero hindi gaya niya, I can always look for time para asikasuhin ang wedding namin.I tried to open that up to him pero lagi akong natiyetiyempuhan na pagod siya.And because he's
“Bibili na lang ako sa labas.”Bago pa siya makapagsalita ulit ay dire-diretso na akong umalis sa harap niya. Since 'di naman ako nagpalit ng pantulog ay kinuha ko lamang ang wallet ko at lumabas na ng unit.What was that?Bakit ba gano'n siya magsalita at tumitig sa 'kin?Damn.Pinindot ko na ang button sa elevator. I'm just waiting for it to open nang umalingawngaw ang pangalan ko sa buong hallway.I immediately look at his direction. At gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko bago tumingin-tingin sa paligid.“Are