Share

Chapter 2

Author: Mysterielee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Gago ka ba?” 

He smirked sabay pitik sa noo ko. I immediately glared at him because of that. Tumayo na siya ng diretso sabay ngiti sa'kin. Aba, kung makaasta siya ay parang close kaming dalawa. 

“Ibang-iba ka na talaga, marunong ka nang magmura,” he laughed. “Madali lang naman ang magiging trabaho mo sa'kin eh, you'll just gonna pretend to be my tutor.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Teka, anong sabi mo? Pretend?” 

He nodded bago ulit nagpamulsa sa harap ko. “Yes, magpapanggap ka lang na tinututor ako para magawa ko ang gusto ko sa oras na 'yon,” natutuwang aniya. 

So, literally, pumunta siya rito sa lugar ko para lang tulungan ko siya sa kalokohan niya. Sobrang sama talaga ng lalaking 'to kahit ang mama niya ay lolokohin niya para sa kagustuhan niya. He really didn't deserve anything na nakukuha niya ngayon. 

“Sa tingin mo tutulungan kita?” I laughed in disbelief. “Asa ka.”

Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. But I really don't care. Umirap lang ako rito at tumalikod na. Iniwan ko siyang nag-iisa do'n. Ang kapal din talaga ng mukha no'n para ako ang gawing uto-uto. 

Hindi porque naging sunod-sunuran ako sa kaniya dati ay magiging gano'n din ako ngayon. Ayoko na. Hindi na mauulit ang nangyari dati. Kung tutuusin siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. And I hate him for that. 

Dire-diretso akong umakyat sa hagdan papunta sa floor namin pero hindi pa 'ko nakatungtong sa pangalawang palapag ng harangan niya 'ko bigla.

“I will double your pay. Bukod sa isasahod sa'yo ni mom ay sasahuran din kita,” hinihingal na aniya. “What do you think?”

“Sa tingin mo mabubulag mo 'ko sa pera mo?” inis na sambit ko bago siya binunggo sa balikat niya. 

Pero hindi pa rin siya tumigil at sinabayan pa 'ko sa paglalakad, explaining lahat ng mga gagawin niyang katarantaduhan habang nagpapanggap ako na tinututor ko siya. Literally, magpapanggap lang ako na magkikita kami to tutor him pero ang totoo ay sa iba siya pupunta at ako? Puwede raw akong pumunta kahit saan basta kapag tumawag daw sa'kin ang mama niya ay magpapanggap ako na kasama ko siya. 

“Puwede bang tigilan mo na 'ko dahil hindi ako papayag sa gusto mo. Never!”

That's what I've said bago siya pagsaraduhan ng pinto. Pero mukhang nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ako pumayag sa gusto niya. 

“Nakakainis kasi 'yang pride mo self,” bigkas ko habang sinasabunutan ang sarili. 

It's been 2 days since pumunta rito ang lalaking 'yon. At hindi ko inaasahan na masasagad ang pera ko ng ganito. Nawala sa utak ko na end of the month na, which means parating na si Judith. Ang dami ko pa naman babayaran ngayon. Plus the fact na kinuha pa ni tatay ang lahat ng pera kay nanay. Nagpadala ako ng kaunting pera kahapon para makabili si nanay ng maintenance niya kahit pang ilang araw lang. Pero kulang pa rin 'yon para sa isang buong buwan. 

Bawal pa naman magskip ng gamot si nanay. 

“Ano ba kasing ginawa ng lalaking 'yon sa'yo at pati pangalan niya ay ayaw mong ibigkas sa harap ko?” tanong ni Amber. 

Naramdamdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Nakasubsob ang mukha ko ngayon sa tuhod ko habang nakaupo rito sa kama. Nakakainis. Hindi ko na alam kung ano pang sideline ang papasukin ko para magkaro'n ng sapat na pera. 

Buti nga at nandito si Amber, kahit papa'no ay hinahati niya sa'kin ang pagkain niya kapag walang-wala na 'ko. 

“Utang ka na lang kaya sa tito mo, girl? Kapalan mo na lang face mo,” rinig kong sambit niya. 

Naisip ko na rin gawin 'yan pero ayoko nang dumagdag pa ang gastusin ni tito sa'min. Siya na nga ang nagpapaaral sa'min pati ba naman ang problema ni nanay sa maintenance niya ay papaproblemahin pa namin sa kaniya. 

Humiga ako ng tuluyan sa kama habang nakatulala sa kisame. “Parang gusto ko na lang maging patatas.”

Tumingin sa'kin si Amber bago ngumiwi. “Pati ba naman ikaw 'yan din sasabihin, e 'di kayo na gustong maging papatas,” aniya sabay tayo mula sa kama ko. 

Kumunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin papuntang banyo. Problema ng babaeng 'yon. Binasted ba siya ng isang patatas. Mukhang may tama na naman eh. 

Umiling-iling na lang ako bago dumapa sa kama habang nag-iisip ng malalim. Losing thoughts about sa papasukan ko na sidelines. Bumalik lang siguro ako sa wisyo nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. 

Agad kong kinuha 'yon sa tabi ko. “Unregistered number?” bulong ko nang makitang hindi ito naka register. 

Pero kahit gano'n ay sinagot ko pa rin ang tawag. “Hello?” bati ko. 

[Hello, ito ba si Xaltriana? 'yong nag apply sa'kin kanina?]

Napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang salitang apply. Kahit hindi ko alam kung alin do'n sa mga inapplyan ko kanina ang tinutukoy niya. 

“Yes po, ako nga po,” agad kong sagot. 

[May sideline ako para sa'yo. For tonight lang, gusto mo ba?]

Ngumiti ako at tumango kahit hindi niya naman ako nakikita. “Yes po, miss. Kahit anong work po, game ako.”

[Good, madali lang naman ang work na 'to. Magseserve ka lang sa mga customer. Kitain mo na lang ako sa address na itetext ko.] 

“Salamat po talaga, ma'am. Maraming salamat po!” 

Pagkababang-pagkababa ng tawag ay agad akong nag-ayos. Suot ko pa rin naman ang damit kong pampasok kanina pero kahit gano'n ay nagpalit pa rin ako ng panibagong damit. Gabi na ngayon dahil halos kakauwi lang namin sa work namin kanina. Pero kahit gano'n ay hindi ko aayawan ang trabaho na binigay sa'kin.

Nang sinend na sa'kin ang address ay sinend ko rin 'yon kay Amber. In case of emergency. Kinatok ko siya sa banyo para magpaalam. 

“Ingat, Tri! Sunduin na lang kita later para may kasama ka pauwi!” sigaw niya mula sa loob. 

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Amber dahil alam ko naman na susunduin at susunduin niya ako kahit hindi ko sabihin. Excuse niya lang 'yon para makagala. Galaera ang babaitang 'yon eh. 

Nakasuot ako ngayon ng maong pants at puting polo shirt. Tinuck in ko lang siya sa pantalon ko para kahit papa'no ay magmukha akong formal. Mabilis lang ang biyahe since gabi na rin at kakaunting tao na lang ang mga nag-uuwian. Pero kumunot ang noo ko nang makita kung ano ang nadatnan ko sa binigay na address sa'kin. Mali ba 'tong napuntahan ko? Sabi niya magseserve lang ako pero bakit sa bar ako napunta. 

“Ikaw ba si miss Xaltriana?” agad akong lumingon sa tumawag sa pangalan ko. 

Mediyo may katandaan na siyang babae pero kahit gano'n ay maganda pa rin siya. Nakasuot ito ng hapit na hapit na damit na kulang na lang ay lumuwa na ang dibdib niya at makita na ang kaluluwa niya. 

Ngumiti ako ng alangin bago tumango. “Ako nga po.”

Nailang ako ng tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Hindi pa do'n nagtatapos dahil inikutan din niya 'ko habang tumatango-tango. 

“Sumunod ka sa'kin sa loob,” utos niya bago naunang pumasok.

Nag-aalangan man pero sumunod din ako sa kaniya. Pagpasok ko pa lang sa parang lobby ay rinig na rinig ko na ang ingay mula sa pinaka loob ng bar. Sumunod lang ako sa babae kanina hanggang sa office niya. Maliit lang ito at puro kulay pula ang makikita. Bihira lang ang gamit na makikita mong hindi kulay pula.

Tinuro niya ang upuan tabi ng table niya kaya agad akong umupo roon. 

“Here, isulat mo diyan ang bank account number mo para ma-transfer ko na agad ang bayad ko sa'yo,” aniya sabay lapit sa'kin ng isang pirasong papel. 

“Sahod ho agad?” gulat na tanong ko. 

Napaubo ako ng bahagya nang magsindi siya ng sigarilyo. Mediyo nabigla lang ako dahil sa usok. “Yes, para naman ganahan kang magtrabaho mamaya. Ika nga nila, mas sinisipag sila kapag may pera na silang hawak.”

Tumango na lang ako at isusulat na sana ang bank account ko nang huminto ako. “Puwede po bang idiretso na sa bank account ng nanay ko po? Kailangan niya po kasi ng pambili ng gamot ngayon eh,” nahihiyang tanong ko. 

“Go ahead, kahit kanino mo ipadala 'yan ay hindi ako kokontra,” nakangiting bigkas niya. 

Nagpasalamat lang ako rito at sinulat na ang bank account ni nanay. Tinext ko na rin kay nanay na may darating na pera sa kaniya. Tinanong pa nga niya kung saan ko nakuha ang pera pero hindi ko na lang sinabi dahil kahit ako ay kinakabahan sa pinasok kong trabaho. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa loob ng office niya. Sinasagot ang lahat ng tanong ni madam Mara sa'kin. Nahinto lang siguro 'yon ng may pumasok na taong matinis ang boses dito sa loob. 

“Madam, nandito na 'ko.”

Sabay kaming lumingon dito. Tumayo ako at binati siya kahit hindi ko alam kung empleyado ba siya rito sa bar. Ang ganda rin niyang babae pero may katangkaran--teka, babae ba 'to? Base sa nakikita ko ay may features sa kaniya na mukha siyang lalaki pero mukha talaga siyang babae. Mas maayos pa siyang manamit kaysa sa'kin. 

“Ayusan mo na siya, Sandra. Magtatrabaho siya sa'tin ngayon,” sambit ni madam Mara sabay turo sa'kin. 

Gaya ng ginawa sa'kin ni madam kanina ay tiningnan din ako ni miss Sandra mula ulo hanggang paa. Tumango-tango siya habang hinahawakan ang buhok ko.

“Gandang babae, mukhang maraming pipila para sa'yo,” nakangiting sambit nito. 

Kusang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Umatras ako sa kaniya at kinakabahan na tiningnan silang dalawa. “A-Anong pipila?” rinig sa boses ko ang pangangarag nito. 

“Pumunta ka rito ng hindi mo alam ang pinapasok mo? Sorry, darling, pero wala nang atrasan 'to,” napakapit ako sa strap ng bag ko ng wala sa oras. “Boys! Dalhin niyo na siya sa kuwarto!"

Napatingin ako sa may pintuan nang biglang may pumasok na dalawang lalaki. Umatras ako nang umatras hanggang sa bumangga na ang likod ko sa pader.

“Sandali! Wala 'to sa napag-usapan namin kanina! Ang sabi sa'kin ay magseserve lang ako, please,” mediyo naluluhang sambit ko. 

Pero kahit anong gawin ko ay hinawakan pa rin ako ng dalawang lalaki sa braso ko. Nagpupumiglas ako. Pilit kong inalis ang kamay nila sa'kin pero hindi ko magawa dahil mas malakas sila. 

Nagsisigaw ako habang hinahatak nila ako sa kabilang kuwarto, umaasang may makakarinig sa tulong ko. Pero mukhang wala atang paki ang lahat ng tao rito dahil kahit nakita ako ng customer nila ay hindi sila nag-abalang lumapit man lang sa'kin. Tinulak nila ako sa loob ng kuwarto kung saan may ibang babae na nag-aayos. Sabay-sabay silang tumingin sa'kin pero agad din silang bumalik sa kaniya-kaniyang pag-aayos ng mukha nila nang pumasok si miss Sandra.

“Halika rito, pipilian kita ng susuotin,” sambit nito sabay hila sa'kin sa mga nakasampay na damit. 

Randam ko na ang pagtulo ng luha sa mata ko habang hawak-hawak niya ako sa braso. “Miss Sandra,” I sobbed. “Hindi po ito ang inapply-an ko. Please, pakawalan mo na 'ko. Ibabalik ko na lang ang pera, please.”

Kulang na lang ay lumuhod na ako sa harap niya. Pero kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay parang wala siyang naririnig. Kung ano-ano pa ang sinasabi niya na hindi ko naman naiintindihan. 

“Oh, 'yan ang suotin mo,” malumanay na aniya. 

Hindi ko siya pinansin. Rinig ko ang paghinga ng malalim nito bago ako hinatak at pinaupo sa isa sa mga monoblock dito sa loob. Nakayuko pa rin ako at hindi tumitingin sa mga mata niya. Not until miss Sandra kneeled infront of me. 

Nagtama ang mata namin and there I saw how concern he is. Natigil ako sa paghikbi dahil do'n.

“Anong pangalan mo?” biglang tanong niya.

“Tri.”

“Look, Tri. Magseserve ka lang ng drinks sa mga customer. Hindi ka sasayaw sa stage kaya 'wag kang mag-alala,” huminga ulit siya ng malalim. “Ito ang suotin mo, hindi 'yan masiyadong maikli. Magbihis ka na agad, hintayin kita sa labas.” 

Tiningnan ko naman ang damit na binigay niya sa'kin. Long sleeves siya. Hapit pa rin siya sa katawan pero mas mahaba nga lang kaysa sa iba. At base sa nakikita ko ay mukhang kita ang cleavage ko kapag ito ang susuotin ko. 

Tangina, ano ba kasi 'tong napasok ko. 

Okay. Huminga ka ng malalim, Tri. Just protect yourself. Sabi nga ni miss Sandra ay magseserve lang ako ng inumin. Wala naman sigurong mamimilit sa akin doon, hindi ba?

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ulit ang dress na binigay sa'kin. I took a deep breath bago tumayo. At kahit labag sa kalooban ko ay sinuot ko ang damit na 'yon. Ang mahalaga, makakabili na ng gamot si nanay ngayon. 'Yon na lang ang isipin mo, Tri. This work is just for tonight.

Tapos na akong magbihis nang biglang may pumasok sa kuwarto, si miss Sandra. “You look fabulous. Halika at lalagyan kita ng make up,” aniya sabay lapit sa'kin. 

Gaya ng sabi niya ay nilagyan nga niya ako ng make up sa mukha. Hinayaan ko lang siya na kulayan ang mukha ko since kagagaling ko lang sa iyak. It's still not okay for me. Pero kakayanin ko para sa nanay ko. Para sa pamilya ko. 

Ginaya na 'ko ni miss Sandra palabas sa kuwarto. Nasa likod lang niya ako habang naglalakad kami papasok sa bar. As usual, marami ang tao rito. May mga sumasayaw sa dance floor at meron din namang nakaupo lang, kasama ang mga babae. 

Sinimulan ko na ang pagserve ko ng mga inumin habang nakamasid lang sa'kin si miss Sandra. Gumaan ang pakiramdam ko dahil do'n kahit papa'no dahil alam kong may hihingan ako ng tulong if ever na may mang harass sa'kin. Sanay naman akong mag serve sa resto bar, pero iba kasi rito. Hindi ako kumportable sa suot kong damit. Ang sikip masiyado. Kada galaw ko ay umaangat siya. Feeling ko tuloy ay makikita na ang kaluluwa ko. Though, hindi siya masiyadong revealing. 

Maayos naman ng pagtatrabaho ko rito sa lumipas na ilang minuto. Walang lumalapit sa'kin o nambabastos, ngingiti lang siguro sila pero hanggang doon lang. Not until I felt someone following me. Binilisan ko ang paglalakad sa puwesto ni miss Sandra pero hindi ko na siya matanaw sa upuan niya. I just walked in a fast pace hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa'kin. 

“Kinis ng balat ah, baka puwedeng pahawak naman,” he whispered under his breath. 

Nagsitaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Lahat ng takot ay naramdamdaman ko lalo na nang lumapit pa siya ng husto sa'kin. I was about to push him away pero hindi 'yon natuloy ng biglang lumapit sa amin si miss Sandra. 

“Hoy, 'wag kang lalapit dito. Naka reserve na 'to,” singit niya na parang kakilala niya ang lalaki. 

Binitawan na 'ko nito at tumayo ng maayos para harapin si miss Sandra. He smiled. “Mas lalong gumaganda ang mga tauhan niyo rito ah. Improving.”

Hinawakan ako ni miss sa braso at hinatak ako sa gawi niya. “Matagal na 'kong maganda, thank you.”

'Yon lang ang sinagot niya sa lalaki bago ako hinila sa kung saan. Magtatanong pa sana ako kung saan kami pupunta nang magsalita na ito. “May gustong mag table sa'yo.

“Po? P-Pero wala naman po sa usapan 'yon---”

Hindi ko natapos ang sasabihin nang magsalita ulit si miss Sandra. “Don't worry, I trust him na wala siyang gagawin sa'yo. He's one of our regular customer,” dire-diretsong paliwanag nito. 

Kokontra pa sana ako sa gusto niyang mangyari pero huli na dahil nakarating na kami sa customer na sinasabi niya. Pumasok kami sa isang VIP room kaya masasabi kong mahalagang tao 'tong ipapakilala ni miss Sandra. Glass room ang pinasukan namin. Kita pa rin ang mga nag iinuman at nagsasayawan sa labas through the glass window pero sila ay hindi kita mula sa labas. 

Niyuko ko lang ang ulo ko habang pinapakilala ako ni miss Sandra sa kanila. I can't make an eye contact with them dahil feeling ko ay kapag nakipagtinginan ako sa kanila ay may gagawin sila sa'kin. I'm scared. Natatakot na 'ko sa oras na 'to lalo na nang iwan na 'ko ni miss Sandra rito sa loob. Ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko nang mapansin kong tumayo ang isa sa kanila. Kita ko ang bawat hakbang niya na papalapit sa'kin. Napakuyom ako ng kamao habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. 

Damn, I'm really am scared. Hindi ko na mapaliwanag ang takot na naramdamdaman ko ngayon. 

Pinaikutan niya ako habang naririnig ko ang mga kantiyawan ng mga kaibigan niya. Thankfully, wala siyang hinahawakan na kahit anong parte sa katawan ko habang naglalakad siya papunta sa likod ko. I'm still scared lalo na't mga lasing na sila. 

Pero lahat ng takot at kabang naramdamdaman ko ay biglang naglaho nang mabosesan ko ang tinig niya. I don't know if I'm just hallucinating or what pero alam kong sa kaniya ang tinig na 'yon.

“Hindi ko alam na ganitong trabaho pala ang gusto mo,” bulong niya sa tenga ko. 

My eyes widened as I look at him over my shoulder. Amoy na mula sa kaniya ang alingasaw ng alak. But instead of getting mad at him ay biglang naging panatag ang loob ko lalo na nang magtama ang mata namin. He smiled sabay hawi sa hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

“Miss me, Ex?”

Related chapters

  • Embracing Imperfections   Chapter 3

    “Hindi ka iinom?” medyo inangat ko ang paningin ko nang magtanong siya.Umiling lang ako bago mas sumiksik sa kaniya nang maramdaman kong umusog palapit sa'kin ang kaibigan niya. I'm now sitting between him and his friend, though may iba pang katabi na babae ang kaibigan niya. But still, I'm conscious kapag nagdidikit ang balikat namin. Mas ayos pa na mapalapit ako dito sa lalaking kinaiinisan ko kaysa sa kaibigan niyang hindi ko naman kilala.I felt his stares at me nang mabunggo ko ng bahagya ang balikat niya. Umiwas na lang ako ng tingin habang pilit na pinapahaba ang damit ko para lang hindi masiyadong expose itong legs ko.“You should've just accept my offer instead na pumasok ka sa ganitong work,” he whispered while sipping on his drink.Huminga ako ng malalim. “No thanks, mas ayos na 'ko rito,” I lied.&ldqu

  • Embracing Imperfections   Chapter 4

    “Dapat nandito na siya ah,” naiinip na bulong ko sa sarili.Kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at ininom iyon. Nandito ako ngayon sa isang cafe. Dito nakikipagkita si Liam. Sabi niya agahan ko. Ako naman ’tong si gaga ay inagahan nga.It's already Saturday pero kahit gano’n ay kakaunti lang ang tao rito sa cafe. It's quite quiet na mahihiya kang gumawa ng ingay. The cafe has a beautiful and a quiet vibe, halos lahat ng nakikita kong customer dito ay busy sa kaniya-kaniyang gawain, like studying. May iba na sa tingin ko ay gumagawa ng thesis nila.“Kanina ka pa?” tumingala ako sa kaniya.I waited for him until he sit down. Agad nitong hinubad ang suot-suot na sumbrero at sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya. Binaba rin niya sa katabing upuan ang dala niyang bagpack. He's just wearing a simple white Celine shirt. Pa‘no ko nasabing Celine

  • Embracing Imperfections   Chapter 5

    “Oh, bakit ka nandito?”Kumunot agad ang noo ko dahil sa bungad sa akin ni Amber. I'm here inside the staff's room, kabibihis ko lang ng puting polo shirt. Wala naman uniform dito sa restobar na pinapasukan namin. Basta't naka polo shirt at pants ang suot mo ay ayos na.I'm now wearing our restaurants apron. Tinali ko na rin ang buhok ko bago hinarap si Amber.“Magtatrabaho, ano pa ba?” natatawang bigkas ko.It's already Monday. Medyo maaga ang pag time-in ko dahil maagang natapos ang last class ko.“Hindi ba't i-tu-tutor mo si Liam?” naguguluhan na aniya.I rolled my eyes when I heard his name. “Hindi ba't eme-eme lang ang tutoring na iyon? He just used me para ipalabas na nagtututor kami.”“Hindi ka ba natatakot na baka mahuli kayo ng mama

  • Embracing Imperfections   Chapter 6

    “Kung gusto mong bumawi, e 'di sana ay hindi kana bumalik sa buhay ko ulit,” seryosong saad ko.Umiwas siya ng tingin at binaling ang tingin sa cashier, binayaran na niya ang pinamili niya. Gusto ko nang umalis pero alam kong hindi niya bibitawan ang pulso ko.Inabot niya sa akin ang paper bag. Tiningnan ko lang iyon bago inangat ang tingin sa kaniya.“Tanggapin mo na 'to, para naman ito sa mga kapatid mo,” seryosong aniya.I took a deep breath sabay kuha sa mga paper bag na hawak niya. “Ibawas mo 'to sa sahod ko.”I didn't wait for him to answer dahil agad-agad na akong kumalas sa kaniya.“Ihahatid na kita.”“Hindi na, kaya ko ang sarili ko,” pagmamatigas ko.Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o hindi basta umalis na 'ko sa

  • Embracing Imperfections   Chapter 7

    “Anong sinasabi mo?” 'di makapaniwalang saad ko.Mariin niyang pinikit ang mga mata. “Umalis kana diyan sa trabaho mo,” utos na aniya.I smiled in disbelief. What the hell is wrong with him. Pati ang maayos kong trabaho ay pinag-iinitan na rin niya. Ito ang bumubuhay sa pamilya ko, ito ang nakakatulong sa akin sa araw-araw tapos sasabihin niya ay mag resign ako?Gago ba siya?“Alam mo, kung may problema ka ay huwag mong idamay ang trabaho ko. Wala ka sa lugar para sabihan ako sa mga gagawin ko,” inis na bigkas ko.I tried to open the door of his car, but it's lock. Napasandal na lang ulit ako sa upuan at pinakalma ang sarili ko.“Puwede kong lakihan ang sahod mo sa akin kung pera ang problema mo.”Matalim akong tumingin sa kaniya. He's not looking at my direction thou

  • Embracing Imperfections   Chapter 8

    “Liam . . .” mahinang tawag ko sa kaniya.He smiled before closing his eyes again. I don't know why pero hindi ako makaalis sa puwesto ko. Lalo na nang makita ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata niya.I reached for his face and slowly wiped his tears out. Ang init ng luha niya.May problema ba siya ngayon? Pinagdaraanan? Bakit siya naglasing ng ganito.Bumaling ang tingin ko sa kamay ko na nasa dibdib niya. He's still holding my hand. Mas humigpit pa nga ata nang ipikat niya ang mga mata. But you know what makes my heart soft? When he's gently caressing the back of my palm.He's not letting it go na parang natatakot na umalis ako sa tabi niya.I bit my lower lips. I don't know why is he like this, but I didn't let go of his hand.Dahan-dahan akong umupo sa may lapag at hinayaan siyang

  • Embracing Imperfections   Chapter 9

    “You're protecting her, Storm?” she hissed.Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Liam sa pulso ko. Mas lalo niya akong tinago sa likuran niya. Not minding her mom na kinakausap pa ako kanina.“Hindi siya ang may kasalanan, mom,” he took out a heavy breath. “Ako ang may plano, no'n.”Mas lalong kumunot ang noo ng mama niya. Parang anytime ay sasabog na ito dahil sa inis. “Why did you do that?” giit niya.“Dahil malaki na ako, mom! I don't need a tutor to guide me!”“Then act like one!” mariin itong pumikit bago huminga ng malalim. “Kukuhanan kita ng panibagong tutor,” aniya a

  • Embracing Imperfections   Chapter 10

    “Ayoko na, ang sakit na ng ulo ko!”I shook my head and smiled as I saw him struggle. Grabe, first trial palang 'yan. Sinusubukan ko palang kung ano ang mga alam niya ay suko na siya agad.Kinuha ko ang test paper na hawak niya, ang ginawa ko kagabi bago matulog. Napanganga ako nang makitang nasa number 5 pa rin siya.He already took 30 minutes since we've started!Tapos nasa number 5 pa rin siya? For Pete's sake, it's just a multiple choices.“Nasa number 5 ka palang? Ano bang ginagawa mo, nagrorosary kada number?” mataray kong tanong.He snorted at me bago inagaw

Latest chapter

  • Embracing Imperfections   Epilogue

    “Yes, take care of mr. and mrs. Gonzalez wedding anniversary.” Marami pang tinanong sa akin si ms. Rolyn and her team tungkol sa binigay kong project. I smiled at them nang magpaalam na silang aalis. By that ay agad akong sumandal sa swivel chair ko rito sa bago kong office. It's been a week since na promote ako sa position na 'to, and it's really really tiring already. Pinikit ko ang mga mata ko at magpapahinga sana nang may marinig akong kumatok sa pinto. Agad akong umupo ng diretso at pinapasok ang kumatok. “Hi, ms. Yasminn.” Smile immediately form into my

  • Embracing Imperfections   Chapter 59

    “I'm at the park, malapit sa condo mo,” I took a deep breath as I look at my engagement ring. “Can we talk?”Hindi siya agad nakasagot, but I know na narinig niya ang sinabi ko. I waited for a few seconds hanggang sa narinig ko na ang sagot niya sa kabilang linya.[Wait for me. I will be there as soon as I can]I nodded as if nandito siya sa harap niya. In-end ko na ang tawag namin ni Khael. Tumingin ako sa paligid. Wala pang ilang oras simula nang ibaba ako rito ni Liam.It's already afternoon. Ayoko muna sanang magpakita kay Khael, pero ayoko na sigurong patagalin 'to . . . Mas mahihirapan lang kami pareho.And every time na naala

  • Embracing Imperfections   Chapter 58

    “Tri? Wake up.”Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. And there I saw Liam sitting in driver's seat. Napaupo ako ng diretso ng wala sa oras. Tiningnan ko ang damit ko, I'm now wearing a hoodie and a pajama.That's when I remembered na sumama nga pala ako sa kaniya. He let me borrow his hoodie and extra pajama in his car para maging komportable ako sa byahe.And I think that's the reason kung bakit ako nakatulog.He smiled at me. “Nandito na tayo.”Hindi pa man ako nakapagsasalita ay lumabas na siya rito sa loob ng kotse.Doon lang ako nagkaroon ng chance na tumingin

  • Embracing Imperfections   Chapter 57

    “I-I'm sorry, hon . . . I didn't meant to . . .”Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang paningin namin. Agad akong umatras palayo nang hahawakan niya sana ang mukha ko.Hindi maproseso sa utak ko ang nangyari. But I know one thing . . . Hindi ko pa lubusan na kilala si Khael.“Hon, I'm really am sorry . . .” He was about to reach for my face again nang sinagi ko ang kamay niya.I'm scared, natatakot na 'ko ngayong alam kong kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.Natatakot na 'ko . . .Nanatili akong tahimik. He's just looking at me with guilt on his eyes.

  • Embracing Imperfections   Chapter 56

    Warning: Harrassment ahead.“Saan ka pupunta, Tri?”Tumingin ako sa kanilang apat, including Liam and Rhea. Nakuha ko ang attention nila nang tumayo ako bigla.I smiled awkwardly bago pinakita ang phone ko, stating na may tatawagan ako. Mukhang naintindihan naman nila 'yon kaya 'di na 'ko nag dalawang isip at umalis na roon sa harap nila.I don't know why did I just stood up back there ng wala sa oras.I just . . . I just feel the urge to get out of there. . . to lose them out of my sight.Damn.Bakit ka ba n

  • Embracing Imperfections   Chapter 55

    “Yeah, nagbibihis na kami.”Inipit ko ang phone sa pagitan ng tenga at balikat ko. I'm now doing my make up infront of my vanity table nang tumawag bigla si Amber.[Are you sure? Baka mamaya 'di ka pumunta ah!]I laughed as I shook my head. “Sayang naman 'tong outfit ko kung hindi ako pupunta,” natatawang saad ko sa kaniya.Marami pa kaming pinagkuwentuhan ni Amber bago siya tuluyan na nagpaalam. By that, ang kaninang ngiti na nasa labi ko ay unti-unting naglaho.I look at my reflection in the mirror.I'm all set for Amber and Timmy's wedding anniversary, yet I'm still n

  • Embracing Imperfections   Chapter 54

    Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng gutom. But my eyes immediately grew bigger when I realized kung nasaan ako ngayon.I immediately sit up straight dahilan kung bakit nahulog sa tiyan ko ang jacket na nakapatong sa katawan ko.Agad kong sinilip ang labas ng kotse. It's already dark. Damn.Tumingin ako sa driver's seat kung saan inaasahan kong makikita siya pero wala. Wala siya rito sa loob.Tumingin ako muli sa labas. That's when I realized na nasa isang park kami. Abandonadong maliit na parke. The view is still perfect though kaya ewan ko kung bakit abandonado na 'to.Pinasingkitan ko ang mga mata ko nang may matanaw ako

  • Embracing Imperfections   Chapter 53

    “How's the planning of wedding?”Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. We both smile nang maka-recover ako sa pagkagulat ko and we greeted each other.“We're still in progress,” I lied.I don't want any of them to know the truth kahit si Amber. The truth na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin napag-uusapan ni Khael ang kasal.He's busy with his work, and I'm also busy with mine. Pero hindi gaya niya, I can always look for time para asikasuhin ang wedding namin.I tried to open that up to him pero lagi akong natiyetiyempuhan na pagod siya.And because he's

  • Embracing Imperfections   Chapter 52

    “Bibili na lang ako sa labas.”Bago pa siya makapagsalita ulit ay dire-diretso na akong umalis sa harap niya. Since 'di naman ako nagpalit ng pantulog ay kinuha ko lamang ang wallet ko at lumabas na ng unit.What was that?Bakit ba gano'n siya magsalita at tumitig sa 'kin?Damn.Pinindot ko na ang button sa elevator. I'm just waiting for it to open nang umalingawngaw ang pangalan ko sa buong hallway.I immediately look at his direction. At gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko bago tumingin-tingin sa paligid.“Are

DMCA.com Protection Status