Kabanata 6 LABAN KUNG LABAN
"Minsan, ang mga desisyong iniiwasan mo ang siyang magpapabago sa buhay mo—isang desisyong hindi mo kayang takasan." --- Nanatiling tahimik si Emma habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Ang huling sinabi ni Chase ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan. "Hindi mo ako matatanggihan." Napakuyom siya ng kamao. Sino ba ang lalaking ito para magsalita nang ganoon? Para bang hawak nito ang buong mundo at wala siyang ibang pagpipilian kundi sumunod. Humugot siya ng malalim na hininga, pilit pinakakalma ang sarili. Pero hindi niya mapigilang balikan ang mga sinabi ni Chase. "Kailangan kong magpakasal." "Ikaw ang tamang pagpipilian." "Walang komplikasyon. Wala tayong dapat maramdaman sa isa’t isa." Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam niya. Gusto niyang tumanggi. Gusto niyang sabihin kay Chase na hindi siya isang bagay na basta na lang pipiliin para sa isang kasunduan. Pero alam din niya ang totoo—wala siyang ibang opsyon. Ang bahay niya. Ang tanging alaala ng kanyang pamilya. Wala siyang ibang paraan para mailigtas ito. Huminga siya nang malalim at itinuwid ang likod. Kung ito ang larong gustong laruin ni Chase, hindi siya papayag na siya ang matalo. "Kung papasok ako rito, kailangan kong siguraduhin na hindi ako dehado." "Ipagpalagay na pumayag ako," malamyang sabi niya, tinitigan ang lalaki. "Ano ang makukuha ko bukod sa pera para sa bahay ko?" Nagtaas ng kilay si Chase, tila nagugustuhan ang direksyon ng usapan. "Bukod sa seguridad na hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa utang, makukuha mo rin ang pangalan ko. At alam mong may halaga iyon." Napasinghap si Emma. Totoo ang sinasabi ni Chase. Ang apelyido nito ay hindi lang may timbang—isa itong impluwensiya, isang proteksyon laban sa kahit anong panganib. Pero hindi siya basta-basta magpapadala. "At kung hindi kita pakasalan, anong mangyayari?" Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Then you lose everything, Emma. The house, your stability, and possibly, your future." Kumulo ang dugo niya. "Napaka-arrogante mo." "I just state facts." Chase stepped closer, halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. "And the fact is… alam mong wala kang ibang opsyon." Nag-init ang pisngi ni Emma. Gusto niyang labanan ang presensiya ni Chase, pero kahit anong gawin niya, hindi niya kayang ikaila ang katotohanan. "Tanggap ba ako ng pamilya mo?" Walang babala, diretsong tanong niya. Saglit na natahimik si Chase. Isang kisapmata lang iyon, pero sapat para mapansin ni Emma. "Wala silang pakialam," sagot nito. "Isa lang itong pormalidad." "Sigurado ka?" Umangat ang isa niyang kilay. "Paano kung may tumutol? O paano kung ang mismong pamilya mo ang maging problema natin?" Huminga nang malalim si Chase bago tumingin sa kanya. "Ang kasal na ito ay para sa akin, Emma. Hindi para sa kanila." "Ibig mong sabihin… hindi mo sila ka-close?" Natawa si Chase, pero walang halong saya ang tunog nito. "Don Esteban is old-fashioned. At hindi niya gusto ang mga desisyon ko sa buhay. He wants full control." Napakunot-noo si Emma. "At ito ba ang paraan mo para ipakita na ikaw ang may kontrol?" Hindi sumagot si Chase. At doon siya nagkaroon ng realization. "So, hindi lang ito tungkol sa akin o sa bahay ko. May mas malalim kang dahilan kung bakit mo gustong magpakasal." Tinitigan siya ni Chase nang matagal. "Ikaw ang napili ko, Emma. That should be enough." Pero hindi iyon sapat. Tumalikod siya, naglakad papunta sa bintana ng opisina ni Chase at dumungaw. Mula roon, kita niya ang kabuuan ng lungsod. Mga ilaw na nagliliwanag sa gabi, mga sasakyang hindi tumitigil sa paggalaw, mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang sariling laban. Iyon ba ang kailangan niyang gawin? Lumaban? Pinikit niya ang mga mata. Pagbukas niya ulit, bumaling siya kay Chase na nanatili sa kanyang pwesto, nakamasid sa kanya. "Okay," mahina ngunit matigas niyang sabi. "Paano natin sisimulan ito?" Napatango si Chase, tila nagustuhan ang sagot niya. "Good choice." Ngunit bago pa ito makapagsalita muli, tinaasan siya ng kilay ni Emma. "Pero, Mr. Donovan, huwag mong isipin na madali mo akong matatalo. Kung may laban kang hinahanap, ibibigay ko sa’yo." Nagningning ang mga mata ni Chase. Para bang mas lalo siyang naengganyo sa hamong ibinato ni Emma. "Laban kung laban, Emma," sagot nito, isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi nito. "Tingnan natin kung sino ang unang susuko." At sa sandaling iyon, alam nilang pareho—nagsisimula pa lang ang tunay na laro. Nagpamulagat si Emma sa sagot ni Chase. Hindi nito diretsong sinagot kung tatanggapin ba siya ng pamilya nito. Sinabi lang nito na walang pakialam ang mga ito. "Don Esteban…" mahina niyang bulong. "Paano kung hindi niya ako tanggapin?" Dumilim ang ekspresyon ni Chase. "Huwag mong alalahanin si Don Esteban." "Hindi mo naiintindihan, Chase," giit ni Emma, tumitig sa kanya. "Kung papasok ako rito, ayaw kong maging problema. Ayaw kong maging dahilan ng gulo sa pamilya mo." Tumawa si Chase, pero halata ang lamig sa tono. "Kung gulo ang iniiwasan mo, Emma, then you’re making the wrong choice." Napakurap siya. "Anong ibig mong sabihin?" Lumapit si Chase, itinukod ang kamay sa mesa sa harapan niya. "My family is already a battlefield. Matagal na." "Pero—" "At kung gusto mong malaman ang sagot," putol ni Chase sa sasabihin niya. "Don Esteban won’t accept you. But that doesn’t matter. Ako ang nagdesisyon, hindi siya." Malamig na katahimikan ang bumalot sa pagitan nila. Napasinghap si Emma. Totoo ang kinatatakutan niya. Hindi siya tatanggapin ng lolo ni Chase. "So… laban pala talaga ang kasal na ‘to." Mahinang natawa siya, pero walang halong saya. "Hindi lang para sa’yo, kundi pati para sa akin." "Kaya nga sinabi ko," aniya ni Chase, bahagyang yumuko palapit sa kanya. "Laban kung laban." Tinitigan siya ni Emma, pilit na inaaninag ang lalim ng mga mata nito. Naramdaman ni Emma ang lalong pagbibigat ng sitwasyon. Ang kasal na ito ay hindi lang basta pormalidad—isa itong laban. Hindi lang para kay Chase, kundi pati para sa kanya. Hindi siya sigurado kung kaya niyang harapin ang pamilya nito, lalo na si Don Esteban. Pero sa isang bagay, klaro na siya. Kung susuong siya rito, hindi siya papayag na matapakan. Napatingin siya kay Chase, na tahimik na nakamasid sa kanya. May kakaibang kislap sa mga mata nito, tila hinihintay ang kanyang susunod na galaw. "Kung pinoproblema mo ang lolo ko, huwag kang mag-alala," biglang sabi ni Chase, malamig at walang pag-aalinlangan. "Dahil siya mismo ang may gusto na mag-asawa ako—para mailipat na niya sa pangalan ko ang kumpanyang ito." Napakunot-noo si Emma. "Ibig sabihin… hindi siya ang magiging problema?" "Hindi siya," sagot ni Chase. "Pero hindi rin siya kakampi natin." Bahagyang lumamig ang pakiramdam ni Emma. "Kung gano’n… sino ang dapat kong ipag-alala?" Matalim ang naging sagot ni Chase, ngunit may bahid ng babala. "Ibang family members namin di ba sinabi ko na sayo kanina, my family is already a battlefield." Saglit siyang natigilan. Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Sa ngayon, huwag mo muna silang intindihin." Ngunit kahit sabihin pa ni Chase na huwag siyang mag-alala, alam niyang hindi ito ganoon kasimple. Hindi pa man nagsisimula ang kasal nila, pero ramdam na niyang hindi ito magiging ordinaryong laban. At sa pagkakataong ito, hindi lang pangalan ni Chase ang dala niya—kundi pati ang mga kaaway nito. Bahala na, saka ko nalang iisipin ang mga ito". Papayag ako Mr. Donovan lahat ng sinabi mo sa akin kanina dapat tuparin at gawin mo. Hindi mo ako pababyaan. Napangiti si Chase, ngunit sa ilalim ng ngiting iyon ay may kung anong misteryong hindi mabasa ni Emma. "Alam mo, Emma," malalim ang tinig nito, "hindi kita pababayaan. Pero sana handa ka rin sa kapalit ng kasunduang ito." Napasinghap siya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Lalong lumapit si Chase, ang titig nito ay matalim ngunit may bahid ng kung anong emosyon na hindi niya mawari. "Kapag tinanggap mo ang alok ko, wala nang atrasan. Sa mata ng lahat, mag-asawa tayo. At sa laban na ito... wala kang ibang kakampi kundi ako." Muli niyang binalikan ang kanyang desisyon. Sa loob-loob niya, alam niyang walang kasiguraduhan ang lahat, ngunit isa lang ang sigurado siya ngayon—wala nang balikan. Huminga siya nang malalim at tumingin nang diretso sa mga mata ni Chase. "Kung gano’n... laban kung laban." Sa sagot niyang iyon, tila may kung anong nagbago sa ekspresyon ni Chase. Hindi lang ito isang kasunduan para sa kanya. Hindi lang ito isang laro. Ito ang simula ng isang laban na maaaring magbago sa buhay nilang dalawa—at sa pagkakataong ito, wala nang urungan.Kabanata 7: Mga Panuntunan ng Laro"Sa isang kasunduan, ang malinaw na mga patakaran ang nagtatakda ng hangganan. Pero paano kung sa laro ng kasinungalingan, ang mga patakaran mismo ang unang malabag?"Tahimik si Emma habang nakaupo sa harapan ni Chase. Nasa loob sila ng isang pribadong dining hall sa isang mamahaling restaurant sa Makati. Silang dalawa lang ang naroon, ngunit sa pakiramdam niya, para siyang nasa isang interrogation room.Sa pagitan nila ay isang dokumentong halatang maingat na pinag-aralan—ang kasunduang magbubuklod sa kanila bilang mag-asawa… kahit sa papel lang."Basahin mo," malamig na sabi ni Chase, ipinapakita sa kanya ang kontrata. "Dito nakasaad ang lahat ng terms and conditions ng kasal natin."Bumuntong-hininga si Emma. Kinuha niya ang papel at sinimulang basahin. Habang sinusuyod ng mata niya ang bawat linya, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya.Kasunduan ng Pansamantalang Kasal:1. An
Kabanata 8: NO FALLING INLOVE Pagpasok ni Emma sa penthouse, napahinto siya sa pintuan at napatingala sa kisame. Kahit na alam niyang mayaman si Chase, hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng luho.Mataas ang ceiling, may eleganteng chandelier na tila mas mahal pa sa buong bahay na kinalakihan niya. Ang sahig ay gawa sa polished marble, at ang buong lugar ay may malalaking bintana na nagbibigay ng panoramic view ng lungsod.Napalunok siya.Para itong isang five-star hotel—o isang bahay na makikita lang sa mga pelikula.Hindi ito mukhang tahanan.“Tumayo ka na lang ba diyan magdamag?” Malamig na boses ni Chase ang bumasag sa pananahimik niya.Napalingon siya rito, nakatayo ito sa may hagdanan, ang mga kamay ay nasa bulsa.“Hindi ko lang in-expect na ganito ka-luxurious,” aminado niyang sagot habang muling iginala ang paningin sa buong sala. “Ang laki ng bahay mo para sa isang tao lang.”Chase smirked.
Kabanata 9: The CEO’s Secret WifeSa unang araw ni Chase sa opisina matapos ang kasal nila—kahit peke lang ito—wala siyang ideya na may isang sorpresa ang naghihintay sa kanya.Pagdating niya sa kumpanya, gaya ng dati, agad siyang naging sentro ng atensyon.Ang Donovan Corporation ay hindi lang isang matagumpay na negosyo kundi isang opisina kung saan marami ang lihim na nagpapantasya sa kanilang gwapong CEO. Habang dumadaan siya sa lobby, naririnig niya ang bulungan ng mga babaeng empleyado."Grabe, bakit parang mas lalo siyang gumwapo ngayon?""Siguro may bago siyang date, kaya blooming.""Hmp! Kung hindi lang siya sobrang istrikto, baka isa ako sa mga pinag-aaksayahan niya ng atensyon."Pero gaya ng nakagawian, hindi pinansin ni Chase ang mga iyon. Para sa kanya, walang kwenta ang tsismis. Ang mahalaga ay ang trabaho niya.Diretso siyang pumasok sa elevator patungo sa opisina, walang ideya na sa parehong oras, may isan
Kabanata 10: Simula ng LabanBukas.Pagkatapos ng nakakagulat na eksena sa Donovan Corporation, tila ba nagbago ang simoy ng hangin sa buong gusali. Ang dating malamig na corporate atmosphere ay napalitan ng isang kakaibang tensyon—isang pakiramdam na hindi na lang basta papel na kontrata ang magpapasya sa buhay nina Chase at Emma, kundi ang unti-unting pag-usbong ng tunay na damdamin sa kabila ng kasunduan.Habang naglalakad si Chase patungo sa kanyang opisina, ramdam niya ang mga titig ng mga empleyado na nagbubulungan sa bawat sulok. Alam niyang ang kanilang bagong imahe bilang “mag-asawa” ay hindi pa lubusang nauunawaan ng lahat, ngunit para sa kanya, ito ay bahagi ng isang mas malaking laro—isang laban na dapat niyang pagtagumpayan para mapanatili ang kanyang posisyon at maprotektahan ang kumpanya laban sa mga nagbabadyang intriga ng kanyang pamilya.Samantala, si Emma ay namamangka sa pagitan ng pag-asa at pag-aalinlangan. Ang bawat hakbang niya
Kabanata 11: Hamon ng PrinsipyoMula sa mga nagdaang araw, ramdam na ni Emma ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Chase. Habang nagpapatuloy ang kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa, tila ba naglalaro si Chase—isang laro kung saan sinusukat niya ang bawat kilos at salita ni Emma. Sa kanyang isipan, may nakatagong pagdududa, ngunit sa kabilang banda, alam niyang ang prinsipyo niya bilang CEO ay kailangang manatili, kahit na may bumubulong na mga damdamin sa kanyang puso.Sa isang maagang hapon sa Donovan Corporation, nagkaroon ng pagkakataon si Chase na imbitahan si Emma sa isang pribadong meeting kasama ang ilang key executives. Hindi ito basta pulong tungkol sa negosyo, kundi isa ring “testing ground” para kay Emma.Habang nag-iikot sa loob ng conference room, nakita ni Chase kung paano kumikilos si Emma. Hindi niya ito pinipilit maging “romantic” o sobrang malapit; bagkus, pinapakita niya na kaya niyang tumayo nang matatag sa kabila ng kakaiba
Kabanata 12: Gabi ng Pag-iisaHabang naglalakad si Emma sa corridor ng penthouse, pinipilit niyang ayusin ang kanyang isipan tungkol sa mga nangyari kanina. Sa isang sulok, hindi niya napansin na papunta rin si Chase, na abala sa pag-aayos ng mga dokumento. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang kanilang mga daanan—at sabay silang nahulog, nagbanggaan, at sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga labi.Para bang tumigil ang oras. Ang kanilang mga mata ay nagkatinginan sa isang sandaling puno ng pagkalito at pagkabigla. Mabilis, pareho nilang tinakpan ang kanilang mga labi, nag-alinlangan sa nangyari."Pasensya... sorry," sabay bulong ni Emma, ang mga pisngi niya namula sa biglaang init ng sitwasyon."Sorry," sabay rin ni Chase, bagaman halata sa kanyang tinig ang pag-aalangan at kakaibang pagnanasa—isang pagnanasa na pilit niyang itinago sa likod ng kanyang propesyonal na anyo.Sa eksenang ito, hindi lamang sila ang nakakita. Ang i
Kabanata 13: Mga Anino ng Nakaraan---Makalipas ang ilang araw…Tahimik ang penthouse habang nakaupo si Emma sa sofa, hawak ang isang baso ng alak. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Chase nang hindi kailangang magpanggap. Sa harap ng ibang tao, sila ang perpektong mag-asawa—punong-puno ng tamis at lambing. Pero kapag silang dalawa na lang, bumabalik ang malamig na katahimikan.Pinilit niyang isantabi ang bumabagabag sa kanya at tinungga ang natitirang alak. Hanggang kailan niya kakayanin ito?Biglang tumunog ang kanyang cellphone."Chase calling…"Napakurap siya bago sinagot ang tawag.“Maghanda ka,” malamig na sabi ni Chase. “May event tayong pupuntahan mamaya. Ihanda mo ang sarili mo.”Walang pasakalye. Walang paliwanag. Ganito na lang ba palagi?“Anong event?” tanong niya, pero hindi na siya sinagot nito. Napatitig siya sa screen ng kanyang cellphone haban
Kabanata 14: Lamat sa KasunduanTahimik na bumaba si Emma mula sa sasakyan, pero hindi niya maiwasang mapansin kung paano dumiretso si Chase papasok sa penthouse na para bang hindi siya kasama. Wala man lang sulyap o salita.Napasulyap siya sa sariling repleksyon sa elevator bago pumasok sa loob ng bahay. Bakit mo pa iniisip? Pinapaalalahanan niya ang sarili. Alam mo namang hindi ka dapat maapektuhan.Hindi siya dapat mag-expect. Hindi siya dapat magpahalaga.Pagkapasok niya sa kwarto, dumiretso siya sa kama, pero kahit anong pagpikit niya, hindi siya dalawin ng antok. May bumabagabag sa kanya, pero ayaw niyang pangalanan kung ano.Ilang sandali pa at napagpasyahan niyang bumangon. Kailangan ko ng alak.Pagbaba niya sa bar area, nagulat siya nang makita si Chase doon, hawak ang isang basong alak. Nakatalikod ito, pero halatang malalim ang iniisip.Nagtaas ito ng baso nang mapansin siya. “Hindi ka rin makatulog?” tan
KABANATA 80: Ang Pagkawala ni AmaraTahimik ang gabi. May katahimikang tila nagbabadya ng isang bagay na hindi kanais-nais. Sa loob ng bahay na tinutuluyan nila Emma at Mia, mahimbing ang pagkakatulog ng lahat. Si Mia ay nasa kabilang kwarto, pagod sa buong araw na pagtitinda sa barbequehan. Si Emma naman ay nasa kabilang silid, mahigpit na yakap ang anak niyang si Amara.Sa sobrang dami ng iniisip ni Emma—ang posibilidad na kunin ni Chase ang anak niya, ang desisyong umalis patungong Cebu, ang kinabukasan nilang mag-ina—hindi na niya namalayang dinalaw na siya ng antok. Nakalimutan na rin niyang i-lock ang pinto ng kwarto, maging ang maliit na backdoor sa may kusina. Walang kaalam-alam si Emma, may isang aninong gumalaw sa dilim. Isa sa mga tauhan ni Chase ang unti-unting pumasok sa bahay gamit ang nakabukas na likurang pintuan. Sanay sa kilos, tahimik itong lumapit. Alam na niya ang eksaktong kwarto—alam niya kung sino ang kanyang pakay.P
KABANATA 79"Hindi Ka Na Makatatakas"Hindi binuksan ni Emma ang pinto kahit ilang ulit pang kumatok si Chase. Mahigpit niyang niyakap si Amara na noo’y nakatingin sa kanya, tila ba nararamdaman ang kaba sa dibdib ng ina. Walang salitang namutawi sa kanyang mga labi—tanging ang mabigat na buntong-hininga lamang ang naririnig sa silid.Sa labas, si Chase ay nanatiling nakatayo. Ilang minuto. Ilang ulit pa ng pagkatok. Ngunit walang sagot.Napailing siya at napatingala sa langit. Malamig ang hangin. Gabi na. Pero wala siyang balak umalis.Sa wakas, bumalik siya sa kanyang sasakyan. Sa loob, isinandal niya ang ulo sa headrest, pinikit ang mga mata, pilit nilulunok ang sakit at inis."Sir, naka-book na po kayo sa hotel. Kami na pong bahala rito kina Ma’am Emma," sabi ng kanyang tauhan sa telepono."Anong hotel?" malamig na sagot ni Chase."GV Hotel po. Malapit lang dito. Para makapagpahinga kayo."Ayaw man
KABANATA 78“Pakiramdam ng Pagkawala”Mabilis ang lakad ni Emma habang nililingon-lingon ang kanyang likuran. Hindi niya alam kung sinusundan siya ni Chase, pero ang tibok ng kanyang puso ay parang sinisigaw ang takot na baka kunin nito si Amara. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang ipaalam ang totoo. Lalo na’t hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Chase kapag nakumpirma niyang anak niya si Amara.Pagkarating niya sa bahay na tinutuluyan nila ni Mia—isang maliit ngunit maaliwalas na unit sa tabi ng eskuwelahan kung saan sila rin nagtitinda, dito sila nag stay kysa uuwe dun sa bahay ng tiyahin ni Mia my kalayuan kasi—diretso siyang pumasok sa loob na para bang may humahabol sa kanya.Si Mia naman ay abala sa pag-aayos ng skewers sa maliit at lumalago nilang barbecuehan na nakatayo sa gilid ng kalsada. Agad niyang napansin ang pagmamadali ni Emma. Nilapitan niya ito, bitbit ang pangalawang tray ng inihaw.“Uy, girl,” salubo
Kabanata 76 : "Lihim sa Likod ng Kalikasan"Dumaan ang ilang buwan at si Chase ay nakatanggap ng alok mula sa isang businessman na nagbenta ng lupa sa Southern Leyte. Hindi sana siya magiging interesado, ngunit nang malaman niya ang potensyal ng lugar para sa pagpapalawak ng kanyang negosyo, nagbago ang kanyang pananaw. Isang magandang oportunidad ang sumik sa harap niya.Dahil hindi siya makakapunta agad, inutusan ni Chase ang kanyang right-hand man na si Mike na pumunta sa lugar at makipag-usap sa nag-aalok ng lupa. Ang plano ni Chase ay suriin ang negosyo at makipag-ayos upang mapakinabangan ang pagkakataong ito.Pumunta si Mike sa Southern Leyte at nag-set ng meeting sa may-ari ng lupa. Nang makarating siya sa lugar, agad niyang napansin ang kagandahan ng tanawin at ang posibilidad ng pag-develop sa lugar. Ang may-ari ng lupa ay isang tahimik na tao, ngunit malinaw na may mga plano siyang nais isakatuparan sa lugar. Habang nakikipag-usap si Mike, nagin
Kabanata 77 " ANAK KO BA?" Southern Leyte.Mula sa sandaling nalaman ni Chase kung nasaan si Emma, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinawagan ang kanyang tauhan."Ihanda agad ang private jet. Pupunta ako ng Southern Leyte. Walang delay.""Yes, sir."Sunod niyang tinawagan si Arman, ang kanyang tapat na investigator.“Arman, siguraduhing hindi siya mawawala sa paningin n’yo. I-monitor n’yo bawat galaw niya hanggang makarating ako.”“Noted, boss. Sa ngayon, nasa may park sila malapit sa port. Kasama niya ang isang bata. Wala namang ibang tao sa paligid.”Chase didn’t waste a second. Kaagad siyang lumipad mula Maynila patungong Tacloban gamit ang private jet. Paglapag niya sa airport, mabilis siyang sinalubong ng kanyang SUV. Mabilis ang takbo ng sasakyan, halos lumipad sa kalsada habang tinatahak ang daan patungong Sogod.Tatlong oras lang, at narating na niya ang bayan.Bumaba siya
Kabanata 75: “Asawang Walang Asawa”Tahimik ang gabi. Sa isang condo unit sa Taguig, nakaupo si Victoria sa gilid ng kama, suot pa rin ang wedding dress niya. Ang mamahaling tela ng gown ay tila isang bigat sa kanya, isang pabigat na hindi kayang itago ng lahat ng palamuti at magagarbong detalye. Kasal na siya, oo. Pero mag-isa siya.Tinitigan niya ang phone sa kamay. Walang tawag, walang mensahe mula kay Chase. Wala man lang "kumusta" o kahit isang simpleng "asawa na kita." Parang may kumakalabit sa dibdib niya, unti-unting nagiging masikip habang tinitingnan ang paligid—malinis, maganda, pero hindi tahanan.Tumayo siya, humawak sa gilid ng salamin, at tinignan ang sarili. May make-up pa, makintab ang buhok, ngunit sa mga mata niya, wala ni katiting na saya. Isa siyang babaeng walang lugar sa mundong ito. Isa siyang reyna… na walang kaharian."Hindi pwedeng ganito lang 'to," bulong niya. "Ako si Victoria Alcantara. Ako ang asawa ni Chase Don
Kabanata 74: "Kasalang Walang Puso"Ang venue ng kasal ay puno ng puting bulaklak, ginto’t puting dekorasyon, at engrandeng tugtugin. Ang bawat bisita’y nakangiti, akala mo’y isang perpektong kasalan ang magaganap. Pero sa gitna ng engrandeng selebrasyon, may isang kaluluwang pinipigil ang galit, naghahanap ng hangin sa gitna ng pekeng kasiyahan.Si Chase Donovan.Nakatayo siya sa gilid, suot ang itim na tuxedo na tila tanikala. Pinagmamasdan niya ang mga taong abala sa pag-aayos ng huling detalye ng kasal. Ilang sandali pa’y lumapit si Victoria Alcantara, suot ang isang designer gown, abot-tainga ang ngiti, tila isang prinsesa sa panaginip. Pero sa paningin ni Chase, isa siyang mandaraya na dapat lang itapon sa bangungot.“Chase,” malambing ang boses ni Victoria habang hinawakan ang braso niya. “Ang gwapo mo ngayon.”Agad umatras si Chase, nanlilisik ang mga mata. “’Wag kang lapit nang lapit sa’kin, V,” mariin niyang sabi, boses niy
Kabanata 73 "Balitang Gumising sa Puso" Lumipas ang ilang buwan mula nang tuluyang nawala si Chase sa buhay ni Emma. Tahimik ang mga araw, pero hindi matahimik ang puso niya. Sa bawat paglipas ng oras, unti-unti niyang tinanggap na hindi talaga sila para sa isa’t isa. Hindi man niya aminin nang buo, araw-araw siyang umaasang baka bumalik pa rin ito. Pero mas pinili niyang tahimik na magpatuloy sa buhay, lalo na’t palapit na nang palapit ang araw ng kanyang panganganak. Malaki na ang tiyan niya, at kahit hirap, pinipilit niyang maging matatag—para sa batang nasa sinapupunan niya.Isang hapon habang abala siya sa pag-aayos ng gamit ng sanggol, biglang sumigaw si Mia mula sa sala.“Girl! Halika dali! Panoorin mo ’to!”“Bakit? Anong meron?” tanong ni Emma habang hawak ang isang maliit na kumot.“Basta halika na! Bilisan mo!”Lumakad si Emma papunta sa sala, bakas sa mukha ang pagod at kaba. Paglapit niya, tumambad sa screen ng
Kabanata 72 – 'Bahay ng Alaala"Buong araw na subsub sa trabaho si Chase. Hindi siya tumigil kahit saglit, pinilit niyang ilibing ang sarili sa mga papel, meeting, at tawag para lang hindi siya lamunin ng katahimikan. Dahil sa tuwing tatahimik ang paligid, si Emma ang laman ng isip niya.Nasaan siya? Kumakain ba siya ng maayos? Iniisip niya rin kaya ako?Habang minamaneho niya ang sasakyan pauwi, mas lalo siyang nilunod ng alaala. Napapikit siya sandali sa pulang ilaw habang binabalikan ang huling araw na magkasama sila ni Emma. Bakit ba hindi niya ito pinakinggan? Bakit mas pinili niyang manahimik kaysa harapin ang katotohanan?Alam niya ang dahilan.Dahil kung sinuportahan niya si Emma noon, tiyak ang galit ng kanyang ama. Isang galit na matagal na niyang alam kung gaano kabagsik. Hindi dahil sa shares—dahil sa pagmamahal niya kay Emma. Ang ama niya, hindi tanggap si Emma, hindi dahil sa kasunduan nila kundi dahil naging tunay na t