Inabot sa akin ni Nova ang bouquet. It was mixed with baby pink carnation and white asters. Ang ganda. “Happy birthday, lovey.” Lumapit naman si Nova sa akin tsaka may binulong. "Ginulo pa talaga kami ni Daniel, para dito. Pero deserve mo naman. Huwag ka lang sasaktan, kasi ako mananakit sa kanya, ibabaon ko talaga sa lupa ng buhay!"Natawa ako sa sinabi niya. Pero kaagad ding lumapit sila Ana at Mila sa akin at inabot ang mga regalo nila sa akin.“Hoy! Hindi pa ‘to narerelease, kaya ‘wag mong ipapakita sa iba! Mapapatay ako ni mommy!” Ani Mila nang iabot nito ang regalo niya sa akin.Napakagat ako ng labi nang makitang mga cosmetics iyon. Skin care at make-up. “Sa December pa namin irerelease ‘yan. Kaya secret muna! Mabuti nalang may kaibigan kang mula sa cosmetic company!” Natatawang saad ni Mila kaya napailing ako.“Ako na nag sponsor ng cake at mga pastries mo para mamaya—kaso langya binayaran ni Daniel. Goods narin, kasi pera na ‘yon e. Sino ba naman ako para tumanggi? Pagmamahal
“Muntikan ka na doon, my Angel.” Napakunot ang noo ko nang tawagin niya akong, “my angel”. Wala namang ibang tumatawag sa akin no’n kun’di ang lalaking nanggugulo sa akin sa may manggahan! Pagtingin ko sa dulo ng cart ay nakita ko siya roon na malawak ang ngiti. Siya ‘yong lalaki sa may manggahan kahapon. Na feeling close kahit hindi ko naman ka-close. Buti naman hindi na mangga ang dala! Pero cake? Seriously? A four layer-tier cake? “Happy birthday, my angel! Gift ko!” Sabay turo sa cake na nakapatong sa food cart. Mukhang dadalhin sa buffet area. He’s wearing a white top with a army trunks. Nakatsinelas lang siya, pero pormahan palang ay parang modelo na sa ganda ng hubog ng pangangatawan. I narrowed my eyes on him. “Anong ginagawa mo rito?” Takang tanong ko. He smiled brightly. Ang... Gwapo niya. Teka nga Haven! Ano bang pinagsasabi mo?! Teka?! Hindi ba pwedeng nagagwapuhan lang? Nagagandahan nga ako kina Gen at Saoirse e! Gwapo din naman sila Theo, Leo at Finn, so anong
The party started with a burst of energy as the music kicked in, filling the air with a lively beat that made it impossible not to tap your foot along. The soft hum of conversation mixed with the sound of clinking glasses and laughter, creating a vibrant, joyful atmosphere. People began to mingle around the pool, their faces lit up with excitement and the anticipation of a memorable evening.And the Sierras are minding their own business on the other part of the mansion. Mga bata pa kasi sila kaya pinagbabawalan ng mga lalaki na lumapit sa gawi namin, dahil nga may bar counter dito, at baka masanay sa pag-iinoman.Lalo na si Yari ay makulit ang kamay nakakapaslit ng mga inumin ng hindi napapansin ng mga nakakatandang pinsang lalaki. She’s too naive, kaya minsan ay natatakasan ang mga pinsang lalaki. “Ate Ven!” Tawag saakin ni Saia tsaka niya ako hinila papalapit sa kanila. Pinaupo ako sa tapat nila Zaina, habang pinaggigitnaan naman ako nila Saia at Hope.“Magkagalit ba kayo ni Kuya,
KAAGAD akong hinila palayo ni Daniel kay Isaac at mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. I tried to pull away, but his hold was unyielding. The pain in my wrist was sharp, and I could feel my pulse racing in sync with the rapid thumping of my heart. Gusto ko siyang sigawan kung bakit nagiging ganito siya, pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. I chose to remain silent, even though every part of me wanted to lash out.Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil ramdam kong galit na galit si Daniel. Hindi ko alam kung lasing na ba siya, or what. This is the second time I saw him mad. At naiinis ako dahil heto na naman siya and his attitude!Namalayan ko nalang na nasa kwarto ko na kaming dalawa, doon niya lang ako binitawan. I stumbled slightly, trying to regain my balance. Daniel’s anger was palpable; his face contorted with rage. His eyes were dark, almost wild, and his fists were clenched at his sides. He looked like a storm ready to break, and I could
I wrapped myself under my comforter dahil sa lamig ng aircon. Hindi ko alam kung nasaan si Daniel, pero masyado pa akong inaantok para malaman iyon. Muli akong natulog at muli din akong nagising nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. “Pasok,” sigaw ko dahil tinatamad pa akong tumayo. The door crack open hindi ko na nagawang linungin iyon dahil baka isa lang sa mga kasambahay o sila Hari. “Kakain na,” and I was right. It was Hari. "Later," mahinang sagot ko sa kanya. "Hinahanap ka nila Yari. Bumaba ka na dahil aalis narin sila maya-maya." Malamig nitong tugon sa akin. Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan kaya napaupo ako sa kama. Hindi parin ako sanay sa pagiging malamig ni Hari sa akin. Nakakainis! Ano naman kung may nililigawan siyang iba, kailangan niya ba talagang lumayo sa akin? Tatayo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko rin kaagad iyon. “Are you awake now?” Daniel’s husky voice filled me. Muli akong napahiga sa kama dahil sa antok at pagod
HARI YASIEL SIERRAI watched as Daniel and Cheska walked away, feeling a pang of sadness. Theo came up and patted my shoulder. “You should move on, Hari,” he said gently.I laughed bitterly. “How? Kung araw-araw, gabi-gabi ko siyang kasama?”Hindi ko na hinintay na sumagot si Theo nang lumangoy ako papunta sa kabilang dulo ng pool para maalis sa isip ko ang mukha ni Cheska. But every time I closed my eyes, siya laging lumalabas sa isip ko.I should have courted her first before Daniel could. Binalot lang ako ng takot dahil baka hindi ako sagutin ni Cheska dahil sa age gap namin.And so? I could be mature for her. It's just a two-year gap. Does it matter?Ilang beses niyang pinaramdam sa akin na parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Damn. Ayokong hanggang doon nalang kami. I want to step the boundaries, but every time I do, lumalayo siya sa akin. And that's fucking hurt worse than being rejected.I used to be with her all the time, lalayo? Hindi ko kakayanin. OA? No, I just love
HARI YASIEL SIERRAI don’t know, but I avoided her as much as I could. Siguro tama narin para hindi ko na guluhin ang relasyong meron sila ni Daniel.Lumapit si Saoirse sa akin. “Kailan tayo magpa-praktis, Hari?” Tanong nito tsaka umupo sa tabi ko.Hindi ko magawang mapatingin sa kanya. My gaze remains on my book as I am reading the topic for our finals.“Mamaya, kung hindi ka busy.” I nonchalantly said.I really don’t have interest in other girls. Especially not with Saoirse. She’s too... Boring. Too demure. Pero maganda siya. Hindi ko lang type.“Ano ba naman ‘yan Baste! Ayusin mo na kasi!” Naiiyak na sabi ni Cheska kay Baste habang nag eensayo sila ng Tango.Kaka-break lang namin ni Saoirse at silang dalawa na naman ang sumasayaw.“Ikaw ang mali, Haven. Maayos naman ang pagkakasayaw ko!” Baste retorted.“Bagay sila,” bulas ni Saoirse dahilan para mapatingin ako sa kanya.She’s sitting beside me, leaning against the wall while her gaze are on Cheska and Baste. Saoirse is indeed beau
HARI YASIEL SIERRAI was nursing my drink, trying to drown out the chaos in my head, when suddenly someone yanked my hand, forcing me to spin around. Before I could react, a sharp sting exploded across my face as a slap landed squarely on my cheek.“Sai!” Gulat na sigaw nila Leo nang sampalin ako ni Sai.There she was, Saoirse, standing in front of me, her eyes blazing with anger. She looked like she had been holding it in for a while, and now it was all spilling out. I scoffed, wiping the side of my mouth with the back of my hand, more out of habit than actual need. The sting from her slap was nothing compared to the pain I’d been carrying inside.I wished it was Haven standing in front of me, her eyes burning with the same fire that had always drawn me in. I wished it was her voice, steady and strong, telling me to get my act together. I wished it was her hand, not Saoirse’s, reaching out to pull me back from the edge I’d been teetering on for so long.But it wasn’t Haven. No matter
Nagdadabog akong pababa ng mansyon dahil sa inis ko kay Hari. Hindi kasi ako pinapansin dahil lang sa naging kami na ni Daniel. Kaya hindi ko na alam kung paano suyuin ang lalaki! Ayaw na ayaw ko pa namang may away kami. Nakakairita. “Oh? Anong mukha iyan?” natatawang saad ni Kuya Vin nang makita akong pababa ng hagdan. “Mukha ng maganda, kuya!” asik ko sa kanya. Kaya hindi na mapigilang mapatawa ni Kuya Vin. Inirapan ko ito pero kaagad din akong yumakap kay Kuya na siyang ikinabigla niya. “Aba, nagpapalambing ang prinsesa ko,” aniya tsaka niya sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.“Eh kuya kasi, si Hari nagtatampo! Hindi ko alam paano suyuin, ayaw akong pansinin.” naiiyak kong saad kay Kuya. Eto kasi ang unang beses na magkaroon ako ng kaibigan na nagtatampo sa akin kaya hindi ko alam kung paano siya suyuin. I never had a friend. At ang paglalayo ni Hari sa akin ay para na niya rin akong pinapatay. Kainis. Silang dalawa lang ni Daniel ang ka-close ko sa school, tapos la
Namamahinga ngayon sila Nika, Elio, kasama ang mga anak ni Elio na sina Vienna at Vlad, kasama rin ang mga pamangking ni Nika na sina Harvin, Haven at Hari sa isang food stall matapos maubos ang enerhiya nila kakapasyal sa loob ng isang amusement park. “Tita punta ulit tayo rito!” masayang wika ni Hari, kaya naman ginulo ni Haven ang buhok ng bunsong kapatid. “Aba nag-request pa nga!” natatawang saad ni Haven. Napangiti naman sina Elio at Nika nang makitang masaya ang mga bata. “Sa susunod, Disneyland naman,” wika ni Elio para mapatalon sa saya ang mga bata. Habang kumakain ay bigla silang nakita ni Yarianne, ang pamangkin ni Elio. Masaya itong tumakbo papalapit sa kanyang tito at tinawag si Nika. “Tita Nika! Tito Elio!” masayang pagtawag ni Yari para makuha nito ang atensyon ng dalawa. Kasunod ni Yari ang mga nakakatandang pinsan na sila Atticus, Sean, Hari, at si Sebastian. Kasama din nila ang mga kaibigan nila Hari at Sebastian na sina Daniel, Genevieve, Nova, Mila, Ana, Finn,
I was packing my things when the door swung open. At nang linungin ko iyon, ay nakita ko si Hari na papasok sa loob ng kwarto ko, nagtataka kung bakit niya ako nakitang nag-eempake. “Where are you going, Cheska?” tanong ni Hari nang hablutin nito ang kamay ko para mapatigil sa pagtutupi ng mga damit. “Far away,” I replied with a bright smile. Akala ko kaya ko nang mag-stay dito, kasama sila Hari at Baste, pero hindi ko pala kaya. Kaya naisipan ko na lang na magpakalayo, malayo sa kanilang dalawa. “Akala ko ba mananatili ka dito?” tanong niya. Muli akong ngumiti sa kanya tsaka ko hinila ang kamay ko para magsimula ulit sa pag-eempake. Mamaya ay darating na ang chopper na pinadala ni Tito Elio para sunduin ako at ihatid ako sa lugar na nais kong puntahan. “This mansion brought me so many memories, Hari. With you and Baste and everything that made me feel to not let it go, but I have to,” I paused. “Feel ko hindi ako uusad kung mananatili ako rito—” “Iiwan mo ako?” His voice crack
Napatitig ako sa mukha ni Daniel na puno ng sugat at namamaga dahil sa pagsuntok sa kanya ni Hari, habang nasa loob kami ng ospital. Halos hindi ko na makilala si Daniel sa kanyang mukha ngayon. Daniel’s been sleeping for hours since that happened, and I feel sad about it, kaya hindi ko siya maiwan-iwanan dito sa ospital room niya. Hawak-hawak ko ang kamay ni Daniel at marahang hinaplos iyon, at habang hinahaplos ko ang kamay niya ay siyang pagtulo muli ng mga luhang kanina ko pang pinipigilang pumatak. I held his hands tightly and rested it on my forehead. Silently praying that everything will be okay now. “Cheska.” Hari’s voice was firm and cold. Ngunit hindi ko siya nilingon. Anong mukhang ihaharap ko sa kanila? Sa kanya? “Daniel! Daniel!” rinig kong pagsigaw ni Mrs. Fortelejo kaya ay napatayo ako sa kinauupuan ko. Mabilis namang lumapit si Mrs. Fortelejo sa kanyang anak at naghinagpis ito nang makita kung gaano kasira ang mukha ni Daniel. Napaangat ito ng tingin sa
“Buti naman nakapunta ka, Ven. Akala ko ikukulong ka na ni Daniel sa condo niyo,” natatawang saad ni Sylus nang makita akong papalapit sa kanya. Inirapan ko naman ang lalaki tsaka ako lumapit kina Nova. “Ven!” tili ni Nova nang makita ako. I stared at her attire, she’s wearing a revealing red dress na hindi lalagpas sa kanyang tuhod. Naka-messy bun naman ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Finn is on her side, nakahawak sa bewang nito tila ba binabantayan mula sa mga lalaking gustong lumapit kay Nova. Lapitin din naman kasi ng lalaki itong si Nova. “Buti nakapunta ka!” sigaw nito tsaka lumapit sa akin at nakipag-beso. Halatang nakainom na si Nova, dahil kanina pa naman sila dito at medyo hindi na rin tuwid ang kanyang tayo, habang ako ay pinipilit ko pa si Dan na makapunta ako dito, pero in the end, nagalit lang siya at hindi na ako kinausap. Sa galit ko rin ay tuluyan na akong nagbihis para puntahan sila, at isaya na lang ang galit na nararamdaman ko. “Siguro badtrip na naman
Warning: This chapter explores sensitive themes such as abuse and trauma experienced by the protagonist. Reader discretion is advised. “Huwag kang magulo, Sylus! Tatadyakan kita!” Inis kong sambit sa lalaki nang kinukuha nito lahat ng mga papers ko para basahin at koreksyonan. Edi sila na matalino! Partida Fashion Designer ang kinuha pero mukhang mas may alam pa sa Nurse kesa sa’kin. “Ang gwapo ko para tadyakan mo, Francheska!” anas niya tsaka dabog na pinatong sa lamesa ang mga papers ko, dahilan para mapatingin sa amin ang mga estudyante dito sa library. Inirapan ko ang lalaki at inayos ang mga papers para ipapasa na sana nang sulatan iyon ni Sylus para koreksyonan, kaya ay gagawa na naman ako ng panibago bago iyon ipasa. Nakakainis. Kung kailan deadline na ay ngayon pa talaga sumingit ang lalaki. “Yo!” singit naman ni Isaac sabay tapon ng bag nito sa tabi ko at uupo na sana nang itulak siya ni Sylus gamit ang paa nito. Edi sila na ang may mahabang mga paa. “Bawal,” anas ni
Habang tinatahak ang daang palabas sa building na ito ay siyang walang hanggang pagbuhos ng luha ko. I can’t stop crying. And I don’t know why I am crying. I did the same to Daniel. Siya itong dapat may karapatang magalit at umiyak dahil sa mga kasalanang ginawa ko sa kanya. Anong iniiyak mo, Haven? “Haven! Sandali!” rinig kong paghabol ni Daniel sa akin. Saktong nasa baba na kami ng kompanya nila, hindi naman na masyado matao dahil mag aalas otso na ng gabi. “Teka, Haven. Please, sandali lang!” There was desperation in his voice, pleading for me to stop. His footsteps were getting closer, pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. Ang sakit. Ayokong makita ‘yung tingin sa mga mata niya—ang galit at lungkot, ang sakit. Sobrang sakit. Kaagad din akong napahinto nang hawakan ni Daniel ang kamay ko, hindi masyadong mahigpit, pero sapat na para pigilan ako sa paglayo. Kaya kaagad kong pinunasan ang luhang walang tigil sa pagpatak sa pisngi ko. “Please, Haven,” pabulong niyang sabi
DANIEL FORTELEJO “Dan, can you stay for a while? I need you in the company. I can’t do it all alone,” pakiusap ni mommy habang nanghihina itong pinupunasan ang katawan ni daddy. Na-stroke si daddy nang malamang bumabagsak ang company namin matapos na magkaroon ng malaking issue sa bridge na pinapatayo sa Bohol-Cebu, na bumigay ang iilang bahagi nito. So far, wala namang nasaktan sa mga empleyado namin. Iyon nga lang, nawalan ng investors ang konpanya namin at binawi sa amin ang proyektong iyon. We had already lost millions because of that project, and now the government is demanding a refund for the money we spent on building the bridge. But how? All the payments they gave us had already been used for the project. We can't refund the money because if we do, we'll lose even more, leaving us with nothing. That’s why I pushed to finish the project. I knew it was our only hope. I worked tirelessly, day and night, organizing every detail, overseeing construction, negotiating with suppli
Kumain kami ni Hari na para bang walang nangyari sa aming dalawa. He keeps serving me food, habang patuloy ito sa paghigop ng kanyang sipon gawa ng pagkakaligo sa ulan at sa iyakan naming dalawa. Napanguso ako habang patuloy ito sa pagbabalat ng hipon para makain ko. Tulad ng sabi niya ay kakain kami no’n sa araw ng birthday ko. “Just eat a few, dalawa lang pala, ayokong mag-alala si Tita Nika,” ani nito sa marahan na boses. Medyo iba na rin ang boses nito. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang tumutulong sipon sa kanyang ilong. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa kanya, dahil nakanguso ito habang pinupunasan ang ilong. “Sino daw magkakasakit?” I teased. Sinamaan niya naman ako ng tingin, pero kaagad ding huminga ng malalim. “I didn’t know you have strong immune system than I do, partida pareho pang doctor ang mga magulang ko, tsk.” asik niya habang patuloy pa rin sa pagpunas ng kanyang ilong dahil ayaw na atang tumigil sa pagtulo ng sipon sa kanyang ilong. Napailing na la