Malaki ang ngiti ko nang pumasok ako sa opisina. "Good morning," bati ko sa mga taong nasa labas na naghahanda na para sa trabaho nila. Gulat pa silang napatingin sa akin. Hindi siguro sila sanay na bumabati ako tuwing umaga. Madalas kasi ay diretso lamang ako papasok ng opisina. "Good morning, Ma'am!" sabay-sabay na bati nila. Nginitian ko sila bago ako tuluyang pumasok sa opisina namin. "Ano iyon?" Napalingon ako kay Anji na nagtatakang nakatingin sa akin. Nasa likuran ko ito at mukhang kadarating lang rin. "Ang alin?" Pinakatitigan ako nito. "Ganda ng aura mo ngayon. Parang ang gaan-gaan. In love ka ba?" Natawa ako sa sinabi niya upang hindi niya mahalata na tama ang sinabi niya. "Kanino naman ako ma-iin love?" kunwari ay tanong ko sa kaniya. "Gusto mong mag-name drop pa talaga ako?" naghahamong saad nito. "Kilala mo ang tinutukoy ko. Iyong tumuka sayo dati. Natatandaan mo?" May pilyang ngiti ang mga labi nito. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mabili
Malaki ang ngiting napatingin ako sa nakasaradong pinto ng opisina ni Delgado dahil sa natanggap kong mensahe mula sa kaniya. Ayon dito ay sabay raw kaming uuwi. Hindi pa nga nagmemeryenda, uwian na agad ang iniisip niya. Sabay na nga kaming kumain kanina. Mabuti na lang at hindi ako inaya nina Anji kaya hindi ko kilangang magdahilan sa kanila. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Pasalamat na lang talaga ako at pumayag siya sa gusto ko nang sabihin ko sa kaniya na itago muna namin sa lahat ang tungkol sa amin. Pero dahil siya si Delgado, duda pa rin ako na gagawin niya ang sinasabi ko. Matigas ang ulo niya, kaya dapat ready na ako palagi kapag may naisip siyang kapilyuhan. Huwag lang sana kaming mahuli dahil kapag nangyari iyon wala na kaming lusot. Bumaba ako para kunin ang mga papeles na ipinasa ko kanina kay Anji para papirmahan sa ibang engineers. Napatingin ako sa mga engineers na nandito sa ibaba. Mukhang kumakain sila ng meryenda, m
Naging maayos ang relasyon namin ni Delgado. Wala mang nakakaalam sa trabaho namin tungkol sa amin pero naging smooth naman ang mga araw namin kahit na minsan hindi talaga mawawala ang mga kalokohan niya sa katawan. Ilang beses na ba kaming muntik na mahuli? Pakiramdam ko laging sasabog ang dibdib ko sa kaba. Palagi kaming sabay mag-lunch. Ilang beses na nga akong niyaya nina Anji pero nagdadahilan ako na may baon ako kahit ang totoo ay wala. Isang beses pa lang akong nagbaon at idinamay ko si Delgado na sobrang tuwa pero madalas ay umuorder talaga siya ng kakainin namin. Buti nga walang nagtataka kung bakit ang dami palaging order ng boss namin. Sa loob ng unang linggo namin bilang mag-boyfriend-girlfriend masasabi kong masaya ako kahit na patago lang ang relasyon namin. Daig pa namin ang mga teenagers na nagtatago sa mga magulang namin. Nagtatago naman talaga ako sa magulang niya dahil alam ko na kapag nalaman ng ina niya ang tungkol sa amin hindi ito papayag. Isa iyon sa mga dah
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Are you proposing to me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Bigla itong umiling. "Nope, I want to give you the best proposal you deserve. I know that I am guilty of tricking you into being my girlfriend, so I want to make it right in my proposal. But if you want, we can get married right now. I know a mayor who can officiate a civil wedding," malaki ang ngiting saad nito. Inirapan ko siya. "Paano mo ako bibigyan ng best wedding proposal kung niyaya mo na akong magpakasal sa mayor ngayon?" kunwari ay pagtataray ko sa kaniya. "I was just kidding, but If you want-" "Stop. You can't propose to me yet. Our relationship is still new. Paano kung makahanap ka pa ng mas better sa akin?" "No one is better than you because for me you are already the best," wika nito at inabot ang isang kamay ko. "You are the most beautiful woman I know. No one can bet you in my eyes." Pinipigilan kong mapangiti sa kilig dahil sa sinabi niya kaya kinagat ko ang
"Mommy! Mommy! Wake up!" malakas na boses ni Love ang nagpagising sa akin. Niyuyogyog pa ako nito sa pagkakahiga ko pero hinila ko lang ito pahiga sa kalapit ko at niyakap ng mahigpit. Nagpupumilit na makawala ito sa pagkakayakap ko ngunit mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Late na ako nakarating kagabi. Tulog na rin siya kaya dumiretso na ako ng higa sa tabi niya. "Mommy!" muling saad nito. Bahagya kong iminulat ang aking mata upang tingnan siya. Bakit ba ang ingay-ingay na agad nito ay ang aga-aga pa? "Hmm?" Inaantok pa talaga ako. "Daddy is calling." Bigla akong napadilat dahil sa sinabi niya. Mabilis akong napatingin sa cellphone ko na umiilaw pero walang tunog sa side table ko. Naka-off nga pala ang ringtone nito kaya hindi tumutunog. Inabot ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Umupo na rin ako habang ang anak ko naman ay nakasunod ang tingin sa ginagawa ko. Sinukalay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Did I wake you up?"
MARGARITA Nanatili kaming naglalangoy ng anak ko sa swimming pool. "Love," tawag sa akin ng anak ko. Napangiti ako sa kaniya at lumangoy palapit sa kinauupuan niya. I missed her calling me love. Madalas kasi sa text na lang niya ako tinatawag ng ganoon hindi gaya dati na mas madalas niya akong tawaging love kaysa mommy. Naalala ko pa na ilang beses ni Delgadong pinagselosan ang anak ko dahil love ang tawag nito sa akin at iyon din ang pangalan nito sa cellphone ko. "Yes, love?" "Is daddy going to live us too in your house?" kunot-noong tanong nito. Umahon ako sa tubig at umupo sa tabi niya. "What do you mean?" Nakarinig ako nang dumating na sasakyan pero binaliwala ko iyon. Baka si Sylvia lang o isa sa mga driver na itusan ni Mama. Maliban na lang kung bisita ito ng aking ina. "We have a house in the province, we will live there, is daddy will live with us? He is rich. I saw, he owns a tall building. Will daddy live in a small house with us?" Napatingin ako sa anak ko. Hindi
"I-i am s-sorry..." Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. "Is she my daughter?!" Napakislot ako sa biglang pagtaas ng boses nito. "IS SHE?" Nag-angat ako ng tingin at tumango sa kaniya. "Y-yes." Wala nang dahilan para itanggi ko pa. Alam kong may ideya na siya, confirmation ko na lang ang hinihingi niya. Napatayo ito sa pagkakaupo habang walang emosyon natumingin sa akin. "Tangina... Sorry ganun na lang ba iyon?" Nagpalakad-lakad ito habang hindi alam kong saan iababaling ang galit na nararamdaman. Tumingin ito sa akin. "Tangina Margarita anak ko iyon, kung hindi ba ako biglang pumarito at hindi ko na rinig ang usapan ninyo wala ka pa ring balak sabihin sa akin ng totoo?" Kung pwede siguro nitong pilipitin ang leeg ko dahil sa galit na nararamdaman kanina pa nito ginawa. Umiigting ang panga nito habang matalim na nakatingin sa akin. "Hindi naman sa ganoon," tanggi ko sa sinabi niya. "Hindi ko namantalaga balak itago sayo ang totoo wala lang akon
Napatingin ako kay Delgado. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Siguro mugto na ang mga mata ko. Baka ang pangit-pangit ko na sa paningin niya. "Are you going to force me to marry you?" kinakabahang tanong ko. Napalunok ako ng ngumisi siya. "What comes to your mind that I will do that?" Ganoon naman talaga sa mga nababasa kong libro dati. Ganoon nga ang ginawa ni Dwayne kay Rebecca. Siya pa nga ang umayos ng papel noong dalawa kaya hindi na nakapagtataka kung gagayahin niya. Pero kunsabagay bakit naman niya ako yayaing magpakasal? Galit nga siya sa akin. Baka nga makipag-break na siya dahil sa ginawa ko. Kahit hindi niya sabihin alam kong galit siya. Ramdam ko iyon sa walang emosyong mukha niya. "Hindi ba?" Wala na ba siyang planong pakasalan ako? As in? "Do you want to marry me?" balik -tanong nito. Mabilis na umiling ako. "No?" Sabubong ang kilay na tanong nito. Tumango ako. "Yes?" "Ano ba talaga ang gusto mo?" pag-iia
“Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa
Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak
Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo
Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to
PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab
MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n
COHEN Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong bumungtong-hininga ng malakas. "What's wrong?" I asked her. It's sunday, she is eating peanut cake again while we are watching her mom helping in the garden. Sinabihan ko na si Margarita na hayaan na lang ang mga kasambahay namin na gumawa noon pero ako pa ang pinagalitan nito kaya hinyaan ko na lang siya. She is fully healed already. Have a lots of energy to move around dahil masyado daw siyang na-bored noong hindi siya makalakad ng maayos. Lora and I are on the second floor balcony. "When are you going to marry my mom?" biglang tanong nito. I smiled at her. "Soon." She rolled her eyes. "Dad, I want an specific time and date. Are you saying soon because you are not sure?" nakatikwas pa ang kilay na tanong nito. "Don't say that, if there is someone I am so sure in my life, that's your mom," depensa ko sa kaniya. "Then will you are going to marry her?" "I need to propose to her first." "When are you going to propose?" "I nee
Napatingin ako kay Conan nang patulog na kami. Nakahiga na ako sa bed ko pero tumayo pa siya at siniguradong naka-lock ang pinto ng kwarto namin dito sa hospital. Nasa VIP room kami kaya hindi gaya ng iba na kita agad ang kwarto namin sa labas. Para nga lang kaming nasa hotel dito, perks of having a rich tapos nadamay ako kasi boyfriend ko siya. Bukas ay pwede na siyang lumabas habang ako ay kailangan pang manatili ng ilang araw dahil sa paa ko. Gusto ko na ngang lumabas dahil nauumay na ako dito. "What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang lumapit siya sa akin. Ngumisi ito sa akin. Ngisi pa lang nito kinakabahan na ako. This is one of the reasons why I don't want us to share room. He is too naughty and I can't resist him. "Don't you dare!" saway ko sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito. Pero tila bingi ito. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang patient shirt na suot niya. "Conan," saad ko sa pangalan niya par
MARGARITA"Yeah, you are sorry," sarcastic na saad ni Conan habang nakatingin sa kaniyang ina. "It also means that while I am looking for her, you are blocking all the information. Don't you trust me? I can protect them, mom."Halata ang frustration sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. May sugat pa siya sa tagiliran niya na katatahi lang pero mukhang masyado na agad siyang stress. Dapat nagpapahinga na lang muna siya.Marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. He is becoming emotional. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagsinungaling ang lahat sa kaniya pero naiintindihan ko rin ang ina niya. Magkaiba sila ng paraan pero iisa lang naman ang gusto nila, ang protektahan kami ni Love at nagpapasalamat ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ina niya kahit na noong una ay siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyari sa akin noon."I am sorry. That's why I tried to correct all the things I did. When I found out that you already found