Matapos naming mag-usap na mag-ina ay inilabas ko pa rin si Love. Nagtungo kami sa isang pastry shop para bumili nang paborito niyang Chocolate Peanut butter cake. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya ang lasa noon samantalang ako naman ay hindi mahilig sa mani.Masaya itong kumakain dahil umorder din kami ng tig-isang slice ng cake, ang kanya ay ang paborito niya habang ang akin naman ay dark chocolate. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ito. Hindi ako masasawang panoorin ang mga ngiti ng anak ko. Muli akong humingi ng tawad sa isipan ko dahil sa mga pagkukulang ko sa kaniya.Napaangat ang tingin ko ng may babaeng isang babaeng huminto sa tapat ng table namin. "Margarita?" hindi makapaniwalang paninigurado nito habang nakatingin sa akin."Danica?" "Ako nga! Akala ko namamalikmata lang ako nang makita kita kanina. Kumusta kana? Anak mo?" tanong nito habang nakatingin kay Love.Tumango ako. "Yes."Kung dati siguro mag-aa
COHEN "I am planning to continue our initial plan and investigate the cause of fire. Someone is threating my wife, for sure that person is connected to what happened," Dwayne said. We are now in his office. I keep on looking at my phone. Nakailang palit na ako ng sim at nakailang block na rin siya sa akin. I texted her last night but she blocked me again. I am just worried about her but she keeps on avoiding me. I still don't get why she's always angry at me every time we met. It's like she's always ready to blow a fire towards me, but I can feel something when I kissed her. Every time I kissed her, it felt different. Yes, she complained but she always kissed me back first before she will back to her old self. Someone who always keep distance. "Delgado, are you listening to me?" Tumingin ako kay Dwayne dahil sa tanong niya. Umakbay naman sa akin si Troy habang malaki ang ngisi. " He is obviously not. He is missing someone." Inalis ko ang braso niyang nakapatong sa balikat ko. "S
"Wala ka ba talagang balak na manatili na lang dito? Pwede ka namang sa kompanya magtrabaho," napatingin ako kay mama nang sabihin niya iyon.Nandito ako ngayon sa veranda ng bahay niya at nagpapahangin nang lumapit siya.Bukas ay babalik na ako ng San Antonio kaya ito na ang huling gabi ko rito. Apat na araw rin akong nanatili dito sa bahay niya.Humarap ako sa kaniya habang nakatukod ang mga siko ko sa balustre. "Maybe I am welcome to this house because I am your daughter but we both know that company is not yours, it was your late husband who owned it. Once Sylvia reached the right age she will inherit it. I don't want people to say something once I work there."Ayokong may masabi ang side ng asawa niya sa akin. Wala akong balak makihati sa bagay na alam ko namang wala akong karapatan. Kapag twenty-five na ang kapatid ko ay mapupunta na sa pangalan niya ang kompanya, isang taon na lang."Margarita, Sylvia knows that. She even suggested to make you work there. You can leave here wi
"When are you going to visit me again?" tanong sa akin ni Love. Ngayon na ang uwi ko sa San Antonio. Ayaw ko man siyang iwan pero hindi ko pa siya pwedeng isama sa ngayon. "From now on, I will visit you every weekends," nakangiting saad ko habang nakadampi ang palad ko sa ibabaw ng ulo nito. Nakita ko ang pagkislap ng tuwa sa mga mata nito dahil sa sinabi ko. "Really?" Nakangiting tumango ako sa kaniya. "I will wait you then, take care, mom. I love you," sweet na saad nito bago humalik sa pisngi ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa noo. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako tumayo nang tuwid at tumingin sa kapatid ko. "I will go ahead,"paalam ko dito. Nakapantulog pa ito. Kararating lang nito kagabi mula sa Davao dahil may conference daw itong inatendan doon. "Take care, bring someone with you next time," kumindat pa ito sa akin habang malapad ang ngiti. Natatawang inirapan ko ito dahil sa sinabi niya. Palagi na lang akong inaasar nito na mag-b
Dumapa ako sa kama ko pero biglang tumunog ang selpon ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.'Abogago'Iyon ang pangalan ng caller, iyon ang inilgay kong pangalan niya sa contacts ko. Hindi ko na siya blinock pa dahil marami naman siyang pambili ng sim card kaya alam kong hindi pa rin niya ako tatantanan.Pinatay ko ang tawag niya pero dahil nga pinanganak na makulit si Delgado ay muli itong tumawag."What?!" masungit na bungad ko sa kaniya."I am already here in front of the gate, Love." nalukot ang mukha ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Ramdam ko rin ang pang-aasar sa boses niya.Mabilis akong bumangon upang silipin siya sa bintana ko at muntik na akong mapanganga nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng gate namin habang may hawak na helmet."Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin mula sa bintana."You said you are available right now and I can fetch you."Nahilot ko ang sintido ko dahil sa sinabi nito. Kung ganoo
"You..."natawa ito ng walang buhay. "I hope it is clear to you, Delgado. And this will be the last time that you will pestering me. Stop being annoying, I will never like you," ulit ko sa kaniya.Pinilit kong huwag lagyan ng expresion ang mukha ko habang nakatingin lamang sa kaniya ng diretso upang ipakita sa kaniya na seryoso ako.Hindi nito alam ang sasabihin. Disappointment is evident in his face, yeah it is just disappointment not pain.Tumingala muna ito bago tumingin sa akin. "Okay, from now on I will forget everything. We just fucked once, a night night stand, nothing more," malamig na tugon nito sa akin.Tumango ako sa sinabi niya. "Exactly, so now please excuse me," wika ko at tumalikod na dito.Hindi naman na ako nito pinigilan kaya mabilis na akong lumabas ng opisina niya.Nang tuluyan na akong makalabas sa bar ay napahawak ako sa dibdib ko. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag dahil kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko.Hindi ko alam kung bakit ang bilis nang tibok nan
Papasok palang kami ni Anji sa isang restaurant nang biglang tumunog ang selpon nito. Ang boyfriend nito ang tumatawag. "Paano ba iyan? Gusto ng bebe kong sabay kaming mag-lunch," kunawari ay nanghihinayang na saad nito pero bakas naman sa mukha nito ang excitement. "Sige go, ako na lang ang kakain mag-isa." "Gusto mo sumabay kana lang sa amin," suhestiyon nito na ikinairap ko. "Hindi ko pinangarap maging third wheel ninyo. Lumakad kana, baka hinihintay kana ng boyfriend mo," pagtataboy ko sa kaniya. Wala na itong nagawa kundi ang iwan ako. Kumaway pa ito sa akin habang papalayo. Mag-isa na lang akong pumasok at umoder ng pagkain. Medyo mahal ang mga pagkain na nasa pricelist ng menu pero dahil hinihintay na ng waiter ang order ko ay hindi na ako pwedeng lumabas para humanap ng mas murang kainan. Kung sa ibang araw siguro hindi ako kakain sa ganitong lugar dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain pero dahil stress ako ay sa pagkain ko na lang itinuon ang atensyon ko. May pera n
Mabilis akong nagpaalam kay Elle nang lumapit sa akin ang waiter para ibigay ang receipt ko. Nag-iwan na lang ako ng pera sa ibabaw ng mesa at umalis na.Hindi ko natapos ang pagkain ko dahil alam ko namang matapos kong makita ang asawani Delgado ay hindi ko na malulunok ang mga pagkaing nasa harapan ko.Maaring wala akong ginagawang masama pero hindi ko maiwasang ma-guilty. Alam ko ang ginagawa ng asawa niya at minsan na akong muntikang bumigay sa halik nito. Minsan na akong tumugon sa halik ni Delgado at alam kong mali iyon.I kissed him back knowing that he is already married. Yes, I rejected him, but I can't deny the fact that he almost made me sway. Mabilis naakong umuwi ng bahay.Pakiramdam ko ang malas-malas ng araw ko ngayon. Nakakasalamuha ko lahat ng taong ayaw kong makita. Mula kay Ramir, Delgado at ang mamala ay ang harapan kong makita at makausap si Elle. Wala pang tao sa bahay ng dumating ako, nasa eskwelahan pa ang mga kap
“Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa
Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak
Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo
Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to
PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab
MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n
COHEN Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong bumungtong-hininga ng malakas. "What's wrong?" I asked her. It's sunday, she is eating peanut cake again while we are watching her mom helping in the garden. Sinabihan ko na si Margarita na hayaan na lang ang mga kasambahay namin na gumawa noon pero ako pa ang pinagalitan nito kaya hinyaan ko na lang siya. She is fully healed already. Have a lots of energy to move around dahil masyado daw siyang na-bored noong hindi siya makalakad ng maayos. Lora and I are on the second floor balcony. "When are you going to marry my mom?" biglang tanong nito. I smiled at her. "Soon." She rolled her eyes. "Dad, I want an specific time and date. Are you saying soon because you are not sure?" nakatikwas pa ang kilay na tanong nito. "Don't say that, if there is someone I am so sure in my life, that's your mom," depensa ko sa kaniya. "Then will you are going to marry her?" "I need to propose to her first." "When are you going to propose?" "I nee
Napatingin ako kay Conan nang patulog na kami. Nakahiga na ako sa bed ko pero tumayo pa siya at siniguradong naka-lock ang pinto ng kwarto namin dito sa hospital. Nasa VIP room kami kaya hindi gaya ng iba na kita agad ang kwarto namin sa labas. Para nga lang kaming nasa hotel dito, perks of having a rich tapos nadamay ako kasi boyfriend ko siya. Bukas ay pwede na siyang lumabas habang ako ay kailangan pang manatili ng ilang araw dahil sa paa ko. Gusto ko na ngang lumabas dahil nauumay na ako dito. "What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang lumapit siya sa akin. Ngumisi ito sa akin. Ngisi pa lang nito kinakabahan na ako. This is one of the reasons why I don't want us to share room. He is too naughty and I can't resist him. "Don't you dare!" saway ko sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito. Pero tila bingi ito. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang patient shirt na suot niya. "Conan," saad ko sa pangalan niya par
MARGARITA"Yeah, you are sorry," sarcastic na saad ni Conan habang nakatingin sa kaniyang ina. "It also means that while I am looking for her, you are blocking all the information. Don't you trust me? I can protect them, mom."Halata ang frustration sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. May sugat pa siya sa tagiliran niya na katatahi lang pero mukhang masyado na agad siyang stress. Dapat nagpapahinga na lang muna siya.Marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. He is becoming emotional. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagsinungaling ang lahat sa kaniya pero naiintindihan ko rin ang ina niya. Magkaiba sila ng paraan pero iisa lang naman ang gusto nila, ang protektahan kami ni Love at nagpapasalamat ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ina niya kahit na noong una ay siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyari sa akin noon."I am sorry. That's why I tried to correct all the things I did. When I found out that you already found