Share

KABANATA 2

Author: VixiusVixxen
last update Last Updated: 2021-08-22 02:39:58

THIRD POV

Napapunas si Zander sa kanyang noo ng tumagaktak ang kanyang pawis. Nandito sila ngayon sa farm kasama ang kanyang mga kapatid. Nagbubuhat sila ng mga naaning palay.

"Ser! Sabi ko naman po kasi sa inyo kami na po ang bahala dito. Boss po namin kayo tapos kayo pa po ang gumagawa niyan." Napatingin siya sa isa sa mga magsasaka na nagsalita. Nakaharap ito kay Finn.

Hindi niya na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagbubuhat ng sako ng bigas at paglipat ng mga ito sa forward track.

"Kami nang bahala dito. Nagkusa kami sa pagtulong. Hindi porket na boss kami ay hindi kami tutulong." Sagot ni Finn.

"Ay sige po sir pasensiya na po. Balik na po ako doon." Sabi niya bago umalis.

Napailing naman siya ng makita binatukan siya ni Matias. "Anong nagkusa? Kasalanan mo talaga to! Ikaw kasi kung di ka nakita ni nanay na nakikipaglaplapan sa babae mo hindi kami madadamay dito."

"Eh kasalanan ko ba na pinagtakpan niyo ako? Atsaka bihira na nga lang ang magaganda dito palalagpasin ko pa? Chicks yon bro." Sabi ni Matias.

Kahit kailan talaga babaero. Saad sa sarili.

"Magkakapatid tayo kaya malamang pagtatakpan ka namin. Chicks? Hindi ko alam na pumapatol ka na pala sa sisiw." Seryosong saad naman ni Caleb.

Lumapit naman si Matias kay Caleb upang yakapin ngunit sinikmuraan lamang siya nito. "Ouch! Bro, sinaktan mo ang aking damdamin. Masakit yun. Hindi ka marunong mang appreciate ng maganda." Nasasaktang sabi nito sabay baling kay Ryder. "Bro, suntukin mo nga si Caleb." Sabi nito ngunit hindi siya pinansin ni Ryder na nagbubuhat din ng sako.

Napasimangot naman si Matias dahil doon. "Kahit kailan talaga si Ryder snobber. Sa gwapo kong to. Inisnob niya." Bumaling ito kay Zander. "Bro aming panganay! Nandito ka ba para tulungan ako? Kami?" Ngiti-ngiting sabi nito. "Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako mat--"

Tinignan niya ito ng masama. "One more word Matias Jose we'll leave you here."

Napatikom naman ng bibig si Matias at lumapit kay Finn. "Geez, nag-English na si kuya Zander kakatakot!" Bulong nito kung matatawag nga bang bulong dahil narinig naman ito ni Zander kaya mas tinaliman pa niya ang tingin dito dahilan upang humiwalay ito kay Finn at bumalik na sa trabaho.

Wala naman talaga dapat siya dito nadamay lang siya sa inis ni nanay. Siya daw kasi ang panganay dapat dinidisiplina din nito ang mga kapatid kaya bilang parusa pinagtrabaho sila sa bukid.

Okay lang naman sa kanya kasi nakakatulong siya sa negosyo sa kanilang tatay.

Ang pamilya Montealegre ay kilala sa buong lalawigan ng San Remigio. Sila kasi ang maituturing na may pinaka-malaking lupain sa buong San Remigio na pagmamay-ari nila. Sila rin ang pangunahing pinagkukuhanan ng mga supply. Mula sa puno ng saging, buko, mangga, langka at maraming pang iba. Hindi rin mawawala ang ekta-ektaryang sakahan at mga tanim na gulay at prutas. Ang kanilang negosyo ay sagana mula sa kalikasan. Kilala ang kanilang pamilya hindi lamang sa kanilang lalawigan ganun din sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Ngayon nga ay mas pinapalawak pa nila ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pag-import at export sa ibang bansa.

"Sa wakas natapos din! Ang sakit ng likod ko." Reklamo ni Matias pagkapasok sa loob ng bahay kubo. "Hanggang kailan ba tayo dito? Piling ko hindi talaga tayo mahal ni nanay. Grabe na tong parusa sa atin. Miss ko na yung kwarto ko." Dagdag pa nito.

"Aba't may reklamo ka ba Matias Jose?" Napabaling ang magkakapatid sa may pinto ng makita ang kanilang ina na nakatayo sa may pinto.

Tila tinakasan naman ng kulay ang mukha ni Matias ng makita ang ina. Umiling-iling pa ito. "Nay! Hindi po. Piling ko nga mas maganda pang mahiga sa kawayang kama kaysa doon sa mansion."

Tinaasan lamang ng kilay ng kanilang ina si Matias. "Hmmm... Mabuti naman at nagustuhan mo di bale mas magtatagal ka pa dito dahil sa narinig ko." Nakangiting sabi ni nanay sabay tingin sa apat. "Kayo magsi-uwi na kayo at hinahanap na kayo ng tatay niyo." Mataray nitong sabi.

"Dito lang si Matias nanay?" Tanong ni Finn.

"Bakit Agusto gusto mo bang samahan ang magaling mong kapatid?" Segunda ni nanay.

Agad namang napatayo si Finn at walang pasabing inakbayan si Caleb at Ryder palabas ng kubo. Hindi din naman siya magagawang akbayan ng kapatid dahil takot ito sa kanya. "Matias 'wag kang mag-alala ipagdadasal kita na sana ay hindi ka dapuan ng lamok. Ay hindi pala, di bale na ayaw mo nun? Lalapitan ka ng mga babae, babaeng lamok." Natatawang sabi ni Finn.

"Hoy! Finn Agusto isa ka pa! Kinukunsinti mo kasi itong kapatid mo kaya natututong mambabae. Hala sige magsama kayong dalawa dito, at magsisiuwi na kaming tatlo." Napailing na lamang siya at lumabas na ng kubo.

"Nay! Pasensiya na hindi na mauulit. Nay sasama ako!" Parang batang sabi ni Finn na yumayakap pa sa bewang ng kanilang ina.

Ngunit tinampal lamang nito iyon at binatukan ang anak. "Magsama kayong dalawa. Manang-mana talaga kayo sa babaero niyong tatay!"

"Hala nay lagot ka kay tatay." Sabat ni Matias.

"Bakit isusumbong mo ko? Gusto mo na talagang mabulok dyan sa kubong yan?"

"Hala nay. Wala akong sinasabi. Ito kasing si Finn. Halika na nga dito, oras na para matulog ng dalawin naman tayo ng mga babae-babaeng lamok." Pumasok na rin ang dalawa sa loob ng matalim silang tinignan ni nanay.

Napailing na lamang ang tatlo at naglakad na kasabay ang kanilang ina papasok ng mansion. Sa totoo lang nasa loob lang naman ng bakuran ng hacienda ang maliit na kubong bahay. Parusa kasi ni nanay iyon kapag masyado silang pasaway.

Nasa kanya kung ilang araw silang patutulugin doon. Torture iyon sa kanila dahil walang kuryente, walang malambot na kama kundi isang kawayang malalaki ang pagitan kaya masakit talaga yon sa katawan. Ni kumot wala at tanging unan na matigas din naman ang nandon. Tapos maghapon ka pang magbibilad sa araw upang matapos lang ang pagbubuhat ng mga sako ng kundi bigas ay mga naaning prutas at gulay.

Kahit naman kasi mayaman sila at may ipagmamalaki ay nakakaranas din sila ng paghihirap.

Hindi hiyaan ng kanilang ina na lumaki sila na puro yaman lang at pagmamalaki kung gaano sila makapangyarihan. Tinuruan sila kung paano maging magpakumbaba sa kapwa at hindi pagmamaliit sa mas nakakababa ng kanilang estado.

Kasi kapag ginawa nila iyon ay parang ininsulto nila ang sariling ina. Na isang katulong lamang sa hacienda nila papa noon.

Sa madaling kwento nagmahalan ang dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay.

Pagkapasok ng kanilang bahay ay natagpuan nila ang ama na nakaupo sa may dining table. Nakahanda na rin ang pagkain para sa panghapunan.

Lumapit ang kanilang asawa at h*****k sa pisngi nito bago maupo sa tabi niya. Sumunod na rin sila at naupo.

"Where's Matias?" Tanong ng kanilang ama pagkaupo nila.

"Hmmmp... Wag mo na siyang hanapin, magsikain na tayo." Mataray na sabi ng ina.

"What did he do this time?" Nagpatuloy lang siya sa pagkain at hinayaan na magusap ang kanilang magulang.

"Naku! Yang magaling mong anak nahuli ko lang naman doon sa bukid nakikipaglaplapan--"

"Patricia your mouth!"

"Payn payn! Palibhasa kasi namana ng anak mo yang pagiging babaero mo. Tignan mo itong tatlo si Zander, Caleb tsaka itong si Ryder matino naman." Sumbat pa nito sa asawa habang kumakain.

"Ma! Ako? Bakit di ako kasali?" Parang batang gatol ni Finn.

Ngunit tinasaan lamang siya ng kilay ng ina. "Aba, pumapangalawa ka sa kanya. Di ka nga ganun kababaero, masyado ka namang maloko. Puro laro lang ata lahat ng ginagawa mo, kunsimusyon ka rin. Aba ewan ko nga eh. Hindi naman ako ganyan nung maliit ako. Hindi naman ako suwail sa mga magulang ko, kung kailan anlaki laki mo na tsaka ka naman naging siraulo. Manang-mana talaga kayong dalawa sa tatay niyo. Buti na lang dalawa lang kayo at mabait itong tatlo, manang mana sa akin." Napahinga na lamang siya at naipling sa sobrang daldal ng kanilang ina.

"Sus... Kapag kaharap lang naman ganyan sila, kapag nakatalikod na lalabas na mga sungay niyan." Bulong ni Finn na halata namang narinig ng ina dahil sa katabi lang naman nito.

Piningot naman siya bigla nito kaya napaaray si Finn. "Ma! Aray! Hindi na--Aaah!"

"Sinasabi mo bang mali ako ha? Kwinikwestyon mo na ang nanay mo Agusto!?" Gigil na sabi ng nanay nilang si Patricia na mas hinigpitan pa ang pagkurot sa tenga ng anak.

"Wife stop hurting your son." Mahinahong sabi ng kanilang ama.

Tinignan naman ng kanilang ina ng masama ito kaya nanahimik at tahimik na kumain. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapaikot ng mata. Sa loob ng tahanan ang kanilang ina ang boss dito. Kahit ang kinatatakutang si Richard Alexander Montealegre ay tiklop sa isang Patricia Mai Lumawig-Montealegre.

Matapos non ay natahimik din sila sa pagkain.

ZANDER MONTEALEGRE

NARINIG kong tumikhim si papa ngunit hindi na ako nag-abala pang tumingin.

Pansin ko namang inagaw niya ang aming pansin kaya napatingin ang lahat maliban sa akin. Hindi ko naman kailangan tumingin dahil tenga ang ginagamit para marinig ang pag-uusapan.

Kumuha na lamang ako ng sabaw ng sinigang na hipon at humigop mula sa maliit na mangkok. Wala namang dapat sundin na tamang etiquette basta kung saan ka komportable kumain doon ka.

Gaya nga ng aking sinabi pinalaki kami ng aming nanay na parang isang simpleng tao lamang.

"Zan" Napasulyap lamang ako kay papa ng tinawag ako nito sa aking palayaw.

Seryoso ko lamang siyang tinignan at binaling na ang tingin sa mangkok ng sabaw na aking hinihigop.

Napahinga na lamang ng malalim si papa sa aking kinilos. Sanay naman na siya.

Ayoko kasi sa lahat ay ginugulo ako kapag kumakain. Ayoko ko rin ng may nag-uusap ngunit heto pinagtyatyagaan ko ang mga bunganga nila kapag kasama ko sila.

"Nakausap ko kanina ang aking kumpadre sa telepono kanina at nagkaroon kami ng kasunduan. Kilala niyo naman si Don Stafano Dela Verde diba?" Umiling naman si Finn, samantalang nanatili akong walang reaksyon. Seryoso lang naman si Caleb, si Ryder naman ay may sariling mundo.

Minsan gusto ko ang ugali ni Ryder. Parehas kami ng gusto, katahimikan.

"Anong meron sa kanya?" Tanong ni mama.

"Nakiusap sa akin si Don Stefano tungkol sa kanyang apo."

"Pera ba dad?" Sabat naman ni Caleb.

Umiling si papa. "Nope."

Hmmmm... I get it.

"He has a granddaughter named Stefalia Dela Verde at nagkaroon kami ng kasunduan. Dela Verde Empire is a big asset to our business. Matagal na nating plano na palaguin ang negosyo hanggang sa ibang bansa then Don will help us in exchange of marrying her apo." Sabi nito sabay punas ng table napkin sa kanyang bibig.

"Hindi ba dad parang mas pabor sa atin ang kasunduan?" Hindi ko na maiwasang sumingit. Basta usapang negosyo hindi mawawala ang aking atensyon.

"Yeah. Natanong ko na rin yan pero ang gusto lang niya ay maging maayos ang kalagayan ng kanyang apo bago man lang daw siya mawala. He wants the best for his apo and I think Zander is the suitable one. Is that fine to you, son?"

Natigilan ako at hindi agad nagawang makapagsalita. One thing of my least priority is marriage especially if it is arrange one. I grew up all about thinking how to manage our business since I'm the eldest one. I can do everything for the grow of the business, but not this one. Pakiramdam ko ay mawawala ang pinaghirapan kong itaguyod bilang isang panganay kung makakasal ako.

I sighed. Diretso kong tinignan sa mata si papa. "Pa, tingin ko ay hindi ko kayang gawin ang pabor niyo."

Bakas sa mata ni papa ang gulat pero nakabawi rin at tahimik na napaisip.

"Totoo ba ito anak? Akala ko pa naman ay basta para sa ikabubuti ng negosyo ay hindi mo tatanggihan." Gulat ding sabi ni mama.

Napatungo ako at tumingin sa pagkain. "Marriage is too much. I can do everything for the sake of the business but I think I can't do it."

"Ma si kuya--" Sisingit pa sana si Finn sa usapan pero agad siyang sinaway ni mama kaya natahimik ito at parang batang nagrereklamo dahil hindi napagbigyan.

"Pero bakit anak ayaw mo bang ikasal?"

"Hindi naman sa ayaw ko pero sa tingin ko ay masyado pang maaga para ikasal ako and I think if I got married ay mahahati na ang atensyon ko sa negosyo at sa asawa ko which is not good so I'll pass."

"Kasi naman Zan hindi mo naman kailangan ituon lahat ng atensyon mo sa negosyo. Hindi lang naman ikaw ang may buhat ng lahat. Nandyan pa ang papa mo at kahit mga kapatid mo ay nandyan para hawakan ang negosyo. Minsan naman ay mabigyan mo ng oras ang sarili mo. Malay mo ang pag-aasawa ay makatulong sayo para makapagpahinga." Panguunawa sa akin ni mama.

Tumingin ako sa kanilang dalawa para ipakitang buo na ang aking desisyon. "Sorry, ma pero buo na po ang desisyon ko."

Bakas sa mata ni mama ang pagkabigo ngunit alam kong naunawaan naman niya iyon ganun din si papa.

"I understand son. Hindi ko rin naman maaaring baliin ang usapan dahil lang tumanggi ka so I think it will pass to Caleb. Son?" Tumingin kami kay Caleb na tahimik lang ding kumakain.

"Ayos lang po. Wala naman pong problema sa akin basta para sa business."

"Anak sigurado ka ba? Matatali ka sa taong hindi mo pa kilala at lalong hindi mo mahal." Concern na sabi ni mama.

"Ayos lang ma. Natutunan naman iyon diba?" Nakangiting saad naman ni Caleb. I secretly rolled my eyes.

He can do everything just for the busines unlike me I can't, seryoso ako sa negosyo namin at kaya ko ring gawin ang lahat para sa ikabubuti nito pero kung madadamay naman ang kalayaan ko nevermind. If he can sacrifice his freedom for the sake of his marriage then fine.

"Great. Bukas makikilala mo na siya." Sabi ni papa.

"Pa, ma bakit nung umayaw si kuya pumayag kayo bakit ako hindi niyo mapagbigyan. Paano naman yung kotse ko?" Reklamo pa ni Finn pagkatapos ng usapan.

"Ay Agusto tigil-tigilan mo kami ng papa mo ah at baka hindi ka na nga talaga bigyan ng kotse dyan. Ayaw kong magkaroon ka noon at baka bigla ka na lang mawala nanaman na parang bula at hindi nagparamdam sa amin. Pwede naman bigyan ka ng kotse ng papa mo pero kasama non ay dalhin mo na ang gamit mo at lumayas ka na."

"Yeah. Aking butihing kapatid nais mo rin bang magaya kay Caleb ang iyong kapalaran? Madaling kausap si papa at mama." Pang-aasar pa ni Ryder sa kapatid.

"Sabi ko nga ma ayos lang kahit wala akong kotse. Hehe." Sabay yuko at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos non ay tahimik na naming tinapos ang pag kain.

Related chapters

  • Don't Fall for Me   KABANATA 3

    NO WAY IN HELL I'LL LET HIM CONTROL MY FUTURE!Hindi porket apo niya ako at hawak niya ang kompanya ay magagawa na niya ang lahat ng gusto niya.I live without my parents for almost 14 years since they died. I am already 26 years old. Nagawa kong mabuhay ng mga taon na iyon na hindi humihingi ng sustento sa lolo ko. May pera naman kasi akong nakukuha na mula kay mama, since she had her own business. Kay papa kasi ay naka-hold kay lolo.That's why I hate him for that. That's his way to control me pero nagkakamali siya.Lahat ng perang nalilikom ko galing kay mama ay inipon ko at nakapagtayo ng sariling negosyo under the name of Zea Sancheco, came from my second name and the surname of my mother. It's a secret dahil pag nalaman ni lolo yun panigurado ay ipapasara niya ang bar ko.Bar is my life doon ko lang nararamdaman kung gaano ako kalaya. I can do whatever I want, but for the mean time no bars ahead 'coz I need to escape.Akala naman

    Last Updated : 2021-08-22
  • Don't Fall for Me   KABANATA 4

    STEFALIA ZEA DELA VERDE"Who the hell are you?" Tila nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ng boses mula sa aking likuran.Napakagat naman ako sa aking labi at unti-unting pumihit upang harapin ang taong iyon.Halos mapatanga ako ng makita ang taong pinagmulan ng boses na iyon.Pakiramdam ko parang siya na ata ang pinakagwapong lalaking nakita ko buong buhay ko. Maraming nagtangkang manligaw sa akin na sikat at may maipagmamalaki ngunit sa lahat ata ng mga iyon, maging ang mga artista sa Pilipinas ay talbog ng napakagwapong nilalang na ito.Mula sa blonde nitong buhok, makinis na mukha na animo'y ni pores o tigyawat ay takot man lang tubuan, ang

    Last Updated : 2021-10-05
  • Don't Fall for Me   KABANATA 5

    Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang malalakas na katok sa pinto ng kuwartong tinutulugan ko.I can't even imagine that I am sleeping in a maid's room. Yeah right a freaking maid's quarter.Tamad akong bumangon at mataray na sinalubong ang nagbubulabog ng masarap kong tulog."What? Do you want to destroy the door? Kung gusto mong sirain please wag itong pinto kung saan ako natutulog dahil hindi ko babayaran yan kapag nasira. Anyway, what's with loud banging on the door." I looked at the clock wall. "It's freaking 5:00 am." Halong pangaasar at sarkasmo na saad ko sa mayordoma.Tumaas lamang ang kilay niya at tinaliman ako ng tingin."Alas-kuwatro pa lang gi

    Last Updated : 2021-10-23
  • Don't Fall for Me   KABANATA 6

    Napasimangot ako at parang batang tinuro ang nasa tabi ko."Itong tauhan mo is such a pervert. Ano bang trabaho niyan dito?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Is he-- I mean driver ba siya? Hindi naman siya mukhang magsasaka o kargador kasi malaki katawan niya? Pero anyway dapat tanggalin mo siya sa trabaho baka marami pa siyang mabiktima sa kalandian niya." Pagsusumbong ko. Wait is it a description to say that he's a argador by means of having malaking katawan? Well, just nevermind.Nanlaki naman ang mata ng manyakis na kala mo'y gulat na gulat na tinuro ang sarili."Tauhan? Are you referring to me? Driver really?"Tinaasan ko siya ng kilay. "May iba pa ba tayong kasama dito? Alangan naman na siya yung tinutukoy ko." Sabay ngu

    Last Updated : 2021-12-01
  • Don't Fall for Me   KABANATA 7

    The breakfast are filled with noises. Pagkaupo pa lang ng dalawang huling dumating ay napuno na ng sigla ang hapagkainan. Inutusan na kaming lumisan at hindi na kinakailangan pang magbantay sa kanila. Inaya pa nga silang kumain na rin at tatawagin na lang kung kinakailangan.Sakto rin ang dating ni sir Ryder at sumabay na rin sa almusal. Imbes na kumain ay dumeretso ako sa kusina at tumambay doon. Hindi nila ako kita pero I can hear them, I don't know why but I'm curious to them."Ryder kumusta naman ang planta?" Rinig kong tanong na sa tingin ko ay si Sir Richard."Ayos naman pa. Naka-ready na ang mga buko na i-dedeliver sa mga supplier." Sagot naman ni Ryder."Zander hows the plan?" Tanong ulit ni papa nila.

    Last Updated : 2021-12-02
  • Don't Fall for Me   KABANATA 8

    Matapos ng mga pangyayari sa kusina. Pilit kong kinalimutan iyon and act as if nothing happen. Kapag may inuutos siya ay agad ko ring sinusunod. Kapag nagkakasalubong kami sa daan ay binabati ko siya at nilalagpasan. Just like how they treat their boss. Wala naman siyang say kaya I think walang problema. As if na magsasalita yon gaya ng dati.Malaya akong nakakakilos sa umaga since wala ang magkakapatid. After kasi nilang dumating ay dito na rin sila nagi-stay. Kumbaga kababalik lang nila galing sa kani-kanilang business. Lahat sila ay maagang umaalis para asikasuhin ang plantasyon at kanilang taniman. Madalas ding sumasama si maam Patricia sa kanila para bumisita rin sa flower business niya. Lahat ng negosyo nila ay related to agriculture and nature.As usual, its my task to always keep the backyard clean. Sa tabi kasi nito

    Last Updated : 2021-12-03
  • Don't Fall for Me   KABANATA 9

    If that jerk didn't drag me here then I will not be in this awkward situation.What am I going to do in a room full of Montealegre boys? Even their father is here. I'm just greatful that Zander isn't here and I don't know where is he."Who's she?" If I am not wrong he's Ryder, the one who asked.I awkwardly smiled and talk bago pa man may masabi si Matias. "Hello. I'm Zea Sancheco po, bagong katulong po sa hacienda. Napagutusan lang po ako ni tita-este madam Patricia na dalhin ang mga pagkain.""Oh nice. Hello Zea, I'm Ryder. I'll tell in advance, wag mo na kong tawaging sir or seniorito just my name is fine." Ryder approached me. He looks friendly and fine. He smiled at me that makes me relax a bit.

    Last Updated : 2021-12-04
  • Don't Fall for Me   KABANATA 10

    Chapter 10"Where are we going? Hindi naman ito ang daan pauwi," tanong ko habang inis na nakatingin sa kanya.I waited for him to answer but he just ignored me."Hey! Answer me! Kung saan man tayo pupunta hindi ako sasama sayo! I want to go home, okay? Marami pa akong gagawin kaya wala akong panahon sa kung ano man ang plano mo. If you want to go somewhere then pwede mo na lang akong ibaba diyan. I can go home alone." Sa haba ng sinabi ko, ni wala man lang siyang naging reaksyon.Pinagmasdan ko siya at hinintay na sumagot ngunit nabaling naman ang aking atensyon sa kanyang mukha. Dahil nakatagilid ang mukha niya ay kitang-kita kung gaano katangos ang kanyang ilong. Kahit nakaside view ay may maipagmamayabang.

    Last Updated : 2021-12-05

Latest chapter

  • Don't Fall for Me   KABANATA 30

    As we left the kuwadra and headed towards the racing track, I already saw Rubecca frowning while looking at us. Then I thought of something to irritate her, sumandal ako kay Zander and I made sure na kita niya iyon. I smirked when she looked at me angrily. Nang makalapit kami ay mas lalo ko pa siyang inasar."Zan, I'm scared. Please hawakan mo ko ng maigi baka mahulog ako," pag-arte ko sabay hawak sa kamay ni Zander para ipakapit sa bewang ko. Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko ng sundin naman ako ni Zander. His hand was almost hugging my whole waist, sa laki ba naman kasi ng braso niya.Nang tumingin akong muli sa babae ay wala na akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Let's start," biglang sabi ni Rubecca at tumalikod na sa amin.I kept my smile and act nothing happened but, in the back of my mind, I'm celebrating. I wonSa pag-uumpisa ng race ay agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Kahit alam kong kasama ko si Zander ay parang hindi ko ata kaya kapag mabilis na

  • Don't Fall for Me   KABANATA 29

    After the confession that happened that night, nothing seems to have changed in our relationship with Zander. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtampo dahil parang nilipad lang ng hangin ang mga sinabi niya na parang naging panaginip nga lang ang lahat. Paano ba naman ay tuwing magkasama kami ay palagi lang siyang pormal, walang nagbago sa pagtrato niya sa akin bukod sa hindi na niya ako inaasar o iniunsulto. Ni wala man lang siyang ginagawang 'the moves' para lang mag-improve ang relationship namin. Idagdag mo pa na mas lalo siyang na-busy sa negosyo nila dahil sa araw ng anihan ngayon kaya halos hindi na rin kami nagkikitang dalawa. I think about many things. I am not used to this kind of treatment. I'm used to always being given attention. Men always approach me just to pay attention, kaya naman sa isiping nababaliwala ako lalo na ng taong gusto ko at unang beses kong binigyan ng atensyon ay hindi ko matanggap. I cannot tolerate this, hindi ako papayag na ganito na lang ang palagi nam

  • Don't Fall for Me   KABANATA 28

    "What are you two doing?" Natigilan kami sa pag-uusap ni Caleb at napabaling kay Zander na nasa may sliding door kung saan palabas ng backyard. Seryoso ang mukha niya, wala ng bago, ngunit pansin ko ang matalim niyang tingin sa amin, lalo na sa akin. Napangiwi ako. Inaano ko ba siya? Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita, bagkus ay pinanlakihan ko ng mata si Caleb para siya ang sumagot. He grinned and looked at Zander. "We we're just talking," sagot ni Caleb. Nahinto na rin sa pagduyan sa akin si Caleb at tumayo sa aking gilid. "Why are you outside?" Hinintay kong sumagot si Caleb. Binaling ko pa ang aking atensyon sa pagduyan sa aking sarili. "I saw her here alone, hindi pa pala kasi siya kumakain kaya aayain ko sana, since we're finished eating." "Zea." I flinched when I heard him saying my name. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako sa aking pangalan. Parang bilang nga lang noong pagtawag niya sa akin ng pangalan. Nakasimangot na nagangat ako ng

  • Don't Fall for Me   KABANATA 27

    I can't believe na hahantong lang ito sa ganito matapos ng nangyari sa amin. How can he ignore me? How can he act like nothing happened? It's been Five days! Yup! It's been freaking Five days since we had s*x and after that, limang araw na rin niya akong hindi pinapansin. I shouldn't be mad, I shouldn't feel this frustration, but heck! Parang tinapakan ang ego ko, na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. It was just part of the deal, but a part of me feel like its not just that. I maybe once called a flirt or a playgirl, but I never let them touch me. I was able to preserve my virginity at this age, then just because of a deal, I lost it to him. Isang bagay lang ang dahilan why I let him have me, I just realized that I like him. Now, just seeing him smiling at other women, makes my heart ache out of jealousy. Ni never nga siyang ngumiti sa akin tapos dahil lang sa babaeng iyan. The woman I'm talking about is Rubecca, a childhood friend of the boys. She is here since Fou

  • Don't Fall for Me   KABANATA 26

    Third Pov Sa pagmulat ni Zea ng kanyang mata ay bumungad sa kanyang ang maaliwalas na paligid. Napatingin siya sa may bintana at nakitang pasikat na ang araw. Tumingin siya sa wall clock at nakitang bandang ala-sais na ng umaga. Napatingin siya sa ilalim ng kumot at nakitang wala siyang suot na kahit ano. Napabangon siya nang may naamoy siyang mabango. She looked at the kitchen and saw Zander busy cooking. Napatingin siya sa suot nito. Wala itong pang-itaas at tanging apron na black lamang ang suot ng lalaki. Kitang-kita tuloy niya ang yummy nitong likod. Napangisi siya. What a sight... Nais niya sanang lumapit sa lalaki kaya lang pag-angat pa lamang niya ay ramdam na niya ang kirot ng nasa pagitan ng kanyang hita. Napadaing siya dahil doon. "Zea?" Napatingin siya kay Zander, na naglalakad na palapit sa kanya. Marahil ay narinig siya noong napadaing siya. "Something's wrong?" "Sh*t! Masakit Zan!" bigla niyang naalala ang nangyari noong tinawag niya itong 'Zan' kaya agad niya iyon

  • Don't Fall for Me   KABANATA 25

    Parang umurong lahat ata ng tapang ko. Bakit kasi pinairal ko pa ang pride ko? I may be a playgirl or sometimes a flirt, I'm used of wearing bikini too, marami pa ngang tao ang nakakakita, pero bakit ngayong isa na lang, nahihiya pa akong maghubad? Napalunok ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan. In the private sanctuary where we are right now, there are no other people other than us. He's sitting right in front of me, looking like a predator waiting for its prey. Dito kasi agad kami dumeretso pagkatapos kumain. Mukhang sineryoso ng lalaki ang sinabi ko. "You're so confident earlier, don't tell me you're just lying?" he said mocking her. Nahihiya akong umiwas ng tingin. "Am I not, it's just..." nag-alangan ako sa aking sasabihin. "You can back out, I'm not forcing you to do it." Bakit parang iba ata ang pagkakaintindi ko? Paghuhubad lang naman ang gagawin namin. Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Zander. Don't tell me, he's expecting that something will happ

  • Don't Fall for Me   KABANATA 24

    The last thing I can remember happening after I woke up was Tita Pat getting into an accident as a result of my carelessness, but I can't seem to recall anything else. Bakit wala akong maalala? It's not even clear to me how or why I passed out, but Doc Alazne, I met her when I woke up and just said it was because of stress, and she advice me to relax. Am I really that stressed? So I did, but... "Bakit kailangan mo pang sumama?" I looked at Zander. Yes, you heard it right. Matapos ang nangyari, binigyan ako ni Tita Pat ng Day off or rest day. We talked about what happened, I apologized, and I'm happy that she was not mad at me, she was even more concerned about me. How lucky they are to have a mother like her. "Pick what you like," Zander said. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Then what? Ako magbabayad?" "I'll pay for it, don't worry." "Ooohh... Why so bait?" Biro ko pa habang siniko-siko siya. "Ako rin kuya?" singit ng kung sino sabay akbay pa sa akin. Agad ko naman s

  • Don't Fall for Me   KABANATA 23

    Zander's POV I have no idea why I've been acting so childish lately, but whenever I think about her smiling at my brother Caleb, especially after receiving that d*mn chocolate, I want to rip that smile right off. Another this is, why she does she needs to see men's bodies. What makes Japet's body so great? What's there to admire when I have a figure that's even better than his? Not because I'm envious. Simply put, I detest her and everything she does. Binaling ko sa kanya ang inis ko, I made her do too much things. I even asked her to make me coffee, pero wala naman talaga akong balak inumin iyon. I just like to see her getting irritated. Then I made her do some paper works which can be done by my secretary. Hindi naman talaga kailangan iyon, but I just want to. I don't care if she has to left her other works. When she suddenly called me by my nickname, Zan. I was shocked. I can't believe I will be able to hear it again after so many years. I didn't mean to shout out her, nagula

  • Don't Fall for Me   KABANATA 22

    Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumungit si Zander. Matagal naman na siyang masungit, or palaging walang emesyon kung magsalita, pero iba ngayon. What's worse in here, he's always glaring at me, everytime our eyes met. What the hell did I do? Noong minsan na nag-abot ako ng kape dahil inutusan niya akong magtimpla. He didn't drink it, he didn't even look at it, tapos ang mas nakakainis pa bago pa man ako lumabas ng office room niya, inutusan niya ulit akong magtimpla ng kape, so I confront him. "Bakit kailangan ko pang magtimpla ulit kung pwede ko naman initin na lang ito?" "I want a new one," he just said without even looking at me. How can he tell it's already cold when he didn't even touch it? To save my sanity, I just made a new one which also got rejected. He did it many times and it makes me want to throw it on his face. Hindi lang iyon ang pinaggawa niya, dinamay pa niya sila Japet. Pati pananamit nila pinupuna, pinagsusuot ng damit kapag n****

DMCA.com Protection Status