Share

KABANATA 1

Author: VixiusVixxen
last update Last Updated: 2021-08-22 02:39:15

EVERYONE is being wild at this night. We rock the dancefloor like we owned it.

I swayed my body as I follow the beat. I dance like there's no tomorrow.

Ni hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong kaba o hiya habang sumasayaw because this my forte. Dancing is one of my talent that I can't be shy of.

Marahil dala na rin ng kalasingan ay wala na akong pakialam kung may pasimpleng humihipo sa akin. I let them touch me, but when they've gone too far. I shaked it off and leave.

I'm just a party girl not a hooker.

Nang magsawa ako sa pagsayaw ay bumalik na ako sa aming table. I am with my friends and we're in a bar having some fun.

I sit as I crossed my legs while sipping on my drink. My eyes glance at the man who's intently looking at me, without breaking our gaze I slowly yet sexily sipped from my wine glass then winked at him. I saw how tense he is. Kahit madilim ay naaaninag ko pa rin kung gaano ito nahihirapan uminom.

I mentally laughed. I check him from head to toe. I can say he's handsome but not my type. I just want to play with him. Easy to get.

Oh my bad! I'm not a playgirl, just naughty. I love to see how my presense and sexy charm affects them.

"Hey girl! Can you stop being naughty. Like duh!? Ang hilig mong mag paasa." Naputol ang tingin ko sa lalaki ng marinig kong magsalita si Sheena. One of my friends.

Hindi ko alam kung bitter ba 'to o sadyang pa-epal lang.

I look at her innocently. "What did I do Shee? I'm just looking at him and like duh! tumitingin lang ako paasa na agad? Kasalanan ko ba kung magkakagusto sila sa akin at aasa na gusto ko din sila? Kasalanan ko bang masyadong malakas ang charm ko at naaakit sila sa angkin kong kagandahan." Sabi ko sabay hawi pa ng buhok ko.

Napatingin na ako kay Jackie ng magsalita ito. "Huuu! My ghad. Closed bar naman to bakit parang ang hangin? Ramdam niyo ba guys? Ang hangin grabe, tatangayin ata ako." Histerikal na sabi ni Jackie. My becky friend. Jack sa umaga, Jackie sa gabi.

"Sus sa laki mong yan tatangayin ka? Imposible!" Pambabara naman ni Kristine. The enemy friend of Jackie. Hilig kasi nitong asarin o pagtripan lagi si Jackie kaya para silang aso't pusa.

"Kapal mo ah! Palibhasa kasi inggit ka lang sa katawan kong sexy. Eh sayo? Puro taba lang naman ang laman kaya kung magsalita ka kala mo naman kinaganda mo na yan!?" Ganting asar niya.

"Aba't--"

"Hey love birds! Kung di kayo titigil kukulong namin kayo sa iisang kwarto para doon kayo mag-usap. My gee lagi na lang ba kayong magbabangayan? Nakakasawa nang umawat ah." Bored namang sabi ni Red. My mysterious badass friend.

Mysterious dahil masyado itong tahimik pagdating sa buhay niya at badass dahil siya lang naman ang aming taga pagtanggol kapag napapaaway kami or nasasangkot sa gulo. Well astig siya at cool kaya I think she's a badass.

Nabaling naman ang aking atensyon ng may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa kanya at napagtantong ito yung lalaki kanina. I smiled at him.

"Yes?" I innocently yet seductively ask.

"Can I have a dance with you? You know, I know you like me the way you look at me--"

Gone with the playful awra. "Excuse me? Me?" Napaturo pa ako sa sarili ko. "How can you say that I like you, and you're not even my type so what are you saying? You have some guts to talk to me. Leave before I wreck your face." Mataray kong sabi.

Matalim lamang ako nitong tinignan at walang pasabing umalis.

"Oh! Boom! You've just hurt the man's ego. How fierce you are ms. Dela Verde." Natatawang sabi ni Jackie.

Iiling na sabi ni Sheena. "Yan na nga ba sinasabi ko eh. Paasa ka talaga." I just rolled my eyes at them and drank my wine.

"Hey girls! Bakit ba nandito lang kayo? We're here to have fun tapos nandyan lang kayo nakaupo?" Biglang dating ng isa ko pang kaibigan. Calliope Santiago, my playgirl friend.

"Alam mo ikaw isa ka pa Calliope! Bakit ba gustong-gusto niyong paglaruan ang feelings ng mga lalaki? Ewan ko lang kung hindi kayo magsisi sa mga pinag-gagawa niyo."

Naupo naman si Calliope. "I've told you many times, don't call me Calliope. Its Callie got that!? CALLIE! Aarrghh! It hurts my ears everytime I heard that name." Reklamo nito kay Sheena. "At ano bang pinagpuputok ng butchi mo dyan? Like O to the M to the G."

Natahimik naman si Callie at hindi na umimik pa. Napailing na lamang kami at pinagpatuloy ang kasiyahan.

Nahihilong pumasok ako ng bahay. Madilim na sa loob. Halos nakapikit na ang mata ko.

Habang naglalakad ay nagulat ako nang biglang lumiwanag. Nabaling ang aking tingin sa taong nakatayo sa may hagdan.

None other than my grandfather. Hindi ko siya pinansin at nanghihinang naupo sa may sofa. Wala na akong masyadong lakas para umakyat pa ng second floor kung nasaan ang kwarto ko.

Napapikit na lamang ako. I can hear his footsteps at alam kong papalapit siya sa pwesto ko pero hindi ko siya pinansin.

"Finally my grand daughter is here." Malamig niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood para kausapin siya. I just want my bed and sleep.

Nilagpasan ko siya at naglakad. Di pa man ako nakakaakyat ng hagdan ng mapatigil ako sa kanyang sinabi.

"Such a hardheaded one. I gave you the chance to be free and do what you want. I gave you the freedom you asked for. Hindi kita pinakialaman kasi ayaw kong mas mag-rebel ka pero mukhang nagkamali ako and I think its time para putulin na ang sungay mo." Dahan dahan ko siyang hinarap at hinintay ang kanyang sasabihin. I got suddenly nervous to what he is planning pero pinanatili kong seryoso ang aking mukha. Halos makalimutan ko na ang hilo at antok na aking nararamdaman kanina. "Bukas na bukas din makikilala mo ang magiging asawa mo."

With that, my mind suddenly shut down. What the heck!

"W-what did you just said?" I just want to make sure na tama ang rinig ko.

"Ang pag-aasawa lang naman din sa tingin ko makakatulong sa iyo para tumino ka at saka matanda na ako, your already 26 yet you still don't have a family even a boyfriend. Tumatanda na ako at kahit man lang bago ako mawala ay makilala ko man lang ang future mga apo ko sa tuhod."

What the freaking hell is he talking about? Me having a husband and a child is a big no for me. Him? He wants me to have a family? Even wants to know my future child? You've got to be kidding me.

"My great lolo. You want grand grand apo? Parang kailan lang you hate us. Kaya nga namatay sila mommy at daddy dahil sa pagtutol mo sa pagmamahalan nila diba? And me your only grand daughter never consider me as one tapos ngayon sasabihin mo sakin na gusto mong makilala ang mga magiging anak ko? Like hello! As if naman susunod ako sa utos mo."

"Whether you like it or not. You don't have the choice but to follow my order. Do what I said or else you'll not have your parents property." He seriously said na siyang nagpatigil sa akin.

That's one of the reason why I'm still here. I want to get their properties para makalayo na ako sa kanya. Hindi ko magawang makuha ito because of lolo na I don't know kung anong ginagawa niya kung bakit hindi pa rin sa akin binibigay ang pamana nila mama at papa.

If I did not follow him hindi ko iyon makukuha but my I don't want to lose my freedom at mas lalong ayaw kong matali sa taong ni hindi ko man lang kilala.

Sa mga sinasabi palang ni lolo, hindi siya nagbibiro at halatang totohanin ang kanyang banta.

Hindi na lamang siya inimik at matalim na lamang siyang tinignan bago umakyat na aking kwarto.

Pabagsak akong nahiga at natulala. I feel like so much drained.

Before I could sleep, I made my final decision.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, every morning I don't forget to have my early morning jog to maintain my body fit.

I do my daily routine first before I got outside wearing a black sleeveles fitted sando, leggings and for my feet I just wore a white sport shoes.

Pagkalabas pa lang ng bahay ay napakunot ang noo niya ng makitang may ilang naka-itim na lalaki ang palakad lakad sa paligid. Nagkibit balikat na lamang ako at nagderetso na papunta sa gate.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng humarang ang guwardiyang nagbabantay sa gate. "Miss Dela Verde pinagbabawal po ni Don Dela Verde na lumabas kayo. Hindi raw po kayo maaaring lumabas." Seryosong sabi ng guwardiya.

Where's Paeng? Siya ang dati naming guwardiya. How come na pinalitan ito ni lolo.

"What the hell!?" Hindi ko napagilang ibulalas. "Where's Paeng?" Hanap ko sa dati naming guwardiya.

"Sa iba na siya idenistino. Kami na po ang bagong bantay ngayon. Mabuti pa po pumasok na lang po kayo sa loob. Pinaghintulutan kami ni Don na bantayan kayo at huwag hayaang makalabas." Tinignan ko lamang siya ng masama at sinubukan lumabas ng gate ngunit lumapit na sa akin ang isa pang bantay at hinawakan ako sa aking braso.

"Fuck! Let me go! You freak!" Pinilit kong pumiglas upang kumawala sa kanyang hawak ngunit masyado iyong mahigpit.

"You'll regret this for not letting me go sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng trabaho! Sabi nang let me go!" Mariing kong sabi at patuloy na pumiglas.

"Let her go." Napatingin ako sa nagsabi non.

"Lolo! What the hell is this!"

"Your mouth lady." Masama ko siyang tinignan ganun din ang guwardiyang humawak sa akin ngunit yumuko lamang ito bago umalis kaya binaling ko ulit ang aking tingin sa magaling kong lolo.

"Anong kalokohan ba to lolo? Nasan na si Paeng? Bakit mo siya tinanggal? Matagal ng naninilbihan yon dito." Inis kong sabi.

"Exactly, matagal na siyang naninilbihan dito kaya malapit na ang loob mo sa kanya kaya para siguradong di ka tatakas, I change him and don't worry may trabaho pa rin siya." Prenteng paliwanag ni lolo.

"Anong akala mo sa akin aso? Ikukulong mo ko dito sa letseng mansion mo!? At paanong tatakas ako. Look at my outfit I just want to jog." Sinuri naman ako nito.

"Apo malawak ito bakuran natin you can just jog around the mansion. No need to go outside just to do your routine." Sabi niya na siyang napagngitngit ng aking kalooban.

"No thanks nawalan na ako ng gana." Matapos non ay nilagpasan ko na siya at muling pumasok ng bahay. Totoong nawalan na ako ng gana kaya pumasok na ako sa kuwarto ko.

Pero hindi ibig sabihin non hahayaan kong ikulong ako sa pesteng mansion na to. I look for my phone.

"Wait, where is it? I just put it here." Nilagay ko lang iyon sa ibabaw ng table kaya imposibleng mawala iyon. Pera na lang kung...

"No phone is allowed for you lady." Nabaling ang tingin ko sa may pinto. Si lolo na hawak ang kanyang tungkod.

"Your getting away my freedom! Pati ba naman cellphone ko kukunin mo!?" Hindi ko na napigilang sigaw.

"And how dare you act like that infront of me? Pinalaki kitang may respeto at gumalang sa nakatatanda."

"No!! Hindi ikaw ang nagpaglaki sa akin. Hindi naman talaga dapat ikaw ang magpalaki sa akin. It should be mom and dad, pero dahil sa selfishness mo namatay sila and its all because of you!" Hindi ko napigilang isumbat. Ramdam ko na rin ang luha na anumang oras ay babagsak na mula sa aking mata. "Ngayon freedom is my only way to have myself whole pero pati ba naman ito ipagkakait mo sa akin?"

"I gave you your freedom Stefalia!"

"And your taking it back! Sino ka ba para manduhan mo lahat ng gagawin ko? Sino ka para kunin ang kalayaan ko at sino ka para ipakasal sa taong kahit kailan hindi ko naman nakilala!?"

"I AM YOUR GRANDFATHER STEFALIA! Kaya wala kang magagawa kundi sundin ang lahat ng pinaguutos ko. Pinagbigyan kita sa letseng kalayaan na sinasabi mo. Wala na ang magulang mo kaya ako ang masusunod. Later you gonna meet you future husband." Pinalidad nitong sabi.

Nanghihina akong naupo at patuloy na umiyak tumalikod na ito ngunit nagsalita pa ako na siyang nagpatigil sa kanya. "Ang letseng kalayaan na sinasabi mo ang siyang nanatili sa akin para mabuhay pa Don Stefano." Mahina kong saad.

"Be ready at 6 PM. Dadating sila with his parents." Yun lamang ang sinabi nito bago tuluyang umalis.

Galit na pinalis ko ang aking luha at inis na napasigaw. I don't care kung marinig pa nila ako basta ang gusto ko lang ay ilabas itong inis at galit na nararamdaman ko.

"I will not let you meddle with my life. No one takes my freedom." Mariin kong sabi sa kawalan bago gawin ang aking plano.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monet Balmes
Asan na po ang author nito...Bakit di na nag-a-update ng story....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Don't Fall for Me   KABANATA 2

    THIRD POVNapapunas si Zander sa kanyang noo ng tumagaktak ang kanyang pawis. Nandito sila ngayon sa farm kasama ang kanyang mga kapatid. Nagbubuhat sila ng mga naaning palay."Ser! Sabi ko naman po kasi sa inyo kami na po ang bahala dito. Boss po namin kayo tapos kayo pa po ang gumagawa niyan." Napatingin siya sa isa sa mga magsasaka na nagsalita. Nakaharap ito kay Finn.Hindi niya na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagbubuhat ng sako ng bigas at paglipat ng mga ito sa forward track."Kami nang bahala dito. Nagkusa kami sa pagtulong. Hindi porket na boss kami ay hindi kami tutulong." Sagot ni Finn."Ay sige po sir pasensiya na po. Balik na po ako doon." Sabi niya b

    Last Updated : 2021-08-22
  • Don't Fall for Me   KABANATA 3

    NO WAY IN HELL I'LL LET HIM CONTROL MY FUTURE!Hindi porket apo niya ako at hawak niya ang kompanya ay magagawa na niya ang lahat ng gusto niya.I live without my parents for almost 14 years since they died. I am already 26 years old. Nagawa kong mabuhay ng mga taon na iyon na hindi humihingi ng sustento sa lolo ko. May pera naman kasi akong nakukuha na mula kay mama, since she had her own business. Kay papa kasi ay naka-hold kay lolo.That's why I hate him for that. That's his way to control me pero nagkakamali siya.Lahat ng perang nalilikom ko galing kay mama ay inipon ko at nakapagtayo ng sariling negosyo under the name of Zea Sancheco, came from my second name and the surname of my mother. It's a secret dahil pag nalaman ni lolo yun panigurado ay ipapasara niya ang bar ko.Bar is my life doon ko lang nararamdaman kung gaano ako kalaya. I can do whatever I want, but for the mean time no bars ahead 'coz I need to escape.Akala naman

    Last Updated : 2021-08-22
  • Don't Fall for Me   KABANATA 4

    STEFALIA ZEA DELA VERDE"Who the hell are you?" Tila nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ng boses mula sa aking likuran.Napakagat naman ako sa aking labi at unti-unting pumihit upang harapin ang taong iyon.Halos mapatanga ako ng makita ang taong pinagmulan ng boses na iyon.Pakiramdam ko parang siya na ata ang pinakagwapong lalaking nakita ko buong buhay ko. Maraming nagtangkang manligaw sa akin na sikat at may maipagmamalaki ngunit sa lahat ata ng mga iyon, maging ang mga artista sa Pilipinas ay talbog ng napakagwapong nilalang na ito.Mula sa blonde nitong buhok, makinis na mukha na animo'y ni pores o tigyawat ay takot man lang tubuan, ang

    Last Updated : 2021-10-05
  • Don't Fall for Me   KABANATA 5

    Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang malalakas na katok sa pinto ng kuwartong tinutulugan ko.I can't even imagine that I am sleeping in a maid's room. Yeah right a freaking maid's quarter.Tamad akong bumangon at mataray na sinalubong ang nagbubulabog ng masarap kong tulog."What? Do you want to destroy the door? Kung gusto mong sirain please wag itong pinto kung saan ako natutulog dahil hindi ko babayaran yan kapag nasira. Anyway, what's with loud banging on the door." I looked at the clock wall. "It's freaking 5:00 am." Halong pangaasar at sarkasmo na saad ko sa mayordoma.Tumaas lamang ang kilay niya at tinaliman ako ng tingin."Alas-kuwatro pa lang gi

    Last Updated : 2021-10-23
  • Don't Fall for Me   KABANATA 6

    Napasimangot ako at parang batang tinuro ang nasa tabi ko."Itong tauhan mo is such a pervert. Ano bang trabaho niyan dito?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Is he-- I mean driver ba siya? Hindi naman siya mukhang magsasaka o kargador kasi malaki katawan niya? Pero anyway dapat tanggalin mo siya sa trabaho baka marami pa siyang mabiktima sa kalandian niya." Pagsusumbong ko. Wait is it a description to say that he's a argador by means of having malaking katawan? Well, just nevermind.Nanlaki naman ang mata ng manyakis na kala mo'y gulat na gulat na tinuro ang sarili."Tauhan? Are you referring to me? Driver really?"Tinaasan ko siya ng kilay. "May iba pa ba tayong kasama dito? Alangan naman na siya yung tinutukoy ko." Sabay ngu

    Last Updated : 2021-12-01
  • Don't Fall for Me   KABANATA 7

    The breakfast are filled with noises. Pagkaupo pa lang ng dalawang huling dumating ay napuno na ng sigla ang hapagkainan. Inutusan na kaming lumisan at hindi na kinakailangan pang magbantay sa kanila. Inaya pa nga silang kumain na rin at tatawagin na lang kung kinakailangan.Sakto rin ang dating ni sir Ryder at sumabay na rin sa almusal. Imbes na kumain ay dumeretso ako sa kusina at tumambay doon. Hindi nila ako kita pero I can hear them, I don't know why but I'm curious to them."Ryder kumusta naman ang planta?" Rinig kong tanong na sa tingin ko ay si Sir Richard."Ayos naman pa. Naka-ready na ang mga buko na i-dedeliver sa mga supplier." Sagot naman ni Ryder."Zander hows the plan?" Tanong ulit ni papa nila.

    Last Updated : 2021-12-02
  • Don't Fall for Me   KABANATA 8

    Matapos ng mga pangyayari sa kusina. Pilit kong kinalimutan iyon and act as if nothing happen. Kapag may inuutos siya ay agad ko ring sinusunod. Kapag nagkakasalubong kami sa daan ay binabati ko siya at nilalagpasan. Just like how they treat their boss. Wala naman siyang say kaya I think walang problema. As if na magsasalita yon gaya ng dati.Malaya akong nakakakilos sa umaga since wala ang magkakapatid. After kasi nilang dumating ay dito na rin sila nagi-stay. Kumbaga kababalik lang nila galing sa kani-kanilang business. Lahat sila ay maagang umaalis para asikasuhin ang plantasyon at kanilang taniman. Madalas ding sumasama si maam Patricia sa kanila para bumisita rin sa flower business niya. Lahat ng negosyo nila ay related to agriculture and nature.As usual, its my task to always keep the backyard clean. Sa tabi kasi nito

    Last Updated : 2021-12-03
  • Don't Fall for Me   KABANATA 9

    If that jerk didn't drag me here then I will not be in this awkward situation.What am I going to do in a room full of Montealegre boys? Even their father is here. I'm just greatful that Zander isn't here and I don't know where is he."Who's she?" If I am not wrong he's Ryder, the one who asked.I awkwardly smiled and talk bago pa man may masabi si Matias. "Hello. I'm Zea Sancheco po, bagong katulong po sa hacienda. Napagutusan lang po ako ni tita-este madam Patricia na dalhin ang mga pagkain.""Oh nice. Hello Zea, I'm Ryder. I'll tell in advance, wag mo na kong tawaging sir or seniorito just my name is fine." Ryder approached me. He looks friendly and fine. He smiled at me that makes me relax a bit.

    Last Updated : 2021-12-04

Latest chapter

  • Don't Fall for Me   KABANATA 30

    As we left the kuwadra and headed towards the racing track, I already saw Rubecca frowning while looking at us. Then I thought of something to irritate her, sumandal ako kay Zander and I made sure na kita niya iyon. I smirked when she looked at me angrily. Nang makalapit kami ay mas lalo ko pa siyang inasar."Zan, I'm scared. Please hawakan mo ko ng maigi baka mahulog ako," pag-arte ko sabay hawak sa kamay ni Zander para ipakapit sa bewang ko. Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko ng sundin naman ako ni Zander. His hand was almost hugging my whole waist, sa laki ba naman kasi ng braso niya.Nang tumingin akong muli sa babae ay wala na akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Let's start," biglang sabi ni Rubecca at tumalikod na sa amin.I kept my smile and act nothing happened but, in the back of my mind, I'm celebrating. I wonSa pag-uumpisa ng race ay agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Kahit alam kong kasama ko si Zander ay parang hindi ko ata kaya kapag mabilis na

  • Don't Fall for Me   KABANATA 29

    After the confession that happened that night, nothing seems to have changed in our relationship with Zander. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtampo dahil parang nilipad lang ng hangin ang mga sinabi niya na parang naging panaginip nga lang ang lahat. Paano ba naman ay tuwing magkasama kami ay palagi lang siyang pormal, walang nagbago sa pagtrato niya sa akin bukod sa hindi na niya ako inaasar o iniunsulto. Ni wala man lang siyang ginagawang 'the moves' para lang mag-improve ang relationship namin. Idagdag mo pa na mas lalo siyang na-busy sa negosyo nila dahil sa araw ng anihan ngayon kaya halos hindi na rin kami nagkikitang dalawa. I think about many things. I am not used to this kind of treatment. I'm used to always being given attention. Men always approach me just to pay attention, kaya naman sa isiping nababaliwala ako lalo na ng taong gusto ko at unang beses kong binigyan ng atensyon ay hindi ko matanggap. I cannot tolerate this, hindi ako papayag na ganito na lang ang palagi nam

  • Don't Fall for Me   KABANATA 28

    "What are you two doing?" Natigilan kami sa pag-uusap ni Caleb at napabaling kay Zander na nasa may sliding door kung saan palabas ng backyard. Seryoso ang mukha niya, wala ng bago, ngunit pansin ko ang matalim niyang tingin sa amin, lalo na sa akin. Napangiwi ako. Inaano ko ba siya? Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita, bagkus ay pinanlakihan ko ng mata si Caleb para siya ang sumagot. He grinned and looked at Zander. "We we're just talking," sagot ni Caleb. Nahinto na rin sa pagduyan sa akin si Caleb at tumayo sa aking gilid. "Why are you outside?" Hinintay kong sumagot si Caleb. Binaling ko pa ang aking atensyon sa pagduyan sa aking sarili. "I saw her here alone, hindi pa pala kasi siya kumakain kaya aayain ko sana, since we're finished eating." "Zea." I flinched when I heard him saying my name. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako sa aking pangalan. Parang bilang nga lang noong pagtawag niya sa akin ng pangalan. Nakasimangot na nagangat ako ng

  • Don't Fall for Me   KABANATA 27

    I can't believe na hahantong lang ito sa ganito matapos ng nangyari sa amin. How can he ignore me? How can he act like nothing happened? It's been Five days! Yup! It's been freaking Five days since we had s*x and after that, limang araw na rin niya akong hindi pinapansin. I shouldn't be mad, I shouldn't feel this frustration, but heck! Parang tinapakan ang ego ko, na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. It was just part of the deal, but a part of me feel like its not just that. I maybe once called a flirt or a playgirl, but I never let them touch me. I was able to preserve my virginity at this age, then just because of a deal, I lost it to him. Isang bagay lang ang dahilan why I let him have me, I just realized that I like him. Now, just seeing him smiling at other women, makes my heart ache out of jealousy. Ni never nga siyang ngumiti sa akin tapos dahil lang sa babaeng iyan. The woman I'm talking about is Rubecca, a childhood friend of the boys. She is here since Fou

  • Don't Fall for Me   KABANATA 26

    Third Pov Sa pagmulat ni Zea ng kanyang mata ay bumungad sa kanyang ang maaliwalas na paligid. Napatingin siya sa may bintana at nakitang pasikat na ang araw. Tumingin siya sa wall clock at nakitang bandang ala-sais na ng umaga. Napatingin siya sa ilalim ng kumot at nakitang wala siyang suot na kahit ano. Napabangon siya nang may naamoy siyang mabango. She looked at the kitchen and saw Zander busy cooking. Napatingin siya sa suot nito. Wala itong pang-itaas at tanging apron na black lamang ang suot ng lalaki. Kitang-kita tuloy niya ang yummy nitong likod. Napangisi siya. What a sight... Nais niya sanang lumapit sa lalaki kaya lang pag-angat pa lamang niya ay ramdam na niya ang kirot ng nasa pagitan ng kanyang hita. Napadaing siya dahil doon. "Zea?" Napatingin siya kay Zander, na naglalakad na palapit sa kanya. Marahil ay narinig siya noong napadaing siya. "Something's wrong?" "Sh*t! Masakit Zan!" bigla niyang naalala ang nangyari noong tinawag niya itong 'Zan' kaya agad niya iyon

  • Don't Fall for Me   KABANATA 25

    Parang umurong lahat ata ng tapang ko. Bakit kasi pinairal ko pa ang pride ko? I may be a playgirl or sometimes a flirt, I'm used of wearing bikini too, marami pa ngang tao ang nakakakita, pero bakit ngayong isa na lang, nahihiya pa akong maghubad? Napalunok ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan. In the private sanctuary where we are right now, there are no other people other than us. He's sitting right in front of me, looking like a predator waiting for its prey. Dito kasi agad kami dumeretso pagkatapos kumain. Mukhang sineryoso ng lalaki ang sinabi ko. "You're so confident earlier, don't tell me you're just lying?" he said mocking her. Nahihiya akong umiwas ng tingin. "Am I not, it's just..." nag-alangan ako sa aking sasabihin. "You can back out, I'm not forcing you to do it." Bakit parang iba ata ang pagkakaintindi ko? Paghuhubad lang naman ang gagawin namin. Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Zander. Don't tell me, he's expecting that something will happ

  • Don't Fall for Me   KABANATA 24

    The last thing I can remember happening after I woke up was Tita Pat getting into an accident as a result of my carelessness, but I can't seem to recall anything else. Bakit wala akong maalala? It's not even clear to me how or why I passed out, but Doc Alazne, I met her when I woke up and just said it was because of stress, and she advice me to relax. Am I really that stressed? So I did, but... "Bakit kailangan mo pang sumama?" I looked at Zander. Yes, you heard it right. Matapos ang nangyari, binigyan ako ni Tita Pat ng Day off or rest day. We talked about what happened, I apologized, and I'm happy that she was not mad at me, she was even more concerned about me. How lucky they are to have a mother like her. "Pick what you like," Zander said. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Then what? Ako magbabayad?" "I'll pay for it, don't worry." "Ooohh... Why so bait?" Biro ko pa habang siniko-siko siya. "Ako rin kuya?" singit ng kung sino sabay akbay pa sa akin. Agad ko naman s

  • Don't Fall for Me   KABANATA 23

    Zander's POV I have no idea why I've been acting so childish lately, but whenever I think about her smiling at my brother Caleb, especially after receiving that d*mn chocolate, I want to rip that smile right off. Another this is, why she does she needs to see men's bodies. What makes Japet's body so great? What's there to admire when I have a figure that's even better than his? Not because I'm envious. Simply put, I detest her and everything she does. Binaling ko sa kanya ang inis ko, I made her do too much things. I even asked her to make me coffee, pero wala naman talaga akong balak inumin iyon. I just like to see her getting irritated. Then I made her do some paper works which can be done by my secretary. Hindi naman talaga kailangan iyon, but I just want to. I don't care if she has to left her other works. When she suddenly called me by my nickname, Zan. I was shocked. I can't believe I will be able to hear it again after so many years. I didn't mean to shout out her, nagula

  • Don't Fall for Me   KABANATA 22

    Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumungit si Zander. Matagal naman na siyang masungit, or palaging walang emesyon kung magsalita, pero iba ngayon. What's worse in here, he's always glaring at me, everytime our eyes met. What the hell did I do? Noong minsan na nag-abot ako ng kape dahil inutusan niya akong magtimpla. He didn't drink it, he didn't even look at it, tapos ang mas nakakainis pa bago pa man ako lumabas ng office room niya, inutusan niya ulit akong magtimpla ng kape, so I confront him. "Bakit kailangan ko pang magtimpla ulit kung pwede ko naman initin na lang ito?" "I want a new one," he just said without even looking at me. How can he tell it's already cold when he didn't even touch it? To save my sanity, I just made a new one which also got rejected. He did it many times and it makes me want to throw it on his face. Hindi lang iyon ang pinaggawa niya, dinamay pa niya sila Japet. Pati pananamit nila pinupuna, pinagsusuot ng damit kapag n****

DMCA.com Protection Status