(Caroline POV)
Hangang si Kuya Matt mismo ang umalis sa harapan namin.
“Napansin mo ba ang titig niya sa ating dalawa?”
“Natural. Iniwan siya ni ate para sa atin. Kung may tiwala si Ate sa kanya, edi magtiwala din tayo. Hinampas pa talaga ako. Di ka magiging successful niyan Carolina kung lagi kang merong pagduda sa ibang tao. Bakit di na lang tayo gumaya kay ate. Lapitin ng mga gwapong lalaki dahil— Aww!” kinurot ko kasi.
“Asaan kaya si Carolina. Wag naman sana gaano siya kapasaway kay ate. Kita naman na broken hearted yung tao.” Kunyari na di ko kinurot si Catriona. Buti nga nagawa ko pang putulan ang kuko ko.
“Heto na yung sahog oh.” Aktong kukunin ko na nga ang bowl, nang agad na binitiwan ni Catriona kaya di ko naagapan, nabasag ito.
“Ano ba Catriona?!”
“Kasalanan mo yan. Di mo kasi tinitignan.” Sabay namin kuha nang ano nga
(Caroline POV)“Bakit?” tanong niya sa akin. “Di ka na ata naliligo.”Hahampasin na sana ako ni Catriona nang biglang tumunog yung doorbell.Nagkatitigan kaming dalawa.Tumunog ulit.“Pagbubuksan ba natin? Baka… sila yung…”“Wag ka ngang mag-isip nang kung ano. Ako na nga ang magbubukas. Baka si Kuya Cedrick lang yan.” Si Catriona.Lumabas ito at sumunod ako sa kanya na merong dalang walis tambo at dustpan, kasi di man lang nanigurado si Catriona. Bigay ko na lang sa kanya in case na mga sira-ulo ang napapa-doorbell.Ngunit ang bumati kay Catriona, tauhan ni Kuya Cedrick. Di ko alam ang sinasabi nila kay Catriona, hangang sa namalayan ko na lang bumaba si Kuya Matt sa silid niya.“Di sila sa inyo sasama.” Agad na sinabi ni Kuya Matt sa parang pinuno ng tauhan ni Kuya Cedrick. “Kung wala mismo dito ang
(Secretary Lee POV)Palabas na sana kami ni Master Cedrick para puntahan ang mga kapatid ni Miss Monina nang marinig na nga namin ang kalabog sa itaas. Natigilan siya sa paglalakad. Narinig ko ang buntong hinininga niya.Gising na si Miss Monina.Yes. He needs to deal first with Miss Monina.Binalingan niya ang hagdan. Umakyat siya na ikinasunod ko. Nang nasa pinto na kami. Nahawakan ni Master Cedrick ang doorknob, di kaagad binuksan na parang pinapakingan pa ang nasa loob o naduduwag siyang harapin si Miss Monina.Nang buksan niya. Halos napayuko ako dahil ang bimungad kay Master Cedrick ay ang naghihinagpis na iyak ni Miss Monina. Saka narinig ko ang malakas na pagbasag sa isang babasagin sa loob.“Monina!” ang pangalan niya, na ikinalingon din sa amin. Luhaan ang kanyang mukha at napakagulo nga nang silid. Yung pagkain na hinanda ni Rhoa itinabing niya ata.“Heto pa Cedrick ang isusukl
(Monina POV)Nang magising ako. Tumampad sa akin ang pamilyar na silid at amoy nito. Napabalikwas ako nang bangon. Si Rhoa ang sumalubong sa aking paningin.“Kumain ka na muna.”“Bakit andito ako?”“Dinala ka ni Master Cedrick dito.” casual na sagot sa akin ni Rhoa.“Cedrick…” saka bumalik ang mga ala-ala ko. Lalo na nang sinabi niyang… patay na ang kapatid ko.Ayoko maniwala pero anong rason ni Cedrick para biruin ako ng ganito. Di ito magandang biro sa akin.Nilapitan ko ang pinto na di ko mabuksan.“Buksan mo ito Rhoa.”“Monina.” napailing ito. “Di ka lalabas sa silid na ito hanga't walang sinasabi si Master Cedrick.”Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.“Alam mo ba ang ginawa niya sa amin?!” Di ko na talaga mapigilang umiyak sa harapan ni Rhoa.
(Monina POV)“Bakit naisipan ni Master Cedrick na kulungin ang isang kagaya mo sa silid na ito?”Siyang ikinalapit ko na talaga kay Rhoa dahil napipikon na ako sa kanya.Natigilan lang ako nang akto ko itong sasampalin. Ngumisi siya sa akin.Kasalanan ito ni Cedrick. Walang kinalaman dito si Rhoa.Kaya ang napagbuntungan ko ng galit yung pagkain na hinanda nito sa akin. Nanginginig ako sa galit ngayon.Napatitig lamang si Rhoa sa aking mga mata. Walang emotion kundi naiirita sa ginagawa ko.“Sinubukan kong pakalmahin ka. Pero parang di gumana sayo. Siguro dahil di ako marunong magpakalma nang mga babaeng umaalagwa.”“Rhoa!” sigaw ko na ni minsan di ako sumigaw ng ganto sa boung buhay ko. Wag niyang dinidepensa ang amo niyang parang sinasabi lang sa akin na wala itong maling ginawa. Mamatay tao si Cedrick.“Naiintindihan kita.” Di siya nadala
(Monina POV)Kahit ano mang tangi ko… wala. Wala akong kalaban-laban sa isang kagaya niya.“Galit ka? Normal na yan.” hubad niya sa harapan ko. “Parang sinasabi mo sa akin na buhay ang kinuha ko sayo, dapat buhay din ang ibabayad ko. Well, I will pay you then.”(Secretary Lee POV)Napabuntong hininga na lamang ako habang naghihintay nga kay Master Cedrick. Kung ano man ang binabalak niya, sana wag na niya lalong guluhin ang lahat. Ngunit alam ko naman na inaayos niya.Nilapagan ako ni Rhoa nang tsaa.“Thank you.” ngunit bago ko pa man kunin ang tasa, may tumatawag sa akin. Sinagot ko. Dumating na ang mga kapatid ni Miss Monina.Humigop lang ako nang kunti saka Nilapag ko sa harapan ni Rhoa ang tsaa.“Mauna na ako kay Master Cedrick. Naghihintay na ang mga kapatid ni Miss Monina.”“Con
(Secretary Lee POV)Let's give them a time na mali ang inaakala nila. Kung alam ni Master Cedrick na kapatid ni Miss Monina ang nasa higaan, hinding-hindi mangyayari ang operasyon.Tumalikod ako sa kanila kahit hinahabol ako ng sigaw ni Young Master Dominick. Tss.Tuluyan na nga din umalis si Haiden sa lunga nang mga Alvarez. Nakatakas ito ayun kay Rhio. Nagkalat sa paligid nang pamamahay nila ngayon ang mga tauhan ni Master Cedrick.Pumasok ako sa isang silid. Napatitig sa orasan. O com’on, give me a time to have a break. Kahit ten minutes lang.Naisandal ko ang aking likuran sa upuan. Malalim na nag-iisip. Sino naman ang may gusto sa nangyari? Kahit ako, parang tinitibag ang puso ko dahil sa nangyari nga sa kapatid ni Miss Monina. Alam ko na si Master Cedrick ang mas mahihirapan. But I know he can handle this.Sa labas ng silid, naririnig ko ang galit ni Young Master Dominick. Baka ano pa ang mangyari, kailanga
(Secretary Lee POV)Di ko siya hinayaan magsalita. Sinubo lahat ng impormasyon sa kanya para maliwanagan.“Ibig lang sabihin nito Mike, kilala nang kapatid ko ang taong yan. Bakit sa kanya pa talaga naisipan na kumapit?”Napabuntong hininga ako. Yun din ang tanong ko kay Master Cedrick noong di ko pa naririnig ang paliwanag niya.Minsan di dapat kailangan na bigyan nang pagkakataon ang ilang tao para magbago. Di natin siguradong pangangatawan nila ang pangakong binitiwan.Nabitag nga nang tuluyan si Master Cedrick. Dahil alam ni Haiden na ang relasyon na mabubuo sa kanila ni Monina, ay magiging komplikado kung tuluyan ngang humahabol si Miss Monina kay Master Cedrick. I see.That guy… meron ding pagtingin kay Miss Monina. But he is psychopath para ganito ang iparanas kay Miss Monina.“Your brother, talagang nahulog na din siya kay Miss Monina.” Tumayo na ako. Since ayaw niy
(Secretary Lee POV)“Di ka namin pinipilit, lalo na kung ayaw mo maniwala sa sinabi ko. Mamaya lang darating na siya dito.”“Ang kapal nang mukha niya na magpakita sa magkakapatid.”“If you excuse me.” Ako na nga ang umalis mismo sa silid.Nilisan ko siya na ang mga mata napatitig na nang tuluyan sa larawang nasa mesa. I know may gagawin din siya para sa kapatid nito. Lalo na nalaman niya ngang may nararamdaman ito kay Monina.Young master Dominick, di ka naman ata hahadlang sa nabubuong relasyon nila.Ayaw man ngayon magpaliwanag ni Master Cedrick kay Miss Monina, dahil mas uunahin niyang mabigyan muna nang hustisya ang lahat nang ito. Sana wag masyadong patagalin ni Master Cedrick.Ngayon ang kailangan ko harapin ang mga kapatid ni Miss Monina. Alam kong di yun madali, pero kailangan na harapin sila.Papunta na sana ako sa kanila, nguni