TUNOG ng cellphone ang nagpagising sa diwa ni Zia. Bahagya niyang iminulat ang isang mata at nakitang may kausap si Louie.“Maaga akong pupunta para sa meeting, Alice.” Matapos ang tawag ay tiningnan ni Louie ang asawa na nakahiga pa rin sa desk. “Magbihis ka na’t bumalik sa kwarto,” utos niya pa.Pero hindi gumalaw si Zia… hindi niya kaya dahil nanghihina pa siya. Ang naganap kanina ay isang malaking bangungot.Napakarahas ni Louie sa puntong gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa. Muling pumikit si Zia at sa pagkakataong iyon ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.Mayamaya pa ay sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya talaga kaya. Para siyang nabugbog sa sobrang panghihina ng katawan, lahat ay masakit.“Paulit-ulit… ganito na lang ba tayo, Louie? Sa tuwing nagpapakita ka ng kaunting kabutihan sa’kin, laging may balik? Akala ko’y nagbago ka na pero babalik pa rin pala tayo sa umpisa. Walang katapusan, nakakapagod ka ng mahalin,” usal ni Zia na hindi na nito narinig matapos
KAHIT masama ang pakiramdam ay pinilit ni Zia ang sariling bumangon sa kama. Sa harap ni Louie ay hinubad niya ang suot na wedding ring saka kinuha ang ilan pang alahas na itinabi ng staff sa drawer.Muli niyang hinarap si Louie saka ibinigay ang mga alahas. “Lahat ng meron ako kahit itong suot ko ay galing sa pera mo kaya paglabas ko rito sa ospital ay isasauli ko sa’yo lahat.”“Makikipaghiwalay ka na naman sa’kin?” ani Louie saka inangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito.Ngunit kaagad nang umiwas si Zia. “This time ay makikipaghiwalay na ako sa’yo ng tuluyan. Kahit anong gawin mong panunuyo ay hindi na ‘ko magpapauto pa. Pero sisiguraduhin kong hindi mo mababawi lahat, ang shares ng kompanya na nasa pangalan ko, maging ang kaso ni Kuya. Hindi mo na ako matatakot pa na ika-cancel mo iyon.”Bago pa muling makapagsalita si Louie ay bumukas ang pinto. At nasa labas si Bea na naka-wheelchair.Maluha-luha na na nakatingin sa dalawa. “I
KAAGAD na nagtungo si Louie sa ospital para makita si Zia na kagigising lang ng mga sandaling iyon.Habang nasa tabi ng kama si Lindsay, nagbabantay. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaibigan ay kaagad siyang napasugod sa ospital. Pagkakita sa kalagayan ni Zia ay agad siyang naiyak.Kung alam lang ni Lindsay na ito ang mangyayari sa kaibigan ay hindi na sana niya ito pinauwi pa ng araw na iyon. Ang laki ng pagsisisi niya ng biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Louie.Kaagad itong nilapitan ni Lindsay ay kinuwelyuhan. “Wala kang ideya kung anong hirap ang dinanas ni Zia kagabi! Nagdidileryo siya at makailang ulit tinatawag ang pangalan mo kahit ikaw naman ang naging dahilan kung bakit ganito ang sinapit niya ngayon! Anong klase kang tao?!” Niyugyog niya nang ubod lakas si Louie kaya nalaglag ang suot na hearing-aid.Pero walang pakialam si Lindsay at umiyak lang nang umiyak kahit walang naririnig.Dahil sa ingay ay nag
SA KONDISYON ni Zia ay kailangan niya ng may mag-aalaga sa kanya. Naigagalaw man ang buong katawan kahit puno ng galos ay mahina pa ang kanyang buong braso’t kamay.Kaya naroon si Louie, handang alagaan at bantayan ang asawa. Ngunit ayaw ni Zia, ang makita nga lang ito ay masakit na para sa kanya.“May binili akong soup para sa’yo, kumain ka—”Tinabig ni Zia ang kamay nito nang akma siyang papakainin. Natapon sa sahig ang soup at hindi man lang siya naapektuhan. Balewala niya itong tinalikuran.Napabuga ng hangin si Louie saka inilapag sa side-table ang walang laman na mangkok. “Ano bang gusto mo, Zia?” aniya, tuluyang sumusuko sa pagmamatigas nito.Hindi sumagot si Zia na tila walang narinig. Hanggang sa may dumating na staff. Nakita ang natapon na pagkain kaya nilinis muna nito ang sahig at pagkatapos ay agad ring nagpaalam.Nang sila na lang ulit ang naroon sa kwarto ay nagsalita si Zia, “Ayoko na rito, gusto kong mailipat sa
GUMALAW si Zia, nagtatangkang kumawala sa yakap ni Louie na kahit ayaw nito ay kusa rin siyang pinakawalan.“Pwede ba tayong mag-usap?”“Umalis ka na, Louie, gusto kong magpahinga.”Bumangon si Louie at bahagyang napangiwi habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng suntok ni Joshua.“Alam kong gusto mo na ‘kong mawala sa buhay mo pero ako, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Please… one last chance pa, Zia. Pinapangako ‘ko sa’yong babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali.”Kung pwede lang sana ay tinakpan na ni Zia ang sariling tenga para hindi na marinig ang pinagsasasabing kasinungalingan ni Louie. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit nitong istilo.Walang katapusang pasakit.“Last chance, Louie? At anong susunod, nasa kabaong na ‘ko, gano’n ba?” Kahit madilim ay nilingon at tiningna niya si Louie. “Ano ba ‘ko sa tingin mo? Gamot na sa tuwing tinutupak kay iinumin mo lang para kumalma?”Sa madilim na paligid ay na
IBINABA ni Louie ang kamay saka napatungo. Ngayon lang niya nakitang ganito katakot sa kanya si Zia.“Hindi… gusto lang kitang tulungang magpalit ng damit dahil nagpapagaling pa ang kamay mo.”Mapagduda ang tingin ni Zia pero kalaunan ay hinayaan ito na bihisan siya. Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat ay napapakislot siya sa kaba.Habang napapalunok naman ng laway si Louie. Kinakalma ang sariling emosyon at pagnanasa kay Zia habang hubad ito sa kanyang harapan.Isang buwan na siyang walang…Mariin siyang napapikit at inalis sa isip ang makamundong pagnanasa para sa asawa.Takot na sa kanya si Zia kaya hindi na dapat siya umasa. Nang lumingon ito at mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata ay bigla itong lumayo.“Hindi mo na ako maloloko pa, Louie. Nababasa ko sa mga mata mong gusto mo ulit akong—” Napasinghap at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin. “Lumayo ka na lang dahil hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako sa kahayupáng ginawa mo sa’kin. Hindi ko ‘yun kakalimutan lalo n
NAPAKO sa kinatatayuan sina Samuel at Joshua matapos makita si Zia sa stage.Ilang segundo pa ang dumaan at kaagad ring natauhan si Samuel at nilapitan ito. “Anong ginagawa mo rito?” aniya saka nilingon ang assistant. “Joshua, anong ginagawa mo riyan? Kunin mo si Zia.”Pero hindi gumalaw si Joshua habang nakatitig kay Zia na nakangiti sa kanya.“Mr. Samuel,” tawag pansin ni Zia saka kinuha ang violin mula sa maestro. “Pwede po bang hayaan niyo muna ako sa pagkakataong ‘to? Kasi baka… ito na ang huling tutugtog ako.”Nagkatitigan ang dalawa at ilang sandali pa ay napabuntong-hininga si Samuel. Walang salitang tinapik-tapik nang marahan ang balikat ni Zia. “Goodluck, I’m so proud of you,” ani Samuel saka ito iniwan sa stage.Naiiyak na napangiti si Zia saka muling humarap sa audience na naghihiyawan dahil hindi inaakalang makikita siya sa entablado matapos ideklarang hindi na kabilang sa magtatanghal.Huminga nang malalim si Zia saka ipinuwesto sa leeg ang violin. Hawak niya sa kanang k
PAGMULAT ng mata ay kaagad nilingon ni Louie ang puwesto ng asawa sa kama, ngunit unan at kumot na lamang ang naroon, wala si Zia.Kinusot-kusot niya ang mga mata at saglit pang tumitig sa kisame ng suite. Mayamaya pa ay nagpasiya na siyang bumangon at nagtungo sa banyo sa pag-aakalang naroon si Zia pero wala.Nagtaka si Louie hanggang sa mapuna na wala na ang gamit sa side-table maging ang luggage ni Zia.Ibig sabihin ay iniwan siya nito ng mag-isa!Mariing naikuyom ni Louie ang dalawang kamay habang nakatanaw sa labas ng floor-to-ceiling window. Papasikat pa lang ang araw at kay gandang pagmasdan ng tanawin sa labas ngunit hindi niya makuhang matuwa o ma-appreciate ang magandang view.Hanggang sa tinawagan niya si Zia, “Nasaan ka ngayon?”“Nasa airport na ‘ko pabalik ng Manila.”“Bakit hindi mo ‘ko ginising? Ano ‘yung nangyari kagabi, wala lang?"“At ano namang nangyari kagabi, Louie? ‘Di ba wala naman?” saad ni Zia saka tinapos ang tawag.At makalipas ang mahigit dalawang oras ay n
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Shiela saka pinaunang isakay sa kotse ang anak. “Mama,” sambit ni Archie saka nagpupumilit na kumandong. Napangiti naman si Shiela at niyakap ang anak. Ilang sandali pa habang bumabiyahe sa national highway ay pinagmasdan niya ang paligid sa labas ng kotse. “Isang taon na rin,” sambit niya sa hangin. Pero tandang-tanda niya pa ang mga nangyari na animo ay parang kahapon lang naganap. Nagsimula iyon noong bumalik siya sa bansa matapos malaman na naaksidente si Chris. Dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Zia ay pinagpatuloy nila iyon sa sumunod na araw kung saan ay pareho na silang mahinahon... “Hindi pa rin ba nagigising si Chris, Ate?” Umiling si Zia. “Hindi pa rin… Pero umaasa kaming magigising siya sa lalong madaling panahon.” “… E, ang babaeng ‘yun?” Nag-angat ng tingin si Zia, direkta sa mga mata nito. “Pansamantala siyang nasa puder namin—” “Bakit?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Shiela. “Wala siyang ibang matutuluyan. Lum