MALAKAS pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nasa dining area sila Zia na pinag-serve ng mainit-init na soup ng katulong.
Habang si Louie ay kumuha naman ng wine para uminom saka naupo kaharap si Zia. Kahit may pagkain ay hindi siya tumikim at inilalagay lang sa plato ng asawa.Kumunot ang noo ni Zia at napasimangot dahil hindi na niya kayang kumain ng marami pero ngumisi lang si Louie habang nilalaro sa kamay ang baso ng alak.Nagpatuloy na lang sa pagkain si Zia kahit panay ang tingin sa bintana kung humina na ba ang ulan. Dahil hindi niya gustong manatili sa lugar.Dumaan ang ilang minuto hanggang sa naging oras ay ganoon pa rin ang kondisyon ng panahon, mas lalo pa nga atang lumakas kaya inalok na siya ni Louie na doon na matulog.Sa guestroom nga dapat siya pero sa master’s bedroom siya hinila ni Louie at iginiya sa banyo para makapag-shower.Ang tagal niyang hindi nakabalik pero pamilyar pa rin sa kanya ang buong kwarto, niMABAGAL na umandar ang kotse paalis sa ospital. Napuna ni Zia ang tinitingnan ng kaibigan kaya hinawakan niya ang kamay nito.Napalingon naman si Lindsay na nanginginig ang labi at garalgal na nagsalita, “I’m fine, magiging maayos ulit ako.” Pagkatapos ay naluha.Ang mga taon na nakasama ni Lindsay si Austin ay mananatili na lamang isang maganda at malungkot na alaala para sa kanya.Hinatid ni Zia ang kaibigan sa tinutuluyan nito at nanatili roon buong maghapon. Kinagabihan ay tumawag si Joshua para ipaalam ang ilang detalye ng concert, “Sold out lahat ng ticket kagabi!” masayang pahayag ni Joshua.Nabigla at napanganga naman si Zia sa magandang balita. Matapos ang pag-uusap ay nagsalita naman si Lindsay, “Zia, pwede ka ng umuwi at asikasuhin ang nalalapit na concert. ‘Wag mo na akong alalahanin masiyado, mag-focus ka sa career mo. Paki-thank you na lang ulit ako kay Louie, salamat sa tulong niya.” Matapos ay niyakap si Zia. “Nakikita kong nagbago na siya, kaya baka this time, may hap
TUNOG ng cellphone ang nagpagising sa diwa ni Zia. Bahagya niyang iminulat ang isang mata at nakitang may kausap si Louie.“Maaga akong pupunta para sa meeting, Alice.” Matapos ang tawag ay tiningnan ni Louie ang asawa na nakahiga pa rin sa desk. “Magbihis ka na’t bumalik sa kwarto,” utos niya pa.Pero hindi gumalaw si Zia… hindi niya kaya dahil nanghihina pa siya. Ang naganap kanina ay isang malaking bangungot.Napakarahas ni Louie sa puntong gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa. Muling pumikit si Zia at sa pagkakataong iyon ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.Mayamaya pa ay sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya talaga kaya. Para siyang nabugbog sa sobrang panghihina ng katawan, lahat ay masakit.“Paulit-ulit… ganito na lang ba tayo, Louie? Sa tuwing nagpapakita ka ng kaunting kabutihan sa’kin, laging may balik? Akala ko’y nagbago ka na pero babalik pa rin pala tayo sa umpisa. Walang katapusan, nakakapagod ka ng mahalin,” usal ni Zia na hindi na nito narinig matapos
KAHIT masama ang pakiramdam ay pinilit ni Zia ang sariling bumangon sa kama. Sa harap ni Louie ay hinubad niya ang suot na wedding ring saka kinuha ang ilan pang alahas na itinabi ng staff sa drawer.Muli niyang hinarap si Louie saka ibinigay ang mga alahas. “Lahat ng meron ako kahit itong suot ko ay galing sa pera mo kaya paglabas ko rito sa ospital ay isasauli ko sa’yo lahat.”“Makikipaghiwalay ka na naman sa’kin?” ani Louie saka inangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito.Ngunit kaagad nang umiwas si Zia. “This time ay makikipaghiwalay na ako sa’yo ng tuluyan. Kahit anong gawin mong panunuyo ay hindi na ‘ko magpapauto pa. Pero sisiguraduhin kong hindi mo mababawi lahat, ang shares ng kompanya na nasa pangalan ko, maging ang kaso ni Kuya. Hindi mo na ako matatakot pa na ika-cancel mo iyon.”Bago pa muling makapagsalita si Louie ay bumukas ang pinto. At nasa labas si Bea na naka-wheelchair.Maluha-luha na na nakatingin sa dalawa. “I
KAAGAD na nagtungo si Louie sa ospital para makita si Zia na kagigising lang ng mga sandaling iyon.Habang nasa tabi ng kama si Lindsay, nagbabantay. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaibigan ay kaagad siyang napasugod sa ospital. Pagkakita sa kalagayan ni Zia ay agad siyang naiyak.Kung alam lang ni Lindsay na ito ang mangyayari sa kaibigan ay hindi na sana niya ito pinauwi pa ng araw na iyon. Ang laki ng pagsisisi niya ng biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Louie.Kaagad itong nilapitan ni Lindsay ay kinuwelyuhan. “Wala kang ideya kung anong hirap ang dinanas ni Zia kagabi! Nagdidileryo siya at makailang ulit tinatawag ang pangalan mo kahit ikaw naman ang naging dahilan kung bakit ganito ang sinapit niya ngayon! Anong klase kang tao?!” Niyugyog niya nang ubod lakas si Louie kaya nalaglag ang suot na hearing-aid.Pero walang pakialam si Lindsay at umiyak lang nang umiyak kahit walang naririnig.Dahil sa ingay ay nag
SA KONDISYON ni Zia ay kailangan niya ng may mag-aalaga sa kanya. Naigagalaw man ang buong katawan kahit puno ng galos ay mahina pa ang kanyang buong braso’t kamay.Kaya naroon si Louie, handang alagaan at bantayan ang asawa. Ngunit ayaw ni Zia, ang makita nga lang ito ay masakit na para sa kanya.“May binili akong soup para sa’yo, kumain ka—”Tinabig ni Zia ang kamay nito nang akma siyang papakainin. Natapon sa sahig ang soup at hindi man lang siya naapektuhan. Balewala niya itong tinalikuran.Napabuga ng hangin si Louie saka inilapag sa side-table ang walang laman na mangkok. “Ano bang gusto mo, Zia?” aniya, tuluyang sumusuko sa pagmamatigas nito.Hindi sumagot si Zia na tila walang narinig. Hanggang sa may dumating na staff. Nakita ang natapon na pagkain kaya nilinis muna nito ang sahig at pagkatapos ay agad ring nagpaalam.Nang sila na lang ulit ang naroon sa kwarto ay nagsalita si Zia, “Ayoko na rito, gusto kong mailipat sa
GUMALAW si Zia, nagtatangkang kumawala sa yakap ni Louie na kahit ayaw nito ay kusa rin siyang pinakawalan.“Pwede ba tayong mag-usap?”“Umalis ka na, Louie, gusto kong magpahinga.”Bumangon si Louie at bahagyang napangiwi habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng suntok ni Joshua.“Alam kong gusto mo na ‘kong mawala sa buhay mo pero ako, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Please… one last chance pa, Zia. Pinapangako ‘ko sa’yong babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali.”Kung pwede lang sana ay tinakpan na ni Zia ang sariling tenga para hindi na marinig ang pinagsasasabing kasinungalingan ni Louie. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit nitong istilo.Walang katapusang pasakit.“Last chance, Louie? At anong susunod, nasa kabaong na ‘ko, gano’n ba?” Kahit madilim ay nilingon at tiningna niya si Louie. “Ano ba ‘ko sa tingin mo? Gamot na sa tuwing tinutupak kay iinumin mo lang para kumalma?”Sa madilim na paligid ay na
IBINABA ni Louie ang kamay saka napatungo. Ngayon lang niya nakitang ganito katakot sa kanya si Zia.“Hindi… gusto lang kitang tulungang magpalit ng damit dahil nagpapagaling pa ang kamay mo.”Mapagduda ang tingin ni Zia pero kalaunan ay hinayaan ito na bihisan siya. Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat ay napapakislot siya sa kaba.Habang napapalunok naman ng laway si Louie. Kinakalma ang sariling emosyon at pagnanasa kay Zia habang hubad ito sa kanyang harapan.Isang buwan na siyang walang…Mariin siyang napapikit at inalis sa isip ang makamundong pagnanasa para sa asawa.Takot na sa kanya si Zia kaya hindi na dapat siya umasa. Nang lumingon ito at mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata ay bigla itong lumayo.“Hindi mo na ako maloloko pa, Louie. Nababasa ko sa mga mata mong gusto mo ulit akong—” Napasinghap at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin. “Lumayo ka na lang dahil hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako sa kahayupáng ginawa mo sa’kin. Hindi ko ‘yun kakalimutan lalo n
NAPAKO sa kinatatayuan sina Samuel at Joshua matapos makita si Zia sa stage.Ilang segundo pa ang dumaan at kaagad ring natauhan si Samuel at nilapitan ito. “Anong ginagawa mo rito?” aniya saka nilingon ang assistant. “Joshua, anong ginagawa mo riyan? Kunin mo si Zia.”Pero hindi gumalaw si Joshua habang nakatitig kay Zia na nakangiti sa kanya.“Mr. Samuel,” tawag pansin ni Zia saka kinuha ang violin mula sa maestro. “Pwede po bang hayaan niyo muna ako sa pagkakataong ‘to? Kasi baka… ito na ang huling tutugtog ako.”Nagkatitigan ang dalawa at ilang sandali pa ay napabuntong-hininga si Samuel. Walang salitang tinapik-tapik nang marahan ang balikat ni Zia. “Goodluck, I’m so proud of you,” ani Samuel saka ito iniwan sa stage.Naiiyak na napangiti si Zia saka muling humarap sa audience na naghihiyawan dahil hindi inaakalang makikita siya sa entablado matapos ideklarang hindi na kabilang sa magtatanghal.Huminga nang malalim si Zia saka ipinuwesto sa leeg ang violin. Hawak niya sa kanang k
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy