GUMALAW si Zia, nagtatangkang kumawala sa yakap ni Louie na kahit ayaw nito ay kusa rin siyang pinakawalan.
“Pwede ba tayong mag-usap?”“Umalis ka na, Louie, gusto kong magpahinga.”Bumangon si Louie at bahagyang napangiwi habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng suntok ni Joshua.“Alam kong gusto mo na ‘kong mawala sa buhay mo pero ako, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Please… one last chance pa, Zia. Pinapangako ‘ko sa’yong babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali.”Kung pwede lang sana ay tinakpan na ni Zia ang sariling tenga para hindi na marinig ang pinagsasasabing kasinungalingan ni Louie. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit nitong istilo.Walang katapusang pasakit.“Last chance, Louie? At anong susunod, nasa kabaong na ‘ko, gano’n ba?” Kahit madilim ay nilingon at tiningna niya si Louie. “Ano ba ‘ko sa tingin mo? Gamot na sa tuwing tinutupak kay iinumin mo lang para kumalma?”Sa madilim na paligid ay naIBINABA ni Louie ang kamay saka napatungo. Ngayon lang niya nakitang ganito katakot sa kanya si Zia.“Hindi… gusto lang kitang tulungang magpalit ng damit dahil nagpapagaling pa ang kamay mo.”Mapagduda ang tingin ni Zia pero kalaunan ay hinayaan ito na bihisan siya. Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat ay napapakislot siya sa kaba.Habang napapalunok naman ng laway si Louie. Kinakalma ang sariling emosyon at pagnanasa kay Zia habang hubad ito sa kanyang harapan.Isang buwan na siyang walang…Mariin siyang napapikit at inalis sa isip ang makamundong pagnanasa para sa asawa.Takot na sa kanya si Zia kaya hindi na dapat siya umasa. Nang lumingon ito at mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata ay bigla itong lumayo.“Hindi mo na ako maloloko pa, Louie. Nababasa ko sa mga mata mong gusto mo ulit akong—” Napasinghap at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin. “Lumayo ka na lang dahil hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako sa kahayupáng ginawa mo sa’kin. Hindi ko ‘yun kakalimutan lalo n
NAPAKO sa kinatatayuan sina Samuel at Joshua matapos makita si Zia sa stage.Ilang segundo pa ang dumaan at kaagad ring natauhan si Samuel at nilapitan ito. “Anong ginagawa mo rito?” aniya saka nilingon ang assistant. “Joshua, anong ginagawa mo riyan? Kunin mo si Zia.”Pero hindi gumalaw si Joshua habang nakatitig kay Zia na nakangiti sa kanya.“Mr. Samuel,” tawag pansin ni Zia saka kinuha ang violin mula sa maestro. “Pwede po bang hayaan niyo muna ako sa pagkakataong ‘to? Kasi baka… ito na ang huling tutugtog ako.”Nagkatitigan ang dalawa at ilang sandali pa ay napabuntong-hininga si Samuel. Walang salitang tinapik-tapik nang marahan ang balikat ni Zia. “Goodluck, I’m so proud of you,” ani Samuel saka ito iniwan sa stage.Naiiyak na napangiti si Zia saka muling humarap sa audience na naghihiyawan dahil hindi inaakalang makikita siya sa entablado matapos ideklarang hindi na kabilang sa magtatanghal.Huminga nang malalim si Zia saka ipinuwesto sa leeg ang violin. Hawak niya sa kanang k
PAGMULAT ng mata ay kaagad nilingon ni Louie ang puwesto ng asawa sa kama, ngunit unan at kumot na lamang ang naroon, wala si Zia.Kinusot-kusot niya ang mga mata at saglit pang tumitig sa kisame ng suite. Mayamaya pa ay nagpasiya na siyang bumangon at nagtungo sa banyo sa pag-aakalang naroon si Zia pero wala.Nagtaka si Louie hanggang sa mapuna na wala na ang gamit sa side-table maging ang luggage ni Zia.Ibig sabihin ay iniwan siya nito ng mag-isa!Mariing naikuyom ni Louie ang dalawang kamay habang nakatanaw sa labas ng floor-to-ceiling window. Papasikat pa lang ang araw at kay gandang pagmasdan ng tanawin sa labas ngunit hindi niya makuhang matuwa o ma-appreciate ang magandang view.Hanggang sa tinawagan niya si Zia, “Nasaan ka ngayon?”“Nasa airport na ‘ko pabalik ng Manila.”“Bakit hindi mo ‘ko ginising? Ano ‘yung nangyari kagabi, wala lang?"“At ano namang nangyari kagabi, Louie? ‘Di ba wala naman?” saad ni Zia saka tinapos ang tawag.At makalipas ang mahigit dalawang oras ay n
NAGING mabigat ang atmosphere sa loob ng apartment. Parehong mataas ang emosyon ng dalawa ngunit mas higit na naapekto si Louie sa binitawang salita ni Zia kaysa sa pinadapo nitong sampal sa kanya.Napaatras siya at napasandal sa pader. Habang inaayos naman ni Zia ang butones sa suot na damit.“Hindi ka na talaga magbabago pa kahit anong gawin mo, Louie… Ang mas mabuti pa’y umalis ka na’t napapabayaan mo na ang trabaho mo bilang CEO.” Sabay turo ni Zia sa pinto.Nanliit ang mga mata ni Louie sa tinuran nito.“Pagtuunan mo na lang ng pansin ang kompanya. May importante kayong proyekto, ‘di ba? Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang taon niyo ng pinaplano ‘yun. Hindi hamak na mas higit ‘yung importante kaysa sa relasyon nating tapos na,” dagdag pa ni Zia.Huminga nang malalim si Louie saka dinukot sa bulsa ang pakete para manigarilyo. Nabalutan kaagad ng usok ng sigarilyo ang paligid. “What do you mean?” ani Louie. “You’re still my wife, never magtatapos ang relasyon nating dalawa at hi
NAPATINGIN si Zia sa likod ni Louie na nakaharap pa rin sa labas ng bintana kaya hindi niya makita kung anong klaseng ekspresyon ang mababanaag sa mukha nito.“Anong klaseng kondisyon, Louie? ‘Wag mo sabihing pahihirapan mo pa ako bago tayo tuluyang maghiwalay?”Nanatiling nakatalikod si Louie ng magsalita, “Simple lang naman ang kondisyon ko, Zia… na hindi mo gagamitin laban sa’kin ang pagiging shareholder mo, pwede ba ‘yun?”Napailing si Zia, akala niya ay mahirap na kondisyon ang ipapagawa nito, hindi pala.Binuksan ni Louie ang bintana at pumasok ang simoy ng hangin sa loob. “Ililipat ko sa pangalan mo ang dalawang villa at apartment na nasa akin. As long as hindi ka magpapakasal sa iba at bibigyan pa ng eighty million alimony every year.”Hindi hahayaan ni Louie na mapunta ito sa iba ng ganoon kadali. Ituturing pa rin asawa si Zia kahit na nagkahiwalay na silang dalawa.“Hindi mo na kailangang magbigay sa’kin ng kahit ano, Louie. Mas ikalulugod kong tuluyang mawalan ng koneksyon
MATAPOS makabawi si Alice sa pagkabigla ay nilapitan niya si Michael para humingi ng paumanhin sa nagawa ni Louie.“’Wag kang mag-alala at papalitan namin ang ano man nasira sa kotse mo,” ani Alice.Naihilamos na lamang ni Michael ang sariling mukha sa inis. Si Louie naman ay tumigil sa ginagawa matapos makontento at mayabang na napangisi kay Michael para inisin pa ito nang husto.Aamba naman si Michael ng suntok nang yakapin sa bewang ng kasama nitong babae para pigilan.Hinila naman kaagad ni Alice si Louie pasakay sa sasakyan. Bago sila tuluyang umalis ay muli siyang humingi ng paumanhin kay Michael.“Umalis na po tayo,” utos kaagad ni Alice sa driver sa takot na muling gumawa ng gulo si Louie.Habang nasa biyahe ay biglang natawa si Louie kaya napatingin si Alice at ang driver mula sa rearview mirror.“Tang*na, ang pangit ng babaeng kasama niya. Ang layo sa Zia ko.”Naubo si Alice saka umiling-iling. Iba talaga ang tama ng alak kay Louie.***MABILIS na lumipas ang mga araw. Nasa
MABUTI na lamang at may bukas pang Vet clinic at nadala kaagad ang tuta. Pagkatapos masuri ng doctor ay napag-alaman nilang may urinary problem ang kawawang alaga.“Kailangan niya munang manatili rito para matutukan ang kondisyon niya,” pahayag ng doctor.Wala naman problema sa kanila basta lang gumaling si Hara. Matapos makapagbayad ni Louie ay nagpaalam na sila sa tuta na matamlay pa rin.“Babalik din kami kaagad,” malungkot na wika ni Zia habang hinahaplos-haplos ang balahibo ng alaga.Nakaakbay si Louie ng mga sandali iyon. “Tara na, Zia. Sila na ang bahala sa kanya—” Saka binalingan ang doctor. “Ito nga pala ang calling card ko, Dok. In case na may mangyari ay pakitawagan na lamang ako.”Tumango naman ang doctor. Matapos ay saka sila tuluyang umalis sa lugar.“Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam na pala siya. Akala ko’y gusto lang maglambing ‘yun pala’y…” hindi na naituloy ni Zia ang sasabihin dahil naluluha siya.“’Wag ka ng masiyadong mag-alala at sigurado namang gagal
NILINGON muli ni Lindsay ang nakatungong si Zia kaya hindi niya mabasa kung anong ekspresyon ang ipinapakita nito.“Pasensya na po, Mr. Martin pero masiyado po akong abala ngayon,” tanggi ni Lindsay sa pag-aaya nito.Nanliit ang mata ni Martin saka napa-ismid. “Bakit naman? ‘Wag mo sabihing may relasyon pa rin kayo ni Austin Lopez?”Nanlaki ang mata ni Lindsay, hindi inaasahang alam nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Austin.“Matagal na po kaming hiwalay.”“Kung ganoon naman pala’y walang masama kung makikipagmabutihan ka sa ibang lalake?” ani Martin. “Isang gabi lang naman, kung gusto mo’y sa Lopez hotel pa mismo tayo magpunta. Ipakita natin kay Austin na—!”Napasinghap si Lindsay, maging ang katabing table ay napalingon sa gawi nila nang bigla na lamang isinaboy ni Zia ang iniinom na kape sa pagmumukha ni Martin.“Pasalamat ka’t hindi na mainit ang iniinom ko,” ani Zia. “At anong tingin mo sa kaibigan ko, cheap na basta na lang sasama sa taong gaya mo?!”Naihilamos ni Martin ang
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap