MULI pa sanang magsasalita si Louie nang lumabas sa operating room ang doctor na umasikaso kay Bea. Mayamaya pa ay lumapit ito at huminga nang malalim bago ipinaliwanag na matapos maisagawa ang ‘gastric lavage’— Isang paraan ng pag-pump sa stomach para malinis ang loob at maialis ang anumang content sa tiyan sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na tube sa bibig o hindi kaya sa ilong.
“Ligtas na ang pasiyente sa ngayon. Asahan niyo ring makikipagtulungan ang ospital sa kinauukulan tungkol sa nangyaring insidente ngayon,” patuloy pa ng doctor.Tumango naman si Louie at saka inutusan si Alice na asikasuhin kaagad ang paglilipat ni Bea sa Rodriguez hospital.Nang paalis na siya ay agad humarang si Linda. “A-Alis ka na kaagad? Pa’no ang anak ko, hindi mo ba siya hihintaying magising?"“Tumigil kayo, hindi pa ba sapat sa inyong nagpunta siya rito sa kalagitnaan ng gabi?” saway ni Alice.Bahagyang hinawi ni Louie ang secretary para mag-iwan ngPAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari mali
NAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit
DAHIL sa madalas na pagpunta ni Louie sa ospital ay nakarating ang balita kay Maricar sa tuwing nagpupunta silang mag-asawa para sa rehabilitation ni Arturo.Kaya inaya niya minsan si Zia sa isang coffee shop para makausap. Malinaw pa sa kanya ang huling pagpunta ng manugang sa apartment at inakalang nagbago na nang tuluyan si Louie ngunit hindi pala. Ngayon ay hindi niya maiwasang mabahala sa kaawa-awang anak.“Iyon na nga ang nasagap kong balita na may malubhang sakit ang babaeng ‘yun,” aniya saka tinanong si Zia. “Ayos ka lang ba anak, anong plano mo ngayon?” patuloy niya pa kahit nangangati na siyang magpayo na kung hindi nito makuha ang puso ng asawa ay mas mabuti pang ang bulsa na lamang nito.Ngunit sa huli ay pinayuhan na lamang itong magbuntis para kahit anong mangyari sa hinaharap ay ito pa rin ang kikilalaning legal.Walang reaksyon si Zia at napatungo na lamang habang hinahalo-halo ang inumin sa harapan. Walang balak sabihin na gusto r
SA PAGLABAS ni Zia sa restaurant at pagbalik sa kotse ay saka lang niya naalalang kanina pa naghihintay ang driver nilang si Lito.“Babalik na po ba tayo, Ma’am?” anito.Napabuntong-hininga siya ng mukhang hindi naman ito nainis. Bumaling siya sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang madilim na paligid.“Manong Lito, gusto ko pong maglakad pauwi at kayo na lang po ang bumalik sa subdivision,” ani Zia.Mula sa rearview mirror ay kitang-kita ang pagkunot-noo nito. “Masiyado na pong malalim ang gabi para maglakad kayo sa labas, Ma’am. Paniguradong magagalit po si Sir ‘pag nalaman niya ‘to.”“Hindi niya naman po malalaman kung hindi niyo sasabihin,” saad ni Zia.Natahimik ang driver hanggang sa napagdesisyunang pagbigyan siya sa nais. Ngunit hindi ito umalis, bagkus ay sinundan lamang siya habang naglalakad sa kalsada.Wala ng ideya si Zia kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang old graf
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy