NAMULA ang tenga ni Zia na tila may gustong itago. “W-Wala lang! Bumili ako ng bagong perfume,” pagsisinungaling pa niya. Mabuti at mayroon talaga sa drawer.
“Really?” Saka hinanap ni Louie ang tinutukoy nitong pabango. “Subukan mo nga’t aamuyin ko kung bagay ba sa’yo.”Agad ini-spray ni Zia ang perfume sa sarili lalo na sa likod ng tenga.Yumuko si Louie para maamoy nang maigi ang pabango. “Hmm, smells good,” aniyang marahang kinagat ang tenga nito.“Louie!” saway ni Zia.“My bad… nakakagigil ka kasi. Muntik na ‘kong makalimot.” Matapos ay napansin ang diary.Naalalang muli ang nabasa kaya kinuha niya ito. Gusto pa ngang bawiin ni Zia ngunit hindi niya hinayaang maagaw.Nang hindi na ito nagtangka ay muli siyang yumuko at niyakap ito sa balikat.“Nahihiya kang basahin ko?” ani Louie. “Pero nagawa ko na kaya ‘wag ka ng mahiya pa.”Mula sa repleksyon ng salamin ay napansin niya ang pamumula ng pisngi niMULI pa sanang magsasalita si Louie nang lumabas sa operating room ang doctor na umasikaso kay Bea. Mayamaya pa ay lumapit ito at huminga nang malalim bago ipinaliwanag na matapos maisagawa ang ‘gastric lavage’— Isang paraan ng pag-pump sa stomach para malinis ang loob at maialis ang anumang content sa tiyan sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na tube sa bibig o hindi kaya sa ilong.“Ligtas na ang pasiyente sa ngayon. Asahan niyo ring makikipagtulungan ang ospital sa kinauukulan tungkol sa nangyaring insidente ngayon,” patuloy pa ng doctor.Tumango naman si Louie at saka inutusan si Alice na asikasuhin kaagad ang paglilipat ni Bea sa Rodriguez hospital. Nang paalis na siya ay agad humarang si Linda. “A-Alis ka na kaagad? Pa’no ang anak ko, hindi mo ba siya hihintaying magising?"“Tumigil kayo, hindi pa ba sapat sa inyong nagpunta siya rito sa kalagitnaan ng gabi?” saway ni Alice.Bahagyang hinawi ni Louie ang secretary para mag-iwan ng
PAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari mali
NAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit
DAHIL sa madalas na pagpunta ni Louie sa ospital ay nakarating ang balita kay Maricar sa tuwing nagpupunta silang mag-asawa para sa rehabilitation ni Arturo.Kaya inaya niya minsan si Zia sa isang coffee shop para makausap. Malinaw pa sa kanya ang huling pagpunta ng manugang sa apartment at inakalang nagbago na nang tuluyan si Louie ngunit hindi pala. Ngayon ay hindi niya maiwasang mabahala sa kaawa-awang anak.“Iyon na nga ang nasagap kong balita na may malubhang sakit ang babaeng ‘yun,” aniya saka tinanong si Zia. “Ayos ka lang ba anak, anong plano mo ngayon?” patuloy niya pa kahit nangangati na siyang magpayo na kung hindi nito makuha ang puso ng asawa ay mas mabuti pang ang bulsa na lamang nito.Ngunit sa huli ay pinayuhan na lamang itong magbuntis para kahit anong mangyari sa hinaharap ay ito pa rin ang kikilalaning legal.Walang reaksyon si Zia at napatungo na lamang habang hinahalo-halo ang inumin sa harapan. Walang balak sabihin na gusto r
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. “Bitawan mo ‘ko.”“At ano, susugurin mo sila? Ospital ‘to, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo ‘yan.”“Wala akong pakialam, kaya bitawan mo na ‘ko.” Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. “Bitaw sabi!”Umiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.“Sandali lang!” Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “A-Anong ginagawa mo?!”Rumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. “H-Hindi ko sinasadya!” Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw