SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan.
Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagawang mali. Tumalikod nga lang ito saka nagbihis. Sa ganitong sitwasyon ay dapat inaaway niya ang asawa. Ngunit iba si Zia. Pinalaki siyang may disiplina at class. Dapat siyang magmukhang walang pakialam kahit nasasaktan na. Nang matapos sa pagbibihis si Louie ay naglakad ito patungo sa pinto. “Sandali lang,” wika ni Zia. “May gusto lang sana akong sabihin.” Lumingon si Louie at tinitigan ang ayos niya sa kama. “Bakit, nakukulangan ka pa sa nangyari kagabi, gusto mo pa ng isa?” Isa iyong biro ngunit pwede namang totohanin ni Louie dahil wala naman itong pakialam sa mararamdaman ni Zia. Hindi siya mahal ang asawa at pinakasalan lang ni Louie dahil sa isang aksidente. “Kung may sasabihin kay gawin mo na’t baka ma-late pa ‘ko,” saad nito. “Pwede ba akong magtrabaho?” Tumitig si Louie nang matagal bago maglabas ng tseke sabay bigay sa kanya. “Hindi bagay sa’yo ang magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay at maging full-time house wife ko.” Matapos ay binuksan ang pinto upang lumabas ngunit agad humabol si Zia. “Pero gusto ko talagang magtrabaho, Louie. Pwede naman akong tumugtog ulit ng violin gaya ng dati.” “Late na ‘ko!” Pambabalewala nito. Bago tuluyang makalayo ay humabol pa ng salita si Zia, “Birthday ni Papa sa sabado, may oras ka ba?” “Titingnan ko.” Sabay sara sa pinto. Nanatiling nakatayo malapit sa pinto si Zia at ilang sandali pa ay maririnig ang ugong ng papalayong kotse mula sa labas. Hindi nagtagal ay dumating ang ilang katulong para kunin ang mga damit na kailangan labhan. “Ma’am Zia, gusto niyo po bang kami na ang maglaba at plantsa ng damit ni Sir?” tanong nito. “Sige po, Ate. Hand wash lang kung maaari,” aniya. Dahil sensitibo si Louie pagdating sa mga gamit. Maging sa pagkain ay mapili rin ito at ayaw na ayaw ng magulo at maduming lugar. Kaya nga pinagsikapan ni Zia na matuto ng gawaing bahay para sa asawa. Hangga’t maaari ay gusto niyang perpekto ang lahat para sa lalaking minamahal kahit na… wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Pagkaalis ng katulong ay saka lang binalingan ni Zia ang hawak na tseke. Noong nakaraang taon ay gumuho ang mundo ng pamilya niya, ang Cruz. Dinala sa kulungan ang kapatid na si Chris at na-ospital naman ang ama na si Arturo dahil sa biglaang pagkakasakit. Kaya kinailangan niya ng malaking halaga upang hindi mahirapan si Maricar, ang kanyang step-mom sa maliit na perang naibibigay niya buwan-buwan. Allowance niya iyon mula kay Louie ngunit hindi pa rin sasapat sa pangangailangan ng kanyang pamilya. “Asawa mo ang CEO ng Pharmaceutical group. Lahat ng meron siya ay sa’yo rin,” saad pa ni Maricar noon sa kanya. Pero iyon nga ba talaga ang totoo? Hindi siya mahal ni Louie at ang kanilang relasyon ay nauuwi lang sa romansa, tawag ng laman. Ni hindi nga siya pinapayagang magbuntis. Sa tuwing may nangyayari sa kanila ay lagi nitong pinapaalala na uminom siya ng contraceptive pills. Kaya sa tuwing naaalala niya ang mga pinagdaanan ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. "Anim na taon... gano’n katagal kitang minahal Louie,” bulong niya pa sa hangin… Ganoon katagal niyang minahal ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang nito nagawang suklian ang pagmamahal na iyon. *** BIYERNES NG GABI habang hinihintay na bumalik si Louie mula sa Batangas ay isang balita ang nagbigay takot kay Zia. Ayun kay Maricar ay may tiyansang makulong ng hindi bababa sa sampung taon ang kapatid. Habang ang ama naman ay isinugod sa ospital dahil sa acute hemorrhage at kailangang operahan agad. Dali-dali namang napasugod si Zia sa ospital habang tinatawagan ang asawa. Ngunit hindi ito sumasagot at nag-iwan lang ng mensahe. Louie: Nasa Batangas pa ako. Kung may kailangan ka’y si secretary Alice na ang kausapin mo. Tumawag siyang muli hanggang sa sumagot ito. “Louie… si Papa,” iyak niya. “Kailangan mo ba ng pera? Nag-text na ‘ko na si Alice na lang ang kausapin mo…” Biglang natigilan si Zia nang makita sa telebisyon ng ospital ang asawa. Ayon sa caption na mababasa sa ibaba ng screen ay nasa fantasy world si Louie kasama si Bea habang nagpapaulan ng fireworks sa kalangitan. Kitang-kita sa kuha ng camera ang saya sa mukha ni Bea habang nasa wheelchair. Muli niyang inilapit sa tenga ang cellphone at nagtanong habang hindi inaalis ang tingin sa telebisyon, “Nasa’n ka ngayon?” Makikita na may kausap sa cellphone si Louie. Sa madaling salita ay live ang napapanuod at naririnig niyang ingay sa kabilang linya. “Busy ako ngayon, Zia. Kausapin mo na lang si Alice.” Matapos ay binaba na ang tawag. Pumatak ang luha sa mga mata niya nang lumapit si Maricar. “Nakausap mo na ba si Louie? Nahingan mo na ba ng tulong…” nabitin ang sasabihin nito nang makita kung ano ang kanina niya pa pinapanuod. “Nagpunta ba siya sa Batangas para sa babaeng ‘yan? Sandali… natatandaan ko siya. Hindi ba ‘yan ‘yung babaeng laging bumibisita kay Louie noong na-coma ito? Sinasabi ko na nga ba na may hindi tama sa dalawang ‘yan!” galit na wika ni Maricar. Ngunit ilang sandali pa ay natauhan din. “Z-Zia, ’wag mo na lamang pansinin iyong sinabi ko. Kailangan natin ang tulong ni Louie. Siya lang ang pag-asa natin ngayon,” patuloy nito. Marahas na pinunasan ni Zia ang luha at tinawagan si Alice. Baka sakaling mabigyan siya ng isa pang tseke o hindi kaya ay ang access sa mga alahas ni Louie. “Ma’am Zia, hindi ko po kayo mapagbibigyan kung wala pong pahintulot ni Sir Louie.” Ngunit kailangan na talaga ni Zia ng pera para sa ama. Kaya kahit labag sa kalooban ay hinubad niya ang diamond wedding ring. “’Ma, isangla niyo ‘to.” Nabigla naman si Maricar. “Zia! Nahihibang ka na ba?” “Hindi, ‘Ma. Hindi pa ‘ko nasisiraan…” Baka pa lang kung patuloy siyang magtitiis. Habang nakatingin sa makukulay na fireworks sa telebisyon ay isa lang ang nasa isip ni Zia ng mga oras na iyon. Gusto na niyang makipaghiwalay kay Louie.MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.” Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito. “Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya. “Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan. Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit. Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito. Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay sa kabila ng kinagisnan nitong buhay. Mula sa mayamang pamilya si Zia at pinalaking prinsesa kaya nakapagtatakan
INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya. Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mu
PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito. Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya. At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo
NAPADAING si Zia at pilit itong itinutulak. “Ano ba, nasa ospital tayo!” “Wala akong pakialam,” saad ni Louie na patuloy pa rin siyang iniipit sa pader at nakuha pang ilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?” anito. Nang una ay hindi maintindihan ni Zia kung bakit ito nagkakaganito ngunit tuluyan na rin niyang naunawaan na dahil pala sa doctor. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo,” matapos iyong sabihin ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto. Ngunit sumunod pa rin ito at natigilan nang makita na may ibang tao sa loob ng kwarto. Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa nito. Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man
ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
NAKAUWI naman si Zia nang makahanap ng masasakyan. Bumaba siya sa may kanto at naglakad kung saan ay tanaw na niya si Maricar na may hawak na payong at inaabangan siya.“Bakit po kayo nandito, ‘Ma?”“Umuwi muna ako para makapagpahinga, Zia. Tara sa loob at basa ka.”Pumasok sila sa apartment at agad kumuha si Maricar ng towel para tulungan siyang tuyuin ang basang buhok.“Nahirapan ka bang makasakay ng bus? Nag-taxi ka sana, Zia.""Wala ring taxi sa daan, ‘Ma,” palusot niya na lang.“Mas mabuti pa’y maligo ka na lang at may sabaw pa sa kusina, ipaghahain kita.”“Nilalamig ako, ‘Ma. Gusto ko munang humigop ng mainit-init na sabaw,” ani Zia.Umalis naman si Maricar upang kumuha ng pagkain. Pagbalik ay napatanong, “Zia, kamusta na pala ang tungkol sa inyong dalawa ni Louie. Nagkausap na ba kayo ulit?”Naibaba ni Zia ang hawak na mangkok saka napabungtong-hininga. “Ayaw niya pa ring makipaghiwalay. Saka, wala pa rin akong nahahanap na lawyer para sa divorce namin. Pero ‘wag kayong mag-alal
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod