May ngiti sa labing nagmulat ng mata si Claire nang maalala ang masarap na pag-iisa ng katawan nila ni Manson kagabi. Hindi lang iisa kundi ilang beses na may nangyari sa kanila. Bukod sa kama ay may nangyari sa kanila ng asawa sa banyo, sa terrace habang nanonood ng kabilugan ng buwan, sa kusina nang bumaba si Claire para uminom ng tubig at sa hagdan habang nakaluhod siya at binabayo ni Manson mula sa likuran. It was a wild night, but Claire felt all the consequences when she woke up. Nananakit ang buong katawan niya na parang inararo ng sasakyan. Marahan siyang nag-inat ng katawan upang hindi magising ang katabi na mahimbing pa rin ang tulog. Alam niyang tulad niya ay pagod din ito. Mula nang ikasal sila ni Manson, tatlong taon na ang nakakaraan, ay isang beses lang na may mangyari sa kanila kaya tuwang-tuwa si Claire na kagabi ay muling pinagnasaan ng asawa ang katawan niya. Ang buong akala niya ay hindi siya nito gusto kaya ayaw nitong makipagtalik. Contract marriage lang ang
Nana is Manson’s grandmother. Gustong-gusto nito si Claire mula nang unang araw na ipinakilala ito rito ng lalaki. Nang makarating sa mansion ng matanda ay mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya samantalang isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Manson. Mahigpit din itong niyakap ni Claire.“Nana, bakit n’yo po ako pinatawag?” Tanong ni Claire nang makaupo na sila sa sofa. Ayaw sanang magtagal dito ni Claire dahil habang tumatagal siya sa poder ng lola ni Manson ay lalo siyang nasasaktan. Ayaw niyang biguin ang matanda kapag ma-process na ang divorce nila ni manson.“Nabalitaan ko na bumalik na ang walanghiyang babaeng ‘yon kaya’t hindi ka na nakatira sa bahay ni Manson? Ang kapal talaga ng mukha!” Bumaling ito sa apo nito na tahimik na nakikinig habang nakayuko. “Matapos ka niyang iwan noong may kapansanan ka ngayon babalik na lang siya basta-basta at sisirain ang pagsasama niyo ni Claire? Hindi ako papayag.”Nagtaas ng tingin si Manson. His stubborn look stared at hi
“Bakit mo ako iniwan kanina?” Madilim ang mukha na tanong nito habang nakasalikop ang braso sa harap ng dibdib. Alanganin ang ngiti ni Claire. Pagod siya dahil maraming customer ang nabalitaan ang pagbabalik niya sa trabaho kaya't mabilis ang mga itong nag-book ng schedule para magpagawa ng alahas sa kanya. Even the royalties from the other countries contacted their boutique. Ganoon siya ka-famous.“Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ni Valeen at tangkain na naman niyang saktan ang sarili niya.” Hindi alam ni Claire kung lumabas ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. She is hurting, but it was her fault and there's no one to blame.“Bakit mo tinatanong kung nandito ako? May obligasyon ako sa ‘yo. Asawa mo ako at sinusundo kita dahil may dinner sa bahay ni lola at pinapatawag ka niya.” “Hindi ba magdi-divorce na tayo? Bakit tinatrato mo pa rin ako nang ganito? Simula nang sinabi mong magdi-divorce tayo wala ka ng obligasyon sa akin.”
Sa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?” “Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?”“Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?”“Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?”Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon.“Are they thugs? Are these diamonds stolen?” Hinawakan niya ang singsing na
Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.“I’ll be back late toni
Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya. “Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–”“Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire.Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?
Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin
Hinaplos ni Manson ang buhok ni Claire saka masuyo iyong hinalikan. “Masiyado akong marahas at pabigla-bigla sa mga kilos ko nitong nakaraan, Claire. I’m sorry.”Tumingala si Claire at tiningnan ito nang malamlam saka umiling. “No. Ako ang masiyadong padalos-dalos sa kilos ko at hindi ko kinonsidera ang nararamdaman mo.”Hindi agad makasagot si Manson. Patuloy siya sa marahang paghaplos ng buhok nito. “Let’s continue being calm down for a while. Kapag hindi ko pa rin matanggap si Lucas ay hindi kita pipilitin. Siguro ay tama si mama. Kayo siguro talaga ang nakatakda.”Nakagat ni Claire ang labi at hindi makasagot. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Siguro nga kung hindi nangyari ang sunog ay sila ni Lucas ang magkasama ngayon at hindi sana niya nakilala si Manson. Pero kahit ganoon ay hindi niya pinagsisihan na pinakasalan niya ito. Naging magulo man ang pagsasama nila, sa loob ng tatlong taon na iyon ay naging masaya siya. Tunay na masaya. Dahil