Narinig ni Mr. De Jesus ang sinabi ni Celestine at ngumiti nang matigas. Siyempre, pwede siyang purihin si Benjamin. Pero…"Hindi ba si Diana, ang panganay na anak na babae ng pamilya Valdez, ang asawa ni Benjamin?" tanong ni Mr. De Jesus nang may pag-aalinlangan.Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Celestine, at nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Itinaas niya ang kanyang kilay, ininom ang alak sa kanyang baso, at malamig na nagsabi, “I suggest na mas magbasa ka ng balita kaysa sa mga tsismis sa entertainment industry.”“Oh, I'm really sorry.”Matapos sulyapan ni Mr. De Jesus si Celestine nang may malalim na kahulugan, tumayo siya at umalis.Nang muling tumingin si Axl, si Celestine na lang ang natirang umiinom mag-isa."Ano ang ginagawa mo? Balak mo bang malasing?" Kinuha ni Axl ang baso ng alak na balak inumin ni Celestine.Napabuntong-hininga si Celestine at agad na inagaw ito pabalik. "Huwag mo akong abalahin. Gusto ko lang uminom nang uminom!”"Lumabas na naman ang totoong uga
Lumabas ang isa pang lalaki mula sa banyo. Nang makita niya si Celestine, siya ay natigilan. Naisip pa niyang baka nagkamali siya ng pinasukan.Nilunok ni Celestine ang laway niya at tumalikod para lumabas. Hiyang-hiya siya.Hinawakan ni Benjamin ang braso ni Celestine at tinitigan siya, minsan malalim ang tingin, minsan malamig at seryoso.Kumunot ang noo ni Celestine at tinignan si Benjamin na parang sinasabing, "Bitawan mo ako!"Pero hindi iyon pinansin ni Benjamin at wala siyang balak na pakawalan ito.Hanggang sa may pumasok na isang lalaki na nasa edad 20 years old. Natitigilan at pasuray-suray itong nabangga sa balikat ni Celestine, dahilan para matulak siya papunta kay Benjamin.Dahan-dahang binawi ni Benjamin ang kanyang braso, at si Celestine ay tuluyang bumagsak sa kanyang mga bisig.Niyakap niya ito at saka may narinig silang boses sa likuran, "Bakit may babae sa loob ng comfort room na ito? Para lang ito sa lalaki, ah!”Habang nagsasalita, lumapit ang lalaki kay Celestin
Ano ba sa tingin ng lalaki sa harapan niya? Na kahit sino ay puwedeng apihin o tapakan siya? Parang papel na pupunitin at hahayaan lang sa daan?Sa hindi inaasahan, nang paalis na si Celestine, isang malakas na tinig ng lalaki ang narinig mula sa labas, "Hoy, sino ang nagyayabang sa inyo? Sino ang gustong mapahiya ang anak ko?"Tumingala si Celestine. Naroon na pala si Robert De Jesus.Nang makita ang kanyang ama, agad na tumakbo si River at sumigaw, "Dad, ang babaeng ito! Hindi niya ako kilala! Sinabihan pa niya ako ng kung anu-anong masasakit na salita!”"Gusto ko siyang mamatay! Gusto ko siyang mawala sa buong Nueva Ecija!"Sabay na sumingkit ang mga mata nina Celestine at Benjamin, sabay buntong-hininga sa kanilang isipan, ang yabang naman ng taong ito. Akala mo, kung sinong mayaman.Tiningnan ni Robert ang paligid at natigilan nang makita si Celestine.Sinundan niya ang direksyon ng tingin ni Celestine, at ang kanyang paningin ay tumapat kay Benjamin.Sa sandaling iyon, nakabibin
Hindi nakasagot sa tanong na iyon si Benjamin, pero nagpatuloy pa rin ang pagtatanong ni Celestine sa kanya. "Pinapahalagahan mo ba kung sino ang nambully sa akin, pinapahalagahan mo ba kung ako ay na agrabyado ng ibang tao, o... pinapahalagahan mo ba ako kasi dati mo akong asawa?" Pahina nang pahina ang boses ni Celestine, at sa huli, parang hinipan na lang ito ng hangin. Nanatiling tahimik si Benjamin nang kalahating segundo. Ngumiti si Celestine, alam niyang ang pagtatanong na ito ay para lang sa sarili niyang kapahamakan. Kaya't kalmado niyang binigyan ang sarili ng daan palabas sa usapang iyon. "Naiintindihan ko kung hindi ka makasagot, iniisip mo lang siguro akong protektahan dahil dati mo akong asawa. Iyon lang iyon.” Bumukas ang pinto ng elevator, pumasok si Celestine, at nakita niyang nakatayo pa rin sa labas si Benjamin, hindi kumikibo. Para bang sinasabi nito na hindi niya kayang lumampas sa linyang iyon, na hanggang dito lang ang kanilang relasyon. Ngumiti si Cele
Kinabukasan..Pauwi na si Celestine sa bahay nila nang biglang tumawag sa kanya si Shiela. Pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ay ramdam na agad ni Celestine ang inis na nararamdaman ng kanyang kaibigan.“Girl, nasaan ka? Nasa Macabuhay Medical Hospital ka pa ba? Susunduin kita. May nakita akong hindi dapat makita rito sa restaurant na kinakainan ko ngayon.”Agad na kumunot ang noo ni Celestine dahil sa sinabi ni Shiela.“Sino? ‘Yong kalaban mo sa isang role na gusto mong mapasa iyo kamakailan?” tanong ni Celestine, clueless pa rin kung sino ang tinutukoy ni Shiela.“Hindi! Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko siyang sabunutan katulad nang pagsabunot ko sa isa sa mga kontrabida sa isang TV show ko!”Hindi pinansin ni Celestine ang sinabi ni Shiela, “Kung sino man iyan, kaya mo na siyang harapin mag-isa. Sige na, ibababa ko na ang tawag dahil uuwi na ako.”Agad na pinigilan ni Shiela si Celestine.“Oh, no. Hindi pwede! Ipapasundo kita sa driver ko. Kailangan ay gumanti
Ilang minuto pa pagkatapos kumagat ni Diana sa sandwich ay bigla na lang siyang hindi makahinga. Tuens out, she’s allergic to it kaya pala tawa nang tawa si Shiela nang makita iyon. Nagulat si Celestine at muntik pa niya itong tulungan, pinigilan lang siya ni Shiela kaya natigil iyon. “Hey, alam mo ba ang tungkol dito? I mean, that she's allergic to peanuts?” tanong ni Celestine ng may pag-aalala kay Diana. “Yeah, alam ko. At noong may pagkakataon ako para makaganti, iyan ang naisip ko. I'm so brilliant, right?” natatawa pa ring sagot ni Shiela. Agad na lumapit ang staff ng restaurant para tumulong. May iba naman na gusto lang makiusyoso sa nangyayari. Nakita pa nilang tumayo ang kaibigan ni Diana na si Janette para lapitan ang lalaking nagbigay sa kanya ng sandwich at drink. Inaway pa iyon ni Janette. “Are you crazy? Hindi ka man lang nag-research about Diana befo
Kinaumagahan, expected na ni Celestine na naroon si Benjamin sa ospital at binabantayan si Diana dahil sa allergy na nakuha niya. Pero laking gulat niya at pagtataka nang marinig niya ang kwentuhan ng mga nurse sa kanilang station. “Oo, akala ko talaga naroon si Mr. Peters sa kwarto ni Diana. Pero, wala! ‘Di ba, noong naospital din ito ay naroon siya? Pero ngayon, wala eh.” “Bakit kaya? Naku, feeling ko ay may tampuhan sila. Ganun ‘yan, ‘di ba? Hindi mo lang naman sisiputin ang karelasyon mo kapag may tampuhan kayo,” sagot ni Danica. “Ang sabihin mo, si Ms. Yllana naman ang kasama ni Mr. Peters kagabi kaya hindi niya naalagaan si Ms. Valdez. Kasi naman si Mr. Peters, dalawa ang karelasyon. Hindi pumili ng isa lang!” Agad na pinatahimik ni Danica ang isa sa mga nurses dahil nangangamba siyang baka marinig sila ni Celestine pero ang hindi nila alam ay huli na sila. Narinig na ni Celestine ang tsismisan nila. Gusto mang ipagtanggol ni Celestine ang sarili pero alam niyang mas
Nakita ni Celestine ang picture na kinunan ni Shiela sa restaurant. It was posted online at viral na ito.Iyon pala ang sinasabi ni Shiela sa kanya na purpose kaya niya pinapunta si Gilbert sa ospital.“Thank you, Danica. Ito na phone mo,” iyon na lang ang nasabi ni Celestine dahil sa gulat.Habang naglalakad ay naririnig niya ang bawat komento ng mga ilang doktor at nurses na naroon. Pati nga ang mga pasyente ay may komento na rin.“Akala ko ba ay si Mr. Benjamin Peters ang gusto niya? Bakit iba naman ang kasama niya rito sa picture?”“Oo nga eh, sweet na sweet pa sila. Alam na kaya ‘to ni Mr. Peters?” “Siguro. Kalat na kalat na eh. ‘Yong niloko, niloko na rin. Hay, ano ba namang pag-ibig ‘yan. Kung minsan ay nakakaloka eh.”Samantala, sa kwarto kung nasaan si Diana ay nagkatinginan ang nurse at si Gilbert pagkatapos nilang makita ang viral photo sa social media.Agad na
Tiningnan ni Benjamin si Diana noon. Napakunot-noo naman si Philip, halatang hindi natuwa sa pagdating ni Diana.“Ano'ng meron? Bakit ganun makatingin sa akin ang ama mo?” tanong ni Diana kay Benjamin.Ipinasa ni Benjamin sa kanyang ina ang mga gamit para kay Lola Belen pagkatapos ay hinila si Diana at sinabing, “Sa labas na lang tayo mag-usap.”Tumango si Diana, hindi niya nakalimutang silipin si Celestine. Nakita niyang kino-comfort ni Celestine si Zsa Zsa na noon ay naluluha na.Sa isang bench sa likod ng garden ng inpatient department sila nag-usap na dalawa, tinanong ni Benjamin si Diana, “Nabasa mo o nakita mo na ba sa TV ang balita?”Umupo si Diana sa bench at lumapit kay Benjamin, sandaling natigilan, saka tumango, “Oo. Alam ko na ang tungkol sa balita na sinasabi mo.”“Maraming masamang komento tungkol sa iyo, sana ay huwag mong dibdibin masyado. Hindi 'yun mahalaga para sa ating dalawa, naiintindihan mo ba?” Nakakunot-noo si Benjamin noon habang kinakalma si Diana. Natatako
Sabay na tumingin sina Zsa Zsa at Lola Belen kay Benjamin, hinihintay ang kanyang sagot.Yumuko si Benjamin pero nanatiling tuwid ang pagkakaluhod niya.Gumalaw na ang kanyang labi at handa na sanang magsalita nang bigla niyang narinig ang reporter sa TV na nagsabi, "Gumastos din ng malaking pera si Benjamin Peters para bilhin ang lupa malapit sa airport para kay Diana Valdez at nagtayo siya roon ng isang hacienda para sa nasabing dalaga.”Halos sumabog sa galit si Philip dahil sa narinig, "Hindi mo inalintana na masasaktan mo ang pamilya Villaroman makuha lang ang lupa, para lang mapasaya si Diana? Benjamin, nababaliw ka na ba talaga dahil sa babaeng iyan?""Hindi po, Dad." Agad na paliwanag ni Benjamin sa kanyang ama, "May sarili akong plano sa lupang iyon, hindi iyon para kay Diana."Napasinghap si Lola Belen, "Ang bilis mong linawin ang bagay na ‘yan. Pero kanina, hindi mo sinagot ang tanong ng ama mo."Masyadong agresibo si Lola Belen sa mga salita niya. Halata na galit na galit
Ilang minuto pa ay tinawag ulit ni Benjamin si Veronica bago pa ito makaalis.“Veronica!”Agad na huminto si Veronica nang marinig iyon at tumingin kay Benjamin.Marahil dahil masyadong mabilis at biglaan ang balita, siya’y nag-aalala. Ang guwapong mukha niya ay puno ng takot at pangamba.Itinuro ni Benjamin si Veronica, binuka ang bibig, tila may gustong sabihin, pero nag-alinlangan ito.Dati-rati, si Veronica ang pinakabihasa sa pag-unawa kay Benjamin, ngunit sa sandaling ito, hindi niya ito mawari.Biglang tumunog ang cellphone sa mesa. Si Mrs. Belen Peters ang tumatawag.Namutla ang mukha ni Benjamin nang malaman na si Lola Belen ang tumatawag sa kanya. Napakunot-noo siya at mahina niyang sinabi kay Veronica, "Sige na, hanapin mo muna ang taong nagpakalat ng balita."Tumango si Veronica.Kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone, inihanda ang sarili, at pinindot ang answer button.Sabi agad ni Lola Belen, "Benjamin, umuwi ka agad! Kailangan nating mag-usap!”Sa isang utos pa lamang
Isang malaking pulang title na ang nakalagay ay, "Divorce of Benjamin Peters and Celestine Peters” ang nakalagay sa itaas ng listahan ng mga trending na balita sa internet.Pagkatapos pindutin ito, kitang-kita ang isang marketing account na naglabas ng balita: "Isang hindi nagpakilalang tao ang nagsubmit ng ulat na si Benjamin Peters, ang presidente ng D’Belinda, ay pumirma na sa divorce papers kasama ang kanyang asawang si Celestine Yllana Peters at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga detalye ng kanilang paghihiwalay."Habang nagpapatuloy ang pag-scroll, puno ng balita tungkol kay Benjamin at Celestine ang nasa screen, at ilan dito ay hindi kanais-nais na mabasa."Dahil sa hindi pagkakasunduan sa kanilang emosyon, nagpasya na mag-divorce sina Benjamin at Celestine. May kumuha pa ng litrato nito noong pumunta sila sa Civil Affairs Bureau. Ilang beses ding sinamahan ni Benjamin si Diana habang kasal pa sila kaya kumpirmadong wala na talaga silang mag-asawa.”"Sinamahan ni Benjamin si Di
Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan
Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce