Nanginig ang mga balikat ni Celestine dahil sa tindi ng pangyayari, at kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa para sa lalaking pumasok kanina.Binuka ng lalaki ang kanyang bibig pero bigla na lang siyang sinigawan nang walang dahilan. Agad siyang tumalikod at umalis.Itinulak ni Celestine si Benjamin palayo, tamad na ngumiti sa kanya, at sinabing, "Alam mo, kaya kong gawin ito." Pagkatapos, pinindot niya ang pindutan ng elevator para bumaba sa susunod na palapag.Tahimik lang na pinanood ni Benjamin si Celestine habang bahagyang dumadampi ang kanyang balikat dito. Ang kanyang buhok ay bumagsak sa balikat ng lalaki, at ang kanyang kaakit-akit na pigura ay bahagyang lumitaw sa ilalim ng kanyang magandang collarbone.Naramdaman ni Benjamin ang panunuyo sa kanyang lalamunan. Hinawakan niya ang pulso ni Celestine.Itinaas ni Celestine ang kanyang tingin at matapang na tiningnan siya gamit ang kanyang mga mata na magaganda, "Mr. Peters, may kailangan ka pa ba sa akin?"Mabigat ang paghinga
Nang marinig ito ni Celestine, naramdaman niya ang pagkaasim sa kanyang ilong na hindi na niya kayang tiisin. Ang kanyang mga mata ay biglang lumubog sa luha.Sa paghahambing sa pagkainis ni Benjamin sa kanya, ang kanyang pagpapahiya ay nakakapagpabigat sa puso.Nang makita ni Benjamin na natatakot at umiiyak si Celestine, pakiramdam niya ay isang heneral siya na napanalo ang isang laban. Hindi na siya nag-iisip na walang takot na nararamdaman si Celestine kapag magkaharap sila."Bakit ka umiiyak? Alam mo na ba kung ano ang kamalian mo sa akin?" Tinangka niyang itaas ang baba ni Celestine at tiningnan ang kanyang mga kilay. Siya ay lalong mapangwasak, at lubos na iba sa kanyang dating mahinahong pagkatao."Celestine tiisin mo ang sitwasyon nating ito ngayon. Hiniling mo sa akin ito, hindi ba?" Ang kanyang mga halik ay bumagsak nang masiksik. Ang atmospera sa loob ng sasakyan ay lubos na mabigat, at si Celestine ay nahalik ng ilang beses hanggang sa hindi na siya makahinga. ‘Celestine
Dahan-dahang napakuyom ang mga kamay ni Celestine na nakababa sa kanyang mga binti, at narinig niyang sinabi nito, "Huwag mo akong sisihin kung bastos ako ngayon. Ikaw ang may gawa nito.”Alam ni Celestine kung gaano kalupit si Benjamin pero hindi niya lubos akalain na aabot ito sa ganitong klaseng pagtrato sa kanya.Kapag sinabi niya ang mga salitang iyon, tiyak na hindi lang ito para sa kanya. Kung magagalit siya, buong pamilya ni Celestine ang magdurusa.Pero biglang sabi ni Benjamin, "Hindi mo ba masyadong pinapahalagahan ang sarili o di kaya ang pamilya mo?"Papayagan ba ni Celestine na may gawin siya sa pamilya Yllana? Siguro naman ay ipagtatanggol niya ito o gagawa siya ng paraan para hindi sila madamay, hindi ba?Siya si Celestine, oo mahina siya noon pero natuto na siya ngayon. Kailangan niyang lumaban para sa sarili at pamilya niya.Hindi ito ang tamang oras para maduwag siya.Kung maglakas-loob si Benjamin na saktan ang pamilya Yllana hinding-hindi niya ito mapapatawad!"Ce
Lumapit siya sa pinto at pinindot ang mga number ng birthday ni Celestine – 0921.Kalma siyang nagsalita, "Memorized ko na. Palagi akong nagkakamali kapag sinusubukan kong gumawa ng ibang password eh.”Tiningnan siya ni Celestine habang pumapasok, saka ibinaba ang ulo at isinumpa ang sarili sa pagiging walang silbi. Nagpalit lang ito ng password, pero nagulo na ang tibok ng puso niya.Hindi niya alam kung kikiligin siya dahil alam pa rin pala ni Benjamin ang birthday niya o hindi na lang niya ito papansinin."Masasanay ka rin dahan-dahan. Birthday ko lang naman iyan. Madaling tandaan," kalmadong sabi ni Celestine.Lumingon siya kay Celestine. Biglang sinabi naman ni Celestine, "Sa una man o sa huli, kailangan mo ring masanay sa ibang bagay.""Huh? Magbigay ka ng halimbawa." Singhal niya.“Wala naman akong ibang maisip,” sagot ni Celestine.Pero tuloy-tuloy ang nasa isip niya.Halimbawa, kailangan niyang masanay na hindi na alalahanin si Benjamin.Halimbawa, kailangan niyang tanggapin
Hindi nagulat si Celestine. Ang mga pagkaing ito ay tiyak na inihanda ni Veronica para sa kanya. Pero nakalimutan ba ni Veronica na hindi marunong magluto ang boss niya?Nagpakulo ng tubig si Celestine at inilagay ang hiniwang noodles. Dinagdagan niya ito ng pampalasa, sinama na din niya ang tirang beef na nakita niya sa ref, pagkatapos maluto ay pinalamig niya ang nilutong noodles at beef. Inilagay niya ito sa nakahandang sabaw, dinagdagan ng hiniwang green onions at maayos na inayos ang poached eggs.Inabot niya ito, pero hindi sinasadyang mapaso. Napaatras siya at agad na hinawakan ang kanyang tenga.Tiningnan siya ni Benjamin at hindi napigilang matawa nang palihim. Lumapit siya at dinala ang pagkain sa mesa.Tiningnan siya ni Celestine at nakaramdam ng lungkot. Palaging maalalahanin si Benjamin, pero sayang, hindi ito kailanman para sa kanya. Sa pag-iisip nito, lihim niyang kinaiinggitan si Diana. Naiinggit siya nang husto, halos mabaliw siya sa inggit noon.Inabot ni Celestine
Hindi siya pinansin ni Celestine, at nagsimula itong magsalita sa sarili, "Alam mo namang nag-aagawan ang D’Belinda at ang Villaroman Group of Companies para sa lupa sa may airport hindi ba?"Tumingala si Celestine kay Vernard. Bakit biglang pinag-uusapan ito ng lahat ngayon?"Alam mo ba kung anong balak ng hayop na iyon sa lupang iyon?" Tanong ni Vernard kay Celestine nang walang pakialam, habang nakapatong ang braso sa bintana.Suminghal si Celestine, "Ano pa nga ba ang ginagawa ng mga capitalist bukod sa pagnenegosyo at pagkita ng pera?"Habang iniisip ito, biglang nanikip ang mga mata ni Celestine, at isang bakas ng galit ang lumitaw sa kanyang tingin.‘Hayop ka, inangkin mo ako ngayong gabi at tinakot pa. Akala mo ba ganoon ako kadaling apihin?’Si Vernard ay handang sagutin ang tanong ni Celestine nang bigla nitong isigaw, "Vernard!”Nagulat si Vernard. Napasimangot siya at napabuntong-hininga. Bakit parang ang laki ng isyu? Hindi naman siya bingi!"Pumunta na lang tayo sa base.
Napansin ni Diana na tila wala siya sa sarili at may lungkot sa kanyang mukha. "Ano ang iniisip mo? May problema ka ba?” "Wala, tungkol sa trabaho. Hayaan mo na iyon. I can manage it," Sagot niya nang malamig. "Ah okay," sagot ni Diana. Nang siya'y paupo na, napansin niya ang marka ng lipstick sa kwelyo ni Benjamin. Hindi sinasadyang hinawakan iyon ni Diana. Hindi pa ito ganap na tuyo at madaling kumalat kapag hinipo. Ibig sabihin, bago lang ito. Kinagat ni Diana ang kanyang labi at naalala ang message na ipinadala ni Evelyn sa kanya ngayong gabi. “Miss Valdez, nakita ko po si Mr. Peters at si Miss Yllana sa isang restaurant ngayong gabi. Ang dalawa po ay..” Biglang lumitaw sa chat box ang litrato ng dalawang tao sa loob ng sasakyan, at agad niyang naramdaman ang pagbaligtad ng kanyang dugo. Mas pinili ni Benjamin na hawakan si Celestine kaysa sa kanya. Sa pag-iisip nito, labis niyang kinamuhian si Celestine. Pero, hindi na niya kinompronta si Benjamin. Ayaw niyang masira ang
Agad na binigay ni Benjamin ang towel kay Diana pagkatapos nitong maligo sa bathub.May tama pa rin siya kahit paano. Lalabas sana si Benjamin para bigyan si Diana ng privacy sa pagbibihis pero agad siyang pinigilan ng babae.“Huwag ka nang umalis. Dito ka na lang sa kwarto. Mabilis lang naman ang pagbibihis ko. At saka, ayaw mo bang makita ang katawan ko?”Nanlaki ang mga mata ni Benjamin dahil sa narinig. Bigla siyang umatras para mapalapit na siya sa pinto.“No, hindi ko iyon gagawin. Tatawagin ko na lang si Manang Vilma para tulungan kang magbihis, okay? Aalis na ako,” paalam ni Benjamin at deretso nang lumabas ng kwarto ni Diana.Hindi na sumunod pa si Diana dahil magbibihis pa siya pero inis na inis siya kay Benjamin noong mga oras na iyon.Agad na tinawag ni Benjamin ang mayordoma na si Manang Vilma para patingnan na lang si Diana sa kanya.“Manang Vilma, kayo na po ang bahala kay Diana ha? Nasa kwarto na po siya. Kung kinakailangan po na bigyan niyo siya ng gamot pampatulog ay
Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan
Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s