Hindi siya pinansin ni Celestine, at nagsimula itong magsalita sa sarili, "Alam mo namang nag-aagawan ang D’Belinda at ang Villaroman Group of Companies para sa lupa sa may airport hindi ba?"Tumingala si Celestine kay Vernard. Bakit biglang pinag-uusapan ito ng lahat ngayon?"Alam mo ba kung anong balak ng hayop na iyon sa lupang iyon?" Tanong ni Vernard kay Celestine nang walang pakialam, habang nakapatong ang braso sa bintana.Suminghal si Celestine, "Ano pa nga ba ang ginagawa ng mga capitalist bukod sa pagnenegosyo at pagkita ng pera?"Habang iniisip ito, biglang nanikip ang mga mata ni Celestine, at isang bakas ng galit ang lumitaw sa kanyang tingin.‘Hayop ka, inangkin mo ako ngayong gabi at tinakot pa. Akala mo ba ganoon ako kadaling apihin?’Si Vernard ay handang sagutin ang tanong ni Celestine nang bigla nitong isigaw, "Vernard!”Nagulat si Vernard. Napasimangot siya at napabuntong-hininga. Bakit parang ang laki ng isyu? Hindi naman siya bingi!"Pumunta na lang tayo sa base.
Napansin ni Diana na tila wala siya sa sarili at may lungkot sa kanyang mukha. "Ano ang iniisip mo? May problema ka ba?” "Wala, tungkol sa trabaho. Hayaan mo na iyon. I can manage it," Sagot niya nang malamig. "Ah okay," sagot ni Diana. Nang siya'y paupo na, napansin niya ang marka ng lipstick sa kwelyo ni Benjamin. Hindi sinasadyang hinawakan iyon ni Diana. Hindi pa ito ganap na tuyo at madaling kumalat kapag hinipo. Ibig sabihin, bago lang ito. Kinagat ni Diana ang kanyang labi at naalala ang message na ipinadala ni Evelyn sa kanya ngayong gabi. “Miss Valdez, nakita ko po si Mr. Peters at si Miss Yllana sa isang restaurant ngayong gabi. Ang dalawa po ay..” Biglang lumitaw sa chat box ang litrato ng dalawang tao sa loob ng sasakyan, at agad niyang naramdaman ang pagbaligtad ng kanyang dugo. Mas pinili ni Benjamin na hawakan si Celestine kaysa sa kanya. Sa pag-iisip nito, labis niyang kinamuhian si Celestine. Pero, hindi na niya kinompronta si Benjamin. Ayaw niyang masira ang
Agad na binigay ni Benjamin ang towel kay Diana pagkatapos nitong maligo sa bathub.May tama pa rin siya kahit paano. Lalabas sana si Benjamin para bigyan si Diana ng privacy sa pagbibihis pero agad siyang pinigilan ng babae.“Huwag ka nang umalis. Dito ka na lang sa kwarto. Mabilis lang naman ang pagbibihis ko. At saka, ayaw mo bang makita ang katawan ko?”Nanlaki ang mga mata ni Benjamin dahil sa narinig. Bigla siyang umatras para mapalapit na siya sa pinto.“No, hindi ko iyon gagawin. Tatawagin ko na lang si Manang Vilma para tulungan kang magbihis, okay? Aalis na ako,” paalam ni Benjamin at deretso nang lumabas ng kwarto ni Diana.Hindi na sumunod pa si Diana dahil magbibihis pa siya pero inis na inis siya kay Benjamin noong mga oras na iyon.Agad na tinawag ni Benjamin ang mayordoma na si Manang Vilma para patingnan na lang si Diana sa kanya.“Manang Vilma, kayo na po ang bahala kay Diana ha? Nasa kwarto na po siya. Kung kinakailangan po na bigyan niyo siya ng gamot pampatulog ay
Binuksan niya ang isang mysterious system sa kanyang cellphone. Ang system na ito ay ang kanyang hacker system. Matapos maipasok ang software, lumitaw ang isang mensahe, "Hello, Boss.”Ang trojan virus na ipinadala nila sa D’Belinda ay talagang ongoing na at 60% na ang nasisirang mga data. Hinimas ni Celestine ang kanyang baba habang pinapanood ang patuloy na pagbabago ng progress bar."Wala pa sigurong 20 minutes ay 100% na ang progress bar.”Ang mga tao sa paligid ni Benjamin ay talagang busy na busy, hindi alam ng mga ito na nagawa na pala nilang basagin ang data ng D’Belinda gamit ang trojan virus?Samantala, ang mga tao sa harap ng building ng D’Belinda ay inilikas na. Isang emergency notice ang inilabas ng kumpanya: Walang papasok sa loob ng kumpanya, mamayang hapon pa ito magbubukas.Sa loob ng internal group chat ng D’Belinda, nagkaroon ng kaguluhan."Sigurado bang magiging maayos na sa hapon ang system ng buong building?”Sabi ng isang employee, "Napakalakas ng ating security
Mas malakas magsalita ang mga larawan kaysa sa mga salita, at ang larawan ni Benjamin na inihahagis si Celestine sa kotse ay napakalinaw. Di nagtagal, nagkagulo ang buong ospital dahil sa nakita.Si Dr. Feliciano ang unang nagsalita, "Naku, pati ba naman ito ay kinunan ng media? Ano ba naman ang mali sa isang magkasintahang nag-eenjoy? Wala naman, hindi ba?""Bagay naman si Mr. Peters kay Dr. Yllana, pareho silang matangkad at maganda ang itsura," sabi pa ng isa pang doktor na may ngiti.Lahat ay nag-usap-usapan ang tsismis na ito at sinabing kinikilig sila sa balita.Tanging si Diana lang, na nakita na ang mga larawang ito kagabi, ang hindi matawa at nanatiling malamig ang ekspresyon.Kagabi pa lang ay halos ihagis na niya ang sarili sa mga bisig ni Benjamin, halos hinubaran na niya ang kanyang sarili para lang patulugin siya nito.Pero sa halip, itinapon lang siya ni Benjamin sa malamig na bathtub at umalis nang hindi lumilingon. Si Manang Vilma na tuloy ang tumulong sa kanya.Nang
Lumabas si Georgia mula sa kwarto at napansin niyang may kakaiba kay Celestine. Umubo siya at tinawag ang babae, "Celestine?"Saglit na huminto si Celestine at tiningnan si Georgia na may kakaibang tingin.Hindi siya nagsalita at tahimik niyang ibinaba ang kanyang ulo at tiningnan ang kanyang postura.Napaka-weird talaga.Abala si Celestine buong umaga at nang sumapit ang tanghali, saka lang siya nagkaroon ng oras para umupo at magpahinga.Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang hacker system. Ang trojan virus ay na-crack?!Agad niyang chineck ang D’Belinda, na muling nag-operate nang normal."Sino ang hacker na ito? Ang galing niya."Habang iniisip ni Celestine ang susunod niyang gagawin, isang bagong message mula kay Vernard ang dumating:Boss, na-hack ang base ng mga hacker. Ginawa ito ng mga tauhan ni Benjamin. Ano na ang gagawin natin?Noon ay hawak na ni Celestine ang isang basong tubig, pero nang mabasa ang mensahe, muntik na siyang mabulunan."Ano?! Paanong nangyari
Sa hapagkainan, tiningnan ng matandang babae ang dalawa na may ngiti at nagtanong, "Kumusta na kayong dalawa nitong mga nakaraang araw? Grabe ang balita tungkol sa inyo.”Dahil stressed pa nga si Benjamin sa hacking incident ay malamig ang naging tono niya noong siya ay sumagot."Mabuti naman po, Grandma.”Tahimik na kumakain si Celestine. Alam ni Lola Belen kung maayos ba talaga ang lagay nila o hindi dahil kilala na sila nito sa kilos nila."Oo, mukhang maayos naman kayo. Kitang-kita ko nga sa balita," ngumiti si Lola Belen at nagsabing, "Oh, namula ako nang makita iyon!"Biglang natigilan ang kilos ni Celestine sa pagkain. Paano nga ba ang pakiramdam na makita ng matatanda ang mga litrato ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa?Gusto na lang niyang magtago sa isang sulok kung saan walang makakakita sa kanya dahil sa hiya.Ano bang pinagkaiba nito sa isang pampublikong kahihiyan? Well, hindi naman kasi kilala ni Celestine ang public kaya wala siyang paki rito, pero iba ang hiya n
Ngumiti nang bahagya si Lola Belen at direktang nagsabi, "Ikaw ay bisita rito, at ang pagdala mo ng regalo ay isang patunay na maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo.”Ang pangungusap na "Ikaw ay bisita rito" ay ang nagpasya na hindi kailanman makakapasok si Diana sa pamilya Peters sa buong buhay niya.Biglang dumilim ang mukha ni Diana. Ngumiti si Celestine habang kumakain nang payapa kaya lalo siyang naasar.Dahil may proteksyon siya mula kay Lola Belen, hindi na niya kailangang harapin si Diana. Iinggitin na lang niya ito gamit ang mga titig niya."Miss Valdez, hindi ka pa ba kumakain ng dinner? Halika at sumabay ka na sa amin," sabi ni Lola Belen, habang kinakawayan si Diana.Nagulat si Diana na pinayagan siya ng matandang ginang na sumabay sa dinner nila.Siyempre, hindi na siya mahihiya. Hindi niya hahayaang lumampas ang pagkakataong ito para makuha ang pabor ng matandang ginang, kahit naroon pa si Celestine.Biglang naging kakaiba ang atmospera sa hapagkainan nang s
Nang unang dumating siya sa clinic, nakilala niya ang mag-asawang iyon. Mahina ang kanyang puso at tinulungan niya ang babae. Nang malaman ito ng lalaki, agad siyang sinisi.Pinilit pa siyang bilhan sila ng kotse at bahay at alagaan habambuhay! Ganoon ang ugali ng lalaking iyon.Sinabi pa niya na nangangatwiran, "Hindi ba mayaman ka? Dapat maging mabuti kang tao at tulungan mo ang lahat ng mga nangangailangan sa iyo!"Mula noon, natakot si Georgia sa ganitong klaseng masasamang tao! Hindi na niya ninais pang tulungan ang kahit na sino!"Alam ko na, Dok. Pasensya na po sa inasal ko, naiintindihan niyo naman po siguro kung bakit ko nagawa iyon." Sagot ni Celestine nang seryoso."Sige, magpahinga tayo sandali. Pagod din ako. Alam kong na-stress ka sa nakita mo kanina," Tinanggal ni Georgia ang kanyang salamin at minasahe ang kanyang sentido. Pagod na pagod siya.Lumapit si Cestine at nagsabing, "Miss Georgia, hayaan mo akong imasahe ka. Na-stress ka rin kasi sa paghabol ko roon sa mag-as
Ginugol ni Celestine ang buong umaga sa pag-aaral mula sa kanyang experience.Tulad ng sinabi ni Georgia, may iba’t ibang klase ng mga pasyente sa isang ospital.May ilang pasyenteng may luha sa kanilang mga mata, nagmamakaawang iligtas sila ni Georgia; may iba namang nakakunot lagi ang noo, may matigas na ekspresyong nagpapahiwatig ng “Hindi ako naniniwala sa’yo dahil ang mga doktor ay pumapatay lang ng tao.”Pero ang mas nakakagalit ay hindi ang mga pasyente mismo, kundi ang kanilang mga pamilya.Katulad na lang ng isang pasyente na kokonsulta ngayon."Anong sakit meron ang asawa kong ito at bakit ang mahal ng pagpapagamot niya?""Wala akong pera para ipagamot siya ngayon! Gusto ko lang itanong sa’yo, magagamot mo ba siya o nakakamatay ang sakit niya?"Sa harapan niya ay isang gusgusing lalaking nasa kalagitnaang edad. Tinatayang nasa singkwenta anyos na ito, at may hindi maipaliwanag na kabastusan sa kanyang hitsura.Katabi niya ang isang batang babae na nasa tatlumpung taong gulan
"Nasa tamang edad na siya, may asawa at malapit na ngang makipag-divorce, at bata pa rin daw siya? Sa tingin ko, nasanay lang siya sa layaw at wala siyang alam kung ano ang ginagawa niya!”Naka-nguso noon si Celestine. Kahit hindi niya narinig ang naunang sinabi, alam niyang siya ang pinapagalitan ng mga magulang niya.Lasing siyang umuwi kagabi, at siguradong abala na naman ang kanyang mga magulang sa pag-aalaga sa kanya kaya nila nasabi iyon.Pumunta si Celestine sa sala. Agad siyang napansin ni Wendell.Napasinghal ito nang malamig, at pagkatapos makasigurong maayos na si Celestine, kinuha niya ang kanyang briefcase at umalis papuntang trabaho.“Daddy, mag-ingat ka sa daan!” pa-halong pa-puri na paalala ni Celestine dahil alam niyang may kasalanan siya rito.Hindi man lang lumingon si Wendell kahit na narinig niya ang boses ng kanyang anak, tuluyan na siyang umalis.Napangiwi si Celestine at tumingin sa kanyang ina.Nakangunot ang noo ni Nancy habang nakatingin sa kanyang anak. “Ce
Ang atmosphere sa loob ng kotse ay hindi malinaw. Hindi nila alam kung tama ba ang kanilang ginagawa o hindi.Ang mga dulo ng daliri ni Celestine ay hindi sinasadyang dumaplis sa leeg ni Benjamin, at ang mga bakas ng kuko niya ay kitang-kita.Nang halos mapunit na ang kanyang damit, biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin sa gitna ng katahimikan.Sandaling natigilan ang kilos ng lalaki, at nanatili ang kanyang mga daliri sa hook ng bra ni Celestine.Napakalinaw ng ringtone kaya't sinumang makarinig nito ay agad na matatauhan.Tumingala si Celestine, at nagtagpo ang kanyang namumulang mga mata sa mga matang puno ng pagpipigil at pagkalito ni Benjamin.Pumikit si Celestine at may bahagyang dugo sa sulok ng kanyang labi dahil nakagat niya ito. Nakita niya ang pangalan na naka-display sa screen ng cellphone, si Diana.Si Diana ang tumatawag kay Benjamin.Kumunot ang noo ni Celestine, at unti-unting luminaw ang kanyang isipan. Hindi niya napigilan ang sarili na asarin si Benjamin, "Tayo
Pero noong lumapit siya, agad hinila ni Celestine ang kanyang kurbata.Sandaling natigilan si Benjamin, at sa kanyang paningin ay lumitaw ang kakaibang mukha ni Celestine. Hindi niya alam kung hindi niya na lang iyon papansinin o matatawa siya.Si Celestine? Maganda? Paanong nangyari iyon? Mayroon siyang dalawang itim sa mata na parang mata ng panda. Nagkalat na kasi ang eyeliner sa mata niya.Kapag sinabi mo namang pangit siya, parang hindi naman. Ang kanyang pares ng mapupulang mata ay napakapayak at kaawa-awa.Pinagdikit ni Benjamin ang kanyang mga labi at narinig niyang mahina niyang tanong, "Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?"‘Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?’ Ilang beses umulit sa isipan ni Benjamin iyon.Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Benjamin mula sa kanyang mga kilay at huminto sa kanyang mapulang labi. Natigilan siya, hindi niya alam kung bakit sumagi sa isip niyang masarap halikan ang mga la
Sa kabilang banda, magkausap pa rin sina Benjamin at Celestine."Bilang isang sex worker sa service industry,kailangan mong maging magalang. Bakit ka naninigaw ng mga tao? Nakakainis! Specially, sakin pa ha? Di ba, unang customer mo ako?"Hinawi ni Celestine ang kanyang buhok, sabay pinagalitan si Benjamin at nagsusuka.Pakiramdam ni Benjamin na abala siya ng husto. Nakakadiri na nga si Celestine, pero siya pa ang nagtuturo kung paano magtrabaho bilang isang sex worker. Seryoso ba? Siya si Benjamin Peters at napagkakamalan pa siyang sex worker ng sariling asawa?Sa estado ni Celestine, hindi niya ito kayang alagaan sa ngayon. Sobrang lasing kasi siya at kung anu-ano na ang ginagawa.Paulit-ulit na bumabagsak ang buhok niya sa kanyang tainga, na talagang nakaiinis kay Celestine. Habang tumatagal, tila gusto na niyang makipaglaban sa sarili niya."Puputulin ko na ang buhok ko bukas! Nakakainis! Panira ka masyado eh!”Hindi makasagot ng ayos si Celestine noong mga oras na iyon.Tinitig
“Anong sinasabi mo? Mahal na ni Benjamin si Celestine? Kalokohan! Kahit yata sa panaginip, hindi mangyayari iyon!” sabi ni Shiela, inis na inis na ang mukha niya.“Totoo, mahal niya si Celestine. Hindi naman sila tatagal ng tatlong taon kung hindi,” sagot ni Sean, pinagtatanggol pa rin ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi naman totoo iyon.“Alam mo, nagkamali ako na sumakay ako sa kotse mo. Dapat pala ay humindi na agad ako kanina. Iinisin mo lang pala ko!” sigaw ni Shiela.Naisip ni Sean na wrong mo nga ang ginawa niya. Kaya naman, agad siyang nag-sorry kay Shiela.“Sorry na, sorry na! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hayaan mo, hindi na ko magsasalita ng tungkol doon!” sagot ni Sean.Tumingin si Shiela sa daan, para bang gusto na niyang tumalon sa labas kung pwede lang. Ilang minuto pa ay nagpasya na siya.“Sean, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit naman na ang bahay namin dito. Okay na ko,” mahinahon ang kanyang tono pero malinaw an
Nasa kotse pa lang sina Shiela at Sean noon pero gusto nang bumaba ni Shiela dahil usap nang usap ang lalaking kasama niya. .Rinding-rindi na siya rito, feeling close kasi at akala mo hindi pinabayaan ng kaibigan niya si Celestine.“So, kamusta pala ang pagiging artista mo, Miss Shiela? Siguro, marami kang manliligaw ‘no? Alam mo, pangarap ko ring maging artista noon. Kaya lang, naisip ko, ayaw kong magulo ang buhay ko. Alam ko namang gwapo ako pero-” hindi na natapos ni Sean ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Shiela sa kanya.“Alam mo, kung gusto mo talagang maging isang artista, matutunan mo man lang muna sana na huwag maging mayabang. Ikaw, gwapo? Saang banda?” mataray na sagot ni Shiela.Tiningnan ni Sean si Shiela nang matagal. Hindi makapaniwala na ganoon siya kung kausapin ng dalaga. Siya si Sean Vallejo at wala pa ni isa ang gumawa noon sa kanya.“Saan banda? Miss Shiela, bulag ka na yata? Kung gusto mo, idederetso kita sa ospital para maging malinaw na ang paningin
Nagulat si Sean sa inasal ni Shiela, "Miss Sheila, hindi naman ganito ang personalidad mo online, di ba? You are praised. Akala ko ay maayos kang uri ng babae.”Ang maalamat na celebrity na si Shiela ay maganda, mabait, kaakit-akit, at maalalahanin.Paano siya magiging maalalahanin? Sa sitwasyon nila ngayon, para siyang isang maliit na bomba! Na kahit anong oras, puputok na!"Ikaw na mismo ang nagsabi, iyon ang personalidad ko online. Ibig sabihin, online lang. Hindi sa personal. Diretsahang sagot ni Shiela.Nagulat si Sean sa sagot ni Shiela. Tama nga naman! Iba rin naman ang ugali ng isang Sean Vallejo online, iba rin sa personal.Napatunayan niya, iba talaga ang mga celebrity sa stage at sa totoong buhay."Saan ka nakatira si Miss Shiela? Tulad nga ng sabi ni Benjamin, ihahatid kita pauwi." Ngumiti si Sean.Nainis si Shiela sa narinig, "May kamay at paa ako, kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko na kailangan sabihan ng isang kagaya mo.”"Kailangan kong sundin ang utos ni Benjamin. Baka