Share

Chapter 139

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-19 20:01:07

Namumula ang mga mata ni Celestine, parang galing lang sa pag-iyak, at ngayon ay nakababa ang kanyang mga kamay sa tabi ng kanyang mga binti, mukhang medyo wala siyang magawa.

“Saan ka pumunta? Ikaw ba ‘yong nakita ko kanina?” Mahinang tanong ni Benjamin, tinitigan niya sa mata si Celestine, sinusuri kung nagsasabi ba ito ng totoo sa kanya.

“Ha? Anong sinasabi mo dyan? Lumabas lang ako sandali sa pavilion para makalanghap ng sariwang hangin.” Mahina pero malinaw ang boses ni Celestine, at hindi siya mukhang nagsisinungaling.

“Okay na si Lolo Manuel.” Sabi ni Benjamin sa kanya.

Lumapit si Celestine kay Benjamin, may pagsisisi sa kanyang mga mata. “Pasensya na, naging pabigat ako sa’yo ngayong araw. Hindi ka na dapat sumama pa rito sa ospital. Hindi mo naman na trabaho iyon dahil malapit na ang divorce natin.”

“Ano'ng sinasabi mo? Okay lang na nandito ako ngayon. Alam kong kailangan mo ako kahit hindi mo sabihin.” Kumunot ang noo ni Benjamin, ayaw niyang masyadong pormal si Celestine sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 140

    Nabulunan at hindi nakapagsalita si Celestine. Bihira siyang sigawan ni Wendell noon pa man, pero tuwing may kinalaman kay Benjamin ang usapan, palagi siyang nawawalan ng pasensya sa kanyang anak.Kumunot ang noo ni Benjamin at ibinaba ang boses. “Alam ko pong sa akin kayo may problema, kaya po sa akin kayo dapat magalit. Hindi kay Celestine.”“Siyempre, ikaw ang problema ko rito! Mali ako na ipinakasal ko sa'yo ang napakabuting anak ko. Maling-mali ako!” Matalim ang tingin ni Wendell kay Benjamin, puno ng paninisi ang kanyang mga mata.Tumingin si Benjamin kay Celestine, ang madilim niyang mga mata ay may halong pagkalito. Hinawakan ni Celestine si Wendell, iniiwasang tumingin kay Benjamin para hindi na magalit pa ang kanyang ama at sinenyasan si Wendell na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa problema nila kay Benjamin.Maraming tao ang dumaraan hallway ng ospital. After all, si Benjamin ay presidente ng D’Belinda at isang kilalang tao rin siya sa buong Nueva Ecija. Hindi maganda n

    Last Updated : 2025-03-19
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 141

    Narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto ng elevator, at agad na lumabas si Celestine.Tinitigan ni Benjamin ang matigas ang loob na pigura ni Celestine, at parang may tumusok sa kanyang puso, bahagyang sumakit ito. Na-realize niya bigla na iba na pala talaga si Celestine.Sa pasukan ng departamento ng mga in-patient, huminto si Celestine. Hinarap niya si Benjamin at inilagay nang maayos ang kanyang mga kamay sa harapan, at banayad na sinabi, "Mr. Peters, hanggang dito na lang kita ihahatid. Pasensya na kung nakaabala ako sa'yo. Hayaan mo, hindi na mauulit ito.”"Hmm." Sandaling tinitigan siya ni Benjamin.Paalis na si Celestine noon pero bigla siyang tinawag ni Benjamin.“Celestine.”Dahil doon, muling humarap si Celestine kay Benjamin at nagtanong, “Bakit? May kailangan ka pa ba? May nakalimutan ka?”Umiling si Benjamin. Agad na naghintay si Celestine ng sagot mula rito.“Ah, gusto ko lang sabihin sa iyo na kung may kailangan ka pa rito sa ospital, tawagan mo ko ha?”Kumunot ang noo n

    Last Updated : 2025-03-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 142

    Kwarto sa ospital. Nagulat si Wendell nang makita si Celestine na kasama na si Eduard. Kahit paano ay napangiti siya dahil sa nakita. “O, Eduard. Nandito ka na pala. Buti at sabay na rin kayong pumasok dito sa kwarto ni Celestine” bati ni Wendell. “Ah opo Tito Wendell. Kamusta po kayo?” pagkasabi noon ay umupo na sa may sofa si Eduard. “Ah, ito. Kinakaya naman. Buti na lang din at okay na si Daddy. Akala ko talaga ay hindi na siya magiging okay eh,” may lungkot sa boses ni Wendell kaya naawa si Eduard sa kanya. "Tito Wendell, sinabi ba ng doktor na ayos na talaga si Lolo Manuel?" tanong ni Eduard habang nakatayo sa tabi ng kama kay Wendell. "Oo. Sinabi naman ni Mommy na ayos lang siya," sagot ni Wendell habang bumuntong-hininga. "Kailangan lang maging maingat siya sa buhay niya mula ngayon, iwasan ang matinding emosyon at huwag daw magpagod nang sobra.” Tumango si Eduard. "Tito Wendell, dapat talaga kasama ko si Daddy ngayon pero may kailangan siyang puntahan para sa k

    Last Updated : 2025-03-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 143

    Noong pinakasalan niya si Benjamin ipinangako niya na hindi siya matatalo! Pero hindi ba siya lubusang natalo sa pagkakataong ito?“Umalis ka na, okay na si Lolo Manuel mo. Magtrabaho ka na. Naiinis ako kapag nakikita kita rito eh!” itinulak ni Wendell si Celestine.Mapait na ngumiti si Celestine, kung anu-anong panlalambing na ang ginawa niya pero hindi pa rin iyon sapat sa kanyang ama.Todo pray siya noon na sana ay nagjojoke lang si Wendell. Paano siya maiinis sa kanya kung mahal na mahal siya nito?Sa totoo lang, mula pagkabata hanggang pagtanda, hindi kailanman pinilit ng kanyang ama ang gusto niyang trabaho para kay Celestine. Okay lang sa kanyang ama kung magiging isang designer o isang sikat na doktor si Celestine. Mula simula hanggang wakas, isang bagay lang ang hinihiling ng kanyang ama sa kanya, ang maging masaya, malusog ang pangangatawan, at ligtas ang buhay niya.Pero hindi siya naging mabuting anak sa kanila. Magulo ang kanyang buhay dahil sa pagmamahal niya kay Benjami

    Last Updated : 2025-03-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 144

    Inayos ng lalaki ang kanyang salamin, tumingala, at gulat na gulat nang makita si Celestine.Napakaganda ni Celestine, at kahit saan man siya magpunta, siguradong mapapansin siya. Talagang kapansin-pansin ang gandang taglay niya."Celestine, anong ginagawa mo rito? Bakit kayo magkasama ni Aly?" Mabilis siyang tumayo at hindi nakalimutang hilahin ang isang upuan para imbitahan si Celestine na maupo."Tito Giovanni, kumakain ako kasama ang kaibigan ko at nagkataong nakita ko si Ate Aly,” nakangiti at mahinhing sagot ni Celestine.Tumawa si Giovanni at sinabing, "What a coincidence.”"Tito Giovanni, naging busy ka ba kamakailan? Kumusta naman po ang health ninyo?" tanong ni Celestine kay Giovanni.Tinapik ni Giovanni ang kanyang braso at sinabing, "Simula nang gamutin mo ako gamit ang mahiwaga mong mga karayom, napakaganda na ng pakiramdam ko! Hindi na ulit ako nagkasakit!”"Tito Giovanni, kailangan mo pa ring mag-exercise nang mas madalas para tuloy-tuloy ang paggaling mo," paalala ni C

    Last Updated : 2025-03-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 145

    "Oo. Ako nga." Inalog ni Benjamin ang kanyang baso ng alak at tinitigan si Celestine nang may interes. Hindi makapaniwala si Celestine, kaya tumingin siya kay Giovanni. Napahiya si Giovanni at tumango.Oo, ang dalawang pinakamalakas na magkakumpitensya sa pagkakataong ito ay walang iba kundi sina Benjamin at Eduard. Nag-aalinlangan din tuloy si Giovanni ngayon, ibibigay ba niya ito kay Benjamin o kay Eduard? Sa totoo lang, hindi mahalaga kung kanino ito mapupunta, dahil magagamit nila nang husto ang lupa.Ang problema ay may kumpletong system na ang D’Belinda at hindi na kailangan ng tulong mula sa pamilya ni Giovanni; ang Villaroman Group naman ay may tyansa pa para lumago bilang isang magaling na kumpanya.Kaya ito ang tamang panahon para suportahan ang mga kumpanyang nangangailangan pa ng pag-unlad sa buong Nueva Ecija.Pero kung susuportahan ni Giovanni ang Villaroman Group, pwedeng ma-offend si Benjamin or worst, magalit siya sa pamilya ng Lacaocao.Nagtataka rin si Giovanni, da

    Last Updated : 2025-03-20
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 146

    Mabilis na tumayo sina Giovanni at Aly at pinanood ang dalawa habang umaalis. Malakas na sinara ang pinto ng private room, hiniwalay sila nang may malakas na tunog. Ibinaling ni Benjamin ang tingin sa babaeng nasa kanyang mga bisig, ang kanyang mga mata ay unti-unting lumamig. "Mabuti na lang at alam mo pang sumunod sa akin.”Sinubukan ni Celestine na kumawala mula sa pagkakayakap nito, pero lalo lang siyang hinigpitan ni Benjamin.Kumunot ang noo ni Celestine at biglang may naunawaan siya. Tinanong niya ito, "Hindi naman talaga kailangan ng kumpanya niyo ang lupaing iyon, hindi ba? Sabihin mo nga sa akin, tinatarget mo ba talaga si Eduard?”"Tinutarget ko siya? Bakit ko naman gagawin iyon? Sino ba siya?” malamig at walang emosyon na sagot nito."Bitawan mo ako! Hindi maganda ‘tong ginagawa mo sa akin!" galit na sabi ni Celestine.Hindi siya pinansin ni Benjamin. Pinindot nito ang button ng elevator. Napadaan ang isang waiter at magalang siyang tinawag na, "Mr. Peters.”"Bilisan mo n

    Last Updated : 2025-03-21
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 147

    Nanginig ang mga balikat ni Celestine dahil sa tindi ng pangyayari, at kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa para sa lalaking pumasok kanina.Binuka ng lalaki ang kanyang bibig pero bigla na lang siyang sinigawan nang walang dahilan. Agad siyang tumalikod at umalis.Itinulak ni Celestine si Benjamin palayo, tamad na ngumiti sa kanya, at sinabing, "Alam mo, kaya kong gawin ito." Pagkatapos, pinindot niya ang pindutan ng elevator para bumaba sa susunod na palapag.Tahimik lang na pinanood ni Benjamin si Celestine habang bahagyang dumadampi ang kanyang balikat dito. Ang kanyang buhok ay bumagsak sa balikat ng lalaki, at ang kanyang kaakit-akit na pigura ay bahagyang lumitaw sa ilalim ng kanyang magandang collarbone.Naramdaman ni Benjamin ang panunuyo sa kanyang lalamunan. Hinawakan niya ang pulso ni Celestine.Itinaas ni Celestine ang kanyang tingin at matapang na tiningnan siya gamit ang kanyang mga mata na magaganda, "Mr. Peters, may kailangan ka pa ba sa akin?"Mabigat ang paghinga

    Last Updated : 2025-03-21

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 268

    Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 267

    Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 266

    Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 265

    Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 264

    Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 263

    Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 262

    Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 261

    Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 260

    Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status