Hawak ni Benjamin ang kamay ni Celestine nang mahigpit, hudyat na huwag itong mataranta at nandoon lang siya sa tabi niya kahit ano pa ang mangyari.Inalis ni Dr. Macabuhay ang kanyang face mask at tumingin sa ilang tao, at seryosong sinabi, “Ikinalulungkot ko pero hindi maganda ang lagay ni Mr. Manuel Yllana.”Nang marinig ito, isang hakbang ang paatras ang ginawa ni Celestine. Agad naman siyang niyakap ni Benjamin sa baywang at hinila papunta sa kanyang bisig."Ano ang ibig mong sabihin?" Ang boses ni Nancy ay puno na ng pag-iyak kanina pa."Patuloy pa rin siyang nire-revive ngayon. Naka-shock siya kanina, at hindi pa rin maganda ang kalagayan niya. Ito ay hudyat na hindi talaga maganda ang lagay niya,” iniabot ni Dr. Macabuhay ang document at sinabing, "Pinapipirma na kayo ng waiver ni Mrs. Celia Yllana.”Ang mga salita ni Dr. Macabuhay ay parang isang bomba na malupit na sumabog sa pandinig ni Celestine. Hindi siya lubos na makapaniwala.Mahinang nagsalita si Wendell at pinilit na
Namumula ang mga mata ni Celestine, parang galing lang sa pag-iyak, at ngayon ay nakababa ang kanyang mga kamay sa tabi ng kanyang mga binti, mukhang medyo wala siyang magawa.“Saan ka pumunta? Ikaw ba ‘yong nakita ko kanina?” Mahinang tanong ni Benjamin, tinitigan niya sa mata si Celestine, sinusuri kung nagsasabi ba ito ng totoo sa kanya.“Ha? Anong sinasabi mo dyan? Lumabas lang ako sandali sa pavilion para makalanghap ng sariwang hangin.” Mahina pero malinaw ang boses ni Celestine, at hindi siya mukhang nagsisinungaling.“Okay na si Lolo Manuel.” Sabi ni Benjamin sa kanya.Lumapit si Celestine kay Benjamin, may pagsisisi sa kanyang mga mata. “Pasensya na, naging pabigat ako sa’yo ngayong araw. Hindi ka na dapat sumama pa rito sa ospital. Hindi mo naman na trabaho iyon dahil malapit na ang divorce natin.”“Ano'ng sinasabi mo? Okay lang na nandito ako ngayon. Alam kong kailangan mo ako kahit hindi mo sabihin.” Kumunot ang noo ni Benjamin, ayaw niyang masyadong pormal si Celestine sa
Nabulunan at hindi nakapagsalita si Celestine. Bihira siyang sigawan ni Wendell noon pa man, pero tuwing may kinalaman kay Benjamin ang usapan, palagi siyang nawawalan ng pasensya sa kanyang anak.Kumunot ang noo ni Benjamin at ibinaba ang boses. “Alam ko pong sa akin kayo may problema, kaya po sa akin kayo dapat magalit. Hindi kay Celestine.”“Siyempre, ikaw ang problema ko rito! Mali ako na ipinakasal ko sa'yo ang napakabuting anak ko. Maling-mali ako!” Matalim ang tingin ni Wendell kay Benjamin, puno ng paninisi ang kanyang mga mata.Tumingin si Benjamin kay Celestine, ang madilim niyang mga mata ay may halong pagkalito. Hinawakan ni Celestine si Wendell, iniiwasang tumingin kay Benjamin para hindi na magalit pa ang kanyang ama at sinenyasan si Wendell na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa problema nila kay Benjamin.Maraming tao ang dumaraan hallway ng ospital. After all, si Benjamin ay presidente ng D’Belinda at isang kilalang tao rin siya sa buong Nueva Ecija. Hindi maganda n
Narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto ng elevator, at agad na lumabas si Celestine.Tinitigan ni Benjamin ang matigas ang loob na pigura ni Celestine, at parang may tumusok sa kanyang puso, bahagyang sumakit ito. Na-realize niya bigla na iba na pala talaga si Celestine.Sa pasukan ng departamento ng mga in-patient, huminto si Celestine. Hinarap niya si Benjamin at inilagay nang maayos ang kanyang mga kamay sa harapan, at banayad na sinabi, "Mr. Peters, hanggang dito na lang kita ihahatid. Pasensya na kung nakaabala ako sa'yo. Hayaan mo, hindi na mauulit ito.”"Hmm." Sandaling tinitigan siya ni Benjamin.Paalis na si Celestine noon pero bigla siyang tinawag ni Benjamin.“Celestine.”Dahil doon, muling humarap si Celestine kay Benjamin at nagtanong, “Bakit? May kailangan ka pa ba? May nakalimutan ka?”Umiling si Benjamin. Agad na naghintay si Celestine ng sagot mula rito.“Ah, gusto ko lang sabihin sa iyo na kung may kailangan ka pa rito sa ospital, tawagan mo ko ha?”Kumunot ang noo n
Kwarto sa ospital. Nagulat si Wendell nang makita si Celestine na kasama na si Eduard. Kahit paano ay napangiti siya dahil sa nakita. “O, Eduard. Nandito ka na pala. Buti at sabay na rin kayong pumasok dito sa kwarto ni Celestine” bati ni Wendell. “Ah opo Tito Wendell. Kamusta po kayo?” pagkasabi noon ay umupo na sa may sofa si Eduard. “Ah, ito. Kinakaya naman. Buti na lang din at okay na si Daddy. Akala ko talaga ay hindi na siya magiging okay eh,” may lungkot sa boses ni Wendell kaya naawa si Eduard sa kanya. "Tito Wendell, sinabi ba ng doktor na ayos na talaga si Lolo Manuel?" tanong ni Eduard habang nakatayo sa tabi ng kama kay Wendell. "Oo. Sinabi naman ni Mommy na ayos lang siya," sagot ni Wendell habang bumuntong-hininga. "Kailangan lang maging maingat siya sa buhay niya mula ngayon, iwasan ang matinding emosyon at huwag daw magpagod nang sobra.” Tumango si Eduard. "Tito Wendell, dapat talaga kasama ko si Daddy ngayon pero may kailangan siyang puntahan para sa k
Noong pinakasalan niya si Benjamin ipinangako niya na hindi siya matatalo! Pero hindi ba siya lubusang natalo sa pagkakataong ito?“Umalis ka na, okay na si Lolo Manuel mo. Magtrabaho ka na. Naiinis ako kapag nakikita kita rito eh!” itinulak ni Wendell si Celestine.Mapait na ngumiti si Celestine, kung anu-anong panlalambing na ang ginawa niya pero hindi pa rin iyon sapat sa kanyang ama.Todo pray siya noon na sana ay nagjojoke lang si Wendell. Paano siya maiinis sa kanya kung mahal na mahal siya nito?Sa totoo lang, mula pagkabata hanggang pagtanda, hindi kailanman pinilit ng kanyang ama ang gusto niyang trabaho para kay Celestine. Okay lang sa kanyang ama kung magiging isang designer o isang sikat na doktor si Celestine. Mula simula hanggang wakas, isang bagay lang ang hinihiling ng kanyang ama sa kanya, ang maging masaya, malusog ang pangangatawan, at ligtas ang buhay niya.Pero hindi siya naging mabuting anak sa kanila. Magulo ang kanyang buhay dahil sa pagmamahal niya kay Benjami
Inayos ng lalaki ang kanyang salamin, tumingala, at gulat na gulat nang makita si Celestine.Napakaganda ni Celestine, at kahit saan man siya magpunta, siguradong mapapansin siya. Talagang kapansin-pansin ang gandang taglay niya."Celestine, anong ginagawa mo rito? Bakit kayo magkasama ni Aly?" Mabilis siyang tumayo at hindi nakalimutang hilahin ang isang upuan para imbitahan si Celestine na maupo."Tito Giovanni, kumakain ako kasama ang kaibigan ko at nagkataong nakita ko si Ate Aly,” nakangiti at mahinhing sagot ni Celestine.Tumawa si Giovanni at sinabing, "What a coincidence.”"Tito Giovanni, naging busy ka ba kamakailan? Kumusta naman po ang health ninyo?" tanong ni Celestine kay Giovanni.Tinapik ni Giovanni ang kanyang braso at sinabing, "Simula nang gamutin mo ako gamit ang mahiwaga mong mga karayom, napakaganda na ng pakiramdam ko! Hindi na ulit ako nagkasakit!”"Tito Giovanni, kailangan mo pa ring mag-exercise nang mas madalas para tuloy-tuloy ang paggaling mo," paalala ni C
"Oo. Ako nga." Inalog ni Benjamin ang kanyang baso ng alak at tinitigan si Celestine nang may interes. Hindi makapaniwala si Celestine, kaya tumingin siya kay Giovanni. Napahiya si Giovanni at tumango.Oo, ang dalawang pinakamalakas na magkakumpitensya sa pagkakataong ito ay walang iba kundi sina Benjamin at Eduard. Nag-aalinlangan din tuloy si Giovanni ngayon, ibibigay ba niya ito kay Benjamin o kay Eduard? Sa totoo lang, hindi mahalaga kung kanino ito mapupunta, dahil magagamit nila nang husto ang lupa.Ang problema ay may kumpletong system na ang D’Belinda at hindi na kailangan ng tulong mula sa pamilya ni Giovanni; ang Villaroman Group naman ay may tyansa pa para lumago bilang isang magaling na kumpanya.Kaya ito ang tamang panahon para suportahan ang mga kumpanyang nangangailangan pa ng pag-unlad sa buong Nueva Ecija.Pero kung susuportahan ni Giovanni ang Villaroman Group, pwedeng ma-offend si Benjamin or worst, magalit siya sa pamilya ng Lacaocao.Nagtataka rin si Giovanni, da
Sa kabilang banda, magkausap pa rin sina Benjamin at Celestine."Bilang isang sex worker sa service industry,kailangan mong maging magalang. Bakit ka naninigaw ng mga tao? Nakakainis! Specially, sakin pa ha? Di ba, unang customer mo ako?"Hinawi ni Celestine ang kanyang buhok, sabay pinagalitan si Benjamin at nagsusuka.Pakiramdam ni Benjamin na abala siya ng husto. Nakakadiri na nga si Celestine, pero siya pa ang nagtuturo kung paano magtrabaho bilang isang sex worker. Seryoso ba? Siya si Benjamin Peters at napagkakamalan pa siyang sex worker ng sariling asawa?Sa estado ni Celestine, hindi niya ito kayang alagaan sa ngayon. Sobrang lasing kasi siya at kung anu-ano na ang ginagawa.Paulit-ulit na bumabagsak ang buhok niya sa kanyang tainga, na talagang nakaiinis kay Celestine. Habang tumatagal, tila gusto na niyang makipaglaban sa sarili niya."Puputulin ko na ang buhok ko bukas! Nakakainis! Panira ka masyado eh!”Hindi makasagot ng ayos si Celestine noong mga oras na iyon.Tinitig
“Anong sinasabi mo? Mahal na ni Benjamin si Celestine? Kalokohan! Kahit yata sa panaginip, hindi mangyayari iyon!” sabi ni Shiela, inis na inis na ang mukha niya.“Totoo, mahal niya si Celestine. Hindi naman sila tatagal ng tatlong taon kung hindi,” sagot ni Sean, pinagtatanggol pa rin ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi naman totoo iyon.“Alam mo, nagkamali ako na sumakay ako sa kotse mo. Dapat pala ay humindi na agad ako kanina. Iinisin mo lang pala ko!” sigaw ni Shiela.Naisip ni Sean na wrong mo nga ang ginawa niya. Kaya naman, agad siyang nag-sorry kay Shiela.“Sorry na, sorry na! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hayaan mo, hindi na ko magsasalita ng tungkol doon!” sagot ni Sean.Tumingin si Shiela sa daan, para bang gusto na niyang tumalon sa labas kung pwede lang. Ilang minuto pa ay nagpasya na siya.“Sean, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit naman na ang bahay namin dito. Okay na ko,” mahinahon ang kanyang tono pero malinaw an
Nasa kotse pa lang sina Shiela at Sean noon pero gusto nang bumaba ni Shiela dahil usap nang usap ang lalaking kasama niya. .Rinding-rindi na siya rito, feeling close kasi at akala mo hindi pinabayaan ng kaibigan niya si Celestine.“So, kamusta pala ang pagiging artista mo, Miss Shiela? Siguro, marami kang manliligaw ‘no? Alam mo, pangarap ko ring maging artista noon. Kaya lang, naisip ko, ayaw kong magulo ang buhay ko. Alam ko namang gwapo ako pero-” hindi na natapos ni Sean ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Shiela sa kanya.“Alam mo, kung gusto mo talagang maging isang artista, matutunan mo man lang muna sana na huwag maging mayabang. Ikaw, gwapo? Saang banda?” mataray na sagot ni Shiela.Tiningnan ni Sean si Shiela nang matagal. Hindi makapaniwala na ganoon siya kung kausapin ng dalaga. Siya si Sean Vallejo at wala pa ni isa ang gumawa noon sa kanya.“Saan banda? Miss Shiela, bulag ka na yata? Kung gusto mo, idederetso kita sa ospital para maging malinaw na ang paningin
Nagulat si Sean sa inasal ni Shiela, "Miss Sheila, hindi naman ganito ang personalidad mo online, di ba? You are praised. Akala ko ay maayos kang uri ng babae.”Ang maalamat na celebrity na si Shiela ay maganda, mabait, kaakit-akit, at maalalahanin.Paano siya magiging maalalahanin? Sa sitwasyon nila ngayon, para siyang isang maliit na bomba! Na kahit anong oras, puputok na!"Ikaw na mismo ang nagsabi, iyon ang personalidad ko online. Ibig sabihin, online lang. Hindi sa personal. Diretsahang sagot ni Shiela.Nagulat si Sean sa sagot ni Shiela. Tama nga naman! Iba rin naman ang ugali ng isang Sean Vallejo online, iba rin sa personal.Napatunayan niya, iba talaga ang mga celebrity sa stage at sa totoong buhay."Saan ka nakatira si Miss Shiela? Tulad nga ng sabi ni Benjamin, ihahatid kita pauwi." Ngumiti si Sean.Nainis si Shiela sa narinig, "May kamay at paa ako, kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko na kailangan sabihan ng isang kagaya mo.”"Kailangan kong sundin ang utos ni Benjamin. Baka
Si Celestine ay napakunot-noo, at ang kanyang maganda at marupok na mukha ay halos magkadikit sa kulubot."Celestine, masyado ka nang nakainom. Itigil mo na iyan.Malinaw at may bahagyang lamig ang tinig ng lalaki.Nasa ulap si Celestine. Para bang hindi niya naririnig kung ano ang sinabi ng lalaki sa kanya.Itinaas niya ang kanyang mukha at sinubukang makita nang malinaw ang lalaki sa kanyang harapan. Pero dahil sa malabong makeup niya, nalagas na pilikmata, at madilim na ilaw, hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.Malabo, sobrang labo.Katulad ng nararamdaman nito para para kay Benjamin,hindi kailanman naging malinaw. At hindi na magiging malinaw pa.Tinitigan siya ni Benjamin, may madilim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata, at may halong komplikasyon sa kanyang tingin.Paano mo nagawang maging ganito? Hindi pa niya nakitang ganito kalasing ang dati niyang asawa. "Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi." Hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Celestine at sinubukang alalayan s
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p
Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags
Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c
Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po