Ipinaalala ko sarili ko na nangako ako sa Kuya Ariston na hindi na ako lalapit pa kay Lander o Leonari pagkatapos ng mga nangyari. At isa pa... a-ako ang may gusto na layuan ako ni Leo, tapos ngayon ganito na naman ang mga naiisip ko? My decision was also firm that I will forget my feelings about him."Then you are talking to yourself like an idiot asking when he will come back!"Na para rin bang gusto mo na siyang umuwi dahil nami-miss mo siya!"Sht ka, Arazella Fhatima," I groaned and shook my head that was buried in my arms.Nang maramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko ay saka lang ako ulit umayos ng pagkakaupo. Kinuha ko 'yon na katabi ko lang rin at tiningnan kung sino ang nagmensahe. Nang makita ko na si Reiz at inaaya ako na mag-dinner kasama si Kuya Ariston mamaya ay kaagad akong nag-reply.Tinanong ko kung nabanggit na rin ba nila si dad, at kung naaya na rin nila ito. Mabilis naman siyang sumagot na may ka-meeting daw at baka abutin ng alas-otso pa ng gabi. What? Nagsa
"Talaga ba?! Iyong mismong estudyante na kasama ni Lander sa picture?"Iyan agad ang nakuha kong reaksyon kay Reiz nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon. Saturday ngayon at bumisita siya dito sa bahay. Nandito kami ngayon sa room ko. Alas-diyes ng umaga nang dumating siya dahil sinundo siya ng Kuya Ariston at balak niya na dito rin matulog."Hmm... siya ang lumapit. Nung una nga akala ko talagang makikiupo lang kasi occupied lahat ng table at seat sa library. Marami rin kasing hawak na mga books. Pero pagkatapos ko na marinig yung mga sinabi niya, doon ko na-feel na gusto niya malaman kung talagang hiwalay na ba kami ni Lander.""Omg. Then, she's suspicious! Baka nga type niya talaga si Lander. Grabe, ha. Pero ang lakas ng loob niya na lapitan ka knowing na alam ng lahat girlfriend ka ni Lander, walang confirmation 'yong breakup tapos siya pa ang sinisisi ng lahat."Iyon nga rin. Pero nung una ramdam ko naman yung pag-aalinlangan medyo may hiya pa pero pagkalipas lang ng ila
Pakiramdam ko nasayang lang ang mga iniyak ko nang umagang 'yon. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko. "Arazella."Napapikit ako ng mariin at naikuyom ko ang mga kamay ko nang marinig ang boses ni Kade. Kalalabas ko lang ngayon ng laboratory dahil may iniutos sa akin si Professor Briones na kuhanin. Mga folder ng mga estudyante niya na dalhin ko daw sa fourth floor. And this jerk... sinusundan na naman niya ako. Kanina pa siyang umaga at nakakakuha na kami ng atensyon. Nakita ko rin si Lander na nakatingin sa amin kanina ng seryoso. "Arazella. Can we talk?"Kanina pa talaga ubos ang pasensiya ko, sinasabi ko na lang sa sarili ko na mas mabuti kung tumahimik ako at huwag na lang pansinin."Natanggap mo ba? Ang sabi naman ay nai-deliver ang mga bulaklak."At sht. Iyon nga. Ito ang dahilan ng inis ko simula nung saturday hanggang ngayon.Hindi pala kasi galing kay Leonariz iyong bouquet at ang mayabang na lalake pala na 'to ang nagpadala!Ang tagal ko kasi bago chineck 'yong card, eh. U
Pagkauwi na pagkauwi talaga ay kinausap ko ang Kuya Ariston sa ginawa niya kay Kade. Una ay bakit kailangan niya pa kako na sabihin dito na single na ako at pangalawa ay bakit niya naman kako sinuntok! Tapos sa kalagitnaan ng inis ko tinawanan lang niya talaga ako!"Ara, bakit ba napalilibutan ka ng mga abnormal? Kilala ko rin ang isang 'yon. Yung kuya non nakaagawan ko dati sa babae pero matagal na baka naman ikwento mo pa kay Reiz 'yan.""Ikaw lang ang madaldal, kuya!" inis na sagot ko sa kaniya."Oy, grabe ka. Nadala lang rin ako ng feelings ko nang malaman na siya nagpadala nong bulaklak. Syempre badtrip pa ako sa mga nalaman ko kay Leonariz at sa 'yo, tapos may asungot pa na biglang sumulpot. Pero honestly, Ara, hindi ko alam kung matino ba dahil ngayon ko lang nakita 'yong si Kade. Si Kaden kasi ang ka-schoolmate ko.""I am not intested to him, Kuya Ariston! At huwag mo nang isipin kung matino ba o hindi dahil ako na ang magsasabi sa 'yo! Hindi siya matino! Mayabang pa siya!"Nap
Kauuwi ko lang sa bahay—it was two in the afternoon. I was supposed to head to Reiz's shop and hang out there, kaso biglang sumakit ang puson ko. Mukhang darating na rin ang period ko, kaya ito at hinahanap nang bigla ng katawan ko ang higaan. Pero bago ako umakyat sa kwarto ko, dumiretso muna ako sa sofa. Pagkaupo, tiningnan ko ang cellphone ko na saktong may bagong mensaheng pumasok.And when I saw who it was, I sighed deeply.Lander: I know that I already explained this to you, and you told me you didn’t believe there’s anything behind the picture of me and Samantha outside the bar. Pero hindi ako mapakali, Ara. Lalo na ngayon na kalat na sa buong university na hiwalay na tayo, at ang dahilan ay ang larawan na 'yon."Lander..." I muttered, closing my eyes tightly.Siguro pangatlong beses na niyang nabanggit sa akin ito ngayon dahil nga hindi ako nagre-reply. Busy rin naman kasi ako kanina—tumulong akong mag-check ng mga thesis ng mga kaklase ko. Pagkatapos, pinag-usapan rin namin a
Now I understand why. Dati puro ako tanong, kung nag-away ba sila ni Leonariz, pero hindi pala. Kuya Ariston told me that Leonariz lent him a large amount of money, at kung hindi daw 'yon maibabalik ni kuya sa napagkasunduan nilang araw ay ako ang kukuhanin na kapalit.Ako ang hininging kabayaran ni Leonariz.I wasn't shocked when my brother told me that... and that's because I knew that Leonariz was just after my body... that he really wanted to bed me. Hindi 'yon tinago sa akin ni Leonariz. He was true about what h-he only wants from me. Tapos ako ay ito...Nagpapakatanga na naghihintay pa sa pagbabalik niya na para bang masusuklian ang nararamdaman ko.Gaga ka, Arazella."Kahit alam mong katawan lang ang habol sa 'yo, nami-miss mo pa. Gusto mo pang makasama."Fck, love.Nakakabaliw."You are too soft, Arazella. Your feelings blinded you. Ibukas mo ang mga mata mo. Hindi siya ang tamang lalake para sa 'yo. Focus yourself sa ibang bagay. Makakalimutan mo rin iyang nararamdaman mo. I
LeonarizIf only I could kill a friend, I would.Maaga pa lang sinubukan na agad ni Nnyx ang pasensya ko.Hindi ko ba alam kung paano ko rin natatagalan ang ugali ng gagong ito, eh. Damn. Pinalagpas ko ang pagdadala niya ng babae pagkarating niya sa bahay ko dito sa London. Ginulo niya pa ang nananahimik kong araw at pinatuloy ko pa siya dito. Tapos ngayon, he called Arazella Fhatima using my phone!My fckng phone!He even shouted my name earlier! So she knew it was me!"Isusumbong kita kay Arthur! Sinugatan mo ang makisig kong mukha!" Duro niya pa sa akin. Masama ang tingin pero wala akong pakialam."Siraulo, samahan pa kita.""Pareho lang tayong siraulo, 'no," sagot niya pa.I am calm now. Pinanlisikan ko na lang siya ng mga mata habang tinitingnan niya sa screen ng cellphone niya ang nasugatang mukha.That's his fault. Tangina niya ayaw niya akong tigilan, eh.Naagaw ko na rin ang cellphone ko at mahigpit ko nang hawak ngayon. But I'm still breathing heavily, and my heart was racin
"Leave." I repeated, this time, dangerously. Kuyom na kuyom ang mga kamay ko habang masama ang tingin sa kaniya, pero dahil si Nnyx ito, na kilala rin ako, muling tumawa siya at sinipat ulit ang sarili habang hawak ang cellphone. "Ang usapan namin ni Graze kailangan mapilit kitang umuwi para makakuha ako ng discount sa napakamahal na hotel niya." What? "I thought you're here on a vacation?" Umiling naman siya. "Hindi, 'no. Pinauuwi ka ni Graze at 'yong inuutang daw niyang mga kotse. Saka, sabi pala ni Sancho, next time ka na lang mag-emote dito sa London, may ipapa-build ata siya sa 'yo na sasakyan niya. Ewan, ako napag-utusan na iuwi kita." About Graze, pwede ko 'yon itawag kay Joey at sa gusto ni Sancho, I will pass this time. Kung uuwi man ako, ibang kotse ang ibi-build ko. That car that I wanted to give to Arazella Fhatima. "Kakatakot ka, Leo. Ngumingiti ka bigla. Kanina lang ang sama ng mukha mo. Pa-check up ka na, fcker. Malala na 'yan." My fingers automatically touches
I took a deep breath while smiling, typing a reply. Nang mapansin ko naman ang tingin ng mga kasama ko ay inikutan ko sila ng mga mata.“I’m talking to my brother, guys.”“Wala pa nga kaming sinasabi, eh!”“Oh, siya, guys! Lunch muna tayo. Sa food court ba? O sa Avliez Restaurant?” tanong ni Crissa.“Libre mo daw ba?”Nagsipagtayuan na sila at ako naman ay naiwan at nagta-type ng mensahe.Me: Just talk about cars, kuya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin mo sa kaniya.Mukhang kadarating lang rin kasi ng kuya doon. At hindi niya talaga binanggit sa akin na pupunta siya kay Leonariz. Nagkausap naman kami kanina. Ang sinabi niya lang ay yung tungkol kay dad.Kaya naman pala.“Ikaw, Ara? Huwag ka nang tumanggi, ha!”Napatingin naman ako kay Crissa. Naglalakad na kami palabas ng library.“Libre ko na! Minsan lang ako manlibre,” she said.Nakatanggap na rin ako ng message kay Leonariz and he said that my brother was in his house right now oo at siya nga daw ang nag-invite. Ayaw daw talagang ip
Akala ko rin talaga iilan lang yung sasang-ayon dito sa outreach, kasi syempre mas gusto ng iba na mag-party, kaya nakakatuwa kasi halos lahat sa department naman ay supportive at excited.“That’s nice,” sagot ko pa sa kanila."True! Akalain mo rin ang laki ng budget, 'no? Saka for sure, may mga magbibigay pa niyan sa last minute," sabi ni Via."Kaya nga, asahan mo na talaga. Generous ang mga nasa department, lalo na ang mga parents. Yung mom ko nga, nung malaman, sinabi niya na ipaalala ko daw bukas para makapag-prepare siya ng food," sabi ni Trina, may catering services kasi ang mommy niya."Yay! Nakakatuwa naman!"At habang pinag-uusapan pa rin namin ang schedule, tinanong nila kung ayos lang ba sa akin ang mga proposed dates. Mamaya raw, pagkatapos mabigyan ng approval ng mga ‘yon ni Dean at ni Prof. Nolaso—ang CE prof namin na isa sa mga kausap dito—ay ipo-post na ito sa FB group ng department para sa official announcement at ise-send rin sa group chat para malaman ng lahat. Haha
“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
Kasalanan ko naman ‘to. Hindi talaga magiging madali para kay Lander na tanggapin ang nangyari sa relasyon namin. Pero isa sa mga inisip ko talaga dati, magagalit siya ng sobra which is nangyari naman… pero hindi ko akalain na sandaling galit lang tapos ito at pipilitin niya pa ring ayusin at ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya.Wala naman akong magagawa talaga, hindi madaling mag-move on o makalimot dahil kahit ako sa sarili ko ay bigo ako nagawa ‘yon, nauunawaan ko pa rin siya. He is also acting this way because I made him feel that I’m deeply in love with him.Pero ito nga… umalis na siya. Sana hinintay niya muna akong magsabi ng lahat. Hindi, eh. Parang sa tuwing magkikita kami, ang gusto lang niyang sabihin ay saloobin niya, hindi niya ako pinagsasalita ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa kaniya.At hindi mo nga siya masisisi doon, Ara.“Ma’am, binayaran na po ni sir yung order ninyo.”Napaangat ang tingin ko sa waiter nang marinig ang sinabi nito. I was asking for t
"Hindi naman sa ganoon, Lander. I'm sorry, ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo."Naibaba ko sandali ang tingin ko."Ara...""I'm sorry, I'm really sorry. I don't know if I made you feel enough how much I regret everything."Ganoon naman kasi dapat—ako yung nanakit, at hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ng matagal. It's just that, every time I saw him, I was reminded of all the mistakes I made. It made me face how I hurt a good person.But even with all that, I was selfish. Dahil gusto mo na makausap rin si Lander para tuluyan ka nang maging masaya kasama si Leonariz.Ang makasarili mo pa rin, Arazella. "Maybe I was too confident that you love me, Ara. Siguro nga... baka nagkulang ako sa ibang bagay dahil rin sa pagiging busy ko--"Nag-isang linya ang mga kilay ko doon at umiling ako sa kaniya."No. You were not always busy before, Lander. Inihahatid at sundo mo nga ako sa bahay kahit galing kang university at pagod sa maghapon na pagtuturo. Hindi... wala sa 'yo ang problema
Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Lander, hindi magiging madali pero tatanggapin ko lahat ng kung ano man ang maririnig ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, habang narito ako at nakaupo Atrium, naghihintay sa kaniya ay tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Naalala ko ang galit na galit na si Lander na nakaharap ko sa bahay noon, na pumipilit rin sa akin sabihin kung sino ang lalaking nagustuhan ko.I don't want to see that side of him anymore, pero sino ako para pigilan rin siya sa magiging galit niya pag nalaman niya ang totoo?Napalalim ang paghinga ko at kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ko na nag-vibrate 'yon. Nakita ko ang mensahe sa akin ng kuya.Kuya Ariston: Nasaan ka? Bawal muna kayong lumabas ni Leo. Sinasabi ko sa 'yo, Ara. Ipaliwanag mo muna kay dad ang lahat.Ang kuya talaga, sinabihan ko na nga siya na hindi talaga muna, aayusin ko muna ang lahat hindi ko rin naman kaya na habang magkasama kami ni Leonariz, nasa isipan ko na maaari kaming mahu
Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-
Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non